The Willing Captive 18

“Maya, huwag naman ganun..look i’m sorry if tumaas ang boses ko.  Don’t get me wrong. Nag-aalala lang naman ako baka may mangyari sa’yo kung lilipat ka.”

Hinawakan ni Richard ang magkabilang balikat ni Maya habang tinititigan siya. Kung gaano ka init ang ulo niya kanina, siya namang kahinahon nito habang nagpapaliwanag ngayon.

“Sino bang may sabi na lilipat ako?”

“I thought.. kasi di ba sabi mo aalis ka.”

“Ayan ,kasi kung maka-react ka agad-agad..di pa ako tapos magsalita kanina galit ka na agad. Ang gusto ko lang naman sabihin, aalis ako kasi si Emman nagtatampo. Gusto daw makipagkita.”

Di nakapagsalita agad si Richard ng marinig ito. Napahiya sa inasal niya kay Maya.

“Sorry..kala ko kasi nagpapaalam ka na aalis dito ..”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Richard. Gumaan bigla ang pakiramdam niya nang malaman na di pala aalis si Maya sa mansyon. Pulling her slowly for an embrace, which Maya willingly gave.

“Ano bang nakain mo at ang init ng ulo mo?”

Maya asked Richard as she let her chin rest on his shoulder and her arms wrap around his waist as they hug tightly.

“I think its just because na-miss kita buong araw..tapos sobrang dami pang ginawa kami today. Nakakapagod..”

“Eh, ikaw lang naman ay ayaw mag-reply eh. Ni isang text wala ka man lang ni-replyan..kakainis ka kaya!”

“Sorry..ang hirap ng signal dun. Late ko na nabasa lahat ng text mo. Sunod-sunod nga akala ko kung anong nangyari sa inyo dito. ”

Sandali silang natahimik parang  na parang nag-iisip. Wala mang narinig sa salita sa kahit kanino sa kanila pero alam nilang wala na ang sama ng loob na buong araw nilang dinadala. That simple warm hug made it all disappear.

“Gutom ka na?”

“Konti..”

“Gusto mong kumain tayo ng sabay?”

“Di ka pa kumakain?”

“Kanina..pero kung gusto mo kumain ulit, sasabayan kita.”

“Talaga?”

Maya nods her head and smile, kahit di ito nakikita ni Richard kasi magkayakap pa din sila. Napapa-ngiti din si Richard. After a hard day, this is just what he wants. A hug from the woman that he loves. Kumalas si Maya sa pagkakayakap at tumingala sa kanya.

“Bihis ka na, ihahanda ko lang ang kakainin natin.”

“No, mamaya na. Baka pagnakita ko ang kama ko di na ako makalabas at makatulog na ako.”

Bumaba na sina Maya at Richard, magkahawak ang kamay at nagtungo sa kusina. Si Maya ang nag-asikaso ng lahat, pinapanood lang siya ni Richard habang naka-upo ito sa may counter. Pagkatapos mainit ni Maya ang tirang ulam ay kumain na sila ni Richard. Masayang kinwento ni Richard ang nangyari sa kanya buong araw habang. Si Maya naman ay nagkwento din kung ano ang ginawa nila ni Manang Fe sa bahay.

“So magkikita kayo ni Emman? Saan daw?”

“Di ko nga alam eh. ”

“Tell him ihahatid kita sa mall bukas. Papayagan naman kita basta huwag lang kayong magkita dun sa restaurant.”

“Chard sa tingin ko kailangan ko ding kausapin si James.”

“For what? Di na kailangan..”

“Kasi nangako ako sa kanya before na kilalanin siya..yun nga lang di pa kami nagsisimula naging tayo na. Kailangan kong magpaliwanag.”

“Pero may usapan din naman kami eh. Once nakapagdesisyon ka  na, di na siya pwedeng mangulit pa..”

“Kung ano man ang usapan ninyo, sa inyo yon eh. Iba yung sa amin..please?”

Tumahimik na naman si Richard, nag-iisip kung papayag ba o hindi. Pero sa nangyaring bangayan nila kanina, ayaw na niyang mangyari ulit ang paghahamon ng hiwalayan ni Maya kasi alam niya kung desidido si Maya di na niya ito mapipigilan na. Labag man sa loob kailangan niyang pumayag.

“Okay, kung gusto  mo talaga siyang maka-usap papayag ako. Pero..kailangan kasama ako.”

“Paano naman kami mag-uusap ng masinsinan kung andiyan ka? Kilala kita Chard, baka pag pasok ko pa lang sa pintuan hinila mo na ako pabalik.”

“Pero Maya.”

“Ano bang kinakatakot mo? Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Hindi naman sa ganun..I dunno, basta nararamdaman ko lang I have to protect you.”

“Bakit? Wala naman sigurong gagawin si James sa akin di ba? Masyado ka lang nag-iisip ng masama. Alam mo, nagtataka ako sa’yo. Kaibigan mo siya tapos ka-sosyo mo pa sa negosyo mo pero parang wala kang tiwala sa kanya. ”

“Di naman sa ganun..pero, ewan ko lang..pagdating sa’yo Maya iba ang kutob ko. Di ko ma-explain.”

“Ewan ko sa’yo Chard, sana ihinto mo yang ganyang pag-iisip kasi di yan maganda. Wala namang pinakitang masama ang tao sa’yo at tsaka sa akin eh. ”

Ilang sandali pang pinagdiskusyunan ni Maya at Richard ang tungkol kay James, nang di parin makumbinsi ni Maya si Richard ay di na lang siya nangulit pa. Ang importante sa kanya ng mga panahong yon ay ang pagpayag ni Richard sa pagkikita nila ni Emman. Masaya si Maya at pumayag naman ito, kahit mahigpit ang bilin na kailangan ihataid siya ni Joma. Pagkatapos nilang kumain ay pinauna na ni Maya si Richard na magpahinga at siya naman ang nagligpit sa kanilang pinagkainan.

 

 

Nagkita sina Maya at Emman sa mall kinabukasan. Hinatid ni Joma si Maya, nakiusap nalang siya dito na sa kotse na lang siya hintayin at huwag ng magsumbong pa kay Richard para di sila mag-away. Buti na lang pumayag si Joma. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Emman ng makita siya.

“Maya!! I’m so glad to see you! Wow naman girl ah! I love the blouse!!! In fairness ha marunong kang pumili.”

“Ay hindi rin..si Richard ang pumili nito eh. Bagay ba?Di ba siya masyadong malaki?”

“Ay hindi naman, okay lang sa’yo. Style niya yan eh, ang tawag diyan ay  ovesized blouse. Yan ang uso ngayon.”

“Ay talaga..”

Matapos pinuri ni Emman ang iba pang suot at ang bagong hairstyle ni Maya ay dinala na niya si Maya sa isang kilalang fastfood. Pagkatapos pumila at maka-order ng paborito niyang french fries, burger, sundae at softdrinks ay umumpo na sila sa isang bakanteng mesa sa may likurang bahagi para magsimula ng magkwentuhan. Gaya ng inaasahan ay nagtanong agad ito tungkol sa napabalitang relasyon nilang dalawa. Since si Emman lang din naman ang naging malapit niyang kaibigan bukod sa mga taong nakapaligid sa kanila ni Richard, walang nilihim si Maya kay Emman. Kinwento niya dito kahit na medyo naiilang siya. Tawa ng tawa si Emman ng marinig ang tungkols a panliligaw niya kay Richard. Kakatapos lang niya magkwento tungkol sa bahaging yon ng tumawag ang lalaking pinag-uusapan nila para mangumusta kay Maya.

“Chard, andito pa kami sa fastfood chain..mamaya ka na tumawag kasi maingay dito, di kita masyadong marinig.”

Palusot ni Maya para lang tapusin na ni Richard ang tawag nito. Di naman nabigo si Maya kasi di nagtagal si Richard sa tawag niya at binaba na nito kaagad.

“Bakit daw?”

“Nagtatanong kung nagkita na ba tayo..sorry, baka sa buong oras na magkasama tayo para narin natin siyang kasama..sigurado ako tatawag ulit yon.”

“Aww ang sweet naman ni Sir Richard!”

“Oo, minsan…pero minsan din sumosobra na. Ewan ko ba sa kanya pero parang ang possessive niya. ”

“Mahal ka lang nung tao, tapos nag-aalala lang yon sa’yo.”

“Naiintindihan ko naman yon, pero kasi minsan parang over na..sabi ko nga sa kanya kagabi huwag mag-isip ng kung anu-ano..Pati si James napag-iisipan niya ng masama eh.”

“OMG! Pati si Sir James pinagseselosan niya?Bakit?”

“Huwag mo ipagsabi sa iba ha. Kasi nalaman ni Richard na gusto din ni James na manligaw sa akin.”

“Ohhh kaya pala…wait, baka kaya ka kinuha niya sa restaurant dahil dun?”

“Ewan ko sa kanya. Isa ko pa ngang problema yan eh. Ayaw na niya akong bumalik dun, gusto niya maging PA na niya ako pero tinanggihan ko. ”

“Bakit naman? Sayang yon, chance mo na yun para makasama siya palagi di ba?”

“Eh ayoko..naiilang ako lalo pa alam na nila boyfriend ko na siya. Nahihiya ako sa mga tao na makita ako. Tsaka baka kung magkasama kami tapos may mga fans ako pa ang pagdiskitahan ng mga fans niya noh. Ma-jumbag pa ako.”

Tinawanan ni Emman si Maya. Nahiya tuloy siya at namula.

“Don’t worry Maya, kung jujumbagin ka ng mga fans ni Sir Richard, I’m sure ipagtatanggol ka naman ng boyfriend mo.”

“Di rin … di naman ako nag-aalala at baka masaktan ako..alam ko naman kaya ko sarili ko… ang fans niya ang inaalala ko. Baka di ko makontrol sarili ko masaktan ko din. Alam mo naman ako di rin ako padadaig no.”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Emman, pinagtitinginan tuloy sila ng mga taong nasa kabilang mesa kaya napatakip sila ng kanilang bibig para pigilin ang tawa nila.

“So paano na, di ka na talaga babalik dun?”

Nalungkot si Emman habang tinatanong si Maya. Di maiwasang pati si Maya malungkot din, bukod kasi sa nag-eenjoy siya magtrabaho dun sa restaurant, kampante din ang loob niya sa mga kasama doon.

“Kung ayaw mo yung trabaho na inaalok ni Sir Richard sa’yo, at di ka na rin babalik sa restaurant, paano na ang nanay at lola mo sa San Nicholas?”

“Maghahanap na lang ako ng panibagong trabaho…may alam ka ba?”

“Mmmm magtatanong-tanong ako sa mga kaibigan ko ha, itetext na lang kita pag may mahanap ako.”

“Salamat Emman..mami-miss talaga kita katrabaho.”

“Ako nga din eh..sayang talaga..pero promise mo ha magbo-bonding pa din tayo pag may time tayo.”

“Oo naman..huwag kang mag-aalala..pangako yan.”

Habang nagkukwentuhan sina Emman at Maya. Binigyan din ni Emman ng payo si Maya tungkol sa mga gagawin niya  lalo na pag magkakasama sina Maya at Richard. Binigyan niya ng ilang tips si Maya kung ano ang isusuot at kung ano ang mga gagawin niya para di siya gaanong maiilang tuwing isasama siya ng boyfriend niya lalo pa pag may isang special function silang dadaluhan. Nangako naman si Emman na kung kailangan ni Maya ng tulong, willing siyang tulungan ito.

Di nakuntento si Maya sa pakikinig kay Emman, kaya sinama niya ito sa pag-uwi niya para ipakita niya dito yung mga damit niya na binili ni Richard. Matapos marinig kay Richard na napansin nitong di man lang niya sinusuot yung biniling mga damit, nakunsensiya naman si May a kaya humingi na ng tulong kay Emman kung kailan at anu-ano ang mga maaring i-pares sa mga damit na yon. Naging instant wardrobe consultant niya tuloy si Emman. May ilang oras ding nanatili si Emman sa mansyon. Di pumayag si Maya na di doon maghapunan ang kaibigan kaya sinamahan na lang ni Emman si Maya at Manang Fe na kumain bago siya umalis.

Masaya si Maya at sulit ang naging bonding nila ng kaibigan niya. Kahit panay ang tawag ni Richard sa kanya, in which nahinto lang ata sa kakatawag sa kanya ng malaman nitong nasa bahay na silang dalawa ni Emman. Di magawang maapektuhan ni Maya sa pangungulit ni Richard kasi sobra naman siyang nag-enjoy kasama ang kaibigan niya.Bigla tuloy niya na-miss sina Doris at Sabel sa San Nicholas. Nang maalala ang mga kaibigan ay naalala din ni Maya ang nanay niya kaya tinawagan niya ito.

Di inasahan ni Maya ang narinig mula sa nanay niya ng mag-usap na sila. Gusto kasi nito na umalis siya sa mansyon. Inaamin naman niya may punto ang nanay niya, mahirap na pagmalaman ng ibang tao na doon siya nakatira sa bahay ng boyfriend niya. Pero alam naman niyang pahirapan na naman sa pagpapaalam ang kanyang gagawin. Pero para naman makampante ang nanay niya, nangako si Maya na aalis sa mansyon. Di nga lang niya mapapangakong agad-agad siya makaka-alis. Ngayon pa lang, nalungkot na si Maya. Wala mang magandang ala-ala si Maya sa mansyon na magkasama sila ni Richard pero nalulungkot siya kasi iiwan niya si Manang Fe na naging parang pangalawang nanay na din niya, pero gaya ng sabi ng nanay niya, kailangan niyang gawin yon.

 

Pag-uwi ni Richard nang gabing yon. Nakangiti itong bumaba ng kotse niya, sinuklian naman ni Maya yon at ngumiti din ito sa kanya.

“How was your day?”

“Okay lang naman, enjoy kami ni Emman. Ikaw kumusta naman ang taping?”

“Nakakapagod. Pero  okay lang just as long as pag-uwi ko yung ngiti mo ang sasalubong sa akin.”

Di maiwasang may konting kirot na maramdaman si Maya sa dibdib. Naalala kasi niya ang sinabi ng nanay niya kanina. Gusto na din sana nyang sabihin kay Richard ang tungkol dito pero pinigilan ni Maya ang sarili niya kasi baka mag-away na naman silang dalawa. Kung ano man ang kailangan nilang pag-usapan, Maya decided to put it on hold muna.

“Come here may ibibigay ako sa’yo.”

“Ano?”

“Basta, halika sa taas.”

Umakyat sa taas sina Maya at Richard at nagpunta sa veranda. Sitting across each other, inilabas ni Richard ang isang maliit na red velvet box.

“Matagal ko na gustong ibigay sa’yo to pero di matuloy-tuloy.”

Binigay ni Richard kay Maya ang red velvet box without opening it. Kinabahan si Maya, nanginginig pa siya ng iabot ni Richard sa kanya ito. Dala narin siguro sa kaba ay di sinasadyang mabitawan ni Richard ang box ng masagi ito ng nanginginig na kamay ni Maya. Lalo pa nanginig si Maya ng biglang umihip ang malamig na hangin sa may veranda.

 

24 Comments (+add yours?)

  1. rocsan888
    Aug 19, 2013 @ 22:28:07

    Con, feeling ko abutin ito ng 25 tama ba?

    Reply

  2. felcarnelle2008
    Aug 19, 2013 @ 22:27:45

    (dahil nahuli ako, late din ang reaction)

    parang ang haba pa yata ng lalakbayin ng magsyota ah, at ano ba meron kay James na ganun na lang ang kaba ni Richard? at paano nga naman makakatulong c Maya sa pamilya pag d sya naka pagtrabaho, d ba may natapos naman sya? why not use it to look for other job aside sa resto

    and lastly, katulad ng totoong show, sana mag level up na rin ang pisikalan ng mag syota, hahahaha “bow”

    Reply

  3. catez
    Aug 19, 2013 @ 22:22:47

    medyo tindig balahibo ko sa last part ……. ano to horror suspense bago ….. at yung ibibigay ni richard di kaya singsing …… at yung pag alis ni maya di kaya magkaroon ng world war 4 ……. thanks mama minion……

    Reply

  4. Azxeil
    Aug 19, 2013 @ 18:57:19

    bakit parang bigla akong natakot sa last part, lol…ibig bang sabihin may gulong mangyayari??? ano kaya yung ibibigay nya kay Maya??? thankie mother🙂

    Reply

  5. chobangs
    Aug 19, 2013 @ 18:37:13

    Reblogged this on random thoughts….

    Reply

  6. chobangs
    Aug 19, 2013 @ 18:26:45

    ang dami pa nga nilang issue na pag dadaanan…

    parang be careful lang din…may mile stones!

    buti naman at hindi naman lumala ang away nila

    thankie pow!

    Reply

  7. Jen
    Aug 19, 2013 @ 17:17:45

    Ano kaya ang laman ng kahon? 😊

    Reply

  8. Alpha
    Aug 19, 2013 @ 16:19:41

    haha. sis first honor ka. thanks Ms. Con. basa muna…

    Reply

    • mschuchy
      Aug 19, 2013 @ 16:33:44

      hahaha sis natyempuhan ko lang, hindi ko intensiong mang-agaw sa mga nagta time check dito…
      🙂

      Reply

      • Alpha
        Aug 19, 2013 @ 16:41:31

        haha, ilang minutes ka lang nauna sa akin. kung nagkataon, ako ang magta-time check…heheh. may malamig na hangin-effect si mother ah…meron kaya ibig sabihin ito?

        Reply

    • Alpha
      Aug 19, 2013 @ 16:38:36

      oooppss, abangan ang lipat bahay issue na susunod na haharapin…parang merong halong suspense-horror ba ito Ms. Con?😐 hehe

      Reply

  9. mschuchy
    Aug 19, 2013 @ 16:12:39

    time check: 4:15 pm showing na ang #twc 18

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: