The Willing Captive 17

Di makapaniwala si Richard sa nangyari nang nagdaang araw. Parang kailan lang nung iniiwasan pa niya si Maya sa takot na madamay ulit ito sa mga chismis na pinupukol sa kanya ng mga intrigero’t intrigera. Sinong makapaniwala na ngayon girlfriend na niya ang babaeng lagi niyang kasigawan. May konting pag-aalala man pero ayaw na niyang isipin pa. Tulad ng sinabi ni Maya, ang dapat na isipin niya kung paano niya ipakita sa kanya na seryoso siya. Sa dali ng pinagdaanan niya para makuha si Maya, di naman siya papayag ganun din kadali na mawala din si Maya dahil di niya iningatan ito.

Maagang-maaga na bumaba si Richard, nang makita si Manang Fe ay nagtanong kaagad kung gising na ba si Maya.

“Nasa likod, tatawagin ko?”

“Huwag na Manang ako na lang ang pupunta.”

Sinubukang pigilan ni Manang Fe si Richard pero atat na ito at agad ng nagmadaling naglakad papuntang kusina para doon dumaan papuntang likuran ng bahay. Nagtataka naman ito kung ano ang ginagawa ni Maya sa likod ng bahay tuwing umaga at bakit sa tuwing tinatanong niya kay Manang Fe kung saan ito, ang laging sagot ay nasa likod ng bahay. Nakita niya itong nakatayo sa may lababo, nakatalikod sa kanya kaya dahan-dahan niya itong nilapitan tsaka niyakap si Maya.

“Ay kabayo! ”

Gulat na gulat si Maya ng maramdaman ang nakayakap na bisig ni Richard sa kanya. Sa gulat ni Maya ay nasampal niya ng binanlawang damit si Richard.

“Ahh, Maya basa!”

“Sorry! Ikaw kasi eh! Ano bang ginagawa mo dito?”

Binitiwan siya ni Richard habang sinusubukan nitong punasan ang nabasang mukha niya. Nagulat din ito sa ginawa ni Maya, lalong-lalo na nang malaman nitong naglalaba pala siya.

“Ikaw bakit ka naglalaba dito ng maaga? Tsaka, di ba damit ko yan?”

Kinuha ni Richard ang basang damit niya  tsaka hinagis ito sa may batya.

“Tinutulungan ko lang si Manang Fe para di na siya mahirapan. Nakaka-awa kasi wala siyang katulong dito eh ang laki pa naman ng bahay mo.”

“Bakit di niya sinabi sa akin kailangan niya pala ng katulong? ”

Nagsisimula ng mainis ni Richard at siya pa ang huling taong naka-alam. Pakiramdam niya parang napapabayaan  niya si Manang Fe at ang mas lalong nakaka-inis ay nang makitang naglalaba si Maya.

“Kasalanan ko yon, huwag kang magalit kay Manang Fe. Di naman siya nagreklamo eh. Dapat noon ko pa nasabi sa’yo kaya lang naging busy ka na tapos nitong mga huling araw dami mo pang problema.”

“Kahit na…”

Pumasok na ulit at dumaan sa kusina si Richard, hinanap si Manang Fe. Si Maya ay nakasunod naman sa kanya, nag-aalala at baka pagalitan nito si Manang Fe. Nadatnan nila ito sa kusina na nagluluto.

“Manang Fe naman, bakit di mo sinabi na kailangan mo ng katulong dito? Sorry kung di na kita naiisip dito sa bahay. ”

“Nahihiya naman kasi ako sa’yo.”

“Sige, magpapahanap na tayo ng makakatulong sa’yo dito. Gawin na nating dalawa para ang isa yung maglalaba tsaka yung isa naman para maglinis.”

“Salamat Ricardo.”

“Walang anuman Manang Fe, sa susunod, kung may kailangan ko huwag kang mahiyang magsabi. Pamilya tayo Manang Fe, sa tagal mo dito sa mansyon ngayon ka pa mag-aalangan sa akin? ”

Napangiti si Maya ng makita ang eksena. NIlapitan ni Richard si Manang Fe sabay akbay dito. Ngayon lang nakita ni Maya si Richard na ganito kay Manang Fe kaya di maiwasang ma-touch si Maya sa pinapakitang malasakit ng lalaki sa matanda.

 

 

Gaya ng napagkasunduan, nagkaroon ng taped interview sina Maya at Richard with Boy Abunda para sa exclusive bare-all segment ng The Buzz. Habang inaayusan si Maya ng make-up artist, di maiwasang mag-worry ni Maya. Kinakabahan si Maya kasi first time to para sa kanya. Takot siyang magkamali sa pagsagot ng mga tanong ni Boy Abunda, lalo pa’t may mga details na kinailangan nilang magsinungaling tulad ng kailan  at kung papaano nag progress ang lovestory nila from San Nicholas hanggang sa pagpunta ni Maya sa Manila. But Richard assured her na lagi siya nitong aalalayan at nagbilin pa itong kung may mga tanong na di siya sigurado kung ano ang isasagot hayaan na lang niyang si Richard na ang humanap ng paraan paano ito malulusutan. Si Liza naman kabado para sa dalawa. Nag-aalangan kung tama ba ang ginagawa nila but on the side, masaya ito at nakikita niya kay Richard na inspired at masaya, di lang dahil alaga niya ito kundi dahil sa matagal na panahon na din niyang di nakikita na ganoon ka saya ang matalik na kaibigan.

Luckily the interview went fine, nairaos ito ng matiwasay. Kung di lang nagmake-up si Maya alam niyang parang bangkay na siya sa sobrang lamig. Richard never let go of her hand. He needs to do it or magiging visible sa mga mata ng ibang tao ang panginginig ni Maya. For Boy, sobrang sweet ng dalawa. Di niya alam na parang malalaglag na ang puso ni Maya sa dibdib niya sa lakas ng kabog nito. Pagkatapos ng interview agad namang umalis nina Richard pagkatapos magpaalam sa staff.

“Are you okay?”

“Ewan ko..parang nanghihina ata ako sa sobrang kaba kanina.”

Richard hug Maya, rubbing her back slowly at the same time to help her relax.

“Sorry if we have to do this. ”

“Okay lang..sana okay na yung interview para tigilan ka na nila.”

“I’m sure okay na yon…kumalma ka na, okay?”

Maya nod and smile at him.

“Ahem..lovebirds, sorry ha pero gutom na ako eh. Kahit anong gawin kong panonood sa inyo di ako mabubusog, di ba tayo kakain?”

“Okay, let’s eat first before we go home. Where do you want to  eat?”

“I know a good place.”

Liza named the place and after agreeing to it, Joma maneuver the car to the direction  of the restaurant.

 

 

Kinabukasan dahil Linggo, napakita na sa tv ang interview nina Richard at Maya. Nasa  harap ng tv sina Richard, Maya, Liza, at Manang Fe  pinapanood habang ini-ere ang interview nila. Hindi pina-alam ni Maya ang tungkol sa relasyon niya kay Richard sa kanyang nanay at lola kaya pagkatapos makita ang interview nila, agad siyang nakatanggap ng tawag galing sa nanay niya. Maya knew this will happen kaya bago pa man nito sinagot ay inihanda na niya ang sarili, tumayo ito at nagpuntang veranda para doon na sagutin ang tawag ng nanay niya.

“Maya, nak.. nakita namin yung interview ninyo ni Richard. Totoo ba yon?”

“Nay..pasensiya ka na kung bakit di kita nasabihan..di ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa’yo.”

“So totoo yung nakita namin?”

It took awhile before Maya was able to confirm it.

“Nak, alam mo ba ang pinasok mo? Sigurado ka ba diyan?”

Di nakasagot si Maya sa nanay niya. Alam kasi niyang di rin siya sigurado sa pinasok niya, ang alam lang niya gusto niyang tulungan si Richard. Pero kahit ganun pa man, alam naman niyang di siya pababayaan ni Richard kaya kahit di sigurado, pinasok na niya ang pakikipagrelasyon kay Richard.

“Nak..andiyan ka pa ba?”

“Nay..basta huwag na kayong mag-alala diyan. Mabuting tao si Richard. Alam kong di niya ako papabayaan.”

“Di mo pwedeng sabihin na di ako mag-aalala. Lalo pa’t andyan ka sa poder niya nakatira…ano ba ang nangyari? Seryoso ba?”

Wala nang magawa si Maya kundi sabihin sa nanay niya kung ano ang totoong nangyari. Di niya kasi kayang maglihim pa sa nanay niya. Sinabi niya kung paano naging sila ni Richard kaya nagulat ang nanay niya.

“Nak, bakit? Nakapunta ka lang diyan ikaw na ang nanliligaw sa lalaki? Ano ba naman yan, Maya?”

“Sorry nay..Kasi naaawa ako sa kanya eh. Tsaka sabi naman niya na plano niya talaga na ligawan din ako..kumbaga pinadali ko na lang..”

“Anong pinadali..tsaka Awa lang ba talaga ? Baka naman mahal mo din? Sabihin mo ang totoo, huwag ka maglihim Maya.”

“Nay, kailangan ko ng ibaba..naghihintay sila sa akin at maghahapunan pa kami..sige nay..tatawag na lang ako mamaya sa inyo ha. Nakakahiya kasi kung paghihintayin ko sila.”

“Maya.. umiiwas ka..”

“Sige nay, goodnight ..love you po..bye-bye”

Sinadyang umiwas ni Maya na pag-usapan ang tungkol sa nararamdaman niya kay Richard. Di pa siya handa para pag-usapan yon, o di kaya, ayaw lang niya malaman kung ano talaga ang nararamdaman niya. Bumalik na si Maya sa loob at pinuntahan na ulit sina Richard.

“Nagalit ba?”

Tanong kaagad ni Richard kay Maya ng umupo na ito sa tabi niya. Puno ng pag-aalala ang boses ni Richard, nakatitig ito ng mabuti sa kanya nag-aantay ng sagot niya. Ayaw naman ni Maya na mag-alala pa ito kaya ngumiti lang siya at sinabing hindi nagalit ang nanay niya. Naniwala naman si Richard kaya di na ulit nagtanong pa.

 

Nasa kwarto na si Maya, naghahanda para matulog na ng t;umawag si James. Nang makita ang pangalan nito sa LCD ng kanyang cellphone ay biglang kinabahan si Maya. Dahil alam naman ni Maya na magtatanong lang ito tungkol sa nangyaring interview di nito sinagot ang tawag ni James. Nagdesisyon siyang kakausapin niya si James ng personal kesa sa cellphone niya ito gawin. Di man kailangan na yon talaga ang gawin niya pero sa isip ni Maya she owe James an explanation, for her and his peace of mind kaya yon ang gagawin niya.

Matutulog na sana si Maya nang muling tumunog ang cellphone niya, buong akala ay si James ulit ang tumatawag pero si Emman pala. Agad naman niya itong sinagot at isang mahabang tili ang kanyang narinig.

“Mayaaaa!!!”

“Sir Emman kalma lang po…”

“Ikaw babae ka di ka nagkwento ha! Nasa restaurant kasi ako kaya late ko na nalaman, buti nag-internet ako.Iba ka na girl, ang sikat mo na!”

“Di naman po. I’m sure bukas mawawala din yang balitang yan…bakit po kayo napatawag?”

“Maya, ano  ka ba..bakit puro po at Sir ka pa…ako ang dapat mag Ma’am at po sa’yo kasi ikaw ang girlfriend ng isa sa may-ari…or shall I say…future wife ng isa sa may-ari ng restaurant. Pwedeng Emman na lang itawag mo  ”

“Uy! Sobra ka naman, hindi ah!”

“So girl kailan mo balak magkwento, hmmm?”

“Ehh..”

“Sige magtatampo na talaga ako. Remember yung offer ko na make-over tinanggihan mo tapos nakita ko na lang putol na pala buhok mo..”

“Naku Emman sorry..wala talaga sa plano yon..sige ganito na lang..kailan ka ba pwede? Magpapaalam ako kung pwede akong makalabas.”

“Hanep, may pinagpapaalaman na ang kaibigan ko..sige how about next day, pwede ka?”

“Sige magpapaalam ako. Text na lang kita kung okay na ha.”

“Sige girl, excited na ako!!”

Isang tili na naman ang narinig ni Maya kaya inilayo niya sa tenga niya ang cellphone. Nagpaalam na rin si Emman kay Maya kaya binaba na ito ni Maya. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakatulog na din si Maya.

 

 

“Maya bakit di ka pa nagbibihis? Maaga ang alis natin.”

Nagtataka si Richard ng makita niya ito na di pa nakabihis pagbaba niya para mag-breakfast.

“Di ako sasama sa’yo ngayon. Di ba dumating na si Ms. Liza? Kaya lang naman ako sumasama sa’yo noon kasi wala kang PA.”

“At ano, babalik ka na sa restaurant?”

“Pwede na ba?”

“NO! I will not let you work there anymore. ”

“Bakit naman hindi? Usapan natin two weeks lang ako sasama sa’yo. Chard kailangan ko maghanap buhay para sa nanay ko.”

“If you are worried sa ipapadala mo sa nanay mo, ako na bahala dun. Ayoko lang bumalik ka dun.”

“Di naman pwede yon..maghahanap na lang ako ng ibang trabaho.”

“Maya..”

“So ano..tutunganga lang ako dito? Di pwede yon Chard.”

“Okay fine..kung kailangan mo ng trabaho then be my PA. Di mo na kailangan pang lumayo.”

“Pero di ba yun nakaka-ilang? Ayoko namang lagi akong nakasunod sa’yo.”

“Why not? Girlfriend kita, normal lang yon.”

“Naiilang nga ako. Bakit kaya di na lang ako ang kunin mong katulong ni Manang Fe dito?”

“What? No way!”

“Okay lang naman yon Chard eh..”

“Let’s just stop this argument Maya. Gusto ko andun ka kung saan ako. ”

Iritado na si Richard. Di nagustuhan ang takbo ng kanilang usapan.

” Stop na kung stop Richard pero di ako papayag sa gusto mo. Di mo ako pwede pigilan sa kung ano ang gusto kong gawin.”

Nagsisimula na ding tumaas ng boses ni Maya, ayaw padaig sa pakikipag-talo kay Richard.

“Di pa to tapos Maya. Kung ayaw mong  sumama sa akin today, fine! Pero di pa tayo tapos mag-usap.”

Tumayo na si Richard sa mesa kahit di pa ito kumain, naglakad na ito palabas, sumunod naman si Maya sa kanya. Nasa tapat na ng pinto si Richard ng pumasok naman si Liza nakangiti sa kanilang dalawa.

“Good morning!”

Masayang bati ni Liza.

“Let’s go Liza.”

Nagtaka si Liza nang makita ang nakasimangot na Richard.

“Let’s go na? Di mo ba ako pakakainin? Di ako nagbreakfast Chard, kasi akala ko dito ako kakain.”

Di na nakinig si Richard sa kanya kasi dumiretso na ito palabas at sumakay na agad sa kotse niya.

“Anong nangyari dun?”

“Nagalit kasi di ako sasama.”

“Eh, bakit nga ba di ka sasama?”

“Naiilang na ako eh..Kung sasama ako sigurado akong ako mapipilitan akong harapin at sagutin mga tanong nila..”

“Ikaw ang bahala..sige kausapin ko na lang si Richard.”

Narinig ni Liza at Maya ang busina ng kotse sa labas kaya nataranta na si Liza.

“Sige Maya, alis na ako. Mahirap pa naman pag mainit ang ulo ni Ricardo buong araw na to kaya good luck sa akin.”

“Sige po. Sorry kasi binigyan pa kita ng sakit sa ulo. Teka, meron pala akong ulam na inihanda para baunin ninyo. Teka kukunin ko lang.”

Nagmadaling kinuha ni Maya ang inihandang baon at binigay ito kay Liza. Nagmadali namang lumabas si Liza bitbit ang tupperware. Di na lumabas si Maya at ayaw niyang makita ang nakasimangot na mukha ni Richard.

Buong araw na di nakatanggap ng sagot sa text si Maya kay Richard. Napagod na siya sa kaka-sorry kaya pinabayaan na lang niya ito. Naiinis na din si Maya at nagpapa-hard to get pa ang boyfriend niya. Nang marinig niya ang cellphone na may pumasok na mensahe, akala niya galing kay Richard yun pero hindi pala. Si Emman ang nagtext, sobrang excited sa pagkikita nila kaya tinatanong kung matutuloy. Naalala ni Maya ang pangako niya sa kaibigan kaya nag-alala kung paano siya magpapaalam kung galit si Richard sa kanya. Wala sanang planong maghintay ni Maya sa pag-uwi ni Richard kaya lang kailangan niyang magpaalam na kasi di din niya alam kung anong oras ang alis ni Richard kinabukasan. Maghahating gabi na ng dumating sina Richard.

“Chard, pwede tayong mag-usap sandali?”

“If this is about your plan of going back to the restaurant, bukas na please..”

“Hindi..gusto ko lang magpaalam.”

“Anong paalam? Don’t tell me aalis ka?”

“Oo..kasi si Emman..”

“No! Di ako papayag..di nga ako pumayag na bumalik ka sa restaurant, ngayon aalis ka na ng bahay? What’s wrong with you Maya? Di mo ba alam mag-aalala ako sa’yo? Paano kung may mangyari sa’yo, wala ka pa namang kakilala dito sa Manila? Di naman kita pinapaalis dito sa bahay ah!”

Malakas na ang boses ni Richard, hatang galit na talaga kay Maya.

” So ano to Richard, martial law? Di ako pwede magtrabaho, di ako pwede umalis ng bahay? Aba di naman ako papayag dun. Kung ganyan lang din pala ang mangyayari sa atin mas mabuti siguro habang maaga pa maghiwalay na tayo. ”

Kung galit si Richard, mas lalo namang galit si Maya. Dahil sa sinabi ni Maya, di na nakapagsalita si Richard. Di siya makapaniwala na aabot sa pakikipaghiwalay ang pagtatalo nila. Nakalimutan niyang kailanman ay di pa sumusuko si Maya sa pakikipagtalo sa kanya. Umurong bigla ang dila ni Richard ng makita na seryoso nga iyo sa sinabi niya

 

 

18 Comments (+add yours?)

  1. Yael
    Aug 17, 2013 @ 12:02:02

    nice one Richard, too possessive huh – can’t get enough of Maya already? hahaha, try harder, it may work

    well done Miss Writer, hope to see the next chapter soon, just can’t help to get excited of what’s going to happen next – excited but a little worried hope we’ll get a happy ending of the couple, shooo James pleaseeeeeeeee🙂 and whoever who’s going to get in their way

    Reply

  2. itssimplyme72
    Aug 17, 2013 @ 11:57:18

    bakit away na naman? susme, ano kaya mangyayari sa dalawang ito? kinakabahan na ako sa kanila. Richard Lim, e shot gun marriage na lang at ng maitali mo yang c Maya sa tabi mo hahaha

    Reply

  3. felcarnelle2008
    Aug 17, 2013 @ 11:55:15

    omygashhhhhhh asu’t pusa na naman? huhuhu ano na ba ang level ng pag ibig ni Richard kay Maya dito? ung parang tatalon ng Jones Bridge pag iniwan sya ni Maya? hahaha – ok lang ako sa bangayan nila, basta ba hindi lang eeksena ang James na yan, kac parang d pa settled ang feelings ni Maya kay Richard

    ayan kac, d marunong makinig muna, kaya yan napapala niyo (ang aga ng comment ko ngayon LOL)

    Reply

  4. adiktusbecarefulus
    Aug 17, 2013 @ 03:33:42

    hala bitin tsk tsk…….talaga naman🙂

    Reply

  5. Blue
    Aug 17, 2013 @ 03:33:11

    Hope they won’t really break up :O

    Reply

  6. Jen
    Aug 17, 2013 @ 02:35:04

    Ang possessive ni Richard! Grabe! 😆

    Reply

  7. mabel
    Aug 17, 2013 @ 01:47:15

    ha3..nathreaten ang mokong🙂 . getting exciting na then oops end na pala ng chapter,hehehe…. oh well, wait for the next one again.

    Reply

  8. misschuchy
    Aug 17, 2013 @ 00:35:15

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  9. mschuchy
    Aug 17, 2013 @ 00:34:43

    ganun? konting away lang, sa hiwalayan agad-agad mapupunta? pero teka, para nga namang martial law ang ginagawa ni richard kay maya so G-R-R-R talaga tong si richard…

    anyway thank you sa update momma minion… Ü

    Reply

  10. Eden delacruz
    Aug 17, 2013 @ 00:32:06

    Pwede ceasefire ulit…aba bago palang mag dyowa grabe na ang away ng dalawa..

    Reply

  11. Azxeil
    Aug 17, 2013 @ 00:05:37

    yey, thanks po sa update mother…basa-basa muna🙂

    Reply

    • Azxeil
      Aug 17, 2013 @ 00:50:28

      d talaga maiwasan ng dalawang magtalo na parang aso’t pusa…hay kailan kaya cla mag-uusap ng maayos???

      Reply

  12. Alpha
    Aug 16, 2013 @ 23:53:36

    haay salamat Ms. Con…the best ka talaga. magbabasa muna aketch…haha

    Reply

    • Alpha
      Aug 17, 2013 @ 00:18:48

      Yaiks, unang away…hindi naba effective ang ceasefire? haha. sana mapag-usapan ng mabuti ang isyu. better nga if magtrabaho na lang si Maya sa ano talaga ang kurso nya. Teka, nakapagtapos naman sya sa kolehiyo dba?

      Reply

  13. chobangs
    Aug 16, 2013 @ 23:53:32

    Reblogged this on random thoughts….

    Reply

  14. chobangs
    Aug 16, 2013 @ 23:52:00

    Ayun!

    lumabas din! Kaya lang nag away.. hmp!

    Richard naman kasi, sobrang higpit!

    pero di ba Mother, nakapag tapos naman si Maya?

    hmmmm….feeling ko magagamit ni Maya ang degree niya…

    baliktad ang adjustment period ng mag jowa. hehehe..

    sana naman di sila tuluyang mag hiwalay! please!

    Thanks po sa update! Sorry kung ang kulit lang…hehhehe…

    hindi na muna ako magdedemand ng update over the weekend

    Monday ulit!
    😀😀

    Reply

  15. nanette
    Aug 16, 2013 @ 23:41:11

    sa wakas con… thnks, read muna ank🙂

    Reply

    • nanette
      Aug 17, 2013 @ 01:35:38

      too soon, kakaligaw lang ni M hihiwalayan din nya agad….
      kasi naman ang love di dapat domineering dapat ninunurture…
      what will it take for them to stop bickering at each other…
      mother proposal na agad, para lang reverse ang flow, kasalan agad tsaka na ang ligawan. :))

      Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: