In My Heart 3

Nagalit ang lola at nanay ni Maya dahil sa ka-preskuhan ni Richard kaya umabot ang gulo sa boarding house doon sa presinto at gusto sana ng lola at nanay ni Maya na ipakulong siya para maturuan ng leksyon. Wala ng nagawa pa si Richard, dahil naipit sa sitwasyon, kahit ayaw sana niyang humingi ng tulong sa papa niya  kinailangan niya itong tawagan. Umasa si Richard na matutulungan siyang makumbinsi ng papa niya ang dalawang babae na makipag-settle na lang pero nagulat si Richard na imbes tulungan siya nito ay sumang-ayon ang ama niya na panagutan ni Richard si Maya kahit ba inexplain niyang wala naman siyang ginawa sa babae. Katwiran ng kanyang ama, ayaw niyang magka-eskandalo at baka umabot pa sa media masira ang pangalan niya. May balak kasing tumakbo sa eleksyon ang papa ni Richard bilang Congressman kaya natakot itong baka pagpyestahan ng mga kalaban niya ang gulong kinasangkutan ng anak.

Galing sa presinto, umuwi na si Richard sa kanyang sariling bahay kasama ang mga kaibigan, nagyayang uminom at naglabas ng mamahaling wine si Richard at isang ice bucket, kumuha naman ng wine glass si Ryan sa mini-bar at umupo katabi ni Fred habang si Richard ay nakaupo sa harap nila. Halatang magulo at mainit ang ulo niya sa nangyari.

“Eh bakit naman kasi naisipan mong pumasok dun sa loob ng kwarto nina Maya?”

“Eh nataranta ako brod! Di ko na nga naisip sumakay sa kotse ko sa sobrang taranta..Tsaka, akala ko kasi nakasunod pa din kayo sa akin. ”

“Brod naman, sumulpot na nga lang tayo dun naisipan mo pang sagarin ang pambubulahaw at sa kwarto ka pa talaga dumiretso!”

Natatawa na lang ang mga kaibigan ni Richard sa kanya. Kung di lang kasi sila nasangkot sa gulo sa bar at di nila kinailangang umalis dun para makatago di sila mapapadpad sa boarding house nina Maya. Since malapit lang ang tinutuluyan nina Maya at sa kakatakbo nila kanina di naman sinadya na doon sila dalhin ng kanilang mga paa. Ngayon wala ng kawala si Richard, pag sinabi kasi ng papa niya wala na siyang magagawa dun. Ito ang isang dahilan kung bakit kailanman di naging close sina Richard at ang kanyang papa simula ng namatay ang mama niya noong maliit pa siya. Ngayong naghahangad itong maging congressman, alam ni Richard di lang ito ang huling beses na pakikialaman ng papa niya ang kanyang buhay para lang sa sariling interest nito.

“Eh paano yan brod..kailangan mong pakasalan si Maya?”

“Yun na nga eh… yun ang kinaiinis ko! Bakit ba kailangan ko yung gawin eh wala naman akong ginawa sa kanya!”

“Wala nga..eh malas mo lang nakita ka ng lola at nanay niyang nakapatong sa kanya..kung tutuusin wala namang kasalanan si Maya dun. Di ka naman niya inimbitahan na pumasok sa kwarto nila di ba? ”

“Brod, saan ka ba talaga kampi?”

“Eh di naman sa ganun..ang point ko lang, kung galit ka huwag mong sisihin si Maya kasi wala naman siyang kasalanan kung bakit umabot ito sa pagpapakasal ninyo. Di naman niya alam na bigla na lang tayong susulpot dun di ba?”

“So ang ibig mong sabihin, ako ang may kasalanan ng lahat kasi ako naman yung nagdala sa inyo dun para magtago? Eh sino bang nakipag-away sa bar kanina kaya tayo kinuyog at kinailangang tumakbo sa labas?”

Uminit na ang usapan nina Richard at Ryan kaya naisipan na ni Fred na pumagitna sa  kanila.

“Hep hep hep! Tama na! Okay?! Wala akong balak maging referee ninyo ngayon at pagod ako. Trip nyo pala ang makipagbasag-ulo eh di sana ginawa nyo na yan kanina dun sa bar di wala sanang kasalang magaganap! ”

Tumahimik ang dalawa at binalingan ang kanilang inumin. Nang masigurong mahinahon na ang dalawa naisip ni Fred na magpayo kay Richard para kahit konti ay di na ito mamroblema.

“Chard, pakasalan mo na si Maya…okay wait wait.. huminahon ka!!”

Fred raise his hands when upon seeing Richard glaring at him.

“Kasi ganito yon…di ba uso naman ang hiwalayan ngayon? Eh di pagkatapos humupa ang sitwasyon  magpa-annul kayo ! ”

“Ano yan parang showbiz? Kasal ngayon after a month magpa-annul? Ai-ai Delas Alas lang ang peg?”

Ryan chuckles and shake his head.

“Mukha namang mabait si Maya brod, kaya okay lang yan papayag yan..”

Dagdag naman ni Fred pero si Richard di parin convince. At the back of his mind, he still see her as the fat, unsophisticated, drunkard woman who stole a kiss from him.

Di nakuntento sa kiss ngayon naman kasal agad? Ano siya sinuswerte?!

Thinking it over, Fred is right. Magpapakasal siya pero hihiwalayan niya ito after. Mahirap tanggapin na sa isang Maya Dela Rosa lang siya unang ikakasal pero wala na siyang magagawa.

 

“Roomie, di ka ba natutuwa?”

“Matutuwa? Bakit?”

Maya look at Sabel with a furrowed brow. Nasa loob sila ng kanilang kwarto, nakahiga sa kanya-kanyang mga kama. Gusto na sana niyang matulog pero di siya makatulog. Di niya maintindihan ang sarili, kung excited ba siya o natatakot. Simula nung gabi na nagkagulo sila sa boarding house, dalawang beses na sila nagkita ulit..noong nakaraan Sabado at Linggo para sa seminar nila bago ang nakatakdang kasal. As for the preparation, ang nanay niya ang nag-asikaso ng lahat para daw di sila maisahan ni Richard at wala silang tiwala dito.

“Eh kasi di ba..ikakasal ka na”

“Ewan..di ko alam.”

Sa loob ng dalawang araw nilang magkasama, ni hindi sila nag-usap. Kung hindi nga lang per couple ang sitting arrangement, alam ni Maya na di sila uupo na magkatabi ni Richard. Ni hindi nga siya nilingon nito the whole duration of the seminar. At nung uwian na, naghiwalay na silang dalawa. Richard didn’t even offer her a ride home kaya nag-commute na lang si Maya pauwi ng boarding house nila.

“Roomie, pwede ka pa namang magback-out eh..di ka naman siguro paglalabahin ni nanay mo for life di ba?”

Maya could only giggle at Doris’ comment.  She’s glad to have her two bestfriends who never fails to make her laugh all the time. She would surely miss them. Bukas pagkatapos ng kasal sa bahay na ni Richard ang tuloy niya kaya nalulungkot siya at iiwan na niya ang kanyang mga kaibigan. Kahit di man sabihin ng dalawa, kahit nagkukunwairng masaya at excited sila para sa kanya, ramdam ni Maya na malungkot din sila sa pag-alis niya.

“Roomies..pwede ba akong matulog dito paminsan-minsan?”

Upon hearing her, Sabel and Doris look at each other.

“Oo naman..tsaka every lunch break dito ka narin umuwi kasi di ba malayo naman ang bahay ni Richard sa school. Gaya pa din ng dati.”

“Oo nga,,gaya pa din ng dati.”

Maya look at them and smile.

 

Isang civil wedding ang naganap sa kanila ni Maya at Richard. At dahil sa napilitan nga lang ang dalawa na magpakasal ang mga kaibigan lang nila ang naging bisita nila. Dalawang tatlong witness din ang dumalo. Si Manang Fe na katiwala nina Richard sa mansyon ng parents niya. Isang malapit na kaibigan ng nanay ni Maya sa kanila, at isang business partner ng papa ni Richard.Pagkatapos ng kasal ay sa isang mamahaling restaurant silang lahat tumuloy. Richard and Maya tried their best to be civil. Ramdam ni Maya ang pagka-asiwa ng asawa niya everytime may gustong magpa-picture sa kanilang dalawa. At dahil dun, nasasaktan si Maya tuwing nararamdaman niyang parang nandidiri si Richard sa kanya.

Nang magsi-uwian na ang lahat. Dinala ni Richard si Maya sa kanyang bahay. Pagkatapos siyang ilibot ni Richard ay umalis na ito agad at  maypupuntahan daw wala naman siyang magawa kaya hinayaan niya itong umalis.

It’s supposed to be their honeymoon pero iba ang mga kasama ni Richard nung gabing yon. Nasa bar ulit si Richard kasama sina Fred at Ryan. Lasing na lasing na si Richard kaya inaawat na siya ng mga kaibigan para iuwi na.

“Chard, baka hanapin ka na ni Maya.”

Nag-aalalang sabi ni Ryan sa kanya. Inagaw ni Ryan ang baso ni Richard at hinihila na siya para tulungang tumayo. Nasa kabila naman si Fred para umalalay din.

“Chard halika na, iuuwi ka na namin. Akin na ang susi at ako na ang magda-drive.”

Nagbayad na si Ryan sa bill nila habang kinakapkapan ni Fred si Richard para hanapin ang susi ng kotse nito at nang makuha na sa bulsa ay magkatulong na ang dalawa para itayo si Richard at ilabas na ng bar. Habang nasa byahe. Panay ang reklamo ni Richard.

“Andami kong chicks! Pero bakit sa isang pangit  at matabang babae pa ako nakasal…okay sana kung pangit pero sexy..eh yung dun pa talaga ako sa Double X ang size ng damit napunta?”

“Chard tama na…oo mataba nga si Maya pero di naman siya pangit..tsaka mabait pa. Kahit di naman namin kakilala ng lubusan yung tao alam naming di naman siya kaladkarin tulad ng ibang chicks na sinasabi mo.”

Pagtatanggol ni Ryan kay Maya. Naaawa na rin kasi siya sa babae at parang nade-descriminate ni Richard dahil lang sa mataba ito. Naiinis siya sa kaibigan tuwing naririnig niyang pinipintasan niya ang tao dahil lang sa katabaan nito.

“Si Yna! Si Yna dapat yon eh…Sexy, mayaman, maganda..pero di bale..di naman ibig sabihing di na ako pwedeng makipagkita sa girlfriend ko kahit ba kasal na ako kay taba di ba?”

Tumawa pa si Richard pagkatapos niyang sabihin yon. Bagay na ikina-irita din ni Fred sa kanya.

“Chard shut up! Itulog mo na lang yan…”

Maya-maya pa ay natahimik na din si Richard sa likod. Paglingon ni Ryan di nga siya nagkamali sa kanyang hinala. Nakatulog na ang kanyang kaibigan. Pagdating sa bahay ni Richard, pinagbuksan sila ni Maya na nagulat ng makita ang lasing na lasing na si Richard. Tinulungan siya nina Ryan at Fred na maihiga ito sa kama nila saka na nagpaalam at umalis ang mga ito. Kumuha ng towel si Maya sa cabinet ni Richard at binasa ito para punasan na si Richard. At dahil nag-aalangan na tumabi kay Richard sa kama nito. Nagdesisyon si Maya na sa sofa na lang matulog.

Kinabukasan, maagang gumising si Maya para mamalengke at maghanda ng breakfast nila. Nakapag-luto na si Maya at nakahanda na ang mesa pag gising ni Richard pero umagang-umaga ay mainit na kaagad ang ulo ni Richard.

“Hey! ..you!”

“Bakit? Saan galing to?”

Tinuro ni Richard ang pagkain sa mesa.

“Namalengke ako kanina..wala kasing laman ang ref at pantry mo kaya namili ako.”

“Saan galing ang pera na pinambili mo?”

“Sa akin..allowance ni nanay sa akin. Bakit?”

“What? Ano na lang ang sabihin ng nanay mo..na ikaw ang bumubuhay sa akin? Here!”

Kinuha ni Richard ang wallet niya at naglabas ng pera.

“Magkano ang nagastos mo?”

“Huwag na maliit lang naman nakuha..”

“NO! Sabihin mo at babayaran ko! Ayoko may masabi ang ibang tao sa akin..Ito kasya na ba to?”

Inabot ni Richard ang five thousand sa kanya . Nagulat si Maya sa laki ng pera na binigay ni Richard.

“Kunin mo yung perang nagastos mo tsaka yung natira allowance mo na rin sa school. Baka magutom ka nakakahiya naman sa nanay mo! Mangayayat ka pa susugurin na naman ako ng nanay at lola mo!”

Natulala si Maya sa narinig. Nasaktan siya at parang nanliliit sa sarili. Unang araw pa lang kung bastusin siya ni Richard walang preno napaisip tuloy siya kung kakayanin ba niya ito. Tumalikod na lang si Maya at nagkunwaring naghuhugas ng kamay, ayaw niya kasing makita ni Richard ang luhang nag-uunahan sa pagpatak sa kanyang pisngi.

17 Comments (+add yours?)

  1. Jan
    Sep 17, 2013 @ 01:22:56

    Maya, wag mong pansinin c richard sa pagganda mo.. NkAkainis sya!. Hmmmp..

    Reply

  2. myrnavp
    Sep 05, 2013 @ 14:20:18

    hmmm….ngayon ko lng na-appreciate ms. con….exciting na kasi….gusto ko yan…pag nag umpisa ng pumayat c maya at dun marealize ni chard na…maganda, sexy at mabait pala ang misis nia…pero ung tipong me nagkakagusto na k maya…wow!! galeng…i love d plot…more more more pls?

    Reply

  3. teamSIMON
    Sep 05, 2013 @ 10:00:26

    ouch!!! maya kuni mo yung allowance na binibigay bumili ka ng duct tape at itape mo bibig ni richard.. samahan mo na din ng ear muffs para sa yo.. tapos kua ka ng trainor mo para maging slim ka.. at wag kang iiyak kahit sakit ng sinasabi sa yo.. take care of yourself and be strong.. play your role as agood wife and prepare your revenge.. yung bolder.. fiercer.. hahaha..🙂 thanks ms con:) tumatakas lang ako na silip dito alam mo naman ang totoong buhay nakakstress..🙂

    Reply

  4. ghie2013
    Sep 05, 2013 @ 09:04:02

    awww! ibang richard at ibang maya ito ah…. though, nakaka inis si richard…. but i have faith to the writter🙂 i know this will be a good story🙂

    very interesting….next chapter please…bitin!

    Reply

  5. catez
    Sep 05, 2013 @ 07:40:15

    arghhhhh! grabe ngayon lang ako naiinis ng ganito kay richard……..mama minion wagas ang panglalait ni richard dito pero sa tingin ko may kakaibang mangyayari dito may pinaplano ka na naman parang yung TWC…..sa dinami dami na pwedeng taguan bakit sa boarding house nila maya ka nagpunta richard……….hay naku maya sakaling pumayat ka at maging sexy pahirapan mo si richard hayaan mo siyang humabol o bumuntot sa iyo na parang aso ha ha ha…….thankee mama minion.

    Reply

  6. Lala
    Sep 05, 2013 @ 06:56:41

    It’s not real love Kung mamahalin mo ang is ang Tao only if they are sexy and pretty. I say na pumayat sya and file annulment and leave him. Baka si Ryan pa ang ma-in love Kay Maya? . Huh hump. Wouldn’t that just shake Richard’s world?

    Reply

    • Jenny
      Sep 05, 2013 @ 09:03:56

      Hi sis! naisip ko din na baka main-love si Ryan kay Maya kahit na mataba sya. Kasi the way na ipagtanggol ni Ryan si Maya parang may naramdaman akong kakaiba. Baka si Ryan ang maging confidant ni Maya. At pagkayapos magseselos si Richard! Ha ha ha

      Reply

  7. LovelyPink ♥♥♥
    Sep 05, 2013 @ 05:34:49

    At kung makapanglait itong si Richard wagas!

    You just wait and see, alam ko na si Maya ay magiging sexy & beautiful soon….tingnan natin kung ano reaction mo :p

    Tenchu mother!

    Reply

  8. gianni
    Sep 05, 2013 @ 03:04:14

    hmp..kairta ka richard..tinggnan natin kung anong gagawin mo pag pumayat si maya..

    Reply

  9. Arwen
    Sep 05, 2013 @ 02:02:34

    Maya-maya lang umpisahan ko nang tumakbo sa oval!!! Damuhong ricardo to!! Mami-miss mo rin fats ko!!!!🙂🙂🙂

    Baka sa sagingan ku pulutin!!! Cheee! 🙂🙂🙂

    Reply

  10. Jen
    Sep 05, 2013 @ 00:37:17

    Grabe ang ugali mo Richard! Tingnan natin Baka hahabol ka rin kay Maya! Hmp!

    Reply

  11. chobangs
    Sep 05, 2013 @ 00:00:16

    Sige Chard, sagarin mo na ang pagiging sira ulo. Ngayon lang ha…
    pra ma inpisire sa galit at inis si Maya para mag pa sexy!

    tapos nganga ka after…belat!!!

    eeeeehh.. as usual..excited na naman ako!!

    salamuch pow!

    Reply

  12. Alpha
    Sep 04, 2013 @ 23:21:51

    HALA Mother Con, nasasaktan kami pra kay Maya… Richard, you’re so G R R R! Nakakapang-gigil ka ka sa inis!!! Ang sarap lang batukan (bayolente lang) Luging lugi talaga ang babae kpag ganito ang sitwasyon. AGUYYYY! STOP! 3rd chapter pa lang naman, marami pa ang mangyayari, ayoko sobrang magpa-apekto…

    Reply

  13. rocsan888
    Sep 04, 2013 @ 23:04:27

    double x.. makapanglait !!! hmmmp. tignan natin after nya magpapayat… uso zumba, yoga at pilates.. babalikan kita richard.

    Reply

  14. charmtaz24
    Sep 04, 2013 @ 23:03:16

    AY?! may ganon! hoy Ricardo ah! umayos ka! marami kami! hahahahaha

    Reply

  15. Eden delacruz
    Sep 04, 2013 @ 23:02:42

    Hay naku maya.. Mag papayat ka at ng matulala ang lokong Richard na iyan.

    Reply

  16. mschuchy
    Sep 04, 2013 @ 22:55:16

    time check: 10:58 pm showing na po ang In My Heart 3

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: