In My Heart 9

Lumabas ng kwarto si Maya at hinanap ang nanay niya. Nakita niya itong naglo-lock ng main door nila kaya lumapit siya dito. Nakasunod naman si Richard sa kanya.

“Nay! Ano na naman to?”

Scratching her head and briefly stomps her feet like a child.

“Oh! Bakit? ”

“Ano tong sinasabi niyang dito na siya titira at sa kwarto ko pa matutulog?”

Maya is raising her voice in panic.

“Shhh baka magising ang lola mo magagalit na naman sa’yo  yon. Alam mo namang di pwedeng laging nagagalit si Nanay di ba?’

“Nay..”

“Sige na bumalik na kayo sa kwarto ninyo. Bukas na natin pag-usapan to, pag gising ng lola mo, ‘nak. Sige na…Richard, sige na pasok na kayo..”

Naunang tinalikuran ni Maya ang nanay niya at nagdadabog na bumalik sa kwarto. Nakatawa naman si Richard habang nakasunod sa kanya, nang makita siya ni Maya, she is glaring at him then raise her fist.

“Nay oh si Maya!”

“Maya! Ano ka ba..para ka namang bata eh! Sige na matulog na kayo at may pasok pa bukas.”

Nanay Teresita dismissed them. Naunang pumasok si Maya sa kwarto na sinundan naman kaagad ni Richard, takot at baka ilock ni Maya ang pinto. Tumuloy sa banyo  si Maya bitbit ang kanyang pamalit na damit at towel. Nadatnan niyang nakaupo sa couch si Richard paglabas niya ng banyo. Nakapag bihis narin ito ng pajama at white shirt.

“Hoy Richard Lim..diyan ka sa couch matutulog ha. Huwag na huwag kang tumabi dito kung gusto mo pang magising bukas, naintindihan mo?”

“Okay..sinabi mo eh.. di naman kita pipilitn kung ayaw mong magtabi tayo ngayon..but just in case magbago ang isip mo. Kalabitin mo lang ako at willing akong lumipat sa bed mo.”

“Mangarap ka..Pumuti na lahat ng buhok mo sa katawan di yan mangyayari.”

Hinagis ni Maya ang isang unan niya kay Richard na agad naman nitong nasalo. Di maiwasang maamoy ni Richard ang unan ng maglanding ito sa kanyang baba. Naamoy ni Richard ang pabango ni Maya dito.

“Thank you, dahil dito makakatulog ako ng mahimbing.”

Isang pilyong ngiti ang nakita ni Maya sa mga labi ni Richard pagkatapos nitong amuyin ang kanyang unan  kaya inirapan niya ito sabay higa ni Maya sa kama at talikod kay Richard.

 

Kinabukasan, pagkagising ni Maya ay nakita niyang wala na sa couch si Richard at nasa tabi na niya ang kanyang unan na gamit ni Richard that night. Bumangon na si Maya at inayos ang kanyang kama nang marinig ang lagaslas ng tubig  sa banyo. Inisip niyang baka naliligo si Richard kaya naisip niyang ihanda narin ang susuotin niya sa office, binuksan niya ang kanyang closet para mamili na. Inilabas niya ang isang sleeveless dress na kulay off-white at isang brown blazer. Simple lang ang design ng dress nito at tama lang ang haba. Inilabas din niya ang isang pares ng light pink high-heeled shoes. Sinasardo na niya ang kanyang closet nang marinig niya ang pinto ng banyo na bumukas indicating na tapos na si Richard maligo so she grab her towel para siya na naman ang maligo.

“Ay butiki!”

Nagulat si Maya at napatalikod kaagad nang makasalubong si Richard na nakatapis lang ng towel ang beywang. Parang siya pa yung nahiya sa nakita niya.

“RICHARD LIM! ANO BA!’

“Yes, Mrs. Lim? Anong problema?”

“Magbihis ka na nga..sa susunod, huwag kang lumabas ng banyo na di nakabihis o kahit naka-robe man lang pwede?! ”

“Ganun? Bakit eh tayo lang namang dalawa ang andito ah..tsaka malay ko ba gising ka na pala.”

“Tayo nga lang dalawa dito pero di naman tayo close para i-display mo yang katawan mo noh.”

“Sorry..sige na magbibihis na huwag ka na magalit.”

“Ay naku! Umagang-umaga nakaka-stress ka alam mo ba  yon?!”

Pumasok na si Maya sa loob ng banyo para maligo. Habang nasa loob ay nararamdaman parin niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa nakita.

Kainis! Bakit kailangan pa bang dito ka tumira kasi…di na pwede to, nawawalan ako ng privacy.

Pagkaraan ng ilang sandali ay natapos din si Maya na maligo. Wearing her robe and a towel in her head, lumabas na si Maya. Wala na si Richard doon kaya lumabas na rin si Maya para magbreakfast.

“Good morning Nay..good morning Mamang..”

Bati ni Maya sa dalawa sabay halik sa noo ng mga ito ng makita niya ang dalawa na nakaupo na sa harap ng mesa. Nakita din niyang nandoon na rin si Richard at hinihintay siya.

“Oh halika na dito, tumabi ka na sa asawa mo at ng makakain na.”

Uupo na sana si Maya sa tabi ng nanay niya ng makitang sinenyasan siya ni Nanay Teresita na lumipat  kaya agad siyang lumipat sa kabila at tumabi kay Richard.

“Oh sige na, asikasuhin mo na ang asawa mo.”

“Ako? Bakit ako? May kamay siya kaya na niya yan..aray!”

Protesta agad ni Maya kaya nasipa tuloy siya ng nanay niya na naka-upo lang sa harap niya.

“Okay lang po Mamang, ako na…Maya, here mauna ka ng kumuha.”

Iniabot ni Richard ang serving plate na may lamang kanin kay Maya.

“Ay Richard, di yan kumakain ng kanin sa breakfast.”

Iniabot ni Nanay Teresita ang tray na may lamang sliced bread kay Maya.

“Salamat nay.”

“Ahh okay.. you need anything pa? Coffee? Juice? Milk?”

I need you to keep quiet..Pwedeng tantanan mo na ako Ricardo at nabi-bwesit na ako..

Gustong-gusto isigaw ni Maya yon kay Richard pero di niya magawa at nasa harap nila si Mamang. Di na lang niya pinansin si Richard at sinubukang abutin ang bote ng peanut butter. Richard reach for the bottle, open it, then give it to Maya. Di parin umimik si Maya, kahit magpasalamat di niya ginawa.

“Maya, mamaya pala pagkahatid ko sa’yo pupunta ako office. Yung  company ni Papa..ako na ulit ang magma-manage ng advertising agency ngayong andito na ulit ako.”

Anong paki ko kung pumunta ka doon?

Sagot ni Maya kay Richard sa kanyang isip.

“I think Ryan mentioned it to you, dun din silang dalawa ni Fred nagtra-trabaho ngayon.”

Tapos?

“One of these days dadalhin kita dun para makita mo yung company.”

Di ako interesado..

Maya keeps her attention on her food while Richard kept talking kahit wala siyang narinig na sagot ni Maya.

“Maya, how about doon ka na lang magtrabaho sa company natin?”

“Ano?! Natin? Kailan pa naging may-ari ako nun?”

“Oo, para magkasama tayo palagi di ba..and para magkatuwang tayo sa pagma-manage ng agency. Anong say mo?”

“Ang say ko? Wala…”

Pasigaw na sagot ni Maya kay Richard. Natigilan si Richard ng marinig yon pero di siya pinatulan nito.

Kasi wala akong planong makasama ka palagi.

Gusto sanang sabihin yon ni Maya pero pinipigilan ang sarili niya. Naiinis si Maya kasi sinasadya talaga ni Richard na mapasubo siya kasi alam niyang kakampihan siya ng lola niya. Di pa nga sila nagkausap ng lola niya tungkol sa pagtira ni Richard sa bahay nila pati ba naman sa pagtra-trabaho sa agency nito binabalak na din niya. Di niya maintindihan why all of a sudden parang gusto ni Richard na magkalapit sila palagi alam naman nitong mainit pa ang dugo niya sa kanya.

“Maya.. kausapin mo ng maayos yang asawa mo. Huwag kayong laging nagsisigawan.”

“Sorry po…Mang, pwede ka maka-usap bago ako pumuntang opisina?”

“Oo naman..parang alam ko na kung ano yung pag-uusapan natin..Pero pagbibigyan kita, mag-uusap tayo.”

Maya glance at Richard at inirapan niya ito. Nakita ng nanay niya ang ginawa niya kay Richard kaya sinipa na naman siya nito.

“Arrrayyy , nay namumuro ka na ha..masakit na..”

“Kumain ka na diyan huwag kang magsuplada..Richard, huwag mo na yang pansinin. Bilog na naman siguro ang buwan mamaya kaya may topak na naman yan paggising.”

Tumawa si Mamang at Richard sa sinabi ng nanay niya kaya lalo nag-init ang ulo ni Maya.

 

Pagkatapos kumain ay nag-usap si Maya at ang kanyang lola sa kwarto nito.

“Mamang, bakit ka ba pumayag na tumira dito si Richard? ”

“At bakit hindi? Asawa mo siya kaya dapat lang na dito siya tumira. Mas may karapatan nga siyang tumira dito kesa sa amin eh.”

“Ano? Sinong nagsabi niyan? Si Richard?!”

“Hindi…opinyon ko lang yon kaya huwag kang baliw ..Huminahon ka nga.”

“Kasi naman..Mang..pwede bang paalisin na lang natin siya?”

“Apo di mo ba nakikita, nagsisisi na si Richard sa ginawa niya noon. Gusto niyang bumawi at buuin uli yung pagsasama ninyo.”

“Ayoko nga Mang..gusto ko ng magkipaghiwalay sa kanya..alam mo namang may boyfriend na ako di ba, si James.”

“May boyfriend ka nga, pero sa mata ng Diyos at ng batas kasal ka pa din kay Richard. Mas gugustuhin mo bang makasama ang lalaking mahal mo tapos nagkakasala naman kayo o makikipag-ayos ka sa asawa mo? Apo..kaya ako pumayag kasi gusto kong maging maayos ang buhay mo..ayoko maging katulad ka namin ng Nanay mo.. separada.. Ikaw, may panahon kang baguhin ang takbo ng buhay mo. Lumalapit na nga si Richard sa’yo di ba, bigyan mo ng pagkakataong patunayan niya ang sarili niya.”

“Mamang, para namang di mo alam kung ano yung pinagdaanan ko sa kanya di ba? Di yon madali para sa akin, alam mo yon,”

“Oo alam ko yon, pero wala namang taong perpekto ..tsaka binalikan ka niya apo..nagsisisi na siya sa ginawa niya, sana makita mo din yon…Huwag mong isipin na di ko gusto yang boyfriend mo ngayon kasi nakilala ko naman din siya. Mabait na tao at mahal ka, pero aanhin natin yon kung alam naman nating hindi pwede manging kayo kasi kasal ka pa at buhay pa ang asawa mo.”

“Ganun na lang ba yon Mamang? Kasi kasal kami dapat kalimutan ko na lang yong nangyari noon?”

“Hindi sa kakalimutan mo yon, pero gusto ko bigyan ‘nyo ang sarili ninyo ng pangalawang pagkakataon. Ngayon, kung sa pangalawang pagkakataon ay sasaktan ka parin niya, aba mag isip-isip ka na..Hanggat maaari, gusto kong baguhin mo ang takbo ng buhay mo, huwag mong igaya sa amin kung may pagkakataon ka ..Alam ko sasang-ayon din yung nanay mo sa akin, kasi kung noon dumating lang ang katulad nito na bumalik yung lolo o yung tatay mo sa nanay mo..alam ko na pareho naming bibigyan ng pagkakataon sila para makasama ulit.”

“Ewan ko Mang…right now kasi tuwing naaalala ko yung nangyari noon bumabalik ang sakit ..”

“Bigyan mo lang ng panahon Maya..di ka naman minamadali ni Richard eh. Nung nag-usap kami kahapon, alam niyang di mo siya basta-bastang matatanggap ulit pero willing naman siyang patunayan ang sarili niya sa’yo. Huwag ka lang magpadalos-dalos sa desisyon mo.”

“Ewan ko Mang..pag-iisipan ko muna..kailangan pa din naming mag-usap ni Richard.”

 

Pagkatapos mag-usap ni Maya at ng lola niya ay nagpaalam na siyang papasok na ng opisina. Hinanap niya din ang nanay niya at nagpaalam ng aalis na. Paglabas ng bahay ay nadatnan niya si Richard sa labas, naghihintay sa kanya. Nakabihis na rin ito para pumunta  sa opisina. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang gamit niya. Pinagbuksan pa siya ng pinto ng sasakyan bago sumakay si Richard.

“Nagka-usap na kayo ng lola mo?”

Tumango lang si Maya. Ilang sandali lang ang nakaraan ay palabas na ang sasakyan nila ng subdivision.

“Maya, i know you’re upset about our situation. Di pa tayo nagkaka-usap ng mabuti. Pwede mo ba akong bigyan ng oras mamaya? Let’s talk..yung tayong dalawa lang..walang sigawan or anything. Mamaya, over lunch?”

“Busy ako and may kasama na ako mamaya mag-lunch.”

“Please?”

“Okay…Look, bakit pa tayo maghihintay ng mamaya…ngayon na. ”

“Okay, mas mabuti pa nga..I know a  place na makakapag-usap tayo ng maayos.”

Dinala siya ni Richard sa isang park. At dahil maaga pa, walang masyadong tao sa lugar kaya makakapag-usap sila ng maayos. Lumabas sila ng kotse at umupo sa isang bench doon na nasa ilalim ng puno overlooking the pond.

“Maya to start with, gusto ko mag-sorry sa lahat ng ginawa ko sa’yo noon. Sorry sa lahat ng pang-iinsulto at pangmamaliit ko sa’yo. Di mo lang alam kung paano ko pinagsisihan lahat ng yon. I’m so sorry Maya…please forgive me.”

Isang bungtong-hininga ang narinig ni Richard kaya Maya. Nanatili parin itong nakatingin sa palayo na parang nag-iisip.

“Di naman importante kung mapatawad kita o hindi di ba. Bakit ka pa bumalik?”

“Importante sa akin yon Maya kasi gusto ko makapagsimula tayo ulit, this time yung maayos. ”

“Magsimula ulit? Di ba yon nakakatawa, bakit ba bubuuin ulit yung ugnayan natin when we both know yung unang beses tayong nagsama wala namang pagmamahalang involve dun? Ano bang babalikan natin kung wala namang pagmamahalan dun.”

“I know…pero sa konting sandaling nagsama tayo alam ko yung mga sandaling yon ang gusto kong paulit-ulit na maranasan hanggang sa tumanda ako. ”

Maya chuckle. Gently shaking her head.

“Alin dun? Yung pag-aalaga ko sa’yo? Pagliliis ng bahay mo? At pagluluto ng kakainin mo? ..Kasambahay yung kailangan mo Chard, hindi ako.”

“Maya..”

Lumapit si Richard kay Maya at hinawakan ang kamay nito.

“Di naman ganun lang yon ..I could hire someone to do that for me..for us…ang hinahanap ko ikaw.”

“Ewan ko Chard, feeling ko gusto mo lang bumawi sa naging kasalanan mo sa akin  noon kaya bumabalik ka ngayon..”

“Just give me one more chance para iprove ang sarili ko..please?”

“Before ka bumalik Chard alam mo naman sigurong may James Ventura na sa buhay ko di ba?”

“I know..pero di naman kita pipilitin na hiwalayan siya ngayon kasi ang gusto ko makita mo din kung sino sa aming dalawa ang karapat-dapat manatili sa buhay mo.”

“What do you mean? Okay lang sa’yo ang relasyon namin ni James?”

“It’s hard but for now oo, but once you decide either its me or James. If its me, di ko hahayaan may James pa sa buhay mo..but if you decide that it would be James, then i’ll go..I will sign the petition for annulment. ”

“Really?”

“Yes. But can I ask a favor?”

“Favor? Di ba favor na yung pagbigay ko ng chance sa’yo?”

“Please?..”

“Ano ba yon?”

“When I’m around you are my wife and i’m your husband, let’s treat each other that way…somehow it’s fair kasi totoo namang asawa mo ako di ba? ..Deal?”

“Let’s make this clear..wala akong gagawin dito di ba…ikaw lang yung may kailangan patunayan.”

“Yes.”

“I only have to act as your wife when you’re around..and I still can go out with James.”

“Yes.”

“Kapag nakapag-desisyon na ako at si James ang pipiliin ko you are going to sign the petition?”

“Yes.”

“It’s my call ko kailan ko tatapusin ang napag-usapan natin ngayon?”

“Yes.”

“Deal.”

“Really Maya? Payag ka na?”

Maya nod to Richard, confirming na pumapayag sa setup nila. She saw him curve his lips to a smile and felt his hand squeeze hers tightly.

“Thank you Maya..di mo lang alam gaano ako kasaya ngayon.”

“Don’t be too sure Richard…di mo alam kung ano ang pinapasok mo.”

Pagkatapos mag-usap nina Richard at Maya ay umalis na sila sa park. Inihatid ni Richard si Maya sa opisina nito.

“Anong oras ka uuwi mamaya?”

“Di ko alam..”

“Lunch?”

“Di pwede, sabay kami ni James. Kailangan ko na din kausapin si James, ayoko naglilihim sa kanya.”

“Okay..then I will wait for you sa bahay na lang…siguro sa bahay ka naman maghahapunan,right?”

“I don’t know..siguro..teka, bakit ka ba nakikitira sa bahay ko, bakit di ka na lang bumalik sa bahay mo? ”

“Aanhin ko naman ang bahay ko kung wala doon ang asawa ko?”

“Ewan ko sa’yo Ricardo..ginawa mong bahay ampunan ang bahay ko..sige na umalis ka na nga..”

Inalis na ni Maya ang seatbelt at lumabas na ng kotse. Paalis na si Maya ng tawagin siya ulit ni Richard.

“Maya..”

“Yes?”

Sumilip si Maya sa bintana ng driver’s side para pakinggan ang sasabihin ni Richard pero nagulat siya nang biglang inilabas ni Richard ang ulo niya, grab her nape then kiss her on her lips.

“Bye. See you this evening. Ingat ka.”

Nagulat si Maya sa ginawa ni Richard kaya di agad naka-react. Umalis na si Richard pero nakatayo parin si Maya at nakatingin sa umaalis na sasakyan ni Richard. Nang matauhan ay tumalikod na siya at naglakad. Pagdating sa may entrance door ng building natigilan siya ng makita si James na nakatayo doon. Nakita pala siya ni James na lumabas ng kotse ni Richard so he decided to wait for her para sabay ng pumasok sa opisina. Katulad ni Maya, di rin maipinta ang mukha ni James sa kanyang nakita.

 

 

 

 

 

 

 

20 Comments (+add yours?)

  1. Crunch
    Sep 13, 2013 @ 20:21:17

    Arrghhh!!! Nakakbitin!! Next na po please..🙂

    Reply

  2. misschuchy
    Sep 13, 2013 @ 18:23:57

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  3. merlion of singapore
    Sep 13, 2013 @ 00:46:56

    Pag nagkataon c james ang lubos n masasaktan kc mahal n mahal nya c maya. Parang ako ang nahihirapan s set up nila. Hay naku maya ngipin s ngipin ang laban ngayon. Gawin mo rin kay richard ang mga ginawa nya syo dati n mga pagpapahirap at pang iinsulto. Dalhin mo plgi c james s bahy nyo lalo n kapag andon.c richard. Maging extra sweet k kay james kapag andyan c richard. Hmmmmmmmmmm! Affected lang po!

    Reply

  4. SweetLemon
    Sep 12, 2013 @ 22:46:37

    Cge, gusto nya ng chance, eh di ibigay…chance lang naman eh, hindi opportunity to exert himself as her husband…

    marami kapang kakaining pride chicken Richard… Hehehe…

    Hay nako mother, naloloka ako sa kaganapan… Next na please….🙂

    Reply

  5. Bong
    Sep 12, 2013 @ 22:20:32

    Pwede kayang i-post na kaagad ang sunod na chapter…. atat lang😉

    Reply

  6. mschuchy
    Sep 12, 2013 @ 22:13:36

    wow! na realize na ni richard ngayon that he likes maya, despite her physical appearance when they were still living in one roof.

    ang tanong ay kailan makikipaghiwalay si maya kay james

    next na momma minion…

    Reply

  7. chobangs
    Sep 12, 2013 @ 22:08:01

    Hmmm…

    okay, deal.
    Teka lang.. di niya naaalala yung muntikang rape, right?
    hmmm…

    prove yourself worthy Chard.

    Pero ang hirap ng set up nila!!! Di ko alam kung kanino ako masasaktan. Parang silang lahat naman! Deym! What a set up!

    Thanks Mother!

    Reply

  8. Ella✌ (@Ruzel29)
    Sep 12, 2013 @ 21:48:25

    Exciting na ang mga ss na chapter

    Reply

  9. Alpha
    Sep 12, 2013 @ 21:30:04

    Thank you so much ms. Con… Richard-2pts; Maya-0 sa chapter na ito. Talaga bang walang timetable yung second chance na hinihingi ni Richard? E di,pweding magdesisyon agad-agad si Maya nyan pag-uwi nya sa gabi?

    Reply

  10. Arwen
    Sep 12, 2013 @ 21:26:12

    Ang init ng ulo ko!!!

    Reply

  11. purplephoenix
    Sep 12, 2013 @ 21:08:45

    nanlaki ang mata sa kiss at mas nanlaki kasi nandun si james….

    hahaha! may talo asar….

    Reply

  12. aries
    Sep 12, 2013 @ 21:05:21

    Let the game begin!
    Put all your cards Richard at tingnan natin kung bibigay si Maya…

    Thank you Ms. Con! Nasu-surprise ako palagi sa mga twists ng stories mo…

    Reply

  13. Arya
    Sep 12, 2013 @ 20:34:28

    E.X.C.I.T.I.N.G.

    Game on na ba Richard? Ready ka nang patunayan ang sarili mo? Kahit masaktan ka sa huli? Diosme! I have a feeling na luluha ako pra kay Richard. Mala “Secrets” series lang na level ng luha. Pero di bale! Kelangan talagang mapahirapan si Ricahrd sa tindi ng ginawa nya kay Maya eh. So Game! Kaya ko to.

    Salamat Ms. Con! Yahr da best!

    Reply

  14. catez
    Sep 12, 2013 @ 19:46:09

    naku richard alam mo talaga kung sino ang dapat kausapin para di makapalag si maya sa gusto niyang mangyari…..sa nakita ni james na paghalik sa lips ni richard kay maya tanggapin kaya niya kung sabihin ni maya na asawa niya si richard………at ikaw richard kasing bilis ka ng kidlat ang damoves mo…….thanks mama minion sa maagang paglabas ng in my heart 9.

    Reply

  15. charmtaz24
    Sep 12, 2013 @ 19:45:28

    ang DAMOVES…. bow!

    Reply

  16. purplephoenix
    Sep 12, 2013 @ 19:10:01

    time check 7:09 PM.

    aga mother ah. thankie!!! love yah….

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: