That Girl! 6

Kumalas si Maya sa pagkakayakap kay Simon at lumapit ng konti kay Richard.

“Ano ulit yung sinabi mo? Girlfriend? ” medyo pabulong na tanong ni Maya sa kanya, magkasalubong na ang kilay at kita pa ni Richard ang pagkuyom niya ng kanyang palad dahil sa pagtitimpi na huwag makatawag pansin sa mga taong papasok sa fastfood.

“Bakit hindi ba? Pagkatapos ng ga-”

“Shhh huwag kang magkamaling banggitin yon!” pagbabanta ni Maya sa kanya. She slightly stomped her foot to show how annoyed she already was.

“Maya, kailangan ko ng pumasok sa loob at naghihintay yung papalitan ko. ” nilapitan ni Simon si Maya at hinawakan ang siko nito. “Kung takot kang umalis at wala kang kasama, antayin mo ako or tawagan mo sina Doris para samahan ka dito, okay?” bulong ni Simon sa kanya, ang boses nito halatang nag-aalala sa kanya.

“You don’t have to worry about her, she’s safe with me.”

“Huwag ka mag-alala Simon, kaya ko ang sarili ko.” di pinansin ni Maya si Richard at sa halip ay humarap ito kay Simon at hinawakan ang braso nito habang tinutulak ito papuntang pinto para pumasok na.”

“Are you sure? ”

“Yes, sure na. Sige na.” sagot kaagad ni Maya sa kaibigan kahit na sa loob nito ay gusto niya itong pigilan at di siya sigurado sa mangyayari sa paghaharap nila ni Richard.

Nang pumasok na si Simon ay hinarap na ni Maya ang lalaking iniiwasan niyang makatagpo sa loob ng anim na buwan.

“How dare you say na girlfriend mo ako sa harap ni Simon!”

“And why not kung yon lang ang paraan para bitawan ka niya and hopefully lubayan na?”

“At sa tingin mo may karapatan kang panghimasukan ang buhay ko?” di na napigil ni Maya ang sarili kaya napataas na ang boses niya kaya pinagtitinginan na siya ng mga taong nasa paligid nila. Nang ma-realize ni Maya na nagsisimula na silang mapansin ng mga tao ay dali-dali siyang tumalikod para umalis na pero pinigilan siya ni Richard. He grabbed her wrist and pulled her towards the  parking area.

“Not so fast Maya! You don’t walk out on me again just like what you did six months ago!” nagtaas narin ng boses si Richard at nagsisimula ng uminit ang ulo .

“Pwede bang huwag mo na banggitin yung nangyari noon? ” tinanggal ni Maya ang pagkakahawak ni Richard sa kanya at binitawan naman siya nito ng huminto na sila sa tapat ng isang BMW na sasakyan.

“Paanong di ko yon mababanggit kung yon ang huli nating pagkikita matapos mo akong iwanan? Sumakay ka at mag-uusap tayo.” binuksan ni Richard ang pinto ng sasakyan pero umiling si Maya.

“Ano to kidnapping?”

“Maya I said mag-uusap tayo, bakit ba iniiwasan mo ako?”

“Ayoko! Pagpipilitin mo akong sumakay diyan idedemanda kita, KIDNAPPING!” pananakot ni Maya kay Richard para lang hayaan na siyang maka-alis na.

“Kidanapping?! Oh sige…then dapat siguro idemanda kita ng RAPE ?!” nilakasan talaga ni Richard ang pagkasabi ng makita niyang may mga taong papalapit sa area nila. Napalingon tuloy ang grupo  ng mga babae sa kanila.

“Nagpapatawa ka ba? Rape? Mahiya ka sa balat mo Richard, ako pa ang nang-rape?” pinipigil ni Maya na huwag mapasigaw para lang di siya marinig ng mga babae, nilapit pa niya ng konti ang mukha niya kay Richard.

“Bakit hindi ba? Pagkatapos mo akong halikan at iseduce, kinabukasan tinakasan mo na ako?! ”

“Shut up!” namumula na si Maya. Magkahalong inis at hiya ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya parang lahat ng balahibo niya sa leeg nagsitaasan lahat. Napilitan tuloy siya pumasok sa loob at maupo sa tabi ng driver’s seat. Richard rounded the car and took his place at the driver’s seat.

“Look, Maya gusto ko lang makipag-usap.. please?” pakiusap ni Richard sa kanya. Matiim pa siyang tinitigan sa mga mata niya pero binawi niya ang tingin niya sa lalaki.

“Wala na tayong dapat pag-usapan Richard. The moment na di na ako nagpakita sa’yo dapat clear na sa’yo yon.”

“Wait… tama ba ako kung iisipin kong you don’t really care what happened six months ago. I still want to believe di ka ganung klaseng babae Maya.” tiningnan ni Maya si Richard nang marinig niya ang sinabi nito, sa tono ng boses ng lalaki gusto niyang maniwalang may konting tampo ito sa nangyari sa kanila pero ayaw niyang i-entertain yung nararamdaman niya sa takot na baka mali ang iniisip ‘nya.

“Y-es. Wala akong pakialam and sorry to disappoint you pero di ako tulad ng iniisip mo. ” kahit papaano, nagpapasalamat si Maya na di pala siya pinag-isipan ni Richard ng masama, pero deep inside, alam niyang wala na namang saysay ito. Kailangan pa din niyang lumayo ng tuluyan kay Richard kung gusto niyang mag move-on na. At this point of her life, letting go of the memories that happen in San Nicholas ang pinakamabuting gagawin niya.

“No..no..don’t say that! Alam ko hindi ka ganun. ”

“Richard tatlong gabi mo lang ako nakasama, paano mo nasasabing di ako ganoong klaseng babae? Come on! ” she faked a smile just to show him na wala lang sa kanya ang nangyari noon.

“But why avoid me kung wala lang Maya?”

“Di kita iniwasan. Ayoko lang ma-attach ulit sa’yo. Ganun ako eh, once tapos na wala ng balikan.” di alam ni Maya kung bakit nasabi niya yon pero di na niya kayang bawiin pa.

“So .. ganun lang pala yon. For you wala lang? ”

“Oo..look Richard, para namang ang big deal nun. I mean, di ba..it’s just a fling..a o-ne night stand! Don’t tell me di pa nangyari sa’yo yon ever?!”

“I can’t believe i’m hearing this from you! You ruined everything Maya. You ruined my dream, my plan..my life! I was hoping na pag nagkita tayo magsisimula tayo ulit and this time yung tama. All the while akala ko kahit sa ikli ng panahon na nakilala kita ikaw na yung hinahanap ko.” natigilan si Maya. Di niya yon inasahan na marinig mula kay Richard. Di malaman ni Maya kung bakit somehow, my konting kurot siyang nararamdaman nang marinig niya ang malalim na buntong-hininga ni Richard. Pakiramdam ni Maya anumang oras ay maiiyak na siya .

Bakit biglang may ganun linya na akong naririnig? Bigla-bigla na lang..

Naninikip na ang puso ni Maya at pakiramdam niya kung di pa siya aalis mawawalan ng saysay ang effort niyang itaboy si Richard palayo sa buhay niya.

“Tapos na tayong mag-usap. Siguro naman klaro na sa’yo lahat Richard.” bumaba na si Maya ng sasakyan at nagmadaling maglakad, sa di kalayuan ay may nakita siyang taxi kaya pinara niya ito at agad sumakay. Si Richard naman ay wala ng magawa kundi tingnan ang papalayong taxi kung saan nakasakay si Maya habang papalayo ito sa lugar na yon.

20 Comments (+add yours?)

  1. ghie2013
    Nov 21, 2013 @ 13:45:09

    waaaahhh kawawa naman si richard…. next chapter na please gusto ko na malaman ano na next plan ni richard…hahayaan na lang ba nya mawala si maya ng ganun na lang? bakit nasabi ni richard na akala nya si maya na yung hinahanap nya?

    Reply

  2. Crunch
    Nov 21, 2013 @ 13:42:23

    Nakakabitin!! Totoo ba yun Richard?? NExt na po please..😀

    Reply

  3. jangmi
    Nov 21, 2013 @ 09:23:30

    more chapters please..sobrang ikli ng chapter 6. well dis story is very nice! Pero bat ganon ibig bang sabihin wala ng reconcilation na mngyayari sa mga bida natin kc tinapos na ni maya ang usapan meaning ndi ba cla ang mag kakatuluyan? Bakit naging mean c maya kay richard eh wla nman ginwa na masama c richard d b? Gusto pa ng ni richard na mas makilala pa c maya it means me puwang ang pag ibig kay richard para kay maya.

    Reply

  4. catez
    Nov 21, 2013 @ 06:46:45

    mama minion bakit ganun ang nangyari? ibang klase ang mayabels dito…………ang may sala ang mga daliri ni mama minion……hahahaha!!!!! nakakaloka ang mga daliri…..aantayin ko mamaya yung pambawi dito……..♥♥♥

    Reply

  5. Eden delacruz
    Nov 21, 2013 @ 05:59:20

    Anong problema ni maya? Parang over naman ang pag iwas niya kay Richard… Next chapter na pls…

    Reply

  6. myrnavp
    Nov 21, 2013 @ 05:49:12

    Ms. N bakit ganun ang chapter na to? masakit sa dibdib??? prang d ako makahinga….update agad bago ako atakihin sa puso pls? God bless!

    Reply

  7. paupau14
    Nov 21, 2013 @ 01:49:05

    wla akong masabe kung di naaawa ako kay Richard..

    Reply

  8. Airam
    Nov 21, 2013 @ 01:43:34

    It’s ok Ms. Con…kasalanan naman pala ng mga daliri mo eh!! hahahaha…🙂

    waiting for another chapter…:)

    Reply

  9. Alpha
    Nov 21, 2013 @ 01:06:19

    Hala! you’re so mean Maya.. how could you do this to Richard. Waaahhhh! Ms. Con, pahabulin mo naman sa kilig si That Girl! sa ating serye. Overdose todamax kilig!

    Reply

  10. flevents
    Nov 21, 2013 @ 00:20:44

    I think Maya here is being irrational. Sorry guys, but my sympathies are with Richard. She doesn’t want to talk calmly about what happened and is having a serious case of avoidance. Instead of facing her problems, she runs away.

    What Maya needs is some sense knocked into her. I just hope Richard can analyze her action with the underlying emotion and realize that it’s fear that’s driving Maya. Hope he doesn’t give up. I’d like to see Maya make amends. She owes Richard big time.

    Reply

  11. Nanette
    Nov 20, 2013 @ 23:38:31

    Ikaw na con, nagmu multi tasking🙂
    How’s the kabila?

    Reply

  12. rocsan888
    Nov 20, 2013 @ 23:25:10

    wahhh.. double treat please….

    Reply

  13. floe
    Nov 20, 2013 @ 23:18:53

    My god!!! tlagang weird ang bitin parati ba nagmmadali ka ms. conelyn??? wla pa atang 2 pages tapos nah.. hayyyy

    Reply

  14. misschuchy
    Nov 20, 2013 @ 23:13:55

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: