That Girl! 7

Ilang beses ng naririnig nina Doris at sabel ang pagbuntong-hininga ni Maya mula nung umuwi sila galing trabaho. Tahimik din ito at parang malalim ang iniisip. Sa simula akala nila pagod lang ito pero nang sabihin nito ang isang balita habang kumakain sila ng hapunan saka lang nila naisip na iba na pala ang tumatakbo sa isip ng kaibigan nila.

“An-o yung sinabi mo? Parang mali ata narinig ko? Paki-ulit ng ma-confirm kong bingi ako.” tumigil muna sa pagsubo si Sabel at nag-antay sa isasagot ni Maya. Pati si Doris sabik ding marinig ang kanyang sasabihin.

“Magre-resign ako sa trabaho at uuwi muna ako kina Nanay, baka doon makahanap ako ng trabaho.” di man lang nag-angat ng tingin si Maya at patuloy ito sa pagkain.

“At least di ako bingi Doris ha, pero yung sinasabi niya di ko parin maintindihan kung bakit.” umiiling si Sabel at nagpatuloy ulit sa pagsubo. Si Doris naman nakataas ang isang sulok ng kilay habang nakatingin kay Maya.

“BFF ano na naman ang problema mo? Si Richard ba ulit kasi naalala ko yung sinabi mong kung magtatangka siyang lapitan ka pa ay aalis ka, pero wala ka namang nasabi tungkol sa pag-uwi sa inyo ah!” nag-aalala si Doris sa desisyon ni Maya. Baka kasi padalos-dalos lang ito sa desisyon niya.

“Kasi nami-miss ko sina Nanay tapos try ko na ring maghanap-hanap baka may makita akong trabaho dun.”

“Bakit biglaan? Nakakalungkot naman ng balitang yan BFF”

“Try ko lang naman BFF, kung makakahanap ako dun eh di mas mabuti. Malapit lang ako kina nanay, pero kung hindi naman eh babalik ako dito at dito na maghahanap ng bagong trabaho.”

“BFF ano ba napag-usapan ninyo ni Richard at bigla kang nagdesisyon ng ganyan?” malungkot ang mukha ni Doris habang nagtatanong sa kaibigan. Pati si Sabel nahawa na rin sa kanya at biglang tumamlay.

“Wala naman, gusto lang niya pag-usapan yung nangyari six months ago. ”

“So nag-usap na talaga kayo? ” tumango si Maya kaya bago pa ito tumahimik ulit sinundan kaagad ng tanong ni Sabel. ” Naitanong mo ba kung may nangyari ba talaga?”

“Sira ka talaga Sabel. Ayaw ko nga pag-usapan yung tungkol dun tapos itatanong ko sa kanya? Nagkalinawan lang kami na walang anumang relasyon ang namamagitan sa amin, sinabi ko sa kanya fling lang yon at saka hanggang one-night stand lang and dapat wala na siyang iisiping obligasyon o anuman sa akin.”

Namilog ang mata ng dalawang kaharap ni Maya sa narinig. Si Maya naman ay pilit pinapakita sa dalawa na hindi big deal  yung sinabi niya kahit alam naman ng dalawa na apektadong-apektado siya.

“Bakit mo yon sinabi?”

“Ang alin? Yung tungkol sa fling lang? Totoo naman yon di ba?”

“Ano ba sinabi niya? Bakit after six months kinausap ka parin niya?” tumahimik na naman si Maya. “Maya !”

Isang bungtong-hininga ang narinig ng dalawa mula  sa kanya bago siya nagsalita ulit. “Sabi niya alam daw niya di ako ganung klase na babae ..sabi niya akala daw niya na kapag nakita na niya ulit ako, mag-” parang gusto ulit ni Maya maiyak ng maisip niya yung sinabi ni Richard kanina. Di man niya aminin may kirot sa puso siyang nararamdaman tuwing bumabalik sa kanyang alala ang mga sinabi ni Richard kanina.

“BFF, ano? Tapusin mo na, huwag mo kaming bitinin!”

“Sabi niya akala niya na kapag nagkita daw  kami ulit magsisimula kami and make things right. Sabi niya sinira ko daw yung plano at buhay niya.” isang malalim na buntong-hininga ulit ang pinakawalan ni Maya. Ayaw niya kasing makita ng dalawa na umiyak siya kaya pinipigilan ang sarili. Somehow, kapag ginagawa niya ang pagbungtong-hininga ay gumagaan kahit sandali ang sikip sa dibdib na nararamdaman niya.

“Ay kaloka! May sumbatang naganap? So ano yon? Inamin niyang nahulog ang loob niya sa’yo kahit ilang gabi lang kayo nagkasama?” tanong ni Sabel sabay halukipkip at sandal sa upuan niya.

“Yun naman pala Maya eh, di ba attracted ka din sa kanya noon? Bakit di mo bigyan ng chance. Mukhang sincere naman siya at kahit ilang buwan na ang dumaan di ka parin nakalimutan.” hinawakan ni Doris ang kamay ni Maya.

“Hindi na, siguro okay na yung nagka-usap na kami. Parang ang bilis nung nangyari sa amin noon, ayoko magkamali ulit. Di ko siya pa siya kilala, what if yung attraction ko sa kanya hanggang doon lang yon.Saka nangak ako sa sarili ko na kung magkakaroon man ako ng boyfriend, gusto ko yung maayos na ako at wala ng iisipin pa. Ngayon di ko pa narating ang gusto kong marating. Wala pa akong matinong trabaho kaya saka na yang kalandian na yan. Minsan na akong nagkaproblema dahil diyan, kaya pass na muna.”

” Ang haba ng explanation. Yung sinabi ni Richard yon lang ba talaga?” palipat-lipat ng tingin si Maya sa dalawang kaharap sa mesa. Naisip  niya yung sinabi ni Richard tungkol sa akala nitong siya na ang babaeng hinahanap niya pero nahiya naman siya na sabihin ito kaya nagpasya siyang di na ito sabihin sa dalawa. Kinagat na lang niya ang kanyang labi para mapigilan lang ang sariling huwag magsalita ulit.

“So, di ka naba talaga namin mapipigilan pa?” tumango si Maya kay Doris, nalungkot ulit siya nang maisip na magkakahiwalay sila ng mga kaibigan. Mula first year college hanggang sa nagtapos sila,  lagi niya silang kasama kaya ngayong napipinto na ang paghihiwalay nila di niya maiwasang mapaluha.

“Is that your final answer?”

“Sabel pwedeng huwag na lang sagutin? Masakit sa dibdib eh!” nagsimula ng mamula ang mata at ilong ni Maya kaya wala ng ibang nagawa ang mga kaibigan kundi tumayo at lumapit para yakapin siya.

“Aww Maya…mami-miss ka namin. Sana kung sakaling makahanap ka ng trabaho dun may dalawang extra pa para  makasunod kami sa’yo!” nagyakapan ang tatlo at nagsimula ng mag-iyakan.

 

Gaya ng kanyang plano, pinasa ni Maya ang resignation letter niya sa fastfood chain na pinagtrabahuan. Nakasaad sa sulat niya ang pagre-resign niya sa katapusan ng buwan na yon. Tinaggap naman ng head niya ang resignation niya kahit medyo nalungkot siya at isa pa naman si Maya sa mga mahuhusay na empleyado at nakatakda na sanang bigyan ng promotion.Nangako naman ng konting pabaun na separation pay ang kumpanya sa kanya na magagamit niya pagbalik niya sa Tarlac.

Laking pasalamat din niya at pagkatapos ng huling pag-uusap nila ni Richard di na niya ulit ito nakita. During those first few days pagkatapos nilang mag-usap may konting kaba ding nararamdaman si Maya na baka mangulit si Richard at bigla na namang magpakita sa kanya pero hindi na nagpakita ulit si Richard. May ilang beses ding nahuhuli ni Maya ang sarili na hinahanap si Richard sa bawat sulok ng kainan, thinking na baka andun lang ito at nagmamasid sa kanya nung mga huling araw niyang pagtra-trabaho dun pero the moment that she finds herself doing those things lagi niya nire-remind ang sarili na hindi niya dapat ginagawa yon which she finds so confusing kung bakit naiisip pa din niya si Richard kahit di na ito nagpapakita sa kanya.

Pagkatapos ng buwang yon, umuwi na si Maya sa Tarlac. Hinatid siya nina Doris at Sabel at pagkaraan ng dalawang araw ay lumuwas din ang dalawa pabalik sa Manila. Napakalungkot ng mga sandaling nagpapaalam na sina Doris at Sabel sa kanya. Walang katapusang iyakan at yakapan.

Nagtataka man ang Nanay Teresita at kapatid niyang si Kute sa biglaang pag-uwi ni Maya sa kanila dahil sinadya talaga ni Maya na huwag ipaalam sa kanila ang pag-uwi niya, masaya parin ito at makakasama na nila si Maya. Walang plano si Maya na ipaalam sa nanay niya ang tungkol kay Richard. Kaya ng nagtanong ito kung bakit siya biglang nagdesisyon na umuwi, sinabi niya lang na nami-miss niya ang nanay niya at gusto niyang subukang maghanap ng trabaho sa kanila kung saan malapit lang sa kanyang nanay at kapatid.

Lumipas ang isang linggo na pamamahinga ni Maya, agad siyang nag job-hunting . Kung anong establishment ang inaplayan niya. Hotel, opisina, restaurant, at kahit nga cashier sa mall para lang di na siya mabakante. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap siya ng tawag mula sa hotel na inaplayan niya at pinapareport siya para sa isang interview. Laking tuwa ni Maya at finally, matapos ang ilang linggo na paghihintay, isang hotel ang tumawag. Gusto niya kasi talagang magtrabaho sa hotel  para naman magamit niya yung kursong tinapos niya. At ang maganda pa dun,  ang nagpatawag pa sa kanya ay ang isang kilala hotel sa lugar nila. Panay ang dasal ni Maya na sana matanggap siya kaya nang sabihin ng nag interview sa kanya na tanggap na siya bilang line cook ay laking tuwa niya.

A week after natanggap si Maya ay agad na siyang nagtraining para sa bagong trabaho niya. Excited na excited siya sa panibagong yugto ng buhay niya. Kahit malayo na si Maya ay di parin niya nakakalimutan ang mga kaibigan at paminsan-minsan ay tinatawagan parin niya ito at kinukumusta.

 

 

 

~ ~  ~  ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

“Emman yung menu for the week tapos ko na gawin andun sa office ko. Yung para sa stock din please finalize na para macheck ko na. Be sure na nasali mo na yung para sa event huwag na huwag mong kalimutan. Kailangan by tomorrow morning pagpasok ko nasa table ko na para maforward ko na sa marketing department.” bilin ni Maya kay Emman, isa sa mga staff niya sa kitchen nang makita niya itong palabas ng kitchen nila.

“Yes Ma’am Maya, tomorrow morning pagpasok mo nasa mesa mo na.” ngumiti naman ang bading na staff niya pagkatapos ay tumalikod na at nagpunta sa may pantry nila.

May tatlong buwan na rin buhat ng lumipat si Maya sa Manila after 2 years na nagtrabaho sa sister company ng hotel na pinapasukan niya ngayon .For the past two years, masaya si Maya sa naging trabaho niya sa hotel. From line cook, isa na siyang Kitchen Manager ngayon sa bagong hotel. Palibhasa magaling sa trabaho at magaling humawak ng tao kaya madali lang niya narating ang kasalukuyang position .

Bumalik na din siya sa apartment nina Doris at Sabel. Kasalukuyang nagtra-trabaho na din ang dalawa sa ibang kumpanya. Si Doris ay receptionist sa isang hotel habang si Sabel naman ay supervisor sa isang restaurant. Gusto din sana ni Maya na magkasama sila ulit sa trabaho pero nang malaman nilang ia-assign sila sa ibang branch na hotel na nasa malayo ay tumanggi na ang dalawa na mag-apply.

Sa di inaasahang pagkakataon, nagtagpo ulit ang landas ni Maya at Simon sa hotel. Nang ma-assign si Maya sa La Estrella Hotel ay nalaman niyang doon na rin pala nagtra-trabaho si Simon. Siya ang kasalukuyang bar manager ng hotel. Laking tuwa ni Maya at kahit wala ang dalawang kaibigan niya, at least may makakasama pa din siyang dati niyang kakilala.

Palabas si Maya ng kitchen at papuntang bar para hanapin si Simon at may itatanong sana siya tungkol sa purchase orders ng department nito. Nakita niya ito sa may counter ng bar at kausap ang isa sa mga tauhan niya. Nang makita siya ay ngumiti ito at sinalubong si Maya.

“O bakit ka andito?”

“Itatanong ko lang yung tungkol sa orders mo. Kasi bukas ifo-forward ko na yung sa akin sa marketing department.”

“Ah oo, buti pina-alala mo. Natapos ko na siya. Wait kunin ko lang.” umalis si Simon at nagpuntang counter para kunin ang isang papel na nakalatag sa ibabaw nito. Agad din itong bumalik at inabot ito sa kanya.

“Here. Sorry di ko nahatid kanina.

“Okay lang, sige balik na ako sa station ko.”

“Thanks Maya. “

“No problem.” tumalikod na si Maya at naglakad na pabalik sa kitchen ng madaanan niya ang kanilang general manager na si Ms. Rafi  na may kausap sa cellphone niya habang naka-upo sa isa sa mga mesa sa bar. Tumatawa pa ito at halatang kinikilig.

” Sige na nga, okay see you later. Thanks for the flowers, you’re super sweet. ..yeah yeah I love them..okay, see you. Bye Chard!”

Napangiti si Maya nang makitang kahit nakababa na ang cellphone nito ay abot tenga parin ang ngiti kaya naisipan niya itong lapitan.

“Uyyy si Ma’am inspired!” Maya teased as soon as nakalapit na siya kay Rafi.

“Oh, hi Maya..halata ba?” Rafi giggled, nahiya pa ito at tinakpan ang mukha niyang  namumula.

“Uyyy .. ” aliw na aliw si Maya ng makita ang pamumula ni Rafi. Masaya siya para sa kaibigan, bukod kay Simon si Rafi ang isa sa mga close sa kanya sa hotel.

“Shhh huwag ka maingay at baka marinig ka ng iba, tutuksuhin na naman ako ng mga yon. Ayoko malaman nila lalo pa’t mamaya susunduin ako ni Richard dito . Baka just like ng ibang empleyado dito ako na naman ang pagdiskitahang bantayan ng mga chismoso at chismosa mong mga kasama.”

“Ri-chard?”napalunok si Maya ng marinig ang pangalang yon. Everytime may nami-meet siyang Richard ang pangalan lagi na lang niyang naiisip ang lalaking nakilala niya years ago.

“Yeah, si Richard. Yon ang pangalan niya.”

“Ohhhh Richard.” ngumiti na lang si Maya.

“Yeah, name pa lang sweet na di ba? I don’t know kung ano meron sa kanya but I find him iba. ” Rafi still smiling picked the bouquet of long-stemmed roses na nasa harap niya.

“Kayo na?”

“Nope, hindi pa..but I would like to think na nanliligaw na?”

“Ahh okay..sa akin kasi ang Richard medyo may bittersweet memories ako sa pangalang yan kaya…”

“Aww, you know what. I hope to change your impression sa name na Richard. Ganito, mamaya ipapakialala kita sa kanya. I’m sure you will agree iba siya.” sa ngiti ni Rafi alam niyang excited ito sa idea niya, and di alam ni Rafi nag-aalangan si Maya. Just like what she always feels whenever she meet someone na may katulad na pangalan.

“Ah okay, sige mamaya..balik na muna ako sa kitchen tapos na break ko eh.” paalam ni Maya para maka-iwas na sa usaping ‘Richard‘ .

“Okay, sige mamaya tawagin na lang kita pag andito na siya.”

Tumayo na si Maya at tumalikod na para pumunta sa kitchen. Naging busy na ulit si Maya sa trabaho niya at nakalimutan na ang tungkol sa sinabi ni Rafi na plano nitong pagpapakilala kay Maya sa kanyang manliligaw. Alas sais ng gabi ng pinatawag siya sa kusina at pinapunta sa opisina ni Rafi, saka pa niya naalala ang tungkol sa napag-usapan nila. Nag-ayos muna siya konti saka pa tuluyang lumabas ng kitchen at puntahan ang opisina ng GM. Kumatok muna siya at ng marinig ang boses ni Rafi na pinapapasok siya ay saka na siya tumuloy.

“Ma’am Rafi pinapatawag mo daw ako?” nakita ni Maya ang lalaki na naka-upo sa harap ng mesa ni Rafi, nakatalikod ito sa kanya pagpasok niya kaya di niya agad nakita ang mukha except sa suot nitong gray pants and light yellow shirt.. She stopped just right in front of the door at nahiya na siyang pumasok sa loob.

“There you are Maya .. halika.” tumayo si Rafi at humakbang para lapitan siya. ” Maya I would like you to meet Richard. ..Chard meet Maya, siya ang pinaka-close kong empleyado dito. She is the hotel’s Kitchen Manager. Kaka-assign lang niya dito three months ago.”

“Good evening po Sir Ri-” tumayo ang lalaki at hinarap siya sabay abot ng kamay nito. Parehong nagulat si Maya at ang lalaking kaharap niya ng makita siya. Di na nakapagsalita agad si Maya nang malamang si Richard Lim pala ang lalaking tinutukoy ni Rafi.

“Oh Maya..di ka na naka-imik diyan.” hinawakan ni Rafi ang balikat niya at bumulong sa kanya.  “See what I told you, iba siya. Pati ikaw napapatameme eh.” then Rafi giggled. Namula si Maya sa narinig. Di na siya mapakali, nakita din niyang nagulat si Richard pero magkagayunpaman ay di parin nito binawi ang kamay niyang ini-abot sa kanya. “Maya..” tinawag siya ulit ni Rafi.

“Uh..so – sorry..” nakipagkamay na si Maya kay Richard at agad namang binawi nito ang kamay niya.

“So ikaw pala yung sinasabi ni Rafi na may phobia sa pangalang Richard.”

“Yes siya yon Chard..oh bakit kayo ganyan..magkakilala kayo?”

“No! Hindi kami magkakilala…”

“Are you sure di kayo magkakilala? Para kasing..”

“Yes..i’m sure..di kami magkakilala… right Maya?” tiningnan siya ni Richard. Nagulat man siya sa sinagot nito ay nagawa parin niyang tumango at isang mapait na ngiti ang pinakita kay Rafi.

“Yes..di kami mag-ka.. magkakilala ni Sir Richard.”

Sa mga oras na yon, gusto ni Maya na umalis na pero pinipigilan niya ang sarili dahil nasa harap nila si Rafi na walang kaalam-alam sa nakaraan nilang dalawa.

“Nice meeting you Maya.” nakita ni Maya ang ngiti ni Richard, di malaman kung pakitang tao lang ito o hindi matapos siya nitong harapang ikaila na magkakilala silang dalawa.

“Nice meeting you … again -Sir “

Di magawang ngumiti ni Maya kay Richard. Paano niya gagawin yon kung di nama siya sigurado  kung masaya siya na nagkatagpo silang dalawa ulit.

10 Comments (+add yours?)

  1. ggfarah@comcast.net
    Nov 21, 2013 @ 22:39:42

    Fate/ destiny! You can’t question it!! Ha ha masakit pero you have to face it Hindi ba? So what will happen now????

    Reply

  2. Eden delacruz
    Nov 21, 2013 @ 22:27:31

    Eto n ang pagkikita ng dalawa… Si maya maloloka n nman…

    Reply

  3. pekotalasa
    Nov 21, 2013 @ 22:19:09

    Next pls…ang sakit naman!

    Reply

  4. Alpha
    Nov 21, 2013 @ 22:07:32

    Maya is reaping what she sowed–Richard, denying that he knew her. Ayan ay kung affected talaga siya sa ginawa ni Richard. Pero, gusto ko ring isipin na sana nga ay palabas lang ang lahat ni Raffi & Richard ito, to find out what Maya feels & if apektado pa siya. Knowing mother Con, may twists & turns lagi sa tabi tabi. hehe. thank you Ms.Con. Buti na lang super kilig & in cloud 9 ako sa TV series, this doesn’t dampen my mood. haha!

    Reply

  5. jennylovesyou
    Nov 21, 2013 @ 21:47:01

    Ka abang-abang ang mga susunod na kabanata!😊👏👍

    Reply

  6. floe
    Nov 21, 2013 @ 20:11:43

    Yohoo ms con,!!! bumawi ka na kaso ang sakit sa dibdib araay sb ni maya. sana drama nga lng tlaga ni rafi pero prang hindi eh,, kasalanan mo rin nman maya eh… i think its time to make bawi kay richard kung makabawi ka nga..sana mlaman din ni richard ang feeelings mo sa kanya…

    Reply

  7. catez
    Nov 21, 2013 @ 18:36:10

    hala yung nakaraan si richard ang nasaktan sa huling paguusap nila ni maya……ngayon si maya naman ang nasaktan sa muli nilang pagkikita…….aatakihin na ako mama minion dalawang araw na puro sakit ang naramdaman…..di kaya yung mga nakakalokang daliri ulit mo ang may kasalanan nito……..joke♥ sana yung next chapter may kilig……kailangan na yatang mag alay ng saging ng mga minions……thanks sa update.

    Reply

  8. Bong
    Nov 21, 2013 @ 18:19:18

    Ang sakit sakit naman, Ms Con may double treat ba ngayon??? Ano kaya ang gagawin ni Richard, o baka drama lang nila ni Rafi ang lahat para makalapit uli si Richard kay Maya…….

    Reply

  9. myrnavp
    Nov 21, 2013 @ 17:43:28

    WOW!!! ang sakit naman ng next meeting nila Ms Con….ramdam ko ang kirot! hayyy update na agad pls baka sakaling makabawi….sana! thanx for this and God bless!!!!

    Reply

  10. misschuchy
    Nov 21, 2013 @ 17:08:22

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: