In My Heart 15

Richard smiles as he put down his phone. He didn’t expect she’d agree but he’s happy she did. Lately, when he is around,  she’s not as grumpy as she was before. Last night he was surprised that she talked to him nicely. He was happy when she sat and talk to him for a few minutes before going inside their room.

Sana tuloy-tuloy na.

Minutes later, Richard saw her at the main door. Richard wave his hand to get her attention and when she saw him she immediately walk towards his table.

“Glad you came or else uuwi na ako at di na din kakain.”

“At bakit? Don’t tell me you asked me out para ako magbayad, lalayasan kita I swear!”

“ha ha ha, hindi no. I just don’t want to eat alone. Matagal na akong kumakain mag-isa, I realized why would I continue doing it if I have a beautiful wife to accompany me.

Richard is not sure kung totoo yung nakita niya or he is just assuming but seems like he saw her blush.

“Oh bakit ka namumula?”

“Ano? Hindi kaya!”

Maya blushed even more. Richard laugh as he sense her discomfort. She’s cute when she blushes and she’s adorable when she whines.

“Okay okay hindi na.. order na tayo bago mo pa ako layasan..”

Richard and Maya opened the menu which was placed infront of them. After going through the list, Richard call the waiter to get their orders. When the waiter approach their table, he smile at Maya.

“Good afternoon Ms. Lim. Good afternoon Sir.”

The waiter greeted Maya with familiarity.  Richard saw Maya nod and smile as well.

“Hi Mark. Yung dati pa rin alam mo na yon kung ano.”

“Okay Ma’am. Kare-kare, plain rice, and Iced tea. How about you Sir?”

Raising an eyebrow, Richard look at her completely surprised.

” Gaya-gaya..Kare-kare din order ko eh.”

“Ano? Ikaw yung gaya-gaya..nauna na kaya ako…”

“Kare-kare din yung sa’yo Sir? How about your drinks? Dessert?”

“I’ll just have water please, please huwag yung malamig medyo sumasakit kasi yung lalamunan ko..ikaw Maya, ano ang gusto mo for dessert?”

“No thanks. as much as possible ayoko mag dessert.”

“Okay..yun lang yung order namin. Thank you.”

As soon as the waiter left Richard started their conversation. Deep inside he is hoping na tuloy-tuloy na ang magandang mood nila since they started with a nice mood earlier.

“So kilala ka na nila dito?”

“Yep, three to four times in a week dito kami kumakain kasi malapit lang sa office. Madali lang bumalik especially pag traffic.”

“With James?”

Richard asked casually hoping that she wouldn’t mind if he mention his name.

“Yeah and sometimes with our co-workers too.”

“Are you sure okay lang kung  dito tayo?”

“hmmm well, okay na hindi okay..whatever..”

“Oh..sorry, I should have asked you earlier kung saan mo gusto. It’s just that di ko inasahan that you would accept the invitation.”

“It’s okay..”

Maya’s lips curve into a smile, assuring him that she understands. In his thought, how he wish she will always smile at him. Her smile warms his heart. Di lang alam ni Maya kung gaano gumagaan ang pakiramdam niya kapag nakikita niya itong ngumingiti siya sa kanya.

“Bakit parang mas paos ka ngayon? Meeting again?”

“hmmm nope, mammaya pa..baka nagbibinata ulit? ”

Richard laugh then followed by a cough, making Maya frown. Obviously he is not okay, pero ayaw lang sabihin. Beneath his eye glasses, nakikita ni Maya na matamlay ang mga na mata ni Richard.

The waiter came back with their orders. Knowing that she only have  little time left, they immediately started eating their food. While at it, Maya can’t help but think about her plan.

“Chard, I have something to tell you.”

A serious look registered in his face,  lips pressed firmly into a thin line, Richard look up and waited. Their eyes meet and instantly Richard know what is coming.

“Maya, can I say something first?”

“yeah..s-sure..ikaw muna.”

“Pwedeng , kung ano man yung sasabihin mo ngayon pwedeng next week na lang?”

Richard can see that Maya is surprise. He might be wrong with what he is thinking right now but he is scared. He just hope she would agree.

“Okay…pero ..”

“Please..”

Naiintindihan ni Maya kung bakit ayaw pa ni Richard marinig kaya tumango na lang ito.

“Thank you..”

Habang kumakain ay napansin ni Maya na parang mas mauubos pa ni Richard ang tubig kesa sa pagkain niya. Bothered by this, she decided to ask.

“Di mo ba nagustuhan ang pagkain mo?”

“Okay naman siya, masarap.”

“Bakit parang ..”

“Okay lang ako..di pa ako gutom. Ikaw, kailangan mo ng kumain at baka ma-late ka na.”

Nang maalala ni Maya ang naiwang trabaho, she started eating again. Nakuntento na si Richard na panoorin siyang kumain. Lumipas ang ilang minuto ay nagpaalam na si Maya kay Richard na babalik na sa trabaho niya. Palabas na sila sa main door ng muling nagsalita si Richard.

“Maya..”

“hmm bakit?”

“Thank you.”

“For?”

“For  spending  your lunchtime with me and most specially for agreeing to wait till next week kung ano man yung gusto mong sabihin. It means alot to me. Alam ko sobra-sobra na yung hinihingi kong favor sa’yo but you still agreed.”

“It’s okay..pagod na din kasi akong makipag-away sa’yo. Gusto kong asarin ka palagi pero parang ako lang yung naasar sa bandang huli…sige na, I have to go.”

“Okay..see you later. Ingat ka sa pag-uwi.”

“Thanks for the treat. Nabusog ako. By the way, later my itetext akong address sa’yo, Puntahan mo.”

Maya said as she hurriedly walk towards the entrance of the GenTube building, leaving Richard confused and excited at the same time. Whatever it is, Richard is just excited kung ano ang magiging laman ng text ni Maya sa kanya.

 

hmmm pumunta kaya siya?

Maya is wondering the whole afternoon. Kanina pa niya tinext yung tungkol sa appointment niya sa doctor. Alam niya kasing di aaminin ni Richard sa kanya na hindi maganda ang nararamdaman niya kaya siya na mismo ang nagpa-appointment sa doctor. After she texted him, wala kasi siyang natanggap na reply kaya di nito alam kung pumunta ba o hindi. Nang di nakatiis, siya na mismo ang tumawag sa doktor niya and ask kung pumunta si Richard pero ang sabi ng receptionis na nakasagot hindi pa raw.

Nakakainis! Ano bang problema niya at di pumunta?

As soon as she ended the phone call, nakatanggap siya ng tawag kaya dali-dali niya itong sinagot.

“Richard!”

“Richard ka diyan! Ako to bruha!”

Nagtaka si Maya ng marinig ang boses babae sa kabilang linya, saglit niyang tiningnan ang pangalan ng tumawag and learned that it’s her friend Sabel.

“Oh sorry! May kasalanan kasi yung damuhong yon sa akin eh!”

“Ano pa bang bago? Six years mo na kayang dala ang kasalanang yan..”

“Yun nga eh! Ngayon naman dinagdagan pa niya..anyway, oh bakit ka napatawag?”

“Mamaya dun sa dating tambayan ha, magkita tayo.”

“Bakit?”

“Basta! Huwag ka na masyadong maraming tanong at di ko rin sasagutin Maya. ”

“Anong oras ba?”

“Around 6 ..Si Doris sinabihan ko na magkikita tayo and pinapasabi niya dadaanan ka na lang daw niya diyan mamaya.”

“Okay..sige..”

Napaisip si Maya kung ano ang magaganap mamaya. Sa boses pa lang ni Sabel halatang good news ang dahilan kung bakit nagyaya na makipagkita.

 

 

Papasok na sa restobar sina Doris at Maya, agad namang nakita ng dalawa si Sabel sitting in one of the tables located at the far end of the room. Kumaway ito sa kanila kaya agad naman nila itong pinuntahan.

“Kanina ka pa?”

“Hindi naman masyado..yung boys pala sabi ni  Ryan susunod na lang. Nasa meeting pa daw eh.”

“May iba pa bang dadating? Bakit good for six?”

“Ehhh..Maya, huwag ka magalit ha..sinali kasi namin si Richard.”

“Dadating din siya?”

“Oo..okay lang ba?”

“Okay lang, bakit naman ako magagalit eh di naman ako yung nagpatawag ng pagtitipon nato noh.”

“Eh kasi…di ba dadating si James, baka kasi sunduin ka mamaya tapos di magustuhan pag nakita na andito din si Richard mag-away pa kayo.”

Naalala ni Maya na di pa pala niya nasabihan ang mga kaibigan niya tungkol sa paghihiwalay nilang dalawa. Gusto kasi sana niyang si Richard muna ang maka-alam bago niya sabihan ang mga kaibaigan pero dahil sa pakiusap ni Richard kanina na ayaw na muna niyang marinig kung ano man ang saabihin ni Maya mukhang mas mauuna pang malaman ng dalawa ang tungkol dito.

“Wala na kami ni James.”

“What?! .. Why? ”

Sabel ask as soon as she heard it.

“When? Where? tsaka How? oh di ba kumpleto!”

Dagdag naman ni Doris.

“Sira ka talaga!  Ano yan bulletin board?..Last night lang..masakit pero kailangan na eh..Ayoko namang masaktan pa si James.”

“Bakit? Nagkabalikan na ba kayo ni Richard?”

“Hindi pa noh..Di pa nga alam nung tao na hiniwalayan ko na si James.”

“Eh, ano ba plano mo? Tsaka bakit ka nakapag-desisyon na hiwalayan na si James?”

“Nakipag-usap ako kina nanay at Mamang about sa desisyon ko. Di ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko ..Kasi di ba, alam naman natin yung tao umaasa na magkakasama kami, na magpakasal kami pero alam naman nating imposible yon. Oo, baka nga ma-grant ang annulment pero di naman ibig sabihin nun pwede na ako magpakasal sa iba..naaawa ako sa kanya, he deserve someone better than me.”

“Sabagay..pero kawawa naman si James noh..ilang taon kaya umasa yung tao.”

Doris said sadly. Kahit di man sila naging close ni James pero sa ilang mga pagkakataong nakasama nila ito naging maayos naman ang pakikitungo nito sa kanila.

“Eh, si Richard ano naman ang plano mo sa taong yon?”

“Gaya ng sabi ko kay James, di ko din alam..gusot ko sana siya kausapin kanina pero sabi niya pwede daw bang next week ko na lang sabihin..baka alam na niya na tungkol sa desisyon ko yung sasabihin ko.”

“Alam mo girl, huwag ka magalit ha..pero naaawa narin kaya kami dun sa tao. Parang nagbago naman eh. Di mo ba nakikita effort niya?”

“Well oo, nakikita ko naman yung effort niya kaya lang para kasing..basta may hinahanap ako na gusto kong gawin niya para masasabi kong mahal niya talaga ako. I mean, yung kay James for four years pinakita niya kung gaano ako ka-importante at ka-espesyal sa kanya. Sana si Richard ipakita din niya yon sa akin. Natatakot kasi ako baka gusto lang niya talagang humingi ng tawad sa akin ,once napatawad ko na siya saka lang niya maintindihan na wala pala siyang pagmamahal sa akin.”

“May point ka naman diyan..”

“Pero girl, try mo kaya..di ba  sabi naman niya sa susunod na linggo mo na lang sabihin..why not use the remaining days na meron ka para tingnan kung magwork kung sakaling suklian mo yung effort niya..”

“Ay tama ka diyan Doris..try mo lang naman Maya..kung okay di mas maganda, tuloy mo na lang but if not, then goodbye na next week..”

Napaisip si Maya sa sinabi ng mga kaibigan niya. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan niya. So far, okay naman na ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. Who knows, baka kung sakaling magkasundo na nga silang dalawa babalik yung dating attraction na meron siya six years ago.

Patuloy sa pag-uusap ang tatlo hanggang sa nakita ni Sabel ang pagdating ni Ryan kasunod si Fred. Unang lumapit si Ryan, pagkatapos magbeso sa tatlong babae ay agad naman itong umupo sa tabi ni Sabel. Si Fred naman, katulad ng ginawa ni Ryan, pagkatapos bumati ay umupo sa tabi ni Doris.

“Asan si Richard? Akala ko ba dadating siya babe?”

Tanong ni Sabel kay Ryan nang hindi makita si Richard na pumasok kasama nila.

“Naghahanap kung saan makaka-parking. Naunahan kasi siyang tumabi dun sa amin kaya pina-una niya na lang kami. Maya, alam mo bang maysakit yon?”

Isang tango lang ang binigay na sagot ni Maya kay Ryan. Inis pa din kasi siya at di man lang pinansin ni Richard ang text niya. Maya-maya pa ay nakita na nila si Richard na pumasok. Lahat sila napalingon kay Richard at hinihintay siyang makalapit sa kinaroroonan nila.

“Sorry natagalan. ”

Lumapit si Richard kay Sabel at nagbeso pagkatapos naman ay kay Doris. Nang makita si Maya na nakasimangot sa kanya ay tinablan ng hiya kaya umupo na lang ito sa tabi at tiningnan lang si Maya. She knows nahalata nito na naiinis siya sa kanya pero wala siyang balak batiin ito kaya di niya ito pinansin.

“Umm kumain muna tayo?”

Sabel tried to lighten the mood. Napansin niya kasi ang biglang pag-iba ng timpla ni Maya. Good thing naintindihan ng ibang mga kasama niya at nika-ayon din. Pagkatapos maka-order habang hinihintay ang kanilang pagkain ay nagusap-usap muna ng kung anu-anong bagay. Panay ang sulyap ni Richard kay Maya, parehong tahimik ang dalawa at nakikinig lang sa usapan ng mga kasama. Nang di makatiis ay bumulong na ito kay Maya .

“Sorry, late ko na nabasa. Nasa meeting ako kanina pagkatapos nating magkita.”

Di parin sumagot si Maya kay Richard. Habang busy ang iba ay panay ang paghingi ni Richard ng sorry kay Maya hanggang sa napilitang sumagot na si Maya.

“Di ka ba nag-aalala diyan sa sakit mo?”

“Kasi malat lang naman ako..wala to. Umiinom naman ako ng gamot.”

“Ano ang silbi ng gamot mo kung di naman yan ang tamang resita para sa’yo? Doktor ka ba ha?”

“Sorry na nga..bukas pupunta ako. First thing in the morning. Pagka-hatid ko sa’yo didiretso na ako sa clinic niya promise.”

“Ummm excuse me..anim po tayo dito oh..bakit nagsasarili kayo diyan?”

Naputol bigla ang usapan nina Maya at Richard ng marinig si Sabel.

“Sorry.”

Sabay na humingi ng tawad ang dalawa.

‘Asuss.. Oh siya kami naman. Sabihin na natin?”

Nakangiti si Sabel at Ryan habang nagtinginan. Napatawa tuloy sila nang makita si Sabel na parang di mapakali.

“Ano bah Sabel…sige na sabihin mo na, para ka namang engot diyan eh..Ano?”

Panay kasi ang ayos ni Sabel sa buhok niya na parang iniipit yung  invisible strand ng hair sa likod ng tenga. Pangiti-ngiti na parang baliw.

“Ano ba Sabel!! Pasensiya kana Ryan pero baka masaktan ko yang jowa mo eh!”

Naiinis na sabi Doris kasi panay parin ang pa-cute ni Sabel, pahimas-himas ng buhok niya at pakagat-kagat ng labi habang panay ang tingin kay Ryan. Paminsan-minsan ay tinatakpan ang bibig na parang gustong sumigaw pero nagpipigil.

“Sabel! Hambalusin kita ng bag ko eh! Ano ba?!”

Naiinis na ding sabi ni Maya sa kaibigan. Napapangiti na lang ang mga lalaki habang tinitingnan ang mga babae sa tabi nila.

“Oh ito na nga oh!”

Hinihimas-himas ni Sabel ang buhok sabay ipit ulit ng invisible strands sa likod ng tenga niya.

“Di nyo parin gets?! Ano bah!! Ang slow nyo naman..oh ito di parin?”

Tinakpan ni Sabel ng dalawang kamay niya ang kanyang bibig sabay tapik-tapik sa pisngi niya.

“Oh my… Totoo?!”

Kung di lang kumislap ang singsing na suot ni Sabel, di maintindihan nina Doris at Maya ang gustong sabihin ng kaibigan nila. Tumili silang tatlo sabay tayo at nagyakapan.

“I’m so happy for you Sabel!! Congrats!”

Saka pa naintindihan nina Fred at Richard kung ano ang nangyayari. Tumayo din sila at nakipagkamay sabay tapik sa balikat ni Fred.

“Congrats brod! ”

“Thank you, thank you..Finally! Pagkatapos ng ilang taon..”

Ryan said happily. It was such a happy ocassion that made Maya and the rest of the girls cry.

“Oh…bakit kayo nag-iiyakan? Di ba dapat si Ryan ang umiyak at sa wakas nabingwit na siya ni Sabel?”

Fred tease Sabel  that made everyone laugh.

“Tseh! Bingwit ka diyan..ako kaya biningwit niya..may bubwit pang kasama..”

“Omygeehhh!”

Sabay na sigaw ulit nina Doris at Maya.

“Buntis ka?!”

Sabel smile and nods her head. Di makapaniwala si Maya sa narinig, deep inside naiinggit siya at fially lalagay na sa tahimik ang kaibigan niya. Bigla tuloy siya napatingin kay Richard na panay din ang ngiti habang pinapanood si Sabel.

“Dapat double celebration tong gagawin natin tonight!”

“Hep! Eh sagarin na natin ang celebration na yan…kasi may sasabihin din kami ni Fred..”

Ngumiti si Doris sabay lingon kay Fref na nakangiti na rin.

“Kayo na? As in official na talaga?”

Tanong naman ni Sabel kay Doris, kinumpirma ni Fred kaya nagtitili na naman si Sabel.

“Congrats! Finally Fred! Ano pumasok sa isip mo at naisipan mong guluhin ang buhay mo?”

Ganting biro naman ni Ryan habang nakatingin kay Doris.

“Tseh! ka din!..itong kaibigan mo kasi, kung di pa ako nakipag-date sa iba di pa umayos.”

“Eh kasi ..malay ko ba..nagkiss na tayo noon, malay ko bang di parin tayo official na magboyfriend pagkatpos ?”

Kinurot ni Doris si Fred sa tagiliran kaya nagsitawanan ang lahat.

“Oh kayo, wala bang good news?”

Richard and Maya look at each other.

“Wala..Ano ba naman kayo. Porke ba may good news na kayo dapat kami rin? Tantanan nyo kami pwede?”

Maya said defensively.

“Weeh?!”

Hirit ni Sabel kay Maya.

“Anong weeh? Wala nga.”

“Eh ano yung sinabi mo kanina na hiniwalayan mo na si James kagabi?”

Nanlaki ang mata ni Doris at Maya ng marinig si Sabel. Dahil sa nasabi, napatakip ng mukha si Sabel at na-guilty sa binulalas habang ang tatlong lalaki naman ay nakatingin kay Maya. Di makapaniwala si Richard sa narinig.

“Is..it true?”

Left with no choice. Kagat ang labi ay tumango si Maya kay Richard.

Sabeellll!! Masasabunutan kita bruha ka!!

 

 

 

25 Comments (+add yours?)

  1. rocsan888
    Sep 22, 2013 @ 22:40:28

    naku sana ilabas na yang mga nakatago dyan, para umandar lalo ang imahinasyon..🙂

    Reply

  2. rocsan888
    Sep 22, 2013 @ 22:32:30

    rest day talaga???

    Reply

  3. ladyflor
    Sep 22, 2013 @ 19:00:16

    habang tumatagal, paganda ng paganda ang story….sana next chapter na po agad.. hehehe

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: