The Willing Captive 6

“Anong ibig mong sabihin?”

Bewildered with his reaction earlier, Maya look at Richard with narrow eyes.

“Umm I mean..kasi di ba, ako ang reason kung bakit ka andito ngayon..I just felt that you are my responsibility especially after what happened to you . Ang besides, I promise you that I will pay you once we get out .”

Maya’s expression soften, Richard could only sigh in relief.

“Buti alam mo!”

“So ano na, aalis na tayo mamaya?”

“Sige. Antayin na lang natin muna si Simon.”

“Okay…Maya, punta muna ako sandali dun sa nadaanan nating talon kahapon, nangangati ako. Get ready para pagbalik ko mamaya aalis na tayo.”

“Arte mo talaga! Sige na. Hintayin ko na lang si Simon dito. Huwag kang magtatagal!”

Tumalikod na si Richard at naglakad na papunta sa direksyon kung saan ang talon. Naiwan si Maya na nag-iisa sa kubo ni Simon. Di naman nagtagal ay dumating na si Simon na may dalang mga gulay at Mayana para kay Maya.

“Maya ito na mga dahon oh. Tanggalin mo na yang nasa paa mo at palitan mo nito.”

Simon handed the fresh Mayana leaves to Maya. Pumasok muna si Simon sa loob para ilagay sa mesa ang dalang mga gulay saka siya tumabi kay Maya para tulungan siya sa mga dahon na bitbit niya.

“Asan na ang boyfriend mo?”

“Boyfriend? Sinong boyfriend?”

“Si Richard sino pa ba?”

“Baliw! Paano ko yun magiging boyfriend?Andun sa talon at maliligo daw siya kasi nangangati. Umaarte lang yon!”

Maya and Simon both laugh.

“Eh kasi sabi niya kahapon pagdating niya girlfriend ka raw niya.”

“Sabi niya lang yon sa’yo kasi siguro para di ka magtaka kung ano ang ginagawa namin dito at  siguro kasi di naman niya alam na magkakilala tayo. .. At saka, paano ko yun magiging boyfriend eh artista yon!”

“Artista si Richard?”

“Oo! Di mo ba alam?”

“Hindi eh!”

“Seryoso ka?”

“Oo! Pramis di ko alam!”

Nagtaka si Maya kung bakit pero nang maalala niya ang estado ni Simon, naintindihan narin niya. Bigla tuloy naawa si Maya sa kanya. Pareho man silang mahirap, di mapagkakaila na lamang ng konti ang kalagayan nina Maya kumpara sa kaibigan niya. Di nga alam ni Maya kung alam pa ni Simon ang mga nangyayari sa labas ng gubat.

“Simon, bakit nga pala kahit mag-isa ka lang dito nagtitiis ka parin dito sa loob ng gubat?”

Simon smile at Maya. It’s one of those smiles that can warm a heart. Alam mong totoo at nasasalamin kung anong nasa loob ng isang tao.

“Kasi nasanay na ako dito. Tahimik..tsaka alam mo naman ang dahilan kung bakit kami napunta dito diba? Sinubukan ko rin noon na humanap ng matitirhan sa labas pero di ko kaya ang upa ng bahay tapos dami pang ibang babayaran. Sinubukan ko ring pumunta sa mansyon para tulungan si tatay sa pagbabantay doon pero di ako makatulog. Nakakatakot! Wala atang oras na di tumataas ang balahibo ko dun.”

“Ganun ba..pero kung sakaling may mag-offer sa’yo na doon na titira sa labas papayag ka?”

“Titingnan ko…,may mga hayop na din kasi akong inaalagaan dito. Sayang naman kasi nabebenta ko din to doon sa labas.”

“Buti na-mention mo ang tungkol sa labasan, bago ko makalimutan pala..malapit na lang ba dito ang labasan? Kasi plano naming umuwi na ngayon eh.”

“Malapit na din.Siguro mga isang oras na lang ang lalakarin, depende kung saan ang gusto ninyong daan. Pero ang pinakamalapit mga isang oras na lang. ”

“Pwede mo ba kaming ihatid mamaya para sigurado kaming makakalabas na talaga ngayon? Ang hirap kasi kapag pareho kaming walang alam kung saan pupunta. ”

“Walang problema. Teka bakit ba kayo napunta dito?”

Kinuwento ni Maya ang lahat ng pangyayari mula nung pag-alis niya ng bahay hanggang sa noong nagkita na sila ni Richard. Di rin nakalimutan ni Maya ang kwento kung bakit na-sprain siya kaya tawa ng tawa si Simon. Di naman namalayan nina Simon at Maya na pabalik na si Richard galing sa talon at nakita silang masayang nag-uusap sa labas ng kubo. Alam ni Richard wala siyang dapat ireklamo at lalong-lalo na mainggit pero everytime nakikita niyang ngumingiti at mabait si Maya kay Simon lagi niyang nasasabi sa sarili niya na sana ganun din si Maya sa kanya. Sa tuwing naguusap kasi silang dalawa ni Maya parang lagi na lang silang nagpapataasan ng boses, pero naintindihan naman niya kasi kasalanan din naman niya kung bakit mainit ang ulo ni Maya sa kanya.

“Andito kana pala. ”

Nakangiting sabi ni Simon kay Richard ng makalapit na siya sa kanila. Alam naman niyang walang ginawang masama si Simon sa kanila pero nahihirapan siyang suklian ang mga ngiting yon.

“Yung damit mo pala nasa sampayan, tingnan ko muna kung tuyo na para may pamalit ka.”

Iniwan sila ni Simon at nagpunta sa likod ng bahay.

“Did you talk to him?”

“Oo, ihahatid daw niya tayo mamaya para di na tayo mawala. Mamaya pagkatapos nating kumain ng pananghalian aalis na tayo. Sabi niya mga isang oras na lang daw mararating na natin yung pinakamalapit na daan para makalabas na tayo sa gubat.”

“Good..sige puntahan ko muna si Simon para makapagbihis na ako.”

Tumango si Maya at iniwan na ulit siya ni Richard at nagpunta sa likod ng kubo.

 

 

 

 

 

“Hello Tita? Wala pa po eh. The police are trying their best po para mahanap si Richard…yes po, I’ll call you as soon as may lead na. Huwag na po kayo masyadong mag-alala ako na ang bahala dito. Sige po, bye.”

Liza hang-up and return her mobile phone in her pocket. She’s been worried for Richard’s whereabouts for almost three days now and still wala pa silang lead kung saan nagpunta si Richard. Local resident’s claim that they spotted rebels running after someone that looked like Richard, added to her worries. For the first time since she started handling him, ngayon pa lang siya binigyan ng sakit ng ulo ni Richard. The network in which Richard was under contract with already helped her. The big bosses already  get involved by contacting high officials in the AFP yesterday just to help in the search and rescue operation for fear that Richard was abducted by the rebels in the area.

Richard asan ka na..

Liza kept on repeating this  a hundred times already and she felt so useless knowing that she doesn’t have the slightest idea of what happened to him or why this has to happen.

 

 

 

 

“After nating kumain aalis na tayo.”
“Oo, mas mabuti ng maaga tayo para di tayo abutan ng ulan.”
Magkakasama sa maliit na mesa sina Richard, Maya, at Simon, kumakain ng pananghalian. Nagkukwentuhan sina Maya at Simon habang kumakain habang si Richard naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. In the middle of eating their lunch, nang biglang napahinto si Simon sa pagsubo ng pagkain.
“Maya!”
“hmmm?”
“Sa kwarto, dali!”
Nagulat si Richard at Maya kay Simon.
“Loko ka ah!”
Sigaw ni Richard sabay tayo para sana suntukin si Simon. Buong akala kasi nito na nambabastos si Simon kay Maya.
“Shhh dali, may mga rebeldeng papunta dito!”
Nakaupo paharap sa bintana si Simon kaya nakita niya kaagad ang lalaking may dalang baril na nakasuot ng fatigue uniform. Agad siyang tumayo at nagpunta sa maliit na kwarto niya. Nataranta tuloy sina Maya at Richard. Tinulungan naman ni Richard si Maya na maglakad papuntang kwarto, pagpasok nilang dalawa ay nakatagilid na ang maliit na kama habang nakabukas na ang sahig.
“Ano yan?”
“Huwag ka na magtanong. Brod, ikaw ang mauna, pasensya na at masikip yan kasi pang isang tao lang yan eh, tiisin nyo na lang muna. Huwag kayong maingay ha. Delikado kung makikita kayo ng mga rebelde.”

Naunang bumaba si Richard at inalalayan ni Simon si Maya ng ito na ang bumaba. Dahil masikip ang butas ay kailangan nilang umupo na nakayakap sa kanilang tuhod at nakaharap sa isa’t isa. Nang masigurong maayos na ang pagkakaupo sa masikip na hukay ay binalik na ni Simon ang takip na nagsisilbing sahig din ng kanyang kwarto at inayos din ang kama para di mahalata. Dali-dali nitong binalikan ang mesa at niligpit ang pinggan  nila para di mahalata na meron siyang kasama sa bahay. Sakto namang kumatok ang isang lalaki sa kanyang pintuan.
“Simon!”
na nag-antay pa si Simon na muli siyang tawagin at binuksan kaagad ang pinto niya. Trying his best to hide his nervousness he greeted the man standing at his doorstep, few of the men who are with him are already scattered outside.
“Manong..”
“May napansin ka bang lalaki dito na dumaan noong isang araw?May hinahabol kami kaso nakawala. Noong isang araw pa namin yon hinahanap.”
Pumasok na ang lalaki at iginala ang kanyang paningin sa loob ng kubo ni Simon. Napansin din nito ang mesa na may naiwang pang pinggan ng ulam at kanin na di na naligpit ni Simon sa sobrang pagmamadali.
“May kasama ka dito?”
“Po? Wa-wala po. .bakit mo naitanong?”
“Bakit andami yata ng kanin at ulam ?”
“Ahh yan..kasi ina-antay ko din si tatay, sabi niya kasi dadalaw daw siya at dito kakain kaya dinamihan ko na ang paghahanda.”
Pumasok ang rebelde sa loob ng kwarto ni Simon. Nakita nina Richard at Maya sa maliit na butas  ng sahig kaya grabe ang kaba na naramdaman ng dalawa. Richard has to put his index finger to his lips to remind Maya to remain silent kung ayaw nilang mabisto sila. Nang huminto ang lalaki sa tapat ng kama ay napapikit na lang ng mata si Maya at sandaling huminto sa paghinga sa sobrang kaba niya. Richard hold her and let her head rest on his chest protectively. Maya could hear his heartbeat and heavy breathing.They are both nervous at the same time worried for their safety.
“Sigurado ka wala kang kasama dito?”

Richard and Maya heard the man ask Simon. Sumilip ng konti si Richard sa maliit na butas at nakita nito ang lalaki na may dalang baril, nang iginalaw ni Maya ang kanyang ulo para sumilip din ay pingilan siya ni Richard at ibinalik sa dating posisyon ang ulo ni Maya para di nito makita ang lalaki, natatakot kasi ito at baka matakot si Maya at mag-iingay.Nang lumabas na ang lalaki ay tanging boses na lang nito habang nakikipag-usap kay Simon ang tanging palatandaan nila na naroon pa ito sa labas. Narinig din nila ang ingay na nagmumula sa mga pinggan at kaldero, giving hint that the rebel are feasting unto their food outside. This tells them further na di pa tapos ang kanilang pagtitiis and they have to stay where they are for the next minutes, or worst, hours.

“Okay ka lang?”

Richard ask Maya in a whisper, nilapit nito ang kanyang bibig sa tenga ni Maya. She nodded in reply to him. Sa sobrang sikip at liit ng hukay na pinagtataguan nina Maya at Richard at sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa di maiwasan na  pareho  silang pinagpapawisan sa init. Richard wipes his brow and fan himself using his hands while Maya tried to get hold of her hair para kahit konti ay maibsan ang init. Dahil nakita ni Richard na nahihirapan si Maya na gumalaw ay siya na mismo ang nagkusang hawakan ang buhok ni Maya. His action makes Maya uncomfortable especially that by doing it, he only draws her closer to him. Getting uncomfortable with their situation, Maya keeps looking above them, silently praying na umalis na sana ang mga rebelde at nang maka-alis na din sila doon.  Ilang sandali ang lumipas, tumahimik na ang paligid.

“Andiyan pa kaya sila?”
“>Richard whispered closely.
“Di ko alam, tahimik na eh.”
When Maya answer him, she didn’t notice how close they are until now. Bigla silang natigilan. Maya-maya ay  naramdaman na lang ni Maya na unti-unting lumalapit ang mukha ni Richard sa kanya, walang ibang magawa si Maya kundi ang ipikit ang kanyang mga mata, she could feel his breath on her cheek now as Richard slightly shift his head. Richard is getting closer on kissing her but upon realizing what he is about to do, he stop, afraid of what his action may bring to them. He knows that if he do it baka ito lang ang dahilan na mamiligro silang dalawa. He can’t be too impulsive right now. He needs to think straight or their life will both be endanger. Whatever it is, he needs to set it aside and stop. Maya, is unexpectedly waiting. Wala sa tamang katinuan, the moment she sense it coming she thought na di na ito mapipigilan pa, di na nakapag-isip at nadala sa pangyayari.

“Pasensiya na, nawala sa isip ko na baka magawi dito ang mga rebelde.”
Biglang bumukas ang takip na kahoy, bagay na ikinagulat ni Maya at Richard. Sa sobrang gulat ni Maya ay napatayo ito nakalimutan na may pilay pala ang kanyang paa at dahilan para din mabunggo ang ulo niya sa kahoy na hawak ni Simon.
“Awww!”
“Maya! Okay ka lang?”
“Are you okay?”
Nag-aalalang tanong ni Richard at Simon kay Maya.
“whoooh! oo..okay lang ako. Wala na ba sila?”
“Wala na, kakaalis lang. Hinahanap pala nila si Richard noong isang araw pa. Buti na lang di ka nila nakita Maya kundi mas magpupursige pa yon sa paghahanap sa inyo. ”

Tinulungan ni Simon na maka-alis sa tinataguan nila sina Maya at Richard.  Pawisan sila pareho at dahil sa hiya ,di magawang tumingin ng diretso ni Maya at Richard sa isa’t-isa.

“Okay lang ba talaga kayo?”
“Yes! We’re okay!..”
“Sorry talaga..siguro mas mabuti pa umalis na tayo habang patungo pa silang norte. ”
“Mabuti pa nga. ”

Habang nagpa-plano si Simon at Richard sa kanilang lakad, nanatiling tahimik si Maya at nakikinig lang sa kanila. Pagkatapos ng nangyari kanina. Di niya alam kung ano ang iisipin. Hindi naman siya galit at di natuloy yung naputol na halik ni Richard kanina pero dahil dun ay naguguluhan si Maya. Di niya alam kung ano ang iisipin niya sa mga sandaling yon. At lalong-lalo na, naguguluhan siya kung ano ang iisipin niya kay Richard.

Naglalakad na silang tatlo. Nanatili si Maya sa tabi ni Simon at hinayaan nitong alalayan siya kesa sa lumapit siya kay Richard. In her mind, she think it would be best if she keeps a distance with him.  Tahimik naman na naglakad si Richard na nauna sa kanilang dalawa.

“Maya di pa ba sumasakit ang paa mo?”

Tanong ni Simon sa kanya na halatang nag-aalala ng makitang unti-unting mas humihina ang paglalakad ni Maya. Limping at his side.
<“Konti, kumikirot na..pwede ba tayong magpahinga sandali?”
“Naku Maya, kung gusto mong makarating tayo sa labasan ng mas maaga kailangan nating magmadali. Delikado rin kung hihnto tayo kasi di natin alam kung bumalik ang mga rebelde.Malapit naman din, di mo na talaga matitiis?”
“Sumasakit na talaga siya eh.”
“Brod..”

Tinawag ni Simon si Richard, nang marinig siya ay huminto ito sa paglalakad at nilingon sila.

“Kargahin mo na lang si Maya para mas mapabilis tayo sa paglalakad.”

“Huwag!.. Ibig kong sabihin..huwag siya..ikaw na lang Simon..”
“A-ako?!”

Nagulat si Simon sa sinabi ni Maya, napalingon tuloy ito kay Richard na parang hinihintay kung sasang-ayon ito sa sinabi ni Maya. Nang di umimik si Richard at muling naglakad ay pinasan ni Simon sa likod si Maya. Malayo-layo na rin ang kanilang nilakad ng magtanong si Simon sa kanya.

“Nag-away ba kayong dalawa?”
“Ha?.. Bakit mo nasabi?”
“Kasi parang ang tahimik ninyong dalawa. Eh, lagi naman kayong nag-aaway kaya baka..pero tahimik naman kayo doon kanina sa pinagtataguan ninyo. Maliban na  lang kung nagsabunutan kayong dalawa doon.”

Biro ni Simon kay Maya. Hinamapas tuloy ni Maya si Simon sabay tawa.

“Biro lang..pero di nga, may nangyari ba sa inyo kanina?”
“Wala noh! Ano na mang pwedeng mangyari sa amin doon eh pareho kaming kinabahan kanina at baka matuklasan ng rebelde yong pinagtataguan namin doon.”
“Kung di kayo nag-away, bakit ayaw mong magpakarga sa kanya?”
“Ha?..ahhh ehh, kasi..di ba alam mo namang artista yon? Di yon sanay na magkarga ng mabibigat, paano kung paglabas namin idemanda niya ako at pinahirapan ko siya..di ba?”
“Ganun? At dahil ako sanay ako sa mabibigat ako yung pinapahirapan mo?”
“Ay nahihirapan ka ba sa pagpasan sa akin?..Sige na mas mabuti pang ibaba mo na ako.”
“Hindi na! Okay lang noh..malapit na din naman tayo eh.”

Nagpatuloy silang maglakad habang nakapasan si Maya kay Simon at si Richard naman ay nauna ng konti sa kanila. Ilang sandali ang nakalipas ay nagpababa na si Maya at naglakad matapos na naramdaman niyang di na kumikirot ang pilay niya. Tinawag din ni Simon si Richard, giving him direction kung saan daan at liliko.

“Brod, malapit na tayo.”

Hinintay ni Richard si Maya at Simon sandali.

“Brod, salamat talaga at tinulungan mo kami ni Maya ha. Pero lulubusin ko na, pwede mo ba kaming ihatid sa hotel na tinutuluyan ko?”
“Ay ako di na ako sasama sa inyo. Sa bahay na ako kaagad, nag-aalala na sina nanay at mamang sa akin.”
“No, sumama ka muna sa akin sa hotel..i mean..kayong dalawa..ihahatid ka namin ni LIza sa inyo para naman makapagpalliwanag ako sa nanay mo. At saka di ba may usapan tayo?”

Nang maalala ang usapan ay di na tumanggi si Maya na sumama kay Richard. Kakailanganin din niya ito para mapunan ang ilang araw na di nakapagtinda sina Maya ng dahil sa kanya. Alam kasi niyang sa sobrang pag-aalala ng nanay niya at lola ay sigurado siyang di ito nakapagtinda ng ilang araw sa kakahanap sa kanya.

Ilang minuto ang makalipas ay narating na din nilang tatlo ang labas ng kagubatan. Ilang lakad pa at nasa tabing kalsada na silang tatlo naghihintay ng tricycle na masasakyan papuntang hotel. Pagdating sa hotel agad nilang nakita ang dami ng mga reporters at pulis na naghihintay ng update tungkol kay Richard. Pagbaba ni Richard ay agad naman siyang nakita ng isang reporter kaya nagkagulo na. Nang dinumog na si Richard ay saka na nakalabas ng hotel si Liza.

“Oh my! Richard! Thank God you’re here!”

Niyakap ni Liza si Richard, sa mga oras na yon agad namang inilayo ni Liza si Richard at dinala sa loob ng hotel para iiwas sa mga nag-aabang na mga reporters.
“Where have you been?”
“Mahabang kwento! ..wait saan na si..Maya?! Simon?!”

Nakita ni Richard na kinaladkad ng mga pulis si Simon at pinasok sa patrol car habang si Maya naman ay nagpupumiglas habang pilit na pinapasok din sa sasakyan. Nang makita siya ay nagsisigaw ito.

“Richard Lim! Yung pinangako mong bayad!! Walang hiya ka kahit kelan talaga !! ”

Dahil sa kasisigaw ni Maya, lahat ng atensyon ng media ay napunta sa kanya. Ang mga camera na kanina ay naka-focus kay Richard ngayon ay nasa kanya na nakatutok. Dahil sa narinig nila itong himihingi ng bayad di maiwasan na pagmulan ito ng bulong-bulongan. Ang mga naki-usyosong tao ay iisa lang ang iniisip.

“Ano yon? Bakit humihingi ng bayad?”
“Pokpok?”

Nang marining ni Liza ay agad niyang binalingan si Richard.

“Richard Lim?!”

14 Comments (+add yours?)

  1. janinatrisha
    Aug 09, 2013 @ 13:43:33

    Reblogged this on janinatrisha.

    Reply

  2. felcarnelle2008
    Jul 31, 2013 @ 17:37:52

    bakit ang tahimik dito? anyare? hindi ko naman binitbit ang enegy ng mga minions ah? bakittttttttttttt? pati ba kau natakot sa mga rebelde at kayo’y nagsi-tahimik?

    Reply

  3. teamSIMON
    Jul 30, 2013 @ 06:46:49

    Thank you ms. Con;) simula na ulit ng pagkabusy ko sa totoong buhay.. Hehehe.. Maraming salamat sa update;) sa mga sisters ko dito, have a good day to y’all;) miss ko na chikahan natin…;)

    Reply

  4. Nanette
    Jul 30, 2013 @ 02:33:47

    Hi con! late na comment ko medyo busy lang sa true life…
    Di ka nalang pang romcom, pang aksyon pa!
    Next ba ulit :))
    Okay ka na?

    Reply

  5. Myrna V. Pimentel
    Jul 29, 2013 @ 20:48:13

    pareho kami nila maya at richard na d makahinga…ako habang binabasa ko….halos mamatay matay ako sa suspense hehe…at nakahinga lng ako ng maayos ng makarating na cla sa hotel hayy!! kala ko mahuhuli ng mga rebelde eh!! thnx…wen’s d next update??? soon ha??? pls?

    Reply

  6. rocsan888
    Jul 29, 2013 @ 20:21:46

    palengkera ang sister kong si maya hahaha.. dont worry, babawi sa yo si R. 🙂 thanks con, hope everythings okay with you.

    Reply

  7. catez
    Jul 29, 2013 @ 19:00:50

    mama minion grabe pigil hininga ako duon sa mga rebelde na nagpunta kay simon nakakaloka……….next na po alay ako sa anito para mabilis he he he………

    Reply

  8. Alpha
    Jul 29, 2013 @ 18:33:52

    thanks Ms. Con, kahit long-awaited, pero worth naman. Nagsimula nang maging maaksyon pa ang mga susunod na kabanata. hahaha. Maya, relaks ka lang…i’m sure tutupad sa pangako si Richard Lim, kung hindi man ngayon, sa mga susunod na panahon. hehehe

    Reply

  9. sexypurang
    Jul 29, 2013 @ 18:21:58

    Waaah lalong nagigin@ exciting nxt pls agad agad mommy minion

    Reply

  10. Cris
    Jul 29, 2013 @ 18:19:52

    Ay ano ba yan napag kamalan pa c Maya, pero I got scared nung dumating ang mga rebelde.

    Reply

  11. Crunch
    Jul 29, 2013 @ 17:59:37

    tsk. Tsk. Tsk. ano na maya?! heheh Next one please..🙂

    Reply

  12. Jenny
    Jul 29, 2013 @ 17:43:08

    Inaykupo! Ha ha ha

    Reply

  13. princemackaroo
    Jul 29, 2013 @ 17:07:39

    Kawawang Maya! Napagkamalan pa! :))

    Reply

  14. misschuchy
    Jul 29, 2013 @ 16:52:37

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: