The Willing Captive 11

Hello *kaway-kaway sa lahat ng mga minions dito! Sorry at natagalan sa pagpost ulit. May problema lang sa desktop ko (actually hanggang ngayon meron pa din kaya pinagtia-tyagaan ko na lang muna habang wala pa si judget😀 ) .. Pero habang kakayanin pa ni desktop makakapost pa ako… Sa mga nag-aantay sorry po ng maraming tumbling..sa mga napapamura na sa inis, sorry nakakahiya naman po, 😛

Oo na…eto na po…mwahugs!!

 

 

 

 

Late ng nakauwi si Richard. Sa dami ng na-pending na trabaho nung ilang araw siyang nawala, kailangan na niyang magdouble-time para ihabol ang mga commitments niya. Pagpasok sa mansyon ay si Maya agad ang hinanap ni Richard kay Manang Fe kaya agad naman nitong tinawag.

“Okay na po Sir, simula na ng tatlong araw na  training ko bukas.”

“That’s good. Anong position ka nila iti-train?”

“Hostess po.  Nagresign daw po kasi yung hostess ninyo last week at si Emman ang temporary na po pumalit habang naghahanap kaya doon po nila ako iti-train.”

Masayang balita ni Maya kay Richard. Sa mukha pa lang ni Maya na ang ngiti ay abot hanggang mata di mapagkakaila na masaya ito. Seeing her smile makes him happy as well.

“Okay lang ba ang position mo sa resto?”

“Oo naman, walang probelma yon sa akin. Sana nga magustuhan din ako ng mga magiging kasama ko.”

“Just tell me or Liza kung di mo gusto yung magiging trabaho mo dun para mahanapan ka namin ng ibang trabaho.”

“Ay okay na po ako dun. Di naman ako mapili.”

“Okay..sige akyat na ako. ”

“Sige po Sir, salamat po ulit.”

“No problem.”

“Ahhh Sir…”

“Is there anything else?”

“Ahmm, yung tungkol sana sa paglipat ko..”

“Saka mo na yan isipin pag okay na okay kana sa trabaho mo.”

“Sige po Sir..tsaka pala..”

Richard waited for Maya to speak again pero nagdadalawang-isip si Maya baka kasi wala siyang karapatan na panghimasukan ang bagay na ito.

“Maya?”

“Umm, siguro bukas na lang po kasi mukhang pagod ka na. Di naman siya gaanong importante eh.”

“Okay, if di naman masyadong importante bukas na lang..pagod na talaga ako. I have to go up and rest. You too, tomorrow will be your first day sa training, go and take a rest as well.”

“Sige po Sir..goodnight po.”

“Goodnight.”

Umakyat na si Richard sa kwarto niya para magpahinga, si Maya naman ay bumalik sa kusina. Pagpasok pa lang sa kusina ay tinanong siya kaagad ni Manang Fe.

“Nangumusta lang po siya Manang kung ano na daw ang nangyari sa pagpunta ko ng restaurant kaya yon, sinabi ko sa kanya na tanggap ako at bukas magsisimula na akong magtraining bilang hostess. Sinabi pa nga niya kung ayaw ko daw sa naka assign na posisyon ko doon, sabihan ko lang siya or si Ms. Liza para mahanapan daw nila ako kaagad ng ibang trabaho.”

“Oh di ba, sabi ko naman sa’yo mabait yan si Richard.”

“Mabait naman talaga yan si Sir Manang kasi kung hindi, di na niya ako tutulungan na makarating dito. Yun nga lang, ang suplado lang niya minsan.”

“Oo, minsan nga may pagkasuplado yang batang yan , pero napagsasabihan naman yan. ”

“Eh minsan din naman kasi Manang aaminin ko, ginagalit ko talaga siya. Minsan pinagpapasensiyahan din naman niya ako, lalong-lalo na nung andun pa kami sa San Nicholas pero minsan di na niya matiis kaya pinapatululan na niya ako. ”

“Pareho kayong dalawa Maya , makulit at ayaw pa lamang kaya ganyan.”

“Oo nga eh.”

Maya agreed to Manang Fe as she chuckle. She could still remember their constant bickering when they were still in San Nicholas, there was never a day that they didn’t argue but fortunately they were able to withstand each other  and went home na di nagkakasakitan.

“Ay bago ko makalimutan Manang Fe. Sorry di ko pa nasabi kay Sir Richard ang tungkol sa paghahanap ng kasama mo dito. Mukhang pagod na kasi siya, bukas na lang Manang ha.”

“Ano ka ba Maya, okay lang yon . Mabuti pa siguro, magpahinga ka narin. Maaga pa ang pasok mo bukas kaya kailangan mo na ding magpahinga. ”

“Pagkatapos ko pong maghugas ng pinggan magpapahinga na ko..”

“Hindi na! Ako na…sige na umakyat kana sa kwarto mo para makapangpahinga ka. Buong araw mo na akong tinulungan dito.”

“Sigurado po kayo?”

“Ano ka ba! Oo sigurado ako.”

“Sige po Manang..mauna na po ako. Ikaw din po magpahinga ka na.”

“Oo, ito lang naman ang di ko pa natatapos..sige na.”

“Sige po, goodnight po.”

“Goodnight Maya..salamat sa pagtulong mo sa akin.”

“Walang anuman po..”

Maya smile at Manang Fe then turn and leave. Pagpasok sa kwarto niya, tinawagan muna ni Maya ang kanyang nanay para ibalita ang tungkol sa trabaho niya at nangumusta na rin. Ilang minuto ring silang nagkausap ng nanany niya bago pa ito naputol at naubusan na ng load si Maya. Sobrang saya ni Maya na marining ang boses ng kanyang nanay. Mula ng dumating siya sa Manila, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam ng pangulila sa pamilya niya kaya di maiwasang mapaluha si Maya. Para iwasang malungkot pa, pinilit niya ang sariling makatulog. Pinilit na ipikit ang mga mata, kahit tumutulo ang luha niya tuloy parin siya sa pagpikit hanggang sa maka-idlip na.

Kinabukasan, maagang nagising si Maya. Bago niya inihanda ang sarili para sa unang araw ng training sa restaurant ay bumaba ito para tulungan si Manang Fe. Tinulungan niya itong magluto ng breakfast nila at maglinis na din para di na ito mahihirapan sa lilinisin niya pag-alis nila ni Richard mamaya. Laking pasalamat ni Manang Fe at dahil kay Maya, medyo gumaan-gaan na din ang trabaho niya at di na siya gaanong nahihirapan. Dahil maaga ang call-time ni Richard, nauna iton umalis kasama si Liza na dinaanan siya sa mansyon para si Joma naman ay maiiwan sa bahay at may maghahatid kay Maya. Ayaw na sana ni Maya kasi nahihiya siya pero di pumayag si Richard kasi di pa niya kabisado ang lugar nila.

Masaya si Maya at naging maayos ang unang araw niya sa training. So far, wala naman siyang nagiging problema sa magiging trabaho niya at sa mga katrabaho na din. Malaking tulong din na si Emman ang nag-train sa kanya kaya bukod sa marami siyang natutunan ay masaya pa dahil palabiro si Emman. Sa una medyo naiilang pa si Maya kay Emman pero dahil sa pareho silang makulit at pala-kwento dahan-dahang naging kumportable na si Maya sa kanya.

“Maya bet kita ka-friend kasi di ka maarte tulad ng iba. Yung iba ang orte tapos chaka naman, di tulad mo..di na maarte, ang ganda at mabait pa. Alam mo ba, kung di lang dahil sa buhok mong mahaba at sa mala-Manang mong pananamit at medyo makapal na kilay di mahahalatang galing kang probinsya. Ang kinis mo kasi at ang puti-puti pa.”

“Ikaw talaga Sir Emman. Pero galing mong magsalita Sir ha..di ko alam kung pinupuri mo ba ako o ..

“Ano ka ba! Sabi ko nga maganda ka…at kung puputulin natin yang buhok mo, kukulayan, at saka i-shape yang klilay mo, change wardrobe ng slight..PERFECT!! ”

Napatawa na lang si Maya kay Emman habang para itong nag-iimagine sa harap niya sabay palakpak pa ng kanyang kamay pagka-sabi nito ng salitang PERFECT . 

“Ay naku Sir, bago pa yang sinasabi mong baguhin ko kailangan ko pang magpadala ng pera sa nanay ko sa probinsiya at mag-ipon. Parang buong pagkatao ko yata ang kailangang baguhin eh!”

Umiiling na sabi ni Maya sa kanyang kaharap. Patuloy parin sila sa pagsubo ng pagkain habang nag-uusap. Isang katangian na napansin ni Maya na magkatulad sa kanilang dalawa, yung kahit anong daldal na nila nakukuha parin nilang pagsabayin ang kanilang ginagawa sa pagsasalita, in this case, daldal-kain na di man lang nabubulunan kahit nagmamadali na.

“Di naman , itira mo parin yung magandang ugali mo at mas pagandahin natin ang itsura mo…tsaka kailangan mo din yan sa trabaho no kasi ikaw yung unang tao na nakikita ng mga customer pagbukas nila ng pinto..kaya sa make-over mo, ako ang bahala sa’yo.”

Tumawa at umiiling si Maya ng marinig ang plano ni Emman. Sa ngayon, malayo pa sa isip ni Maya ang tungkol sa make-over na sinasabi ng kanyang kaibigan. Marami pa siyang dapat pagkakagastusan, tulad ng pagpapadala ng pera sa probinsiya at paghahanap ng bahay na malilipatan.

“Di ka naniniwala na ang make-over ay mas magpapaganda pa sa’yo? Aba! Parang hinahamon mo ako ah!”

Habang kumakain sina Maya at Emman, pumasok naman sa loob ng room si James. Kaya parehong napahinto sa pagkain sina Maya at Emman.

“There you are! Kanina pa kita hinahanap!”

Nakangiting saad ni James habang nakatingin kay Maya. Kinabahan si Maya at baka mapagalitan siya ni James, unang araw pa naman niya.

“Naku Sir sorry po..di ko namalayan ang oras. Sige po ililigpit ko lang po itong pinggan ko at maghahanda na ako para makabalik sa pwesto ko sa labas.”

Pati si Emman kinabahan narin at magliligpit na rin sana ito ng kanyang pinagkainan.

“No, no , no.. okay lang, break ‘nyo pa naman di ba.”

“Bakit mo po ako hinahanap?”

“Itatanong ko lang kung kumusta na ang training mo?”

“Okay lang naman po Sir..”

“Ay Sir James, madaling matuto si Maya kaya walang problema.”

Pagbibida naman  ni Emman kay Maya.

“That’s good..how about the day after tomorrow officially mag-start kana?What do you say?”

Lumiwanag ang mukha ni Maya sa sobrang saya at excitement. Pati si Emman masaya din sa narinig.

“Wala pong problema sa akin yon Sir..salamat po!”

“Don’t mention it.”

“Ay Sir, bukas pala di ba naka-leave ako paano po ang training ni Maya?”

“Ah oo nga pala..just tell me kung ano pa yung dapat na matutunan ni Maya at ako na ang bahala. Tutal sabi mo nga, di naman mahirap turuan si Maya I’m sure kakayanin ko siya.”

“Sige Sir , no problem. Sorry talaga Sir, alam mo naman once lang ang kasal kaya di ko pwedeng palampasin ang kasal ng sister ko..Don’t worry pagbalik ko sisiguraduhin kong aalalayan ko parin si Maya sa first official day  niya dito sa resto.”

“Thank you Emman. Sige mauna na ako ha. Huwag kayong masyadong magdaldalan diyan ha.”

Tumango lang sina Maya at Emman. Pag-alis ni James ay tinapos na rin nila ang kanilang pagkain at bumalik na sa labas at nag-umpisa na ulit sa kanilang training ang dalawa. It was a productive day for Maya, ang dami niyang natutunan kay Emman. Mula kung paano asikasuhin ang kustomer pagpasok pa lang sa restaurant, pagtake ng orders who are dining in and  from customers na tumatawag for deliveries. Konting familiarization na lang sa menu at okay na.

Pag-uwi ni Maya nang gabing yon, excited siyang nagkwento kay Manang Fe habang tinutulungan ito sa gawain niya. Sa sobrang pagod ni Maya , di narin nito na-antay pa si Richard na umuwi at nauna na siyang matulog dahil sa maaga din siyang gigising kinabukasan para tumulong sa matanda bago pa siya umalis papuntang training.

Kinabukasan pagkagising ay agad itong bumaba at tinulungan ang matanda bago pa siya naghanda para sa pagpasok. Di na din niya inantay si Richard na gumising at baka mahuli siya sa kanyang pagpasok sa restaurant.

Gaya ng napagkasunduan, si James ang nag-train sa kanya. Nang hapon din yon ay hinayaan siya nitong magtrabaho bilang hostess para makita niya mismo kung kakayanin na ni Maya kinabukasan. And James is impress with Maya, di niya ito nakitaan na ma-pressure kahit na madaming customer ang pumapasok. Tapos na ang training ni Maya kaya nakipagkwentuhan muna si James sa kanya para mas makilala pa ito habang naghihintay si Maya ng sundo niya. Todo papuri pa si James kay Maya.

“You know Maya, i’m so impress with you. Parang di ka kinabahan kanina ah.’

“Kinabahan din po ako Sir James, kasi sabi nga ni Sir Emman kahapon. Smile lang kahit nangangawi na ang pisngi mo sa kaka-smile. Nakakahiya naman po kung bigla na lang akong mag-backout sa kalagitnaan ng pagkuha ng orders nila. Buti nga di ako nagkamali..”

“Ganyan lang yan kasi bago ka pa lang. Give it a week masasanay karin..”

“Sir salamat at di mo ako pinahirapan sa training ngayon, sa totoo lang, kinabahan ako kasi baka mahirapan ako.”

“Kung pinahirapan kita, baka naman malalagot ako kay Richard niyan. Kabilin-bilin pa naman sa akin na huwag kitang pahirapan.”

“Sinabi niya yon?”

“Yes, and not jus him…including Liza. Susugurin daw niya ako pagpapahirapan kita.”

Thankful si Maya at kahit wala siyang pamilya sa Manila, andiyan sina Richard at Liza para alagaan siya.

“By the way, ikaw lang ba ang uuwi?”

“Ahhhh hindi po.”

“Susunduin ka ni Joma?”

Nahihiyang tumango si Maya. Nahihiya kasi siya na malaman ng mga kasama niyang hinahatid siya ng driver ng may-ari ng restaurant. Baka iba pa ang magiging dating nito sa kanila.

“Nakita ko kasi kagabi, don’t worry ako lang ang may alam.”

“Thank you po Sir, nahihiya kasi ako baka ano pang sabihin ng iba. Sinabi ko na nga kay Sir Richard huwag na akong ipahatid pero di po kasi pumapayag. ”

“Well, yan naman talaga ang dapat kasi di ka pa kabisado sa mga pasikot-sikot dito.”

“Yan nga lagi ko pong naririnig sa kanila, kaya nga di na lang ako kumukontra.”

“And you should listen to them kasi iba dito. So, ngayon maghihintay ka kay Joma?”

“Opo, sabi niya sa text papunta na raw siya.”

“Ah okay..so paano, mauna na ako sa’yo.”

“Sige po Sir. Thank you ulit.”

Ngumiti si James at marahang tinapik ang kanyang balikat bago ito umalis. Ilang minuto ang makalipas ay dumating naman si Joma kaya agad na lumabas na si Maya. Pagdating sa bahay, gaya ng kanyang ginawa noong nakaraang gabi ay agad nitong tinulungan si Manang Fe bago ito nagpahinga.

Dumaan ang ilang araw kapwa naging busy si Maya at Richard sa kanilang mga trabaho. Sa sobrang busy ni Richard di na sila nagpang-abot ni Maya. Sa tuwing umaalis kasi si Maya tulog pa si Richard or kung maaga ang schedule nito tulog pa si Maya. Kung dumating naman ito ay sobrang late na at nagpapahinga na rin si Maya. Kay Manang Fe na lang nalalaman ni Richard ang tungkol sa mga nangyayari kay Maya.

Isang linggo ang nakakaraan buhat ng naging opisyal na empleyada si Maya ng restaurant ay nagulat siya ng bigla siyang tawagan ni Liza isang hapon.

“Maya nasa restaurant ka ba ngayon?”

“Opo Ms. Liza. Bakit po?”

“Kasi ganito yon. Aalis ako ngayong hapon, may importante lang akong lalakarin . Naghahanap kasi ako ng taong pwedeng pansamantalang maging PA ni Richard kasi may photoshoot siya ngayon at medyo kakailanganin niya ang tulong. Pwede ka ba?”

“Ho? Ehh wala naman po akong alam sa mga ganyan po Ms.Liza tsaka may trabaho po ako ngayon eh. ”

“Walang problema yang trabaho diyan kasi pwede namang pakiusapan ni Richard si James. Kailangan lang talagang may makasama si Richard ngayon. Please?”

“ehhh…kasi po..di ko po alam kung..”

“Okay sige, pwede ko bang maka-usap si James?”

“Wala po si Sir James dito eh, si Sir Emman lang po. May importanteng nilakad si Sir James.”

“Paki-bigay na lang ng phone kay Emman at kakausapin ko.”

“Sige po, sandali lang po tatawagin ko.”

Pinuntahan ni Maya si Emman sa may main door, ito kasi ang tumayo doon habang sinasagot ni Maya ang telepono. Sinabi ni Maya na gusto siyang kausapin ni Liza sa telepono kaya agad naman itong nagpunta sa may counter kung saan ang telepono. Maya-maya lang ay nilapitan siya ulit ni Emman at sinabing magbihis na at susunduin siya ni Joma. Ayaw sana ni Maya na umalis pero dahil sabi ni Emman ay okay lang wala narin siyang nagawa.

Pagdating sa studio kung saan ang photoshoot ni Richard nadatnan ni Maya si Liza. Nagbilin ito ng ilang mga paalala sa kanya at panay ang sorry kung bakit kinailangan siyang pumalit pansamantala. Di nagtagal ay umalis na din si Liza. Habang busy ang lahat inip na inip si Maya kakatunganga sa studio kaya inaliw niya ang sarili sa kakatext sa nanay niya dahil dito di niya namalayan na nag-break pala sina Richard. Richard is glad to see her, its been days na di niya ito nakita.

“Maya..”

Tawag ni Richard kay Maya paglapit nito sa upuan nila. Di parin siya narinig nito at panay ang parin sa pagpindot sa cellphone niya. Nakailang tawag pa si Richard pero di parin niya napansin. Medyo maingay kasi ang paligid ng studio kasi nahahanda ang staff sa set para sa susunod na gagawing tema ng photoshoot. Nang di na nakatiis ay tinapan na ni Richard ang screen ng cellphone ni Maya.

“Hala! Sorry Sir..mmm magpapalit po ba kayo? Ano pong damit?”

“Break pa..kumakain ka na ba?”

“Opo, kanina po sa restaurant. ”

“Kumusta na yung trabaho mo?”

“Okay naman po, nakakapagod pero masaya po.”

“Kumusta naman ang mga katrabaho mo?”

“Okay naman po. mababait naman sila lahat eh.”

“Si James kumusta ang trato niya sa’yo?”

“Ay super bait po ni Sir James. Alagang-alaga nga ako, nakakahiya nga po eh. Nung unang araw ko nga sa trabaho todo alalay silang dalawa ni Sir Emman sa akin tapos ang bait pa kasi winelcome nila talaga ako . ”

“Talaga?”

Masaya si Richard marining yon mula sa kanya but deep inside medyo nag-aalala whenever she mention James and how he treats her. There is just something about James and Maya together. Di man niya kayang i-voice out sa iba, it’s the same feeling na naramdaman niya noon with Simon.Na parang di maganda ang dating sa kanya whenever nakikita niyang mas na appreciate ni Maya ang iba.

“Sabi ni Joma sa akin noong isang araw, di ka raw nagpasundo kasi si James  daw naghatid sa’yo sa bahay?”

“Ahh kasi po galing po kami nun sa bahay ng kasama namin kasi birthday niya. Tapos para naman daw celebration na din dahil maganda daw ang takbo ng restaurant maaga kaming nagsarado nun at sabay-sabay na nagpunta sa bahay ng katrabaho naming si Eds, eh pag-uwi nagpumilit si Sir James na siya na maghatid kaya di na ako nakatanggi.”

“Ikaw lang ang hinatid ni James?”

“Hindi naman po..kasama ko din po si Sir Emman  kasi nahihiya po ako, tapos on the way naman yung condo ni Sir Emman kaya kaming dalawa ang hinatid ni Sir James. Grabe tawa kami ng tawa ni Sir Emman kay Sir James kasi sobrang palabiro. Dun nga sa party ng katrabaho namin game na game siya mapa videoke man o kahit anong maisipang gawin nakikisali.”

“hmmmm…panay parin ba ang absent ni James sa restaurant?”

“Hindi naman po..parang di ko nga po naalala na nag-absent siya mula nung nagtrabaho ako dun.”

Habang masayang nagkwento si Maya kay Richard, napapatitig na lang ito sa kanya. Naglalaro sa isip ni Richard kung tama ba ang naging desisyon niyang sa restaurant na lang niya pinagtrabaho si Maya. Parang mas lalo ata itong mapapasama doon.

“Sir? Bakit po?”

“Ha? Ahh wala …wala naman… ”

Tumunog ang cellphone ni Maya at nang tingnan nito kung sino ang tumatawag ay kinabahan siya nang makita ang pangalan ni James. Naisip niyang baka magalit ito at umalis siya na di nagpaalam ng personal.

“Excuse me lang po Sir ha..sasagutin ko lang.”

Pinindot na ni Maya ang button ng kanyang cellphone at sinagot si James.

“Hello Sir James?”

“Hello Maya!”

“Sir James, pasensiya kana po kasi ano ..mmm nasa photoshoot po ako ni Sir Richard. Kailangan daw kasi ni Ms.Liza na may pumalit sa kanya. Di po ba nasabi ni Sir Emman sa’yo?”

“Actually nasabi na, wala namang problema yon sa akin. Tumawag lang ako kasi nag-aalala lang ako baka di ka nakarating ng maayos sa pupuntahan mo.”

“Ay Sir sinundo naman po ako ni kuya Joma kaya huwag po kayong mag-alala. Nakarating po ako ng maayos dito.”

Nang marinig ni Richard ang sinabi ni Maya ay di maiwasang tumaas ang kilay niya. Ang pagtawag ng personal kay Maya para siguraduhing nasa maayos itong kalagayan, bagay na di naman karaniwang nakikita at ginagawa ni James sa mga employees nila noon. Ang hinala niyang may gusto ang business partner niya kay Maya ay parang nagkakatotoo na nga. Nang makita niyang binaba na ni Maya ang cellphone niya agad siyang nagka-ideya ng itatanong.

“Binigyan ka na ba ng flowers ni James?”

“Opo, noong unang araw na naging opisyal na empleyada ako ng restaurant. Pang welcome daw niya sa akin sa restaurant.”

“mmm sa restaurant parin ba siya kumakain, di na ba siya umaalis?”

“Di na po. kasabay po namin siya ni Sir Emman tuwing lunch..minsan pagsobrang daming tao, kaming dalawa lang ang nagkakasabay at si Sir Emman ang pansamantalang pumapalit sa akin.”

“Ahhh”

“Bakit po?”

Sa puntong ito, isang desisyon na ang nabuo ni Richard.

“Maya why don’t you work as my PA na lang?”

“Po?”

“Kasi wala naman akong PA and kagaya ngayon pagkailangan ni Liza na umalis natataranta siyang maghanap ng PA ko..”

“Bakit po?”

“Para mas mapanatag ako.”

“Po?”

“Ah ibig ko sabihin para ano..mas mapanatag ako na everytime kailangan ko ng PA meron na akong PA”

“Ay! ayoko po!”

Mabilis na tanggi ni Maya kay Richard.

“And why not???!”

Nang tumanggi si Maya ay di maiwasan na mapataas ang boses ni Richard. Si Maya naman ay naguguluhan kay Richard,  bakit ang dali-daling magdesisyon na parang di man lang iniisip ang kanyang sinasabi.

“Ayoko nga! Ang saya na ng buhay ko dun sa restaurant, tahimik at wala akong kasigawan palagi. Ang bait ng mga tao sa akin, asikasong-asikaso pa ako ni Sir James at Sir Emman tapos ipagpapalit ko ang katahimikan ko? Ayoko nga, magkasakit pa ako sa puso at magka highblood ng maaga kung lagi kitang kasama.”

Nanggigil na sagot ni Maya kay Richard.

29 Comments (+add yours?)

  1. Azxeil
    Aug 08, 2013 @ 21:38:00

    Welcome back mother…hope everything is well po!!!

    buti pa d2 ok pa rin ang atmosphere kahit na aso’t-pusa pa rin ang 2…thanks po sa update🙂

    Reply

  2. purang
    Aug 08, 2013 @ 20:23:19

    Halu sa lahat natapos din ang mahabang paghihintay so ayun pala lumiwanag din,selos is so deadly,welcome back miss con,halu sis peng

    Reply

  3. Crunch
    Aug 08, 2013 @ 15:19:00

    hahahaha!!! Richard! neseselos ka ha! wag magpahalata!

    Reply

  4. Jenny
    Aug 08, 2013 @ 13:32:55

    I am so glad you’re back Ms. Con!🙂

    Reply

  5. misschuchy
    Aug 08, 2013 @ 13:28:38

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  6. catez
    Aug 08, 2013 @ 12:48:26

    mama minion welcome back namiss namin ng ilang araw ang TWC ……….enjoy ako sabi na may selosan na magaganap at ang kakulitan ni emman di nawawala …..buhay na buhay na naman ang mga minions …….. teamSIMON sis hello again sa iyo kailan kaya tayo gugulong dito ha ha ha ……. abangan ano ang gagawin ni richard ayaw pumayag ni maya na maging PA niya …….mahaba habang paliwanagan ito tsk tsk tsk goodluck richard makumbinsi mo sana si maya ……thanks mama minion ……

    Reply

    • teamSIMON
      Aug 08, 2013 @ 12:53:26

      Sis catez!!!!ay naku!! Nagaabang n nga ako ng moment ng pag gulong e:) ready na ko.. hehehhe.. naalala ko tuloy yung sa chinito…:) talaga nmang tinalo ko ang breaded porkchop dun na iginulong gulng sa breadcrumbs!!! Hahahaa…

      Reply

  7. felcarnelle2008
    Aug 08, 2013 @ 12:46:54

    hahaha, at least dito re revive ang lugmok kong espirito

    Reply

  8. nanette
    Aug 08, 2013 @ 12:25:35

    hello con, glad to see you back!
    kind of getting worried kasi it’s not like you to be away from us so long..
    pero syempre if the problem is with the pc not much we can do about it.
    anyway hope all is well in your end, despite the weather and bombing problems our country is going through right now… keep safe con…
    now read muna ako at namiss ko continuation ng TWC :))

    Reply

  9. teamSIMON
    Aug 08, 2013 @ 12:13:21

    Hi ms. Con:) first thank you at ok naman kayo dyan:) nagalala ako sa yo kasi very unusual na wala kang post kahit sa fb or twitter.. masya ako kasi kasama ka na ulit namin.. kahit di tayo nagkakatagpo ng oras;)

    Sa mga sisters ko dito kaway kaway sa inyo.. talagang busy-busyhan na sa totoong buhay.. may mga trainings na ko..

    Muntik ko na malimutan… ang ganda ng twc 11.. hahaha.. nakakatawa na nakakakiig!!! Kasi may isang nagjejelly-ace… hihihi.. at may isang makulit!!! Kelan immake-over si maya? Hehhehe…

    Reply

  10. felcarnelle2008
    Aug 08, 2013 @ 11:51:39

    (even depressed) time check: 10:50am time for TWC 11

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: