That Girl! 3

They agreed to meet that night. Kasabay pa din ng mga kaibigan nila, dumalo ulit sila sa pa-disco ng baranggay sa gymnasium. Unlike the other night, di na naglakad sina Maya, Doris, at Sabel papuntang gym kasi sinundo na sila nina Richard. Di rin gaya nung nakaraang gabi na nagsisiksikan sila sa isang maliit na mesa, nakahanap sila ng magandang pwesto kaya kumportable silang lahat sa pagkaka-upo. Magkatabi si Richard at Maya.

The whole time na andun sila sa sayawan, sila lang palagi ang magkausap. At dahil parehong ayaw sumayaw, sila lagi ang naiiwan sa mesa habang ang iba ay nakikipagsiksikan sa gitna para sumayaw. She really enjoyed his company. Kahit ano kasing topic na napag-uusapan nila kaya di boring. Kahit gaano ka babaw ang topic parang laging masaya ang usapan. It helped na mahilig magbiro si Richard kaya good vibes palagi si Maya habang magka-usap sila.

“You know what, gusto kong naririnig ang pagtawa mo. Ang cute mo lalo pag ngumingiti ka.” Richard smiled and looked at her, straight in her eyes. Nahiya tuloy si Maya kaya biglang binawi ang tingin kay Richard at napainom ng softdrinks.

Toink! Ang laking tangengot ko lang!

Gustong iuntog ni Maya ang ulo niya sa pader nang paghigop niya tumunog ang at wala na palang laman ang bote. Gusto niyang takpan ang mukha sa hiya. Pakiramdam ni Maya umabot hanggang daliri ng paa niya ang init na nararamdaman.

“Oh wait, I’ll get you another one.”

“No, huwag na..”

Damn! Umalis ka na, huwag ng magpapigil pa at ng makahinga ako sandali

Ito ang bagay na naglalaro sa isip ni Maya ng mga sandaling yon. Buti na lang at sumang-ayon ang mga bituin kay Maya at di nagpapigil si Richard.

“No, sandali lang.” tumayo na si Richard at nagtungo sa sulok ng gym kung saan may nagtitinda ng mga softdrinks.

Whew! Ang bilis mo Richard ha. Kinabahan ako dun!

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ni Maya nang masigurong di na siya naririnig ni Richard. Tinitigan niya ito habang bumibili ng softdrinks niya. Di niya na talaga maide-deny pa, attracted siya kay Richard. Naalala niya ang usapan nila kanina nina Doris nang hinamon siya nitong itry makipag-fling kay Richard tutal isang araw na lang at pabalik na sila.

“BFF halata namang gusto ka rin ng tao kaya huwag kang mag-alala. Besides, fling lang naman. Konting charot lang habang nagbabakasyon tayo. Masaya yon, pero dapat alam mo ang limitasyon ha.” Doris explained. Sinang-ayunan naman ito ni Sabel.

“Oo nga..huwag ka lang sumobra. Pampakilig lang kumbaga habang andito tayo. Unless plano mong magseryoso sa kanya syempre ibang usapan na yon.” napaisip si Maya sa sinabi nila.

Hmmm game! Gusto ko rin naman kiligin paminsan-minsan.

Bumalik na si Richard dala ang isang bote ng softdrink at isang beer. Nagtaas siya ng kilay ng makita ang beer.

“Ahh, don’t worry. Akin yan. Wala akong planong lasingin ka.”

“Aww sayang naman, kala ko pa naman akin yan.” biro ni Maya kay Richard. Nakita niyang nagulat ito sa kanyang sinabi kaya napangiti siya.

“So umiiom ka pala?” Richard took his place beside Maya once again.

“Oo naman, pero paminsan-minsan lang. ”

“Gusto mo? ” He offered his beer. Nahiya naman si Maya na tanggihan si Richard after niyang umamin, sabihin pa nitong pa-arte effect pa siya kaya tinanggap niya ito. Ngumiti naman si Richard  sa kanya.

Habang nag-uusap sila ay siya naman ang pagbalik ng mga kaibigan nila sa mesa kaya di na nila nagawang tapusin yung napag-usapan nila kanina. Nang makita ang beer ni Maya, na-engganyo ang iba at bumili na din ng tig-iisang bote. Napasarap lalo ang usapan ng lahat at nadagdagan pa ang nainom ng boys.

Maghahating-gabi na ng magdesisyon silang umuwi. At dahil sa nakainom na, di na pumayag ang girls magpahatid kina Richard. Natakot baka madisgrasya kaya nagpilit na maglalakad na lang sila pauwi Di naman pumayag ang mga lalaki lalong-lalo na si Richard kaya imbes na sumakay ay nagdesisyon ang lahat na maglakad na lang. Dala na siguro ng pagkakalasing, ang tuwid na daan papuntang Poblacion ay nag-iba. Tawanan na lang sila ng ma-realize nilang papuntang park na pala ang nilalakbay nilang daan kaya  nagdesisyon silang huminto na muna doon para magpahangin bago umuwi.

Nakita ni Maya sina Doris at Sabel na nagkanya-kanyang hanap ng pwesto na. In her assessment, hindi lang siya ang nakahanap ng pampa-kilig sa bakasyong yon kundi pati ang mga kaibigan, No wonder ini-encourage siyang makipag-fling kay Richard kasi nakahanap na din pala sila, napangiti na lang siya sa kanyang nakikita.Ilang sandali na silan naupo sa bench sa ilalim ng kahoy na acacia nang magsalita si Richard.

“Sila na ba?” tanong ni Richard kay Maya habang nakatingin kay Doris. Nang tingnan ni Maya ang kaibigan ay laking gulat niya ng makita itong nakipag halikan si Doris kay Ryan. Bigla tuloy siya napatingin sa kabilang direksyon at nahiya makita ang kaganapan sa gawing kanan nila.

“Oh gezzz” mas lalo siya nagulat ng makita din si Sabel na nakahawak sa batok ni Fred at nakipaghalikan din. Sa hiya ni Maya ay napatakip si Maya ng mata niya. Narinig din niya ang mahinang tawa ni Richard sa tabi niya, nang tingnan niya ito. Isang ngiti ang nakita niya sa mga labi ni Richard at umiiling ito.

“Di ka sanay o di mo yon inaasahan?” he asked, still smiling at her.

“Umm hindi noh, okay lang yan..normal lang yan. Umm malalaki na sila alam na nila ginagawa nila. Saka..” Maya shifted on her seat  and sit straight para ipakitang okay lang siya pero pansin pa din ni Richard na kinakabahan siya.

“Saka ano?”

“Basta!”

“MMmkey… so..if I kiss you too normal lang ..at okay lang din?”

Maya swallowed. Di alam kung ano ang  isasagot at kung ano ang gagawin in case gawin nga ni Richard ang sinasabi niya.

“I don’t kiss guys na di ko boyfriend. ” she replied. Hoping na maniwala si Richard sa kasinungalingan niya. Mentally trying her best to recollect her thoughts kung nasabi na ba niya sa kaharap na di pa siya nagkaka-boyfriend, in other words,  NBSB pa siya.

“Ohhh…talaga? Baka naman kasi di ka pa nahahalikan kaya takot ka?” he was grinning at her. Bagay na nagpapainis kay Maya. Pakiramdam ni Maya ay kinukutya siya ni Richard. Sa inis ay tumayo ito at naglakad paalis.

Shit! Nakakainis! Pagtawanan ba ang pagka inosente ko sa mga bagay na ganyan? Mahalikan kita diyan baka matulala ka!

Himutok ni Maya. She could only keep it to herself, takot mapagtawanan ulit ni Richard kung marinig siya.

“Hey, where are you going? Galit ka ba?” mabilis siyang nasundan ni Richard. Hinawakan siya sa  braso para huminto sa paglalakad. ” Sorry. Nagbibiro lang naman ako. Di ko naman kasi alam na di ka pa pala nahahalikan..joke lang  …”

Di na nagawang tapusin ni Richard ang sinasabi niya at bigla ng hinawakan ni Maya ang batok niya at hinila siya palapit sa kanya, hinalikan siya sa lips. Nagulat si Richard sa ginawa ni Maya but when she started pulling her lips away from him, Richard grab her waist and held her tightly against him. He kissed her fervently. She hesitated at first, but responded as he deepened  his kiss.

 

 

 

 

Bilis din ni Mayaness!😀😀😀

21 Comments (+add yours?)

  1. sefilog
    Nov 18, 2013 @ 21:40:15

    magkakaroon po ba ng update tonight?

    Reply

  2. renzmharie
    Nov 15, 2013 @ 20:35:47

    Kunwari ka pa Maya, ikaw naman pala ang hahalik, hehehe😀

    Reply

  3. Crunch
    Nov 15, 2013 @ 18:51:26

    Wahhh!!! Ang Bilis ni Maya! Kaso ang bilis din natapos! NExt na po please..😀

    Reply

  4. misschuchy
    Nov 15, 2013 @ 09:31:47

    So bitin naman momma M eh…

    Reply

  5. misschuchy
    Nov 15, 2013 @ 09:15:09

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  6. Bhaby
    Nov 15, 2013 @ 06:44:38

    Ang bilis nang pangyayari……..bitin nman po……..nxt pls……..

    Reply

  7. SweetLemon
    Nov 15, 2013 @ 06:03:53

    Wow! Love your new look!🙂

    Reply

  8. paupau14
    Nov 15, 2013 @ 02:56:34

    wew!! ngaun nmn c mayabels ang mabilis.. hahaha!!

    Reply

  9. Eden delacruz
    Nov 15, 2013 @ 00:04:28

    Hahha..ikaw tuloy ang nagulat singkit…

    Reply

  10. rbb
    Nov 14, 2013 @ 21:15:14

    Ms Con kung gaano kabilis ang tatlo ganon din kabilis na tapos ang chapter. But anyway excited ako sa kanila ang bibilis nang kilos hahaha.

    Reply

  11. Alpha
    Nov 14, 2013 @ 20:51:25

    Uh, tapos na agad? Dumaan lang na parang hangin, pumutok lng na parang bula.haha! Maya ha, may tinatago ka rin palang kamandag sa likod ng iyong mga matamis na ngiti. Saan kaya patutungo itong kiss nyo? Hmmnnn!

    Reply

  12. gianni96950
    Nov 14, 2013 @ 20:38:51

    hala express lang ang peg ng grupo ni maya hahaha!!! kaloka…thanks a lot!!

    Reply

  13. myrnavp
    Nov 14, 2013 @ 18:53:31

    waaaaahhhh,,,,,kung klan nasa magandang eksena…tpos na agad agad??? Ms Con…bat nman ang ikli *hikbi*….bitin na bitin huhuhu….kelan pa ang kasunod?? God bless!

    Reply

  14. catez
    Nov 14, 2013 @ 18:38:03

    waaaaaaahhhhh!!!!! mama minion anong nangyari super bilis ni mayaness……di kaya maging boyfriend at girlfriend sila after ng kiss….. ito kaya ang sinasabi na WILD ni doris……..mama minion may kinalaman ba ang alien dito……joke♥

    Reply

  15. Bong
    Nov 14, 2013 @ 18:10:57

    Hang bilis lang ni Mayabels! pwede bang slowdown a little bit, para naman may excitement sa part ni Richard? E di 1st kiss mo na yan Maya…..

    Reply

  16. ayeth
    Nov 14, 2013 @ 17:48:17

    woooaahhh! agressive si maya ha…well sana wag masyado bumigay ha maya…konting pa-demure muna…kiligan eksena kagad!!!

    Reply

  17. hana
    Nov 14, 2013 @ 17:07:03

    Bilis ni mayabels at bilis ko din matapos bsahin ang ikli at bitin pa. Pwede din phabain minsan.ok lang???

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: