That Girl! 5

“Anoo?! Bakit mo ginawa yon?” tanong ni Doris at Sabel sa kaibigan nila ng kinuwento niya ang nangyari ng nakaraang gabi. Kakarating lang nila sa apartment nila ng magdesisyon si Maya na ipaalam na sa kanyang mga kaibigan ang dahilan kung bakit nagyaya siyang makauwi na kaagad at hindi dahil sa may emergency sa bahay nila.

“Eiii kayo kasi eh..ay ewan ko ba kung bakit pa ako nakinig sa dare ninyo! Ayan tuloy.”

“Teka lang muna BFF! Ang sabi namin dapat alam mo yung limitasyon mo, naku ewan ko rin kasi sa’yo pagdating sa mga bagay na ganyan wala ka sa focus.”

“Oo nga, bakit pagdating sa ganayan di ka marunong sumunod sa instructions Maya? Ang simple ng instruction di ba? Hanggang fling lang, bakit gumawa ka ng sarili mong rule?” humiga si Sabel at Doris sa kama nila dala ng pagod sa byahe at puyat ng nakaraang gabi. Wala ng magawa si Maya kundi tumahimik na lang. Alam din naman kasi niyang useless lang din kung magdahilan pa siya tungkol sa nangyari kasi siya lang naman talaga ang may mali.

“Maya ano ang feeling?” biglang bumangon si Sabel at hinarap siyang may ngiti sa labi.

“Anong anong feeling?” tanong naman ni Maya kay Sabel .

“Feeling ng first..alam mo na..” napabangon na rin si Doris ng marinig ang tanong ni Sabel at gaya ng kaibigan ay nakangiti rin ito habang nakatitig silang dalawa kay Maya. Nag-aantay sa kung ano ang isasagot niya.

“Wala.”

“Wala? Anong wala? ”

“Wala nga!”

“Teka, di masakit yung..ibig kong sabihin..kahit slight na nararamdaman wala?” tanong ni Doris kay Maya. Parang di naniniwala sa sinabi ng kaibigan niya.

“Wala nga…”

“Teka, Maya, talaga bang may nangyari sa inyo o wala? Kasi..imposibleng…”

“Eii huwag na nga nating pag-usapan yon? Tuwing naaalala ko yung kagagahan ko kagabi kumukulo ang dugo ko eh!”

“Sorry naman, curious lang kami tungkol sa first time mo. Kala namin may matutunan kami sa’yo pero ginulo mo lang pag-iisip namin eh.” humiga ulit si Sabel sa kama .

“Maya di ka ba natatakot na baka sa susunod na taon apat na tayo dito?”

“Apat? ” napaisip si Maya sa sinabi ng ma-realize niya kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan ay kinabahan siya. “Hoy Doris! Huwag kang magsalita ng ganyan ah! Huwag mo akong takutin! ” binato ni Maya ng unan si Doris buti na lang ay nasalo niya ito kundi sa mukha niya tumama ang unan.

Nung gabing yon, kahit anong pagod niya ay nahihirapan si Maya na matulog. Pilit niya kasi inaalala yung nangyari sa kanila ni Richard nung nakaraang gabi. Di parin maliwanag sa kanya kung ano ang nangyari noong nakaraang gabi. Tuwing naaalala niya ang tungkol sa sinabi ni Doris na baka mabuntis siya, di maiwasang mag-alala si Maya.

Buong araw na din siya nadi-distract sa cellphone niya. Tawag ng tawag si Richard ayaw naman niyang sagutin. Para maka-iwas  na mabulabog ang mga kaibigan niya sa bawat pagtunog nito ay naka-silent mode na ang cellphone niya, pero sa tuwing nakikita niyang nagbli-blink ito ay natataranta talaga siya kaya nagdesisyon siyang kinabukasan ay bibili siya ng bagong sim card para tuluyan ng maputol ang ugnayan nila ni Richard.

Di talaga tinantanan ni Richard sa kakatawag ang number ni Maya, kung di lang siya nagpalit ng sim ay di siya matatahimik. Nang sina Doris at Sabel naman ang kinulit nito ay si Maya na mismo ang bumili ng pamalit na sim para sa mga kaibigan. Ginawa ni Maya ang lahat ng paraan para maka-iwas ng tuluyang kay Richard.

Isang buwan ding stress si Maya sa kakaisip kung ano ang kinahinatnan ng isang gabing pagkakamaling yon till finally nasagot na rin ang dasal niya. Masaya si Maya at finally na-confirm din niyang di siya buntis. Yon na siguro ang pinaka-masayang ‘first day’ ng buhay niya buhat ng naging dalaga na siya. At dahil dito, nabuhayan ng loob si Maya. Nagdesisyon siyang ituring na isang panaginip yung nangyari sa kanya sa San Nicholas.

Kailangan kong kalimutan yon at ituloy ang buhay. Isang pagkakamali ang nangyari at babaunin ko ang natutunan ko sa karanasan kong yon. Nasa huli man ang pagsisisi, ang mahalaga ay may natutunan ako.

Di na naging mahirap para kay Maya ang mag move-on pagkatapos niyang makumpirma na di siya buntis. Mas naging determinado din siyang maghanap ng trabaho. Ilang beses siyang kinumbinsi ng mga kaibigan na subukan nilang mag-apply sa Kendra’s ng makita nilang nangngailangan sila ng staff pero tumanggi si Maya. Takot kasi siyang isang araw ay magkita sila ni Richard doon lalo pa at kaibigan ng lalaki ang may-ari ng restaurant. At dahil wala gaanong hiring sa ibang restaurant ay napilitan ang tatlo na mag-apply sa isang kilalang fastfood chain for the main time na naghihintay ng opening sa ilang restaurant.

 

 

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~  ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Anim na buwan ang matulin na dumaan.  Nasa fastfood chain parin silang tatlo nagtra-trabaho . Kahit maliit lang ang sweldo nila masaya na rin at kahit papaano ay meron silang natatanggap.

Sunday afternoon, kakalabas lang ni Maya from her shift. Naghintay siya sa may counter at nakikipag-usap sa isang kasamahan niyang cashier habang hinihintay ang kasamahang lumabas. May usapan kasi silang magsasabay na sa pagpunta ng simbahan para magsimba. Habang nakikipag-usap sa kasama niya ay radam ni Maya na parang may nakatingin sa kanya sa likuran niya. Pilit niya itong binalewala at baka guni-guni lang niya ito. Sa dami kasi ng tayong nakapila sa store parang pakiramdam mo nasa sa’yo ang atensyon ng lahat ng tao lalo pa at naka-uniform ka pa.

Nakita ni Maya na papalabas na si Simon, ang kasamahang hinihintay niya. Matapos ipa-check sa guard ang dalang pack bag ay nakangiti itong naglakad papalapit sa kanya.

“Oh ayan na palang hinihintay mo!” isang makahulugang ngiti at tingin ang binigay ni Edselyn kay Maya kaya napataas ang kilay niya sa ginawa ng kasama.

“Heh! Ikaw talaga. Magsisimba lang kami, wala kasi yung dalawa at mamaya pa ang labas kaya nagpasama na ako kay Simon.” huminto na si Simon sa tapat ni Maya, bago pa manukso ulit si Edselyn ay nagpaalam na si Maya sa kanya.

“Anong sinabi ni Eds?” tanong ni Simon kay Maya habang naglalakad na sila.

“Wala, alam mo naman yon mahilig mang-alaska.Tara na, dalian na natin baka late na tayo.” habang naglalakad ay nahagip ng paningin ni Maya ang isang matangkad na lalaking may suot na salamin sa di kalayuan. Sa dami ng tao na nakapila, tanging sa tao lang ito siya na-distract. Sa puti  kasi at porma nito di mo maiwasang mapansin ito, lalo pa at sa lahat ng nakapila siya lang ang matangkad. Papalapit na si Maya sa kinatatayuan ng lalaki ng bigla siyang nanlamig ng mamukhaan ito.

R-ichard!

Napakapit siya sa braso ni Simon at napahinto sa paglalakad. Nakita ni Maya na nakatitig si Richard sa kanya at akmang lalapit sa kanya pero agad naman siyang umiwas  at hinila si Simon.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Simon habang kinaladkad niya palabas. Lumingon si Simon at hinanap ang taong iniwasan ni Maya pero nakisabay sa kanilang paglabas ang ilang mga teenagers kaya di na niya ito nakita pa.

Mabilis na naglakad si Maya papalayo ng fastfood chain sa takot na masundan sila ni Richard. Di na siya lumingon pa at baka makita niya ulit ang mukha ni Richard Lim, ang lalaking nagpahirap sa kanya ng ilang linggo. Ilang minuto ang nakaraan ay narating din nilang dalawa ni Simon ang simbahan. Kakasimula pa lang ng service nang pumasok sila at naghanap ng bakanteng mauupuan kaya di na nagawang magtanong pa ni Simon kay Maya.

Habang nasa loob ng simbahan, nakatutok si Maya sa paring nagmimisa pero halata namang wala sa sarili. Panay ang lingon ni Simon sa kanya pero di parin niya ito napapansin.

“Peace..” sabi ni Simon sa kanya pagkatapos siyang tapikin. Nagulat si  Maya at napakunot ang noo habang nakatitig sa kanya. “Sabi ni father sign of peace daw…tamang-tama at parang wala kang ‘peace of mind’ ”  bulong ni Simon sa kanya . Tumawa at umiiling na lang ang kaibigan niya ng makitang sumimangot siya.

Pagkatapos ng mass ay hinatid na ni Simon si Maya sa apartment nila. Malapit lang din kasi ang bahay nito sa tinutuluyan nila kaya kapag nagkakasabay sila ng shift paminsan-minsan ay naihahatid siya ni Simon sa kanila. Habang naglalakad ay naisip ni Simon na magtanong sa kanya tungkol sa nangyari kanina pero ayaw magkwento ni Maya. Bilang pagrespeto sa desisyon ng dalaga ay di na siya nito kinulit. Deep inside, ramdam ni Simon na naging bahagi ang lalaking yon sa buhay ni Maya na gusto na nitong makalimutan kaya apektadong-apektado siya ng makita niya ito.

“Sige pasok na ako Simon! Salamat ha at sinamahan mo ako.” nagbubukas na ng gate si Maya habang nagpapasalamat kay Simon. Huminto muna ito sandali at tinapik ang balikat ng kaibigan saka pumasok. “Ingat! Bye!”

“Walang anuman..sige, mauna na ako. Kita na lang bukas sa store. Buh-bye!” naglakad na ulit si Simon at tinahak ang daan patungong subdivision nila.

Nang maka-uwi sina Doris at Sabel galing trabaho ng gabing yon ay agad niyang binalita ang nangyari kanina. Katulad niya, kinabahan din sila sa muling pagkikita ni Maya at Richard. Inamin ni Maya na kung sakaling mauulit pa ang pagkikitang yon ay aalis na siya sa fastfood chain na pinagtra-trabahuan kahit ayaw niya. Mariin niyang sinabi na wala na siyang planong harapin si Richard kung sakaling magpupumilit itong makipag-usap o magtangkang lapitan siya.

Nang pumasok si Maya kinabukasan, di siya mapakali lalo pa at na-assign siya bilang  cashier sa shift niya. Ilang beses siyang nabla-blanko dahilan kaya lagi siyang napapansin ng supervisor niya. Panay ang sorry ni Maya buti na lang at yung mabait na supervisor ang nakasabay niya sa shift ng araw na yon. Nang mag-break si Maya ay nilapitan siya ng supervisor at kinausap. Nagdahilan na lang siyang masama ang pakiramdam kaya pinayagan siyang mag undertime muna. Thankful si Maya at di gaya ng kanyang kinakatakutan kagabi, di niya nakita si Richard sa store.

Pangatlong araw mula ng magkita si Maya at Richard, buong akala ni Maya ay di na niya ito makikita pero nagulat si Maya ng mapansin niya itong naka-upo malapit sa pinto ng store, nakaharap ito sa direksyon ng counter kung saan siya naka-assign. Mag-isa lang ito na naka-upo doon. Kinabahan si Maya kaya napatigin siya sa malaking orasan na nasa gawing kanan ng store. May tatlong oras pa siyang natitira sa shift niya.

Aalis din yan Maya, relax ka lang…

Pilit pinapakalma ni Maya ang sarili. Nanlalamig na siya at nanginginig  ang kamay niya, muntik pang matumba ang plastic cup na binabalot niya para sa take-out ng customer buti na lang at natakpan na niya ito bago pa niya mapansin si Richard. Halos di na siya makahinga sa lakas ng kaba ng dibdib niya. Para maka-focus sa trabaho ay pinilit niya ang sarili na di mapatingin kay Richard na sa mga panahong yon ay nakatingin sa kanya.

Pagkalipas ng isang oras ay nakita parin niya ito doon. This time, nagbabasa na ito ng dyaryo.

Shit! Kailan ba matatapos yang binabasa niya?!

Reklamo ni Maya ng makitang nagbabasa lang si Richard, napansin din niya ang isang coffee na nasa nasa harap niya. Napaisip tuloy siya kung paano biglang nagkaroon ng dyaryo at kape si Richard pero nang makitang nilapitan siya ng isa sa mga manager nila ay saka niya naisip na marahil ay magkakilala ang dalawa at nakangiti pa itong nakikipag-usap kay Richard.

Lumipas ulit ang isang oras at andun pa din si Richard. Siguro na tapos na niya basahin ang lahat ng pahina ng dyaryo kaya tinupi na niya ito sa mesa at ngayon balik na naman ito sa pagtitig sa kanya. Nakita din ni Maya napatingin ito sa relo niya, nabuhayan ng pag-asa si Maya na baka sakaling maisip nitong umalis na, pero nung sumadal ito sa upuan ay napasimagot ulit siya. Alam na ni Maya na hinihintay siya nitong matapos. Nag-aalala si Maya at wala pa naman siyang ibang dadaanan kundi ang pinto kung  saan malapit na nakaupo si Richard kaya wala talaga siyang lusot.

The most dreaded part came. Uwian na, di malaman ni Maya kung gusto niya lumabas o hindi pero wala naman siyang choice kasi kailangan ng pumasok ng papalit sa kanya. Kung mamalasin naman siya, wala pa ang sina Doris at Sabel kaya wala siyang kasama. Pagkatapos ma check ng guard ang bag niya at mapansin ang grupo ng mga customer na papasok sa store ay nagmadali na siyang lumabas at sinalubong ang mga tao para lang maiwasan si Richard. Narinig ni Maya na tinawag siya nito kaya mas lalo siya nagpanic. Paglabas ni Maya ay nasalubong niya si Simon kaya nakahinga siya ng malalim.

“Maya! Tapos na ang shift mo? Teka..uy shift ko pa..” nagreklamo si Simon ng maramdaman niyang hinihila siya ni Maya.

“Help! Please ilayo mo ako dito, dali….please..ngayon na?” pagmamaka-awa ni Maya sa kaibigan habang nakakapit sa kamay nito.

“Teka  bakit? Ano bang nangyayari  sa’yo namumutla ka oh.” hinawakan ni Simon ang magkabilang pisngi ni Maya at pilit itong pinapatingin sa kanya. Nag-aalala ito lalo na ng makita ang pag-aalala sa mukha nito.

“Please, please…Simon..”

“Hoy! Okay ka lang?”

Nakita ni Maya ang paglabas ni Richard sa pinto kaya napasubsob siya ng mukha niya sa dibdib ni Simon sa takot na makita siya ni Richard. Napayakap naman si Simon sa kanya ng di sinasadya.

Naningkit ang mata ni Richard nang makita si Maya at Simon na magkayakap, nagpupuyos ang kanyang loob sa nakita. Nilapitan niya ang dalawa at tinapik si Simon sa balikat.

“Bitawan mo siya brod.” marahan niyang sinabi kay Simon.

“Excuse me?” lumingon si Simon sa kanya at  halatang nagulat si ito sa sinabi ni Richard.

“Di ka dapat nangyayakap ng girlfriend ng iba.” nagpipigil parin si Richard sa sarili niya habang patuloy na nakikitang di parin binibitawan  ni Simon si Maya.

“Huh? Gi-girlfrie-nd?”

“That girl you are hugging right now is my girlfriend kaya bitiwan mo siya!”

Nagulat si Maya at Simon sa narinig, pareho silang napatingin kay Richard nanlaki ang mga mata at di makapaniwala sa sinabi ng lalaking kaharap nila.

12 Comments (+add yours?)

  1. scentoflavander
    Nov 20, 2013 @ 11:33:49

    … i literally.dropped everything when i saw this post. Super excited sa mga next happenings…
    Thanks sis!

    Reply

  2. renzmharie
    Nov 20, 2013 @ 10:27:36

    Nice one Richard!! Naku Maya harapin mo na si Richard😀

    Reply

  3. Arwen
    Nov 20, 2013 @ 08:47:18

    Grabe ha, kinakabahan din ako sa pag-iwas ni Maya🙂 . Hahaha

    Reply

  4. myrnavp
    Nov 20, 2013 @ 08:35:12

    Ms, Con…i love love love this…ang galing talga….pero sana naman ang next update next na agad pls??? kakaloka hahaha…gusto ko na mabasa ang susunod na sasabihin ni richard at kong ano magiging reaction ng dalawa…pls pls pls??? can u pls update agad….pde bang double treat??? God bless!!!

    Reply

  5. catez
    Nov 20, 2013 @ 07:30:39

    naku maya harapin mo na si richard ang boyfriend mo na di mo alam ng di ka umiiwas sa kanya…….ano kaya ang susunod pang sasabihin ni richard kay simon bukod sa sinabi niyang girlfriend niya si maya……ahiiiiiiee!!!! kaabang abang ang mga susunod na mangyayari……….mama minion thank you.

    Reply

  6. jangmi
    Nov 20, 2013 @ 04:03:43

    ano yan bglang nagka bf maya ng d nya alam at saka bakit gnon nalang pag habol ni richard kay maya eh obvious na iniiwasan nga cya nito d b. me malalim bng dahilan c richard para gwin nya yun. eh kung tutuusin pede nman cya manligaw ng iba..
    Pero infairness ganda ng story ha at talagang every chapter kaabang abang.

    Reply

  7. Nanette
    Nov 20, 2013 @ 01:04:45

    Kaloka! May boyfriend sya pero di niya alam, self declared boyfriend si R ha ha
    Con galing mo talaga sa romcom🙂

    Reply

  8. Alpha
    Nov 20, 2013 @ 00:24:59

    Weeehhh, girlfriend.🙂 Naku, Maya may boyfriend ka pala eh, yumayakap ka pa sa iba. haha.

    Reply

  9. Crunch
    Nov 19, 2013 @ 23:38:39

    Waahhh!!!! NAkakabitin!! ni-check ko muna ang site baka may bagong post bago ako matulog.. hehhe.. Wala ka nang kawala Maya!! Ano nang gagawin mo?? Humanda ka na sa mahabang debate nyo! Thanks for this!

    Reply

  10. rocsan888
    Nov 19, 2013 @ 23:37:00

    Hahaha, cute… Miss your stories Con.

    Reply

  11. Bong
    Nov 19, 2013 @ 23:23:56

    Wala ka ng kawala Maya! Harapin mo na kasi para maliwanagan na ang lahat, sige ka, sa kaka-iwas mo nyan baka makahanap pa ng iba!

    Reply

  12. misschuchy
    Nov 19, 2013 @ 23:17:57

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: