The Willing Captive 22

Nagmamadaling bumaba ng bahay si Maya at nilapitan si Simon. Nakangiti ito sa kanya habang ina-antay siyang makalapit sa kanya.

“Simon! Uy kumusta ka na?”

Niyakap ni Simon si Maya ng mahigpit. Dahil nabigla si Maya sa ginawa ni Simon, di na nito nagawang pumalag pa.

“Uy sobrang na-miss mo ba ako at ang higpit mong makayakap?”

“Sobra!”

“Sobra ka diyan..ikaw talaga puro ka biro.”

“Di ako nagbibiro, ang tagal  kitang hinintay. Gustong-gusto na kitang makita. Mabuti naman at dumating ka na.”

“Eto naman,..para namang ilang taon tayong di nagkita ah.”

Kumalas si Maya kay Simon at naiilang na siya ng maramdaman ang mas humihigpit na yakap nito sa kanya.

“Halika akyat muna tayo para makapag-kwentuhan.”

“Huwag na..sumama ka na lang sa akin.”

“Ha? Ah eh, gabi na tapos tulog na sina Nanay di ako makakapag-paalam.”

“Sige na, Sandali lang naman eh.”

Napatitig si Maya kay Simon. Naguguluhan kasi siya sa inaasal ni Simon ngayon. Gusto niyang tumanggi pero naisip naman niyang baka magtampo naman ang kaibigan niya. Bilang pagtanaw ng utang na loob dahil noon nung humingi siya ng pabor dito, tinulungan naman siya, ano naman yung konting panahon na ilalaan niya para samahan si Simon kahit sandali lang. Bukas babalik na siya ng Manila kaya wala na siyang panahon na makausap pa ito.

“Sandali lang tayo ha..”

Ngumiti si Simon sa kanya at naunang naglakad kay Maya. Sumunod naman siya sa lalaki. Nagtataka kung saan siya dadalhin nito.

“Saan ba tayo pupunta?”

Di siya sinagot ni Simon at nagpatuloy lang itong maglakad. Nagmamadali si Simon sa kanyang paglalakad kaya si Maya ay naghahabol din para di siya maiwan. Nagtataka man kung bakit sa likod ng bahay sila dumaan, di na nagreklamo si Maya at sumunod na lang.

 

 

Nanaginip si Richard na bumalik daw siya sa gubat ng San Nicholas. Tumatakbo at sumisigaw hinahanap si Maya. Sa kakatakbo niya ay napadpad siya doon sa may hukay kung saan nahulog si Maya, iniisip niyang baka pagdumungaw siya doon ay makikita niya si Maya kaya huminto siya sa hukay at tinawag si Maya. Isang iyak ng babae ang narinig niya.

“Maya? Maya ikaw ba yan?”

Iyak lang ang sinagot ng babae sa kanya. Sigurado si Richard na hindi kay Maya ang boses na yon pero di naman niya pwedeng iwanan ito ng basta-basta kaya nagdesisyon siyang tulungan muna ito bago niya hanapin  ulit si Maya.

“Miss..okay ka lang ba diyan?Hahanap ako ng maaari mong kapitan para maka-alis ka na diyan. Antayin mo lang ako.”

Naghanap si Richard ng kahoy na pwedeng makapitan ng babae, katulad nung ginawa niya noon kay Maya. Bumalik ulit siya sa may hukay ay binaba ang kahoy para matulungan na ang babae na maka-alis doon.

“Miss kumapit ka ha at hihilahin kita.”

Naramdaman ni Richard na  gumalaw ang kahoy kaya nagsimula na siyang hilahin ito. Habang hinihila, naramdaman ni Richard na di niya kaya ang gagawing paghila at parang siya pa ang mahuhulog dun sa hukay. Pilit na nagpakatatag si Richard pero habang tumatagal, habang binubuhos ang buong lakas niya, naramdaman naman niyang unti-unti siyang nalalaglag sa hukay. Di nga nagkamali sa kanyang tantiya si Richard, nahulog sa doon sa ilalim.

“Ahhhh!”

Ilang segundo lang ang nakaraan at nakahiga na si Richard sa ilalim ng hukay. Kahit masakit ang katawan ay pinilit ni Richard na tumayo, lumapit naman ang babae sa kanya at iniabot ang kanyang kamay. Kumapit si Richard sa kamay ng babae at napansin ang  suot nitong bracelet.

“Maya?!”

Hinila ni Richard ang kamay ng babae sa pag-aakalang si Maya ito pero nagulat siya ng makita ito. Isang babaeng may mahabang buhok ang nakatayo sa kanyang harapan. Maputi, maganda, pero malungkot ang mata.

“Sino ka? Bakit mo suot ang bracelet ni Maya?”

“Di mo na na ako kilala Roberto?”

“Hindi ako si Roberto..I’m his son, Richard..sino po kayo? Bakit kilala mo daddy ko?”

“Hanggang ngayon pilit mo pa rin akong tatakasan?”

“Sino po ba kayo?”

Napaurong si Richard nang napansin niyang lumalapit ang babae sa kanya. Natakot siya ng mapansin ang duguan nitong damit. Naalala ni Richard si Maya kaya mas lalo siyang natakot.

“Asan si Maya? Anong ginawa mo kay Maya? Bakit na sa’yo  ang bracelet niya?”

“Akin to…akin to! !”

Galit na din ang babae at nagsisigaw kay Richard.

“Maya! Maya!!!”

Pilit sumigaw ng malakas si Richard para marinig siya ni Maya pero pakiramdam niya hindi siya lang ang nakakarinig ng mga sigaw na yon.

Nagisig si Richard na hinihingal at basa ng pawis. Napasugod naman si Manang Fe, Joma, at Liza sa opisina ni Richard nang marinig siya.

“Chard what happen?”

“Liza I think I know where Maya is..”

“Where?”

“In San Nicholas!”

“How did you know? Nagtext ba siya sa’yo?Tumawag?”

“No, i saw her in my dream!’

“Chard, it was just a dream!”

“No! Basta, I can’t explain…there something with that dream…we have to go there as soon as possible!”

“Are you sure?”

“Yes!”

Di na nagpapigil pa si Richard. Kiinabukasan lumipad silang dalawa ni Liza papuntang San Nicholas.

 

 

“Chard, ako na ang bababa, ako na ang haharap sa kanila muna.”

“Thanks Liza. Sige dito na muna ako.”

Bumaba si Liza sa kotseng ni-rentahan nila at tinungo ang loob ng karendirya nina Maya. Agad naman siyang nakita ng nanay ni Maya.

“Magandang araw po. Natandaan ‘nyo po ba ako?”

It took awhile before sumagot si Nanay Teresita kaya si Liza na mismo ang nagpakilala sa kanyang sarili.

“Ako po si Liza. Naalala ‘nyo na po?”

“Liza? Ahhh oo, Ms. Liza! ”

“Nay, pwede po kayo maka-usap sandali?”

“Sige..teka lang..”

Ibinilin muna ni Nanay Teresita kay Simon ang tindahan saka niya dinala sa taas ng bahay nila si Liza.

“Bakit po kayo andito?”

Tanong kaagad ni Nanay Teresita nang ma-upo na silang dalawa sa balkonahe.

“Nanay, hinahanap po namin si Maya.”

“Si Maya? Andito siya..kaya nga lang nagtataka kami ni Nanay kanina pag-gising namin wala na siya.”

“Po? Talagang andito si Maya?”

“Oo, bakit di ba siya nagpaalam sa inyo?”

“Hindi po..bigla na lang kasi siyang umalis ng Manila after nilang magtalo ni Richard.”

“Teka..anong nagtalo?”

“Nanay mahabang kwento, sa ngayon kailangan namin maka-usap si Maya. Sinabi mo nawala siya, saan ba siya nagpunta?”

“Di din namin alam eh!”

Nagsisimula na namang mag-alala ni Nanay Teresita. Kaninang umaga pag-gising niya at nadiskobreng wala si Maya kinabahan siya. Sumagi sa isip niyang baka umalis at bumalik na ng Manila pero dahil sa alam naman niyang di magagawa ni Maya na basta-basta na lang umalis na di nagpapaalam sa kanila ay nag-alala na rin siya, lalo pa ng makita nito ang cellphone ni Maya at di niya matagpuan ang damit na sinuot ni Maya nung nakaraang gabi. Pero dahil baka masyado naman siyang nag-iisip ng anu-ano, she decided to wait for Maya to show-up.

“Chard, yes umuwi nga si Maya..pero nawala ulit.”

Liza called Richard. When she ended the call, nakita nilang bumaba si Richard ng sasakyan at umakyat sa kanilang bahay. Nagmamadali. sa itsura pa lang nito, alam ni Nanay Teresita nag-aalala din si Richard sa anak niya.

“Good morning po.”

“Magandang umaga naman.”

Natulala pa si Nanay nang alisin ni Richard ang shades niya, buti na lang agad naman siyang natauhan.

“Aling Teresita, kailang pa po umalis si Maya?”

“Yan din ang iniisip ko kanina pa eh. Kasi paggising ko kaninang madaling araw, wala na siya.”

Sandaling natahimik si Richard, naalala niya yung panaginip niya kagabi.

“Aling Teresita, sa tingin mo bumalik siya ng Manila?’

“Hindi eh, di naman yon umaalis na di nagpapaalam sa akin. Lalo na kung babalik na ng Manila, tsaka ang sabi niya kagabi ngayong umaga siya babalik ng Manila. Yung cellphone niya nasa kwarto lang din  niya tsaka di ko nakita yung pinagbihisan niya kaya sigurado akong di pa yon umalis papuntang Manila.”

“Liza, I think kailangan kong pasukin ulit ang gubat.”

“What?! Bakit?”

“Basta! I have this weird dream kagabi…I have this feeling doon ko lang siya matatagpuan.”

“Samahan na kita!”

Nanay Teresita offered immediately.

“No, huwag na po…hintayin ‘nyo na lang po ako dito.”

“Are you sure Chard? Alam mo namang delikado doon eh..I think we need to call the police para masamahan ka.”

“Huwag na!”

Nagulat silang tatlo ng marinig nila ang boses ni Simon. Nakita nila ito sa may baba ng hagdan, nakatingin sa kanila.

“Ako na ang sasama sa kanya.”

“Mabuti pa nga, si Simon na..kung may isang tao na mas nakaka-alam ng gubat, si Simon yon.”

“Sige po..Liza..we’ll go ahead.”

Dali-daling bumaba si Richard at agad naman silang umalis ni Simon. Nauna si Simon kay Richard. Sinusundan naman niya ito, pinipilit makahabol.

“Brod, bakit dito tayo sa likod dumaan?”

“Gusto mo bang pagkaguluhan ka ?”

Sagot agad ni Simon, di man lang ito lumingon para tingnan siya, seryoso ang boses habang dire-diretsong naglakad.

“Brod…sigurado ka bang sa gubat tayo pupunta?”

“Sumunod ka na lang…wala si Maya sa gubat..”

“Wait…alam mo kung saan si Maya?”

Di na narinig ni Richard sumagot si Simon. Mas lalo nito binilisan ang paglalakad, di pa sila gaanong nakakalayo kina Maya pumasok na si Simon sa gate ng isang bahay. Nagtataka man ay pumasok na din si Richard kasunod kay Simon.

“Pumasok ka na…matagal ka na niyang hinihintay.”

Di na nagdalawang-isip pa si Richard at pumasok na ito sa main door ng mansyon. Pagpasok ni Richard, nagulat siya ng makitang maayos ang loob ng bahay. By its look, alam ni Richard na mga lumang kagamitan lahat ng andun.

” Maya?!”

Nilibot ni Richard ng tingin ang loob ng bahay hanggang sa makita niya ang nakabukas na pinto ng kwarto sa second floor. Inakyat ni Richard ang second floor, patakbo niyang tinungo ito. Di nga siya nagkamali, nakita niya doon si Maya nakahiga sa sahig … walang malay.

“Maya! Maya!”

 

 

 

 

 

165 Comments (+add yours?)

  1. Elsa Mendoza
    Feb 12, 2016 @ 09:33:39

    GOOD MORNING MS WRITER,PWDE K B MAHINGI UNG PASSWORD NG THE WILLING CAPTIVE 25 FINALE NYA PLEASE AT KUNG PWDE PATI UNG SA IBA NA RIN STORY M,THANK YOU SO MUCH AND TAKE CARE ALWAYS🌷🌷🌷

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: