The Willing Captive 12

Eto na pambawi…😉

 

 

 

Pagkatapos tumanggi ni Maya tuluyan ng uminit ang ulo ni Richard. He is not particularly angry kasi inayawan siya ni Maya but mainly because lahat ng sinabi ni Maya about their situation is right. Imposible naman talaga na may lilipas na araw na magkasama sila ay walang away na mangyayari. After nilang magsagutang dalawa ay di na niya muling kinibo si Maya. Natapos na ang photo shoot at naka-uwi na sila sinadya niya talagang di kausapin si Maya. But that doesn’t stop him, plano niya paring sapilitan na gagawing PA si Maya.

The next day, papuntang trabaho na si Richard with Liza nang kausapin niya ito about his plan with Maya. Nagulat si Liza and just like Maya’s reaction nagalit din si Liza kay Richard.

“Richard, kung ako naman si Maya magagalit din ako. Ano akala mo kay Maya, figurine na pwede mo na lang idrag kung saan mo gustong ilagay? And tama din naman yung sinabi niya na tahimik na siya doon, kung lagi kayo magkakasama lagi din kayong mag-aaway. Di ba masmaganda yung magkalayo kayo, pareho kayong tahimik.”

“I know. That’s why naiinis ako kasi tama siya. But ayoko yung andun siya sa restaurant. Naisip ko lang naman, mas maganda yung alam ko kung ano yung nangyayari sa kanya.”

“Honestly Richard, ano ba talaga ang gusto mong mangyari, bakit gusto mo lagi mo siya nakikita? And kung para lang dun naman, andiyan si Manang Fe, siya naman yung nagkukwento sa’yo di ba?”

Liza stare at him, trying to read what’s in his mind.

“Wala..I mean, alam mo naman ako ang nagdala sa kanya dito. I just want her to be safe.That’s all.”

“Safe? Safe from whom? May nangbabastos ba sa kanya sa restaurant at gusto mo siyang ilabas dun?”

“Wala naman. She said maganda naman daw pakikitungo sa kanya dun especially James.”

“Ganun naman pala eh. So ano pa ang problema dun? Kung alagang-alaga siya ni James then I don’t see there’s any problem with that. We know James will take good care of her naman di ba?”

“That’s exactly the problem Liza, we know James. Don’t you get it? She is not safe with him around.”

“Ohhhh! So si James pala ang dahilan..nagseselos ka?”

“Selos? Damn no! ”

“Then what? Bakit kailangan mo siyang ilayo kay James ? If Maya said na mabuti pakikitungo ni James sa kanya then wala tayong dapat ipag-aalala Richard.”

“What would it take for you to say yes to my plan Liza?”

“If bibigyan mo ako ng isang mabigat na reason ..mmm no, let me rephrase that, ibigay mo sa akin ang totoong reason kung bakit kailangan mong ialis si Maya dun sa restaurant.”

Hinarap na ni Liza si Richard, looking at him straight in his eyes. Her lips curve in a slight smile. Daring him to speak up and this time Richard know if he won’t give her what she wants, he wouldn’t get what he wants too. Richard let out a deep sigh, staring back at Liza di alam kung saan magsisimula. Alam ni Liza na konting push na lang baka maamin na rin ni Richard sa sarili niya na gusto niya talaga si Maya or better yet, aamin na ito sa kanya

” Answer me with yes or no Chard. Nag wo-worry ka kay Maya?”

“Yes.”

“Ayaw mong makita si Maya with James?”

“Yes.”

“Gusto mo na alam mo kung ano ang ginagawa niya always?”

“yes..nasabi ko na yan sa’yo kanina.”

“Ngayon na alam mong nagiging malapit na si Maya kay James, nag-aalala ka na baka ma-develop na si Maya kay James?”

“Yes!”

” Alam mong mas lamang si James kesa sa’yo kaya alam mong mahuhulog din si Maya sa kanya?

“Of course not! Mas lamang kaya ako sa kanya! ”

“Yes or no lang, Chard.”

“Yes! I mean..No!”

“Ano ba talaga?”

“Okay fine! Yes!”

“So..natatakot ka na mahulog si Maya sa kanya…kasi….baka di mo na maligawan si Maya?Do you like Maya?”

“Yes, no..yes.. tsss, Honestly..di ko alam!”

“Isipin mo muna Chard bago tayo magdedesisyon ha… oh! Andito na pala tayo. ”

Ilang sandali lang ay nakita na ni Richard ang van ng station company nila. Nasa isang location shooting sila para sa teleseryeng pagbibidahan ni Richard.  Nakita na din nila ang ilang private vehicles own by the other casts.

 

Richard spent the whole day thinking about Maya. And gaya ng kung ano ang nasa isip ni Liza ng mga sandaling nag Q&A portion sila on their way sa location shoot. Di na niya siguro talaga kayang itago pa. If di niya tatanggapin sa sarili niya na gusto niya si Maya walang mangyayari. Kasalukuyang break ni Richard ng tawagin nito si Liza para makausap sa loob ng sasakyan niya, kung saan malayo sila sa ibang taong maaring makakarinig sa kanila.

“Just help me Liza okay?”

“Help? Anong help, ako ang aacting para sa’yo mamaya?”

Nagmaang-maangan pa si Liza para lang udyukin pa si Richard na umamin na. Kanina pa niya nahahalata ang alaga niyang wala sa sarili at parang malalim ang iniisip. Kahit ang simpleng linya nahihirapan nitong mamemorya at parang ang tamlay pa.

“Hindi! Ano ba, seryoso ako!”

“Anong help ba ang tinutukoy mo?”

“About Maya.”

“Oh, Maya?! ”

“Yes. Help me convince her.”

“And bakit?”

“Okay sige aaminin ko na para lang sa ikasasaya mo..I like her, pero I need time to get to know her more and more time para mapalapit ako sa kanya. Alam mo naman di ba lagi na lang akong masamang timpla para kay Maya.”

“Ay salamat naman Chard umamin kana..pero di ba ikaw naman ang nagdecide na mas mabuting di makita ng ibang tao na magkasama kayo ni Maya para di na maalala ng iba yung tunkol sa nangyari sa inyo sa San Nicholas.”

“Bahala na Liza…and besides, mas makakasama kung lagi silang magkasama ni James. You know kung ano si James when it comes to girls. And di ko papayagan na mahulog si Maya sa kanya. If di man ako magugustuhan ni Maya at least mapapalayo ko naman siya with James. As early as now, mas mabuti pang matransfer natin si Maya before James makes his move.”

“Nakakatawa ka Chard. Masyado kang nag-aalala. Okay ka  lang ba talaga?”

“No, I’m not okay Liza unless di ko mapapayag si Maya. Di ako makakapag-trabaho ng matino if di ko siya nakikita dito”

“Uy! Richard over na yan ha! Kung kailan ka magfo-forty years old saka ka pa gumaganyan. Huwag mo akong artehan ng ganyan di ako nai-impress!”

Natatawang sabi ni Liza kay Richard.

“Sige na I’ll see what I can do…bumalik ka na dun at baka ikaw na lang hinihintay nila. Kung di lang ako boto kay Maya di kita kokunsintihin eh!”

Richard smile, thankful that he has Liza’s approval now. Bumaba na si Richard sa sasakyan at bumalik sa set with a renewed energy to finish the remaining sequences left for the day.

 

 

It was another busy day for everyone sa restaurant. Busy si Maya in answering calls for reservation and deliveries when the door open so she rush back to the doorway to greet the guests. Nakita ni Maya si Liza who is smiling at her, ngumiti na rin si Maya kay Liza. Nakita niya ang pagpasok ng  kasunod nitong  si Richard and few others, she recognized  few of them as co-actors ni Richard in his upcoming teleserye and yung iba hindi na.

“Hello Ms. Liza, Sir Richard.. welcome po.”

“Hi Maya, may table pa ba available for 10?”

“Yes meron pa po. Please follow me , dito po tayo.”

Maya lead them to a long table at the other end of the restaurant. When everyone is settled, Nagbigay na si Maya ng menu. Habang pumipili ang iba ay tumayo naman si Richard para itanong kung nasa loob ba ng opisina si James.

“Yes Sir, nasa office po. Tatawagin ko po ba siya?”

“No, hindi na. Ako na ang papasok dun.”

Umalis na si Richard at pinuntahan si James sa opisina nito. Pagkatapos makuha ni Maya ang order nina Liza at ng ibang kasama nito ay hiniling naman ni Liza na magkausap silang dalawa.

“Ngayon na po ba? Medyo busy po kasi ako ngayon Ms. Liza.”

“Sandali lang naman.”

“Sige po.”

Dinala ni Liza si Maya malapit sa may rest room kung saan medyo malayo sa ibang tao para di sila marinig.

“Maya, I really need your help.”

“Bakit po?”

“I need you to be with Richard for two weeks. Please?”

“Bakit po?”

“Di ako papayagan ni Richard magbakasyon kung di ako makahanap ng PA niya pansamantala..I really need a break. Please pumayag ka na?”

“Po? Eh kakasimula ko lang po dito tapos mawawala ako dito, 2 weeks pa?”

“Wala ka na bang ibang makita na papalit po sa inyo?”

Nag-aalala na si Maya at baka di na talaga siya makatanggi kay Liza. Pero ng makitang seryoso talaga si Liza sa sinasabi nito, tuluyan na siyang nanghina. Mukhang makukuha na talaga ni Richard ang gusto niya.

“Ms. Liza naman eh…”

“Please Maya…please?”

“Kailan ka po ba aalis?”

“As soon as magiging okay ka na pwede na akong umalis.”

“Titingnan ko po kung papayagan ako ni Sir James mapapa-alam po muna ako.”

“Ah,you don’t have to do it. Andun na si Richard to do that for you.”

“Po?!”

“Uhmmm, kaya prepare yourself. Bukas sa amin ka na sasama.”

Meanwhile..sa loob ng opisina ni James.

“Chard, you can’t do that. Di mo pwedeng basta-basta na lang ipull-out si Maya ng biglaan. Yung operation namin dito ang maapektuhan.”

“Are you sure yung operation dito ang maapektuhan James?”

Richard stare at James with a brow slightly raising. Indicating that di siya naniniwala sa reason ni James.

“And ano naman ang ibig mong sabihin?”

“Di kaya kasi ayaw mong mawala si Maya dito kasi may gusto ka sa kanya?”

“Uh?! Bakit biglang napunta dun ang usapan?”

“At bakit, hindi ba James. Look brod, kilala kita.”

Richard look serious kaya alam ni James na di madadala sa ano mang pagtanggi ang kaibigan niya.

“Okay, I admit. I like her. ”

“Sabi ko na nga ba. That’s it! Simula bukas aalis na si Maya dito.”

“Wait, bakit ba issue to sa’yo Chard? Come on bro!”

“Because we are talking about Maya!”

“Kaya nga! So what about her?”

“Leave her alone.”

Sa bawat sagot ni Richard, James sense na parang nagagalit na ang kaibigan niya sa kanya. Di na ito kalmado at lumalakas na rin ang boses niya.

“Teka nga, bakit ba galit ka? Can you just explain it. Di kita maiintindihan eh.”

“Just leave her alone. Huwag mo siyang igaya sa ibang babae mo.”

Tumayo si Richard, both hands rest on his hips looking at James seriously.

“Woah! Sumusobra ka naman ata bro? Sabi ko I like her, di mo pa nga alam kung anong level.”

Napatayo na rin si James looking at Richard with equal intensity.

“Whatever it is, basta huwag si Maya.”

“And why? What if sabihin ko sa’yo interesado ako sa kanya hindi para fling-fling lang kundi seryosohan na kasi iba siya sa ibang babae na nakilala ko?”

James stare at Richard with arms cross on his chest..

“What if sabihin ko din sa’yo di ako papayag at akin lang si Maya?”

“What? Nagpapatawa ka ba Chard?”

James chuckle na mas lalong ikina-init ng ulo ni Richard.

“No di ako nagpapatawa.  ”

“Alam ba ni Maya yan?”

Natahimik si Richard at pansamantalang napaisip. Pagnalaman to ni Maya sigurado siyang magagalit na naman ito sa kanya. It would only ruin his chance na mapalapit sa kanya.

“Well,  well, well, looks like ikaw lang ang may alam. Ang init ng ulo mo tapos wala ka pa palang nagagawa!”

James is clearly mocking at him now. Bigla namang may kumatok sa pinto at narinig nila ang boses ni Maya.

“Come in.”

James answer Maya.

“Sir James.. may dala po akong juice para sa inyo ni Sir Richard. Pinapabigay ni Ms. Liza.”

63 Comments (+add yours?)

  1. Myrna V. Pimentel
    Aug 10, 2013 @ 14:22:46

    akin lang si maya…i love it!!!! thank u!!

    Reply

  2. binky
    Aug 08, 2013 @ 23:58:47

    thank you…

    Reply

  3. Azxeil
    Aug 08, 2013 @ 21:47:59

    Jelly ace na c Chenes…color yellow-green!!!
    tuloy na ba ang boxing match ng 2 (SC vs. JV) at c Maya ang round girl…hehehe

    Reply

  4. felcarnelle2008
    Aug 08, 2013 @ 21:27:33

    nag sa-start na akong mag alay sa anito, baka may himala at lumabas ang TWC 13, at ano kaya ang kahihinatnan ng bangayan ng dalawang ito?

    Reply

  5. felcarnelle2008
    Aug 08, 2013 @ 20:56:58

    nasaan na ang mga minions? maghanda na kau ng hukay – may ililibing tau, at paki tali na rin ung mag sing irog na yan – at wag na muna, na kyu-kyutan pa ako sa bangayan nila hehehe

    Reply

  6. felcarnelle2008
    Aug 08, 2013 @ 20:54:22

    hoy James Ventura – umayos ka baka sa kangkungan ka pupulutin

    Reply

  7. felcarnelle2008
    Aug 08, 2013 @ 20:50:54

    kanina ko pa gustong mag comment, d ko alam kung ano ang e co-comment

    Reply

  8. felcarnelle2008
    Aug 08, 2013 @ 20:50:10

    bakit ako kinikilig sa bangayan nila?

    Reply

  9. purang
    Aug 08, 2013 @ 20:31:23

    Whoah kasing init na tag-init hahaha next na pls.

    Reply

  10. nanette
    Aug 08, 2013 @ 17:09:02

    the heat is on!!!….thanks con, magti-triple treat ka ba today?🙂
    maingay na naman tau.
    hala eh, uwian na sa ibang offices di pa ako nagsisimulang magwork sa kakabasa ng FF… wahhhh….

    Reply

  11. chobangs
    Aug 08, 2013 @ 16:48:24

    eeeeeeeeeeeeeeeehhhhhhhhhh!!!!!..

    ayan na! umamin na ang Mamang Singkit! Kung maka bakod, wagas! sana huwag humarang sa daan si James .. :hmm:

    nakisabay ka sa katahimikan ng EB Mother Minion huh?! heheheh

    thankie!

    sincerely waiting for TWC 13,
    Chobs😀

    Reply

  12. Alpha
    Aug 08, 2013 @ 15:43:23

    thank you so much for this double treat Ms. Con. Naku, makakayanan kayang harapin nila Richard, Maya at James ang mga katotohanan? Magkakaroon ba ng confrontation sa office between the three. Naku, mukhang dehado pa si Richard.😦

    Reply

  13. Crunch
    Aug 08, 2013 @ 15:30:52

    well, well, well.. Mukhang may WORLD WAR III or rather LOVE WAR?? heheh… Nice Chapter! Next na po please..🙂

    Reply

  14. Eden dela cruz
    Aug 08, 2013 @ 14:17:09

    Naku mukhang may giyerang mangyayari ha.

    Reply

  15. Jenny
    Aug 08, 2013 @ 14:10:43

    Tama Richard! Wag ka ng magpatumpik-tumpik pa! Ha haha

    Reply

  16. teamSIMON
    Aug 08, 2013 @ 13:56:11

    Yan ha.. maya.. ang haba ng hair mo.. abot hnggang houston:) haha.. thank you ms con:)

    Reply

    • catez
      Aug 08, 2013 @ 14:04:55

      hi sis teamSIMON umabot ba dyan sa iyo sa houston ang hair ni maya ha ha ha …….sis ano twitter acct mo para ma follow kita ….

      Reply

      • teamSIMON
        Aug 08, 2013 @ 21:04:18

        🙂 abot na abot.. patulog na nga ako.. npagising tuloy ako.. hahha.. eto twitter ko: iamloved1378 .. medyo nd ako magiging active ngayon sa twitter, fb, pex at dito.. busy na sa totoong buhay.. hahha..dami trainings:) follow din kita:)

        Reply

  17. charmtaz24
    Aug 08, 2013 @ 13:52:32

    magkalabasan na sana ng mga naitatagong damdamin!!!

    Reply

  18. catez
    Aug 08, 2013 @ 13:47:14

    ayiiiiiiiie ang haba ng hair mo maya abot hanggang dito sa akin sa pacific pagawayan ka ng 2 lalaki na magpartner sa business ………. sino kaya ang pipiliin ni maya si james o si richard? at richard bawi bawi ka magpakita ka naman ng konting sweetness kay maya para di na niya maalala yung nasa san nicolas kayo ………. mama minion thank you again 2 kaagad siguradong matutuwa ang mga minions ………

    Reply

  19. misschuchy
    Aug 08, 2013 @ 13:28:55

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: