The Willing Captive 9

“Ahemmm excuse me lang sa inyong dalawa ha, baka kasi saan na naman mapunta.  Richard, gusto ko rin sana itanong sa’yo noh, saan nga ba tutuloy si Maya?”

Sasagot na sana si Richard na sa bahay niya pero biglang nagbago ang isip ng maalala ang kamalditahang ginawa ni Maya kanina kaya sinabi nitong kay Liza na muna ito tutuloy.

“Seryoso ka ba diyan? Alam mo naman sigurong isang bedroom lang meron sa condo ko. Bakit di mo na lang siya dalhin na muna sa bahay mo kasi may guest room ka naman doon.”

“Sa bahay? No! Ayoko nga! Tsaka di naman siya guest, magtra-trabaho siya sa akin di ba?!”

“Hoy Richard Lim! Umayos ka nga, di ka ba nahiya kay Maya? Ikaw tong nagdala sa kanya dito pero di mo siya tinatrato ng maayos!”

Singhal ni Liza kay Richard. Pero di siya pinansin nito.

“Bayaan nyo na po Ms. Liza, totoo naman yung sinabi niya eh. Di naman ako guest, empleyada niya ako.”

“Kahit na! Siya yung ayaw magpapigil na dalhin ka pero ganyan siya umasta!”

Oo, ako nga! Kaya nga gusto ko na tuloy magsisi sa ginawa ko!

Sabi ni Richard sa sarili. Sa takbo ng mga pangyayari, di maisip ni Liza kung ano ang susunod na mangyayari. Parang siya pa ata ang magiging referee ng dalawa.

“Di bale Maya, for the meantime, doon ka na muna sa bahay. Pero pagpasensyahan mo muna ha kasi share na muna tayo ng kwarto, isang bedroom lang kasi meron ako.  Pag may time ako, tutulungan kitang humanap ng space mo.”

“Salamat Ms. Liza. Ang bait mo talaga!”

“No problem..kasi naman tong sir mo … napaka-accommodating and hospitable!”

Idiniin pa talaga ni Liza ang pagtawag ng Sir kay Richard para ma-guilty ito.

“Fine! Sige, doon na muna siya sa bahay!”

And it worked! Parang may light bulb lang na sumindi, agad na ngumiti si Liza kay Richard.

“Ay salamat naman Lord at may puso din naman pala si Sir, buong akala ko ang saging lang ang merong puso tinubuan din pala tong katabi ko!”

Richard give Liza a sarcastic smile, Liza is batting her eyelashes in return.

“Chard saging ka na rin pala ngayon?”

Liza continues to annoy Richard, making him blush all over. Maya could only watch with an amuse smile in her face. Ika nga nila, ngiiting tagumpay for Maya, nakahanap siya ng kakampi. LIza nudge at Maya and wink. Richard saw this, pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng dalawa kaya di niya hinayaan sila na magtagumpay ng panunuya sa kanya.

“Liza, matagal na akong saging..Dole ang brand. Pang-export! Kaya di nakakapagtaka maraming nagkakagusto sa akin at sikat ako kasi malaki akong saging !”

Tumawa sina Liza at Maya. Pati din si Richard ngumiti at nagawa niyang ibangon ang sarili niya sa harap ng dalawa.

 

Gaya ng napagkasunduan, sa bahay muna ni Richard tumuloy si Maya habang di pa ito nakakahanap ng bahay na lilipatan, Nangako naman si Liza na tutulong na maghanap pagnakaluwag na sa schedule.

Magkaharap sina Richard at Maya sa mesa sa hapunan. Wala namang magagawa si Maya kahit ayaw niyang kausapin si Richard, napilitan din siyang kausapin ito  at sila lang namang dalawa ang magkasama.

“Sir, kailan po ako magsisimula sa trabaho ko?”

“Hahanapan muna kita ng mapaglalagyan sa restaurant ko, okay lang ba sa’yo yon?”

“Kahit ano po, okay lang. Sana sa lalong madaling panahon makapagsimula na ako para makapagpadala agad ako ng pera kina nanay.”

“Huwag kang mag-alala gagawan natin yan ng paraan. ”

“Salamat.”

Pagkatapos kumain ng dalawa ay naghiwalay na sila. Si Richard ay umakyat sa kwarto niya  habang si Maya naman ay nanatili muna sa kusina at nagpresintang tumulong kay Manang Fe. Nagpasalamat naman ang matanda at may kasama na siya bukod kay Joma na driver nila. Nagkwentuhan muna sina Maya at Manang Fe sa kusina pagkatapos maghugas ng pinagkainan nila si Maya. Marami siyang nalaman tungkol kay Richard. Matagal na palang naninilbihan si Manang Fe sa mga Lim, di pa pinapanganak si Richard ay andun na siya hanggang sa ngayon na mag-isa na lang ito sa mansyon ay di pa din niya kayang iwanan ang alaga kahit pinagpapahinga na siya ng mga kamag-anak at pati ni Richard.

“Manang di ka ba nahihirapan dito eh mag-isa ka lang tapos ang laki ng bahay?”

“Nahihirapan din minsan Kaya nga sabi ni Ricardo ihahanap daw niya ako ng kasama ko dito.”

“Talaga po? Baka pwedeng ako na lang Manang? Payag po ba kayo?”

“Aba’y oo naman, pero di ako ang magdedesisyon niyan. Si Ricardo parin.”

“Hayaan mo Manang, sasabihin ko sa kanya bukas. Kasi kawawa ka naman dito. Ang laki ng bahay tapos ikaw lang mag-isa. ”

Ngumiti si Manang Fe kay Maya. Kahit ngayon lang sila nagkakilala ay ramdam niya na mabait na tao si Maya. Nagkwento rin si Maya ng tungkol sa pamilya niya. Pati sa kung anong buhay meron sila sa probinsiya. Nang pumasok si Joma sa kusina para humingi ng kape kay Manang Fe ay nakisali na din ito sa kwentuhan. For the first time in years, ngayon lang naging maingay ang kusina nila sa gabi. Pati tuloy ang buhay ni Joma nakwento narin nito sa kanila. Simula kasi ng dumating siya sa mansyon para magtrabaho, di naman sila nagkaroon ng panahon ni Manang Fe na magkausap tulad ng ganito, kanya-kanya kasi silang harap sa mga trabaho nila. Likas na masayahin at maingay si Maya kaya di maiwasan na lumabas ito sa kanya habang nagkukwentuhan sila kaya di nakalampas sa tenga ni Richard ang ingay nila sa kusina. Habang masaya ang tatlo sa kusina, si Richard naman ay nakikinig lang habang nasa 2nd floor ng mansyon. Naka-upo sa may entertainment area. Nang lumabas siya mula ng kwarto kanina, nadiskubre niyang nagkwentuhan ang tatlo kaya para di siya mabisto na nakikinig sa kanilang usapan ay doon siya nanatili sa may entertainment area, kunwari nakikinig sa ipod nya, wearing headphones pero nakapatay naman pala ito. Tuwing tumatawa sina Maya sa baba, nakikitawa din mag-isa si Richard sa taas. It took him awhile to realize na para na siyang baliw na tumatawa mag-isa so he stop eavesdropping at pumasok na ulit sa kwarto niya para matulog na.

 

Kinabukasan, maagang nagpunta sa mansyon si Liza. Habang naghahanda si Richard sa taas ay hinanap nito si Maya para kamustahin.

“Okay lang naman po Ms. Liza. Kagabi nagkwentuhan pa nga kami nina Manang Fe at Joma kaya pareho kaming puyat oh!”

Nakangiting sabi ni Maya habang tinuturo pa ang mata niya na para ipakita ang eye bags.

“Really! So nakuha mo narin ang loob ng mga kasambahay ni Richard?”

“Ay hindi naman po.. Nakipagkwentuhan lang para naman makilala nila ako at pati din sila makilala ko rin.”

Maya smile shyly. Ngumiti rin si Liza sa kanya and pats her shoulder. Obviously, gusto din ni Liza si Maya. Nakikita kasi ni Liza na kahit palaban si Maya ay mabait din ito. At alam niya, in due time pati si Richard mapapaamo din niya..

“You know what, habang di ka pa nagsisumula sa trabaho mo sa restaurant, why don’t you come with us para naman mag-enjoy ka?”

“Ay huwag na lang po, nakakahiya po.”

“Huwag ka na mahiya..sige na magbihis ka na rin. Interview sa isang talk show ang pupuntahan natin ngayon kaya I also need someone to talk with habang naghihintay kay Richard. And who knows, may mga artista ka ding makikita doon.”

Pang-eenganyo ni Liza kay Maya. Bigla tuloy na pukaw ang interest ni Maya.

“Ms. Liza..makikita ko kaya doon si Piolo?”

“Si Piolo? Ay baka! Kaya sige na..bihis kana! Dali!!”

Tinutulak na ni Liza si Maya para pumanhik na sa kwarto niya at magbihis. Kakapasok lang ni Maya sa kwarto niya, nang lumabas naman si Richard.

“Let’s go Liza.”

Diretso na sa main door si Richard pagkababa niya ng hagdan.

“Wait, antayin muna natin si Maya. Maaga pa naman, may oras pa tayo.”

“Bakit? Ngayon mo ba siya dadalhin sa restaurant?”

“Ay hindi, isasama natin siya para may kasama naman akong maghintay sa’yo noh!”

“Again?”

“Anong again? Di pa naman natin siya naisama sa station ah, tsaka gusto daw niya makita si Piolo! Oh di ba! Ang cute lang talaga ni Maya, parang teenager! ”

Liza laugh softly. Si Richard naman ay kinakabahan at alam nyang pagkakaisahan na naman siya ng dalawa.. Baka buong araw na naman siya nitong aalaskahin.

“Oh! Bakit parang di ka masaya?Don’t worry mabait si Maya.”

“Kaya nga ako nag-aalala eh, masyado siyang mabait!’

Richard answered her, clearly not amuse of Liza at all. Liza flash him a knowing smile.

Richard Lim, you’re doomed!

He could only sigh deeply.

32 Comments (+add yours?)

  1. teamSIMON
    Aug 02, 2013 @ 10:03:33

    Very funny talava ang series na to;) thanks ms. Con:)

    Reply

  2. SweetLemon
    Aug 02, 2013 @ 07:13:33

    Malaki ang saging ng dole, mga 7 inches, mataba, matamis at juicy… ayyyy ang aga-aga nito, craving for saging agd ako…😉

    Reply

  3. Rocsan
    Aug 01, 2013 @ 23:58:15

    Youre doomed, richard! Ano kaya ma feel mo habang tinitiliian ni maya si piolo?

    Reply

  4. mhaihattori
    Aug 01, 2013 @ 20:50:54

    Yay very true miss con lagi kong hinahanap na brand ng saging dito sa japan ung dole fave ng chief ko…at mukhang asar talo lang ang wawang richard panalo ang combi ng Mali(maya-lisa)at in ang puso ng saging ha,so ilalabas mo na b ang cptvated 10 nyahaha.,halu sa lahat

    Reply

    • felcarnelle2008
      Aug 01, 2013 @ 21:17:56

      gustong kong malaman paano mauubos ang pasensya ni Ricardo sa pang aasar ni Maya (isa lang naman kac nasa isip ko ang palaging ginagawa ng mga lalaiki pag asar-talo na)🙂

      Reply

  5. nanette
    Aug 01, 2013 @ 18:19:17

    hi con aga ha… read muna ako then will comment, game na sa dugtungan?
    i made sure tapos lahat paperworks para sa dugtungan na yan…:)

    Reply

  6. misschuchy
    Aug 01, 2013 @ 17:58:48

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  7. chobangs
    Aug 01, 2013 @ 16:50:30

    isang malaking saging!

    LOL

    winner ang pag amin!

    ang aga ng labas nito today ah.. thankie Mother Minion!!

    mamayang gabi ba ang TWC10?

    hihihi

    Reply

  8. Jenny
    Aug 01, 2013 @ 16:27:40

    Natawa ako sa saging! Ha haha

    Reply

  9. felcarnelle2008
    Aug 01, 2013 @ 15:45:13

    wa-ha-ha sa amin ang huling halakhak – humanda ka Richard Lim, sa mga kamay ka rin ni Maya Dela Rosa babagsak

    mga minions labas na kau dyan sa kasagingan – ayan na ha – kay Ricardo na mismo nanggaling na isa syang saging – hmmmmm exciting yan ang saging marami ang gustong tikman

    ang aga ng labas ng TWC 9, meaning mamayang gabi may TWC 10 lol (walang masamang mag wish sa anito ng saging, baka mapagbigyan – kawawang Con, walang tulugan hahaha)

    Reply

  10. myrnavp
    Aug 01, 2013 @ 15:40:07

    am i the first? love it…so nakuha na ni maya ang loob ng mga kasambahay at pati na din si liza gusto na sia?? good!! sabi nga…ang susunod…si richard lim…for sure he’s DOOMED!!! hahaha…that i gotta see!!! when?? update pls agad agad!! love u ms. con!

    Reply

  11. felcarnelle2008
    Aug 01, 2013 @ 15:32:10

    omg, kararating ko lang, late na naman – basa na

    Reply

  12. Crunch
    Aug 01, 2013 @ 15:21:27

    Oh my Gosh!! Anu na Richard lim?! Napukaw ka na ni Maya no?! hehe Next one please..🙂 kahit kaka-post pa lng..😀

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: