That Girl! 1

Hapon na ng marating nina Maya at ng mga kaibigan niya ang baranggay Poblacion sa maliit na bayan ng San Nicholas. Nakatakda silang mamalagi doon ng tatlong araw kasama ang dalawa sa kanyang matalik na kaibigan na si Doris at Sabel. It was Doris who invited them to join her sa pag-uwi niya sa kanila. May isang linggo pa lang buhat ng magtapos sila sa kurso nilang HRM sa Makati Institute of Technology, at dahil di nakadalo ang mga kamag-anak sa Manila bukod sa kanyang mga magulang, di nila nagawang magdiwang sa Manila at nagplano na lang na isabay na sa fiesta ang selebrasyon ng graduation ni Doris.  Kaya excited din ang tatlo sa maikling bakasyon na ito, bukod sa makapagpapahinga sila sandali bago sumabak sa paghahanap ng trabaho, excited din silang makita ang bayan kung saan lumaki ang matalik nilang kaibigan na si Doris.

Aliw na aliw sina Maya at Sabel habang tinitingnan ang mga dekorasyon ng bawat kantong nadadaanan nila habang nakasakay sila sa tricycle patungong bahay nina Doris.

“Ang ganda naman dito sa inyo BFF ! Tingnan mo oh, ang gaganda ng mga dekorasyong gawa sa recycled materials!” Nakangiting saad ni Maya habang patuloy sa pagsilip sa mga nadadaanang palamuti.

“Tuwing pyesta kasi dito BFF may pa-contest si kapitan. Kung anu-ano na lang. Mula sa kung anong zone ang pinaka-malinis, may pinaka magandang mga dekorasyon, at kung anu-ano pa. Ang kagandahan dito ay yung ginagamit na pangdekorasyon ay yung mga indigenous materials at recycled materials kaya lumalabas ang pagka-malikhain ng mga tao dito.” Doris replied proudly.

“Wow! Ang galing naman!”

“BFF, alam mo di ko masyado na-aappreciate ang mga tanawin eh, malayo pa ba ang sa inyo? Medyo naiihi na din ako eh. Kanina ko pa to tinitiis sa bus.” Reklamo ni Sabel habang nangingiwi na at halata na nag discomfort na nararamdaman dahil sa pantog niya.

“Ay naku pasensiya na BFF, di mo naman kasi sinabi kaagad eh. Manong paki-bilisan na po at baka dito pa magkalat ang kaibigan ko. Nakakahiya naman po.” tinapik na ni Doris ang driver ng tricycle, nag-aalala na sa kaibigan niyang pinapawisan na, natawa na lang si Maya kay Sabel, tinatakpan ang kanyang bibig para kontrolin ang sarili.

“Maya, huwag ka na tumawa diyan. Lalo mo lang ako pinapahirapan eh.”

“Sorry na! Ikaw naman kasi, sinabi ng huwag mag-iinom muna ng tubig at malayo pa ang lalakbayin natin, ayan tuloy. Hoy, pigilan mo pa. Nakakahiya kung dito ka pa magkalat oh.”

“Oo na nga, quiet na nga para maka-concentrate na ako sa pagpipigil ko.”

About ten more minutes pa bago narating ng tatlo ang bahay nina Doris. Pagbaba pa lang sa tricycle ay humanga na si Maya sa bahay ng kaibigan. Kung titingnan mo kasi ito, di mo akalain na may makikita kapa palang ganitong klase ng bahay sa San Nicholas.Yari sa kahoy ang bahay nila Doris, may malalaking bintana. Maya spotted the wooden staircase infront. Kung titingnan mo ang bahay, ma-iimagine mo ang bahay noong panahon nina Rizal at Bonifacio. Feeling tuloy ni Maya, bigla silang nagtime-travel sa panahon ng mga kastila.

Nang makita si Doris ng mga tao na nasa balkonahe ng bahay nila ay nagsigawan na ang mga ito, excited ng makita siya. Lahat ata ng taong nakatira doon ay dumungaw na sa mga bintana nila at kumuway-kuway na kay Doris. Panay naman ang tawag ng mga kapitbahay ni Doris sa kanya at nangungumusta. Nagmukhang celebrity si Doris sa paningin niya.

“Wow BFF,dami mo palang fans dito?” pabulong na sabi ni Maya sa kaibigan.

“Ay naku ganyan talaga ang mga tao dito pag may bagong dating, lalo na pagmatagal na nilang di nakikita. ”

“At saka ang ganda ng bahay ninyo. Para akong nasa era nina Rizal.”

“Oo nga eh, actually sa mga lolo at lola pa namin to. Medyo may mga naiba narin pero as much as possible gusto namin panatilihin kung ano ang original na itsura ng bahay lalo na sa labas kasi maganda tingnan.”

“BFF mamaya na natin i-discuss ang tungkol sa architectural design at kung anu-ano pa. Kailangan ko na talaga tong pakawalan.” pagmamakaawa ni Sabel sa dalawa kaya dali-dali naman silang pinasunod ni Doris sa loob ng bahay nila. Umakyat na sila sa isang mahabang hagdanan na yari sa kahoy. Agad din munang pinagamit ni Doris ng banyo si Sabel.

Masaya ang ibang mga kamag-anak ni Doris ng makilala sina Maya at Sabel. At kahit sa susunod na araw pa ang fiesta ay pinaghanda sila ng pagkarami-raming pagkain ng mga magulang ni Doris.

“Mabuti naman at dumating kayo ngayon, mas mag-eenjoy kayo sa pagdayo ninyo dito sa amin kasi ngayon ang simula ng tatlong araw na pa-bayle dito sa Poblacion.” balita ng nanay ni Doris sa kanila, winagayway nito ang pamaspas ng langaw habang kumakain ang tatlo sa mesa.

“Talaga nay?! Naku, exciting to!!”tili ni Doris habang tinatapik ang mga braso ng mga  kaibigan.

“Pa-bayle? Ano yon?” nakakunot ang noo ni Maya habang nakatitig kay Doris.

“Bayle ang tawag namin dito pa-disco ng baranggay. Dito kasi, tuwing fiesta, kadalasan tatlong gabi yung disco. ”

“Tatlong gabi? ” namangha si Sabel sa narinig, nakakunot din ang noo nito na nakatitig kay Doris. “Weeh?” di parin niya magawang maniwala sa kaibigan pero nang makita nitong tumango si Doris at ang Nanay Ibeng nito ay nanlaki ang mata ni Sabel.

“Paanong tatlo?”

“Kasi may mga nag-iisponsor ng padisco dito sa amin. Kunwari, ngayon sponsored by a certain fraternity, bukas naman sa ibang frat.” paliwanag ni Doris habang kumakain.

“Fraternity? Eh di magulo yon? Ay di bale na dito na lang ako Doris, huwag lang ako masangkot sa gulo ng mga fraternity na yan.”

“Hindi, dito sa amin di katulad nung mga fraternity sa Manila na nagkakagulo at nagpapatayan tuwing nagkakatagpo. Tahimik sa lugar namin, saka usually kasi yung mga leaders ng iba’t-ibang frat dito mga baranggay officials din kaya walang gulo talaga. ”

“Ows? Promise?”

“Promise, cross my heart.. mamatay man si Sabel ngayon.” Doris raise her right hand habang seryoso ang mukha na nakaharap kay Maya. Si Maya naman ay napatawa sa sinabi niya habang si Sabel ay nagreklamo sa narinig.

“Ikaw talagang bata ka oh, pati kaibigan dinadamay sa kakulitan ..oh sige na kumain na kayo para makapagpahinga sandali bago kayo magpunta sa padisco mamaya.”

“Sino nga pala ang sponsor mamaya , Nay?” tanong ni Doris pagkatapos ay sumubo na ulit ng pagkain.

“Rhoans.” maikling sagot ng nanay ni Doris kabang nagsimulang iwagayway ulit  yung pamaspas.

“Ah yung kina tatay.”

“Tatay mo? Member ng isang fraternity ang tatany mo BFF? Wow! Hanep si tatay ah, astig!” bulalas ni Sabel, napahinto ito sa pagsubo.

“Oo, lahat naman ata dito member ng fraternity. Normal lang yan dito sa amin BFF.”

Nagpatuloy na sa pagkain ang tatlo habang masayang nagkukwento ang nanay ni Doris tungkol sa San Nicholas. Di na napansin ni Sabel at Maya na madami na pala silang nakain sa sobrang aliw sa pakikinig sa kwento. Ngagbigay pa ng mga pagkain ng mga kapitbahay nina Doris kaya busog na busog ang dalawa. Nahiya naman kasi silang tanggihan ang mga ito kaya kahit bundat na budat na ay di magawang tumanggi nila, lalo na si Sabel.

Pasado alas otso ng gabi ay naglalakad na ang tatlong magkakaibigan papuntang gymnasium. Doon daw kasi gagawin ang pa-disco ng bayan. Kakatapos lang gawin ng gymnasium na yon at ito ang kauna-unahang activity na ginawa doon. Habang naglalakad ay maraming nakakasalubong sina Doris na mga kakilala niya. Ang ilan ay mga dati niyang mga kaklase at kababata, ang ilan naman ay mga kamag-anak niya. Agad namang niyang pinapapakilala ang mga kaibigan na sina Maya at Sabel sa kanila.

Pagdating sa loob ay naghanap ng mauupuan nila si Doris, agad naman siyang nakahanap ng isang bakanteng mesa sa may paanan ng stage.

“Dito lang kayo ha. Bibili ako ng softdrinks dun.” tinuro ni Doris ang maliit na mesa na nasa gawing kanan nina Maya. May nakita silang nakalatag ng ilang bote ng sofdrinks at ilang inumin, meron ding mga chichirya, yosi at kung anu-ano pa.

“Maya, na-experience mo na ang ganito?”

“Hindi pa Sabel, di ba nga ngayon pa lang ako nakapunta sa probinsiya. Ang saya pala noh? Saka yung mga tao hindi magulo, napaka-friendly at accommodating pa.”

“Oo nga eh. And, take note, para tayong mga artista. Lahat gusto makipagkamay hmmmm, ansaveh?!”

“Napansin mo din pala yon?” then they both giggled.

Napansin nina Maya ang mga taong nagsisimula ng sumayaw sa gitna. Panay ang pasimpleng pagsulyap ng mga binata sa kanila kaya di maiwasang mahiya ni Maya habang si Sabel naman ay pangiti-ngiti lang. Pinanindigan ang celebrity status niya. Ilang minuto ang nakaraan ay bumalik na si Doris sa mesa nila dala ang tatlong piraso ng chichirya.

“Oh, asan an ang softdrinks?” nagtataka ang dalawa ng makitang puro lang chichirya ang bitbit nito.

“Relax…”ngumiti si Doris sa kanila habang inilahad sa mesa ang dala. “Ang pinsan ko na ang magdadala. Oh ito na pala siya.”

Sumilip sina Sabel at Maya sa gawing likuran ni Doris ng makitang lumingon ito at nakita nila ang isang lalaking may katamtamang taas, kulot, at medyo singkit. Nakasuot ito ng sando at cargo pants, may bitbit na tray na may tig tatatlong bote ng softdrinks at baso.

“BFFs meet my cousin Bugoy. Nakatira din siya sa bahay namin pero kanina di na natin naabutan kasi busy sa pagtulong na magset-up dito sa sayawan. Bugoy, ito ang mga matatalik kong kaibigan, ito si Maya.” hinawakan ni Doris ang mga balikat ni Maya habang nakatayo sa likuran nito. “At yang nasa kabila naman ay si Sabel.”

“Hello!” bati ni Sabel habang kumakaway kay Bugoy.

“Hello din Maya, Sabel..sorry di ko kayo nabati kanina sa bahay. Pagkatapos kasi ng trabaho kanina, dito na ako tumuloy para tumulong. ” nakangiting bati ni Bugoy sa dalawa. Inilapag naman nito ang dalang tray sa mesa saka nakipag-kamay sa kanila.

“Ay oo nga pala noh, nabanggit nga ni nanay sa akin noon Insan na may bago kang trabaho ngayon.” Umupo na si Doris sa tabi ni Sabel.

“Ay oo Insan, sa isang construction company sa kabilang baranggay. May ginagawa kasing kalsada don sa San Jose. Naghanap sila ng foreman, eh may experience naman ako noon kaya sinubukan kong mag-apply. Salamat naman at nakuha ako.”

“Mabuti naman yon. Halika upo ka na dito sa amin para may kasama kami.”

“Ay teka. Kasama ko kasi mga boss ko. Inimbitahan ko sila dito. Teka lang ha. Balikan ko muna baka hinahanap na ako.”

“Ay sayang naman. Sige kita na lang tayo sa bahay mamaya.”

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaalam na si Bugoy. Nagsisimula na ding dumami ang tao sa loob ng gymnasium at unti-unti ng dumami ang mga taong nagsasayaw sa gitna. Napansin din nilang unti-unti ng lumalakas ang music  kaya kung mag-usap na sina Maya ay halos pasigaw na at di na nila gaanong naririnig ang isa’t-isa. Samantalang, gustuhin man nilang  makisayaw din, nahiya naman silang makipagsiksikan sa mga tao kaya nagkasya na lang silang manood.

Habang naaliw sina Maya panoorin ang mag nagsasayaw ay bumalik naman si Bugoy sa kanilang mesa. This time, may kasama ng ilang mga kalalakihan. Nang makita ang mga ito, agad nilang naisip na ito na marahil ang mga sinasabing boss ni Bugoy kanina.

“Insan, dinala ko na dito ang mga amo ko para naman bukod sa akin ay may kasama din kaming ibang tao sa mesa para di boring.”

Isa-isang pinakilala ni Bugoy ang mga kasama nito. Sina Ryan, Fred, and Richard. Si Doris naman ang nagpakilala sa kanila. Sila ang mga engineers ng construction company kung saan nagtra-trabaho si Bugoy. Looking at them, alam na kaagad ni Maya na hindi taga San Nicholas ang tatlo. Parehong magandang magdala ng damit, matatangkad, at mukhang mga kagalang-galang. Pero sa kanilang tatlo, kay Richard siya napatitig.

Matangkad, chinito, gwapo, at higit sa lahat mukhang mabango. Hmmmm mabango ka nga bang talaga o mukha lang?

Di maiwasang mapaisip ni Maya habang nakatitig siya sa lalaki. Nakipagkamay ang mga ito sa kanila.

“Come join us. ” Anyaya ni Doris sa mga bisita ni Bugoy. At dahil kulang ng silya, naghanap si bugoy ng bakanteng silya para sa kaniyang mga bisita. Pagbalik niya ilang minuto ang nakaraan ay kanya-kanya ng hanap ng pwesto sa maliit na mesa.

Napangiti si Maya ng sa di inaasahang pagkakataon ay pinili ni Richard na umupo sa tabi niya. At dahil sa maliit lang naman ang mesa nila, di maiwasang magsiksikan ang lahat. Sa sobrang lapit nila sa pagkakaupo, naaamoy na ni Maya ang mabangong perfume ni Richard.

Mabango nga, in fairness.

Maya smiled secretly . Ang buong akala ni Maya ay successful siya sa pagtatago ng ngiting yon pero nagkamali siya. Nagulat siya ng bigla niyang naramdaman ang pag apak ni Doris sa kanyang paa.

“Ouchhh!” hiyak ni Maya dahil sa sakit. Buong akala niya si Richard ang naka-apak pero ng silipin niya ito sa ilalim ng mesa ay nalaman niyang si Doris pala ito. Nang tingnan niya ang kaibigan ay nakita nito ang isang makahulugang ngiti nito sa kanya. Bigla tuloy siya napatungo para iwasan ang tingin ni Doris.

Sa tagal ng pagkakaibigan nilang tatlo, alam na ng bawat isa ang bawat titig at galaw ng isa’t-isa. At sa pagkakataong ito, napansin ni Doris na  napukaw ni Richard ang interes ni Maya.

17 Comments (+add yours?)

  1. Trackback: Happy New Year! | liplockinlove
  2. misschuchy
    Nov 15, 2013 @ 09:13:52

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  3. bethskie8
    Nov 13, 2013 @ 01:55:07

    Thank you, meron k na uling bago. Missed reading your strories. Good luck with this one. Will anticipate the succeeding chapters. God bless.

    Reply

  4. ayeth
    Nov 13, 2013 @ 01:44:03

    yes at last….meron na naman akong susubaybayan….na-miss ko yung stories mo sis!

    Reply

  5. ghie2013
    Nov 12, 2013 @ 22:16:32

    Yes! May bago na naman akong aabangan😉

    Reply

  6. rbb
    Nov 12, 2013 @ 21:34:50

    Welcome back Ms Con. We miss you.

    Reply

  7. myrnavp
    Nov 12, 2013 @ 19:37:28

    ay salamat nakita din kita ms. con…i missed ur stories…i was going to email u pra kumustahin ka….and thank u at mapapangiti mo na naman kami hehe! God bless u!!!

    Reply

  8. catez
    Nov 12, 2013 @ 18:38:55

    mama minion namiss kita……….buti na lang may bago kang story para sa mga adik at minions……..hmmmmm……ano kaya ang magiging tema nito…….mama minion huwag sanang parang “the willing captive” ayokong tumayo balahibo ko……..hahahaha!!!!!! mukhang maraming kilig na mangyayari dito……..sana please!!!!!!!!! thank you for this and WELCOME BACK!!!!!!!!!!!!!

    Reply

    • nylcoen
      Nov 12, 2013 @ 21:28:12

      Thank you sa masigarbong WELCOME BACK mo Catez🙂

      Alam ko na kung bakit naisip mo yung TWC, dahil nasa San Nicholas ang setting? hehe. Don’t worry, wala ng mumu dito..how about alien? joke!

      Reply

  9. jennylovesyou
    Nov 12, 2013 @ 17:42:21

    Welcome back Miss Con!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: