That Girl! 8

Pagkatapos ipakilala ni Rafi si Maya kay Richard ay nagyaya pa ito kay Maya na samahan sila mag-dinner.

“Ay sorry po Ma’am pero di pa ako tapos sa trabaho ko. ”

“Ay ganun ba? Sayang naman, but anyway sana next time ha sumama ka na.” lumapit si Rafi kay Maya at bumulong. “Di parin ako nag give-up with my plan.” Maya raise her brows, confused with what she meant . ” To change your mind regarding Richard.” then Rafi smiled at her.

“Ah..yon? ” Rafi nodded. Walang kamalay-malay sa pinagsasabi niya. Maya could only stare at her, naguilty si Maya pero wala naman siyang magagawa at pati siya nagulat naman sa pagtatagpo nila ni Richard. “Wala na yon, huwag mo na yung isipin.”

“But I also need your help.. you know …  I also need your assessment about him.” Rafi said, still whispering.

“Assessment? You mean, kung approve or not?”

Di makapaniwala si Maya sa narinig. Aakalain ba niyang siya pa ang hingan ng opinion ni Rafi kung pupwede ba nitong maging boyfriend si Richard o hindi. Kung alam lang ni Rafi na pag si Richard Lim ang kasali lagi siyang nasa negative side.

Naloko na!

“Uhmm excuse me ladies, baka kasi nakalimutan ninyong andito ako? Ano ang pinag-uusapan ninyo?” Richard butted in, lumapit pa ito at hinawakan sa siko si Rafi. He smiled sweetly at Rafi kaya si Maya napasimangot sa nakita.

“Oh! Sorry Chard but secret na namin yon. ” Rafi giggled. Nakita ni Maya ang paghawak ni Rafi sa braso ni Richard. Nanatili pa ito doon ng ilang sandali. Nailang tuloy si Maya sa nakitang closeness ng dalawa kaya nagbaba ng tingin si Maya at nagkunwaring may tinitingnan sa sapatos niya.

“So Maya, next time ha?”

“Huh? Ahm, si-ge, next time na lang .. mauna na ako. Enjoy your date. Sige.” Tumalikod na si Maya at iniwan ang dalawa sa loob. Kung ano man ang sinabi ni Rafi ng umalis siya di na niya narinig at nagmadali na siyang makaalis. Pagpakapasok ni Maya sa kitchen isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Nakita siya ng staff niya sa kitchen kaya pinagtitinginan siya.

“Okay ka lang Ma’am?” tanong ni Emman nang makalapit ito sa kanya.

“Okay lang ako Emman! okay lang.”

Okay na okay kaya gusto kong mambasag ng pinggan!

Gusto ni Mayang isigaw yon pero pinigilan ang sarili, kuyom ang palad niya habang bumalik siya sa area niya at pinagpatuloy ang ginawa niya kanina.

Buti na lang at di nagtagal ay off na ni Maya kasi kahit anong kumbinsi niya sa sarili na okay lang siya, halata namang hindi siya okay. Hindi siya maka-concentrate sa trabaho kaya minsan naguguluhan ang mga tauhan niya sa mga bilin niya.

Mainit ang ulo ni Maya ng gabing yon. Pati ang mga kaibigan niyang sina Doris at Sabel ay napakunot ang noo dahil nakasimangot ito pagpasok pa lang sa pinto ng apartment nila.

“Anyari sa hotel ninyo at ganyan kagusot ng mukha mo?” Naka-upo si Sabel sa couch habang may hawak na remote ng tv. Panay ang pindot ni Sabel sa remote at naghahanap ng magandang palabas, nang walang mahanap ay pinatay na lang ito at nagpasyang makipag-kwentuhan kay Maya.

“Nagkita kami ni Richard sa hotel”

“Na naman?! Oh may nangyari na naman bang confrontation 2.0 at ganyan ka kainis?”

“Wala! Yung gagong yon, dineny ako!”

“Sinong nag-deny?” tanong ni Doris nang marinig siya. Galing itong kusina at may dalang tray na may lamang isang pitcher ng juice , dalawang baso at chips.

“Si Richard Lim daw.” tinulungan ni Sabel si Doris para mailapag ng dahan-dahan ang tray sa maliit na mesa sa harap nila. Umupo naman si Doris sa tabi ni Sabel habang si Maya ay nasa kabilang upuan.

“Bakit ano bang nangyari? Saka bakit nasa hotel nanaman siya? Don’t tell me sinundan ka? Ay naku! Lagi na lang kayong pinagtatagpo ng tadhana ha. Ang tadhanang lagi mo na lang iniiwasan pero pilit paring lumalapit sa’yo sa mga panahong di mo inaasahan .”

“Hindi noh! Nalaman kong nililigawan pala niya GM namin. Tapos pinakilala kaming dalawa, ang mokong nagkunwaring di niya ako kilala!” inis si Maya kaya napataas na ang boses niya.

“Ah kaya pala!” tumawa ang dalawa kaya lalong uminit ang ulo ni Maya. Buong akala niya ay kakampihan siya ng mga kaibigan niya, but turned out pinagtawanan lang siya.

“Anong nakakatawa dun? Di yon nakakatawa ha. Nakakainis kasi kung  malalaman ni Ma’am Rafi alam kong magagalit yon sa akin. Sa ginawa niya ako yung naiipit sa sitwasyon eh!”

“Maya baka naman kasi nagulat din yung tao. And come to think of it. After noong ginawa at sinabi mo sa kanya the last time na nag-usap kayo malamang hanggang ngayon di parin niya yon nakakalimutan kaya nang makita ka nagkunwari na lang na di ka niya kilala. Ikaw ba gusto mo bang sabihin ni Richard, na oo kilala ka niya kasi ginawa mo siyang fling ng tatlong gabi? ”

“Oo nga Maya, saka wala namang may nakakaalam ng tungkol sa nangyari sa inyong dalawa before kundi kayong dalawa lang di ba. Malalaman lang yon ni Rafi kung isa sa inyong dalawa ang magbibisto sa mga sarili ninyo.”

“Hay ewan! Basta nainis ako! Bakit naman kasi lagi na lang kaming pinagtatagpo di naman kailangan!” tumayo na si Maya at naglakad na papasok sa kwarto ‘nya. Sina Doris at Sabel naman ay tumatawa parin sa may sala.

“If I know Doris, yang si Maya iba ang kinaiinisan yan. Nagseselos yan!”

“Tumpak! Ang hirap kaya makitang may nililigawan ng iba yung  lalaking muntik mo ng maging jowa or asawa kaya lang iniwasan mo ng bonggang-bongga!” then they giggled again. Biglang lumabas ulit si Maya sa kwarto niya at sumigaw.

“Narinig ko yon Dorina ha!”

“Ang alin? Wala kaya akong sinabi!”

Pumasok ulit si Maya sa kwarto niya at humiga na lang sa kama. Di na niya pinansin ang dalawang kaibigan  na panay parin ang tawanan sa labas. Naiinis siya dahil ayaw niyang isipin ng ibang tao na nagseselos siya kasi para sa kanya hindi dapat. Ngayong nililigawan ni Richard si Rafi, kailangan niyang sanayin ang sarili na makita ito sa hotel palagi kahit ayaw niya. Kung ayaw niyang mabisto silang magkakilala pala ay kailangan pa niyang husayan ang kanyang pagpapanggap. Batid ni Maya ang hirap ng sitwasyon niya pero dapat niyang magtiis. Hindi habang buhay niya kayang iwasan si Richard, sa isip iya mas mabuti pa nga ngayon at may ibang nililigawan na si Richard kaya kung magkakaharap man sila di na niya kailangang matakot na siya ang lalapitan nito kasi sa iba na naka-focus ang atensyo nito.

 

Isang araw, abala si Maya sa trabaho niya sa hotel. Ilang araw na niyang  iniiwasang makausap o kahit makatagpo man lang sa lobby si Rafi  kasi takot siyang wala itong ibang pag-usapan kundi si Richard. Pero ngayon, wala siyang kawala at di niya namalayang pumasok ito sa kitchen habang abala siya sa pagsusulat ng menu para sa gagawing function ng hotel sa susunod na linggo.

“Hi Maya!” nang marinig ni Maya ang boses ni Rafi ay bigla siya napatayo, naisipan niya talagang magtago sa ilalim ng kitchen counter pero ng makita niyang nakatayo na ito sa harap niya kaya di na siya tumuloy sa plano niya.

“Ma’am! Bakit po?”

“Oh! Bakit parang natataranta  ka?” nakangiti si Rafi kaya napilitan na ring ngumiti ni Maya kahit na kinakabahan parin siya.

“Huh? Wala po..nagulat lang po..so-sorry. Ba-kit po kayo andito? May kailangan po ba kayo?”

“Wala naman. Itatanong ko lang kung anong oras ka lalabas mamaya?”

“6:30 po, bakit po?” may konting hinala na si Maya sa kung bakit nito tinanong ang oras ng pag-uwi niya pero dasal parin ni Maya na mali ang hinihinala niya.

“Great! Then sasama ka sa amin ni Chard ha.”

Sabi ko na nga ba!

“Po? Saan po at bakit ako sasama?”

“Maya, di ba sabi ko sa’yo, I want to know your opinion about him!”

Opinion ba, pwede ko naman sabihin sa’yo na di ko na kailangang sumama sa date ninyo. Ano ako scorer?

“Per bakit kailangan ko pang sumama? Saka, saan ba kayo pupunta?”

“Dinner then watch ng movie..please please Maya sumama ka na. Sinabihan ko na naman si Chard na isasama kita sabi niya okay lang daw.”panay ang yugyog ni Rafi sa braso ni Maya, nagmamaka-awa na sumama siya.

“Naku Ma’am, baka pwedeng pass ako diyan. Nakakahiya namang sumama sa inyo eh.”

Ano ako yaya mo? Niligay na nga ako ng manliligaw mo sa nakakailang na sitwasyon papalalain mo pa?

If only she could yell it out she would pero tanging sa isip lang niya kayang sabihin yon.

“No please huwag ka mahiya Maya. Si Chard naman cool lang kasama eh. Once you get to know him, I’m sure you’re gonna like him magiging kumportable karin sa kanya.”

Yeah right! May mas kukumportable pa kaya sa pagkakumportable ko sa kanya noon kaya naganap ang di dapat naganap?

“Pero Ma’am Rafi..”

“No buts Maya.. mamaya hihintayin kita sa office ko. Magtatampo ako sa’yo if di ka sisipot!” tumayo na si Rafi at nginitian siya bago ito tumalikod para umalis na. “Bye Maya. See you later.”

Arggghhhhhh!!!

Gusto ni Maya magwala pero pinigilan ang sarili at baka may makakita sa kanya. Pumunta si Maya sa restroom para ikalma ang sarili. Nanatili siya doon ng ilang minuto para makapag-isip kung ano ang mas maganda niyang gagawin para maka-iwas na sumama pero nang maalala yung sinabi ni Rafi na magtatampo ito ay nagbago ang kanyang isip. Hanggang sa maisip niyang maghanap ng ibang tao na isasama niya para di siya mailang . Tinawagan niya ang mga kaibigan pero parehong tumanggi at may trabaho pa daw sila. Since wala na naman siyang gaanong kakilala na pwede niyang hingan ng tulong, wala na siyang choice kundi i-consider si Simon. Pagkalabas niya ng restroom ay agad hinanap si Simon sa area nito pero nalaman niyang kakauwi lang ni Simon kaya tinawagan na lang niya cellphone.  Ilang ring ang narinig ni Maya bago pa ito sinagot ni Simon.

“Oh Maya, napatawag ka?”

“Simon! Help!”

“Bakit anong nangyari sa’yo?” halata sa boses ni Simon ang pagkataranta nito.

“Kalma. Gusto ko lang humingi ng favor.”

“Ikaw naman, kala ko ano na nangyari sa’yo. Bakit, anong favor ba yon?”

“Samahan mo ako mamaya please”

“Yun lang pala eh. Saan at anong oras? Buti na lang off na ako.”

“Mamaya puntahan mo ako dito 6:30, hihintayin kita. Mag-ayos ka!”

“Ayos? Anong ayos sinasabi mo magsu-suit ako?”

“Hindi! Ano ka ba , hindi naman tayo sa kasal pupunta. Basta yung mukhang kagalang-galang. Polo and slacks..basta ikaw na bahala.”

“Ganun? Saan ba tayo pupunta?”

“Sa date!’

“Da-date?”

“Oo, date! Sige na, bye na at magtra-trabaho pa ako. Mamaya ha, huwag mo akong indianin mapapatay kita Simon!”

“Oo na, hindi na..ako pa ba choosy eh date na yon!”

Di na pinansin ni Maya kung ano pa ang sinasabi ni Simon, Pinutol na niya ang tawag at nagmadaling bumalik sa area niya. Masaya na siya at  kahit di niya napaghandaan ng mas maaga ang pagsama sa date ni Rafi at Richard, at least may nahanap na siyang kasama at di na magmukhang kawawa na sunod ng sunod na lang sa dalawa buong gabi.

 

17 Comments (+add yours?)

  1. misschuchy
    Dec 02, 2013 @ 20:20:00

    Reblogged this on redroses22 and commented:
    Sorry po sa hindi ko pag-update sa mga reblogs ko, nawalan ako ng connection for a week eh

    Sorry po talaga

    Peace

    Reply

  2. maria
    Nov 24, 2013 @ 01:24:30

    sana nga mag bff lang sila richard at rafi…at hinuhuli lang ni richard si maya kung may feelings sya para sa kanya kasi love pa rin ni richard c maya…ms. author next chapter na pleaaaaaseee…

    Reply

  3. jangmi
    Nov 23, 2013 @ 17:03:18

    next na po please….pero bakit mukhang selos c maya e d b nga cya ang nagtaboy non ke richard..i think pakana lang ni rafi at richard ang sitwasyon pero ang totoong relationship nila ay mag bestfriend lang. un umg tingin ko.Pero c ms writer pa din ang boss ng kwentong to.hehehe

    Reply

  4. binky
    Nov 23, 2013 @ 07:12:34

    thanks for the story…

    Reply

  5. Arwen
    Nov 22, 2013 @ 20:06:20

    Choosy ka Maya ha. Gusto mo laging ikaw ang hinahabol at kung maka-jelly ka kung my ibang kasama si Richard?

    Reply

  6. gianni96950
    Nov 22, 2013 @ 19:27:47

    feeling ko magbestfriend lang si rafi at richard. she’s just trying to help richard to win back maya. hula lang hahaha. thanks a lot.

    Reply

  7. myrnavp
    Nov 22, 2013 @ 19:05:43

    patay…eh diba kilala ni Simon c Richard? as Maya’s boyfriend the last time they met?? pano kong madulas sia infront of Rafi?? hmmm…magulo and obvious sa comment ni simon me gusto sia k maya…good….sana magselos si richard hehehe….thank u for this update….when’s d next Ms, N? God bless!

    Reply

  8. Crunch
    Nov 22, 2013 @ 18:58:17

    HAhahahha!! Selos Much si Maya!! Ano nang gagawin nyo? Tsk. Tsk. Tsk. Ano na namn ang pakana mong yan Richard? Gusto nyo na namn bang maranasan ang HEARTBREAK 2.0?? NExt na po please.. Sana tama ang hinala ko sa ginagawa mong yan Richard..😀

    Reply

  9. eileencardenas
    Nov 22, 2013 @ 17:57:26

    Selos si mayabels! hihihi … pero i think rafi and chard has a plan. Na originally si chard ang master mind … hehehe hula lang po. sana agad agad na ang kasunod mejo nabitin eh. and very kaabangabang ngayon! ♥

    Reply

  10. Alpha
    Nov 22, 2013 @ 17:54:23

    Thank u sa update Ms.Con. Excited sa magaganap sa double date na ito.

    Reply

  11. catez
    Nov 22, 2013 @ 16:48:55

    naku mayabels bakit ganyan nagseselos ka? ano kaya ang mangyayari sa date nila? mag ala dragon kaya si richard kapag nakita niya na may kasama si maya……mama minion abswelto ang mga daliri mo ngayon….hahahaha!!!!!

    Reply

  12. renzmharie
    Nov 22, 2013 @ 16:45:57

    I love this chapter🙂 .. Ang kulit lang ni Doris at Sabel😀 Ano kaya ang mangyayari sa date??

    Reply

  13. Bong
    Nov 22, 2013 @ 16:44:36

    Ano ba yan ‘engbitin’, Ms Con double treat naman dyan oh….. I’m sure selos-selos ang game ng dalawa!

    Reply

  14. banana08
    Nov 22, 2013 @ 16:38:46

    feeling ko pakana lang ni Richard at Rafi yan! Assumera ko e. di ko kasi maimagine na magkarelasyon si Richard at Rafi! anyway aabangan ko na lang.🙂 thanks

    Reply

  15. rom23316
    Nov 22, 2013 @ 16:38:32

    Reblogged this on rom23316.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: