The Willing Captive 14

“So… kaya ka pala nagpaganda kasi may bibisita sa’yo mamaya?”

Tanong ni Richard kay Maya sabay abot ng cellphone nito sa kanya. With a furrowed brow and pursed lips, Maya snatch her phone from Richard’s hand.

“Hindi ah! Nagkatuwaan lang kaya kami dito ni Mama Franz. Ano ba sabi ni Sir James?”

“He’s asking our location at pupunta daw siya dito. ”

“Naku Richard ha, wala akong alam diyan.”

Maya is shaking her head to convince Richard na wala talaga sa plano ang pagpunta ni James.

“So papupuntahin mo siya dito mamaya?”

“Ewan ko.. at tsaka bakit daw siya pupunta?”

“Eh di itanong mo sa kanya.”

“Ayoko nga, tsaka binaba mo na ang tawag niya. Kung magtatanong ako eh di ako pa ang tatawag..mamaya ano pang isipin ni Sir James at ako pa talaga ang tumawag.”

Mabuti naman ..

Richard said only in his mind. Content upon hearing her answer.

“Maya di ka ba nagugutom?”

“Actually oo..kaya lang di ka pa tapos eh.”

“So if di pa ako tapos di ka rin muna kakain? Eh kung mamayang madaling araw pa tayo matatapos, madaling araw ka pa kakain?”

Richard said in a slightly raise voice, clearly concern with her.

“Pa-deliver na tayo. What do you want?”

“hmmm ikaw na bahala.”

“Okay..I’ll call the resto and ask Emman.”

Tinawagan ni Richard si Emman at nagpadeliver ng Kare-kare, caldereta, Menudo, at Sinigang for their lunch. Pagkatapos ng tawag ni Richard ay nilapitan siya ng isang staff para ipaalam na maaga silang matatapos ng araw na yon at may pupuntahang press conference ang direktor nila para sa isang pelikula nito.

“Maya how about sa labas na lang tayo maglunch? May pupuntahan din kasi ako sa mall to get some stuff from my sponsor. ”

“Sige,ikaw ang bahala.”

Tinawagan ulit ni Richard si Emman to cancel the delivery. An hour later, they are on the road back to Manila. Sumaglit muna sa mansyon at iniwan ang ilang gamit saka umalis ulit para pumunta na sa mall. Sa parking area pa lang pinaalalahan na ni Richard si Maya to stay close to him lalo na pag may mga taong lalapit sa kanila. They also agreed na pumunta muna sa shop at malamang puno pa ang mga restaurant considering madami pa din kumakain sa mga oras na yon, at saka na sila kakain pagkagaling sa shop.

Thankfully wala silang naging problema pagpasok sa mall. Weekday kasi kaya di gaanong madaming tao. Nasa third floor pa ang shop na pupuntahan nila kaya kailangan pa nilang sumakay sa isang elevator. Sa dalas ni Richard dun sa mall para pumunta sa shop na yun, kilala na niya ang elevator lady kaya the moment pagpasok at nakilala kung sino ang naka-assign sa mga oras na yon, binati niya ito kaagad at bumati rin naman ito sa kanya. Para iiwas sa maraming tao, dali-daling sinarado kaagad ng babae ang elevator kaya silang tatlo lang ang nakasakay.

“Thanks Flor.”

Ngumiti si Richard sa babae at tinapik nito ang balikat.

“No problem Sir, basta ikaw..ayoko na mangyari ulit yung noon. Buti di kayo nadisgrasya.”

“Oo nga eh..”

“Kayo lang Sir? Wala si Ms.Liza?”

“Wala si Liza, nasa bakasyon. By the way, this is Maya.”

“Hello po.”

“Hello Ms. Maya.”

“Maya na lang po..nakakailang naman yung may Miss pa.”

Moments later, the elevator stopped at the third floor. The bell rings then the door open kaya nagpaalam na sina Maya kay Flor.

“Maya, dito tayo.”

Richard guided her, holding her back. Medyo naiilang si Maya sa ginawa ni Richard kaya nagmamadali  itong maglakad to prevent his hand from touching her back. She didn’t know if he saw it but Maya felt her face burning. Pati tenga ni Maya pakiramdam niya nag-iinit din.

“Okay ka lang Maya?”

“Po?”

Napatawa si Richard when he heard her.

“There you go again..”

“Ahhmm ibig ko sabihin..ahhmmm”

Maya could only hum, not sure what to say.

“Di naman kasi tayo nagmamadali pero bakit parang ang lalaki ng hakbang mo?”

“Ahh.. kasi ano..para madali lang tayong maka-abot dun sa shop..”

“Ahh okay…I thought you’re nervous.”

“Nervous? Ako? Hindi ah! ”

“Okay..sinabi mo eh… dito tayo.”

Richard grab her hand and hold it  tightly, pulling  her towards the shop. Pagdating sa loob, they were greeted by the shop attendants. They are smiling at them, she grows conscious of the hand holding her so she shakes her hand slowly para bitiwan siya nito. Thankfully he did, kaya nakahinga siya ng maluwag. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas na ang manager ng shop and welcome Richard. Pinakilala naman siya dito.

“Cynthia, this is Maya. Siya yung tutulong sa akin para pumili.”

“Okay Sir, walang problema. Tara, dito tayo..”

Cynthia guided them through the lane where the men’s stuff is located. Nakita ni Maya na namili si Richard ng mga damit. Nahihiya naman siyang tumulong sa pagpili kasi baka di magustuhan ni Richard ang taste niya kaya hinayaan na lang niya itong pumili at tinulungan na lang niya ito sa pamamagitan ng paghawak ng mga damit na napili nito. Pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok na ito sa dressing room kaya naiwan siya sa labas. Habang naghihintay ay nagkunwari itong tumitingin din sa mga damit kung saan pumipili si Richard kanina. Napansin kasi niyang pinagtitinginan siya ng mga saleslady dun. Kahit walang interest sa mga damit na panlalaki, napilitan tuloy siyang tingnan ang mga ito. Di maiwasang mapatingin siya sa presyo kaya nagulat siya ng malaman na ang mamahal pala nito.

Grabe ang mahal …pero sponsor naman kaya walang problema kay Richard..

Ito ang nasabi ni Maya sa sarili habang tinitingnan isa-isa ang mga damit na naka-hanger sa stand. Narinig ni Maya na tinawag siya ni Richard kaya lumapit siya sa may pintuan ng dressing room.

“Maya okay lang ba to?”

Sinuot ni Richard ang isang long-sleeve na may purple na kulay. Sa tingin ni Maya ay medyo malaki ito kay Richard kaya sinuggest niyang i-try ang mas maliit pang size nito kaya nagpakuha naman kaagad ng ibang size si Richard. Nang maisukat na ang ipinalit  at sinabi na ni Maya na bagay lang sa kanya ay tinabi na ito ni Richard. Nagsukat pa si Richard ng ilang shirts,pants, pati sapatos at lahat si Maya ang pumili kung alin ang bagay sa kanya. May ilang gamit ding nahanap pa si Maya at pinasukat sa kanya  bago sila huminto na. Pagkatapos ibalot ang lahat ng nakuha nina Richard at Maya ay umalis na sila sa shop. Pagkagaling sa shop ay pumasok naman sila sa isang restaurant para kumain. Si Richard ang umorder, habang kumakain ay napagkwentuhan nina Maya at Richard ang tungkol sa presyo ng mga damit na nakita ni Maya.

“Grabe ganun ba talaga ang presyo ng mga damit dun?”

“Hmmm oo…actually pag dito sa mall di na nakakapagtataka na ganun yung makita mo. ”

“Naku naman..yung presyo nun tatlo hanggang apat na damit na yun sa ukay-ukay ah!”

Tumawa si Richard.

“Really? Sana pala sa ukay-ukay na ako mamili..pero kasi sponsor ko yun Maya kaya wala akong problema sa pagbabayad dun. Tsaka sa show ko lang naman yun sinusuot. Outside, katulad ngayon. Mas gusto ko naka shirt and maong pants lang..”

Nasa gitna ng pagkukwentuhan sila ng may lumapit na babae sa table nila, nakangiti at halatang kinakabahan. Gusto daw magpapicture at magpa-autograph . Pinagbigyan naman ni Richard, kaya nagpresinta na si Maya na siya na ang kukuha ng litrato nila. Nang umalis na ang babae ay bumulong si Richard na dalian na daw nila ang pagkain at baka dadami pa ang magkakalakas ng loob para lapitan sila. Naintindihan naman ni Maya kaya nagmadali na din siya sa pagkain. Ilang sandali lang ay palabas na sila ulit. Habang naglalakad ay may nadaanan silang isang shop na nagbebenta ng gamit pambabae kaya inaya niya si Maya sa loob para bumili ng ilang gamit niya.

“Ay huwag na, wala pa sa budget ko!”

“Hindi na..libre ko na. Pasasalamat ko at sinamahan mo ako ngayon.”

“Huwag na, okay lang yon. Trabaho ko to eh. Tara na.”

“Maya, I insist.”

“Eiii … ang mahal kasi dito..nakakapanghinayang ang pera.”

“Halika na!”

Hinila ni Richard si Maya sa loob. Di talaga niya ito tinantanan hanggat di namili. Pumili si Maya ng isang blouse. Yung pinaka-murang blouse pa nila sa shop  ang pinili niya. Habang nasa loob ng dressing room si Maya ay tinanong niya ito kung anong size ang sinukat niya. Nang ibinigay ni Maya ang size, di alam ni Maya na sekretong namimili si Richard sa labas at pinabalot na niya ito kaagad para di makita ni Maya. Paglabas ni Maya sinabihan din ni Richard na pumili siya ng sapatos, pagkatapos ng mahabang pilitan ay napilit din niya itong magsukat ng isang pares. At kagayan ng ginawa ni Richard sa ibang damit ni Maya, kumuha din siya ng ilang sapatos para sa kanya. Nagulat na lang si Maya nang paglabas nila ay madami ng nakabalot na gamit ang laman ng paper bag niya.

“Richard!”

“Tara na at dumadami na ang taong nakakakita sa atin dito!”

Pagligon ni Maya sa may pintuan ay nakita nito na may mga taong sumisilip na sa kanila. Kaya wala na siyang oras para makipag-talo pa at hinila na naman siya ni Richard palabas. Nagmamadali na silang nagtungo sa may parking area bago pa sila maabutan ng ilang taong nagtangkang sumunod sa kanila. Sa loob ng sasakyan habang naghahabol sa hininga.

“Chard.. aanhin ko tong lahat?”

“Magagamit mo yan, trust me..”

“Ang dami kasi nito, tapos …”

“‘Don’t argue with me. Di ba sabi ko ceasefire muna tayo?”

“Chard..”

“You know what..I like it when you call me that..”

“Ang alin?”

Chard…parang ang lambing, masarap sa tenga.”

Biglang tinamaan ng hiya si Maya. Di niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Richard sa sinabi niya. O kung totoo ba ang sinabi niya. Richard stare at Maya, his chinito eyes smiling as he look at her. Di alam ni Maya kung bakit pero parang bigla tuloy siya nagiging conscious habang magkatabi silang dalawa sa kotse. She tried to avoid looking at him, fixing her gaze outside the window. She could feel him looking at her so she didn’t dare look nor glance back at him. The whole time na papauwi sila, both of them are quiet. Nakikiramdam sa bawat isa.

Pagdating sa bahay, sabay silang bumaba ng kotse at kinuha ang mga gamit nila sa trunk nito. Pagpasok sa bahay ay sinalubong sila ni Manang Fe at tinulungan si Richard na iakyat ang mga gamit niya sa kwarto habang si Maya naman ay dumiretso na sa kwarto niya. Pagdating sa loob ay humiga sa kanyang kama. Sandali nitong pinikit ang mga mata, sa sobrang pagod, di nito namalayan na ang planong pikit lang ng ilang minuto ay inabot na ng dalawang oras. Nakatulog si Maya na di man lang nakapagbihis. Pagkagising ni Maya, madilim na sa loob ng kwarto niya. Agad namang pumasok sa isip niya si Richard at ang nangyari sa kanila sa mall. Di maintindihan ang sarili kung bakit naalala niya yon kaya para maiwasang isipin pa si Richard ay tumayo na siya and turn the light on. Nagbihis na rin siya bago pa siya lumabas ng kwarto niiya.

Pagbaba ni Maya sa kusina ay nadatnan niya si Manang Fe doon na naghuhugas ng pinggan.

“Maya, kakain ka na? Di na kita pinuntahan sa kwarto mo kanina at baka nagpapahinga ka.”

“Oo nga Manang Fe, sorry ha. Nakaidlip ako, di tuloy kita natulungan kanina.”

“Okay lang yon, di mo naman trabaho yon eh. Alam ko din pagod ka. Kakain ka na? Si Ricardo di padin kumakain yun at hinihintay ka bumaba.”

“Po? Bakit naman..”

“Ewan,baka nalulungkot walang makasabay sa pagkain kaya hinintay ka. Puntahan ko muna itatanong ko kung kakain na ba siya..”

Papunta na sana si Manang Fe sa kwarto ni Richard ng makita nito na pababa na ng hagdanan.

“Oh, heto na pala…Ricardo kakain ka na ba?”

“Sige Manang..”

Maya didn’t look at Richard. Nang marinig nito ang sagot niya ay kinuha na nito ang mga pinggan para ilagay sa mesa. Tinulungan na niya si Manang Fe. Si Richard naman ay nakatayo lang sa may tapat ng mesa at nakatingin sa kanya at sa ginagawa niya. Nang di makatiis ay lumapit sa may counter at tumulong na din sa pagdala ng tray sa mesa.

“Akin na yan Ricardo. Umupo ka na lang dun.”

“Huwag na Manang, okay lang..”

Hinayaan na lang ni Manang Fe si Richard. Nagtaka kung bakit ito ginawa ni Richard at di naman niya ito ginawa kahit kailan. Napapangiti na lang si Manang Fe ng patago. Kumain na sina Richard at Maya. Tahimik pa din sila pareho. Nahihirapan tuloy si Maya lunukin ang bawat sinusubo niyang pagkain. Nagtatalo ang isip at damdamin ni Maya kung bakit bigla-bigla na lang naging ganito ang nararamdaman niya pagkatapos ng nangyari kanina. Nang tumayo na si Richard ay di sinasadayang magulat siya ng magsalita ito. Pati si Richard nagulat din tuloy sa naging reaksyon niya.

“Okay ka lang?”

“Ha? Ahh eh.. oo okay lang naman…bakit?”

“Coffee?..”

“Cofee?”

“Yes.. I’ll wait for you sa veranda. Let’s have coffee dun.”

“ahh..tutulungan ko pa kasi si Manang Fe para..”

“Kaya nga maghihintay ako sa’yo dun..okay.”

At dahil wala naman siyang lusot para tanggihan ang invitation ni Richard, tumango na si Maya. Pagkatapos magligpit at tulungan si Manang Fe sa paghuhugas ay umakyat na si Maya sa veranda dala ang tray na may lamang dalawang tasa ng kape. Nadatnan niya doon si Richard na naghihintay sa kanya. Inilapag ni Maya ang tray at kinuha ang isang tasa ng kape para ibigay kay Richard.

“Bakit?”

“Anong bakit?”

“Bakit tayo nagkakape?”

Di maiwasang tumawa ni Richard sa tanong ni Maya. Si Maya naman seryoso parin habang nakatitig kay Richard, naghihintay sa sagot nito. Realizing that she is waiting for his answer pinilit ni Richard na magpaka-seryoso.

“Wala..gusto ko lang makipag-usap…makipag-kwentuhan..ayaw mo?”

“Di naman sa ayaw…nagtataka lang..”

“Huwag ka na magtataka, mapapadalas na to.”

“Ows? Bakit.”

“Can I be honest with you?”

“Syempre..”

“Kasi interesado ako sa’yo.”

“Sa akin?…interesado ka?..”

“uhmmm..sinabi mo naman kanina pwede maging honest ako di ba…to be honest ulit…alam mo Maya, I like you..”

“H-ha?”

Nanuyo bigla ang lalamunan ni Maya sa narinig kaya napahigop siya sa kape niya. Nakalimutan ni Maya na mainit pa pala ang kape na dala  kaya isang malakas na sigaw ang narinig ni Richard mula sa kanya sabay takip ni Maya sa noo na parang may naalalang bigla.

“Bakit? Ano yon?”

Nagtatakang tanong ni Richard.

“Ang init!!”

 

 

 

 

 

 

29 Comments (+add yours?)

  1. myrnavp
    Aug 13, 2013 @ 09:23:11

    at last naging honest din….kakakilig!!! love this chapter so much! next na plsssss????

    Reply

  2. nanette
    Aug 13, 2013 @ 02:19:45

    🙂🙂🙂🙂 :)))))))))))))))))))))))))

    Reply

  3. purplephoenix
    Aug 13, 2013 @ 00:46:54

    so hottie the coffee Mother M. kilig over load na naman kami. thanks!😉

    Reply

  4. reicken
    Aug 13, 2013 @ 00:04:44

    Super like. Nx chapter n pleasssse.

    Reply

  5. Eden delacruz
    Aug 12, 2013 @ 23:03:24

    Naku kakilig naman.. Next and next chapter pls..

    Reply

  6. binky
    Aug 12, 2013 @ 22:37:46

    chapter 15 please

    Reply

  7. rocsan888
    Aug 12, 2013 @ 21:39:10

    Like!!!

    Reply

  8. teamSIMON
    Aug 12, 2013 @ 21:22:01

    Aya yay yay yay!!! Hong hinet!!!!!!! Hahahahaa… ako din napaso!!! Heheeheehhe… very funny naman si maya:) hayan ang ganda ng takbo.. nag confess na.. i like you na daw:) kami dn like na like!!!! Gulong na sa kilig!!!!!! Thank you ms. Con:) galing-galing mo talaga magsulat:)

    Reply

  9. ladyflor
    Aug 12, 2013 @ 21:03:31

    next chapter please…🙂 wala po bang double treat.

    Reply

  10. dhynnyll
    Aug 12, 2013 @ 21:02:33

    nice!!! cant wait for the next captivating story…thanks for sharing

    Reply

  11. itssimplyme72
    Aug 12, 2013 @ 20:51:56

    nice one 🙂

    Reply

  12. catez
    Aug 12, 2013 @ 20:42:38

    ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiie kilig much ………waaaaaaaaaaaaaaaaah sigaw din ako pero di ako napaso gusto ko lang sumigaw ……..mamang singkit anong gagawin mo at napaso si maya? lips to lips kaagad ……… super kidlat na damoves yun ……….. mama minion thankee …….. baka pwede ilabas na ang TWC 15 ……… magaalay ako sa anito para lumabas ……….

    Reply

  13. Jenny
    Aug 12, 2013 @ 20:20:12

    Kilig!🙂

    Reply

  14. mschuchy
    Aug 12, 2013 @ 19:13:28

    ano kaya gagawin ni mamang singkit ngayon na napaso si maya?yan ang aabangan ko, momma minion..

    next na please…

    #atatlang

    hahaha
    🙂

    Reply

  15. chobangs
    Aug 12, 2013 @ 18:57:33

    awwwiieee!!!

    ganyan nga! dapat si usad pagong.. hihihi…

    kasing haba din kaya to ng Chinito Mother Minion?

    *silent scream! *

    kilig kilig much!

    thanks !

    Reply

    • mschuchy
      Aug 12, 2013 @ 19:24:51

      how i wish, kasing haba nga ito ng chinito o di kaya mas mahaba pa para may libangan tayong mga minion kasi nakaka bad vibes yung sa tv series eh…🙂

      Reply

      • chobangs
        Aug 13, 2013 @ 20:42:55

        korak!

        inaabangan ko yung TWC 15 sa email ko..refresh ng refresh..ayaw pa rin!!

        Mother Minion! maawa ka na sa akin .err..sa amin!hehehhe

        Reply

  16. misschuchy
    Aug 12, 2013 @ 18:53:34

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  17. Crunch
    Aug 12, 2013 @ 18:37:58

    Da moves na agad ha! heheh Nice One!🙂

    Reply

  18. felcarnelle2008
    Aug 12, 2013 @ 18:23:14

    mabuti na lang walang world war IV na nangyari, at beliv na ako sa u Ricardo, yan kung ganyan kabilis ang mga moves, e d magkakabati tau niyan hehehe

    sana may TWC 15 mamaya🙂

    Reply

  19. felcarnelle2008
    Aug 12, 2013 @ 18:18:11

    wahhhhhhhhhhhhhhhhh, sakit sa panga sa tawa – sandali lang BRB – tatawa muna ako, tulo na luha ko kac

    Reply

  20. felcarnelle2008
    Aug 12, 2013 @ 18:07:39

    ito na, time check: 6:07pm pumasok ang TWC 14

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: