In My Heart 5

The next day iniwasan ni Maya si Richard. Maaga siyang umalis ng bahay ng di nagpapaalam.  Gusto sana niyang kumprontahin si Richard paggising nito pero naunahan siya sa takot at hiya kaya nagpasyang ibaon na lang sa limut ang nangyari kagabi at baka bunga lang yon ng kanyang kalasingan. Paggising ni Richard ay masama ang kanyang pakiramdam. Lumabas siya ng kwarto para kumuha ng tubig at gamot, nakita niyang may nakahanda ng pagkain sa mesa at malinis na din ang bahay niya pero di niya nakita si Maya. Nagtaka man siya at unang beses itong nangyari, masaya din siya at di nakita si Maya sa isip niya magiging maayos ang pagpapahinga niya. Di na muna siya papasok ngayon tutal Sabado naman at half-day lang siya. Tinawagan niya si Liza, ang kanyang secretary para iinform ang kanyang leave.

Nagpunta sa kanyang mga kaibigan si Maya pero wala siyang balak magsumbong kahit mabigat parin sa kanya ang nangyari kagabi. Pumunta siya doon at alam niyang sila lang ang makakatulong sa kanya para makalimut sandali sa pinagdadaanan niya. At dahil sanay na ang mga kaibigan niyang makita siya doon palagi, di na sila nagtanong pa kay Maya nang bigla na naman itong sumulpot sa pintuan nila ng maaga.

“Oh ito, nagdala na ako ng ulam para di na kayo magluto.”

“Yeyyy!! Thank you Maya!!”

Masayang-masaya ang dalawa ng makita ang tupperware na may lamang steak. Agad namang inihanda ni Doris ang maliit na mesa sa loog ng kanilang kwarto para makakain na sila ni Sabel.

“Doris…Sabel…pwede makikain?”

“Oo naman! Ano ka ba, ikaw na nga nagdala ng ulam namin mahihindian ka ba naman namin?”

“Ay kahit hindi ka naman actually nagdala ng ulam pakakainin ka parin namin Maya eh. ”

“Salamat Doris..salamat Sabel”

Maya grin at them and stand up to get her plate. Ilang sandali ay nagsimula na din silang kumain ng breakfast nila. Sabel and Doris noticed Maya’s behavior while eating, alam nilang mahilig itong kumain pero ngayon lang nila nakita itong parang gutom na gutom.

“Hoist, Maya…tapatin mo nga kami..ginugutom ka ba ng asawa mo?”

Nabulunan si Maya ng marinig si Sabel kaya iniabot ni Doris sa kanya ang isang baso ng tubig.

“Di naman Sabel..bakit ba?”

“Aba’y daig mo pa ang construction worker ah! Di ka naman ganyan kung kumain dati…teka nga…ay naku Maya! Sabihan mo naman yang asawa mo na pagpahingain ka naman. Siguro di ka na nakakain kagabi at nagmamadaling maglabing-labing noh? Umamin ka!”

“Hala Sabel ha! Oo nga!! Baka nga dahil diyan kaya parang gutom na gutom tong si Maya.”

Maya is shaking her head hard and waving her hands to them.

“Hindi ah!! Kayo talaga! Napasarap lang yung kain ko kasi kasama ko kayo tapos ganyan na iniisip ninyo. Bakit masama na ba kumain ng madami ngayon?”

“Hindi naman Maya, kaya lang nakakapagtaka kasi..sure ka bang pinapakain ka ng asawa mo sa saktong oras?”

“Eh Sabel, ako ang nagluluto sa amin, of course nakakakain ako sa tamang oras!’

“Buti naman! Pero oi Maya, ito advice lang naman ha.. bawas-bawasan mo na yung kinakain mo para lumiit ka konti..Mas gaganda ka pa kung maliit ka pang konti .”

“Konti? ehh lumiit na naman ako konti mula ng nagsama kami ni Richard…alam ko yon, di ako nagbibiro..medyo may konti ng luwang ang mga damit ko.”

“Naks naman! Gaano ka-konti yang sinasabi mo? ”

” Basta..teka bakit ba..eh noon di naman kayo nagrereklamo ah!”

“Anong hindi? Palagi ka kaya naming pinagsasabihan..tsaka kasi  di ba..iba na ngayon eh, yung asawa mo executive ng isang companya…yung father-in-law mo baka magiging congressman pa..paano kung isang araw may party na dadaluhan tapos kailangan mong magsuot ng formal..yun ngang nagpunta tayo sa bar halols pumutok na ang dress kong suot mo..”

“Kailangan ba talaga?”

Nag-aalangang tanong ni Maya sa mga kaibigan niya. Sabay namang tumango ang dalawa.

“Tsaka mas lalo kang gaganda kung liliit ka pang konti Maya..kaya mo yan..nung first year college tayo di ka naman ganyan ka laki eh, kailangan mo lang disiplinahin sarili mo..huwag ka namang magpagutom pero bawas-bawasan lang yung kinakain mo.”

“Sige try ko..pero ha..sabi ko try lang..di ako nangako talaga.”

“Oo na..di karin naman namin mapipilit kung talagang ayaw mo eh. Basta ang isipin mo para sa’yo din naman yang gagawin mo.”

 

Maya stayed at the boarding house the whole day. Since wala ding pasok ang dalawa at busy din kakagawa ng mga requirements nila for the upcoming final exams dun na rin ginawa ni Maya ang kanyang mga requirement. They also agreed na mag-overnight si Maya sa kanila the next weekend para doon mag-aral. Mas gusto kasi ng dalawa pag nag-aaral na kasama si Maya at pareho silang nababantayan, kung hindi makakatulog lang sila pareho pagdating ng exam ay nganga lang sila at walang maisagot sa kanilang test paper. Alam din naman ni Maya na papayag ang asawa niya kaya di paman nakapagpaalam ay nag-commit na si Maya sa mga kaibigan.

 

 

Pag-uwi ni Maya kinagabihan, nagulat siya ng makitang bukas ang ilaw sa loob ng bahay nila. Kinabahan pa siya at baka may nakapasok na magnanakaw. Nang makita si Richard sa harap ng t.v  ay nabunutan siya ng tinik.

“Sorry, ngayon lang ako ..kumain ka na?”

“Tapos na.”

Richard keep his eyes glued to the T.V. Nanonood ito ng basketball.

“Kanina ka pa?”

“Kagabi pa.”

Came his reply as he increase the volume of the t.v. Clearly telling her to quit asking, so she shut up. Left the living room and went to their bedroom.

Kagabi pa?

Napansin ni Maya ang isang baso na may konting tubig na natira at packet ng paracetamot sa bed side table .

May sakit ba siya kaya di pumasok?

Nagbihis na si Maya at lumabas ulit dala ang baso at gamot.

“May sakit ka?”

Napalingon si Richard nang marinig si Maya, sandaling natigilan saka binaling ulit sa t.v ang kanyang atensyon.

“Masakit lang ulo ko kanina. Pero uminom na ako ng gamot.”

“Di na sumasakit ang ulo mo?”

Richard could sense the genuine concern in Maya’s voice. Bigla tuloy siyang nahiya magsuplado.

“Hindi na.”

“Okay.”

Umalis na si Maya, narinig na lang ni Richard ang pagsarado ng pinto ng kanilang kwarto. Nauna ng natulog si Maya, hinayaan naman siya ni Richard, wala din naman siya sa mood para awayin ang asawa niya.

Kinabukasan, Linggo kaya parehong walang pasok si Maya at Richard. Naglilinis si Maya nang lumabas si Richard sa kwarto at nilapitan siya.

“Pinapatawag tayo ni Papa sa mansyon. Lunch daw.”

“Kasali ako? ”

“Malamang, bring your wife ang sabi sa akin eh.”

“Di ba pwedeng di na lang ako pupunta? ”

“Tapos ano? Hahanapin ka nun sa akin. ”

“Tayo lang ba ang bisita dun?”

“Di ko pa alam..baka may iba din. I think this has something to do with him running for public office.”

“Ahh i see..anong oras tayo pupunta dun?”

“Kailangan before 12 noon andun na tayo.”

“Sige.”

Pinagpatuloy ni Maya ang kanyang paglilinis habang si Richard naman ay pumasok ulit sa kwarto nila. Habang naglilinis si Maya di maalis sa isip niya ang pupuntahan mamaya. Nag-aalala siya at baka ma-out of place lang siya dun.

Bahala na si Batman at Superman..siguro naman kaya nila akong buhatin sakaling may mangyari sa akin dun!

Pinagkibit-balikat na lang ni Maya ang mangyayari mamaya. Kailangan na din niyang bilisan ang ginagawa at marami pang kailangan tapusin bago sila aalis.

Past 11 a.m, nasa mansyon na ng mga Lim si Maya at Richard. Sinalubong sila ni Manang Fe at sinabihang tumuloy na sa dining area at naghihintay na dun ang papa ni Richard. Laking pasalamat ni Maya at sila lang ang pinapunta sa mansyon. Tulad ng inasahan ni Richard, kinumpirma ni  Don Roberto ang tungkol sa pagtakbo niya sa eleksyon at sinabihan silang dalawa that he is expecting their support during the campaign period.

“Don Roberto, okay lang po sa akin tumulong. Di na lang po ako kukuha ng summer classes para full time ko po kayong matulungan sa campaign period.”

“Salamat, Maya..by the way..stop calling me Don Roberto. Call me Papa. Is that okay with you?”

“Ahh..sige po..kung okay lang din po sa inyo wala po namang problema sa akin.”

Nahihiyang sagot ni Maya, sumulyap pa siya kay Richard na tahimik lang na kumakain sa tabi niya. Kahit di alam ni Maya kung anong klaseng relasyon meron si Richard at ang papa niya, nararamdaman ni Maya ng tensyon ng dalawa.

“Kumusta na kayong dalawa?”

“Po?”

” Tinatrato ka ba ng maayos ng asawa mo?”

“Ahh oo naman po..”

“Look pa, you don’t have to pretend.. I mean, alam ko kailangan mo lang ang suporta namin.. You don’t have to pretend na concern ka sa pagsasama namin. You know very well, kung ano ang sitwasyon namin ni Maya. ”

“Richard.”

“Masama bang magtanong ngayon? Why do you always have to think negative about the things I do Richard? Is it so hard to believe that i’m also after you and Maya’s welfare?”

“If I hadn’t known you, Pa .. I would believe you…but unfortunately, kilala kita.. so I know kung totoo yung pinapakita mo o hindi.”

“Richard tama na..”

She tried to stop Richard pero di parin ito nakikinig sa kanya.

“Richard baka nakalimutan mong i’m your father. Anak lang kita.”

“No…di ko yan nakakalimutan.. kaya nga kita napagsalitaan ng ganito dahil di ko yan nakakalimutan…yes, anak mo lang ako…poor me!”

“Ricardo! ”

Tumayo na si Richard at aalis na. Si Maya naman ay nag-aalala kay Richard. Pareho silang napatingin na lang kay Richard habang naglalakad ito palayo.

“Pa, sundan ko lang si Richard.”

“Go ahead…”

Nagmamadaling maglakad si Maya ng tawagin siya ulit ni Don Roberto.

“Maya..hija”

“Po?”

” Take care of Richard for me…please?”

Di inasahan ni Maya ang sinabi ni Don Roberto but she find herself nodding and smile at him before she left him to follow Richard. Mabuti at di siya iniwan ni Richard. She was just in time ng makasakay na siya sa sasakyan. Maya wanted to start a conversation with him pero nagdadalawang-isip ng makita na nakasimangot na si Richard. Tumahimik na lang si Maya hanggang sa dumating na sila sa bahay.

The whole afternoon, Maya spent it reviewing habang si Richard ay nagkulong sa kwarto. She is still wondering about what happened. Naaawa siya sa papa ni Richard but at the same time ayaw naman niyang husgahan si Richard sa inasal nito kanina. Ramdam niyang may malaking nangyari noon na naging dahilan kung bakit malayo ang loob ni Richard sa papa niya. Gusto sana niyang tumulong pero di naman niya alam kung paano at ayaw niyang magalit na naman si Richard sa kanya kung magpupumilit siyang makisawsaw sa away nila. Kahit asawa na siya ni Richard, alam niyang wala pa sila sa ganoong level para pakialaman ang isa’t-isa.

Nagdaan ang mga araw, laking pasalamat ni Maya at medyo nagbago na ang behavior ni Richard. Di na ito umuuwi ng madaling araw at di narin umiinom sa labas. Kung umiinom ay sa bahay na lang siya kasama ang mga kaibigan niya. Sa tuwing dumadating sila ay laging nagkukulong si Maya sa loob ng kwarto nila.

One evening, na-late si Maya sa pag-uwi at may dinaluhang meeting sa org nila. Nasa bahay na si Richard kasama sina Ryan at Fred. Pagbukas niya ng pinto, agad namang ngumiti ang dalawa ng makita siya. Napangiti na rin si Maya sa kanila.

“Hi Maya! I hope okay lang na andito na naman kami.”

“Hello Ryan..yeah okay lang..di naman akin tong bahay eh.. Hello Fred.”

“Hi Maya..ginabi ka ata?”

“May meeting lang na dinaluhan..sige pasok na ako.”

“Why don’t you join us Maya? Para naman maka-kwentuhan ka namin…Lagi na lang kaming tatlo ang magkakaharap palagi parang nakakasawa na.”

“Oo nga naman..”

“Ay naku Ryan..sorry talaga..di kasi ako umiinom eh…Sige, enjoy na lang kayo.”

“Maya..pwede mag-request? ”

“Request? Huwag lang kanta at sayaw ha, di ako marunong.”

Tumawa ng malakas sina Fred at Ryan ng marinig ang biro ni Maya. But Richard remained quiet. Naiilang tuloy si Maya at nakikita niyang di nagugustuhan ni Richard ang pakikipag-usap niya sa mga kaibigan nito.

“Don’t worry di ka namin pakakantahin at pasasayawin..pero magre-request sana kami na lutuin mo yung sisig? Ang sarap mo kasing magluto.”

“Ahh yun lang pala..kinabahan naman ako sa’yo Ryan..sige, magpapalit lang ako ha.”

“Yes! Salamat Maya.”

Pumasok sandali si Maya sa kwarto nila at nagpalit. Maya-maya ay nagsisimula na siyang magluto nang lumapit si Ryan sa kanya.

“Uy bakit andito ka? Malapit na din tong niluluto ko. Bumalik ka na lang doon at ise-serve ko na lang to doon.”

“Okay lang…gusto lang kitang kamustahin. Okay na kayo ni Richard?”

“Ummm okay naman..di naman kami nag-aaway eh.”

“Alam ko naman yon..ang ibig kong sabihin, di na siya masungit sa’yo?”

“Di na naman.. umiiwas din naman kasi ako sa kanya. Di ako lumalapit para walang gulo. Kaya yon, di na siya nagsusungit.”

“Sabagay, sino naman susungitan niya kung wala ka di ba..mahirap naman sungitan niya sarili niya ”

Nagtawanan sina Maya at Ryan. Tuloy parin si Maya sa kanyang ginagawa habang nanonood si Ryan sa kanya. Di nila namalayan si Richard na lumapit at kumuha ng ice sa ref.

“Di pa ba tapos yan?”

“Malapit na..ise-serve ko na lang don.. sige na Ryan doon mo na lang hintayin to, malapit na tong maluto promise.”

“Halika na brod…kaya na niya yang bantayan…di mo na kailangan makibantay din.”

“Siraulo talaga tong lalaking to..di man lang sabihin ayaw niya may lumalapit na ibang lalaki sa asawa niya.”

Maya heard Ryan chuckle.  Napailing na lang siya, alam kasi niyang imposible yon mangyari. Ilang sandali ang nakaraan ay bitbit na ni Maya ang tray na may lamang isang plato ng kanyang nilutong sisig. Papalapit na siya ng marinig niya ang usapan ng tatlo.

“You mean dadating si Yna this Satuday?”

“Yes, I told her to come..that would be great, right..I mean, baka sumama din yung mga kaibigan niya. Oh eh di masaya!”

“You’re crazy! Papapuntahin mo dito? Brod naman!”

“Why not? ”

“And what about your wife?”

“What about her?”

Tumahimik si Fred at Ryan nang makita si Maya na papalapit.

“Thanks Maya.”

“Welcome Fred…sige mauna na ako.”

Di maiwasang magtaka ni Maya kung sino si Yna at ayaw nilang papuntahin sa bahay nila.

Ex? Nililigawan? O other woman.. Hayy Maya kawawa ka naman..buti sana mala Christine Reyes ang katawan mo at may K kang mag-inarte.

Isang buntong-hininga na lang ang pinakawalan ni Maya. Wala naman kasi siyang magagawa kung mambababae ang asawa niya..napilitan lang itong pakasalan siya.. But deep inside she is secretly hoping na mali siya sa kanyang iniisip. Di naman siguro aabot sa point na iimbitahan niya ang babae sa bahay nila…She is hoping that  Yna is just a friend, a co-worker, or a relative? As to the reason why worried ang mga kaibigan ni Richard, ayaw ng isipin ni Maya ang dahilan at iisa lang talaga ang pumasok sa isip niya at ayaw niyang tanggapin kung sakaling totoo yong naiisip niya.

 

Saturday came, umaga pa lang nagpaalam na si Maya na di siya uuwi at doon siya mag-overnight sa boarding house ng mga kaibigan niya. Buti na lang talaga na-plano na nila ito noong nakaraang linggo pa kaya inunahan na niya si Richard sa pagpapaalam kesa sa marinig niyang sabihin ni Richard sa kanya na huwag na muna siyang umuwi.

“I was about to tell you not to go home tonight too .. May konting party lang ako for some friends,  maingay kaya di karin makakapag-aral dito. ”

“Oo nga.. sige…bukas ng umaga nalang ako uuwi.”

“Okay..”

Masama ang loob ni Maya at di man lang siya nakuhang sabihan ni Richard about the party. Not that she wants to join them pero kahit man lang respeto na lang din sa kanya sana. Pero wala na naman siyang magawa kaya umalis na lang siya sa bahay kahit masakit ang loob niya.

Habang nasa boarding house ng mga kaibigan si Maya, di maalis sa isip niya ang bahay nila at si Richard. Tahimik si Maya the whole time habang kaharap ang kanyang libro. Buong akala nina Sabel at Doris ay naka-concentrate siya sa kanyang pagre-review kaya na-inspire naman mag-aral ang dalawa. Ang di nila alam, tulala lang talaga si Maya at malayo ang iniisip.

Kinabukasan, wala pang alas-syete ng umaga ay dumating na si Maya sa bahay nila. Pagbukas ng pinto ay agad tumambad sa kanya ang magulong bahay. May mga tirang pagkain sa mesa, empty cans of beer at mga gamit na nagkalat sa sahig. Nakita din niya sina Ryan at Fred na may mga kasamang ibang lalaki at babae na natutulog sa kanilang sofa at yung iba nasa carpet. Hinanap ni Maya si Richard sa mga taong natutulog dun pero di niya nakita kaya naisipan niyang hanapin sa loob ng kwarto nila. Pagbukas ng pinto laking gulat ni Maya ng makita si Richard sa kama nila na may kasamang babae na nakayakap pa sa kanya. Napapikit na lang ng kanyang mata si Maya, pinipigilang ang sariling di magwala.

Respeto lang sana Chard…yung lang ang hiningi ko, pero pati yon di mo kayang ibigay sa akin.

Muling sinarado ni Maya ang pinto ng kwarto nila at tumuloy sa kusina para maglinis. Ilang sandali ay nagising ang isang lalaki na nakahiga sa may carpet. Di niya ito kilala, pero nang makita siya ay nagulat ito, ginising nito ang kanyang mga kasama kaya isa-isa narin nagising ang iba.

“Maya…sorry, di na kami nakapagligpit kagabi..Hayaan mo tutulungan ka namin.”

Nagsimula na ding magligpit ni Fred pero pinigilan niya at sinabing siya na lang.

“Asan ba si Richard?”

Tanong ni Fred kay Ryan. Kahit alam ni Maya kung nasaan si Richard, di niya nakuhang sumagot dito. Nakita ni Maya na lumapit si Ryan sa pinto ng kwarto nila at kumatok.

“Chard! …Brod, gising na…uuwi na kami…Chard!”

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at lumabas si Richard, pupungas-pungas pa. Kasunod nito ang babeng katabi nito sa kama nila, sinandal nito ang ulo niya sa balikat ni Richard sabay yakap sa likod nito. Di sinasadyang ini-angat ni Maya ang tingin niya kaya nagkatinginan silang dalawa ni Richard.

“Oh, kanina ka pa?”

Tumango lang si Maya . Narinig ni Maya na may tumatawag sa telepono kaya dinampot niya ito para maka-iwas na mapatingin kina Richard.

“Hello?”

“Nay..p-ppo? Sige po…Opo..”

Nagmamadaling umalis si Maya matapos damputin ang sweater at bag niya.

“Where are you going?”

Di na nakuhang sumagot si Maya.  Habang naglalakad siya, naalala niya ang nakita niya sa kwarto nila ni Richard. Gusto niyang sumbatan si Richard pero di pa ngayon ang tamang oras. Kailangan niyangmagmadali at puntahan ang lola niyang dinala sa ospital. Pagdating sa ospital, nalaman niyang dinala doon ang  lola niya matapos dumaing na masakit ang dibdib niya.

“Maya! Buti nakarating ka.”

Sinalubong siya kaagad ng nanay niya ng makita siyang papalapit sa operating room.

“Nay..ano pong nangyari kay Mamang?”

“Nak inatake sa puso ang lola mo..Inaasikaso pa siya ng doktor ngayon…oh hayan na pala siya.”

Nakita ni Maya ang doktor na lumabas galing sa operating room kaya nilapitan nila ito kaagad para kumustahin ang lola niya.

“Misis…kailangan niyang mag undergo ng bypass..”

“Po? ”

“Kung papayag kayo, gusto ko i-schedule siya ngayon . You have to decide now.”

“Nak, saan tayo kukuha ng pera?”

Naiiyak na si Nanay Teresita. Wala ng ibang naisip pa si Maya kundi si Richard. Kahit ayaw niya. lulunukin na lang niya ang pride niya para lang mailigtas ang lola niya.

“Doc, ischedule nyo na po..”

“Okay good decision…sige maiwan ko na muna kayo. Mamaya yung nurse na ang bahalang magsabi ng mga dapat nyong gawin para masimulan na kaagad natin yung operasyon.

“Nay, may tatawagan lang ako..ikaw na muna umasikaso ha…pagbalik ko dala ko na ang pera.”

Lumapit sa nurse station si Maya at nagpaalam na makikigamit ng telepono.

“Hello…Richard si Maya to..I need your help..please.’

 

 

“Here’s the money that you need.”

Binigay ni Richard kaya Maya ang perang kailangan niya.

“Salamat … don’t worry tutupad ako sa usapan.. babayaran ko to.”

“Huwag na… but i need a favor in exchange of that money.”

Nagulat si Maya sa sinabi ni Richard. Buong akala niya tama na yung nakapagkasunduan nila sa telepono.

“Ano yung kapalit?”

“Umuwi ka na sa inyo…Let’s stop this Maya.. ”

 

33 Comments (+add yours?)

  1. Jan
    Sep 17, 2013 @ 02:17:59

    This is so heart breaking, I want to kill Richard!. Maya fight for yourself girl!

    Reply

  2. myrnavp
    Sep 09, 2013 @ 05:55:15

    hmmm…itinutuloy ko na ang vengeance sa panaginip…scene where Richard will see Maya after a yr or two na me kasma ka dinner date at super ganda, super sexy at magagalit si richard at sasabihin “hey asawa ko yan ah” asawa my ass!!! and where maya will say “annul” na tau….ouch pano ba ms. con? baka madala na ako sa mental nian sa kakaisip ng next scene…busy ka ba at natatagalan ang next chap? i have been logging in to view for updates…huhuhuhuhu…bat wala pa??? mamatay matay na ako dto sa suspense…pramis! where r u? update update pls pg me time? God bless u!

    Reply

    • SweetLemon
      Sep 09, 2013 @ 19:41:15

      Pareho tayo…alam mo yung feeling na galit ka sa isang tao, tapos nangigigil ka gumanti? Parang ganun lang…🙂

      Lam mo, naka nth time na ko sa pag refresh, hoping may update na, pero hopia pa rin… kaya nag-create nko ng scenario sa dream universe ko…yun bang tipong lalayo si Maya pretending na kailangn nya alagaan si Mamang sa province…then after time lag na three years… graduate na si Maya, seksi, maganda, professional at sophisticated… Magiging client nya si Ryan, magkikita sila ni Richard… Pero sorry na lng…mamatay na ang mamang singkit sa panghihinayang, pero dedma si Maya sa kanya… Hahaha!!!

      Reply

      • myrnavp
        Sep 09, 2013 @ 20:55:43

        hahaha…ganyan din ang iniisip kong continuation…pero ang eksena pag nakita ni singkit c maya…ngdidinner with James hahahhahaha…at ang makakakilala cla ryan at fred…at babatiin nila pero ang maya…hindi papansinin c singkit at tipong paparinggan nia thru ryan and fred na…”o napirmahan na ba ni mamang singkit ang annulment papers na pnadala ko?” un ganung scenario hehehhe….

        Reply

  3. Crunch
    Sep 07, 2013 @ 22:00:56

    OUCH!! ang sakit un.. Doris! Sabel! Ryan! Fred! Tulungan nyo na si Maya magpa-sexy! Para magsisi si Richard! Pgandahin nyo pa sya! Sana po mapabilis na! para mabasa na namin ang pagrerevenge ni Maya! heheh😀 Thanks for this! Next na po please..😀

    Reply

  4. european marie
    Sep 07, 2013 @ 21:20:45

    napa comment naman ako….heartbreaking😦
    -silent reader-

    Reply

  5. aries
    Sep 07, 2013 @ 20:36:50

    I guess this is goodbye for Richard and Maya. For now….
    And Maya will back with vegeance!

    Richard , you will work your a_ _ to get Maya again!!!!

    Reply

  6. myrnavp
    Sep 07, 2013 @ 14:08:17

    waaaaa….i want fast forward…plsssss….i cant wait anymore…kong pocketbook ko lng to…sinilip ko na ang 4 chapters ahead eh hahhahahhahaha…ganun ako ka temang hehehe…lalo pag naiinis ako sa lalaki and i want vengeance…so ms. con when can i get it?? hahahha…thnx and God bless…

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: