The Willing Captive 16

Things got worst, kahapon ang chismis meron siyang tinatagong girlfriend, ngayon naman bading na siya. Natahimik si Maya at Richard, kapwa napapaisip sa sitwasyon ni Richard.

“Chard, di ba kahapon to?”

“Yeah, that picture was taken at the parking area nung nag-uusap kami ni James.”

“Ano bang nangyari at parang… kasi…ummm kasi yung kuha medyo, di maganda ang ..”

“I know, maybe yun yung time na pinipigilin ko siyang di makalabas ng sasakyan.”

“Ahh kaya pala…pero bakit? ”

“Di ko pwede sabihin sa’yo..basta ang masasabi ko lang di totoo yang nakasulat diyan. I may be picky kaya wala akong nagiging girlfriend pero di ako bading.”

“Di ko naman kinukwestiyon pagkatao mo eh, alam ko naman di ka bading. Nagtaka lang ako kung ano bang nangyari at may picture kayong ganyan…so ano ba gagawin mo diyan?”

“Di ko alam…I guess just like what I did yesterday, di na lang ako magco-comment para di na hahaba ang issue… This is pathetic!”

“Di pa tumawag si Ms. Liza?”

“Hindi pa, but I’m sure maya-maya lang tatawag na din yon.”

“Sana nga di na lalala ang issue.. nakakatawa na nakakainis lang kasi.”

Di na natapos ni Maya at Richard ang breakfast nila, pareho silang nawalan ng gana kaya umakyat na lang sila pareho at naghanda na para maka-alis papuntang location shoot. Di nga nagkamali si Richard, bago pa siya naka-alis ng mansyon ay tumawag na si Liza. Di na alam ni Maya kung ano ang napag-usapan ng dalawa kasi pumasok si Richard sa opisina niya para di marinig ni Maya.

Habang nasa trabaho di na naka-usap ulit ni Maya si Richard. Kung di ito ang kinukunan ay umiiwas ito sa tao at nagkukulong sa tent niya at nagkukunwaring nagpapahinga. Pati mga katrabaho niya alam ni Maya na hinahayaan lang siya kasi nalaman na din nila ang balita. Base sa mga nakakausap ni Maya sa set, di naman sila naniniwala kaya pabor din sila na huwag ng patulan ni Richard ang intriga.

Lumipas ang ilang araw di parin mamatay-matay ng issue tungkol sa pagiging bading diumano ni Richard kaya habang tumatagal mas lalong lumalala ang nagsisilabasan sa balita, di naman matanong ni Maya si Richard kasi umiiwas ito tuwing gusto niyang pag-usapan nila. Naaawa na din si Maya kay Richard kasi halatang apektado na ito sa mga nababasa niya. Di gaya ng dati na kung walang trabaho ay nakikipag-kwentuhan si Richard sa kanya, ngayon ay mas gusto nito mapag-isa. Pero kahit pa man ganito, he always see to it na maayos lang si Maya. He never fails to remind her to eat on time, kung wala silang dalang baon na pagkain ay nagpapabili si Richard kay Joma para di makalimutan ni Maya na kumain kahit di ito sumasabay sa kanya.

Sa mga nakalipas na araw napapansin din ni Maya ang constant text messages or tawag sa kanya. Nagpadala din ito ng pagkain ng minsang inabot sila ng madaling araw sa set, until one day nang di na makatiis si Maya, she finally found the courage to ask kung bakit ito ginagawa ni James. She sent him a text message kasi nahihiya siya magtanong tuwing tinatawagan siya ni James.

“Maya, gusto kita..that’s the truth.”

Di makapaniwala si Maya ng marinig yon mismo kay James. After niyang magtext kay James, buong akala ni Maya sa text lang din siya sasagutin ni James pero nagkamali siya. Di ito nagtext o tumawag, pero pinuntahan talaga siya para sabihin yon sa kanya ng personal. Di alam ni Maya kung paano sasagutin yon. Naalala niya si Richard at ang sinabi nitong gusto siya nito at balak din siyang ligawan. Di maiwasan ni Maya na maisip yung tungkol sa nangyari sa parking area in which ito ang naging dahilan kung bakit may lumabas na chismis na bading diumano si Richard.

“Yung nangyari sa parking area…magka-ugnay ba yon sa sinabi mo sa akin ngayon?”

James sigh and confirm it.

“I guess di na ako pwedeng mag-deny. Yes..that time, gusto ko kasing bumaba para itanong sa’yo kung sino sa amin ang dapat lubayan ka but Richard stopped me. Yon yung reason kung bakit may ganoong picture.”

“So alam ni Richard na balak mo akong ligawan?”

“Yes…and ako din, alam kong may gusto siya sa’yo.”

“Akala ko biro lang yon kasi wala pa naman siyang ginawang panliligaw .”

“Talaga? Akala ko nililigawan kana niya..”

“Hindi..mmm, oo sinabi niiya gusto niya ako at liligawan daw niya ako pero di ko yon sineryoso. Wala pa naman kasi siyang ginagawa para patunayan na talagang nanliligaw nga siya.”

“Well, di ko alam kung ano ang reason ni Richard…but anyway,  Maya, i’m serious. Gusto kitang ligawan, kaya sana hayaan mo ako. Hayaan mong kilalanin pa kita and ikaw din, sana gugustuhin mo ding mas kilalanin pa ako. Apart from being your boss sa resto, sana mas kilalanin mo pa ako kung ano ako at kung sino si James Ventura.”

“Kasi James..wala pa sa isip ko ang mga ganitong bagay .. parang di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo.”

“Di naman kita minamadali eh. Pag ready ka na at napag-isipan mo na ng mabuti ang desisyon mo. Andito lang ako, for now let’s just enjoy knowing each other..please?”

After awhile, tumango si Maya. Naisip niyang di naman kalabisan siguro yung hinihingi ni James. Nasa saktong edad din naman siya para maligawan so she decided to give it a try. As James said, di naman siya minamadali kaya wala namang masama kung kikilalanin niya si James at si Richard, kung totoo mang liligawan din siya nito.

Pagkatapos mag-usap ay nagpaalam na si James. Bumalik na ito sa trabaho kaya si Maya bumalik naman sa tent ni Richard baka hinahanap na siya nito. Pagpasok niya ay wala si Richard kaya umupo na lang siya sa isang silya na nasa sulok para makapag-isip. Di nito lubos maisip na aabot ang lahat sa ganitong mga pangyayari. Medyo naiilang siya habang naiisip ang tungkol kay James at Richard pero wala naman siyang magagawa dun kung talagang seryoso ang dalawa kasi wala namang sino mang tao ang makakapagdikta sa kung sino man para humanga sa iba.

Kinabukasan, James sent flowers to Maya. Pagbaba ni Maya ay may bulaklak na inabot si Manang Fe sa kanya kaya nagulat siya. Pababa din si Richard para mag-jogging at nakita ang pag-abot ni Manang Fe ng bulaklak kay Maya kaya nahiya si Maya. Di alam ni Maya kung bakit pero naiilang siya lalo pa ng marinig din ni Richard na galing ito kay James. Pag-alis ni Manang Fe ay nilapitan siya ni Richard.

“Nanliligaw na si James sa’yo?”

Tumango si Maya. Gusto sana niyang magsalita pero parang umurong dila niya sa hiya.

“Matagal na?”

“Med-yo. ”

Richard nod slowly then turn to leave. Maya could see a glint of disappointment in his eyes.

“Chard..”

Richard stop walking and turn his head to her.

“Yes?”

Biglang nawala sa isip ni Maya kung ano ang gusto niyang sabihin, Nang makita niya ang malungkot na mata ni Richard, parang nalungkot na din siya. Di naman niya maintindihan kung bakit.

“Maya?”

“Ahh …pwedeng sumama?”

Nagtaka si Richard sa kanya. Kung nagtaka si Richard, nagulat din si Maya, di naman niya pwedeng bawiin ang sinabi kaya ngumiti na lang siya kay Richard.

“Mag-jogging lang ako, di ako papuntang trabaho.”

Niliwanag ni Richard kay Maya kung saan siya pupunta, sa isip niya baka kasi nakalimutan ni Maya na magjo-jogging lang siya  kaya sinabi nitong sasama siya.

“Kaya nga…mahilig din naman akong mag-jogging.”

Maya said trying to convince Richard na alam niya kung ano ang sinabi niya but her face tells him otherwise. Deep inside natatawa si Richard kasi alam naman niyang ayaw ni Maya ang pagtakbo, panay nga reklamo nito nung nasa gubat pa sila. At dahil namiss naman din niyang makipagkulitan kay Maya pumayag na din siya.

Pagkalipas ng sampung minuto, nakabihis na si Maya at magkasabay na silang nagstretching sa labas ng mansyon. Then  few minutes more, they are off to the clubhouse. Pagkaraan ng ilang minuto napansin na ni Richard na hinihingal na si Maya para di parin siya huminto. Di naman kasi ito nagreklamo kaya sige parin sila sa pagtakbo. Pagdating sa clubhouse ay di na nakatiis si Maya kaya nagreklamo na. Pinagtawanan siya ni Richard habang naka-upo siya sa tabi ng kalsada.

“Ang sama mo Richard. Tama ba namang pagtawanan ako?”

“Eh kasi ikaw..maypasabi-sabi ka pang gusto mong mag jogging eh alam ko namang hindi..”

Tumabi sa pag-upo si Richard kay Maya, parehong hinihingal at naghahabol ng hininga nila.

“Oo na..inaamin ko palusot ko lang yon…”

Pinunasan ni Maya ng noo niya ng dala-dala niyang towel. Dahil di sanay sa extreme activities, madali lang siyang pinawisan.  Nahuli niyang nakatitig si Richard sa kanya kaya na-conscious siya bigla.

“Bakit?”

“Wala… ang cute mo lang pagnamumula..Tsaka ang fresh mo tingnan.”

“Fresh? Di ba halatang puyat ako?”

“No..bakit, puyat ka ba?”

“Uhummm..ang tagal ko nakatulog kagabi.”

“Bakit? Iniisip mo si James?”

“Hindi naman..basta, madami ako iniisip. Ang tagal na nating di nakapag-usap ah!”

“Oo nga eh..kala ko di mo napansin yon. Magkasama tayo palagi pero di naman tayo nag-uusap.”

“Oo nga, bakit nga ba? Iniiwasan mo ako?”

“Oo.”

“Huh? Bakit?”

“Kasi nahihiya ako sa’yo..nadadamay ka sa kapalpakan ko. Nung una sa gubat tapos yung sa mall, tapos ngayon naman yung dumating ang chismis na bading ako madaming pangalan na nadadawit na karelasyon ko daw..ayoko lang na madamay ka ulit kaya umiiwas na ako makita sa kung sinu-sino ulit.”

Nang marinig ang sinabi ni Richard, naawa si Maya sa kanya. Naalala niya yung naligaw sila sa gubat panay reklamo at paninisi siya noon kay Richard kaya siguro ngayon umiiwas na.

“Ano na nga pala ang desisyon ni Liza about sa chismis. Habang tumatagal parang lumalala habang di ka nagsasalita.”

“Actually bukas pauwi na si Liza. Pinatawag ata siya ng management. Di ko pa alam kung ano ang gagawin.”

“Ano ba ang pwede kong itulong?”

“Thank you sa pag-aalala pero as of now mas gusto ko di ka na madamay ulit. I’m sure may maiisip din na paraan sina Liza, di naman yun totoo eh. ”

“Oo nga, pero bakit parang malungkot ka nitong mga nagdaang araw?”

Nagkibit-balikat lang si Richard at di na sinagot si Maya. Alam ni Maya may tinatago si Richard kaya ayaw lang magsalita.

“Chard..may sinabi si James sa akin..”

Richard look at her. Nakikita ni Maya sa mga mata nitona alam ni Richard kung ano ang ibig niyang sabihin so she decided to finally ask him.

“Totoo ba yon?”

“Yung tungkol sa gusto kita? Oo..pero nakakahiya kasi hanggang salita lang ako, wala pa akong nagagawa to prove it, right?”

“Pero bakit? Di kita maintindihan eh…di naman tayo naging close. Panay bangayan nga tayo.”

“Hmmm I think kasi mas nakita ko kung ano ka talaga.. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang tao na nakilala ko outside showbiz na di man lang ngumiti o kinilig dahil na kita ako? I think mas na-challenge ako dun..”

“Magkaiba kaya ang na-challenge kesa sa gusto..”

“Gusto kita kasi gusto ko yung inuuna mo yung family mo kesa sa sarili mo. Gusto ko yung pagkamasungit mo..di mo ba alam ikaw lang nakakapagpatahimik sa akin pagsumusungit na din ako? Gusto ko yung pagiging simple mo kahit na ikaw lang yung iba sa paligid mo di ka parin nagbabago. Like nung nagshopping tayo, ni-isa sa mga pinamili ko di ko pa nakikitang sinuot mo. It only goes to show kung gaano ka kasimple. And I appreciate that..sa mundong ginagalawan ko wala na akong nakikitang ganun. Pagkasama kita nagiging simple din pananaw ko sa buhay.”

Maya giggle kaya nagtaka si Richard kung ano ang dahilan at tumatawa si Maya.

“What’s funny?”

“Di ka naman nagrereklamo na di ko pa sinusuot yung mga binili mo ano?”

“Silly! Di naman, though mas magiging masaya ako if you will wear them. Bakit nga ba at di mo sinusuot?”

“Kasi walang magandang okasyon para suotin ko yon.Paano ko susuotin ang dress sa location shoot? Kung susuotin ko yun sa taping ‘nyo mas maarte pa ako sa mga artista, ganun?”

They both laugh. Gumaan ang pakiramdam ni Maya ng makita ang ngiti ni Richard. Matagal-tagal na din niyang di nakita yon, ngayon lang niya narealize na namiss niya pala makita siyang nakangiti.

“Alam mo Chard, mas cute ka pagnaka-ngiti..huwag kang magmukmok palagi. Nakaka-bad vibes ka eh!’

“Thank you Maya..kahit di tayo nag-uusap these past few days, napapangiti naman ako kapag nakikita kita kahit sa malayo lang.”

‘Echusero ka..”

Pagkaraan ng ilang sandali ay naglakad na pauwi sina Maya at Richard, nagkwentuhan parin kaya pagdating sa mansyon saka na nila nalaman malapit na pala silang mahuli sa call-time nila kaya nagmadali na silang naghanda. Maganda ang naging mood ni Richard buong araw. Malaki ang naitulong ng pag-uusap nilang dalawa ng umagang yon kaya nakakangiti na rin si Richard sa wakas.

 

Kinabukasan dumating na si Liza. Agad nagkaroon ng meeting si Liza kasama sina Richard at ang management. Matagal din ang naging pag-uusap kaya di mapakali si Maya habang naghihintay sa dalawa. Nasa mansyon lang si Maya at di hinayaan ni Richard na sumama siya sa kanila. Pagdating nina Richard at Liza atat na nagtanong si Maya sa dalawa.

“Ano po sinabi ng management?”

“Gusto nila mawala na yung chismis bago pa sa airing date ng teleserye at baka maka-apekto yon sa show.”

Si Liza ang sumagot kay Maya, halatang nag-aalala.

“Paano daw?”

“Hinahanap nila yung babaeng nakitang kasama ni Richard sa picture, yung napabalitang girlfriend. Akala nila totoo yun..pero sinabi naming hindi kaya nangangapa kami sino yung pwedeng iharap namin.”

Nagulat si Maya sa narinig, napa-isip din siya kung ano ang pwede nilang gawin. Until she come up with a decision na alam niyang ikakagulat nina Liza at Richard.

“Ms.Liza…kailangan nyo ng tulong?”

“May kilala ka na pwede magpanggap?”

“Meron po.”

“Sino?”

Sabay na tanong ni Liza at Richard sa kanya.

“Ako! ”

“What? No way!”

Tanggi ni Richard kay Maya. May halong inis at gulat.

“Bakit no way? Akala ko ba gusto mo ako?”

“Oo, nga gusto kita. Pero kung ipapakilala kita na girlfriend kita ayoko yung biruan lang. Seryoso ako na gusto kitang ligawan kaya ayoko na gawing biruan lang ..”

“Mahal mo ako?”

“Tinatanong pa ba yon Maya? Gusto kita , oo..liligawan kita, syempre mahal din kita!”

“Ganun naman pala eh..ako din ayoko yung gawin lang biruan kasi first boyfriend ko kung sakali lang…kaya sige na payag na ako.”

“Wait Maya..anong payag ka na?”

Tanong ni Liza kay Maya, di napigilan ni Liza ang sarili kaya nagtanong na. Alam niyang dapat sina Richard at Maya lang ang dapat mag-uusap pero wala na siyang pakialam. Parehong naghihintay si Liza at Richard sa sagot ni Maya.

“Na maging girlfriend ni Richard.”

“What? Alam mo ba kung ano pinagsasabi mo Maya?”

“Oo, ay teka…di ba dapat sinasabi pa niya yung magic word? Tapos pagsumagot na ako yun na yun boyfriend ko na siya? Ganun yun eh.”

“Anong magic word?”

Nalilitong tanong ni Liza.

“Yung  I love you, ano kaba Liza para ka namang walang boyfriend.”

Naiiritang sagot ni Richard.

“Yun! ”

“Ano?”

“Ano ba Chard pahihirapan mo pa ba ako? Ako na nga nanligaw  di mo parin gets?”

“Maya!”

“Oo o hindi? ”

“Chard huwag ka ng magpakipot! Sagutin mo na ..oo na!”

Pangungulit ni Liza.

“NO! Liza if I said Yes, biro lang yon..don’t you get it? Wala na akong chance gawing seryoso yon.”

“Kung di mo ako sasagutin Richard magsisisi ka.”

“Don’t do this Maya. Alam kong gusto mo akong tulungan but not like this..parehong magiging unfair sa atin to.”

“Ako na ang magsasabing hindi unfair to Chard..”

“What do you mean?”

“Kung di magwork di maghiwalay tayo.”

“Ganun naman pala Chard eh.. sagutin mo na si Maya.”

“Liza!”

“Okay fine! Sige, I’ll leave..pag-usapan ‘nyo to ng maayos.”

Lumabas na si Liza at iniwan silang dalawa. Di parin natitinag si Maya sa katititig kay Richard.

“Maya, pwedeng pag-isipan mo muna to?”

“Bakit nagbago na ang isip mo sa panliligaw mo? Pinapadali ko lang naman eh!”

“Maya, I love you.. ayoko i-sacrifice mo yung sarili mo para sa career ko.”

“Oo o hindi Richard ..kung oo gawin mo ang lahat iprove sa akin yung sinasabing gusto mo ako…if hindi..wala ka ng chance, bukas na bukas din wala na ako dito.”

“No! I mean ..huwag ka umalis, please!”

“So, Yes na ba?”

Richard in heavy breathing look so confuse and worried. Leaving no choice, he finally decided.

“Yes.. but just make sure di to biro lang..make this relationship for real. ”

“Good! Good luck!”

“Good luck?”

“Good luck to you…best wishes to me?”Ano yan, kasal?”

“Oh, eh di congratulations!”

Napangiti si Richard sa sinabi ni Maya. Lumapit siya dito ay niyakap si Maya ng mahigpit. Si Maya naman napangiti na rin. Kahit ba ang bilis ng nangyari at di man lang niya ito pinag-isipan, di maiwasang ma-excite siya konti. Deep inside she is wishing for a good start for both of them. Na sana di siya magsisisi sa naging desisyon.

 

 

53 Comments (+add yours?)

  1. 6loryann
    Aug 16, 2013 @ 03:47:10

    Yihee. :”> been waiting for the next chapter.. God bless you Ms. Con! Ü

    Reply

  2. SweetLemon
    Aug 16, 2013 @ 00:01:28

    Mr. Chinito, I’m Sorry I Love you. You have Shaken my world. If it’s Meant to Be, I’ll be your Willing Captive, the Covergirl of your book, the precious gem in your Auction. I don’t care about your Excess Baggage. In our Parallel Universe, we are The Player(s) who make our own love story and write The Story of Us.

    But Be Careful With My Heart because even if Love Heals you will have to deal with The Naughty Side of Me. Remember, I’ve Got Your Number. I can get you kahit Kailan.

    Cenxa na po, adik lang…hehehe🙂

    Reply

  3. Yael
    Aug 15, 2013 @ 19:54:41

    cute ah, another plot na nakakatuwa, may update ba ngayong gabi? sana malapit na – ano kaya mangyayari sa relation nila na parang bagyo kabilis na naging sila? walang kapawis pawis c Richard Lim🙂

    Reply

  4. Anne
    Aug 15, 2013 @ 18:40:16

    naisip ko lang, what if pinili ni maya si james then bumalik ung role ni stephanie tapos nagkatuluyan si steph and sc tapos todo selos si maya then one time nakita ni maya na may affair na nangyayari between steph and james then biglang nakita nila maya at sc…. hehehehehehe🙂

    Reply

  5. felcarnelle2008
    Aug 15, 2013 @ 16:37:44

    ¿A qué hora The Captive Dispuesto 17 va a salir?

    什么时候愿意圈养17会出来吗?

    Quelle heure la volonté Captive 17 va sortir?

    Welche Zeit der Willigen Captive 17 herauskommen wird?

    Anong oras lalabas ang TWC 17?

    hahaha

    Reply

  6. myrnavp
    Aug 15, 2013 @ 12:49:46

    kakaibang ligawan!!! hahahahaha…but i love it…kakatuwa!!! ikaw na talaga ms. author ang makakagawa ng ganito ka exciting at nakakatuwang eksena….u sure made me smile again….with lots and lots of kilig!!! thnx!

    Reply

  7. binky
    Aug 15, 2013 @ 10:17:42

    love it..thanks for the story next please..

    Reply

  8. LovelyPink ♥♥♥
    Aug 15, 2013 @ 05:29:16

    Kaloka! Lightning speed ang damoves ni maya =)

    Reply

  9. Eden delacruz
    Aug 14, 2013 @ 23:42:15

    Paspasan na lang ang peg.. Sana happy lang ang vibes at wala ng James na sumingit.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: