The Willing Captive 8

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ni Maya at tinapunan ng tingin si Liza sa kanyang tabi . Mula pagpasok kanina ay wala na silang imikan, si Liza ay umidlip sandali  habang siya naman ay malalim ang iniisip. Mula ng nag-usap sila kagabi ay parang lutang na si Maya na parang di alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya.

Kagabi nang kinausap siya ni Liza buong  akala niya nagbibiro lang ito, pero ng sabihin nitong seryoso ang alok ni Richard na trabaho sa Manila di na niya napag-isipan pa ng mabuti. Lalo pa ng sinabi ni Liza na sa makukuhang sweldo ni Maya sa Manila ay pwede ng di na magtinda ang nanay ni Maya at pwede na niyang ipagamot ang lola niya. Kahit na walang detalye kung anong trabaho tumango na si Maya.

“Anak sigurado ka ba sa gagwin mo?”

“Basta Nay,okay lang siguro yon..Tsaka, kung ano ang mangyari dun. Pwede naman akong umalis sa kanila at humanap ng trabaho sa iba. Siguro naman may mahahanap din ako sa Manila.”

Nagdadalawang-isip man si Maya di na lang niya pinahalata sa kanyang nanay para di na ito mag-alala pa. Laking pasalamat niya at sa perang ibinigay ni Richard sa kanya malaki na din ito at kaya nitong tustusan ang pangangailangan nila habang di pa siya makakapagpadala ng sweldo sa kanila.

“Paano ka Maya?”

“Huwag na po kayong mag-alala sa akin nay..mas kailangan ninyo yan dito. “

“Pero pwede naman akong magtinda para may pera ding pumasok.”

“Nay, hahayaan kitang magtinda muna ngayon habang di pa ako makakapagpadala. Pero once susweldo na ako, huminto ka na ha.”

“Pero ..”

“Nay… Huwag ka na makulit..”

“Bahala ka na nga!”

Ngumiti si Maya  nang marinig ang pagsang-ayon ng nanay niya. Buong higpit din niya itong niyakap. Si Simon naman napangiti nang makita ang tagpong ito ng mag-ina. This makes him admire Maya more. Di lang ito maganda pero mabait din.

“Simon..pwede bang humingi ng pabor sa’yo?”

Nilapitan ni Maya si Simon habang naka-upo ito sa kanilang veranda.  Pagpasok ng nanay niya sa kwarto nito para magpahinga di na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad kinausap ang kaibigan niya.

“Ano yon Maya?”

“Pwede bang habang wala ako dito ay samahan mo muna sina nanay?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Simon, di kasi ako mapakali kung wala silang kasama dito. Pwede bang dumito ka na muna sa amin?..please?”

Konting kulit pa ang ginawa ni Maya at sa wakas ay pumayag na din si Simon. Nagkasundo silang magbibigay ng sahod si Maya sa kanya kapalit ng pagpayag nito na samahan ang nanay at lola niya. Ayaw sana ni Simon pero pinilit ni Maya kaya wala na siyang nagawa.

 

 

Mula kanina, di parin nagkakausap sina Maya at Richard. Pakiramdam ni Maya ay iniiwasan siya ni Richard. Tanging si Liza lang ang kumakausap sa kanya. Pero para kay Maya, mas mabuti na rin yon kesa sa mag-usap sila ni Richard at mauwi sa bangayan katulad ng lagi nilang ginagawa noon nung nasa gubat pa sila.

 

 

Si Richard naman ay di mapakali, pagkakita pa lang niya kay Maya kanina ng dumating ito sa hotel parang gusto na niyang magsisi kung bakit pa inalok niyang magtrabaho si Maya sa kanila. Mula ng makita na niya si Maya kanina di na niya kayang i-explain kung ano ang nararamdaman niya. Halong saya at takot..saya kasi alam niyang may tao siyang natulungan..konting takot pero di naman niya alam kung bakit.

 

Papalabas na ng airport sina Richard, Liza, at Maya sakay ang isang kotse na minamaneho ng driver ni Richard. Ayaw man niya magmukhang tanga pero di na nito nagawang pigilin ang sarili at nagtanong na talaga siya.

“Ms. Liza saan po tayo pupunta?”

Nang marinig ni Liza ang tanong ni Maya, tiningnan naman nito si Richard pero di ito umimik.

“Sir Richard..saan po ako pupunta?”

Nakita ni Maya na pilit pinipigil ni Liza ang kanyang sarili para di matawa, di alam ni Maya kung dahil ba ito sa tanong niya o dahil sa pagtawag niya kay Richard na Sir samantalang kagabi, dinig na dinig ni Liza ng tinatawag niya ito ng kung anu-anong pangalan dahil sa inis nito sa alaga niya. Si Richard naman ay nagtaas ng kilay ng marinig siya.

“Sir?”

“Opo..Sir..alangan naman Madam tawag ko sa inyo eh lalaki kayo?!”

Di na napigilan pa ni Liza ang sarili at tumawa na ito, pati tuloy ang driver ay napahagikhik na din.

Maya Dela Rosa..kahit nasa balwarte na kita ang angas mo parin..humanda ka talaga sa akin!

Sambit ni Richard sa sarili habang napakagat-labi na lang sa inis kay Maya.

 

77 Comments (+add yours?)

  1. catez
    Aug 01, 2013 @ 08:27:14

    ayan na umpisa na ba ng world war 3 para kina richard at maya……..at richard inalok mo ng trabaho tapos ngayon biglang sisi ka dyan at maya ayan tiger mode na………kaabang abang ang kasunod nito………mama minion balik po ba sa dating time slot ang release nitong series mo……..thank you……..

    Reply

  2. frances
    Aug 01, 2013 @ 07:31:44

    nakakaloka alive alive ng mga minions! di nauubusan ng chikka! miss ko na kayo! huhu

    Reply

    • felcarnelle2008
      Aug 01, 2013 @ 07:41:56

      wanted ka mamaya sa Frances, sa presinto ka magpapaliwanag – ay nakalabas na pala c Maya, kasama na pala sa Maynila, tara na – sugod na tau doon at tingnan natin kung ano ang mangyayari sa bangayan ng dalawang iot

      Reply

      • frances
        Aug 01, 2013 @ 08:22:47

        hi ms fel, pasensya naman… night shift eh kailangan mag work… naku kunwari pa si richard sa sobrang selos kay simon ayun na take home na lng si maya para ma solo hihi

        Reply

        • felcarnelle2008
          Aug 01, 2013 @ 08:25:54

          parang nag order lang sa fast food at take home kaagad hahaha – teka nga pala? bakit takot c Richard kay Maya? ano yan? under na sya kaagad? hahaha

          wala taung magagawa, mas mahalaga ang totoong buhay eh, kailangang magsumikap kaya e keri lang yang night shift🙂

          Reply

  3. Irish
    Aug 01, 2013 @ 05:50:27

    Grabe naman si SC makapangbitin. Kasunod na agad ha? Hehe. Miss na kita kakulitan SC! Mwahhhhh!

    Reply

  4. purplephoenix
    Aug 01, 2013 @ 00:11:43

    Mother kala ko middle pa lang ang part ng pag hagalpak ko ng tawa, dulo na pala. sya next na chaptee na lang. hihihih! love yah Mother M.

    peng buwelo na….

    Reply

  5. Rocsan
    Jul 31, 2013 @ 22:59:08

    Wahhh bitin ata Ms. Con! Kakamadam pa lang end tbc agad. Wahhhh talaga…. Btw. Welcome peng!

    Reply

    • felcarnelle2008
      Jul 31, 2013 @ 23:20:59

      sis rocs, hello, thanks – d pa rin stable ang proxy ko sa ngayon palaging on and off, pero pina pa sensyahayan ko muna, 1st day pa lang naman, baka ok na bukas, kaya d maka pag update ng comment agad agad hahaha dami ko pang na miss na ff

      Reply

  6. krishnaeblacas
    Jul 31, 2013 @ 22:53:19

    ayaw talaga paawat ni Maya oh? salamat po sa update!

    Reply

  7. felcarnelle2008
    Jul 31, 2013 @ 22:24:23

    sa susunod hindi “madam” itatawag ni Maya kay Ricardo – magiging “madman” na yan – more talak pa Maya, tingnan natin kung gaano kaliit ang ililiit ng mata ng singkit🙂

    Reply

  8. misschuchy
    Jul 31, 2013 @ 22:19:13

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  9. Dasanivietnam14
    Jul 31, 2013 @ 22:18:31

    Eh tawang tawa ka na! Kala mo may kasunod pa.. Toink! Thank you po dito!🙂

    Reply

  10. mhaihattori
    Jul 31, 2013 @ 22:16:22

    Wee buti na lang bgo ako matulog napasilip ako dito,salamat miss con…pilosopo din ang maya,taray Hmmm welcome back sis peng,haymishu

    Reply

  11. teamSIMON
    Jul 31, 2013 @ 22:15:58

    Nyahahhha… madam daw? Hahaha.. thanks ms con;) welcome back ate peng!

    Reply

  12. myrnavp
    Jul 31, 2013 @ 22:10:59

    hahahahahha….sarap ng tawa ko sa “alangan namang MADAM ang itawag ko sa inyo eh lalaki kau?”….kaya lang…napanganga ako kasi…ANG BILIS NAMAN NATAPOS!!! bitin to the max ang drama ng lola nio ngayon huhuhu!!! so…pano yan? mapapanaginipan ko na to ng todo…update agad Ms. Con pls pls pls???

    Reply

  13. felcarnelle2008
    Jul 31, 2013 @ 22:09:22

    walang balwarte balwarte kay Maya, yan ang tandaan mo Richard Lim – malapit na ang masasayang araw mo, at tama yan, dapat ka ng kabahan dahil c Maya sa hukay lang nahulog, ikaw – malalim ang pupuntahah mo – bwa-ha-ha

    Reply

  14. Jenny
    Jul 31, 2013 @ 22:03:15

    Araykupo! Bitin na naman! Ha ha ha

    Reply

  15. felcarnelle2008
    Jul 31, 2013 @ 22:02:58

    im back

    time check for TWC 8: 10:01pm

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: