In My Heart 10

Galit si James sa nakita niya sa labas ng building kanina, kaya instead na pumasok sa loob ng opisina ay sa rooftop ang tuloy nila. Noon,  dito sila nagpupunta ni James during coffee breaks or when they simply wanted to relax for a short time after a hard day inside the office. Maganda kasi ang view dito especially at night, nakikita dito ang halos kabuuan ng siyudad. Nakakarelax lalo na  pagkasama niya si James. But today, this place will serve a different purpose. For the first time, they’re here together not to relax but for a confrontation.

“Who is he?”

“Si Richard..Look, I’m so sorry James. Di ko alam gagawin niya yon, please believe me.”

“So ..he is back?”

“Yes.”

“Kailan pa?”

“He said magkasabay daw kayong umuwi the other week. He even saw us sa airport, but he showed up at my place few days ago lang.”

Both hands on his waist, he turn to face her now.

“So you’re back together? Is that what that kiss is all about?”

“Hindi..okay I admit, he is asking me for another chance. And kanina..”

“And you said yes? ”

“No, of course not. Look, nakiusap si Mamang kung pwede isipin ko muna ng mabuti before ako magdesisyon na makipaghiwalay. I told her pag-iisipan ko muna but you know naman di ba, matagal ko ng gusto ng annulment sa marriage namin di ko lang masabi kay Mamang kasi ayoko yung bigyan siya ng alalahanin. Kanina nag-usap kami ni Richard before going here and he said willing siya pumirma if ikaw talaga ang pipiliin ko but he is asking me to give him time to prove himself saka na ako magdesisyon kung sino pipiliin ko. If it’s you then he will go and sign the petition…if it’s him..”

Napahinto si Maya sa pagsasalita, nagdadalawang isip kung dapat pa ba niyang ituloy ang gusto niya sabihin.

“If its him, what?”

“If its him, then he said I should end our relationship.”

“What else?”

“Sabi niya whenever he is around, I am his wife. He said di niya tayo pakikialaman ”

“What?! Maya how about me? Paano kung magkasama tayo at andiyan din siya..Maya don’t you think its unfair for me? Mag-asawa kayo, doon pa lang talo na ako.”

“James..sorry for putting you in an awkward situation pero kailangan nating  magtiis muna if it means having my freedom back.”

Nilapitan ni James si Maya at niyakap ito mahigpit.

“I know..it’s just that natatakot kasi ako .. I love you so much Maya and I don’t want to lose you.”

“James, alam mo namang mahal din kita di ba..Please trust me. ”

Di maintindihan ni Maya ang sarili pero nararamdaman niyang  unti-unting tumutulo ang luha niya. Dama niya kung gaano nahihirapan si James sa sitwasyon nilang dalawa. The least she can do it to make him feel secure and loved. She wanted to protect this man who did nothing but love her and make her feel special always.

For days, Maya tried her best not to get distracted by Richard’s presence. Si Richard naman, tinitiis ang sitwasyon nilang dalawa. Every morning hinahatid niya si Maya sa opisina, pagbaba ng kotse si James naman ay naka-abang na sa kanya . It hurts Richard whenever he see Maya run towards James happily, smile at him sweetly then kiss him on his lips. Alam ni Richard sinasadya ni Maya na makita niya yon but he never confronted her kasi napagkasunduan na nilang di siya makikialam sa relasyon nilang dalawa ni James just as long as pumayag na si Maya na hayaan siya sa tabi nito.. At night, he would patiently wait for her to come home. But for Maya ,  as much as possible naghahanap siya ng reason kung bakit di siya nakakauwi ng mas maaga like she used to noong wala pa si Richard sa bahay nila. Whenever her mother would ask her, she would always say meron silang hinahabol na trabaho sa office for a big project, bagay na pinagtatakhan ng kanyang nanay at di naman niya yon ginagawa before. Maya never heard anything from Richard. Hinahatid parin siya ni Richard tuwing umaga sa opisina, even if  meron siyang pagkakataon para magtanong kinabukasan kung bakit late siya umuuwi never nagtanong si Richard. This annoy her even more because she wants him to ask para masabi niyang harap-harapan kay Richard that she is with James. Alam ni Maya aware si Richard sa dahilan kung bakit late na siya umuuwi pero hinahayaan lang siya at pinag-pasensiyahan.

Pero kung hinahayaan lang siya ni Richard, as usual napagsabihan na naman siya ng lola niya. Nagagalit ito kasi daw alam niyang isa sa mga dahilan ni Maya kaya late itong umuuwi ay dahil ayaw nitong makita si Richard. Lagi siyang pina-aalahanan na huwag umabuso at baka maubos na pasensiya ng asawa niya. Lagi na lang siyang nasasabon ni Mamang tuwing umaga.

One night, late ng umuwi si Maya at nadatnan niya si Richard sa kwarto nila na gising pa at may tinatapos na trabaho sa harap ng laptop niya.

“Hi..kumain ka na?”

“Yep, nag-dinner kami ni James.”

“Ah okay..ummm matutulog ka na?”

“Bakit?”

“Pwede ka maka-usap sandali?”

“Tungkol saan?”

“Kasi naisip ko kung pwede tayong bumukod kina Nanay at Mamang?”

“Bumukod? Ano namang naisip mo at isasama mo pa talaga ako? You know very well hindi pa permanente tong set-up natin di ba?”

“I know…pero kasi medyo malayo tong bahay sa trabaho mo and nag-aalala ako tuwing late ka na umuuwi.  Let’s get a place na medyo malapit lang dun para di ka masyadong nahihirapan sa pag-uwi. Kung nagpapasundo ka lang sana sa akin okay lang dito, kaya lang ayaw mo naman. While kung kumuha tayo ng lugar na malapit lang doon di ka na mahihirapan umuwi at di na masyadong malayo ang ipagda-drive mo, at saka para di narin kayo laging nag-aaway ni Mamang . ”

“Saan naman yung place na naisip mo?”

“Here.”

Iniabot ni Richard ang isang brochure na may marka ng isang kilalang real estate company.

“Condominium?”

“Yes. So ano payag ka?”

“Pag-iisipan ko..

Pinag-isipan ni Maya kung sasang-ayon ba siya kay Richard na lilipat sila o hindi. Takot siyang mapasubo sa sitwasyon nilang dalawa pero naisip din naman niyang magandang pagkakataon din ito para mapakita niya kay Richard na wala na siyang aasahan pa sa kanya at naisip din niyang baka kung  sakaling papayag siya ay mas mapadali pa ang pagpirma ni Richard sa annulment papers nila sakaling di na kayanin nito ang ginagawa niyang pagbabalewala sa kanya. Naisip niyang mas magkaroon pa siya ng pagkakataon para mapahirapan si Richard na hindi nag-aalala sa sasabihin ng lola niya. That night, napagdesisyonan niyang pumayag sa gusto ni Richard.

Kinabukasan ay sinabi ni Maya kay Richard na pumapayag siya sa gusto nitong paglipat. Masaya si Richard sa pagpayag niya kaya agad naman nitong binalita ng lalaki sa nanay at lola ni Maya habang kumakain silang apat ng breakfast. Pumayag naman ang dalawa pero di nakatiis ang nanay niya at kinausap na siya kung bukal ba sa loob nito ang pagpayag niya.

“Nay totoo po yon. Di ba kayo naman ang nagsabi na bigyan ko siya ng pagkakataong patunayan ang sarili niya, oh eh di patunayan niya ngayon.”

“Sigurado ka ba dito Maya?”

Nag-aalalang tanong ng nanay niya sa kanya. Di naman makuhang sabihin ni Maya ang tunay na dahilan kung bakit siya pumayag at alam niyang pipigilan lang siya nito kaya isang ngiti at tango ang isinagot ni Maya sa nanay niya para lang makampante ito. Buo ang loob ni Maya na mapatunayan sa sarili at kay Richard na na sila dapat magsama pa kaya gagawin niya ang lahat para matuloy lang ang balak nilang pagbukod sa nanay at lola niya.

Sinabi din ni Maya kay James ang tungkol sa paglipat nilang dalawa ni Richard. Nag-aalala ito sa gagawing pagsama ni Maya kay Richard pero dahil wala naman siyang magawa para pigilan si Maya sa plano niya, pumayag na lang si James.

“Richard, sa weekend pala may lakad kami  at may gagawing Team Management Training. Paano yung paglilipat natin?”

“Don’t worry ako na bahala sa gamit mo. Ilang days ba kayo sa training?”

“One night lang naman. Aalis kami ng early Satuday tapos babalik ng Sunday evening.”

“Okay, ako na lang bahala sa paglilipat ng gamit natin. Fully furnished naman yung condo so wala na tayong aalalahanin.”

 

Gaya ng napag-usapan umalis si Maya that weekend at si Richard ang naglipat ng gamit sa unit nila. Ang di alam ni Richard is pwede namang di sumama si Maya pero mas pinili lang ni Maya na sumama kay James to oversee the training. Gusto lang talaga ni Maya pahirapan si Richard baka sakaling magsisisi sa desisyon niya. Pag-uwi niya diretso na siya sa bagong bahay nila. Maliit lang ang unit, tamang-tama at dalawa lang naman sila pero maganda ang design at ang pagkakadecorate ng unit. She love the combination of earthy colors of the wall and the wood laminated flooring inside.  It was her first time na makita ang lugar since hinayaan niya si Richard na ito na ang pumili ng unit. Sa isip niya kasi wala naman siyang pakialam kung saan sila titira at uuwi lang naman siya doon para matulog,

Hayy ang ganda naman ..kung di lang kita kasama dito palagi ang sarap sanang umuwi at magkulong dito.

“How do you find it? Okay lang ba?”

“Yeah..maganda! Gusto ko.”

“Maliit lang kinuha ko kasi gaya ng sabi mo, we won’t live here pemanently.  Di bale if makakahanap ako ng bahay na malapit lang din sa work mo lilipat tayo.”

“Okay lang to..dalawa lang naman tayo eh and besides wala tayo dito palagi.”

Maya replied as she let her eyes wander, feasting on the beauty of the place. Di maiwasang mapangiti. Richard interrupted her thoughts when he suddenly appeared on her back.

“You must be hungry. Come.”

Richard held her hand and led her to the kitchen. He pulled the chair for her and let her sit.

“Initin ko muna to sandali. Nag-take out ako sa restaurant kanina. ”

Richard explained to her habang kinukuha yung kare-kare sa styro at sinalin sa isang bowl bago binuksan ang microwave.

“Kumusta yung training?”

“Okay lang.”

Richard wanted to start a conversation but Maya took out her phone and keeps typing .

Checking on him?

Kinuha ni Richard ang juice sa loob ng ref at nagsalin sa dalawang baso. Narinig din niya ang microwave na tumunog kaya kinuha na ang ulam at nilagay sa isang tray kasama ng juice saka nilagay sa mesa. Kinuha na din niya ang ibang kakailanganin nila para makakain na. Di maiwasang tumaas ang kilay ni Maya nang makita na pang-dalawahan ang hinanda ni Richard.

“Di ka pa kumain?”

“No. hinintay kita kasi di ba sabi mo ngayon ang dating mo.”

“Mag-aalas dyes na ng gabi..paano kung bukas pa ako umuwi?”

Nagkibit balikaw lang si Richard and stare at her. Richard serve her  plate with rice and Kare-kare.

“Ang OA ha, di ko naman dala ang mga plato at kubyertos para di ka makakain. Di ka din naman nagpapasubo di ba? … Wait, wait konti lang.”

Maya stopped him nang makitang napadami na ang kanin at ulam niya sa plato niya.

“Di ka ba nagugutom?”

“Nagugutom. Layo kaya ng byahe namin..”

“Then you should eat more.”

“No, okay na to..Mahirap naman kasi baka di ko na naman makontrol ang sarili ko mapakain ng marami at tumaba  na naman ako.”

“So? ”

“Ayoko.”

“Okay lang naman sa akin tumaba ka.”

Tumawa ng marahan si Maya ng marinig siya.

“And what makes you think na ikaw ang iniisip ko kaya ayoko tumaba?”

“Bakit, ayaw ba ni James?”

“Bakit mo ba sinasali yung taong wala dito.”

Wala nga ba siya dito Maya? Tuwing kasama kita parang lagi narin natin kasama si James, kala mo ba di ko nararamdaman yon?

Gustong sabihin ni Richard kay Maya ang nasa isip niya pero ayaw niyang makipagtalo. At his status in Maya’s life, alam niyang wala siyang karapatang makipagtalo.

“Sorry.”

They eat in silence, parehong malayo ang isip. Pagkatapos nilang kumain ay nag-offer si Maya na siya na ang magliligpit at maghuhugas ng pinggan kaya hinayaan lang niya ito. Watching her back as he sits at the dining table.

It would be nice to wrap my arms around you and kiss you again Maya, para malaman mo kung gaano kita nami-miss pero… di pa pwede. I can still wait..I have to wait..I have to ..kung ayaw kong tuluyan kang mawala sa buhay ko.

Di namalayan ni Richard na tapos na pala si Maya sa ginagawa niya at nilapitan na siya ulit sa mesa. Nakatunganga parin si Richard na parang malalim ang iniisip habang nakatingin pa din sa may hugasan kaya na-curious tuloy si Maya kung saan ito nakatingin.

Ano kayang iniisip ng mokong na ‘to habang nakatalikod ako kanina. Di kaya pinagpantasyahan na ako nito di ko pa alam.. Hayyyyy nakaka-stress ka talaga Richard Lim!!

“Hoy…hoistt..Richard!”

Nakatingin pa din si Richard doon sa may hugasan kung saan siya kanina nakatayo.

Leche! Saan na kaya dinala ng imahinasyon tong lalaking to!

“Pssttt! Richard….Richard Lim!…hoy, Ricardo!”

Mas itinaas pa ni Maya ang boses niya para lang matauhan si Richard, buti narinig na siya nito.

“Ahh, yes?”

“Anong nangyari sa’yo? Ano bang iniisip mo?”

” Yung kiss..”

“Anong kiss?”

“Kiss? kis-same! Yung kisame..yung kisame ng unit natin okay lang ba?”

Tumingala si Richard kaya napasunod naman si Maya pero napansin niya ang pamumula ng tenga ni Richard kaya na-realize ni Maya na tama yung unang narinig niya. Di tuloy maiwasan na pati siya ay mamula sa naisip niya pero pilit binalewala ang nararamdamang hiya.

Siraulo ka talaga Ricardo..tama nga ako..unang gabi pa lang pinag-pantasyahan mo na ako!

“Tama na yan, saan yung kwarto ko?”

“ahhh yung kwarto natin,halika…”

“Natin? Isa lang kwarto natin?”

“Oo…bakit? Kala ko ba nagkasundo na tayo ako ang bahala sa pagpili.”

“Oo, pero bakit isang kwarto lang?”

“Akala ko ba kung magkasama tayo mag-asawa tayo? Di naman tayo Hapon para magkahiwalay ang kwarto di ba.”

Richard reasoned out, remembering the story his Japanese friend’s story about having separate bedroom from his wife para mas makapagpahinga ito pagkagaling ng opisina.

“But..”

“No buts…halika na. I’ll show you the bedroom.”

Hinila ni Richard si Maya at dinala siya sa kwarto nila. Kung nagandahan siya sa living room and sa kitchen, Mas lalo niyang nagustuhan ang kanyang nakita sa kwarto nila. Aside from the very inviting bed, beutiful interior, and relaxing mood of the room, it’s the view outside the glass window that she love as well. Para lang siyang nakatingin sa isang painting. City lights, the serene beauty of Manila Bay at night, plus the night sky.

“Wow! Tell me this is real! Ang ganda naman! ”

“Yes it is! I know you will like it..Isa sa dahilan kung bakit ko kinuha ang unit na to kahit maliit lang.”

Nanatili si Maya sa may bintana ng kontin pang sandali. Hinayaan muna ni Maya ang sariling pagsawaang tingnan ang view na nakikita sa labas ng bintana bago siya umalis doon at nilapitan para umupo sa kama nila.

“Mabuti pa magbihis ka na at magpahinga..Alam ko pagod ka na.”

“Saan nga pala ang mga gamit ko?”

“Here.”

Pinakita ni Richard sa kanya ang isang room sa tabi ng kanilang bathroom. Isang walk-in closet, nakita niya ang mga gamit nila na naka-arrange na sa loob.

“Sinong nag-ayos ng mga gamit ko?”

“Ako.”

“Ha? Sana hinayaan mo na lang. Kaya ko naman yan eh.”

“It’s okay..wala naman akong ginawa kagabi dito. Ang boring kasi ako lang mag-isa kaya naisipan kong ayusin na lang mga gamit natin. ”

Nahiya si Maya sa sarili niya. She was having a great time kagabi, enjoying the company of James and the rest of the employees tapos si Richard ang nag-ayos ng lahat sa bahay nila. Bigla tuloy siya na-guilty nang maalala ang pagtawag ni Richard sa kanya kagabi pero di niya sinagot at hinayaang mag-ring ng mag-ring ang cellphone niya.

“Sige na magbihis ka na.”

Richard squeeze her shoulder then left her alone. She suddenly felt the urge to hold his hand and tell him that she’s sorry but quickly change her mind. Ayaw niyang isipin ni Richard na bumibigay na siya sa magandang pinapakita ni Richard sa kanya.

Maya was glad that after she step out of the shower tulog na si Richard. He was kind enough to place a large pillow at the middle that would serve as their barrier. Buti na lang at kahit may unan medyo malaki pa din ang space na natira para higaan nila kaya di sila masyadong nahirapan sa pagtulog. Yung nga lang iisang comforter lang ang gamit nilang dalawa. Dahan-dahang tumabi si Maya sa kama nila para di magising si Richard. They are both facing each other kaya malaya siyang titigan si Richard habang natutulog ito.

Sana di ka na lang naging salbahe sa akin noon..sana kung ano yung pinapakita mo sa akin ngayon, ganyan ka rin sa akin noon..Siguro kung di tayo naghiwalay six years ago meron na din tayong anak na kasing gwapo mo..or kasing ganda ko..may hinahatid na sana akong anak sa school..tapos ..teka..ano ba tong inisip ko?..erase! erase! erase!

 

 

Days passed, naging maayos naman ang pagsasama nina Maya at Richard sa condo . Sa isip ni Richard, napabuti ang paglipat nila at kahit papaano ay mas mataas yung panahong nakikita niya si Maya sa isang araw. Kung noon ay nagmamadali na itong umalis patungong opisina at late na umuuwi, ngayon naman minsan nauuna pa itong gumising sa kanya para magluto at tuwing gabi minsan maagang umuuwi na may dalang groceries. Matagal na kasing gusto ni Maya na lumipat sana sa isang lugar na kagaya ng tinitirhan nila noon kaya lang di pumapayag ang nanay niya. Masyadong na-overwhelmed si Maya sa pagkakaroon ng bahay kaya masaya si Richard na makita siyang ganito. Kung di lang sila nagsama dahil sa kasunduan nila, everything would have been perfect. Para na sana silang bagong kasal at nagsisimula ng bagong buhay sa bahay nila.

 

Isang hapon ay tinawag ni Maya sina Doris at Sabel para dalawin siya sa condo nila. Nadatnan siya nina Doris at Sabel na abala sa pagbi-bake.

“Ang bango ah…anong ginagawa mo?”

“I have here cookies, macaroons, cupcakes, may chocolate cake ding kasalukuyang nasa oven.’

Maya replied cheerfully.

“Bakit andami? Anong meron? Teka..housewarming ba ‘to?”

“Hindi..ano ba kayo..sige na kuha lang kayo diyan..may niluto din akong afritada andiyan sa stove di ko pa naisasalin sa seving dish. Kayo na bahala. May naluto na rin akong kanina sa rice cooker…wait lang girls ha, lagyan ko muna ng frosting tong cupcakes.”

“Madami bang dadating Maya at ang dami mong handa..”

“Wala kayo lang!”

“Ano? Susmaryosep Maya, alam naming malaki na kami ngayon,di katulad noon na sexy, pero over ka naman …di naman kami ganyan katakaw para magluto ka ng sangkatutak.”

“Anong meron ba Maya?”

“Wala lang…gusto ko mawala ang stress ko!”

Nagkatinginan si Doris at Sabel ng marinig si Maya. Alam kasi nila pag ganito si Maya nagpapakalma ito sa sarili. Naalala nila noong nagkahiwalay silang dalawa ni Richard. Ilang araw ding ito ang ginagawa ni Maya, ito ang dahilan kung bakit lumaki silang dalawa ni Doris at  Sabel. Dahil sa panahong yon ay walang gana si Maya na kumain at ginawang therapy ang pagluluto, si Sabel at Doris ang lamon ng lamon. Mula noon naging kaugalian na ni Maya na tuwing may problema siya o nai-stress sa trabaho luto lang siya ng luto kaya di na naka-recover sina Doris at Sabel.

“Maya…bakit, ano na naman ang problema mo? Kaka-start ko lang ulit mag-diet at exercise, huwag mo namang gawin sa akin to!”

Naiiyak na sabi ni Doris kay Maya. Alam kasi nilang hindi nila mahi-hindian si Maya kaya pati sila apektado din. Sa mga sandaling yon, alam na nilang dalawa kung bakit nagkakaganito na naman ang kaibigan ..walang ibang dahilan, mula noon hanggang ngayon. Si Richard Lim, ang lalaking may kakayanang magpa-luto kay Maya ng sangkatutak na pastries para sa dalawang matalik niyang kaibigan .

 

 

30 Comments (+add yours?)

  1. ghie2013
    Sep 16, 2013 @ 15:59:25

    Wala pa din next chapter?

    Reply

  2. merlion of singapore
    Sep 16, 2013 @ 14:35:24

    Asan n po ang next chapter please…………….

    Reply

  3. rbb
    Sep 14, 2013 @ 23:09:43

    haist parang my heart goes to richard sa chapter na to, i hope stress si maya dahil ramdam nya na love nya ulit si richard. thanks again for this chapter

    Reply

  4. Crunch
    Sep 14, 2013 @ 20:33:18

    Ahhh!!!!! Kiss-ame!!! Wahaha kinikilig akooo…. Thanks for this!! Til the next one!

    Reply

  5. Jen
    Sep 14, 2013 @ 12:10:17

    Ansabe? Kiss-ame?! Ang lame ng excuse ni ricardo! Hahaha tama yn more, more effort pa. Wg ka munang susuko maya, mga 2 chapters pa muna bago mo patawarin hehe. Thanks ms con!🙂

    Reply

  6. SweetLemon
    Sep 14, 2013 @ 08:57:47

    Maya dear, dahan dahan ka lang girl…don’t give him enough ammunition to say “Now, we’re even.”

    #balimbing

    Hehehehe…sorry naman po…reading back (yes, paulit-ulit ko kaya binasa to) I can’t help but feel sorry for Richard..Maya is doing exactly the same hurtful things Richard did…only this time, unlike him, she can’t hide behind the excuse of youth and immaturity….

    kaya eto, I am now a certified, card bearing Balimbing…. Hahahahaha!!!

    Reply

  7. catez
    Sep 14, 2013 @ 07:03:12

    nawala sa utak ko ang galit kay richard dahil sa pinapakita niya na gusto niyang bumawi kay maya at narealize niya na mahal pala niya si maya…………ano ba yan?mukhang kasama ako ni maya na bibigay na kay richard……….erase erase erase erase……pero para sa akin halos nakabawi na rin si maya sa mga ginawa ni richard sa kanya noong araw………naku maya ano na babagsak na ba ang bandera ni gabriela?…..thanks mama minion sa update sana meron ulit mamaya…..

    Reply

  8. binky
    Sep 14, 2013 @ 05:32:00

    thanks sa update…

    Reply

  9. maria
    Sep 14, 2013 @ 02:49:40

    pa comment po… sorry dear author & readers pero pwede po bang konting pahirap pa kay richard until he told her how much he really love her though he love her that’s why he is doing all this.🙂 then pwede po next chapterssss na agad🙂 sorry if i’m so demanding i’m always looking forward to your new posts about In My Heart coz its indeed a one beautiful story. thank you.

    Reply

  10. banana08
    Sep 14, 2013 @ 01:22:41

    been waiting for this kanina pang 6pm. nakailang refresh na ko! haha. feeling ko hindi lang talaga yun ang dahilan kung bakit gusto ni Richard lumipat ng bahay. Siguro kasi mas magiging madali sa kanya ang pagbawi! ang dami na nyang puntos sa pagpili pa lang ng bahay. ang sakit sa dibdib kasi ang bait bait na nya!at si Maya, buong lakas nyang nirereject si Richard. Team Richard na ko!

    nagigiba na ang wall ni Maya. nasestress sya kasi she’s defying her feelings! kung nakakastress magmahal, mas nakakastress ang pigiling magmahal. complicated talaga! Sana lang masabi nya kay James bago pa sya ang makaalam. James deserve that.

    pero ito ang panalo! “yung kiss… yung kiss-ame” ay wow Ricardo! ang nga nga moments mo antindi! tinalo pa ang lahat ng nga nga moments ni Maya sa lahat ng Fanfics na na-publish! hahaha

    Reply

  11. SweetLemon
    Sep 14, 2013 @ 00:51:42

    Ano ba yan, mukhang pati ako napapalambot na ni Richard Lim…erase, erase, erase…🙂

    Reply

  12. merlion of singapore
    Sep 14, 2013 @ 00:50:12

    Stress n nmn.c mayabels mukhang bibigay n ata s charm ni richard pero paano nmn c james! Hay ano b yan ako ang nahihirapan s sitwasyon ni maya kc wala akong itulak kabigin s 2 adonis n nalalaban para s kanyang puso.

    Reply

  13. purplephoenix
    Sep 14, 2013 @ 00:37:45

    mother bigla akong naging salawahan. di na yata ako member ng GABRIELA/ parang di na makatao si maya. bahala sya pag sya naman ang nakarma. my heart goes for ricardo tonight. huhuhuhu!

    Affected much….

    Reply

  14. Eden delacruz
    Sep 14, 2013 @ 00:35:29

    Ano ba yan.. Mukhang team Richard ako ngayon… Haha hay.. Kabigat sa dibdib.. Mabigat na nga sa dibdib ang bcwmh.. Ang bigat lalo sa dibdib nito.. OA na yata ako sa emotion.. Next chapter sana medyo light naman. Weekend off ko kasi eh para good vibes lang.

    Reply

  15. Alpha
    Sep 14, 2013 @ 00:32:37

    WOW ang dami mong pogi points Richard Lim ha. Prang sosobra sa tally board ko.🙂 Giving your wife her own place, her own kingdom kahit na you’re not sure of anything yet is a risk. Well, she’s worth it. Worth of all your efforts and sacrifices. Kaya sige lang, persevere, strive harder & be more patient for the prize is worth in the end –> Maya’s affection. Si Maya naman stressed, torete at aligaga because Richard is affecting her so much already, in a positive way. How long can Maya hold & control the rein of her heart…for she knows, in her heart, there’s only one person who can affect her mula noon at mag-pahanggang sa ngayon….

    Reply

  16. Arya
    Sep 14, 2013 @ 00:31:32

    Oh God. Na dis-orient nako. Nakalimutan kong kay Richard nga pala ako galit…

    Eto ata ang kauna-unahang ff na nabasa ko na kahit napakalaki ng kasalanan ni Richard eh gusto ko nang magkaayos agad sila ni Maya. Kasi siguro dahil ramdam ko ang pagsisisi nya. Sa iba naman gusto ko syang pahirapan pa. Pero ginawa mo kasi syang Martyr dito Ms Con eh! Gusto ko tuloy syang yakapin nang bonggang bongga.

    Pero sige, kaya pa. Tutal naman hindi pa nya inaamin sa sarili nya o kay Maya na in-love sya eh. Kaya lang Lord nasasaktan na talaga ako para sa kanya!

    Sana pagkatapos nito eh pareho silang baliw na sa pagmamahal sa isa’t isa. Hindi pwedeng kami lang ang nabaliw, aba. Dapat mas lalo sila.

    Reply

    • eden delacruz
      Sep 14, 2013 @ 00:51:02

      natawa ako sa sinabi mo” na sana pareho clang baliw sa isat isa… hindi pwede na kmi lang ang nabaliw”

      Reply

      • Arya
        Sep 14, 2013 @ 22:42:24

        hindi ba sis, talaga naman? ang hirap na kaya ng nangyayari sa atin, tuliro na tayo dahil sa kanila. Kaya damay-damay na. At dapat MAS hibang sila kesa sa atin😀

        Reply

  17. misschuchy
    Sep 14, 2013 @ 00:27:00

    Reblogged this on redroses22 and commented:
    hahaha… well, mukhang balik na si maya sa dati, hindi na siya takot tumaba ulit sa dami ba naman ng pagkaing bi nake at niluto niluto niya…

    thankee mama Minion…🙂

    Reply

  18. chobangs
    Sep 13, 2013 @ 23:56:09

    Reblogged this on random thoughts….

    Reply

  19. chobangs
    Sep 13, 2013 @ 23:51:38

    permission to make mura..

    PESTE!
    nag speed reading ako kasi nasasaktan ako….para kay Richard! Lechugas na green!!

    Sabi ko pa ayoko bigyan siya ng chance, Mother naman eh! huhuhuhu
    Naging santo na ba si Ricardo ngayon?

    ayoko sanang dibdibin, pero hindi keri..affected talaga ako… T T

    at bakeett istris si Mayabels? Affected na din ba siya?

    Reply

    • nylcoen
      Sep 14, 2013 @ 11:24:29

      Ahahahaha pati si Lechugas nadamay sa galit mo kay Richard sis? Kalma,kalma…di pa tapos ..di pa natin alam kung bakit stress si Maya kay Richard😉

      Reply

      • chobangs
        Sep 14, 2013 @ 13:49:48

        hndi na rin yata ako member ng Gabriela Mother…

        ang hirap naman i resist ng martyr na Richard…

        No.Di pwede… kulang pa…
        #MapagtanimPaRinNgGalit hahahaha

        Reply

  20. Alpha
    Sep 13, 2013 @ 23:47:20

    HAHA! thankie ms. Con. 11:53 on my watch…happy reading to all!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: