In My Heart 8

Kinabukasan, nasa isang bar ang magkakaibigang Richard, Ryan, at Fred. Iisa lang ang topic, ang kanyang ginawang exile.

Six years, six long years of self punishment. That’s how Richard would describe it when his close friends asked him why it took him six years before he decided to come back and pursue Maya.

“Sabi ‘nyo nga di ba gago ako for doing that to Maya. Kaya yon umalis ako at pinarusahan ko ang sarili ko.”

Ryan and Fred heard him chuckle. They could only shake their head upon hearing him.

“Ikaw naman kasi brod eh. Di ka nakinig sa amin. If only you treated her well di naman kayo maghihiwalay, worst, dinala mo pa si Yna sa inyo and imbes na humingi ng despensa you called it quits. Tama ba yon?”

Ryan said and laugh a little before sipping his brandy. Staring at Richard with amuse eyes.

“I know, right?! I was such a jerk! ”

“Jerk? I’m sorry brod but jerk is not enough to describe Richard Lim that time.”

As harsh as it may sound but Fred is just implying how cruel Richard was..and Richard know he is right.

“Brod, what makes you decide to come back? I mean, six years na di ba. Why? Please don’t tell us dahil maganda at sexy na si Maya ngayon kasi babatukan talaga kita!”

“No, of course not! I guess because for me it’s the right time already. I know na hindi lang ako basta-basta na lang tatanggapin ni Maya. Sa laki ba naman ng atraso ko at sa bigat ng sama ng loob na binigay ko sa tao. I’m not expecting her to just forgive me na lang. But I’m willing to do whatever it is para lang mapatawad niya ako. Kung basta-basta na lang ako sumuko noon, hindi na ngayon.”

“Well good luck brod.. alam mo naman siguro na may boyfriend na si Maya di ba? Di rin madali ang pinagdaanan ni James kay Maya so I doubt na bibitiwan lang din ni James ng basta-basta si Maya just because you are Maya’s husband.”

“I know.. at kahit ang marriage lang namin ni Maya ang nag-uugnay sa amin ngayon i still believe its the strongest weapon meron ako over him and I will do my best para di ko yun kailangang isuko, or else wala na talaga.”

Hearing Richard’s words alam ni Fred and Ryan na natauhan na talaga si Richard. They’re happy that finally napag-isipan na ni Richard kung ano yung halaga ng pinaglalaban niya but at the same time, nalulungkot din sila knowing that it won’t be an easy fight for him. Gusto man nilang tumulong pero kailangan ni Richard patunayan ang sarili niya kay Maya.

Six years ago, Richard decided to leave his life in the Philippines para makapag-isip ng maayos. Nung mga araw na magkasama sila ni Maya, ang laging tumatakbo sa isip niya ay para siyang na-trap sa impyerno. Forced into a loveless marriage kung kailan sobrang nag-eenjoy pa siya sa buhay binata at ang hidwaan nilang mag-ama ang mga dahilan kung bakit magulo ang utak ni Richard. He also admitted, isa din ang physical appearance ni Maya that time kung bakit nahirapan siyang tanggapin noon  si Maya. Pero sa kabila ng lahat ng yon, nung mawala si Maya sa bahay  niya, saka pa niya na-realize na unti-unti naman pala niyang natutunang tanggapin kung ano si Maya. He suddenly missed seeing her working in the kitchen, seeing her cleaning the living room. seeing her studying on the dining table while at the same time cooking . He suddenly felt empty in his own home. Naguluhan si Richard sa nararamdaman niya kasi ang alam niya, at lagi niyang gustong iniisip, di niya pwedeng maging asawa ang isang kagaya ni Maya. Pero ng natauhan na siya, saka niya narealize na ang isang kagaya ni Maya ay sapat na pala. More than the physical side, it’s Maya’s personality ang kanyang magandang katangian.

Richard left his company. Nagalit ang papa niya ng nagpaalam siya na pupuntang America sa kasagsagan ng preparasyon ng ama niya  sa pangangampanya. But when he promised that by the time he comes back he will be a better man, hinayaan na siya . His father asked him to think things over between him and Maya. Pinayuhan siyang huwag basta-basta makipaghiwalay and to give each other time para hanapin ang sarili nila and when the right time comes, umuwi siya at ayusin niya ang relasyon nilang dalawa. Sinabi pa ng papa niya na kahit di siya nabigyan ng panahon para kilalanin si Maya, he still thinks na wala ng ibang babae ang para sa anak niya kundi si Maya.

” I can see it in her eyes, son..she is the best woman for you.. I know..iba yung ningning ng mata niya tuwing tinititigan ka niya, naalala ko ang mata ng mama mo… Ganyan na ganyan din kung paano tumingin ang mama mo sa akin noon .. puno ng pagmamahal at pang-unawa. Now, di ko na makikita ulit yon..Sana it would not be the same for you and Maya..Son, find yourself then come back and get her.”

While in the US, madami din siyang naging girlfriends. Some of them binahay pa niya, pero none of those relationships worked. Lagi parin niyang naalala si Maya. Kahit di sila nagtagal ni Maya alam niyang he had the best time of his life. Naranasan niyang paano pahalagahan, respetuhin, alagaan, and hopefully minahal din ni Maya. Pero binalewala niya yon..at nagsisisi siya.

Four years ago, he accidentally came across an article  about the CPA examinees who passed .

5th Lim. Maya Dela Rosa…wow!

More than the news itself, masaya si Richard ng mabasa niya ang kanyang apelyido na kakabit parin sa pangalan ni Maya. He is not the sentimental kind of guy but for the first time naiyak siya sa simpleng bagay na yon. Dahil na rin siguro sa ito lang ang tanging makapagpapatunay na may koneksyon parin silang dalawa ni Maya. It was because of that news article, Richard would always try to search on her online. Social networking sites, news, blogs.. anything, para lang malaman kung ano na ang nangyayari kay Maya. Sa mga konting balita tungkol sa kanya at sa kumpanyang pinagta-trabahuan, unti-unti niyang nakita ang pagbabago sa buhay ni Maya. Nang hindi na makatiis sa kakahanap ng balita sa internet , one day bigla na lang niyang tinanong si Ryan about her. Nagulat si Ryan why all of a sudden na-mention niya ang pangalan ni Maya kaya napa-amin siyang he was secretly following her online. Nalaman niya ang tungkol kay James. He was bothered. Mula noon, di lang si Maya ang kanyang sinubaybayan…sinama narin niya si James Ventura.

Kung di lang sa kontrata ni Richard sa dati niyang employer sa America, sana noon pa siya bumalik. When he heard the news about Maya and James, kakapirma lang niya ng kontrata sa Advertising Agency bilang account manager kaya di siya pwedeng umuwi kaagad. Fortunately, nabalitaan niya mula kay Fred na kinailangan ni James magpunta sa US kaya naging kampante si Richard. Three years after, Richard decided to go home. Sabi nga niya sa sarili niya, it’s now or never.When Richard saw them at the airport, di niya inasahan ang nakita. He thought, he prepared himself well enough pero hindi rin pala. Masakit ang nakita niya pero di niya masisisi si Maya at lalong-lalo na si James. Afterall, who would thought babalik pa siya?

Richard’s thought was interrupted when Ryan nudge at him. He look at him and raised a quizzical eyebrow. Richard saw Ryan puckering his lips to point to someone in the other direction. Richard followed his gaze and saw a couple who just came in, they found an empty table and now they are sitting  few feet away from them.

James and Maya.

“With your situation right now, you know it’s not a good idea to start a fight, right?”

“Of course…pero di naman kailangan makipag-away to do something, right?”

“What do you mean?”

“Don’t worry, wala akong planong guluhin sila..pero di naman ako papayag na wala akong gagawin.”

“Brod, relax okay…huwag mo na lang silang tingnan.”

Huwag tingnan? No way! Di ko sila hahayaang mawala sa tingin ko. Mas lalo ngayon.

Richard saw James raise his wine glass  to Maya. In return, Maya raised hers, tossing their wine glass together. He saw her smiling sweetly to James before drinking her wine too. Both are chatting happily. Maya listen attentively to James. He must be sharing funny stuff, for Maya laugh every now and then, playfully slapping his hand that’s been holding her other hand over the table. She look at him with loving  eyes that Richard felt a little pang of jealousy slowly creeping deep inside his heart.

Damn Maya don’t do that! Don’t look at him like that!

“Brod, hinay-hinay lang..if looks could kill, kanina pa patay yang dalawang yan.”

Fred joke. Ryan and Fred are both grinning when Richard look at them.

 

 

“Sweetheart, okay ka lang?”

Tanong ni James kay Maya ng mapansin nitong namumula na. Hindi alam ni James kung dahil sa kakatawa lang o tinamaan na si Maya ng wine na iniinom. Alam nitong di sanay si Maya na uminom kaya nag-aalala na ito sa kanya.

“I’m fine..sige na tuloy mo na ang kwento mo.”

“No..I think kailangan na kitang ihatid..baka magalit si Nanay at Mamang sa akin nito.”

“Mamaya na please..nag-eenjoy pa akong makinig sa mga kwento mo eh.”

“Alam ko and gusto ko yon..kaya lang po parang tinamaan ka na sa iniinom mo..Sabi kasi sayo kanina drink slowly.”

“Hindi kaya! ”

“Anong hindi? Tingnan mo oh, yung mukha mo  namumula na. ”

“Sir Chief..gusto pa kitang kasama eh..”

Paglalambing ni Maya. Lumapit pa ito konti kay James sabay yakap nito sa braso ni James then rest her head on his shoulder. James kiss her forehead then caresses her cheek.

“Gusto pa din kitang kasama but for now ihahatid na muna kita at takot akong mapagalitan ni Mamang.”

“Hmph! Sige na nga..mas mahal mo ata si Mamang kesa sa akin eh.”

“Paano kung sabihin kong oo? Haha!”

Maya slap his arm then squeezes his cheeks.

“Sige na tayo na..gabi na din may pasok pa tayo bukas.”

James wave his hand to the waiter. Pagkatapos magbayad ay lumabas na sila ng bar.

“Maya pwede kitang maiwan dito sandali? I’ll just get the car.”

“Yeah sure…sige, i’ll just wait here.”

Iniwan ni James si Maya sandali para kunin ang sasakyan. Makaraan ang ilang segundo naramdaman ni Maya ang pag-ikot ng paningin niya kaya napapikit siya ng mata niya sabay hawak sa ulo niya.

Arghhh !

Maya-maya narinig ni Maya ang busina ng sasakyan at nakitang binuksan na ito kaya dahan-dahan siyang bumaba at sumakay.

“Sir Chief, tama ka nga. Tinamaan ata ako dun ah..bigla ako nahilo. Lagot ka kay Mamang hehehe ”

Maya said as soon as she seated herself at the passenger’s side. Pikit ang mata habang kinakapa ang seatbelt para isuot. Buti na lang tinulungan siya kaya hinayaan na lang niya ito. She suddenly felt so weak to move.

“Nahilo ka? Malamang! Ikaw lang ata umiinom kanina eh!”

Naguluhan si Maya ng marinig ang boses sa tabi niya. Kahit nahihilo siya alam niyang hindi kay James yon..

Richard?!

Maya open her eyes at tiningnan ang lalaki sa tabi niya. Di nga siya nagkamali, sa driver’s seat si Richard ang nakita niyang naka-upo at hindi si James.

“What are you doing here?”

“What am I doing here? Kotse ko to..”

Richard started the engine and before Maya knew it papaalis na sila sa harap ng bar.

“Where is James?”

“Pakialam ko sa lalaking yon?”

Narinig ni Maya ang cellphone niyang nagri-ring kaya kinuha niya ito sa bag at sinagot.

“James!”

“Where are you? ”

Narinig ni Maya ang nag-aalalang boses ni James sa kabilang linya. Dahil di pa alam nito ang tungkol kay Richard naisipan niyang magsinungaling.

“I’m sorry..nadaanan ako nina Ryan. Nahihilo na ako kaya sumakay na ako. Sorry.”

“Ryan? Oh, you’re friend..are you okay?”

“Yeah, okay naman…sorry talaga..kita na lang tayo bukas.”

“Yes, but please call me as soon as you reach home. I want to know kung okay ka lang. I’ll be worried kung di ka makakatawag.”

“Okay, I will.. I love you so much.”

“I love you too. Mag-aantay ako ha.”

“Yes, bye..”

“Bye.”

As soon as Maya ended the call. She face Richard with glaring eyes.

“Richard Lim!  Ano na naman to!”

“I’m taking my wife home.”

Kung di lang nahihilo si Maya gustong-gusto pa niya makipagtalo, pero sa kalagayan niya ngayon wala siyang lakas para gawin yon kaya tumahimik na lang siya. Ipinikit ang kanyang mga mata at natulog. Next thing she knew, nasa harap na sila ng bahay nila at ginigising na siya ni Richard. He opened the door for her at inalalayan siya habang papasok sa bahay  nila. Ang nanay niya ang nagbukas ng pinto.

“Anong nangyari?”

“Hmmm tinamaan ata sa nainom niya.”

“Maya, alam mo namang di ka sanay uminom di ba.”

“Konti lang po ininom ko.”

“Halika, tulungan na kitang pumasok sa kwarto mo.”

“Nay, ako na ..”

Inalalayan ni Richard si Maya para pumasok sa kwarto niya. Pagpasok ay agad naman nitong tinungo ang CR, paglabas ay nadatnan nito si Richard na nag-aayos ng higaan niya.

“Oh bakit andito ka pa? Umalis ka na, wala ako sa mood makipagtalo sa’yo ngayon. Bumalik ka na lang bukas para mas patas ang laban.”

“Bumalik bukas? Pinapaalis mo ako?”

“Ano sa tingin mo?..paano ka babalik kung di ka aalis?”

“Sino namang nagsabing aalis ako?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Pumayag na si Mamang at Nanay na dito na ako tumira. Kanina nung nasa office ka, nilipat ko na ang mga gamit ko. Tinulungan ako kanina ni Mamang, nasa loob na ng cabinet ang mga gamit ko.”

“What?!”

Binuksan ni Maya ang cabinet niya at nakita ang mga gamit panlalaki na nakalagay sa loob nito.

 

42 Comments (+add yours?)

  1. Jan
    Sep 17, 2013 @ 05:55:00

    Maya, don’t fall for him right away.. He must experience the consequence of his bad behavior…

    Reply

  2. Crunch
    Sep 12, 2013 @ 14:31:32

    Arrgghh!!! Nakakabitin! Pero ang ganda na! Infairnes.. Titira na sila sa iisang Bahay! Yahoo! Thanks for this! Next Na po please..😀

    Reply

  3. teamSIMON
    Sep 12, 2013 @ 11:24:18

    kaloka🙂 nag move-in na… hehehehe.. winner tong si richard eh🙂 kaya naman pala mabilis na naintindihan ng pamilya ni maya.. in fairness ha the flash sya🙂 hehehe.. pano ka na maya? pano si james? ;( di ko naman pede angkinin si james.. hehehehe.. hay… exciting much na!! thanks ms con🙂

    Reply

  4. maria
    Sep 12, 2013 @ 10:09:12

    basta maya pahirapan ng bonggang-bongga yang richard na yan ok!

    Reply

  5. ghie2013
    Sep 12, 2013 @ 08:53:12

    kalokah! ibang klase ha! pero sige lang richard gawin mo ano sa tingin mong dapat mong gawin para ma-win mo ulit si maya🙂

    Reply

  6. SweetLemon
    Sep 12, 2013 @ 07:55:43

    “Exile” in 6 years? Weh, hindi nga Richard, ganun yun? penitent Lothario ang peg mo?

    Pati ba naman yung self-loathing and self-punishment mo, isisisi mo pa rin kay Maya? Grow up, baby boy…own up to your crime… Nakakainis ka na… and you don’t get our sympathy by being a cry baby… Kahit poging-pogi ka pa…😉

    Reply

  7. catez
    Sep 12, 2013 @ 06:50:22

    ibang klase ang damoves mo richard…….alam mo kung kanino ka dapat magpaalam……sabi mo nga pinarusahan mo na ang sarili mo for the past six years ang tanong sapat na ba yon?……sana nga magtagumpay ka at makuha ang pagpapatawad ni maya……thanks mama minion.

    Reply

  8. Azxeil
    Sep 12, 2013 @ 01:50:51

    hahahahahha…may pagka Speedy Gonzales pala itong si Ricardo sa bilis! Kaloooookkkka

    Reply

  9. merlion of singapore
    Sep 12, 2013 @ 01:20:20

    Hahahahahahahahaha! Hanep s damoves ah richard. Ano yan daanin s santong paspasan ang labanan. Maya wag kang papayag n basta ganun n lang yin. Lumipat k ng bahay o kaya kumausap k ng abogado para s annulment nyo para mataranta at maaligaga c richrd. Do something maya……

    Reply

  10. Eden delacruz
    Sep 11, 2013 @ 23:17:54

    Hay Richard Lim.. Gusto man Kitang Itali ng patiwarik may point k rin nman pero hayaan muna Kitang magdusa… Aba Hindi pwedeng ganun ganun n LNG no…

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: