The Willing Captive 19

“Ano to?”

“Open it. ”

Di naman siguro to engagement ring noh, gaya ng lagi kong nakikita sa mga romantic films.

Maya could only guess. Seeing the red velvet box daming naglalaro sa isip niya. At nang maisip niyang di malayo na maging engagement ring nga ang nasa loob nito, naalala niya bigla ang San Nicholas at ang pamilya niya.

Tssss bakit ba umihip pa ang hangin, lalo tuloy ako kinabahan.

Dahan-dahang binuksan ni Maya ang box at nagulat sa nakita.

Bracelet.

Napanatag ang loob ni Maya, buti na lang di katulad ng inasahan niya or else she could have fainted. Not with excitement, but with worry.

“Did you like it?”

“Thank you…ang ganda niya, parang nakakahiyang suotin.”

Isangย  gold infinity chain bracelet ang binigay ni Richard sa kanya. Kinuha ito ni Richard at isinuot sa kanya.

“Actually minana ko pa yan sa lolo ko, napasama dun sa isang jewelry box. Putol yan kaya pina-ayos ko pa. May sentimental value kaya all throughout these years tinago ko. ”

“May sentimental value pala yan bakit mo binibigay sa akin.”

“Kasi sabi ko ibibigay ko lang yan sa babaeng gusto kong makasama habang-buhay. ”

Maya swallow a lump in her throat. Nakita ni Richard na di mapakali si Maya.

“Sorry, natakot ba kita? Look, Maya..I’m not getting any younger. I promise myself years ago, the next time that i’ll be in a relationship gusto ko siya na yung babaeng pakakasalan ko. ”

“Pero..bago pa lang tayo Chard.”

“Alam ko..pero sigurado na ako. Kaya nga nung niligawan mo ako nagtanong ako sa’yo kung alam mo ba ang pinapasok mo. But you said yes. ”

“Huwag mo ng idiin ako ang nanligaw Chard, please.”

Namula si Maya sa hiya, covering her face with her palm kaya napangiti na lang si Richard. He reach out for her hands at inalis ito sa kanyang mukha, holding them tightly as he look into her eyes.

“Ako na naman ang magsasabi nito, pinapadali ko lang naman eh..bakit pa natin patatagalin doon naman din ang punta natin di ba.”

“Di ba pwedeng maghintay muna?”

“Di naman kita minamadali eh. It’s not that bukas na bukas magpapakasal tayo. I just want you to know kung saan lahat to patungo. When you’re ready just let me know. ”

“Seryoso ka ba?’

“Di ko ibibigay sa’yo yan if di ako seryoso.”

Looking at him, alam ni Maya na di na wala na ngang bawian pa. That’s what makes him admirable, yung persistence whenever may gusto siyang gawin. But suddenly she got scared. She knows Richard loves her..pero di siya sigurado sa nararamdaman niya. Nanginginig si Maya, di niya alam kung dahil sa hangin o dahil sa sinabi ni Richard, di na siya makapag-isip ng tama.

“We better get inside, nilalamig ka na oh.”

 

That night habang nakahiga si Maya sa kanyang kama di maalis sa isipan niya ang planong pagpapakasal ni Richard. She glance at the small box na nasa bedside table niya. Naguguluhan si Maya kaya tinawagan niya ang kanyang nanay sa San Nicholas.

 

 

 

“Emman pwede ba tayong magkita sa day-off mo?”

“Sure Maya, gusto ko yan..”

“Thank you Emman. May gusto lang akong sabihin sa’yo eh…by the way si James ba pumasok?”

“Oo, bakit gusto mo maka-usap?”

“Sana..pero sige tawagan ko na lang.”

“Okay..ay by the way, meron akong friend naghahanap ng ticket agent baka gusto mo mag-apply.”

“Talaga? Sige pag-usapan natin yan pag nagkita tayo.”

“No problem..”

“Sige Emman, tatawag muna ako kay James. Bye.”

“Bye Maya.”

Ilang araw ng iniiwasan ni Maya ang mga tawag at text ni James. Now, that she’s ready, plano na niyang kausapin na ito. She dialed James’ number, it only took a couple of rings bago niya narinig ang boses nito sa kabilang linya.

“Maya!”

“James..sorry..ummm pwede ba kitang maka-usap?”

“Yes, yes.. of course..ngayon na? Over the phone?”

“No, huwag ngayon…bukas, pwede po ba?”

“Po? ..”

Maya heard him chuckled.

“Sorry..”

“mmm sige, bukas..I will wait for your call kung saan.”

“Thank you James. Bye.”

Di na narinig pa ni Maya ng magpaalam si James. Inaamin niya, kinakabahan siya sa kanilang pagkikita . Lumabas na ng kwarto si Maya. Nagulat naman siya ng makasalubong si Manang Fe sa may hagdanan may dalang tray ng pagkain.

“Manang, para kanino po yan?”

“Kay Ricardo. Masama daw ang pakiramdam. Kanina ng umuwi naghanap ng gamot kaya ito nagluto ako ng sopas para sa kanya. Ito lang kasi kinakain niya pag masama ang pakiramdam.”

“Dumating na po siya?”

“Oo, di na kita ginising kanina kasi alam kong pagod ka. Buong araw mo na akong tinulungan kaya hinyaan kitang magpahinga.”

“Naku Manang di naman po.Sige ako na ang mag-dadala nito sa kanya.”

“Salamat Maya.”

Bitbit ang tray, dinala na ni Maya ang pagkain sa kwarto ni Richard. Kumatok muna ito bago binuksan ang kwarto ng lalaki. Agad namang bumangon si Richard nang makita siya.

“Bakit ikaw pa ang nagdala niyan.”

“Bakit, ayaw mo?”

“Di naman..”

Matamlay si Richard, pilit paring ngumingiti sa kanya sa kabila ng sama ng pakiramdam.

“Gusto mo subuan kita?”

“Huwag na, para naman akong bata.”

Kumain si Richard, pero pagkatapos ng ilang subo ay umayaw na.

“Chard, tapusin mo na lang to.”

“Busog na ako. Pinipilit ko lang naman na kumain kahit ilang subo lang para tumalab ang gamot.”

Binigay ni Maya ang gamot kay Richard at iniabot din ang isang baso ng tubig sa kanya. Pagkatapos uminom ay binitbit na ni Maya ang tray.

“Saan ka pupunta?”

“Ibababa ko tong tray sa kusina. Bakit?”

“Mamaya na..samahan mo na lang muna ako dito. ”

Tinapik ni Richard space sa tabi niya, nagpapahiwatig na gusto nitong tumabi si Maya sa kanya.

“Uyyy, Chard ha..”

“Bakit? Masama ba kung magpapasama ako? Sige na nga umalis ka na lang..ayaw mo atang damayan ako.”

“Aysus, style mo Richard Lim..sige na nga usog ka ng konti.”

“Di na, parang napipilitan ka lang eh.”

“Ay, huwag ng maarte. Sige aalis na ako!”

“Di na..eto na oh.”

Richard move a little para tumabi na si Maya sa kanya.

“Bakit ba sumama ang pakiramdam mo?”

“Di ko rin alam eh..kanina pa to pag-gising ko. Kala ko mawawala na siya pero parang grumabe na kaya pina-uwi na lang ako ni direk.”

Richard let Maya lean her head on his chest, as he wrap his arm around her while the other is caressing on her other hand.

“Sana lagi tayong ganito Maya. Kailan kaya yon?”

Alam ni Maya na ang kasal ang tinutukoy ni Richard kaya di na siya umimik pa. Pagkatapos ng naging usapan nila ng nanay niya nung nakaraang araw nahihirapan siyang sabihin kay Richard ang katotohanang malapit na niya itong iiwan. Gusto kasi ng nanay niya na umalis na siya doon.

“Maya, hulaan mo to.”

Using his index finger, may sinusulat si Richard sa likod ni Maya.

I-L-O-V-E-Y-O-U

Alam ni Maya kung ano yon pero nagkunwari siyang di niya nahulaan kong ano yung sinusulat ni Richard. Naiinis si Maya sa sarili niya kasi nasasaktan siya. Kung di pa sinabi ng nanay niya na kailangan niyang umalis di niya mare-realize na unti-unti na pala siyang nahuhulog kay Richard. Sa konting panahon kasi na nagkasama sila, pinaparamdam ni Richard sa kanya kung gaano niya siya pinapahalagahan. Alam niyang hahanap-hanapin niya ang mga sandaling katulad nito. Di man nila maiwasang magbangayan pero alam niya importante sila para sa isa’t-isa.

“Di mo nakuha?”

Umiling si Maya.

“Ako meron din akong ipapahula.”

Extending her arm, she reach for his back, using her index finger siya naman ang nagsulat sa likod ni Richard.

A-A-L-I-S-N-A-A-K-O-M-A-M-I-M-I-S-S-K-I-T-A

“Ang haba naman nun..ano yun? Mahal mo din ako?”

Nakangiting sagot ni Richard.

“Secret!”

“Daya ah!”

Ngumiti lang si Maya at niyakap si Richard ng mahigpit. Konting-konti na lang papatak na ang luha ni Maya kaya pinipigilan niya ito hanggat maaari. Di inasahan ni Maya ang sunod na nangyari. Richard move, lifting her chin up, he kiss the side of her mouth then kiss her again, this time in her lips. It was just a quick kiss pero alam ni Maya di lang yun mananatili sa kanyang alaala ng panandalian lamang. Di na napigilan ni Maya ang luha niya.

“Sorry..Maya I’m sorry…please huwag kang umiyak.”

Nataranta na si Richard ng makita ang luha ni Maya. At dahil di na maitago ni Maya ang luha niya, dali-dali niya itong pinahiran ng kamay niya sabay ngiti.

“Huwag kang magsorry. Maarte lang talaga ako…alam mo na..first kiss”

Maya said with a soft laugh, trying to lighten the mood. Nakita niya kasi ang pag-aalala ni Richard, ayaw naman niya itong magtaka pa. Para iwasan pa na magtanong ito, she got up from bed and collected the tray.

“Sige dalhin ko muna to doon sa kusina.”

“Sige..sorry kung di mo nagustuhan ang ginawa ko.”

“Okay lang yun..”

Maya turn her back from him ang leave. Pagkalabas ni Maya kinalma muna niya ang sarili bago siya tuluyang naglakad pababa ng kusina. Ayaw niyang makita ni Manang Fe ang itsura niya kasi ayaw niyang ito naman ang magtanong, natatakot kasi siyang di niya kayang ilihim sa matanda ang plano niyang pag-alis sa bahay.

37 Comments (+add yours?)

  1. ghie2013
    Aug 21, 2013 @ 15:29:04

    Next chapter please medyo confuse ako….kay maya…love na ba nya si richard? Bakit parang di sya sure sa feelings nya?

    Reply

  2. Azxeil
    Aug 20, 2013 @ 23:39:25

    hiwalay na kung hiwalay…ang dekolor sa puti, hehehe!!! bakit kaya di nakuha ni Richard yung sinulat ni Maya sa likod nya…kailangan ba chinese characters para malinaw sa kanya!!! nalungkot tuloy ako, kc nagpa-paalam na c Maya d nya pa rin gets..

    thanks po sa update mother๐Ÿ™‚

    Reply

  3. felcarnelle2008
    Aug 20, 2013 @ 21:20:21

    ilang chapter kaya aabutin itong TWC? sana may papasok na update in 5 seconds lol, Con, please oh, update namay dyan oh… LOL

    Reply

  4. itssimplyme72
    Aug 20, 2013 @ 20:47:50

    @nylcoen d na yata ako makatulog sa kaiisip kung ano ang mangyayari sa sunod. at sana wooshhhh na yan c James, sana deretsahin na ni Maya na wala na itong aasahan sa kaniya, c Maya at para lamang kay Richard, ganyan lang ako ka baliw, baka ako ang maunang ma broken hearted pag d nagkatuluyan ang dalawang ito, so please lang, sana ma seal na ang dalawang ito, the sooner the better, pero d ako humihingi na mag e end na ang story ha? pwedeng e extend pa kahit na mag asawa na sila (oh, sya hindi ako writer, result lang ito ng mainit kong pag iisip)๐Ÿ™‚๐Ÿ™‚๐Ÿ™‚ good job once again @nylcoen

    Reply

  5. Yael
    Aug 20, 2013 @ 20:42:31

    omg omg omg ano na kaya ang sunod na mangyayari? nakupo Miss Writer, bakit kami ay binibitin ng ganito? pwedeng may sunod na update na?๐Ÿ™‚

    Reply

  6. auricel
    Aug 20, 2013 @ 20:02:48

    ms. con! so far, this is my favorite po of the series. hehe. excited na po ako sa next! thank you for this!๐Ÿ˜€

    Reply

  7. mschuchy
    Aug 20, 2013 @ 19:54:09

    ganda as usual ng fanfic na to. pero nakakabitin pa rin, hahaha

    anywayz, thanks mother minion sa update…
    ๐Ÿ™‚

    Reply

  8. catez
    Aug 20, 2013 @ 19:33:12

    bakit ang lungkot? ano ba ito nag eemote din ako ……. payagan kaya ni richard si maya sa pagalis at paanong paalam ang gagawin ni maya ……. thanks mama minion.

    Reply

  9. felcarnelle2008
    Aug 20, 2013 @ 18:08:29

    bakit naiiyak ako doon sa sulatan-sa-likod thingy nila?

    Reply

  10. felcarnelle2008
    Aug 20, 2013 @ 18:02:29

    as usual, late na naman ako huhuhu basa basa muna, anyare sa notification ko? tinangay ni Maring, at busy busyhan ang peg

    Reply

  11. binky
    Aug 20, 2013 @ 17:53:43

    thanks..

    Reply

  12. princemackaroo
    Aug 20, 2013 @ 17:45:39

    Oh my.. Dun palang sa part na pinahuhulaan ni Richard kung ano yung sinusulat niya sa likod ni Maya sobrang nalulungkot na ako. Para tuloy gusto ko ring makiiyak kay Maya. Haha! Hang lungkot naman! I feel for Maya, I feel her pain at sobrang naaawa ako kay Richard for not having any clue what’s really happening with Maya..

    Reply

  13. rocsan888
    Aug 20, 2013 @ 17:38:26

    wahhh. bitin con..

    Reply

  14. chobangs
    Aug 20, 2013 @ 17:27:54

    time check: 5:24 pm

    Oh my gee!
    may na sesense akong hiwalayan… O.O

    ng bahay…

    buti na rin yong lumipat si Maya. Para maging sigurado siya sa feelings niya. Ika nga – distance make the heart grow fonder. O di kaya, Distance diminishes small love and increases greater one.

    bakit natatakot ako sa pagkikita nila na James? si Mother kasi! feeling ko may gagawin siyang di kaaya – aya kay akonakabahan si Richard. O sadyang possessive lang ang mama.

    Magugulat din ako kung may mag popropose sa akin, though, indirectly, ng wala pang kahit isang buwan.

    cold feet!!

    Thankie Mother!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: