In My Heart 1

Nagmamadaling umakyat sa makipot na hagdan ng boarding house nila si Maya . Di niya palalagpasin ang huling episode ng kiligseryeng sinubaybayan niyan sa loob ng isang taon. Buti na lang at natapos na din niya ang lahat ng midterm exam niya kaya libre siyang manood ngayong tanghali. Nasa may receiving area na nang makasalubong niya ang kanyang roommate na si Doris.

“Dorisss!!! Start na?”

Humihingal pa si Maya habang nakahawak sa kamay ni Doris para pigilan ito sa paglalakad.

“Wala pa pero lumabas na ang teaser kaya malapit na yan..eto nga oh, nagmamadali na akong kumuha ng pagkain sa kusina para ready na kami pagnagsimula na!!”

“Talaga! Yes! Umabot pa ako…sige, damihan mo ha, isama mo na rin yung sa akin ha, please?”

“Oh sige sige!”

Naghiwalay na silang dalawa, si Maya papuntang receiving area habang si Doris naman ay papuntang kusina. Di na nagawang magbihis ni Maya sa kagustuhang makakita ng magandang pwesto sa harap ng tv. Umupo siya sa tabi ni Sabel, ka-roommate din nila ni Doris. Good for three occupants kasi ang bawat kwarto nila sa boarding house, sa kwarto ni  Maya ay magkasalo silang tatlo ni Doris at Sabel. Pareho silang sa San Nicholas Institute of Technology pumapasok pero magkaiba nga lang ng kurso. Si Doris ay kumukuha ng kursong Business Management, HRM naman kay Sabel, habang Accountancy naman ang kay Maya.

“Hi roomie! Kumain ka na?”

“Di pa, nagpapakuha nga ako kay Doris.Ikaw?”

“Eh, nagpapakuha din ako kay Doris .”

“hehehe si Doris na ang dakilang yaya natin! ”

Nagtawanan sina Sabel at Maya sakto namang pabalik na si Doris na may dalang tray kaya narinig silang dalawa.

“Hoy kayo ah! Kala ‘nyo nakaisa kayo?! May bayad to! ”

“Oo sige na, babayaran ka namin..tig-iisang pitik sa ilong mo para tatangos pa lalo yan!”

Nagkukulitan pa sina Doris at Sabel hanggang sa nakita na nila ang pagsisimula ng kanilang inaabangang kiligserye. Tumahimik na ang tatlo at tutok na tutok sa tv. Nang lumabas na ang lead actor sa screen.

“Aaahhhhhh SSSeeerrrr CCChhhhiiiieeefffff!!! ”

Sabay-sabay nilang sigaw. Sa loob ng 30 minutes ay magkasabay silang kinilig, sumigaw, tumawa, at umiyak sa huling episode na kanilang kinababaliwan. Habang nanonood ay kumakain din sila ng lunch at pagkatapos nilang manood ay balik eskwela na naman sila.

Nage-emote na silang tatlo pagkatapos mamaalam ng mga cast ng pinapanood. Maypa-iyak iyak pa silang tatlo kaya nang matauhan sa pinag-gagawa nila ay nagtawanan na lang ulit sila.

“Grabe sana makahanap ako ng Ser Chief ng buhay ko noh? Yung tipong gwapo, masungit pero pag nakilala na niya ako ay babait at magiging sweet na. Tapos liligawan niya ako..magpapakasal kami..tapos we will live happily ever afterrrr weeee!!!”

Sigaw ni Sabel habang tinataas-taas pa ang kamay niya ala-titanic.

“Hoy Sabel! Alam mo ba kung ano ang tawag sa Ser Chief mong yan? Panaginip! Hala sige, managinip ka pa! Go on!”

Saway kaagad ni Doris sa kaibigan. Pangiti-ngiti lang si Maya, deep inside kasi, yon din ang wish niya ang makatagpo ng isang lalaking mala-Ser Chief din ang katangian. Promise niya sa sarili pag mahanap na niya yon, mamahalin niya ito ng bonggang-bongga. Magpapaganda siya, tapos di na siya kakain ng marami para di na siya tataba pa at magiging sexy, at lalong-lalo na, magiging mabuti siyang girlfriend o asawa ng Ser Chief ng buhay niya.

“Ito naman oh! Panira ng moment..Hmmpp! Nakakainis ka talaga ! Maligpit ko na nga to at babalik na ako sa school.”

“Ay oo nga pala, kailangan na nating magmadali…”

“Ay sige umalis na kayo. Ako na niyan at wala na naman akong pasok kasi tapos ko na ang midterm exams ko. Iwan ‘nyo na lang diyan at ako na ang magliligpit. Pumasok na kayo.”

“Ay ang bait ni Maya ngayon! Thank you roomie!! !”

“Walang anuman roomie ! And F-Y-I matagal na akong mabait, aminin!!”

Sagot naman ni Maya habang winagayway ang daliri sa harap ni Sabel.

“Sige na gurls pasok muna ako sa kwarto para makapaghanda na..”

Paalam ni Sabel, nagmamadaling pumasok sa kwarto nila

“Teka, teka..mamaya ha yung usapan natin. Walang magba-backout or else alam ‘nyo na nag consequence, siya ang maglalaba ng mga damit natin hanggang matapos ang semester!”

Nagkasundo silang tatlo na pagkatapos ng midterm exams nila ay gigimik sila sa isang bar na nasa malapit lang sa boarding house nila . At dahil ngayon ang last day of exam at nagkataon pang Friday naman kaya nakalaan ang gabi nila mamaya sa gimik na yan. Pang-reward nila sa sarili nila.

“Mamaya na ba yon?”

“Ay Day! Huwag mong sabihing..hmmmm!”

Napabalik si Sabel at nilapitan si Maya habang iwinagayway ang kanyang daliri sa harap ni Maya.

“Uyy hindi ah! Para nagtanong lang ako kung mamaya na ba yon. Porke ba nagtanong ako, backout na agad? Di ba pwedeng kinukumpirma ko lang kung mamaya na ba talaga?”

“Hmmm palusot dot com..Oo mamaya na yon! Kaya kung may plano kang magbackout eh di sabihin mo na ng maaga para di kami maghintay sa’yo ng ilang oras tapos iindyanin mo na naman pala kami! Sinasabi ko sa’yo! Trip kong magpalit ng outfit ko oras-oras simula bukas! Tingnan natin kung di ka susuko sa dami ng lalabhan mo!”

Pananakot ni Doris kay Maya habang pakendeng-kendeng pang naglakad papasok ng kwarto nila.

“Uyy sobra naman kayo ha..Oo na, mamaya sasama ako, pramis!”

Naghagikhikan na lang sina Doris at Sabel sa loob ng kwarto nang marinig ang sagot ni Maya. Aside sa gusto nila talagang gumimik at nakaka-stress lately sa school, gusto din nilang lumabas si Maya sa boarding house.  Kung wala kasi sa school si Maya, expect to find her in their room or vice versa. Kung di naman ito nag-aaral, nagbabasa ng novel while eating kaya tumataba. Lagi nga nilang sinasabing dalawa, sayang ang kagandahan ni Maya nabuburo lang sa kanilang boarding house. Kaya ngayong gabi, pangako nina Doris at Sabel na ililihis nila konti ang daan ni Maya.Konti lang naman..

Gaya ng napagkasunduan, pag-uwi nina Doris at Sabel agad silang naghanda para sa pagpunta nila ng bar . Pahirapan pa ang pagbibihis nila nang sabihin nila kay Maya na kailangan nilang magbihis ng maganda at magmake-up.

“Sabel naman eh! Okay na ako sa make-up huwag naman ang damit na to! Di kaba naaawa sa damit mo? Konti na lang o sasabog na ata sa sobrang sikip nito. Pwede namang mag jeans at blouse na lang di ba?”

“Ay Maya! Dapat pagpunta natin dun mukha tayong mga sosyal!  Alam mo naman di ba, kung sinong may pera wagas sila kung mag-entertain. Basta may datung at sa tingin nila di tatakbuhan ang orders nila give lang sila ng give..kaya sige na please..suotin mo na. Huwag ka mag-alala pwede kang mag blazer niyan para di makita ang malaman mong braso.”

“Gaga ka ! Nanlait ka pa talaga ha!”

Pagkaraan ng ilang oras na pilitan, napapayag na nila si Maya na isuot ang dress ni Sabel. Kahit sikip na sikip si Maya sa kanyang sinusuot wala narin siyang nagawa, ayaw naman niya magback-out sa usapan at wala siyang planong maglaba ng sangkatutak na damit ng ilang buwan kaya tiniis na lang niya. Buti na lang pumayag ang dalawa na magsuot siya ng blazer kundi magmumukha siyang suman sa suot niyang tube na dress ni Sabel.

Pagpasok ng bar, agad silang  naghanap ng bakanteng mesa at umupo na. Umorder sila ng drinks at pulutan.

“Hoy Sabel, sigurado ka bang kaya nating magbayad mamaya? ”

Nagtanong kaagad si Doris kay Sabel matapos umalis ng waiter.

“Oo huwag kang mag-alala kaya natin bayaran yon. Isang bucket ng beer lang naman yon tsaka mura lang din yung pagkain na inorder ko.”

“Pramis?”

“Oo Maya, ito naman oh! Minsan lang naman tayo nagkakatuwaan. At saka hoy, wala akong inorder na juice. Yung beer na inorder ko sa ating tatlo yon!”

“Ano?! Sabel alam mo namang di ako umiinom di ba?”

“Well, hindi ngayon! Tonight is the night that we will have a good time. ”

Pakindat-kindat pa si Sabel kay Maya habang sinasabi niya ito. Kinakabahan na si Maya nang makita ang makahulugang ngiti ng dalawang kaibigan. Alam niyang may plano ang dalawa kaya di siya mapakali. Pagdating ng order nila, ang beer kaagad ang dinampot nina Sabel at Doris habang si Maya naman ang Spicy Chicken Wings agad ang nilantakan. Dahil sa ayaw niyang uminom, iniwasan niya ang beer. Matapos ang ilang subo ng manok na kinakain, masyado ng maanghang kay Maya kaya di napigilan ang sarili at uminom beer.

“Ayan! Alam ko kasing ang pulutan lang ang uupakan mo kaya pinili ko talaga ang maanghang para makainom ka ng beer! Hehehe”

“Sabel, tubig naman oh!”

“Hep hep hep! Bawal ang tubig dito nakakahiya kung yun ang orderin mo.”

Sinadya talaga ni Sabel na sabihin yon para di na magpumilit si Maya at mapilitan itong uminom kahit isang bote lang.

Sa paglipas ng oras, enjoy na enjoy sa kakasayaw sina Doris at Sabel sa kakasayaw kasama ang mga bagong kakilalang lalaki sa dance floor at iniwan si Maya sa mesa nila. Di nila inasahan na sa pagbalik nila ay nalasing na ang kaibigan at nakatulog na sa mesa. Ang isang boteng inakala nilang iinumin ni Maya ay naging tatlo na at dahil sa di naman ito umiinom, tinamaan na si Maya sa sipa ng kabayo.

“Maya? Okay ka lang?”

Nag-aalalang tanong ni Doris habang pilit itong ginigising, pero lumipas na ang ilang minuto di parin nila magising ito. Nakapaligid sa kanilang mesa ang mga lalaking nakasayaw nila, sina Fred at Ryan,  at nag-aalala na din sila  kay Maya.

“Hala! Eh paano kayo uuwi niyan? May dala kayong sasakyan?”

“Wala nga eh..maglalakad lang kami pauwi kasi malapit lang naman dito ang boarding house namin.”

“Ganun ba? Pero kakayanin ‘nyo ba siyang alalayan? Di sa pang-aano ha pero kasi…parang, parang lang naman… mabigat siya.”

Gustong matawa ni Doris at Sabel sa sinabi ni Ryan, ang kasayaw ni Sabel kanina, pero pinipigilan lang nila ang sarili.

“Ahhh ganito na lang..kasi pumunta kami dito with a friend, siya yung may kotse. We will try to ask him kung pwedeng samahan kayo at ihatid tutal malapit lang naman kayo dito di ba?”

“Salamat Ryan ha. Pasensiya na kayo talaga. Magpapakapal na kami ng mukha, di na namin hihindian yan.”

“Sige puntahan ko muna.”

Umalis sandali si Ryan at bumalik sa table nila kung saan naroon ang kasama nilang lalaki. Naka-akbay pa ang lalaki sa seksing babaeng kasama nito at sweet na sweet habang nag-uusap. Nakita nila itong parang umaayaw kay Ryan kaya kinabahan sila.

“Naku Fred, parang di ata papayag ang kasama ninyo.”

“Hindi …papayag yan, it would take a little while to convince him pero knowing Ryan’s convincing power alam ko papayag na yan!”

Paninigurado ni Fred kay Doris. Just like what Fred said, pagkaraan ng ilang minuto ay kasama na ni Ryan ang lalaki.

“Okay girls, this is Richard..Chard, meet our new friends Sabel at Doris and that one over the table is Maya.”

“Hello Richard!”

Magkasabay na bati ni Doris at Sabel kay Richard na nakangiti. Di maalis-alis ang titig at ngiti ng dalawa kay Richard at name-mesmirize sa kagwapohan ng kaharap nila. Maya-maya pa ay magkatulong sina Ryan at Fred kay Maya habang inalalayan  nila ito palabas ng bar, nagbayad na din si Sabel ng bill nila bago lumabas. Matapos maisakay sa loob ng sasakyan ni Richard ay agad na silang umalis doon.

“Richard salamat at pumayag ka ha. Pasensiya talaga sa istorbo. Ito kasing babaeng to, di naman umiinom akalain mong tatlong bote kaagad ang nilagok, siraulo talaga!”

Dahil sa nahihiya sa pang-aabala, naisipan ni Doris magpaliwanag kay Richard. Nasa likod nakaupo silang tatlo para maalalayan nila si Maya sa pag-upo.

“You mean first time niyang uminom?”

“Oo, di naman namin inakala na uubusin niya yung natira dun sa bucket. Siguro nainip kakahintay samin kaya ayun, naubos niya.”

“Sa susunod bantayan ninyo at nang di na ulit mangyari to. ”

Tumahimik na lang si Doris at Sabel, napahiya sa sinabi ni Richard. Naramdaman kasi nilang parang nairita si Richard dahil napasubo siya sa paghahatid sa kanila. Maya-maya pa ay tinuro ni Doris kung saan ang daan boarding house nila kaya huminto ito sa harap ng tinutuluyan nila. At dahil naaawa naman si Richard na basta na lang niya silang iiwan. Nagkusa  na  lang siyang tulungan ang dalawa para mapasok si Maya sa loob. Binuhat niya ito para mas madali silang maka-akyat sa hagdan . Nauna siya habang ang dalawa naman ang nabibigay ng instruction sa kanya kung saan siya tutungo. Binuksan ni Doris ang pinto ng kwarto.

“Pasensiya kana Richard ha, di agad umiilaw tong kwarto namin may deperensiya kasi ang koneksyon sa  taas , Patay-sindi muna bago tuluyang lumiwanag. Paki-lagay na lang kay Maya diyan sa kama at kukuha muna kami ng tubig at towel para mapunasan namin siya.”

Nagpunta na ng kusina sina Doris at Sabel. Pinahiga naman ni Richard si Maya ng dahan-dahan sa isa sa mga kama sa loob pero nawili ata si Maya sa kakayakap ng leeg niya at di agad bumitaw. Habang inaalis ni Richard ang kamay ni Maya ay siya namang pagbukas ng ilaw. Minulat sandali ni Maya ang mga mata niya at tumitig kay Richard sabay ngiti.

“Ser Chief ikaw na ba yan?! mmwwahhh!”

Nagulat si Richard nang bigla siyang hatakin ni Maya at halikan sa labi. Tumawa pa ito at namumungay ang mata, akma siyang hahatakin nanaman ulit buti na lang at nakailag na siya.

“Si Ser Chief oh pakipot pa!”

Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan ni Maya kaya di maiwasang mairita ni Richard.

28 Comments (+add yours?)

  1. Jan
    Sep 17, 2013 @ 00:52:27

    This is interesting… Nkaka turn off ka maya.. Haha.. Tingnan natin how richard will end up with her in this new twist.. Galing!..

    Reply

  2. Alpha
    Sep 03, 2013 @ 19:59:50

    Ms. Con, do we have chapter 2 po?

    Reply

  3. ladyflor
    Sep 03, 2013 @ 18:04:50

    next chapter pleaseeeee…. hehehehe… excited to read it na.🙂 waiting mode.

    Reply

  4. ghie2013
    Sep 03, 2013 @ 17:03:13

    hahaha kalokah! exciting ito ah🙂

    Reply

  5. nanette
    Sep 03, 2013 @ 01:49:41

    welcome back con, glad to see that your site is busy once again :))
    ano ang aking say…. ano, ano… next one please….
    excited na to see how their lives will intertwine……
    thankie for the new series🙂

    Reply

  6. mschuchy
    Sep 03, 2013 @ 00:41:34

    si maya talaga ang unang humalik kay richard?!? that’s so out of her character…pero, mas feel ko ito kaysa sa previous ff, twc, sana nga lang walang lalabas na ghost dito…
    at puro good vibes lang, may kaunting conflicts, pero, i think, mas mahaba ito sa twc.🙂

    but just the same, thankee, momma minion! muuuuwwwwwaaaaahhhhh.

    hahaha…🙂

    Reply

  7. misschuchy
    Sep 02, 2013 @ 22:26:53

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  8. Eden delacruz
    Sep 02, 2013 @ 22:16:22

    Naku new twist ha…can’t wait for the next chapter

    Reply

  9. gianni
    Sep 02, 2013 @ 18:57:13

    hahaha..interesting story. i can’t wait for the next chapter. thanks!

    Reply

  10. aries
    Sep 02, 2013 @ 18:12:48

    Naks! Bagong kwento ulit… Salamat sa pagmamamahal mo sa amin Ms. Con!

    Reply

  11. christine24m
    Sep 02, 2013 @ 17:32:39

    Hands down po ako sa inyo Miss Con! Parang hindi po kayo nauubusan ng ideas pag fanfic eh. Haha. May susubaybayan na naman akoooo :))

    Reply

    • catez
      Sep 02, 2013 @ 18:10:48

      ang galing bago na naman ano kayang twist ang gagawin mo mama minion……infairness talagang kasali sa series na ito ang pagiging adik natin mga minions sa no.1 daytime teleseryeng BCWMH……hanggang ilang chapters kaya ito aabutin ……thanks mama minion.

      Reply

  12. LovelyPink ♥♥♥
    Sep 02, 2013 @ 17:29:33

    yey! I know you’re up to something…got a new series to follow =)

    Reply

  13. Crunch
    Sep 02, 2013 @ 17:20:23

    May bago na namn akong aabangan! Ano na naman kaya ang twist na gagawin mo po dito Miss Con? Siguro namn po wala nang Kutong-Lupa ang susulpot dito.. heheh😀

    Reply

  14. Alpha
    Sep 02, 2013 @ 17:19:03

    Waaaahhhh! Mother isang pasabog na nman ito. LOL ang kwento. Teka gaano ba kahebigat si Maya dito? Any look-a-like? Prang masarap i-visualize eh. Haha! Panghapontastic ulit.

    Reply

  15. purplephoenix
    Sep 02, 2013 @ 17:02:23

    and Mother Minion is back… dyaran….

    ano kaya ang susulpot dito??? siguro walang multo dito Con. heheheh!

    Reply

  16. Jen
    Sep 02, 2013 @ 17:00:03

    Yes! May bago na naman akong susubaybayan! Thank you Miss Con! 😊👏

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: