That Girl! 4

Richard kissed her passionately as his hands moved from her waist up to cupped his face. He smelled and tasted alcohol but she didn’t care. Maya responded, she tightened her hold on his nape and slightly open her mouth to accommodate his teasing tongue. They’ve been kissing for quiet sometime already, completely lost in their own world after that one sudden kiss on her part. They were both catching their breath when Richard ended their kiss. He let go of her face and move his hands back to her waist , putting a little space between them as his eyes searched hers.  It took a lot of  effort for him to bring his sanity back before he lost control of himself. Before he forgot where they are and lead that one passionate kiss into something that both of them will regret later on.

Damn!

“Sorry.” alam ni Richard na kung hindi lang dahil sa pagbibiro niya kanina di gagawin ni Maya yung paghalik sa kanya.

“No, dapat ako ang magsorry.” nagbaba ng tingin si Maya, biglang nahiya ng ma-realize kung ano ang ginawa niya pero hinawakan ni Richard ang baba niya upang tingnan siya nito sa mata.

“I’m sorry that I teased you, but i’m not sorry for kissing you. I think you should know that.” nagulat si Maya sa narinig, gusto sana niyang ipaliwanang pa ni Richard kung ano ang ibig niyang sabihin pero nang biglang may narinig si Maya na naghagikhikan sa likuran niya, saka lang niya naalala na may kasama pala sila.  Di na nagawang magtanong pa ni Maya, napayuko na lang si Maya sabay takip ng mukha niya sa hiya.

“Shhhhhitttt!” paimpit na sigaw ni Maya. Narinig ni Maya ang mahinang pagtawa ni Richard habang hinila siya para yakapin sabay halik sa ulo niya.

“I think we should go now.”

“Paano sila? “

“Hayaan mo na yang mga yan. Pag nakita ka nilang naglalakad na, susunod din yan.” Nang maisip  ni Maya na marahil ito ang magandang gawin niya, sumunod na siya kay Richard. Magkahawak-kamay silang naglalakad. At gaya ng sabi nito, paglingon ni Maya ay nakita niya ang mga kaibigan sa di kalayuan na nakasunod sa kanila.

Papalapit na sila sa bahay nina Doris ng muling nagsalita si Richard. “I’ll see you tomorrow? Invited pa rin naman kami sa fiesta kina Bugoy di ba?” Richard stopped walking as he turned to face her. Isang ngiti lang ang sinagot ni Maya sa kanya. Pagkatapos ng nangyari kanina, biglang nawala na ata ang boses ni Maya at di na makuhang magsalita pa. Richard tightened his hold on her hand before he released it. He was so tempted to kiss her again but refrain himself sa takot na mas lalong mailang si Maya sa kanya.

“Sige na pasok ka na, bago ka pa maabutan ng mga kaibigan mo.” he gave her a knowing smile.

After a nod and a smile, Maya left. Huminto ng ilang sandali si Maya para lumingon sa kanya at kumaway bago pa ito tuluyang umakyat sa hagdanan. Di narin niya hinayaang maabutan pa siya ng mag kaibigan at nagsimulang maglakad ulit patungo sa direksyon ng gym para kunin ang sasakyan nila.

Kinabukasan, naunang magising si Maya. Araw na ng fiesta, kaya busy na ang bahay ang mga kamag-anak ni Doris. Dinig ni Maya ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ni Doris, nagpapatunay lamang na abala na ang iba sa paghahanda habang silang tatlo ay nasa higaan pa at nakahiga. Maingat na bumangon si Maya at sumilip sa labas ng bintana. Nakita niya ang nanay at tatay ni Doris na nasa labas. Abala ang dalawa sa pagluluto kasama ang ibang kamag-anak. Bago pa magising ang dalawa at kulitin siya ulit tungkol sa nangyari kagabi ay naisipan ni Maya na mauna ng maligo. Pagkaraan ng ilang minuto , nakalabas na si Maya sa banyo at nakitang tulog pa din sina Doris at Sabel kaya dali-dali siyang nag-ayos at lumabas ng kwarto. Ito lang ang naisip ni Maya na paraan upang maka-iwas sa mga tanong ng dalawa, di niya hahayaang makalapit ang dalawa sa kanya kapag mag-isa lang siya. Alam ni Maya na imposible ito pero pursigido siyang gawin yon sa araw na yon. Di bale ng kinabukasan sa pag-uwi nila ay di na siya tatantanan ng dalawa.

May isang oras na mula ng magising si Maya at kasalukuyan ng tumutulong kina Nanay Ibeng sa paglilinis ng mga sangkap na lulutuin ng makita nitong bumaba sina Doris at Sabel. Nang makita siya ng dalawa ay kinawayan siya ng mga ito para lumapit siya, alam ni Maya kung bakit kaya di ‘sya pumayag. Instead, itinaas niya ang dalang carrots ang kutsilyo para makia nilang may ginagawa siya.

“Halika muna sandali. Breakfast na tayo. ” yaya ni Doris sa kanya.

“Tapos na ako, kayo na lang ang hindi pa. Sige na mag-breakfast na kayo, okay na ako dito, nag-eenjoy pa akong magbalat nitong mga carrots oh.” palusot ni Maya habang nakangiti sa mga kaibigan.

“Iwan mo  na yan diyan Maya, samahan mo na yung dalawa.” udyok ni Nanay Ibeng.

“Ay, Nay, huwag na po. Kaya na nilang kumain noh, di na naman yang magpapasubo sa akin eh. ” tanggi ni Maya. Nang marinig siya ng mga kaibigan ay napailing na lang sila. Kagabi pa kasi sila nangungulit sa kanya pero di talaga nagsalita si Maya at tinulugan lang sila.

Nang wala ng magawa ay napilitan silang iwan na siya at kumain na lang ng breakfast. Maya stayed outside the whole time na nagluluto sina Nanay Ibeng. Kahit pinipilit siya ng mga kamag-anak ni Doris na pumasok at mangangamoy usok siya, di parin siya pumayag. Pagkaraan ng tatlong oras at natapos ng magluto, sumabay na si Maya sa pag akyat kay Nanay Ibeng sa taas. Nagtaka ang matanda at pati sa paghanda ng mesa sa loob ay di na humiwalay si Maya sa kanya.

“Wala Nay, gusto ko lang tumulong. At saka, mas enjoy ako dito kesa makipag-chikahan sa dalawa. Bukas kaming tatlo na naman ang magkakasama mainam din namang paminsan-minsan nagkakahiwalay kami at ng di magpalitan ng mukha. ” tumawa ang matanda ng marinig si Maya. Wala din naman siyang magagawa para pilitin si Maya kaya hinayaan na lang niya ito.

Nanggigigil naman sina Doris at Sabel sa kaibigan nila. Alam naman nilang iniiwasan sila ni Maya pero di sila maka-tyempo at madaling makahalata si Maya sa kanila. Nagplano pa ang dalawa na kung makikita nilang mag-isa si Maya ay hahatakin nila ito papasok sa kwarto ni Doris pero di talaga nila magawa-gawa at parang naging buntot na ng nanay ni Doris ang kaibigan nila.

Lunchtime, nagsimula ng dumating ang mga bisita nina Doris. Buong akala nila di na talaga nila mako-corner si Maya ngunit ng marinig nilang sumigaw si Bugoy na padating na ang mga kasamahan niya sa trabaho ay nakita nilang nagmadaling pumasok sa kwarto si Maya. Napangiti ang dalawa at agad naman nilang sinundan si Maya sa kwarto.

“Huli ka!” napasigaw si Maya sa sobrang gulat. Tumawa lang si Sabel at Doris ng makita ang reaksiyon ni Maya.

“Ano ba nanggugulat naman kayo eh!”

“Eh, bakit ka magugulat? Tense? Marinig mo lang ang pangalang RICHARD LIM kinakabahan ka na?” Sabel teased her then giggled.

“Uy hindi ha! Kayo talaga gumagawa ng kwento.” tanggi ni Maya kahit halatang kinakabahan na siya.

“Ows? Sige nga, bakit ka pumasok dito kaagad ng malamang paparating na sila..kanina kahit anong gawin namin di ka namin mapapasok dito pero nung marinig mong andiyan na si RICHARD LIM bigla ka na lang kumaripas papasok dito?” pambubuyo pa ni Doris.

“Ay hindi ah!”

“Weeh, oh, bakit pinagpapawisan ka na?” tanong ulit ni Sabel ng mapansin ang pagpunas ni Maya ng towel sa mukha niyang pinapawisan.

“Uy kanina pa kaya ako pinapawisan, palibhasa kayo di kayo tumulong kay Nanay.”

“Weeh Maya, deny ka pa. Tapatin mo nga kami. Bakit nakita ka naming nakipag-“

“Doris lumabas na kayo diyan, Hinahanap kayo ng mga bisita ” narinig nila ang sigaw ni Nanay Ibeng sa labas. Mas lalo nataranta si Maya. Bigla-bigla ito tumayo at naglakad papuntang banyo tapos bumalik na naman at umupo sa gilid ng kama. Di tuloy mapigil nina Doris at Sabel ang tumawa.

“Hindi pa yan tense ha!” tumawa sina Sabel at Doris. “Sige na nga iwan ka na muna namin para kumalma ka. Mamaya usap tayo pagwala na ang mga bisita ha. Sumunod ka sa labas. Mag-ayos ka muna, amoy usok ka na hehehe” lumabas na ng kwarto ang dalawa at iniwan si Maya. Saka lang na-realize ni Maya na kailangan nga niyang mag-ayos na kaya pumasok na ulit siya ng banyo bitbit ang kanyang tuwalya para maligo ulit.

Pagkatapos maligo at mag-ayos di parin lumabas ng kwarto si Maya. Nahiya na siya at baka isipin ni Richard na pinaghandaan niya talaga ang pagkikita nila. Kung di pa pumasok ulit si Doris sa kwarto para malaman kung bakit di parin siya sumunod talagang wala na siyang planong lumabas hanggang naririnig pa niya ang boses ng mga kasama ni Bugoy.

“Oh, BFF bakit di ka pa sumunod?”

“Eii nahihiya na akong lumabas eh.” nakatayo si Maya sa may bintana habang nakatingin sa mga taong naglalakad sa may kalsada ng pumasok si Doris sa kwarto.

“Bakit?” nilapitan niya ang kaibigan.

“Huwag ka na magtanong kung bakit, alam mo na kung bakit.”

“Sus! Para ka namang..ano ka ba, bukas uuwi na tayo. Tiisin mo na lang tutal bukas di mo na sila makikita. Tara na!”

Napabuntong-hininga si Maya. Pilit kinukumbinsi ang sarili na kaya niyang pakiharapan ang mga taong naghihintay sa kanya sa labas. Di bale, tama nga naman si Doris, konting tiis na lang Maya. AJA!

“Teka, okay lang ba tong suot ko?” naisipan niyang itanong. Medyo nag-aalangan kasi siya sa suot niyang maxi dress. Mataas naman ito at natatakpan ang kanyang binti pero dahil sa spaghetti straps nito, medyo naiilang si Maya.

“Okay lang naman, mas lalo ka pumuti at sumexy.” nakangiting sagot ni Doris sa kaibigan.

“Talaga?”

“Oo na..luluwa na ang mata ng admirer mo niyan promise!”

“Doris naman eh! Seryoso ako! Okay lang talaga?”

“Oo nga, ang kulit mo din eh. Tara na1” hinila na ni Doris si Maya palabas ng kwarto. Ilang sandali lang ay nakita nasa sala na sila at kaharap ang grupo nina Richard. Tumayo ang lahat na andun ng makita siya. “Naku bakit kayo tumayo, umupo kayo nakakahiya naman!” namula nag pisngi ni Maya. Nagsisi tuloy siya kung bakit pa siya lumabas ng kwarto.

“Pasensiya na, nag-ayos pa po siya at kanina sobrang bait niyan at tinulungan kami sa labas.” narinig ni Maya si Nanay Ibeng na magpaliwanag.

“Naku si Nanay talaga, para namang ang laki ng naitulong ko eh nagbalat lang naman ako ng carrots.” pakiramdam ni Maya mas lalo nag-init ang pisngi niya.

Umupo na si Doris sa tabi ni Sabel at Ryan. Naghanap si Maya ng mauupuan pero tanging ang empty seat lang katabi kay Richard ang nakita niya. Nahihiya man, wala din naman siyang choice kesa sa pagtinginan pa siya ng lahat at ayaw niyang umupo doon kaya umupo narin siya sa tabi ni Richard.

Habang nagkukwentuhan at nagkakantahan ang lahat sa may sala ay nagmamasid lang si Maya. Nakikitawa at paminsan-minsan kumakanta kasabay sa kung sino man ang may hawak ng mic pero di man lang siya nakipag-usap sa katabi niya. Pansin ito ni Richard kaya ng makakuha ng pagkakataon ay bumulong ito at nagtanong sa kanya.

“Galit ka ba?” isang iling at matamis na ngiti  lang ang nakuha niya kay Maya. “Kagabi ngiti at kaway ka lang, ngayon naman iling at ngiti. Galit ka ata talaga eh.”

“Hindi nga” napilitan ng magsalita ni Maya. Binulong din niya ito kay Richard.

“Buti naman.” he smiled at her relieved to hear her short reply.

Pagkatapos ng bulungan ay di na naman nagsalita si Maya. Inisip na lang ni Richard na mas mabuti na yon, kesa umalis ito at iwan sila. Bukod sa kwentuhan, kantahan, at kainan. Napasabak ulit sa inuman sina Richard nang maglabas ng inumin ang tatay ni Doris para sa mga bisita. Isang case ng beer at iba pang klaseng inumin ang nilagay nito sa maliit na mesa sa harap ng bisita ni Bugoy. Bagay na di naman tinanggihan ng mga ito. At dahil lahat naman ng kasama niya ay umiinom na, kumuha na din ng isang bote ng beer si Maya.

Mula ata nang ilabas ang inumin ay mas naging hyper ang lahat. Mas ginanahan magkantahan ang lahat ng andun. Si Bugoy naman di na kanta ang ginagawa kundi sigaw na. Mas lalo pa umingay ng kantahin niya ang paboritong kanta nito mula sa isang rock band. Medyo naingayan na si Richard kaya bumulong kay Maya na lumabas sila sandali.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya kay Richard.

“Sa labas lang, magpapahangin sandali.” tumayo na ito at hinintay siyang tumayo rin habang nakatingin ito sa kanya. Nagpaalam muna si Maya sa mga kaibigan at pinayagan naman siya kaya sumunod na siya kay Richard. Bumaba sila ng bahay ang naglalakad-lakad. Dapit hapon na kaya may ilang bahay narin silang nakitang may ilaw na, pati ang mga daan ay nakasindi narin ang mga ilaw. Marami paring mga tao sa daan at sa bawat bahay na nadaanan nila ay naririnig nila ang mga tawanan at kasiyahang nagaganap sa loob nito.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya ng mapansing ilang minuto na rin silang naglalakad.

“Kanina gusto ko sana doon lang tayo sa baba ng bahay nina Doris, pero maraming tao kaya naglakad-lakad ako naghahanap ng area kung saan konti lang ang tao. Pero, nakalimutan kong fiesta nga  pala kaya imposibleng walang tao sa daan ngayon kaya naisip kong sa park na lang para maka-upo na rin tayo.”

Sa park. Eh yon yung most dreaded place ko since kagabi eh!

Gustong magprotesta ni Maya at sabihin yon kay Richard pero ng hawakan nito ang kamay niya parang nawalan na siya ng lakas ng loob. Naramdaman din niyang unti-unti siyang nahihilo, marahil dahil sa nainom niya kanina, nahiya naman siyang umamin kay Richard kaya sinamantala na lang niya ang pagkakahawak sa kamay nito at hinigpitan na lang niya ang paghawak. Ilang minuto pa ang nakaraan ay narating din nila ang park. Agad naman silang nakahanap ng bakanteng upuan.

“Oh di ba, di ako nagkamali sa pasya kong dito tayo magpunta at walang tao.” he let go of her hand and help her sat down.

“Ano ba ginagawa natin dito? Baka hanapin nila tayo sa bahay.”

“Babalik din naman tayo kaagad eh. Gusto ko lang magpahangin sandali saka makipag-usap sa’yo. Kagabi ka pa di kumikibo.” He was sitting so close to Maya kaya naaamoy ni Maya ang cologne niya. Pakiramdam ni Maya mas lalo nakadagdag sa pagkakahilo niya pero di parin siya nagpahalata. She bowed down her head and pretended to play with the stone na nasa may paanan niya.

“Takot ka ba sa akin?”

“Hmm? Hindi  naman, bakit mo naitanong?” she look at him, nakakunot ang noo nito.

“Kasi pinagpapawisan ka eh.” Maya heard him chuckled.

“Honestly?”

“Takot ka?” nanlaki ang mga mata ni Richard. Kahit nakasalamin si Richard ay kitang-kita ito ni Maya.

“Hindi! Nahihilo ako, maybe dahil sa nainom ko kanina.”

“Oh! Bakit di mo sinabi? Halika .” lumapit pa si Richard kay Maya and put his arm around her. Sinandal ni Maya ng ulo niya sa balikat nito at pinikit ang mga mata. May ilang minuto ring nanatili si Maya at Richard sa ganoong ayos.

“Kaya mo pa kayang umuwi? ” he asked Maya.  Halatang nag-aalala sa kanya.

“Kaya ko to. Medyo okay na naman din ako eh. Di na ako nahihilo.”

“Sorry, napalakad pa kita ng malayo. Gusto mo bumalik na tayo para makapagpahinga ka na din?” Maya nodded . Tumayo na si Richard at inalalayan na siyang  tumayo pero napahawak siya ulo niya ng naramdaman ang pagkahilo. “Wooohh..wait upo ka ulit.” sabi ulit ni Richard sa kanya.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Maya nang maupo na siya ulit. Hawak pa din nito ang ulo niya habang nakatungo.

“Tumawa ka pa ha.” tumawa din ng marahan si Richard habang umiiling at nakatitig sa kanya.

“Nakakahiya ” isang tawa ulit ang pinakawalan ni Maya. “Pagtatawanan ako nina Doris nito eh.”

“Buti pa siguro kukuha na muna ako ng gamot para maibsan yuang tama mo sa nainom kanina. Pwede ba kita maiwan dito sandali?”

“Dito? Ayoko!” nag-alala si Maya. Kung may isang bagay na ayaw niya ay yung maiwan siyang mag-isa lalo pa sa isang lugar na di siya pamilyar at gabi pa.

“Pero di kita pwedeng isama at nahihilo ka pa.” umiling si Maya at ayaw magpaiwan sa kanya.

“Okay fine, sige dito na lang muna tayo hanggang sa maayos ka na.” umupo ulit si Richard sa tabi ni Maya at gaya ng ginawa niya kanina ay inakbayan siya at hinayaang isandal ang ulo niya sa balikat niya. Habang nakapikit ang mata ay napaisip si Maya kung bakit andun sila sa park kaya di na pinigilan ang sarili na magtanong.

“Bakit ba tayo andito?” naramdaman ni Maya ang paggalaw ni Richard, di man niya ito nakikita batid niyang nakatingin ito sa kanya.

“Bakit ayaw mo ba?Gusto lang kita ma-solo pero tutulugan mo lang pala ako.”  then he chuckled. Minulat ni Maya ang kanyang mga mata at umupo ng maayos.

“Yung totoo Richard, bakit mo ako inaya dito?” Richard took off his arm from her shoulder and shifted to face her.

“Di nanaman siguro kaila sa’yo na gusto kita di ba? Gusto lang kitang mas makilala pa.”

“Gusto mo ako? Tatlong araw, no, tatlong gabi pa lang tayo magkasama gusto mo na ako? “

“Bakit di ba pwede kung kilalanin pa kita? Kagabi nga, ikalawang gabi pa nating nagkita hinalikan mo na ako.”

“Ahh ganun..baka naman kulang lang yung halik ko sa’yo kagabi kaya naisip mong solohin ako ngayon? Huwag na tayo magpaligoyligoy pa Richard, sabihin mo na ang totoo. Di ako magagalit.”

“Ano bang sinasabi mo?” napatawa si Richard ng marinig siya.

“Richard, kahit hilo ako alam ko parin ang sinasabi ko. So come on, tell me saan ba tayo? Here or your place?” nagugulat si Maya sa lakas ng loob niya para patuloy na makipag-harutan kay Richard. Epekto na rin ito ng nainom niya kanina at nakangiti pa siya habang sinasabi ito sa lalaking kaharap.

Woah! Is she asking me to..

“Maya it’s not that..”

“So ayaw mo? Oh sige uwi na lang tayo. Sayang ang oras eh, malamok pa dito.” tumayo si Maya buti na lang at nahawakan siya ni Richard at nahila pa-upo sa kandungan niya kundi bumagsak na siya. Nagawa pa niyang tumawa sa nangyari habang si Richard naman ay umiiling na.

“Crazy..why do you keep on laughing ba Maya muntik ka ng sumumsob.Halika na iuuwi…” Maya tugged his collar, pulling him towards her for a kiss. Namilog ang mata ni Richard ng maramdaman ang labi ni Maya. She even tilted her head and continue to kiss him.

Damn Maya huwag mo akong pilitin matukso ulit at baka di ko na mapigil ang sarili ko.

Richard thought. When Maya started moving her tongue, Richard can’t help but respond to her kiss now. His hands that were holding her waist started to caressing the sides of her body and thigh.. Maya on the other hand grew more daring, pushing him to his seat so that he rests his back  comfortably.

” Maya I don’t think we’re on the right place.” Richard muttered in heavy breath as he ended their kiss the moment he sense that things are going out of hand already. “Come with me.” bulong ni Richard kay Maya. Di niya nakitaan ng anumang protesta si Maya, di rin ito nagbigay ng anumang palatandaan na pumapayag ito. Nakatingin lang si Maya sa kanya na parang naghihintay sa kung ano pa ang kanyang sasabihin.

“There’s this place..malapit dito..” nanatili paring nakatitig si Maya sa kanya but when he move, umalis rin sa pagkakandong si Maya sa kanya at tumayo. Richard took it as a sign of approval. He put his arm around her as they started walking again.

Pagkaraan ng ilang minuto ay narating nila ni Maya ang isang inn. Si Richard na ang nakipag-usap sa receptionist. Ilang minuto ang nakaraan ay paakyat na ang dalawa sa kwartong kinuha ni Richard. The moment they entered the room. Wala ng patumpik-tumpik pa. Agad na siyang hinila ni Richard at pinaghahalikan. Sa labi hanggang sa bumaba sa kanyang leeg at dibdib. Naging malikot na rin ang kamay ni Richard at madali lang nitong natanggal ang kanyang damit, habang si Maya naman ay wala ng magawa kundi ipikit ang mga mata at damhin ang bawat halik at haplos ni Richard sa kanyang katawan.

Biglang napabangon si Maya ng biglang naalala ang nangyari. Nagulat pa siya ng makitang wala siyang suot na damit maliban sa kanyang panty. Buti na lang wala si Richard sa tabi nito kaya agad siyang bumangon at hinanap ang damit at bra niya, nakita naman niya itong maayos na nakatupi sa ibabaw ng mesa. Nakita din niya ang kanyang sandals kaya dali niyang sinuot ang mga ito. Habang nagbibihis, di mapigilan ni Maya ang mapamura sa sariling katangahan. Sumasakit parin ang ulo niya pero kahit papaano ay di na siya nahihilo di tulad ng nakaraang gabi.

Shit! Shit! Ano bang ginawa ko?

Pagkatapos magbihis ay agad inayos ni Maya ang sarili sa harap ng salamin at maingat na lumabas ng kwarto. Di na niya naisip na hanapin pa si Richard at wala na naman siyang mukhang ihaharap dito. Nadaanan niya ang receptionist na nakaharap ni Richard kagabi, nang makita siya ay tinawag pa siya nito pero di na niya pinakinggan ang sinabi ng babae. Nagmadali na siyang lumabas ng inn at naglakad na sa kalsada. Buti na lang at di pa masyadong maliwanag sa labas at wala pang tao sa kalsada kaya makakaiwas siya sa kahihiyan kung may nakakita man sa kanya kagabing pumasok sa inn kasama si Richard. Lakad-takbo ang ginawa ni Maya. Dasal niya wala siyang taong makakasalubong na nakakakialala sa kanya. Buti na lang at di siya nagkamali sa daan na sinundan. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita na niya ang bahay nina Doris.

Dahan-dahan siyang umakyat sa taas, buti na lang at di nakasarado ang pinto kaya nakapasok siya. Siguro iniwan itong bukas kagabi para sa kanya. Pagkapasok niya sa kwarto ni Doris ay agad niyang ginising ang mga ito.

“BFF! Saan ka ba nagpunta? Ngayon ka lang naka-uwi? ” gulat si Doris ng makita siyang di parin nakapagbihis. Walang planong magpaliwanag ni Maya. That moment, ang gusto niya maka-alis na.

“Anong oras ba tayo aalis?”

“Mamaya pa, pagkatapos nating magbreakfast.” nagising na rin si Sabel at bumagon  na.

“Di ba pwedeng mauna na ako?”

“Ano? Bakit?”

“Emergency lang. Di na ako pwedeng magtagal dito.”

“Bakit? May nangyari kina Tita Teresita?”

“Oo..kaya please pwede mauna na ako?” naisipan ni Mayang magsinungaling para lang pumayag na ang mga kaibigan na mauna na siya pero di pumayag ang dalawa na magpaiwan at nag-aalala din para sa kanya.

Ang bilis ng ginawa nilang pag-eempake. Di narin sila nagbreakfast pa at nagpaalam na kaagad sa parents ni Doris. Nagpasalamat sina Sabel at Maya sa pagtanggap ng buong angkan sa kanila, pinagbalot pa sila ng kakanin ng mga ito para may makakain sila sa byahe. Nagui-guilty man ay di magawang magsabi ni Maya ng totoo sa mga kaibigan  kahit alam ng mga ito na may tinatago siya. Nagdesisyon si Maya na saka na niya sasabihin sa dalawa kapag naka-uwi na sila sa Manila.

14 Comments (+add yours?)

  1. Crunch
    Nov 19, 2013 @ 18:46:03

    Hahahah! Ano kayang nangyari? I’m sure Wala! haha Next na po please..😀

    Reply

  2. Arwen
    Nov 19, 2013 @ 09:01:23

    Malamang tinulugan niya si Richard?🙂🙂🙂🙂 inom kasi ng inom eh hahaha🙂

    Reply

  3. misschuchy
    Nov 19, 2013 @ 07:47:10

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  4. catez
    Nov 19, 2013 @ 07:34:27

    ayiiiiiieeee!!!! mukhang gagana ulit dito ang pagiging assumera ni maya…….sa tingin ko walang nangyari sa kanila……magkita kaya sila maya at richard sa maynila……..thanks mama minion sa update.

    Reply

  5. myrnavp
    Nov 19, 2013 @ 06:47:30

    sana me ngyari na sa kanila….tpos hahanapin ni R si M kasi sa bilis ng pangyayari iniisip niang baka mabuntis si M…at dahil mahal na nia…sana ganun hehehe…pero since umpisa palang…mejo malabo….so cge na Ms Con ituloy mo na pra d na kmi nag iisip pa dto…hehe God bless!

    Reply

  6. Airam
    Nov 19, 2013 @ 04:28:47

    I dont think na may nangyari sa kanila ni Richard!!! baka kasi habang naghahalikan sila eh nakatulog ng tuluyan si Maya and Richard being a gentleman eh hindi na tinuloy ang balak nya🙂

    Reply

  7. Jan
    Nov 19, 2013 @ 02:52:05

    Hay maya!.. May nagyari ba?..
    Huwag ksing uminom..
    Next chapter na pls, cnt wait..
    Thanks!

    Reply

  8. Alpha
    Nov 19, 2013 @ 01:55:30

    ang sobrang bilis ng mga pangyayari…parang whirlwind sa tindi. hide and seek ang kasunod…haha!

    Reply

  9. Bong
    Nov 19, 2013 @ 01:00:29

    May naiwan pang pagka-gentleman itong si Richard. Nung nagising si Maya mayroon pa siyang underwear so? pero bakit wala na si Richard???

    Reply

  10. ayeth
    Nov 19, 2013 @ 00:47:12

    palagay ko wala pang nangyari kasi naka-underwear pa si Maya when she woke up….hehehe…bitin ang Richard…exciting ito…next chapter please!

    Reply

  11. Nanette
    Nov 19, 2013 @ 00:30:35

    Hi con! Feeling ko walang nangyari sa dalawa, malamang tinulugan ni M si R🙂
    Ibang M ito ha, adventurous na malakas din ang loob🙂

    Reply

  12. rocsan888
    Nov 19, 2013 @ 00:21:27

    hahahaa, nagpadala sa nainom! nice one Con read all chapters in one sitting.. bongga!

    Reply

  13. charmtaz24
    Nov 18, 2013 @ 23:47:22

    teka! ano nangyari? pwede paki elaborate?

    Reply

  14. Eden delacruz
    Nov 18, 2013 @ 23:25:42

    Nku maya ….painumin ulit si maya para lumakas ang loob !!!!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: