The Willing Captive 1

Wearing his tracksuit and equipped with his ipod, binaybay ni Richard ang daan patungong clubhouse . Nakasanayan na kasi niyang mag jogging kahit tatlong beses sa isang liggo pag di gaanong busy, and this day is one of those days. Maalaga sa katawan si Richard, kaya kahit 38 years old na, di ito halata sa kanya.

Pagdating sa clubhouse, nanatili siya doon sandali at nagstretching bago tumakbo ulit pauwi sa bahay. Minsan inaabot siya ng isang oras para lang sa jogging, bukod kasi sa pagiging conscious sa pangangatawan, kailangan din niya ito sa trabaho niya. Richard Lim is a famous celebrity and businessman. Galing sa pamilya ng mga sikat na artista, his parents were famous celebrities during their time too. Kung siya ang tatanungin, namana niya ang trabaho niya from his parents who introduced him to the limelight at the very young age of six. Now, his parents are living abroad, enjoying their golden years traveling here and there. And being an only child, Richard is now living alone in their old  mansion. It’s been years since they have gone off so he’s very much used to living independently.

Richard is already at the gate when he saw Liza’s car heading towards his home. Richard stop and waited for her to pull over and alight from her car.

“Hello Chard, good morning!”

Liza greeted him with a smile plastered in her face. Looking at her this happy in the morning tells him that something good is about to unfold. Liza is Richard’s manger, friend, and confidante. Aside from his few male friends, si Liza lang ang bukod tanging babae na naging malapit sa kanya.

“Hi Liza, ang aga mo ata. I thought mamaya pa 10:00 a.m ang schedule ko?”

“Yeah alam ko, but Mr. Santos called up. Gusto niya makipag-meeting this morning that’s why I came early.”

Liza ang Richard entered the house and headed to the dining area. As soon as he gets there, Manang Fe, his most trusted house help  handed him a towel.

“Ricardo ihahanda ko na ba ang mesa?”

“Sige Manang Fe paki -prepare na po. Meron daw kasi kaming meeting ng maaga.”

“Ah sige, sandali lang.”

The elderly woman left them and goes to the kitchen.

“Liza, join me for breakfast?”

“Okay, di na rin ako nakapag-almusal kasi nagmamadali akong umalis ng bahay at baka ma-traffic ako.”

Minutes later, they are eating their  breakfast while they talk about Mr.Santos’ call to Liza earlier.

……………………………………

 

 

 

Maagang-maaga pa pero madami ng tao sa loob ng munting karendirya ng mga Dela Rosa. Kaliwa’t kanan ang mga order kaya kahit pagod na sa pagluluto ay di parin magawang magpahinga ni Maya. Kasama ng kanyang nanay, ay pilit nilang itinataguyod ang munting negosyo para mabuhay silang tatlo at para sa gamot ng lola niyang diabetic. Di nagawang maghanap pa ng trabaho sa ibang bayan ni Maya dahil sa nag-aalangan siyang iiwan ang mga ito, lalo pa’t matanda na rin ang kanyang lola at wala ng ibang tutulong sa nanay niya para itaguyod ang karendirya, kaya nagdesisyon siyang manatili na lang sa San Nicholas.

Mag-aalas nuwebe na ng umaga nang sa wakas ay naka-upo na rin at nakapag-pahinga sandali sina Maya at ang Nanay Teresita. At habang wala pang kustomer na pumapasok, kumain na sila ng agahan nila bago pa sila ulit maging busy sa pag-entertain ng mga kustomer pagdating ng tanghalian.

“Nak, magpahinga ka muna. Kanina ka pang madaling-araw gising. Alam kong pagod ka na.”

Nanay Teresita said to Maya who is sitting across her on the table. She knows that her daughter would not approve of what she’s going to say but she silently hope that she will hear her out. Everytime nakikita niya itong pagod pero tuloy parin sa pagta-trabaho, di maiwasan niyang ma-guilty. At this point of her life, Maya should have been working on a reputable company. Sa talino at galing ng anak niya, alam niyang malayo pa sana ang mararating nito but pinili parin ni Maya na manatili sa kanilang bayan at tulungan siya sa kanilang negosyo dahil nag-aalala ito sa kanilang dalawa ng nanay niya.

“Nanay, okay lang po ako..ikaw yung dapat nagpapahinga kasi alam kong pagod ka na. Huwag mo akong alalahanin kasi matibay to, di basta-bastang napapagod.”

“Nak, di ka robot na di napapagod. Buti nga ako at nagpapahinga ng ilang oras sa hapon, pero ikaw mula madaling-araw hanggang sa pagsasara ng karendirya gising ka pa. Nak, di naman masama kung paminsan-minsan magpapahinga ka. Lumabas ka kaya kasama ng mga kaibigan mo. Sina Doris at Sabel, tawagan mo.. gumala kayo para naman marelax ka kahit minsan lang.”

“Nay busy yong dalawa. Si Doris nagsimula ng pumasok sa kabubukas lang na Spa dun sa bayan, si Sabel naman may pasok din sa restaurant . Tsaka, di rin ako mapapakali kasi ikaw lang mag-isa dito. Di nga natin kinakaya minsan na dalawa tayo yun pa kayang ikaw lang mag-isa dito? ”

“Kasi naman …”

“Nanay! Huwag na makulit ha”

Maya reach out and cover his mother’s mouth to prevent her from talking again.

“Ayan..kumain na tayo kasi maya-maya dadating na naman yong mga kustomer natin di na naman natin mauubos ang pagkain natin.”

Tanging buntong-hininga na lang ang naisagot ng nanay niya. Alam kasi nitong kahit anong gawing pagpipilit nito sa kanya di parin siya mananalo kaya di na lang ito nagpupumilit pa.

Gaya ng nakasanayan na nila, si Maya ang buong araw na tumao sa karendirya. Siya na din ang nagsarado nito pagdating ng gabi. Di rin kasi siya pumapayag na sinasamahan siya ng nanay niya pagdating ng hapon kasi gusto nitong magpahinga ang nanay niya o di kaya asikasuhin ang lola niya na nasa  bahay nila nagpapahinga. Simula kasi nung naging mahina na ang pangangatawan nito, di na nila pinapayagan na tumulong kaya lagi na lang itong nakatambay sa loob ng bahay na nasa tabi lang ng karendirya nila.

Habang kumakain ng hapunan may naisip  si Maya na paraan kung paano pa madagdagan ang kita nila para pambili ng gamot ng lola niya. Nang marinig ito ng nanay niya, labis itong nabahala dahil isa lang ang ibig sabihin nito, mas lalo lang mahihirapan si Maya.

“Nay sayang din kasi..tsaka napapansin ko madaming mga estudyante na pumapasok dito naghahanap ng mabibili na  meryenda.”

“Kasi Maya mas lalo kang mapapagod niyan sa iniisip mo. Pumapayag na nga ako na ikaw na lang ang andito pag hapon na kasi nagbabantay ka na lang at di na nagluluto tapos ngayon magluluto ka na naman ng banana cue?”

“Madali lang naman yon nay, di yan mahirap..ako pa?Kaya ko yan. Sayang lang kasi, dagdag na kita din yan para sa pang maintenance ni Mamang.”

“Apo, pasensiya ka na ha. Dahil sa akin nahihirapan kayo ng nanay mo. Di ko pa kayo matulungan.”

Di maiwasan ng matanda na ma-guilty ng marinig ang dahilan ni Maya. Wala naman siyang magawa kasi di na siya gaanong nakakakilos dahil malabo na ang paningin nito dulot ng sobrang taas ng sugar count . Isang dahilan pa kung bakit gusto ni Maya na maka-ipon ay para mapa-laser surgery na ang mga mata ng lola niya at ng di na ito mahirapan pa.

“Ay naku, mamang..nanay..huwag na kayong mag-alala sa akin,okay? Kaya ko to..kaya natin to!”

Smiling at them to assure them that everything will be fine.

Just as what she planned, tuwing hapon nagluluto si Maya ng Banana cue, Maruya, at iba pang lutong saging para sa mga kustomers nila. Di nga siya nagkamali, naging patok din ito at laging ubos ang paninda niya kaya sobrang saya ni Maya. Dahil sa bagong gimik ni Maya, binigyan pa siya ng nakakatuwang pangalan ng iba ,Maya Banana. Dahil dun mas lalo pang naging sikat si Maya di lang sa mga matatanda kundi pati narin sa mga masugid na estudyanteng kustomer na bumibili ng saging sa kanya tuwing hapon.

Isang araw na naman ang dumating, katulad ng laging ginagawa nina Maya, nasa karendirya na naman silang dalawa ng nanay niya.  Buti na lang at Linggo, di gaanong maraming tao na dumadating kasi walang pasok. Habang kumakain ang mag-ina ng agahan ay nagpaalam si Maya sa nanay niya.

“Nay, mamayang hapon pala pwedeng ikaw na muna ang magbantay dito?”

“Oo naman nak. Mabuti naman at naisipan mong magpahinga?Linggo naman ngayon, bakit di ka muna pumasyal kasama ng mga kaibigan mo?”

“Hindi po Nay, pupuntahan ko lang si Aling Ising para sabihang oorder pa ako ng maraming saging kasi dadagdagan ko yung lulutuin ko bukas. Paubos na kasi yung naka-stock ko diyan, huling batch na lang ng saging yan na lulutuin ko mamaya. Kahapon ko pa kasi siya inaabangan na magdeliver pero di dumaan.”

“Ah sige walang problema.Huwag kang mag-alala di naman masyadong maraming tao dito pag ganitong walang pasok kasi kadalasan nasa bahay lang naman sila. Kung gusto mo gumala okay lang din sa akin.”

“Salamat Nay , mamaya pagkatapos kung lutuin ang mga natirang saging aalis na ako.”

“Walang anuman..pero kung pumunta ka doon siguraduhin mong di ka maglalakad at malayo yon, at ito..tandaan mo to ha. Huwag na huwag kang dumaan sa gubat. Baka maisipan mo na namang kumuha ng kahoy sa gubat, delikado yon kaya please lang nak, makinig ka. Nung isang araw may narinig akong balita tungkol sa mga rebeldeng namataan doon.”

“Opo nay, huwag kang mag-alala di ako gagawi dun.”

Gaya ng pinagkasunduan nina Maya at ng nanay niya, pagkatapos magluto ni Maya nagbihis na ito. Habang naglalakad ay naisipan ni Maya na dumaan sa bahay ng kaibigan niyang si Doris, nagbabakasakaling andun ito at magpapasama siya para naman makumusta din ang matalik na kaibigan . Nasa tapat ng bahay na siya nina Doris ng makita ang tatay nito na nakadungaw sa may bintana.

“Magandang araw po tay.”

“Oh Maya, ikaw pala. Hinahanap mo ba si Doris?”

“Opo, andiyan po ba siya?”

“Naku Maya, kanina pang umaga yon umalis. Ewan ko ba kung saan yon pupunta at mukhang kiti-kiti na di ko maintindihan. Bigla na lang nagmamadaling bumaba at pupunta daw ng ilog.”

Nagtaka si Maya kung anong meron sa may ilog at nagpunta ang kaibigan doon. At dahil wala naman si Doris doon ay naisipan ni Maya na si Sabel na lang ang puntahan.

“Sige po tay, alis na ako. Si Sabel na lang po ang pupuntahan ko.”

“Naku Maya, magkasama ang dalawa. Ang ingay nga ni Sabel kanina eh, tinatawag si Doris at minamadali sa pagbaba.”

“Ay ganun po ba..sige tay..alis na lang ako..pupuntahan ko pa kasi si Aling Ising eh.”

“Sige Maya, ikumusta mo na lang ako sa nanay at lola mo.”

“Sige po tay, makakarating po.”

Umalis na si Maya at pinuntahan si Aling Ising. Naghanap ng tricyle para masakyan pero lahat ng dumadaan ay lagi na lang puno kaya naisipan na lang niyang maglakad na muna, sa isip niya bawas pamasahe din yon at parang ehersisyo na rin. Malayo-layo na rin ang inilakbay ni Maya ng mapansin na halos lahat ata ng tao na nakakasalubong niya ay iisa ang pinag-uusapan ang tungkol sa ilog. Di naman niya magawang maki-usi kasi nagmamadali siya na makauwi kaagad at nag-aalala sa nanay niyang mag-isang naiwan sa karendirya. Ilang minuto ang nakaraan ay narating din ni Maya ang tahanan ni Aling Ising. Sa malawak na bakuran ay makikita mo na ang mga puno ng saging kung saan nanggagaling ang ikinabubuhay ng pamilya nina Aling Ising. Medyo malayo sa ibang kabahayan ang kinatitirikan ng bahay ng pamilya ni Aling Ising, nadaanan na nga ni Maya ang bukana patungong  gubat ng San Nicholas.

Matapos na makausap ang matanda tungkol sa order nitong saging ay umalis na din si Maya. Pabalik na si Maya ng maisipang dumaan sa shortcut papuntang ilog, nagbabakasakaling makita ang mga kaibigan at para malaman din kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao doon. Huminto si Maya sandali ng may makitang umpok ng mga kahoy. Naisip niya kaagad na magbitbit kahit isang malaking kahoy lang, sayang din kasi at magagamit niya sa pagluluto kinabukasan. Habang namimili ng kahoy na kaya niyang dalhin pauwi..

“Ayyyy!!”

Nagulat si Maya ng biglang may  bumangga sa kanya, paglingon niya isang lalaki ang nakita niya. Nakasuot ito ng itim na hoodie, dark shades, pantalon at pam shoes. May nakita din si Maya na backpack na dala ng lalaki sa likod nito. Di niya maiwasang matakot ng makita ang lalaki kasi di niya matitigan ang mukhan ng lalaki dahil sa suot nitong shades . Nang makita ni Maya na papalayo na ito ay binalikan niya ang pinupulot niyang kahoy kanina, nang di niya inasahang ang pagbalik ng lalaki at huminto sa harap niya.

“Miss, saan pwede dumaan?”

Tanong nito sa kanya. Halatang nagmamadali.

“Po?”

“Daan..bilis!”

“Doon po!”

Tinuro ni Maya ang dinaanan niya kanina.

“Madami bang dumadaan doon?”

“Opo!”

“Shortcut, sa highway asan?”

Biglang napaisip si Maya, nang di agad siya nakasagot agad siya nitong hinila.

“Teka saan mo ako dadalhin?”

“Show me kung saan ang daan. Bilis!”

Habang hila-hila ay narinig ni Maya na may mga boses ng mga tao sa di kalayuan.

“Shit!..Miss, bilis!!”

Dahil sa nataranta narin si Maya at naalala ang sinabi ng ina, inihagis na niya ang kahoy na pinulot niya  kanina, tumakbo na rin siya kasunod ng lalaking humihila sa kanya.

44 Comments (+add yours?)

  1. dhinezkie20
    Dec 27, 2015 @ 16:44:12

    hello pwd po ba hingi ng PW ng mr. chinito part22(epilogue).thnx po dhinezkie20@yahoo.com

    Reply

  2. binky
    Jul 23, 2013 @ 13:11:57

    hi looking forward of the next chapter please…

    Reply

  3. charmtaz24
    Jul 23, 2013 @ 10:32:23

    ang saging! bow!

    Reply

  4. felcarnelle2008
    Jul 23, 2013 @ 07:56:38

    wowwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww, i’m alive, awake, alert enthusiastic🙂 Richard Lim as an actor and businessman – hmmmmmm interesting – na late ng comment dahil na late din ng sugod – better late than never
    🙂

    Reply

  5. binky
    Jul 23, 2013 @ 01:56:38

    thanks…

    Reply

  6. Nanette
    Jul 23, 2013 @ 01:20:21

    Oi tnx ms. Con meron na ulit.
    Sumilip ako kanina dito wala pa buti nalang ang bait ng isang katribu pinost agad sa fb.
    Peng labas ka na sa cave mo. Baka naparami ka na ng imbak na saging nagcave in na :)))

    Reply

    • felcarnelle2008
      Jul 23, 2013 @ 07:57:52

      naiwala ko ang key sa cave ko kaya nahirapan akong lumabas hehehe, un pala tinangay ng willing captive – sino ang willing captive kaya? c Richard or c Maya? abangan ang susunod na kabanata – kapit bisig mga minions

      Reply

  7. chen
    Jul 22, 2013 @ 22:32:57

    nice one.,title palang panalo na.,🙂
    thanks Ms. Nyle..for the new story.,keep it coming🙂😉

    Reply

  8. Eden dela cruz
    Jul 22, 2013 @ 22:03:58

    New twist na naman.. Next episode pls.

    Reply

  9. Jen Reyes
    Jul 22, 2013 @ 21:06:16

    Haha! Na i relate talaga ang saging sa story. Gusto ko yung maya banana. Haha

    Reply

  10. Jenny
    Jul 22, 2013 @ 20:51:08

    May bago na naman akong susubaybayan! Ang saya ko!🙂

    Reply

  11. teamSIMON
    Jul 22, 2013 @ 20:38:44

    Yes!!! May bago na naman tayong kababaliwan;) haha.. Pero ito prang suspense action ata.. Haa.. Mother thank you!!! Ilang araw ka lang namahinga meron na nman kming vitamin k… Hehe…

    Reply

  12. rbb
    Jul 22, 2013 @ 20:24:19

    Salamat new story.

    Reply

  13. misschuchy
    Jul 22, 2013 @ 20:16:55

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  14. sexypurang
    Jul 22, 2013 @ 19:28:01

    Sana bukas meron ng kasunod eh sensya na miss con ,adik lang

    Reply

  15. catez
    Jul 22, 2013 @ 19:24:08

    waaah bagong aabangan na naman namin at siguradong maraming vit. k ito……..tuwang tuwa ang mga minions…………….thanks mama minion……..[^_^]

    Reply

  16. gianni
    Jul 22, 2013 @ 18:56:39

    yaaaay!! may panibago na naman akong kababaliwan hahaha!!! si richards siguro yung lalaki..magsoshooting sa tabing ilog…kaswerting maya banana :d

    Reply

  17. Azxeil
    Jul 22, 2013 @ 18:46:56

    Yes, may bago nnaman kaming aabangan at pagpupuyatan…umpisa pa lang bida na agad ang mahiwagang saging!!! ahahhaha…thanks mother🙂

    Reply

  18. Alpha
    Jul 22, 2013 @ 18:00:50

    Wow may bago na! Salamat Ms.Con. Thriller-Suspense po ba ito? Excited for this new ff. Hanggang sa muling pagsasama..

    Reply

    • felcarnelle2008
      Jul 23, 2013 @ 08:02:26

      sis Grace, thriller-suspense-action-horror-fantasy-sci fi- at may kaabang abang na *** alam niyo na kung ano yan, hahaha, jowk🙂 ito ang nagawa ng huling mag comment – naging baliw

      Reply

  19. sexypurang
    Jul 22, 2013 @ 17:44:46

    Weee nakapasok din sa site na ito,mukhang exciting eto hehehe at talagang kinareer ang saging hehehe,next chapter pulease

    Reply

  20. frances
    Jul 22, 2013 @ 17:33:30

    yes! may bago n kmeng aabangan! Thank you ms con! na miss ka namen!🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: