The Willing Captive 10

Nagpunta na sa ABS-CBN si Richard kasama sina Liza at Maya para sa live interview ni Richard for Kris TV. Pagdating sa dressing room ay agad inasikaso si Richard ng staff.  Habang di pa nakasalang para sa live interview ay busy ang lahat na ayusan siya at binigyan ng briefing sa kung ano ang mga mangyayari mamaya. Si Maya naman ay nasa isang sulok lang at nagmamasid sa kanila. Gustuhin mang tumulong kay Liza sa pag-aasikaso sa alaga nito, di naman niya alam kung ano ang maitutulong niya. Ilang minuto ang nakalipas ay magsimula na ang show kaya tinawag na si Richard ng isang staff para pumunta ng studio. Niyaya naman ni Liza si Maya na sumama sa kanya para manood sa loob ng studio, magkatabi silang umupo sa may harapan kasama ng live audience at ng ibang staff.

Dahil ito ang kauna-unahang public appearance ni Richard matapos mapabalitang nawala ito sa San Nicholas, ang interview ay tungkol sa nangyari sa kanya.

In the middle of the interview, biglang nahagip ng mata ni Kris si Liza at ng magtanong kung sino ang katabi nito di na nakaiwas na mapangalanan si Maya.

“Maya?”

Tanong ni Kris kay Liza, confirming if she heard it right, Liza nodded.

“Wait..she look familiar..”

Kinabahan si Richard . Hanggang ngayon kasi di parin humuhupa yung tsismis na kaya nawala si Richard sa San Nicholas ay dahil sa sumama ito sa isang babaeng bayaran at ng magpakita ito ay nakunang nagwawala sa labas ng hotel builiding yung babae na hinihingi yung napagkasunduan nilang bayad ni Richard. As much  as possible, ayaw niyang ma-drag pa lalo ang pangalan ni Maya kasi nahihiya siya dito at hindi din naman totoo ang napabalita. But now na nakita na siya ni Kris mukhang di maiiwasan talaga na mapag-usapan ulit si Maya.

“Is she the one na napabalitang kasama mo sa gubat?!”

Kris ask Richard. When she noticed na medyo nag-aalangan itong sumagot sa kanya ay lumingon ito kung saan naka-upo sina Liza at Maya hoping that his manager would give a confirmation.  Dahil dito, biglang niyuko ni Maya ang kanyang ulo para di makita ang mukha niya sa camera but Liza stop her and whisper na okay lang ito. Liza nod to Kris then look at Richard para ito na ang magkwento. Realizing the inevitable turn of events, Richard decided to speak up to defend Maya and to let the people know kung ano talaga ang nangyari.

The way Maya is gripping tightly on Liza’s arm tells her that she is nervous. At dahil alam naman ni Liza na di sanay si Maya sa ganoong pangyayari, she decided to bring Maya back to the dressing room para iiwas na.

“I’m sorry Maya, I didn’t expect na makikilala ka ni Kris. I should have not brought you there to watch. Sorry talaga!”

Liza comforts Maya with a soft and concern voice.

“Okay lang yon Ms.Liza. Wish ko lang na sana di ako i-judge ng mga tao after nila marinig yung story. Sana maniwala sila kay Sir Richard.”

“Let’s keep our fingers cross Maya. Anyway..dito na lang muna tayo and let’s wait for him na matapos.”

Naghintay sina Liza at Maya kay Richard sa loob ng dressing room. Liza took the chance para mas lalo pa makilala si Maya. Katulad ng nangyari sa mansyon, di nag-alangan si Maya na mag-kwento kay Liza.

“Alam mo Maya, sa totoo lang noong una inaamin ko medyo nag-aalangan ako na pagbigyan si Richard sa gusto niyang isama ka dito sa Manila kasi nga di ba di ka naman niya kilala pa tapos may tiwala na siya kaagad sa’yo. But after hearing your story, napahanga mo ako. Imagine, dahil gusto mo lang  magkasama kayo ng nanay at lola mo, kahit naman pala nakapagtapos kana di mo nagawang iwanan sila?”

“Kasi kawawa naman sla na sila lang ang maiiwan sa San Nicholas.”

“But what makes you say yes sa offer ni Richard?”

“hmmm ..siguro kasi alam kung mas malaki ang chance na makakatulong ako kina nanay if sasama ako dito..kasi kung yung offer doon lang sa San Nicholas tapos yung suswelduhin ko katulad lang din sa kikitain ko if magtitinda kami ni nanay, di bale ng magtitinda kami ni nanay huwag lang ako mapalayo sa kanilang dalawa. Mas pipiliin kung magluto at magtinda sa maliit naming karendirya kesa sa malayo ako kina nanay. ”

“Pero ngayon, di baleng malayo ka okay lang sa’yo?”

“Oo, kasi mas makakatulong ako kay nanay at mas may chance na mapabilis namin na mapagaling si Mamang, yung lola kong maysakit. Tsaka kasi nakahananap din ako ng taong mapagkakatiwalaan kong tutulong kina nanaydoon sa San Nicholas.”

“Sino?”

“Yung kaibigan ko, dati ko siyang kaklase, si Simon. Yung lalaking tumulong sa amin ni Sir Richard.”

“Ahh I see.”

Habang nag-uusap ay pumasok si Richard, natapos na pala ang show kaya nakabalik na ito sa dressing room.

“Oh Chard, tapos na?”

Tumango lang si Richard at umupo na sa isang bakanteng silya sa harap ng salamin. Habang nakatalikod ito kina Maya ay tinitingnan naman niya sina Liza at Maya sa salamin. Curious kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa.

“So ano ang arrangement ninyo ni Simon?”

“Siya muna ang bahala kina Nanay at Mamang. ”

“Good, good…at least di ka masyadong mag-alala sa kanila habang andito ka sa Manila.”

“Kaya nga laking pasalamat ko nagkita kami ulit ni Simon. Kahit matagal na kaming di nagkikita nun di naman nagbago yung ugali at pakikitungo niya . Ang bait nun sobra…asikasong-asikaso nga kami nung andun kami sa maliit niyang kubo”

Nang marinig ang pinag-uusapan nina Maya at Liza, napa-ismid si Richard sa harap ng salamin. Humahaba ang nguso habang naririnig ang papuri ni Maya kay Simon, bigla tuloy siya napatanong sa sarili, if ever there was a time before na ganun din nagpasalamat si Maya sa kanya. Nang wala itong naalala bigla tuloy siya nainis.

“Liza di pa ba tayo aalis?”

Tiningnan ni Liza si Richard at nakita nito ang pagtaas ng kilay. Pag ganito na si Richard, alam niyang nagsisimula ng mairita ang alaga. Ang buong akala ni Liza dahil ito sa nangyari kanina sa interview.

“Ah yes.. pero may isa kang interview with Gretchen Fulledo for TV Patrol. Antayin na lang natin siya dito.”

“Sabihin mo to meet us sa Starbucks. ”

“Ahh okay..Tara Maya.”

Nagpunta na ang tatlo sa Starbucks which is located sa ground floor lang ng ELJ Building. Richard ordered Caffe Latte’ while both Maya at Liza ordered Strawberries and Cream Frappuccino. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na din si Gretchen at ang kanyang cameraman para sa interview. After exchanging hi and hello’s and beso-beso nagsimula na ng interview si Gretchen kay Richard. It was just a quick one para lang sa segment ng reporter sa TV Patrol. After the sumagot ng ilang katanungan ay natapos din ito kaagad. Gretchen is about to leave ng mapansin si Maya. Nang mapansin ni Liza at Richard that she was about to ask the same queston like what Kris asked Richard earlier, inunahan na ito ni Liza.

“hmmm yes siya nga..pero pwedeng humingi ng favor? Leave her out of this. Kasi di totoo yung chismis. Nagpaliwanag na naman ni Richard kanina yung nangyari di ba and kanina din nagpaliwanag na si Richard sa live interview ni Kris sa show niya. ”

Naintindihan naman ni Gretchen ito. Nakipagykamay pa siya kay Maya.

“Walang problema yon sa akin. Sige mauna na ako, may pupuntahan pa rin kaming iinterviewhin eh. Thanks ulit Liza ,Richard..”

“No problem..sige take care ha.”

Umalis na sina Gretchen at ang kanyang cameraman. Nagmamadali na parang may naghahabol sa kanila.

“Geee Maya, di ka artista pero ang sika mo na!”

Biro ni  Liza kay Maya. Nahiya tuloy si Maya ng marinig ito. Dahil sa pangalawag beses ng nakakilala kay Maya, di ito nagustuhan ni Richard.

“Liza, I think this will be the first and the last time na dapat makikita kaming magkasama ni Maya. Tomorrow dalhin mo na siya sa restaurant para as soon as possible makapagsimula na siyang magtrabaho dun.”

Di naging maganda ang dating nun kay Maya. Pakiramdam ni Maya nahihiya siyang makita ng ibang tao na may kasama siyang taga-probinsya kaya ayaw siya nitong isama ulit.

“Oo nga Ms. Liza..nakakahiya..di ako bagay sa mga ganitong lugar.”

“Maya huwag kang magsabi ng ganyan. I’m sure di yan ang ibig sabihin ni Richard. Right, chard?”

“Maya, wala akong sinabi na kinahihiya ko kung saan ka galing. And to think wala namang masama kung galing kang probinsiya di ba? Ang gusto ko lang sana sabihin, nakakahiya kasi tuwing nakikita nila tayo yung maling akala nila ang naalala nila. Unfair yon, lalong-lalo na sa’yo. Paano kung makita yon ng nanay mo sa probinsya. Aakalain pa nilang dinala kita dito para apihin lang.”

Pinaliwanag ng maayos ni Richard kay Maya kung ano ang ibig sabihin niya at kung bakit kailangan niya yon gawin. Di man kumibo si Maya at nakinig lang sa kanya pero alam niyang masama na naman ang loob nito.

“Sorry na.”

Di inasahan ni Maya ang pagso-sorry ni Richard. Naalala niya, ang unang beses na narinig niya ito sa kanya ay yung napilayan siya nung nahulog siya sa hukay.

“Galit ka pa din? I’m sorry kung ganun ang dating sa’yo ng sinabi ko kanina but swear..di yon ang ibig kong sabihin. Tsaka, gusto ko lang talaga na huwag ka ng pag-isipan ng masama ng iba. Ayoko yung ginugulo ka ng ibang tao.”

Tanong ni Richard sa kanya, halatang nag-aalala. Si Liza naman di nagpahalatang kinikilig ng marinig ang pagso-sorry ni Richard. Ayaw niyang istorbohin ang pagmo-monent ng alaga kaya ang kanyang Frappuccino ang binalingan. Panay ang pagsipsip sa straw para lang pigilan ang sarili na di humagikhik. Sa loob ng  mahabang panahon, ngayon lang ata niya narinig si Richad na magsalita ng ganun sa isang babae.

“Maya…”

Malambing na tawag ni Richard kay Maya. Tumikhim si Maya at umayos ng pag-upo ng mapansin na parang pinagmamasdan lang silang dalawa ni Liza.

“Oo na! Tumahimik ka na!”

Sagot ni LIza, na ang boses ay parang naiirita kunwari. Tumahimik si Richard, nahiya na narinig siya ni Liza, si Maya naman nagsisimula ng mamula ang mukha. Alam naman niyang wala siya dapat ikahiya pero di niya alam kung bakit parang may nagawa siyang mali at dapat ikahiya kay Liza.

“mmmm tapos na kayo sa moment niyong dalawa?”

“Anong moment?! Ito kasing babaeng to ang arte! Magpapasuyo pa.”

“Ano?! Sinabi ko bang suyuin mo ako? ”

“Hep! Hep! Hep!..okay na sana eh! Pero biglang liko na naman! Ikaw Ricardo, bakit ka ganyan, kung manunuyo ka kay Maya sagarin mo na. Huwag ka ng mahiya..Ikaw naman Maya, sinusuyo ka na nga ang arte-arte mo pa. Halata naman kayong dalawa na affected sa isa’t-isa pero ayaw aminin sa sarili.”

“Hindi ah!”

Sabay na tanggi ni Maya at Richard.

“Ang yabang kaya niyan, paano ako magkakagusto sa kanya!”

“Ang suplada kaya niyan, paano ako magkakagusto sa kanya!”

Sabay ulit ni Richard at Maya. Liza grin like a fool.

“Oh! Eh di cofirm! Tapos ang usapan! Tara na at may lunch meeting ka pa.”

Tumayo na si Liza na nakangiti, nang lumingon ito ay kinindatan pa si Richard bago sila iniwan nito sa mesa. Dali-dali namang sumunod si Liza at Richard sa kanya.

 

After a tiring and hectic day, malalim na ang gabi ng finally ay papauwi na sina Richard. Habang nasa daan, napagkasunduan nina Richard at Liza na bukas ng maaga ay dadalhin na ni Liza si Maya sa kanyang restaurant para mahanapan ng bakanteng posisyon doon si Maya. Laking pasalamat ni Maya at sa wakas ay makakapagsimula na siyang magtrabaho.

 

 

Maagang dinaanan ni Liza si Maya para dalhin sa restaurant. At dahil nakatawag na si Richard sa Junior Manager ng resto, pagdating nina Liza ay may sumalubong na sa kanila para mag-aasist. Pinakilala ni Liza si Maya kay Emman. Si Emman ang Junior Manager ng Richard’s Grill. Dahil di naman masyadong nakakapunta ng restaurant ang kaibigan at business partner ni Richard ang Senior Manager sa resto.

“Maya, I have to be at the station in about an hour. Okay lang ba if iwan na muna kita dito. Tapos ipapakuha na lang kita kay Joma later?”

“Okay lang Ms.Liza. Sige puntahan mo na si Sir Richard.”

“Thanks Maya. Don’t worry, safe ka kay Emman.”

“Ay oo naman Ms. Liza. Ako ang bahala kay Maya. Huwag kang mag-aalala.”

Boses pa lang ni Emman halata na ni Maya na beki ito, kaya madaling napalagay ang loob ni Maya sa kanya. Nang masiguradong okay na si Maya ay umalis na din si Ms.Liza.

“Ay alam mo Maya, aura mo pa lang gusto na kita…halika. Antayin na muna natin si Sir ha. Pupunta kasi siya dito ngayon, para naman siya na ang magdesisyon kung saan ka niya ilalagay.”

“Si Sir Richard pupunta dito?”

“Ay hindi si Sir Richard, yung Senior Manager at business partner ng Richard’s Grill.”

“Ahh okay..”

Tinawag ng isang waiter si Emman at may tawag daw sa telepono kaya nagpaalam ito kay Maya para lumbas muna sandali para sagutin ang tawag sa telepono.

“Sige Emman, antayin na lang kita dito.”

Paglabas ni Emman, lumipas lang ang ilang segundo  ay bumukas ulit ang pinto, akala ni Maya si Emman ito pero ng lumingon siya ay isang matangkad at mestizong lalaki ang dumating. Nakangiti ito sa kanya habang papalapit sa kinauupuan niya,  Napangiti na rin si Maya, Naalala niya ang sinasabing Senior Manager ni Emman kaya tumayo na siya at nagbakasakaling tama siya sa kanyang hinala.

“Hello po. Good morning.”

“Good morning. Ikaw ba si Maya Dela Rosa?”

“Yes, po.”

“Hello Maya, upo ka. I’m Richard’s business partner and at the same time Senior Manager ng Richard’s Grill. I guess nakilala mo na si Emman? ”

“Yes, po. Lumabas lang po siya sandali at may sasaguting tawag.”

“Ah yes, nasalubong ko siya. By the way, I’m James Ventura.”

James smile and extend his arm for a handshake. Tinanggap naman ito ni Maya at ngumiti rin.

“Hello Maya, welcome to Richard’s Grill. I hope magustuhan mo dito.”

Ngiti pa lang ni James, magaan na ang loob ni Maya sa kanya. Di tuloy maalis ang ngiti ni Maya habang nakatitig sa nakangiting si James na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa.

 

185 Comments (+add yours?)

  1. teamSIMON
    Aug 07, 2013 @ 04:52:34

    Ms. Con take care! Praying for everyone’s safety specially you and your loved ones..God bless!!

    Reply

  2. felcarnelle2008
    Aug 06, 2013 @ 22:29:10

    hello mga ka minions, let’s pray for peace sa Mindanao, and for our dear writer’s area (@nylcoen) hindi man malapit sa kanilang place ung sigalot ngayon, but the whole Mindanao is advised to take care.

    Reply

  3. Jenny
    Aug 06, 2013 @ 18:47:21

    I hope everything is well with Miss Con.

    Reply

  4. felcarnelle2008
    Aug 06, 2013 @ 15:15:47

    sorry mga ka minions, last time i heard, there’s something wrong with con’s desktop – sana it will be ok soon – same lang tayong lahat na nag re-refresh ng page🙂 and ung proxy ko not working well pa these days

    #PatienceIsAVirtue #WishingForPasabog #SagingParaSaAnito #MayMagandangBagayNaNaghihintaySaNarunongMaghintay🙂🙂🙂

    #GoGoGoForTWC11

    Reply

    • rocsan888
      Aug 06, 2013 @ 15:23:56

      another thing is the continuous brown out in mindanao. hope our mindanao based friends are all safe. praying for your safety..

      Reply

      • rocsan888
        Aug 06, 2013 @ 23:52:32

        yah, theres an intel report circulating about the 8 possible bombings in mindanao area. so far naka 4 na yata.. 2 sa cotabato, 1 sa cdo, 1 sa zamboanga. hence safety advise to mindanao friends. so friends. pls take care. con, we are praying for you and your family’s safety. ingat ingat lagi.

        Reply

  5. Jackie
    Aug 06, 2013 @ 14:31:07

    -aq din po ilang araw na nag-aantay and i dont know h0w many times na q nagrefresh, until now wla p dn new updates kh8 s EB, mukhang busy lhat ng writers..new updates na po please please please its so boring tlga without u (writers) nagpa2load lng aq evryday just 2 read ur works..thank u

    Reply

  6. Nanette
    Aug 06, 2013 @ 14:27:59

    Con u okay?
    Paramdam ka pls.

    Reply

  7. cate
    Aug 06, 2013 @ 10:37:13

    hi po!!! ask ko lang bkit wlang update ??? prang hundred years na dumaan wla pa ring update… pari nga EB wlarin sooo bored na tlaga.

    Reply

  8. frances
    Aug 06, 2013 @ 08:25:08

    hello minions! musta na? bat walang update?😦

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: