In My Heart 2

“What the ..”

Richard scream! Nagulat sina Sabel at Doris nang marinig ang sigaw ni Richard at tawa ni Maya, nagmamadali silang nagbalik sa kwarto dala ang isang palanggana na may lamang tubig at towel.

“Roomie! Ano bang ginawa mo!! ”

Doris attended to her friend habang panay naman ang paghingi ng tawad ni Sabel kay Richard.

“Richard..sorry talaga! First time niya kasing malasing kaya ayan..sorry talaga!”

Panay ang tawa ni Maya na tinuturo pa si Richard.

“Ser Chief hahahaha”

“Sino yang Ser Chief na sinasabi niya? Boyfriend niya? Kanina pa yang Ser Chief ng Ser Chief tapos  hahalikan na naman ako!”

Naiiritang kwento ni Richard kay Sabel. Nang marinig ng dalawa si Richard, di nila maiwasang tumawa.

“Ser Chief? hehehe.. Ito talagang si Maya oh! Pati sa kalasingan si Ser Chief parin ang iniisip!”

Doris is shaking her head while looking at Maya, naka-upo ito sa gilid ng kama panay ang punas niya kay Maya na nakatulog na.

“Anyway..I’ll go ahead. Kayo na bahala diyan. ”

“Salamat ulit. Sorry talaga sa abala Chard..Sige, good night. Ingat sa pag-drive pabalik sa bar.”

Richard nod at Sabel and Doris, give a quick glance to Maya then leave. As soon as Sabel closes the door, hagalpak sa kakatawa sin Doris at Sabel. After attending to Maya, nagpalit na din sina Doris at Sabel at maya-maya ay nakatulog na.

Kinabukasan, nagising si Maya na masakit ang ulo. Hawak ang kanyang ulo, dahan-dahang bumangon si Maya at sumandal sa dingding.

“Doris gising na si Ruth! !”

Narinig ni Maya si Sabel at Doris na nagtawanan..nasa paanan ng kama niya ang dalawa, may dalang mug ng kape, umiiling-iling habang tinititigan siya.

“Baliw ka talaga Sabel..anong Ruth? Tapos na si Ruth.”

Ganting biro ni Maya habang pinipisil-pisil ang kanyang noo.

“Ay tapos na ba? Kala ko may book 2 kasi kagabi may nagtangkang isabuhay si Ruth at Ser Chief!”

Napakunot ang noo ni Maya, confused kung ano ang sinasabi ni Doris. She heard them laugh again, this time naalala niya nalasing pala siya kagabi.

“Humayyyy!! Humayyyy !!! Ano ginawa ko? Nagkalat ba ako? Nagsuka? Nanuntok? Anooo, Roomies? Ano?”

Sa atat ni Maya na marinig ang kwento tungkol sa nangyari nang nakaraan gabi, napalundag si Maya at nilapitan ang dalawang kaibigan at niyuyugyog ang mga ito.

“Nagsuka? Oo..nakakasuka kung pinaggagawa mo at inisip mo talagang si Ser Chief yung taong tumulong sa’yo!”

Sagot naman ni Sabel sabay tawa ng malakas.

“Nanuntok? Hindi naman..nanghalik kamo!”

This time si Doris naman ang humagalpak sa tawa.

“HALIK? Anong halik?!”

“Halik! Kiss! Tsup-tsup!”

“ANO??”

“Oo! And!! …Talagang mag-asawang halik pa ang gusto mo Day ha!”

“Oh no!!”

Hiyang-hiya si Maya sa sarili, covering her face at gusto na niyang maiyak.

“Alam mo Maya, okay lang yan! Gwapo din naman yung hinalikan mo eh…sayang nga lang at di na natin siya ulit makikita. Pero okay na rin yon, at least di ka na mahihiya pag nakita mo siya ulit.”

Nakangiti parin si Doris habang pilit pinapagaan ang loob ni Maya. Pero sa totoo lang, di parin maalis-alis sa isip ni Maya ang ginawa niya kaya malungkot parin siya.

“Kumain ka na roomie.. Tapos na kaming dalawa kumain at pupunta pa kami sa school.”

“School? Di pa ba tapos midterms ninyo?”

“Tapos na, pero ako may meeting itong lukaret namang to ay may ime-meet daw na classmates.”

“Okay..sige. Ako naman magpapahinga buong araw at parang ang bigat lang ng ulo ko. Kayo kasi eh!”

“Anong kami? Bakit sinabi ba naming ubusin mo yung tatlong bote? Nagulat naman kami sa’yo at parang uhaw na uhaw ka. Akala namin isang bote lang yung uubusin mo pero pagbalik namin wala na yung ni-reserve namin!”

“Oo na ako na nga! Ako na lang ulit!”

“Chos! Drama queen ka talaga Maya! Sige na, kumain ka na at mukhang delikado ka na hehehe.”

Iniwan na si Maya nina Sabel at Doris. Nang makita ang pagkain sa mesa, biglang kumalam ang sikmura ni Maya kaya nagdesisiyong kumain na muna siya bago matulog ulit.

 

 

Busy si Maya at ang mga kaibigan niya, start of another week na naman at kahit kakatapos lang ng exams tumawag naman ang nanay ni Maya early that day, informing her na baka dadaan sila sa boarding house ni Maya  para bumisita . Di naman sinabi kung anong oras at aong oras kasi surprise daw,kaya nagmamadaling naglinis ang tatlo ng kwarto nila. Baka kasi masermonan ulit sila ng lola ni Maya katulad ng nangyari noong bumisita ito at nadatnang magulo ang kwarto nila. Di kasi sila nakapaglinis ng maayos kahapon kasi umalis silang tatlo para magsimba at namili ng ilang gamit nila, pagdating sa boarding house pagod at di na nakapaglinis. Ngayon, Lunes na Lunes at nagkataong whole day pa ang schedule nilang tatlo kaya nagmamadali na sila.

“Maya pasensiya ka na talaga ha, kailangan ko na talagang magbihis.”

“Ako din, Maya..”

“Okay lang noh, sige mauna  na kayo..Siguro di na muna ako papasok sa first class ko. Tatapusin ko na muna to lahat. Di naman siguro ngayong umaga ang dating nila kasi alam naman nila may pasok ako. Baka mamaya pa yun.”

“Sige, babawi na lang  kami mamaya ha..”

“Okay lang yon noh..sige na magbihis na kayo at baka ma-late na kayo!”

Pagkatapos maligo at magbihis, umalis na sina Doris at Sabel kaya naiwang mag-isa si Maya. Di na pumasok si Maya sa first subject niya that day at tinapos ang paglilinis.

Pag-uwi ni Maya that afternoon, naghintay siya sa tawag ng nanay niya pero di ito tumawag. Dumating na lang sina Doris at Sabel, naghapunan na lang silang tatlo, wala parin kaya inisip nilang tatlo na kinabukasan pa nag dating ng dalawa. Nakahinga ng maluwag sina Doris at Sabel, pareho kasi silang takot sa lola ni Maya.

“Kayo talaga! Okay lang kaya si Mamang.. mabait yon!”

“Sa’yo oo, mabait yon..syempre apo ka niya..eh sa amin..syempre hindi! Lukaret kaya kami..”

Tumawa lang si Maya ng marinig si Sabel.

“Oh siya…maliligo muna ako para makatulog na. Napagod ako kakalinis kanina tapos straight pa yung klase ko the whole day.”

“Okay..manonood na muna ako ng tv…ikaw Doris?”

“Ako din, manonood muna, magpapa-antok.”

“Sige, kayo ang bahala..”

Bitbit ang kanyang tuwalya at gamit panligo, lumabas na ng kwarto si Maya para pumunta sa banyo. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik na siya sa kwarto nila at nagbibihis nang marinig ang ingay sa labas.

Uh? Ang late na ah! Bakit kaya ngayon pa dumating sina Nanay.

Nakatapis pa ng towel si Maya ng marinig ang katok sa pintuan nila.

“Sandali lang..Nay?”

Lumapit si Maya sa pinto para pagbuksan ang nanay niya.

“Nay bakit ang ayyyy!!!”

Nagulat si Maya ng biglang may tumulak sa pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nagmamadali ito, sa gulat ni Maya na makita ang di kilalang lalaki panay ang sigaw niya .

“Ayyy!! Sino ka? Tulong! Tulong! Sabel Doris may manyakis! Tulong re-rapin ako!!”

Umiiyak na si Maya sa takot. Napa-upo na siya sa kama niya habang binabato niya ng unan ang lalaki.

“Miss huwag kang maingay please…Calm down wala akong gagawin sa’yo!”

Maya kept screaming kaya lumapit na ang lalaki sa kanya at tinakpan ang bibig niya napahiga tuloy sa kama niya si Maya.

“Shhhh please…please..!”

Tinatakpan na ng lalaki ang bibig ni Maya kaya di na ito makasigaw. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto, namilog ang mata ni Maya ng makita kung sino ang bumukas ng pinto.

Nanay?!! Mamang ??!!

Katulad ni Maya, nagulat din ang nanay at lola niya sa nakita.

“Jusmio! Maya!!”

Nakita ni Maya at Richard na hinimatay ang matanda. Nataranta lahat at sumugod sa may pintuan. Doon lang nalaman ni Maya na di lang pala nag-iisa ang lalaking pumasok sa silid niya. May kasama din itong dalawa pang lalaki na parehong sumugod para alalayan ang lola niya.

Binulong ni Doris kay Maya na ang lalaking pumasok sa kwarto nila ay si Richard, ang lalaking tumulong sa kanya nung nalasing siya. Kasama din nito ang mga kaibigan na sina Fred at Ryan. Nang mahimasmasan ang lola ni Maya at galit itong humarap kay Richard. Di parin kasi naka-alis ang mga ito matapos di pumayag ang nanay ni Maya. Gusto pa daw niyang maka-usap ang lalaki. Natatakot naman si Maya at baka mapahiya na naman siya kay Richard kaya pinilit niyang kumbinsihin ang nanay niyang paalisin na lang ang mga ito pero di natinag ang nanay niya.

“Hoy ! Damuhong lalaki ka! Anong ginawa mo sa apo ko?!”

“Po? Wala po akong ginawa sa kanya.”

“Anong wala?! Nahuli ka na magkakaila ka pa?!”

“Mamang…wala naman talaga po siyang ginawa eh..”

Hinagod-hagod ng nanay ni Maya ang likod ng lola niya at takot siyang baka himatayin ulit ito.

“Tumahimik ka, lukaret ka! Nahuli na kayo’t lahat ng boyfriend mo ikakaila mo pa?!”

“BOYFRIEND?”

Sabay na sigaw nina Maya at Richard. Nagkatinginan pa silang dalawa.

“Mang hindi po”

“Buti na lang talaga at naisipan naming bumisita dito..kailan mo balak sabihin sa amin to nak?”

“Nay! Di ko nga siya boyfriend!”

“Jusme Teresita..narinig mo yon? Hindi daw boyfriend..ano yon asawa?! Nag-asawa na si Maya?”

“ASAWA?”

Nagulat si Richard sa narinig. Nagkagulo-gulo na ang sitwasyon dahil ayaw makinig ng mga matanda. Nagsimula ng uminit ang ulo ni Richard kaya di napigil ang sarili at sumagot na. Kung iisipin naman kasi talaga, mahirap maniwala na wala silang relasyon nang makita silang dalawa ng babae sa loob ng kwarto. Mabuti sana kung mga bata ang nakakita at madali lang paikutin ang ulo, ang hirap nito dalawang matanda at halatang konserbatibo pang mga babae ang nakakita sa kanila.

“Sige sige..kung ang gusto ninyo paniwalaang girlfriend ko siya eh di sige…pero wala kaming ginagawang masama.”

“Anong wala? Nakapatong ka na sa apo ko wala lang ba yon? Halos hubo’t hubad na nga ang apo ko eh!”

“Mamang!! Nakakahiya po!! Paki hinaan po ang boses mo..”

Nag-aalalang sabat ni Maya. Napansin kasi niyang dumadami na ang nakiki-usyuso sa kanilang kwarto kaya nahihiya siya tuwing nilalakas ng lola niya ang boses nito.

“Anong hiya? Ngayon ka pa nahiya? Di pwede to! Teresita, ipakasal na tong dalawang to sa lalong madaling panahon. Baka mamaya di pa natin alam buntis na tong apo ko at maisipan pang takbuhan ng damuhong lalaki na to. Ngayon pa lang ikinakaila na ang apo ko paano pa kung lumubo na ang tiyan ni Maya? Baka iiwan lang siya nito! Wala akong tiwala sa pagmumukha nitong mokong !”

“KASAL??!! NO WAYYY! … NO! OVER MY DEAD BODY!”

“Narinig mo yon Teresita? Gagawin talaga akong kriminal ng loko-lokong ito!”

Habang nagyayari ang kaguluhan, nasa tabi lang sina Doris, Sabel, Ryan at Fred. Nakikinig, napapa-iling habang nagpipigil ng kanilang tawa, di na kasi maipinta ang mukha nina Maya at Richard habang nakaharap sa hina- high blood na nanay at lola ni Maya.

21 Comments (+add yours?)

  1. jochardmagic
    Feb 07, 2016 @ 20:59:58

    Ms. Con, ang galing. Can’t help, but I laugh. Imagining the reaction & facial expression of Richard & Maya including Sabel & Doris. Nice RomCom, wala na namang bitawan ito. Thank you for sharing your fanfic. Sana tuloy-tuloy lang pagsusulat mo.

    jochard magic

    Reply

  2. Virgie
    Jan 19, 2014 @ 18:58:02

    Just found this blog and read this story…I will tell you it’s hilariously funny…got sick in my stomach laughing Maya and Richard, imagine without any help from her roommates, who are trying not to laugh to explain what happen…😄😄

    Reply

  3. purplephoenix
    Sep 04, 2013 @ 23:40:54

    Con, parang roller coaster ride ito ah. pag part na ng babawi si Maya medyo patagalin mo ha. yung bawing bawi sya. hahaha!

    Reply

  4. Crunch
    Sep 04, 2013 @ 14:57:37

    hahahaha!!! Nakakabaliw namn to! Ano na kaya ang mangyayari? hmm.. Next na po ms. Con..🙂

    Reply

  5. SweetLemon
    Sep 04, 2013 @ 13:55:38

    Hahaha!!! Naloka ako! kasal agad agad? di ba pwede i-introduce muna sila? :-))

    Reply

  6. SweetLemon
    Sep 04, 2013 @ 13:51:55

    Hahaha…panalo!!! Naloka ako! Kasal agad-agad? Di pwede i-introduce muna sila? :-))

    Reply

  7. ghie2013
    Sep 04, 2013 @ 12:36:05

    LOL!!! omg! ang sakit ng tyan ko kakatawa! gusto ko ito! yung mga ganitong nauuna kasal bago ligawan🙂

    Reply

  8. gianni..
    Sep 04, 2013 @ 08:13:18

    aliw…. kawawang richard at maya, makakasal ng di oras hahaha..next update please. thank you.

    Reply

  9. catez
    Sep 04, 2013 @ 06:48:45

    ha ha ha ha hagalpak ako buti na lang umaga ko na nabasa ito kaya kahit malakas ang tawa ko ok lang…..rom-com na rom-com ang ff mo mama minion pwera lang lagyan ng kakaibang twist……grabe ano ba kasi ang ginagawa ni richard at bigla siya pumasok sa boardibg house nila maya at mamang kalma lang hayaan magpaliwanag si maya……di kaya makasal ng di oras ang dalawa…..abangan…..thanks mama minion.

    Reply

  10. Airam
    Sep 04, 2013 @ 05:11:16

    ha ha ha!!! patay kayong dalawa Maya at Richard…ano ba kasi ginagawa ni Chard sa loob ng room ni Mayabels??? ayan tuloy nahuli sila ng mga old!!!

    next chapetr please🙂

    Reply

  11. purplephoenix
    Sep 04, 2013 @ 01:58:27

    ang hirap mag pigil ng tawa magagalit ang anak ko pag nag ingay ako. parang royal rumble lang sa room nila Maya. at talo sila kay Mamang. hahaha!

    thanks sa update Mother Minion….

    Reply

  12. merlion of singapore
    Sep 04, 2013 @ 01:17:06

    Hahahahahahahahahahaha! Tawa lang ako l ako masabi!

    Reply

  13. LovelyPink ♥♥♥
    Sep 04, 2013 @ 01:11:28

    Gusto ko na talaga toh!

    Hahaha…

    Reply

  14. mschuchy
    Sep 04, 2013 @ 00:51:18

    rom-com naman ang genre ng ff na itey, sana lang momma eh, sa tanghali ang showing ng in my heart kasi hindi ako makahagalpak eh, pigil-pigil tawa ang drama ko, dami maiistorbo pag tatawa ako ng malakas eh…

    sana lang mapagbigyan nyo munti kong hiling momma minion…

    please

    Reply

  15. misschuchy
    Sep 03, 2013 @ 23:57:17

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  16. Alpha
    Sep 03, 2013 @ 23:53:42

    ROM-COM o Suspense thriller dahil kay Mamang? hahaha! Ms. Con, naliligaw pa rin palagi ang isip ko dun sa kung gaano ba kabigat si Maya dito. haha. can’t get over lang. At bakit naman biglang sumulpot ulit doon sa boarding house yung tatlong boys?

    Reply

  17. chobangs
    Sep 03, 2013 @ 23:53:30

    hahahaha!!!

    ang gulo! kasing gulo ng mga MInions!!

    salamat Mother! may bago na naman kaming pag pipiyestahan! weeehh!!

    shotgun wedding na namna ba to? nahihilig ka santong paspasan Mother ah…hihihihi

    Reply

  18. rocsan888
    Sep 03, 2013 @ 23:24:12

    Kaloka! Nagkagulo na!

    Reply

  19. charmtaz24
    Sep 03, 2013 @ 23:11:32

    hahahahahaha! bet ko to!!!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: