That Girl! 2

Buong gabing magkasama ang grupo nina Doris at grupo nina Bugoy. Kahit first meeting pa lang wala namang ilangan na naganap. Kung anu-anong kwento na lang, mula sa mga kwento tungkol sa pamumuhay sa San Nicholas hanggang sa napunta ang usapan tungkol sa trabaho nina Bugoy. Nalaman ni Maya na si Richard pala ang anak ng may-ari ng DRL General Services habang sina Ryan at Fred ay mga engineers ng kumpanya. And since, nag-iisang anak lang si Richard ng kanyang mga magulang, technically ito na rin ang magmamana ng kumpanya.

“Fred, gaya ninyo empleyado lang din ako ni Papa. Di pa akin yon so please stop saying na boss ninyo ako.” pagpapakumbabang sagot ni Richard ng marinig ang pagbibida ni Fred sa kanya sa mga babaeng kasama that night. Tuwing naririnig niya yon galing sa ibang tao, di niya maiwasang mahiya. It’s not because nakakahiya maging anak ni Don Roberto Lim o maging tagapagmana sa negosyong pinundar ng kanyang ama pero mas gusto sana niyang marinig na galing sa sariling sikap at hindi dahil sa mana lang ang kung ano ang meron siya ngayon.

“Richard, kahit ilang beses mo yang itanggi, di na mababago ang katotohanang ikaw ang may-ari ng kumpanya. ” nakangiti si Fred habang nagpapaliwanag. Napailing na lang si Richard ng marinig yon.

“Tama na nga yan, kayo girls, kwento naman kayo ng tungkol sa inyo.” saway ni Ryan sa dalawa at ibinaling ang atensyon sa mga dalagang kasamsa sa mesa.

Si Doris na ang nagkwento ng ilang mga bagay tungkol sa kanila. Nagulat pa sina Richard ng malaman na bagong graduate pa lang ang tatlo. Nang malaman ng tatlo na pagbalik sa Manila ay maghahanap na sila ng trabaho ay agad namang nag-offer ng tulong ang tatlo.

“I know someone na may restaurant baka meron silang bakante. I could recommend you.”

“Ay salamat po Sir, sige po try naming tatlo mag-apply doon baka swertehen. Saan po pala yung restaurant ng kaibigan mo?” agad namang tanong ni Sabel ng marinig ang tungkol sa possibleng bakante na trabaho.

“Please don’t call me Sir. Richard na lang pwede? Kung sila nga na kasama ko sa trabaho Richard lang tawag sa akin, kayo pa na hindi. And besides mas gusto ko tawagin ako sa first name ko lalo na pag nasa labas para di formal.” ngumiti lang sina Maya at sabay na tumango sa kanya . “Familiar ba kayo sa Kendra’s Resto? ” pagpapatuloy ni Richard, nagtinginan ang tatlong babaeng kasama nila habang nakangiti. Looking at their reaction alam kaagad ni Richard na familiar na sila sa sinabing restaurant.

“Naku Richard, kung suswertihin naman oh. Paborito naming kainan yan and malapit lang din sa apartment na tinutuluyan namin. Sana nga may bakante sila noh?”

“Ganun ba? Eh di tamang-tama pala. Don’t worry I will personally ask my friend and recommend you girls kung sakaling meron nga silang bakante. Ganito, why don’t you give me your numbers para matawagan or matext ko kayo. How about that? Okay lang ba?”

Nang marinig yon ni Maya, she was secretly hoping na siya yung maisipang tawagan ni Richard. Agad din naman nilang binigay ang cellphone number nila kay Richard. Habang busy si Richard sa pagtipa sa cellphone niya, Maya  was hoping na hindi lang hanggang sa paghihiwalay nila mamaya ang pagkakilala nila but longer pa. As to how long, di niya alam . Ang alam lang niya interesado pa siyang mas makilala pa si Richard. More than the physical attraction, it’s his personality ang nagustuhan ni Maya sa kanya. The way he talks and carry himself, are just two of his qualities na nagpa-impress kay Maya. At dahil dito, mas ninais pa ni Maya na mas makilala pa si Richard Lim.

Di nagtagal ay nagkayayaan na sumayaw, the part na pinaka-ayaw ni Maya. Kahit anong pilit pa ng mga kaibigan, di talaga nila napilit si Maya na sumayaw and surprisingly, and to her delight, nagpa-iwan rin si Richard at ayaw din daw niya sumayaw kasi di  siya marunong so umalis na lang ang iba at nakipagsiksikan sa gitna ng gymnasium. Si Maya naman, kahit di magawang ipakita ngiti niya, deep inside ay nagdidieang si Maya.

When everyone left, it was Richard who started the conversation. Buong akala ni Maya na medyo magkakailangan sila sa simula kasi di naman sila talaga magkakilala ng matagal na pero nagkamali si Maya. Masarap itong kausap at panay pa ang pagpapatawa kaya naging comportable na din si siya. Mabuti na lang at di kaagad bumalik ang mga kasama nila kaya madami din silang napag-usapan ni Richard at nakakatuwang isipin na kung saan-saan na lang napadpad ang usapan nila at di man lang nila namalayan ito. Pagbalik pa ng mga kaibigan nila patuloy parin silang dalawa sa kwentuhan at di na nagawang pansinin ang mga kasama.

Quarter to 2 a.m na nang magdesisyon sina Maya na umuwi na. Laking pasalamat naman nila at gentlemen ang mga kasama , they offered to take them home. Buti na lang at ang crew cab pick-up ang dala ng boys kaya kasya silang pito. It was Fred who drove at dahil sa gusto ng girls na sa likod na pumwesto, tinabihan na ni Bugoy si Fred para na rin ma-guide niya kung saan ito dadaan,  while the rest ay nasa likod na, enjoying their chit chats and the  cool wind outside all throughout their ride home.

Ten minutes passed at narating na din nina Maya ang bahay nina Doris. Everyone alighted from the vehicle to bid the girls and Bugoy goodbye.

“Bye, salamat sa paghatid. ” Sabel wave her hand.

Maya stayed beside Doris, arms hooked together. Nakisabay na din siya sa pagpapasalamat ng mga kaibigan kina Richard for bringing them home. She truly enjoyed the night. She enjoyed it di lang dahil sa pinuntahang sayawan, but mostly because of the great company that night. Muling sumakay ang tatlo sa pick-up, this time sinamahan na si Fred sa loob . Pagkaraan ng ilang sandali ay tinatanaw na ng apat ang  sasakyan habang papalayo sa lugar nila.

Naunang umakyat si Bugoy sa loob. Sabay-sabay na din ang pagtalikod nina Doris para umakyat kasunod ng pinsan nito ng marinig nila ang pagtunog ng cellphone ni Maya. Nang kunin niya ito sa cellphone niya ay nagtaka siya na isang unregistered number ang naka-display sa screen.

“Huh? Sino kaya to.” nang marinig siya nina Doris at Sabel ay napasilip din ito sa cellphone niya. Pagpindot ni Maya para mabasa ang text ay sabay nila itong binasa.

 “Hope you had fun tonight. I enjoyed your company. Sleep tight. Save my number.  – Richard”

Nang mabasa ng lahat yon ay pigil ang tili ng tatlo. Si Maya naman kahit nahihiya, nangingibabaw ang kilig.

“Ay alam na! Attracted ka din sa kanya noh?’ tanong agad ni Doris habang nakangiting hinila-hila yung kamay niya dahil sa kilig. Ng tumango siya ay sabay-sabay silang tatlong nagtakip ng bibig para pigilan ang ingay na lumabas sa bibig nila.

“Halata ba?!” tanong ni Maya sa mga kaibigan.

“Hindi naman, hindi ka nga namin nahuli ni Sabel kanina na titig na titig sa kanya habang nag-uusap kayo!” kwento pa ni Doris.

“Siguro BFF attracted din yan sa’yo. Ikaw lang ang tinext eh.” gatong pa ni Sabel kaya isang pigil na sigaw ang pinakawalan ni Maya habang nakatakip sa bibig niya.

“Ay wala na..naloka na tong kaibigan natin. Mabuti pa pumasok na tayo at baka magsilabasan pa yung mga kapitbahay namin.”

Dahan-dahang umakyat sina Maya sa hagdanan. Ingat na ingat na di makagawa ng anumang ingay para di magising ang mga  mahimbing na natutulog na kapamilya ni Doris. Pagkatapos magbihis ng tatlo ay natulog na din ang mga ito na magkatabi sa malaking kama ni Doris sa kwarto nito.

Kinaumagahan ay tanghali na sila ng magising. Desperas ng fiesta kaya pagkalabas nila ng kwarto ay agad nilang napansin na abala ang lahat sa paghahanda. Gusto sana tumulong nina Maya pero pinagbawalan sila ng mga magulang ni Doris, sa halip ay inutusan ang anak na ipasyal muna ang mga bisita nila. Dinala ni Doris ang mga kaibigan sa plaza. At dahil desperas na nga, marami ng tao doon at may perya pa kaya nag-enjoy sina Maya. Nang magutom naman ay dinala sila ni Doris sa isang kilalang restaurant sa San Nicholas na kilala sa mga native delicacies nito. Habang hinihintay ng order nila ay naisipan naman ni Maya na i-check ang cellphone niya dahil di niya ito nagawa mula ng pagkagising niya . Nagulat si Maya ng makita na kabilang sa mga new messages na natanggap galing sa mga kaibigan at magulang sa Manila ay ang text na galing ulit kay Richard. Napangiti siya habang binubuksan ang text.

” Good morning. Hope you slept well. Any plans for tonight? “

“BFF!!!” Maya squealed. Nagulat ang dalawa sa tili ni  Maya. Nang makitang hawak niya ang cellphone niya alam na agad ng dalawa ang dahilan kung bakit.

“Ano sabi ni Richard?”

“May plano raw ba ako para mamayang gabi?!!”

“Date?” Doris and Sabel asked while grinning at her.

“Ewan! Siguro..baka! Oi ano isasagot ko?” Maya suddenly panic, buti na lang at di siya nakikita ni Richard or isa siyang malaking kahihiyan para sa angkan ng mga Dela Rosa.

“Eh di makipagkita ka.” Sabel replied.

“Okay lang kaya? Baka kasi..” pag-aalangan ni Maya. Naisip niya kasi baka kung ano ang isipin ng mga tao sa kanya.

“Maya, sa susunod na araw aalis na tayo, di na kayo magkikita after that. Enjoy-enjoy din pag may time!” ngumiti at kumindat pa si Doris ng sabihin ito kay Maya. “Alam mo ba kung ano ang gusto ko isuggest sa’yo?”

“Ano?” Maya got curious lalo pa ng makita ang nakakalokong ngiti ng kaibigan.

“Di naman siguro masama maging wild minsan.. di ba?” palipat-lipat ang tingin ni  Doris sa dalawang kaibigan. Si Sabel naman mukhang sumang-ayon din sa sinabi niya at nakipag high-five pa sa kanya.

“So ano Maya, GAME?” tinitigan ng mabuti nina Doris at Sabel ang kaibigan nila. Nakangiti habang nag-aantay sa kanyang sagot.

Hmmm… Game!

Maya smiled mischievously.

 

12 Comments (+add yours?)

  1. misschuchy
    Nov 15, 2013 @ 09:14:21

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  2. rocsan888
    Nov 14, 2013 @ 21:12:53

    Nice cover Con! Cool to the eyes!

    Reply

  3. LovelyPink ♥♥♥
    Nov 14, 2013 @ 15:55:50

    Welcome back sis!
    Ang tagal mo din nawala ah!..,.nagkaka-miss mag abang sa stories mo.,,
    Ang bilis naman ng damoves ni Ricky (bet ko yan)!!

    Reply

  4. paupau14
    Nov 14, 2013 @ 02:39:17

    hahahaha!! GAME!!! anong kalokohan nnmn kya naisip ng DorBel.. xD

    thankie for the update..

    Reply

  5. Eden delacruz
    Nov 13, 2013 @ 22:28:24

    Ang bilis ni Richard…. Date agad !!!

    Reply

  6. Alpha
    Nov 13, 2013 @ 21:24:06

    HELLLOOOWWW Ms. Con, i’m so glad you’re back here…& that means may bagong pagpupuyatan at pagpipiyestahan ang mga minions araw-araw at gabi-gabi. Naku, hindi ko nga kayo na-welcome sa first showing nito kahapon. hehe! HALA! sa ano kaya nag-game si Maya? Eeeiihhh! attracted sila sa isa’t isa. Love at first sight ba ito? Thanks Ms. Con.

    Reply

  7. pekotalasa
    Nov 13, 2013 @ 20:49:07

    Ah exciting naman! Next na pls….

    Reply

  8. catez
    Nov 13, 2013 @ 20:24:18

    naku ano kaya yun? Wild anong klaseng pagka wild ang iniisip ni doris………haaay naeexcite tuloy ako sa kasunod…..mama minion salamat sa update.

    Reply

  9. gianni96950
    Nov 13, 2013 @ 19:52:44

    hmmm…ano kayang kapilyahan ang naisip ng dorbel??? exciting…:)

    Reply

  10. myrnavp
    Nov 13, 2013 @ 19:39:27

    hmmm….exciting…hahaha….katuwa…gustong gusto ko pramis…cant wait for the next update….thnx and GOD bless

    Reply

  11. charmtaz24
    Nov 13, 2013 @ 19:09:24

    Game daliiii!!!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: