The Willing Captive 23

Panay ang yugyog ni Richard kay Maya para magkamalay na ito. Puno ng pag-aalala si Richard nang makita itong walang malay tao na nakahiga sa sahig ng kwartong pinasukan niya.

“Maya! Maya, wake up! God ano bang nangyari sa’yo?..Simon! Simon!!”

Richard called Simon to aks help, nagulat si Richard ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Buong akala ni Richard si Simon na ang pumasok pero nagulat siya ng isang lalaki na may hila-hilang babae ang nakita niya.

“Sino kayo?”

Biglang binalibag ng lalaki ang babae sa kama, panay iyak ang babae at nagmamaka-awang huwag siyang saktan nito. Isinara ng lalaki ang pinto ng kwarto at ni-lock ito, lalo namang sumigaw ang babae at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at nagpumilit lumabas ng kwarto. Richard scream at them pero di man lang sila lumingon sa kanya. Di maintindihan ni Richard kung totoo ba yung nakikita niya sa harapan niya o isang imagination lang. Habang nakatitig sa mga taong pumasok unti-unti niyang namukhaan ang mga ito.

Lolo Roberto?!

Sigurado si Richard na ang lolo niya ito. Naalala niya ang picture sa album na nakatago sa closet ng kanyang lola, ang lalaking nasa harap niya ang mukha ng kanyang lolo nung kabataan niya, namukhaan din niya ang babae. Ito ang babaeng nagpakita sa kanya sa panaginip niya. Nakita ni Richard kung paano sinampal ng kanyang lolo ang babae hanggang sa mapahiga ito ulit sa kama. Panay parin ang iyak ng babae, gustong tumayo ni Richard para tulungan ito pero para siyang nakatali sa kanyang kinauupuan, helplessly watching the lady scream for help. Nagulat si Richard sa sumunod na tagpo, nag-iba na ang mukha ng babae nang lumingon ito sa kanya nagimbal si Richard ng makita niya si Maya, nakita niyang pilit hinahalikan ng kanyang lolo si Maya ,hanggang sa tuluyan na nga nitong mahubaran at pagsamantalahan ito.

“NO!! Please no! Lolo !”

Habang nangyayari ito ay umiiyak at nakatingin si Maya kay Richard na parang humihingi ng tulong, at dahil sa wala namang siyang magawa para tulungan ito ay napapikit na lang siya ng kanyang mga mata. Di makapaniwala si Richard sa kanyang nakita, ni hindi sumagi sa kanyang isip noon na magagawa ng lolo niyang manakit ng babae.Habang umiiyak si Maya ay di rin maiwasan ni Richard na mapaiyak din sa nakikita. Wala naman siyang magagawa kasi naiintindihan niyang ang lahat ng kanyang nakikita ay hindi nangyayari sa kasalukuyang panahon. Ang hindi lang maintindihan ni Richard ay kung bakit kailangan pa niyang malaman ito gayong wala na ang lolo niya at  sigurado naman siyang wala na rin ang babaeng nasa harap niya.

Pagkatapos pagsamantalahan ay lumayo si Maya kay Roberto at gumapang ito hanggang sa marating ang sulok ng kwarto. Naka-upo habang patuloy sa pag-iyak. Malapit lang ito sa kinaroroonan nina Richard at ang walang malay na si Maya. Nilapitan ito ng lolo ni Richard at pilit kina-usap.

“Maria ..pasensiya ka na. Handa kong pnagutan ang aking ginawa. ”

Maria, yon pala ang pangalan niya..

“Alam mong hindi ikaw ang aking mahal Roberto. Bakit nagawa mo sa akin ito? Ikakasal na ako kay Simeon, alam mo yan!”

“Di ako papayag! Simula pa lang alam mong minamahal na kita, pero bakit di mo magawang mahalin din ako?”

“Di natuturuan ang puso Roberto! Nakuha mo man ang aking puri..pero hindi ang aking puso!”

“Matutunan mo rin akong mahalin balang-araw Maria. Pumayag ka lang magpapakasal na tayo kaagad.”

Nagsusumamo si Roberto kay Maria, pilit hinahawakan ang babaeng minamahal pero kahit sa paghawak ay pilit paring lumalayo ang babae sa kanya.

“Sumumpa ako ng walang hanggang pag-ibig kay Simeon, Roberto. Wala akong balak na talikuran yon.”

Nakita ni Richard kung paano nagbago ang reaksyon ng mukha ni Roberto. Kung kanina ay nagsusumamo ito kay Maria, ngayon naman ay nakita ni Richard ang galit at sakit sa mga mata ng lolo niya. Di napigilan ang sarili dahil sa naramdamang galit nakita ni Richard na sinakal ng lolo niya si Maria na nasa katauhan ni Maya.

“Lolo huwag!”

Tinangka ni Richard na tumayo para mamagitan pero di siya makagalaw. Parang may pumipigil kay Richard kahit na gaano pang gawing pagpupumiglas hindi niya magawang makawala. Nakita niyang pilit inaalis ng babae ang kamay ni Roberto sa kanyang leeg, unti-unti na rin itong napahiga sa sahig habang sinasakal parin siya ni lolo Roberto. Sa pagpipilit na maialis ni Roberto ang kamay nito sa kanyang leeg, di sinasadyang maputol ng babae ang kanyang suot na kwentas. Naitapon niya ito at doon bumagsak sa harap nina Richard. Ilang minuto pang dumaan hanggang sa tuluyan ng mawalan ng malay ang babae saka na nito tinigila sa pagsakal ni Roberto.

“Lolo!”

Ito lang ang tanging nasabi ni Richard habang umiiyak siya na nakatingin sa kanyang lolo at ng babaeng nalagutan na ng hininga. Sumagi sa isipan ni Richard si Maya, nang tingnan niya ang walang malay na si Maya sa kanyang kandungan natakot  siya ng makita na itong namumutla na.

“Maya! Oh God please..no! Maya wake up!”

Richard is shaking her vigorously pero di parin nagising si Maya. Nang ibalik ni Richard ang tingin sa kay Roberto ay nakita niya itong nakatulala at nang  nahimasmasan sa kanyang ginawa ay lumuhod sa nakabulagtang katawan ni Maria.

“Maria! My God! Ano ba tong nagawa ko! Maria..”

Napayakap si Richard sa wala pa ring malay na si Maya, humahagolhol ng iyak, takot na takot at di alam kung ano ang gagawin. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakita ni Richard na binuhat ni Roberto si Maria at inihiga sa may kama niya. Nang wala parin itong malay, nakita niyang lumabas ng kwarto si Roberto. Habang di bumabalik si Roberto sinubukan ni Richard na tumayo para lumapit sa katawan ni Maria pero di parin niya magawa, ilang sandali pa at bumalik si Roberto. Nagimbal si Richard ng makita ang dala nito, isang sako! Gaya ng kanyang iniisip, nakita ni Richard na pagkatapos na ibalot ni Roberto si Maria sa kanyang kumot ay ipinasok niya ito sa sako na dala.

Oh no! Lolo ano tong ginawa mo..Bakit.. Bakit..

Di na mapigilan ni Richard ang sarili, di na niya kinaya ang nalaman niya. Naninikip ang kanyang dibdib, di makahinga hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

Natagpuan ni Richard ang sarili na nasa loob na naman ng gubat. Nakita niya ang lolo nyang naghuhukay doon kahit madilim na ang paligid and in the middle of the night  ay inilibing nito ang sako kung saan niya nilagay ang katawan ni Maria. Dali-daling umalis ni Roberto pagkatapos niyang masagawa ito.

 

 

“Richard! Gising!”

When Richard open his eyes, he saw Teresita and Lizakneeling beside him.

“Ano bang nangyari sayo?”

Tanong kaagad ni Nanay Teresita sa kanya nang magkamalay na siya.

“Si Maya? Asan si Maya?”

Di na nagawang sagutin ni Richard si Nanay Teresita at agad ng hinanap si Maya. Nakita niya itong hawak ni Simon at wala paring malay.

“Maya wake up! Maya, please ..Aling Teresita we have to get Maya back…”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Sa palagay ko si Maya ngayon ay hawak ng kaluluwa ni Maria.”

Si Simon na ang nagsalita. Seryoso parin ang mukha ni Simon, at sa palagay ni Richard may alam ito sa kung bakit nangyayari ito sa kanya ngayon.

“Simon, tell me..Sino si Maria? Ano ang kinalaman mo sa kanya?

“Sa palagay ko hindi ako ang dapat mong tanungin niyan Richard.”

Pagkatapos sagutin ni Simon si Richard ay kay Nanay Teresita ito tumingin. Parang naghihintay kung ano ang sasabihin nito. Nagulat ito ng marinig ang pangalang Maria.

“Bakit mo naitanong yan Richard?”

“Kasi siya yung may hawak ngayon sa kaluluwa ni Maya. Aling Teresita..sino siya?”

“Siya ang nawawalang bunsong kapatid ng nanay ko.”

“Sino si Simeon?”

Tanong ulit ni Richard kay Nanay Teresita.

“Siya ang tatay ko.”

Sagot ni Simon kay Richard.

“Oh God!”

Nanlalambot na sambit ni Richard. Di makapaniwala si Richard sa natuklasan. Pero ang di niya maintindihan kung bakit kailangan nilang pagdaanan ito.

“Simon, sa tingin ko ikaw lang ang makakapagpaliwanag nito. May alam ka ba kung bakit nangyayari ito sa amin ngayon?”

“Tama ka, alam ko dadating ang panahon na mangyayari ito, pero di ko alam kung kailan. Nung mamatay si Tatay nung isang buwan, saka pa niya pinaliwanag sa akin kung bakit di niya maiwan ang mansyon na to at ano ang nag-uugnay sa kanya dito.”

“Pinakita sa akin kung ano ang nangyari ng gabing yon.”

“Hanggang saan ang nakita mo?”

“Hanggang sa ilibing ng lolo ko ang katawan ni Maria sa gubat.”

“Sino? Ang lolo mo?”

Nagulat ang tatlo ng marinig ang sinabi ni Richard.

“Opo ..mahirap tanggapin pero ang lolo ko ang gumawa ng krimen.”

“Alam mo ba kung saan?”

“Oo, doon kung saan nahulog si Maya nung nandoon kami sa gubat. ”

“Pinakita rin ba sa’yo kung ano ang sumunod na pangyayari?”

“Hindi na..Bakit ano bang sumunod na pangyayari”

“Hinukay ni Tatay kung saan inilibing ng lolo mo si Maria, at nagulat si tatay ng malaman na himihinga pa ito.”

“Ano?!”

“Oo..at dahil doon nagawa pa niyang sumumpa sa tatay ko na magbabalik siya.”

Labis na ikinagulat nila ang narinig mula kay Simon. Si Richard ay nag-aalala lalo pa’t hanggang sa mga oras na yon ay wala paring malay si Maya.

 

 

44 Comments (+add yours?)

  1. ghie2013
    Aug 27, 2013 @ 09:38:59

    OMG! i like the twist pero gusto ko na mabasa yung kasunod!! please please i know happy ending pa din di ba? please next chapter please…

    Reply

  2. charmtaz24
    Aug 26, 2013 @ 23:50:30

    NAKAKALURKEY!!!!! OH MY GEE!!!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: