The Willing Captive 24

“Don’t forget to listen to the song Memory  at the Soundtrip panel.  ;)  “

 

 

“Magbabalik? What do you mean magbabalik? ”

“Sabi ni tatay, pagkatapos niyang hukayin si Maria, natuklasan niyang buhay pa ito. Siguro inakala ng lolo mo na patay na siya kaya niya ito nilibing . Buti na lang nakita siya ni tatay habang patungo siya doon sa gubat kaya sinundan niya ito. Nang magka-usap sila ng ilang sandali sumumpa siya na babalik siya para maghiganti. Di niya mapapatawad ang ginawa ng lolo mo sa kanya Richard. Nangako din daw si Maria na babalik para kay tatay.”

“Naiintindihan ko kung bakit maghihiganti siya but we have nothing to do with it. Kung ano man ang nangyari noon, labas na kami ni Maya dun. ”

“Ang sabi ni tatay, meron daw isang bagay na hinanap si Maria nung nasa bingit na siya ng kamatayan. Baka kung sakaling makita yon maaring matahimik na din si Maria. Yun daw ang isang bagay na iniingatan ni Maria kasi tanda daw yon ng walang hanggang pagmamahalan nila ni tatay, gusto sana ni Maria na ihabilin ito sa kanya kaya lang nawala ito sa kanya. Inisip ni tatay baka nasa lolo mo pa yon kaya di matahimik si Maria.”

Nagulat si Nanay Teresita sa kanyang narinig mula kay Simon. Di niya lubos maisip na sa tinagal-tagal ng panahon ay alam pala ng tatay ni Simon ang tungkol sa pagkawala ni Maria. Maliit pa siya nung mangyari yon, wala pa siyang isang taon kaya wala siyang alam kung paano ito nangyari. Ang tanging alam lang niya na meron siyang tiyahin na hanggang ngayon ay di pa malinaw sa pamilya ng nanay niya kung bakit bigla na lang itong nawala.

“Simon anak, bakit di mo to sinabi sa amin? Alam mo ba matagal na panahon na naming inaalam ang dahilan kung bakit nawala na lang bigla ang tiyahin kong yon?”

“Nay pasensiya na po. Di magawa ni tatay na magsalita noon kasi pinanghawakan niya ang pangakong yon ni Maria. Mahal na mahal niya po ito, alam niyang kahibangan ang paghihintay sa pangako ng isang patay pero ginawa niya. Huli na nang maisip ni tatay na wala ng patutunguhan ang lahat, di naman niya pwedeng sabihin sa pamilya ni Maria at baka siya pa ang pagbintangan at wala na din ang lolo ni Richard dito kasi basta na lang  iniwan ang mansyon kaya nagdesisyon siyang itago na lang. Akala ni tatay tapos na, pero nung nag-asawa siya kay Nanay, di siya pinapatahimik ng mga ala-ala ni Maria. Saka na niya naintindihan na talagang dadating ang panahon na magbabalik si Maria at tutuparin niya yung sinabi niya nung gabing yon. Marahil yun ang isa sa mga dahilan kung bakit di niya maiwan ang mansyon. Iniisip ni tatay dito sila muling magkikita ni Maria. Nung nagkasakit na si tatay, saka ko lang din po nalaman. Sa tingin ko,pati ang nanay ko noon wala ring alam. Kasi buhat ng maliit pa kami ang lagi lang sinasabi ng nanay sa amin kung bakit laging nandito sa mansyon si tatay ay dahil sa siya ang katiwala ng may-ari dito. Kung tatanungin naman namin kung saan ang may-ari lagi na lang sinasabi ni nanay na nasa ibang bansa. Noong isang buwan sinabi ni tatay na matagal na daw niyang hinihintay ang pagbabalik niya, buong akala ko ang may-ari kaya tinulungan ko pa siyang maglinis dito. Pero nung araw mismo na namatay siya saka pa niya sinabi sa akin ang lahat na hindi ang may-ari ang hinihintay niya pero isang babae na ang pangalan ay Maria. Saka ko lang  din nalaman na may kaugnay sa inyo at kay Richard ang mga taong kinwento niya sa akin. Ang mas masakit pa, nakapangako na ako kay tatay na tutulungan ko silang magtagpo ulit saka ko pa nalaman ang kaugnayan ng kwento niya sa inyo.”

“Ano?”

Simon look down, on the verge of crying. Sobrang guilty ni Simon sa ginawa niya.

“Simon, yung tatay mo ba ang naglibing ng kanyang katawan?”

Tumango lang si Simon while looking at Nanay Teresita.

“Richard, ano na ang gagawin natin?”

Liza look worried too. She is pacing back and forth in the small room. Richard carried Maya to the bed and lay her down there.

“Simon, may alam ka ba kung anong bagay yon?”

“Ganito.”

Simon showed him his necklace to Richard’s astonishment. Saka pa niya naalala yung nakita niya kanina habang  sinasakal si Maria ng lolo niya may nahagis itong necklace. Di niya gaanong pinansin kasi nag-aalala siya kay Maria.

“The bracelet!”

“Bracelet?”

Richard reach for Maya’s hand and look for the bracelet that he gave her.

“This!”

Nanlaki ang mga mata nila ng makita ang bracelet ni Maya.

“Maybe this is the reason why she’s hunting us! I didn’t know na hindi pala to sa lolo ko. Nakita ko lang to sa jewelry box ni lola. Pinalinis kasi ni Mama yung kwarto ni lola, a year after her death. Manang Fe saw this at her cabinet. I thought isa to sa mga jewelries na ipamamana ni lola sa akin kasi I remember noong magco-college pa lang ako,sabi niya may ibibigay siyang isang mahalagang jewelry na ibibigay ko saw sa magiging future wife ko. Kaya pala when I found this putol siya. Pina-ayos ko lang sa shop and ginawang bracelet. Akala ko kasi bracelet siya na naputol kasi maikli lang siya. Naalala ko yung nakita ko kanina, maybe kaya to nagkaputol-putol dahil sinasakal ni lolo si Maria that time…and that dream! Bakit di ko naalala to kanina, she was so angry nung tinanong ko kung bakit nasa kanya ang bracelet ni Maya. Sabi niya kanya daw yon. How stupid of me!”

Simon took off the bracelet and his father’s necklace.

“What are you doing?”

Richard ask Simon when he saw him doing it.

“Samahan ‘nyo ako. Kailangan natin tong isauli sa may-ari. ”

Iniabot ni Simon kay Richard ang bracelet at necklace, nilagay naman ni Richard ang dalawa sa kanyang bulsa.

“How?”

“Sumunod lang kayo sa akin.”

Dali-dali silang bumaba ng mansyon. Dala ni Richard si Maya habang nakasunod naman sila kay Simon who is leading the way to his father’s grave.

“Nak, bakit dito tayo dadaan?”

“Kailangan pa nating pumunta ng gubat. May dadaanan tayo.”

“Bakit? Kailangan na nating isauli na yong kwentas, malapit ng gumabi Simon. Kailangan na nating magmadali. Bakit pa tayo pupunta ng gubat?”

“Huwag ka ng maraming tanong. Dalian ‘nyo na lang diyan. Kailangan nating kunin si Maria.”

Habang naglalakad, salitan sa pagbuhat kay Maya sina Richard at Simon. Buti na lang at alam ni Simon ang pasikot-sikot ng gubat at di sila humihinto sa paglalakad kaya madali lang nilang natagpuan ang kubo ni Simon.

“Dito?”

“Sa may likod ng bahay.”

Umikot sila Richard at natagpuan nila ang isang malaking bato sa likod ng bahay ni Simon.

“Natiis mong mamuhay dito nak na may nakalibing diyan sa bakuran mo?”

“Di ko naman kasi alam Nanay Teresita, kaya pala mahigpit ang paalala ni tatay na di gagalawin ang malaking bato na yan kasi palatandaan pala yan kung saan niya nilibing si Maria. Kaya pala kahit anong pilit ni nanay noon na umalis kami dito ayaw niyang pumayag.”

“So ano ng gagawin natin Simon?”

“Huhukayin natin to.”

“What? Mas lalo tayong magtatagal!”

Naiiritang sagot ni Richard.

“Kailangan nating gawin ito. Dadalhin natin ang mga labi ni Maria dun sa sementeryo at ihimlay siya sa tabi ni tatay, baka sakaling yon lang ang paraan na maputol ang sumpa. Nangako siyang magbabalik siya di ba? Pero wala na si tatay, ngayon nagpupumilit siyang pumasok sa katauhan ni Maya. Richard, nangako silang dalawa ng walang katapusang pagmamahalan, pero pareho na silang wala. Ngayon na bumabalik si Maria sa pamamagitan ni Maya paano kung babalik din si tatay? Nangako ako Chard na tutulungan ko si tatay na magtagpo sila…kahit may gusto ako kay Maya di ako papayag na ganito ang mangyari, babalik lang ang lahat ng nangyari noon!”

Nagulat silang lahat ng marinig yon kay Simon, nagkatinginan sina Liza at Nanay Teresita. Deep inside may konting kaba din si Richard. Napansin niya kung gaano kalapit ang loob ni Maya at Simon nung na-stranded sila sa kubo ni Simon, at inaamin naman niyang kinabahan siya dun. Isa sa mga dahilan kung bakit hiningi niya kay Liza na dalhin nila si Maya sa Manila kahit wala pa siyang idea kung ano ang gagawin ni Maya noon sa Manila. Noon pa, di niya maintindihan kung bakit ayaw niyang makita na magkalapit sina Maya at Simon.

“Ano na? Magtitigan na lang tayo dito?”

“Liza .. Aling Teresita, kami na lang ni Simon dito..Paki-hawak na lang kay Maya.”

“Sige akin na!”

Sitting on a wooden bench nearby, Richard lay Maya on her mother’s lap then he help Simon. Medo malalim na ang nagawang hukay nina Simon at Richard bago nila natagpuan ang buto ni Maria. Balot pa din ito ng puting kumot, gaya nung panno ipinakita kay Richard ang mga pangyayari sa mansyon.

“Tara na, dalian na natin. ”

Si Simon na ang nagdala ng labi ni Maria while si Richard na ang nagbuhat kay Maya. Nagmamadali na silang umalis para pumunta sa sementeryo. Madilim na ang paligid ng makalabas sila ng gubat kaya sa liwanag ng buwan lang sila nakadepende. Naging mahirap sa kanila ang paglalakbay na yon pero ni isa sa kanila ay walang nagreklamo. Ang tanging gusto nila ay matapos na ito at magkamalay na si Maya. Pagdating nila sa sementeryo, dinala silang lahat ni Simon sa liblib na bahagi nito kung saan nakahimlay ang katawan ng kanyang tatay. Nagdasal muna silang lahat bago nagsimulang  maghukay ulit sina Richard at Simon para itabi si Maria sa tatay ni Simon. Habang sinisira nina Simon at Richard ang semento ng libingan ng tatay ni Simon umihip ang isang malakas na hangin, nagulat silang lahat ng biglang nabitawan ni Nanay Teresita si Maya at bigla itong lumutang sa hangin.

“Maya!!”

Sabay-sabay nilang sigaw habang pilit inaabot ni Simon at Richard ang walang malay na si Maya na nakalutang sa ibabaw ng puntod ni Simeon. Umiiyak na ang dalawang babae sa takot at pag-aalala kaya naisip ni Simon na kausapin ang kaluluwa ni Maria.

“Maria..alam kong nasa paligid ka lang…nakiki-usap kami. Ibalik mo na sa amin si Maya. Wala siyang kinalaman sa nangyari sa’yo noon.”

“Maria… kung gusto mong maghiganti, sa akin na lang..huwag mong idamay si Maya. Please nakikiusap ako. Ako na lang, please!”

“Richard! Huwag mong sabihin yan.”

“Kung yan lang ang paraan para tumahimik siya, i’m willing to sacrifice my life in exchange of Maya Simon!”

“May paraan pa..makiusap tayo. Di mo ba naisip si Maya? Paano kung sa pagbalik niya ikaw naman ang wala?”

Muling umihip ang isang malakas at malamig na hangin at nakita nilang umiiyak si Maya. Alam nilang hindi na si Maya yon kasi iba ang boses. Naalala ni Richard ang boses ni Maria kaya dali-dali siyang lumuhod, just beneath Maya.

“Maria please…patawarin mo na si lolo. ”

“Patawad? Alam mo ba kung ano ang ginawa niya sa akin? Sa amin ni Simeon? ”

Galit na galit ang boses ni Maria. Nakita nila na nanlilisik ang mata ni Maya habang nakatingin kay Richard.

“Maria, alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan ni lolo..alam ko din na pinagsisihan niya yon. Nakita ko pagkatapos ka niyang mapatay nagsisi siya, Maria..mahal na mahal ka ng lolo ko.”

“Simula pa lang alam niyang wala akong pagtingin sa kanya. Dahil sa ginawa niya di ko na natupad ang pangako ko kay Simeon!”

“Maria, mahal ko, pabayaan mo na sila…”

Nagulat silang lahat ng magsalita si Simon na nasa likod lang ni Richard. Dahil sa takot tili na ng tili sina Liza at Nanay Teresita, lalo pa ng makitang lumapit na si Maria kay Simon. Di nila inasahan ang pag-sapi ng tatay ni Simon sa katawan nito.

“Simeon, mahal ko!”

Nakita nilang tatlo ang pagyakap ni Maya kay Simon, na parehong nasapian na ng kaluluwa nina Maria at Simeon.

“Maria.. ..matagal na panahon kitang inantay.”

Habang nangyayari ang lahat ng to. Naisip ni Richard na itabi ang labi ni Maria sa labi ng tatay ni Simon. Nakita ito ni Maria kaya galit na galit siya nitong hinarap. Nagulat si Richard nang bigla itong sumulpot sa kanya ng harapan. Nagtitili ulit sina Nanay Teresita at Liza habang tinatakpan ang kanilang mga mata.

“Maria…hayaan na natin sila..nakikiusap ako sa’yo. Matagal na ang panahong nakalipas. Walang kinalaman ang mga bata sa mga nangyari sa atin noon. ”

“Hindi!”

Umihip ulit ang malakas na hangin kaya natumba si Richard.

“Liza, magdasal tayo…tulungan natin sina Richard.”

Nagdasal si Nanay Teresita at Liza habang si Richard naman ay sinisikap upang huwag siyang matangay ng hangin na hangin, Naalala ni Richard ang bracelet at necklace kaya inilabas niya ito at binigay kay Simon.

“Mang Simeon! Humihingi din ako ng tawad, sa ngalan ng lolo ko. Gusto kong isauli ito sa’yo.”

Iniabot ni Richard ang necklace kay Simeon. Nang makita ang kwentas ay sinuot niya ito at ibinaling ang atensyon kay Maria.

“Maria…hinintay kita pero huli na ng bumalik ka. Di na ito ang panahon na bigyang katuparan ang pag-iibigan natin. Nakikiusap ako sa’yo, pabayaan na natin sila. Wala silang kinalaman sa kung ano man ang nangyari noon.”

“Bakit pa? Eto na Simeon, pwede na nating ituloy to..andito na tayo?”

“Nakikiusap ako Aling Maria..Mang Simeon…ibalik nyo na ang katawan ni Maya at Simon. Please..”

Umiiyak na pagsusumamo ni Richard sa kanila.

“Tumahimik ka!”

Lalo tuloy nagalit si Maria kay Richard, muntik na siyang saktan nito buti na lang pinigilan siya ni Simeon.

“Huwag! Tama na..pabayaan na natin sila. . patawarin mo na si Roberto. Hindi tamang sa mga bata mo ibuntong ang galit mo. Di na ito ang panahon para sa atin mahal ko..tama na..”

“Aling Maria, ibinabalik ko na sa inyo ang bagay na pinaka-iingatan mo. ”

Isinuot ni Simeon kay Maria ang bracelet. Nakita ni Richard na tumulo ang luha nito at ngumiti. Niyakap siya ni Simeon ng mahigpit. Palakas ng palakas ang dasal na ginagawa ni Nanay Teresita. Nakapikit ang mga mata nila ni Liza upang di makita ang nangyayari at di sila matakot. Naramdaman na naman nila ang malakas na hangin sa paligid kaya mas hinigpitan pa nila ang kapit sa kanilang kamay at napaluhod na. Habang patuloy parin sa kanilang dasal si Richard ay naki-isa na rin sa pagdadasal, hanggang sa naramdaman nilang unti-unting humuhupa ang paligid.

“Maya! Simon!”

Isang iyak na naman ang narinig nilang tatlo. Iyak ni Maya, naghihinagpis..malungkot..

30 Comments (+add yours?)

  1. jochardmagic
    Feb 11, 2016 @ 22:10:22

    Unexpected twist…. creepy! Sorry Ms.Con pov ko lang nman, yung momentum naputol. Hinde sya bagay.✌✌✌✌

    Reply

  2. onyangf88
    Sep 08, 2015 @ 15:25:42

    Can I have your password in chapter 25 pls.

    Reply

  3. catez
    Aug 28, 2013 @ 07:21:39

    hala mama minion ano to tindig balahibo ko buti na lang ngayon umaga ko binasa grabe ………. mala chito rono o peque gallaga ang story ………. naku wag naman sana mapunta si maya kay simon please…….. maraming minions ang magwawala ………. naku sana di bumalik sa isip ko ito mamayang gabi kung hindi hinakupo mukhang zombie ako bukas (ha ha ha ha)………. thanks mama minion.

    Reply

  4. Airam
    Aug 28, 2013 @ 05:19:55

    Miss writer, I just read this now and its currently 12 midnight in our place and im all alone in our room! ano ba yan, natakot tuloy ako…huhuhu😦

    But nevertheless, nice story..wait ko na lang ung next chapetr! Thanks…

    Reply

    • nylcoen
      Aug 28, 2013 @ 13:42:34

      Pag di ka parin makatulog, effective ang gatas sabi ni Maya or try to virtually count sheep, pag di parin…try mong mag-count ng stars hehe..Thanks for dropping by.

      Reply

  5. nanette
    Aug 28, 2013 @ 00:38:20

    all lights on!! .
    where i am now, i need to go down to shower eh 12:30 am na – di ba sabi nila oras ito ng mga tagaibang mundo!
    napatingin din ako sa calendar kung full moon today, buti na lang walang moon kasi umuulan dito….
    hay naku con, ano ba ang sumapi sa iyo at mumu na ang naging plot ng story mo…
    parang malayo pa naman ang Halloween…
    hala, bukas ulit….

    Reply

  6. Alpha
    Aug 27, 2013 @ 23:37:31

    Ang katuparan ng paglabas ng mga kaluluwa ngayong gabi…Salamat sa update mother Con. Hala, bakit po malungkot at naghihinagpis pa rin ang iyak ni Maya? Sana it’s not because na-realized nya na mas matimbang si Simon….waaahhh mother, si MayaRichard na lang please…sila na lang… btw, dko napakinggan ang soundtrip, huminto bigla eh, pero dati napakinggan ko na yun.

    Reply

  7. chobangs
    Aug 27, 2013 @ 23:34:58

    Reblogged this on random thoughts….

    Reply

  8. chobangs
    Aug 27, 2013 @ 23:32:37

    Whoah! Intense!

    first comment: ang STRONG nilang dalawa!nagawa nilang buhatin back in forth??

    for sure, pagkatapos ng lahat ng ito, bakasyon ang hahanapin ng lahat ng tao!

    ibang level na talaga ang fanfiction na ito! walang katulad!

    Aling Maria, ibalik mo na si Maya! Hindi siya para kay Simon!Parang awa mo na… T T

    Reply

  9. merlion of singapore
    Aug 27, 2013 @ 23:31:47

    Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Lahat ng balahibo ko s katawan nagsitayuan. Ayan tuloy hindi ako makatulog ng walang ilaw! What happen next?

    Reply

  10. Crunch
    Aug 27, 2013 @ 23:31:14

    Ms. Con! Sumasabay ako sa bilis noon! haha… Ang bilis kong magbasa! Exciting eh! Naisip ko.. Sumapi ung kaluluwa nila kay Maya at Simon. Diba magkasintahan si Maria at Simeon tapos syempre ok na sila.. akala ko may kiss sila ni Maya at Simon.. hahah akala ko tuloy mauunahan pa ni Simon si Richard na maka-first kiss kay Maya.. hahahah… Ang imagination ko.. haha Thanks po dito! Ang ganda! Next one please..🙂

    Reply

  11. misschuchy
    Aug 27, 2013 @ 23:29:12

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  12. krishnaeblacas
    Aug 27, 2013 @ 23:14:07

    Oh my gee Mama minion!!! Nakakatakot naman…

    Reply

  13. thids09
    Aug 27, 2013 @ 23:11:39

    Jesus…2mtau ang mga blahibo k..kng klan m22log n ska kp e2 nbsa..ppno p aq mkk2log ne2 my God…bkt nging horror ang peg..

    Reply

  14. Jen
    Aug 27, 2013 @ 23:09:39

    Nakakagimbal ang mga pangyayari! 😱

    Reply

  15. purplephoenix
    Aug 27, 2013 @ 23:05:02

    Con natuto akong magbasa ng mabilisan. hahha! nag uunahan ang bibig at kaba ko. hahaha

    Reply

  16. ladyflor
    Aug 27, 2013 @ 23:02:34

    waaaaahhhhhh…. nakakatakot ang kwento… grabe, 11:05pm pa naman. pero ang ganda ng story. next chapter po agad. be inspired always. p.s. mala-conjuring lang ang peg. hehehehe two thumbs up!

    Reply

  17. marvs
    Aug 27, 2013 @ 22:59:28

    WOW horor ang theme ng TWC…hehehe

    Reply

  18. hanah6181
    Aug 27, 2013 @ 22:53:58

    Hindi ko alam ang tamang words to describe my reaction sa chapter na ‘to… Maganda, interesting… may fear din akong naramdaman. ang galing – galing. I’m looking forward to the continuation

    Reply

  19. mschuchy
    Aug 27, 2013 @ 22:49:45

    time check: 10:52 pm showing na ang #twc 24

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: