In My Heart 7

Mula ng nakahanap na siya ng trabaho sa Manila ay sinama na ni Maya sa Manila ang lola at nanay niya. Simula nung naghiwalay na sila ni Richard six years ago, nagsikap si Maya para iahon ang sarili niya at ang pamilya. After two years she graduated as suma cum laude, became a certified public accountant, landed a good job where  she is currently working as the Senior Accounting Manager of a popular video marketing company.

Four years ago, she met James Ventura. The boss. The Chief. The founder of TubeGen Philippines. Graduating with flying colors and ranked fifth during the CPA board exam, Maya was called in for an interview in his company. It was love at first sight for James, but not for Maya. Coming from a bad experience in love, di naging madali for James to court her. She used to turn him down whenever he asked Maya out for a date. But after earning her trust, eventually Maya gave in and a year after, she finally said yes to him.

Di itinago ni Maya ang tungkol sa past niya kay James. He knew about the existence of Maya’s marriage to Richard. Perhaps it helped him earn her trust kasi never siyang nag judge kay Maya. He knew very well na hindi pa pwedeng magpakasal si Maya but he promised to wait. Ganun ka tiyaga at  kamahal ni James si Maya.

For six long years, everytime dadating ang anniversary ng kasal nila ni Richard, Maya kept praying na sana may kakatok na lang sa pinto niya at magdadala ng isang envelop na may lamang papers na pipirmahan niya for their annulment. As for Richard, Maya refused to hear anything about him when he left for US. It was then when she finally said to herself na wala ng pag-asa and that she had to move on. She was fortunate to have friends like Doris and Sabel who supported her all the way. Kahit na ba naging boyfriend ni Sabel si Ryan all this time, kailanman ni-respeto ng dalawa si Maya and they never mention Richard’s name whenever Maya is with them.

One afternoon, umuwi si Maya sa bahay nila pagkatapos siyang makatanggap ng tawa galing sa kanyang nanay. Pinapauwi siya kaagad at importanteng makausap siya. Pagbaba ni Maya ng kanyang sasakyan ay nakita niya ang isang Ford truck na kulay itim na naka-parking sa harap ng kanilang gate. Nakita pa niyang may dalawang naka-fatigue uniforms na mga lalaki at isang naka white polo na may dalang hand-held radio pa na naka-upo sa likod ng sasakyan na nagtatawanan. Kinabahan si Maya sa nakita, lalo pa ng nilapitan na siya ng lalaking naka white polo.

“Ikaw po ba si Ma’am Maya?”

“Opo. Sino po sila?”

“Pasok lang po kayo Ma’am. May naghihintay sa’yo sa loob.”

Dali-daling naglakad si Maya papasok sa gate ng biglang nag ring ang kanyang cellphone kaya napahinto siya at sinagot muna ito nang makitang si James ang tumatawag.

“Hello, sweetheart.”

“Hi, andiyan ka na sa inyo?”

“Yes, andito na ako. Kakababa ko lang.”

“Okay, tumawag lang to check kung okay ka diyan..bakit ka daw pinapauwi?”

“Di ko pa alam eh, pero kinakabahan ako. May nakita akong mga lalaking naka military uniform sa labas. Masama ang kutob ko, baka may ginawa na naman si Mamang this time.”

“Uh oh..do you want me to come?”

“No, its okay..may meeting ka pa di ba..I can handle this..but if not, don’t worry tatawag ako sa’yo as soon as possible. ”

“Okay…sigurado ka ha?”

“Yes I am sure..sige na at papasok na ako.Bye, sweetheart.”

“Okay, bye..see you later..love you”

“Love you too.”

Maya slide the button to end the call then started walking again towards the main door.

“Nay!..Mamang! Andito na po ako..Nay, sino po yung mga lalaking nasa labas?”

“Nak!”

Sinalubong si Maya ng nanay niya sa may pintuan. Nagtaka siya ng makita ang mukha nito na parang nag-aalala.

“Oh nay..bakit? May problema ba? Si Mamang asan?”

“Nak!..”

Hinawakan ni Nanay Teresita ang kanyang braso sabay lingon sa kanyang kanan. Maya followed her gaze at she was surprised to see an unexpected sight.

Richard Lim!

“Anong ginagawa niya dito?”

Seeing him after all this years, Maya felt her temperature rise as her hand curled in a tight fist. Nanay Teresita felt the tension as Maya and Richard stare at each other. In between clenched teeth, Maya asked her mother once again.

“Nay…bakit yan andito?”

“Di ko rin alam nak, pagdating ko kanina dito galing grocery magkausap na sila ni Mamang.”

“Maya! Apo! Magtitigan na lang ba kayo ng asawa mo?”

What the heck! Asawa? Nagpapatawa ba siya?

“Mang! ”

“Oh bakit? Di ba totoo naman na asawa mo tong si Richard?”

Nanay Teresita tightened her hold on Maya’s arm as if reminding her to keep her cool.

“Teresita.”

“Nay?!”

“Halika at tulungan mo akong maghanda ng hapunan natin, dito kakain yang dalawang yan. Walang aalis hanggat di sila mag-uusap.”

“Mamang..aalis po ako maya-maya lang. Sa labas po ako kakain.”

“Pag sinabi kong walang aalis hangga’t di kayo mag-uusap walang aalis, naintindihan mo?!”

Malakas at galit na ang boses ni Mamang kaya di na nagawang mag-protesta ni Maya. Ayaw pa naman nilang galitin si Mamang kasi bukod sa matanda na ito ay masakitin na din, kaya tumahimik na siya. Nang tumalikod na si Mamang at Nanay Teresita ay nagtungo si Maya sa kanyang kwarto. Di niya inasahan na sumunod pala si Richard.

“What are you doing here?”

“Maya let’s talk.”

“Oo mag-uusap tayo, pero doon tayo sa labas. Who gave you the permission to follow me here in my room? Labas!”

“No! Di ako lalabas kasi alam kong di ka rin naman lalabas dun. How can we talk if andito ka at nasa labas naman ako.”

“Labas!!”

“I said no!”

“Mr. Richard Lim! Baka nakalimutan mong bahay ko to, kwarto ko to. So when I say lumabas ka, lumabas ka!”

“Paano mo ba nalaman kung saan kami nakatira? Sinabi ba nina Sabel sa’yo? Ni Ryan?”

“Kahit di sabihin ng mga kaibigan ko kung saan ka, alam mo naman ang connection ni papa. Come on Maya, stop this. Mag-usap tayo ng maayos.”

Maya let out a heavy sigh. She knows kahit anong gawing sigaw niya para palabasin si Richard ay di nito gagawin. He is as stubborn as she is. Looking at him tells her she will just waste her time in yelling. Both arms folded in her chest, she wanted to insinuate na hindi na niya siya basta-bastang mapa-ikot lang.

“Okay let’s talk Mr. Lim. Let’s make things clear between us, just send the papers in my office as soon as possible and I’m willing to sign it.”

“What papers?”

“The petition for annulment. What else?! Alangan namang business contract yung ipapadala mo eh wala naman tayong napag-usapang deal or whatever! ”

“No I won’t do that!”

“Hey! Do you expect me to come to you para lang pirmahan yung papers! Masyado ka namang sinuswerte!”

“I said I won’t do that!”

“Anong I won’t do that?! So ako pa yung mag-aasikaso nun?”

“I won’t ask for the annulment of our marriage Maya!”

“Come again?”

“Sabi ko di ako makikipaghiwalay sa’yo!”

“Mr. Richard Lim! Dapat matagal na nating ginawa yan. Don’t give me a hard time.”

“Hard time? Why? May reason ba kung bakit gusto mo ng ipawalang-bisa ang kasal natin?”

Di agad naka-sagot si Maya. Deep inside, nagpa-panic si Maya, di niya alam kung ano ang kayang gawin ni Richard if malaman niyang may boyfriend na siya.

No, I can’t tell him about James. What if may mahanap siyang paraan at makasuhan niya kaming dalawa ni James.Wait..di naman siguro…siya yung nahuli ko noon di ba…no..di pa pwede…ayoko mapahamak si James. Damn Richard! Damn!

“Maya, i’m asking you why.. answer me!”

“Bullshit! Richard alam mong matagal na tayong dapat nag file ng annulment, bakit patatagalin pa. Gawin na nating legal ang paghihiwalay natin.”

“Di ka lang ba magtatanong kung bakit for six years di ko yan ginawa?”

“Hindi! Di naman importante sa akin reasons mo eh. Ang importante sa akin, tuluyan ng maputol ugnayan natin.”

Tinitigan lang siya ni Richard sabay buntong-hininga. Nakita niyang dahan-dahang lumapit si Richard sa kanya, making her nervous. Buti na lang at tumunog ulit ang cellphone niya na nasa loob ng bag niya kaya dali-dali naman siyang lumapit sa kanyang nightstand kung saan niya nilapag ang kanyang bag kanina para sagutin ang kanyang cellphone.

James. Should I answer it?

“Hello!”

“Hello again! Kumusta na diyan?”

Maya heard James’ voice  on the other line.

“Uhmmm okay lang dito..si Mamang…ano, naglalambing lang. gusto daw niyang saluhan niya ako for dinner ..okay lang ba?”

Maya decided to ask him when she remembered what Mamang said about dinner.

“Yeah, of course..that’s fine with me..did she say anything about asking me to join you for dinner too? I would like to volunteer to bring ice cream, I know she would love it.”

‘Uhmmm i’m not sure if she would..”

“No i’m just kidding.. oras ‘nyo yan so di ko kayo gagambalain. Wala ka na ngang oras sa kanila at busy ka palagi either sa work or with me since dumating ako tapos di pa kita hahayaan, ang sama ko naman…sige na.. diyan ka na mag-dinner. Uuwi na lang din ako kina Dad and Mom and makipag bonding din sa kanila.”

“Aww na-touch naman ako. Thank  you sweetheart.”

“Promise me bukas lunch and dinner tayo ha!”

“Promise..sige na, ingat sa pag-uwi ha. Text me pagdating mo sa bahay nina Tita. Thank you.”

“Bye baby, love you.”

“Bye..love you too.”

After ending the call, nagulat si Maya nang biglang tumikhim sa likod niya. Saka lang niya naalala si Richard.

“Sweetheart? How sweet.. yon ba yung kabit mo? Yung kalampungan mo sa airport?”

Nang marinig ni Maya ang kabit naramdaman ni Mayang uminit ang mukha niya sa hiya and at the same time sa inis.

“What aiport?”

“Nakita ko kayo sa airport..naglalampungan..magkasabay kami niyan pag-uwi nung isang linggo.”

“You know what? Mabuti pa umalis ka na. Wala din namang patutunguhan ang usapan na’to eh!”

“Baka nakalimutan mo ang sabi ni Mamang na dito tayo magdi-dinner?”

“Isa pa yan…paano mo nagawang bilugin ang ulo ng lola ko?”

“Bilugin ang ulo? I didn’t do that, kinausap ko lang siya ng mabuti and ask for forgiveness. Yon lang.”

“Forgiveness? Ikaw marunong ka niyan? Nagpapatawa ka? ”

“Yes I ask for forgiveness. Even kay nanay nagawa ko na. ”

Maya chuckle. Nagulat na lang siya ng bigla siyang laptan ni Richard at hinawakan ang kanyang balikat.

“Hey! hey…ano ba, bitawan mo ako!”

Maya tried to take his hand off her shoulders but he grip on them tightly.

“Maya, I know ang laki ng kasalanan ko sa’yo. I’m so sorry..”

Nagtaas ng kilay si Maya. Di makapaniwala sa narinig. Pero kahit gaano ka malumanay ang boses ni Richard di parin niya kayang maniwala dito. Pagkaraan ng ilang sandali ay tinawanan ni Maya si Richard.

“Nagdrugs ka ba? Pwede ba Mr. Lim! Hanggang ngayon ginagawa mo akong tanga eh! Akala mo ba ganun na lang kadali yon? Alam mo ba kung ano yung nagawa mo sa akin Richard?”

Inalis ni Maya ang kamay ni Richard na nakahawak sa kanyang balikat at iniwan si Richard. Lumabas si Maya ng kwarto niya at pinuntahan ang lola niya sa kusina.

“Mamang, aalis na daw si Richard.”

“Ano? Di ba kakasabi ko lang dito kayo maghahapunan? Ricardo?!”

Narinig ni Maya si Richard na hinila ang upuan, paglingon niya ay umupo na ito doon.

“Bakit po Mamang?”

“Di ba sabi ko dito tayo maghahapunan?”

“Oo nga po.”

“Bakit sabi ni Maya aalis ka na daw?”

While slicing the onions, Maya is listening to Mamang and Richard. She is hoping Richard gets what she meant and would just say yes.

“Po? Hindi ah! Naka-upo na nga ako dito oh..baka siya po gustong umalis..I heard na may DATE daw siya ngayon eh!”

“MAYA?!”

Maya roll her eyes then while glaring at him, she answered Mamang.

“Hindi po!”

Oh! I hate you Richard! Sooo much!

Naghapunan sina Maya kasama si Richard. Habang nagku-kwentuhan sina Richard at Mamang ay tahimik lang na nakikinig si Maya at ang kanyang nanay. Gustong-gusto niyang dagukan si Richard sa inis pero di niya magawa. Di niya alam kung bakit bigla na lang naging okay sa lola niya si Richard pero di siya magpapa-pressure dito. She’s wondering why he suddenly showed up but on the other side, mabuti na rin at maaasikaso na niya ang tungkol sa pagwawalang bisa ng kasal nila. Now ang iisipin na lang niya ay kung paano niya sasabihin kay James ang pagbabalik ni Richard.

Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na si Richard na aalis na at babalik na lang kinabukasan. Iniwan naman sila sandali ng kanyang lola at nanay para makapag-usap pa.

“Babalik ako bukas.”

“Huwag na. Di na kailangan.”

“Babalik ako. Di pa tayo tapos.”

“Matagal na tayong tapos Richard. Ikaw ang tumapos, remember?”

“Bye Maya..”

Lumapit si Richard sa kanya at parang hahalikan siya kaya umilag si Maya.

“Tadyak gusto mo? Umalis ka na nga!”

“Ang arte mo, Maya..para namang di kita hinalikan noon.”

Namula si Maya sa narinig, konti na lang masasaktan na talaga niya si Richard kung di lang siya nag-aalala sa lola niya at sa mga taong nasa labas di talaga siya magdadalawang-isip sampalin si Richard.

“Bukas babalik ako..pangako yan.”

“Ewan ko sa’yo..bumalik ka man o hindi wala akong pakialam..at tsaka pwede bang huwag kang masyadong ma-angas. Maypa bodyguard-bodyguard ka pa..sa susunod huwag mo na silang dalhin pwede ba, pa-importante ka pa eh!’

“Yes!”

“Anong yes?!”

” You said next time..ibig sabihin may blessing na ang pagbalik ko bukas.”

“Arghhhhhh!!! ”

Sa inis ni Maya ay tumalikod na siya at pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Padabog pa niyang isinara ang kanyang pinto. Si Richard naman ay nakangiti habang papalabas ng gate nina Maya.

Tinawagan ni Maya si Sabel pagka-alis ni Richard. Nakipag-kita siya sa kanyang mga kaibigan para gumaan ang pakiramdam niya. An hour passed, nasa isang fastfood silang magkakaibigan. Tawa ng tawa sina Ryan at Fred ng malaman ang ginawang pagpunta ni Richard sa kanila.

“Lang hiyang Ricardo..nagdala pa talaga ng bodyguard?!”

“Pangsindak sa nanay at lola ko..walang hiya talaga! Ang laki kaya ng buntong hininga ni Mamang nang malamang naka-alis na sila.”

“Bakit nga ba may dalang bodyguard yung kaibigan ninyo? May threat ba buhay niya?”

“Oo! May threat..”

Sagot ni Fred sabay hagikhikan nilang dalawa ni Ryan. Na-curious naman bigla si Maya sa narinig kaya nagtanong kung bakit at kung kanino.

“Sa lola at nanay mo.”

“Ano daw?”

Tanong ni Doris kay Maya.

“Noong isang linggo pa yon nagpapasama sa amin ni Fred. Eh kaso ayaw namin..takot kasi baka kung ano ang gawin ng lola at nanay mo kaya siguro nagdala ng bodyguard ng papa niya.”

“Ganun?! So ano yon, pareho lang silang takot sa isa’t-isa.”

“Korek!”

“Maya alam mo bang di payag si Richard na makipag-hiwalay sa’yo?”

“Sabi niya…para namang may pakialam ako sa opinion niya.”

“Mag-usap kayo ng maayos..kasi the way I see it, firm din si Richard sa sinabi niyang di siya makikipaghiwalay sa’yo. He wants you back daw. Sabay sabi, I will fight brod..”

“Ay may ganun babe?”

Nagtawanan sina Sabel at Ryan. Napaisip si Maya sa sinabi ng kaibigan.

Richard Lim…you want war? I’ll give you war.

 

 

30 Comments (+add yours?)

  1. gloriaj13245
    Jun 23, 2015 @ 17:20:03

    Bkit naman parang bigla vigla ayaw making pag annul e db cya mga me gsto nun….hmmp curious ako sa story na to

    Reply

  2. maria
    Sep 11, 2013 @ 17:55:53

    wow at last dumating din ang chapter 7 last night ko pa hinihintay to…anyways go maya this is the right time para si richard naman ang pahirapan mo! next chapter na ulit please🙂

    Reply

  3. misschuchy
    Sep 11, 2013 @ 16:11:42

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  4. Nanette
    Sep 11, 2013 @ 12:13:42

    Wahhh con. Sexy na si M! Di ko pa maumpisahan ang workout ko.
    Feeling ko during the time na magkasama sila as a couple nagkaroon din ng feeling si R kay M lalo na maasikaso si M at di lumalaban, but bec of physical looks nagkaroon ng setback. Kaya siguro he did not press for an annulment despite na sya pa ang nagsabi na end na ang marriage nila. Baka during the 6 years he was away he realized that he could not find anybody at par with M. On hindsight M was very young then and still in school. Baka on his part he wants her to finish her schooling and fulfill her dreams. On the other hand baka lang naman hindi marunong si R magexpress ng love bec of his relationship with his father. At any rate his actions, hurting M verbally, is just so unacceptable. So now his back, so its payback time. Let him suffer the same fate M had during the time they were together. At the same time let them find ways to realize that there is still love between them:)) puros baka:)
    Comment comment lang ako kasi “may time” ako today😉

    Reply

  5. nancy
    Sep 11, 2013 @ 11:28:48

    Aftet 6 years!!! The nerve!!! Pwede ba si james ang maging bida dito for a change? After nya mag-uwi ng babae sa bahay nila at maghamon ng hiwalay?Tapos ni ha ni ho walang paramdam, for six years!! ?! Nakita lang nyang sexy na si Maya., sila na ulit?!!? Masyado nang martir si Maya nyan. Wag ka papayag Maya. Bastusan na ng pagkatao ito. Gagamitin pa niya ang pagiging politiko ng tatay nya? Hah!!

    Hehe. Sobrang affected lang. Pero syempre, depende pa rin kay ms writer yan kung papano ireredeem ni richard ang sair nya. Sana may update na din agad. Thanks so much for sharing your talent with us.

    Reply

    • abby
      Sep 11, 2013 @ 13:33:46

      I totally agree with your point.. Kahit pa walang love na naramdaman si Richard kay Maya noong nagsasama sila bilang mag-asawa, the least he could give his wife is due respect. .He is downright rude and arrogant not deserving of someone like Maya.

      Reply

  6. nancy
    Sep 11, 2013 @ 11:24:16

    Aftet 6 years!!! The nerve!!! Pwede ba si james ang maging bida dito for a change? After nya mag-uwi ng babae sa bahay nila at maghamon ng hiwalay?Tapos ni ha ni ho walang paramdam, for six years!! ?! Nakita lang nyang sexy na si Maya., sila na ulit?!!? Masyado nang martir si Maya nyan. Wag ka papayag Maya. Bastusan na ng pagkatao ito. Gagamitin pa niya ang pagiging politiko ng tatay nya? Hah!!

    Hehe. Sobrang affected lang. Pero syempre, depende pa rin kay ms writer yan kung papano ireredeem ni richard ang sarili nya

    Reply

  7. ghie2013
    Sep 11, 2013 @ 11:08:51

    waaaaahhhh! time ngayon ni maya! tama yan maya iparamdam mo sa kanya yung ginawa nya sayo….porket ba sexy ka na at magandang maganda? pataunayan nya sarili nya!😀

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: