The Willing Captive 13

Parehong nakatitig sina Richard at James kay Maya pagpasok niya dala ang isang tray na may lamang dalawang baso ng orange juice. Sa titig ng dalawa sa kanya, di niya malaman kung galit ba ang dalawa sa kanya at naka-istorbo siya o may gustong itanong ang dalawa sa kanya. She carefully lay the tray on James’ table. Nang hindi parin kumibo ang dalawa.

“Sir James, may gusto po ba kayo?”

“Gusto ko ng isang baso ng malamig na malamig na tubig Maya.”

“Po? Ayaw ‘nyo po nitong juice?”

“Gusto ko yan , meron lang isang taong kailangan ang isang malamig na tubig para mahimasmasan.”

James turn his head and stare at Richard. Sa mga tingin nito, parang babalatan ng buhay ang kaharap niya kaya kinabahan si Maya. Naglalaro sa isip niya baka kaya galit ang amo niya at ayaw nitong pumayag sa gusto ni Richard na ipull-out siya temporarily sa resto.

“Maya. Get your things aalis na tayo.”

Utos ni Richard kay Maya, habang sinasabi ito, nakatitig naman ito sa mga mata ni James. Parang nagpapatalasan ng titig sa isa’t-isa at sa tingin ni Maya kung di siya mamamagitan ay mag-aaway na talaga silang dalawa.

“Sir Richard, hanggang mamayang gabi pa po ang shift ko.”

“It doesn’t matter. Halika na.”

“Maya you don’t have to follow him if ayaw mo.”

James countered. Smiling at Maya to make her feel at ease.

“Maya!”

Galit na si Richard at halatang di na magpapa-awat sa sinabi nitong isasama niya si Maya sa pag-alis niya. Sa sobrang kaba ni Maya, napa-igtad pa siya ng marinig ang boses ni Richard. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito ng marinig ang galit na boses ni Richard kaya nagmadali itong lumabas ng opisina ni James.

“See? I hope that’s clear. Boses pa lang may nagagawa na ako kay Maya.”

Richard smirk at James then left.

Nagbihis na si Maya at kasalukuyang nagliligpit ng gamit niya sa my locker room ng madatnan siya ni  Emman na  nag-aalala dahil iiwan siya ng kaibigan.

“Bakit ano bang nangyari Maya dear?”

“Eh..Sir Emman di ko rin alam eh. Ewan ko, nataranta ako ng sumigaw na si Sir Richard kaya lumabas na ako. Sorry po Sir ha, alam ko ikaw na naman ang mahihirapan nito. Two weeks lang naman, babalik ako kaagad dito.”

“Call me Maya ha. Balitaan mo ako. Parang iba ang naaamoy ko sa sulutan ng employee na nangyayari eh.”

Emman flash a knowing smile at Maya. Napakunot naman ng noo si Maya habang nakatitig sa kanya.

“Bakit po?”

“Ahh basta..ichi-chika ko sa’yo pagnagkita tayo ulit.”

Just then, sumulpot si Liza sa may likuran ni Emman.

“Maya…sabi ni Ricardo dalian mo na .”

“Ano bang nangyayari sa kanya Ms.Liza at parang sinapian? Nag-away ba sila ni Sir James?”

“Ewan ko..tanungin mo na lang siya mamaya. As for now, kailangan na nating magmadali at nag-iisang guhit na ang mata ni Ricardo.”

“Seryoso Ms. Liza?”

“Bakit ka gulat Maya eh isang guhit lang naman talaga mata ni Sir Richard!”

Umiirap na sabi ni Emman, asar kasi ito at bakit kailangan pang umalis ni Maya. When he realize na kaharap pala nila si Liza ay napatakip ito ng bibig at humingi ng pasensiya. Tumawa na lang si Maya at Liza.

“It’s okay Emman.. ewan ko nga ba kay Ricardo, Ang init ng ulo…bakit kaya Maya hmmmm?”

May himig panunudyo ang pagkasabi ni Liza, si Emman naman na parang may alam ay napangiti  na lang. Kumindat na lang si Liza kay Emman, di ito napansin ni Maya kasi tumalikod na ito para kunin ang bag niya sa loob ng locker. Parang kinumpirma na ni Liza ang hinala ni Emman kaya tumili ito.

“Oh my pink gosh!!!”

“Bakit Sir Emman? Ano pong nanyari?”

Pinandilatan ni Liza ng mata si Emman para di magsalita kaya tumalikod na ito at dali-daling tinungo ang pinto.

“Wala Maya, nakalimutan ko lang may trabaho na ako. Mauna na ako at baka may magkagulong chinito at mestizo este…magkagulo na ang mga customer sa labas…Ang chika ha don’t forget…byers!”

Umalis na si Emman bago pa siya di makapagpigil sa sarili. Natatawa na lang si Liza habang si Maya naman ay kunot pa rin ang noo at naguguluhan sa takbo ng mga pangyayari.

“Oh ready ka na?”

“Opo Ms. Liza.”

“Tara na.!”

Sabay na lumabas ng locker room si Liza at Maya. Nadaanan ng dalawa si James sa may counter kaya nagpaalam na si Maya dito.

“It’s okay Maya. Ingat ka ha. I’ll see you tomorrow.”

“Sir, two weeks pa po..di po tomorrow.”

Tumawa ng marahan si Maya kay James pero ngumiti lang si James.

“Basta, I’ll see you soon..sige na.”

Nagulat si Liza at Maya ng bigla inakap siya ni James sabay bulong.

“I’ll text you tomorrow. And sabi ko nga I’ll see you tomorrow. ”

Nang kumalas si James mula sa pagkakayakap kay Maya ay hinatak na siya ni Liza.

“Bye Maya!”

Pahabol pang sabi ni James kay Maya.

“Maya dali na..ayan na, ayan na..sabi ko na nga ba eh!”

Nagmamadaling naglakad si Liza habang di parin nito binibitawan ang kamay ni Maya na pilit na humahabol sa kanya sa paglalakad. Nakita nilang nasa may pintuan lang si Richard at gaya ng sabi ni Liza. Iisang guhit na ang mata nito. Magkasalubong pa ang kilay at nakasimangot na. Sinalubong sila nito sabay kuha ng bag ni Maya at inalalayan silang pumasok sa sasakyan.

Nanatiling tahimik si Richard habang nasa byahe sila papuntang location shooting. Inaliw naman ni Liza si Maya sa mga kwento niya para maiwasang magtanong ito. Panay sulyap si Maya kay Richard, tila malalim ang iniisip ng lalaki kaya di na lang niya ito ginambala. Napapa-isip din si Maya kung ano ang pinagdiskusyunan ng dalawa sa loob ng opisina ni James at bakit parang maiinit ulo ni Richard pagpasok niya sa opisina. Pagdating sa location at humiwalay na si Richard kina Maya at Liza, kaya agad na siyang nag-usisa kay Liza tungkol sa nangyari.

“Ay wala yun Maya..it’s just about..hhmm business?”

“Ahh business..”

“Yeah, business… monkey business “

Liza make sure na di marinig ni Maya ang biro niya. Wala na kasi siyang maisip na isagot sa kaharap para di na ito mag-usisa pa. Deep inside natatawa na lang siya kasi totoo naman yung nasa isip niya. Di nga siya makapaniwala kinukunsinti pa niya si Richard. But if things goes out of hand, she’ll definitely do her best to meddle.

 

Kinabukasan on location pa din sina Richard at Maya. Di na sumama si Liza at magsisimula na daw siyang maghanda para sa kanyang bakasyon. Tapos na din naman niyang turuan si Maya sa mga gagawin nito kaya kampante na siyang makaka-alis. Di lang si Liza ang kampante sa nangyayari, pati si Richard kampante na din ang loob at kasama na niya si Maya. Habang nagtra-trabaho si Richard si Maya naman ay sinasamantala ang pagkakataon at panay picture-picture sa mga artistang nakikita niya. Habang minamasdan siya ni Richard napapangiti at iling na lang ito sa kanya.

“Okay ka lang dito Maya?”

“Okay lang po. Tapos ka na pong kunan?”

“Oo..tatawagin na lang ulit ako mamaya….Maya, pwedeng humingi ng favor?”

“Ano po yon?”

“Pwedeng huwag mo  na lang akong tawaging Sir at huwag mo na rin akong pino-po kasi parang naaasiwa ako.”

“Bakit naaasiwa eh yun naman dapat kasi amo kita?”

“Oo nga pero kasi lahat ng nagiging katrabaho ko behind the cam pinagsasabihan kong huwag akong tawaging Sir eh tapos ikaw na lagi kong kasama sini-Sir ako…pwedeng Richard na lang?”

“Ehh kasi..”

Maya with a puzzled look, stare at Richard intently. Later on, she nod and smile at him. Realizing she noods in agreement, Richard beam.

“Great! ..tsaka..pwedeng isa pa?”

“Abababa! Sinasagad mo ha..ano na naman?”

“Pwedeng cease fire muna tayo? Nakakapagod makikipag-away sa’yo eh!”

“hmmmm…oo nga eh, nakakapagod, tska nakakatakot ka pag sobrang galit ka pala?”

Tumawa si Richard, naalala niya ang nangyari kahapon ng bigla niya itong sinigawan at nagmamadali itong lumabas ng opisina ni James at   nagligpit ng gamit sa sobrang taranta nito.

“At ang cute mo pala pagnatataranta.”

Natatawang sagot ni Richard sa kanya.

“Aha! So pinagtatawanan mo pala ako ha! Ikaw ha. Baka naman gusto mo lift na yung cease fire natin?”

“Ganun? Wala pa ngang five minutes?”

Nakikitawa na rin si Maya kay Richard. Nanatiling maganda ang takbo ng usapan nilang dalawa habang naka-break si Richard. Game si Richard habang tinatanong ni Maya ng tungkol sa mga kasama nitong mga artista, sa trabaho, at kung anu-ano pang tungkol sa buhay artista. Nahinto lang ang kwentuhan nila ng tawagin na ulit si Richard ng direktor kaya naiwan ulit siyang nag-iisa. Mabuti na lang at nilapitan siya ng isang make-up artist, si Mama Franz, ang make-up artist  ng katrabaho ni Richard at nakipag-kaibigan sa kanya kaya di na siya naiinip sa paghihintay kay Richard. Habang naghihintay silang dalawa panay naman ang kwentuhan nila.

“Gusto mo ng make-over?”

“Po? Ay! Wala po akong pambayad.”

Nahihiyang tanggi ni Maya kay Mama Franz. Tinawanan na lang siya nito.

“Hindi ka magbabayad, ano ka ba!”

“Eii, di ba nakakahiya?”

“Hindi noh, ano ka ba..kesa naman nakatunganga lang tayo dito..aayusan na lang kita para mag-enjoy tayong dalawa..may trip akong gawin sa’yo na alam ko mas ikakaganda mo, promise!”

Excited na sabi ni Mama Franz kay Maya. Pati si Maya biglang napukaw ang interes sa sinabi ng bagong kaibigan. Dala na rin sa sobrang bagot niya kaya napapayag siya nito. Pagkaraan ng halos isang oras, natapos na rin ang ginawang make-over ni Mama Franz.

“Tadannnn!!!”

Maya gasp nang makita nito ang sarili sa salamin. Di kasi siya pinayagan ni Mama Franz na makita ang sarili para masorpresa talaga siya sa gagawin sa kanya. Sakto namang pabalik na si Richard at nakita ang ginawa ni Mama Franz kay Maya kaya nagulat din ito  sa nakita.

“Anong nangyari?”

Kinabahan si Maya at baka pagalitan siya ni Richard. Mabuti na lang at si Mama Franz ang nagpaliwanag na ideya niya ang make-over kaya Maya.

“It…suits you..maganda..”

Ngumiti si Richard kaya napawi ang kaba ni Maya. Buti na lang at di ulit ito nagalit. Masaya na rin si Maya at naki-ayon si Richard sa pagbabagong anyo ni Maya. Naisip tuloy ni Maya si Emman, sigurado siyang magtatampo yon sa kanya. Lumipas ang ilang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ni Maya.

“Hello? Sir James?”

Nang marinig ang pangalan ni James ay nagsalubong na naman ang kilay ni Richard.

“Bakit po?…Ha? ”

Di na makatiis si Richard kaya kinuha nito ang cellphone ni Maya at pinakinggan ang sinabi ni James sa kabilang linya.

“Yes, you heard me right, pupuntahan kita diyan mamaya … Di ba sabi ko naman sa’yo kahapon, see you tomorrow? So ano na…saan kayo ngayon?..”

Nagpanting ang tenga ni Richard ng marinig ang sinabi ni James kaya pinatay niya ang cellphone at hinarap si Maya.

“So…kaya pala nagpaganda ka kasi may bibisita sa’yo mamaya?”

 

 

 

 

editjodi

37 Comments (+add yours?)

  1. rocsan888
    Aug 12, 2013 @ 09:06:59

    Buti me proxy ka na peng… D

    Reply

    • felcarnelle2008
      Aug 12, 2013 @ 16:22:00

      hello sis rocs, dito ko pa talaga na read ang comment mo hehehe, net connection ko naman ngayon ang unstable due to building construction ongoing sa campus – sana malapit nang magbalik sa normal – natambakan tuloy ako ng babasahin

      kelan kaya ang labas ng TWC 14🙂

      Reply

  2. felcarnelle2008
    Aug 10, 2013 @ 19:29:43

    nakaka grrr ka kac singkit, ang bagal mo … paki bilis bilisan naman, Miss Liza, paki push na todo yang alaga mo, or pokpokin ng matauhan

    Reply

  3. felcarnelle2008
    Aug 10, 2013 @ 19:19:02

    hahahaha, ang saya saya ng singkit – segi, mag selos ka pa – tingnan natin kung anong damoves ang gagawin mo

    Reply

  4. felcarnelle2008
    Aug 10, 2013 @ 19:11:03

    may chapter 14 na ba? huhuhu, late reaction lang

    Reply

  5. Crunch
    Aug 10, 2013 @ 14:41:29

    Ang Ganda!!!! Thanks ms. Con! next one please..🙂

    Reply

  6. teamSIMON
    Aug 10, 2013 @ 13:46:58

    Spell seloso… R-I-C-H-A-R-D.. spell asar.. J-A-M-E-S…. hehehe… kkabugin nito ang laban ni pacquiao:) kakaaliw!!! Ms. Con ang ganda talaga ng rom-com na to:) galing mo!!!! Feel na feel ko yunf competition nila:) maya ang haba ng hair mo.. mas mahaba pa kay rapunzel:)

    Reply

  7. catez
    Aug 10, 2013 @ 09:16:26

    akala ko ba ceasefire mukhang di mangyayari balik tom and jerry ang dalawa …….. selos ka dyan richard eh ayaw mo naman aminin at james sige mangasar ka pa at maya ikaw na ang haba talaga ng hair mo abot na yata hanggang pluto ……….mama minion thankee ……….sana ilabas na ang 14 bago ka magpahinga kasi sunday ang araw ng pahinga mo ……

    Reply

  8. Cris
    Aug 10, 2013 @ 02:44:42

    Ang tindi talaga ng selos ni Ricky baby hahah!

    Reply

  9. roselyn
    Aug 10, 2013 @ 02:32:16

    Sir richard hinay hinay lang kc hindi nmn halata n selos n selos k n nyan noh? Hehehehehe
    malamanh tiger mood k n nmn! Eh bakit kaya imbes n magtiger mood k dyan eh gawin mong tiger moves para makapuntos k n agad s pgpparamdam mo kay maya cge k baka maunhan k n tlga ni sir james.

    Next chapter n po! Jelly jelly to the max n ppo. Please! Tnx! God bless po!

    Reply

  10. purplephoenix
    Aug 10, 2013 @ 00:02:57

    di na one liner ang eye nyan. bubuga na ng apoy, malamang… hahaha! thanks Mama Minion…❤

    Reply

  11. chobangs
    Aug 09, 2013 @ 23:53:01

    hala…..

    James ha..

    umiinit ang dugo ko sayo…

    lumelevel sa init ng ulo ko kay DR…

    pero go sago! alam ko may magandang maidudulot ang pagiging thorn mo…

    thankie Mother Minion!

    Reply

  12. maria
    Aug 09, 2013 @ 23:24:08

    sana po may chapter 14 na🙂

    Reply

  13. binky
    Aug 09, 2013 @ 22:36:01

    nice… next chapter tomorrow please

    Reply

  14. Jenny
    Aug 09, 2013 @ 22:11:37

    Selos to the max! Ha ha ha

    Reply

  15. purang
    Aug 09, 2013 @ 22:06:11

    Hala ayan na ang world war 4

    Reply

  16. SJ
    Aug 09, 2013 @ 22:00:16

    nice story..selos n nman c singkit.hehe.
    sna mpost agad ung TWC 14.,

    Reply

  17. mschuchy
    Aug 09, 2013 @ 21:54:19

    halla! kinakabahan ako sa susunod na magaganap…

    hahaha

    Reply

  18. Alpha
    Aug 09, 2013 @ 21:42:02

    Yeah! Chapter 13! Wait, basa muna ako.

    Reply

  19. misschuchy
    Aug 09, 2013 @ 21:37:26

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  20. princemackaroo
    Aug 09, 2013 @ 21:30:31

    Smooth sailing na sana eh kaso may sumingit! Selos tuloy ulit si singkit! haha

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: