That Girl! 9

Okay Maya relax, andito na ‘to. Wala ka ng magagawa kaya sumunod ka na lang!

Maya murmured to herself. Nasa loob pa siya ng locker niya habang nag-aayos. Nag-aalala na siya at ten minutes na lang 6:30 na pero wala pa si Simon.

Nakuuu Simon! Kung di ka susulpot ngayon,huwag ka na magpakita pa sa akinnn!

Nagpupuyos ang damdamin ni Maya, pero kung tutuusin ay ang dahilan lang nito ay hindi si Simon kundi ang pagkakaipit niya sa sitwasyon. Nagre-retouch na si Maya ng lipstick ng tumunog ang cellphone niya kaya dali-dali niya itong kinuha sa bag.

“Simon!!!Asan ka na?”

“Hi Maya, papasok na ako. Ready ka na?”

“Oo, in fact lalabas na ako.”

“Good! See you.”

Pagkababa ay nagmadali na si Maya sa pagligpit ng gamit niya saka siya lumabas ng locker room.

 

 

“Hi Chard!”bati kaagad ni Rafi. Nasa labas siya ng pintuan ng opisina niya , hinihintay ang pagdating ni Richard and at the same time inaabangan ang paglabas ni Maya sa locker room. Talagang sinadya niyang doon maghintay para makita niya kaagad si Maya  at nang di ito nakatakas sa kanya.

“Hello , Rafi. For you.” iniabot ni Richard ang dalang bouquet kay Rafi. Ngumiti naman ito ng makita ang magagandang bulaklak at nagpasalamat. “Let’s go?”

“Wait, antayin muna natin si Maya. ” lumingon si Rafi at sinilip ang lobby para hanapin si Maya at nang makita itong papalapit agad niya itong kinawayan. ” Buti naman di mo ako tinakasan kundi talagang magtatampo ako. So, tayo na?”

“Ay Ma’am Rafi, ano kasi..pwedeng hintayin muna natin si Simon?” bumulong si Maya kay Rafi.

“Oh, so sasama din siya?”

“Oo eh, kasi para di naman nakakailang na sumama ako. Pwede ba?”

“No problem Maya, so, asan na si Simon?”

“Mmm sabi niya papasok na daw siya eh.” Sinilip ni Maya ang main door ng hotel para hanapin si Simon, ilang segundo lang ay nakita na niya itong papasok. “Ayun! Simon!”

“Sasama siya?” tanong ni Richard kay Rafi, nagtaka ng makita si Simon.

“Huh? Oo, kasi nahihiya si Maya okay lang naman di ba? Mas masaya! Double date!”

“Ahh, well yes..masaya nga.” Double date?

Pagkalapit ni Simon ay laking gulat niya ng  makita si Richard. Namilog ang mata nito at di sinasadyang napaturo pa kay Richard kaya agad namang hinila ni Maya ang kamay ni Simon para pigilan siya sa kanyang sasabihin.

“Ahh wait lang ha.” hinila niya ito papalayo kina Richard at Rafi para kausapin.”Shhh alam ko nagulat ka..Oo, siya yon, pero please huwag kang magpahalata na kilala mo siya.” Maya was rubbing her hands as if pleading him to cooperate kaya tumango na lang si Simon kahit nagtataka sa pangyayari.

“Kasama ba natin sila ngayon?”

“Oo eh, please please Simon huwag kang magpahalata na kilala mo siya. Di alam ni Ma’am Rafi na magkakilala na kami ni Richard.”

“Huh? You mean, di niya alam ex mo yung manliligaw niya?”

“Oo nga..shhh ” sinenyasan ni Maya na babaan nito ang boses niya .

“Di ba ako biglang suntukin ni Richard nito?”

“Hindi..basta explain ko later. Sa ngayon tulungan mo muna ako please?”

“May choice pa ba ako? ”

“Wala na nga. Salamat Simon! Di ko to makakalimutan!”

Narinig ni Maya ang pagtawag ni Rafi sa kanilang dalawa ni Simon kaya hinila na naman niya ito para lumapit ulit sa dalawa. “Sorry, medyo may pinag-usapan lang.”

“It’s okay Maya, oh! By the way, Richard I would like you to meet Simon, kasama din namin siya dito ni Maya. Simon si Richard kaibigan ko.”

Inilahad ni Richard ang kamay niya and look intently at Simon. Gayun din naman ang ginawa ni Simon sa kanya, tumango ito at nakipagkamay na.

“Rafi, just wait for me here, kukunin ko lang yung car.”

“Ay wait, may dala din akong sasakyan Chard eh. Paano yon?”

“Oh, paano ba yon?” sandaling huminto muna sina Richard at Rafi para pag-usapan ang tungkol sa magiging arrangement nila. Nakahanap naman ng tyempo si Simon para kausapin ulit si Maya.

“Sasakay ba tayo kay Richard?” bulong ni Simon kay Maya habang pinag-iisipan ng dalawa kung ano ang gagawin sa sasakyan ni Rafi.

“Oo alangan naman mag taxi tayo eh iisa lang naman ang lugar na pupuntahan natin. Gagastos pa tayo.”

“Eh may dala akong masasakyan natin.”

“Huh?” naalala ni Maya ng Honda XRM 125 motorcycle ni Simon.”Simon, sorry ha pero takot ako sumakay sa motor eh. Maki-hitch na lang tayo.”

“Hindi..dala ko fx ng pinsan ko. Di kasi siya pumasada.”

Gustong tumawa ni Maya paro nahiya naman siya kay Simon. Na-appreciate niya yung effort ni Simon na magdala ng sasakyan pero natawa siya at sa lahat ng sasakyan ang sasakyan na pampasada pa ng pinsan niya ang nakuha niyang hiramin.

“Nag-abala ka pa. Baka mapara pa tayo akalain namamasada ka .” biro ni Maya kay Simon. Hininaan pa niya ang boses niya para huwag marinig ng dalawa kung ano ang pinag-uusapan nila.

“Ang sakit mo naman magsalita..di mo kasi sinabi kanina ayaw mo .” may konting tampo ang boses ni Simon at napa-ismid pa ito sa kanya.

“Eh di mo naman sinabi na dadalhin mo ah!”

“So di mo na talaga narinig yung sinabi kong dadalhin ko ang fx?”

Tumawa na talaga si Maya, di na napigilan ang sarili. Aliw siya makita ang mukha ni Simon na parang bata na nagtatampo dahil ayaw niya sumakay sa dala niyang fx. Nadala na rin si Simon sa kanya kaya nakikitawa na rin kinalaunan. Nasa ganoong ayos sila ng lapitan ni Rafi.

“Kayo talaga enjoy na enjoy ah. I’m sorry to disturb you guys pero kailangan ninyong maghiwalay. Maya, you go with me, while si Simon will go with Richard. Ayoko kasi iwanan ang kotse ko dito at bukas maaga pa ang pasok ko. Ayoko naman na magpabalik-balik pa dito so I’m taking my car. Let’s go Maya?”

“Maya, di kaya ako ihulog ng ex mo pagdating sa kanto?” bulong ni Simon kay Maya. Tumawa si Maya sabay tapik sa braso nito.

“Hindi yan. Takot lang niya sa’yo. Sapakin mo kung magtangka kang isalvage hehehe!” sumunod na si Maya kay Rafi and just as what Rafi and Richard have decided, kay Rafi sumakay si Maya habang si Simon naman ay sa di na nag-insist na dalhin ang FX at nahiya naman siya. Sumakay na siya sa sasakyan ni Richard. Ilang minuto ang nakaraan ay paalis na ang dalawang sasakyan papunta sa direksyon ng mall kung saan sila manonood ng sine.

Pagdating ng mall ay nagkasundo silang manood muna ng movie at saka na lang kakain pagkatapos. Gusto sana ni Richard na kumain na muna pero nag-insist si Rafi kasi busog pa naman daw sila kaya pinagbigyan na lang niya.

“Ano gusto ninyong panoorin?” tanong ni Richard sa kanila.

“She’s the one! Fan ako ni Bea kaya gusto ko yan!” excited na sagot ni Rafi kay Richard. Ang laki pa ng ngiti nito paglingon kay Maya hinihintay na sumang-ayon ito sa gusto niya.

“Okay then, wait here ako na lang ang kukuha ng ticket?”

Romantic movie?

Gusto sana ni Maya pero parang naiilang siya manood nito lalo pa’t kasama sina Rafi at Richard. Biglang naalala ni Maya sina Doris at Sabel at ang plano nilang sabay-sabay silang manonood nito.

“Gusto mo si Thor?” tanong ni Maya kay Simon nang makita nito na palabas din ang Thor sa kabila.

“Ayaw mo ba yan? Kung ako ang iniisip mo at baka di ako mag-eenjoy huwag kang mag-alala, okay lang yan. Mas gusto kong makita na nag-enjoy ka sa pinapanood mo.”

“Eh kasi naman..mapapatay ako nina Doris pag nalaman nilang nauna na akong manood. So ano? ” Maya murmured unto his ear sabay tingin sa kanya. Maya was hoping he would understand then  agree . Nang makita niyang tumango si Simon, laking pasalamat ni Maya. She turned to her Rafi and grin, “Ahmm Ma’am Rafi, pwedeng sa kabila kami?”

“What do you mean?Ayaw ninyo yan?” Rafi and Richard looked so surprised. Di nila inasahan na mas pipiliin nina Maya na manood sa kabila than yung pinili ni Rafi na karaniwang pinipili ng mga babae.

“Eh  kasi tapos na kaming panoorin yan ni Simon noong isang araw , di ba Simon?” panay ang siko ni Maya kay Simon para suportahan siya sa kanyang pagsisinungaling kaya sumang-ayon narin ito kinalaunan.

“Ah ganun ba? Alin ba gusto ninyong panoorin?”

“Thor: The Dark World yun kasi ang gusto ni Simon.”

“Ahh ganun ba..eh di magkakahiwalay tayo?” nakita ni Maya na nadismaya si Rafi. Nahihiya man pero parang ayaw din kasi ni Maya na makasama ang dalawa at pakiramdam niya di siya mag-eenjoy at maasiwa lang siya. ” Chard, why don’t we join them too kasi I’m sure gusto mo rin manood nun?”

“Naku Ma’am huwag naman, pwede namang magkita na lang tayo dito mamaya.”

“Rafi, it’s okay. Baka gusto lang nila ng privacy kaya ayaw makisabay.” Richard replied with hintof sarcasm. It was certainly an unexpected reply from him. Parang may kakaiba  napansin si Maya sa pagkakasabi ni Richard pero ayaw na niyang pansinin.

Si Simon na ang nagbayad ng ticket nina Maya sa panonooring pelikula. Nagkasundo ang apat na magkikita sa may  ticket booth pagkaraan ng dalawang oras. Masayang pumasok sa kabilang cinema sina Maya at Simon habang sina Rafi at Richard sa kabila. Pag-upo nina Maya sa loob ay nakahinga siya ng maluwag knowing na ma-eenjoy niya ng maigi ang panonoorin nilang palabas na di naiilang sa mga katabi o kasama.

Di pinalampas ni Simon ang pagkakataon at nagtanong na siya kay Maya ng tungkol kay Richard. Di man makuhang ikwento ng buo ni Maya kay Simon ang nangyari noon pero sinigurado niya kay Simon na di sila nagkaroon ng relasyon ni Richard. Napangiti si Simon sa narinig mula kay Maya. Ngayon may konting pag-asa na siyang nakikita na maligawan niya si Maya na mula pa noon ay gusto na niya.

 

Samantala, sa kabila naman ay di rin maiwasang magtanong ni Richard kay Rafi.

“Si Simon ba nanliligaw kay Maya?” pakaswal na tanong ni Richard sa katabi habang nakatutok sa malaking screen sa harap ang mga mata nito. Sinadya niya talagang huwag tumingin kay Rafi at baka mahalata at mabasa ni Rafi na interesadong-interesado siyang malaman ang tungkol sa dalawa.

“Di ko alam eh..siguro, bakit?”

“Wala naman. Napatanong lang. Iba din kasi kung tumitig si Simon sa kanya and naalala ko yung sabi ni Maya kanina na tapos na nilang panoorin ito ni Simon. So I  assume baka sa isang date nanood sila nito.”

“Umm siguro. Pero alam mo, bagay naman sila. And kung sila na nga, I don’t see anything wrong with that. Alam mo bang lahat ata ng kasamahan namin sa hotel pabor sa kanila . Lagi nga silang tinutukso tuwing nakikita silang magkasama palagi. ”

“Ahh.. so magkasama sila palagi kahit sa work at outside work?”

“Oo, in fact Simon is so sweet na minsan hinihintay niya talaga si Maya para lang sabayan sa pag-uwi lalo na pag sobrang late na itong makakauwi. ”

“Talaga.”

Pinipilit ni Richard mag-concentrate sa panonood ng palabas pero laging bumabalik ang isipan niya kay Maya at Simon. Naalala niya kung paano ito kasaya kanina habang nakikipag-usap kay Simon. Di sinasadyan makaramdan na konting kirot sa dibdib at lungkot na ang bawat tawa na nakikita niya mula dito ay hindi na siya nag dahilan kagaya noon kundi si Simon.

Damn!  Bakit ba si Maya ang inaalala ko eh si Rafi tong katabi ko. Kala ko ba Richard Lim magmo-move on ka na?

Ito ang naglalaro sa isipan ni Richard at napabuntong-hininga na lang siya dahil sa konting kirot na nararamdaman kapag naaalala niya si Maya.

“Are you okay Chard? Mukhang di ka nag-eenjoy sa movie ah. Gusto mo ng lumabas na lang tayo?” Rafi asked, halatang dismayado ito sa nakikitang reaksyon mula sa kanya.

“No..hindi, may naalala lang ako.”

“Work?”

“Yes. I’m sorry, di ko lang maiwasang maaalala.”

“No it’s okay, naiintindihan ko. Are you sure okay ka lang?”

“Yes, thank you and please don’t let me ruin your mood. Alam ko gustong-gusto mo tong panoorin.”

Ngumiti lang si Rafi at muling tinuon ang atensyon sa pelikulang pinapanood. Ilang minuto ang nakaraan ay nakita na ni Richard na muli na nga itong nag-eenjoy sa pinapanood at di na siya napapansin. Richard knew it’s unfair na habang kasama niya si Rafi as his date that night ay nasa kabilang sinehan naman ang isip niya pero di niya mapigilan ang sarili niya.

 

Two hours passed, gaya ng napagkasunduan ay nagkita ang apat sa labas kung saan sila nagkahiwa-hiwalay kanina. Pansin ni Maya ang malaking ngiti ni Rafi, ayaw naman padaig ni Maya at ganun din ang ginawa niya para ipakita sa dalawa na hindi nga sila nagkamali sa desisyong maghiwalay sa panonood at pare-pareho naman silang nag-enjoy sa mga pinili nilang pasukan.

They were all hungry at pasado na alas otso ng gabi. They all agreed na sa labas na lang ng mall kakain kaya naghanap sila ng bukas na restaurant just around the area para malapit lang. After a few minutes, nakahanap din sila ng pwedeng kainan. Rafi and Richard parked their car next to each other outside a chicken house. Sabay-sabay na din silang apat na pumasok sa loob. Buti na lang at di gaanong madami ang tao kaya agad silang nakahanap ng bakanteng mauupuan. Rafi chose the table located at the far end of the room para medyo malayo sa ibang customers at di sila nagagambala ng mga papasok at palabas na customers sa restaurant.

While waiting for their orders tahimik lang ang lahat. Napansin yon ni Rafi kaya ito na kaagad ang gumawa ng paraan para mabasag ang katahimikan nila.Nagtanong ito kung nag-enjoy ba sina Maya sa pinanood nila at di ba sila nanghinayang na di sila sinamahan sa kabila.

“Ay hindi naman Ma’am, actually enjoy nga kami ni Simon eh.”

“Maya, call me Rafi pag nasa labas tayo, okay?”

“Ahh, okay..ahmm nag-enjoy naman kami ni Simon sa kabila, kayo kumusta naman?”

“Okay lang I enjoyed the movie. Kinilig ako sobra. Actually love ko si Bea kaya di ko pinapalampas pag siya yung bida. Ewan ko lang sa isa dito . Napilitan lang ata.”

“Of course I enjoyed the movie, actually kahit ano pa pinapanood natin okay lang eh. Basta ikaw ang kasama.” ang tamis ng ngiti ni Richard kay Rafi kaya medyo nailang si Maya sa nakita at biglang nagbawi ng tingin. Di sinasadyang mapataas ang isang sulok ng kilay niya na agad namang binawi sa takot na makita ni Richard ang reaksyon niya.

“Uhmm ayaw mo lang aminin eh. .Oh, eh kayo Maya,kumusta naman yong pinanood ninyo?”

“Okay naman siya. Masaya actually.”

“Di ko alam na mas gusto mo yon over a romantic film. Ako kasi kahit ilang ulit kong pinapanood ang pelikula basta romantic film at gusto ko ang bida , go lang ako ng go. Gusto mo pala yung mga action/sci-fi movies na ganun?”

“Well kasi yong Dark World di naman siya purely sci-fi ..may konting love story din at comedy kaya gusto ko.”

“Talaga? I didn’t know may love story din pala yon. Kala ko puro awayan, liparan at kung anu-ano pang action lang ang makikita dun.”

“Hindi naman, sweet nga nung story ni Thor and Jane dun eh. Hinintay talaga ni Jane si Thor na bumalik sa earth tapos si Thor naman at the end parang mas pinili niyang balikan si Jane sa kabilang mundo than pamunuan niya yung mundo nila. ”

“Aww sweet naman..may ganun pa kayang lalaki ngayon Maya. Yung tipong kahit saan ka man susundan ka at mas pipiliin kang makasama despite the hardships or whatever circumstances sa buhay ninyo?” inosenteng tanong ni Rafi sa kanya habang kumakain.

Di na nakasagot si Maya . Mas pinili niyang manahimik dahil sa bigla niya naalala yung nangyari sa kanila ni Richard noon. It really made her uncomfortable especially nang makita niyang pati si Richard ay naghihintay kung ano ang isasagot niya. She just simply smiled at Rafi sabay abot ng baso na may lamang tubig para uminom.

Yung Thor na nga lang pinanood ko para maka-iwas sa usaping love kanina, pero doon parin ang bagsak ng usapan natin.

Reklamo ni Maya sa isipan niya. Buti na lang nang di na naka-imik si Maya ay siya namang pagdating ng inorder nilang pagkain. Ilang sandali ang nakalipas ay nakalimutan na ni Rafi ang tanong na yon kay Maya at nagsimula na rin silang kumain.

“Ang saya ng She’s the One Maya noh?” tanong ni Rafi sa kanya.  Maya is thankful na di na muling binalikan ni Rafi ang usapan sa pinanood nila ni Simon. Pero nang maisip niya ang pagsisinungaling niya ay may konti din siyang kaba na nararamdaman. Natakot siya at baka mabisto siya ni Rafi. Ngumiti na lang siya at nag-focus sa kanyang kinakain hoping na tumahimik na lang si Rafi at di na ipagpilitan ang topic sa kanila.

“Napaisip tuloy ako. What if nasa ganoong sitwasyon ka Maya?”

Nagtaka si Maya sa tanong niya. Wala naman kasi siyang alam kung ano ang ibig sabihin ni Rafi at di pa niya napapanood ang pelikulang yon.

“Ang a-lin dun?”

“Yung sitwasyon ni Bea. May bestfriend kang mainlove sa’yo and vice versa?”

“Ahh..yon..ewan di ko alam.”

“Bakit di mo alam, di ba yan ang nangyayari sa inyo ngayon?” Richard chuckled .

“Anong ibig mong sabihin?” inis na tanong ni Maya kay Richard. Medyo tumaas pa ang boses ni Maya ng magtanong.

“Kayo ni Simon. Di ba?” sagot naman ni Richard habang nakatitig ng maigi sa kanya.

Naramdaman ni Simon ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya agad na siyang gumawa ng paraan bago pa sila mahalata ni Rafi. Hinawakan ni Simon ang kamay ni Maya at pinisil, ngumiti siya kay Maya para paalalahanan itong nasa harap nila si Rafi. Buti na lang si Rafi ay busy sa kanyang kinakain kaya di nito nakita ang pagsimangot ni Maya.

Habang kumakain silang apat ay tanging si Rafi lang ang masayang nagkukwento tungkol sa pinanood nila. Di man lang nito nahalata ang pagka-ilang ng mga kasama niya tungkol sa kanyang pinagsasabi. Di naman siya mapigilan ni Maya at wala siyang maisip kung ano ang sasabihin niya. Maya kept sipping on her drink to keep herself busy nang biglang magtanong si Rafi.

“Guys, I know it’s funny, pero tanong lang naman to.” Rafi giggles. Kaya di maiwasang ma-curious ang mga kasama sa kung ano ang tanong nito sa kanila. Maya picked her glass and started sipping on her ice tea as she focus her attention towards Rafi. ” Napaisip lang ako.. pag ang isang boy and girl ba nag tonsil hockey it means may feeling sila sa isa’t-isa?” Rafi look at the three of them alternately waiting for their reply, grinning like a fool.

Nasamid si Maya sa iniinom na ice tea. Si Richard biglang di mapakali sa tanong ng katabi niya kaya napa-inom din ng juice niya. Di maiwasang maghinala ni Simon sa dalawa nang makita nito ang pamumula ni Maya at Richard. Alam niya na ang kulay sa mukha ni Maya ay hindi dahil sa pagkasamid niya at mas lalong di siya naniniwala na ang sobrang pamumula ni Richard ay dahil sa nahihiya ito sa isaping tonsil hockey.

14 Comments (+add yours?)

  1. misschuchy
    Dec 02, 2013 @ 20:23:48

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  2. Flora
    Dec 02, 2013 @ 06:32:52

    Wala pa pong kasunod?

    Reply

  3. sefilog
    Nov 27, 2013 @ 21:55:56

    magkakaroon po ba ng update tonight? sorry excited lng. hehe🙂

    Reply

  4. teamSIMON
    Nov 27, 2013 @ 14:24:21

    ms con:) kaway kaway!! sorry ngayon lang ako nagparamdam ulit!! busy sa totoong buhay.. naging silent reader ako sa mahaba-habang panahon.. heto ako nagbabalik kahit panandalian lang.. hehehe thank you sa updates mo na mga fanfics!! ang gaganda lahat🙂 pero epic pa din talaga ang chinito series🙂

    Reply

  5. jangmi
    Nov 27, 2013 @ 10:08:29

    parang me feelings pa din dto richard para kay maya. Kc kahit na c rafi ung date nya c maya pa rin ung nasa isip nya.sana lang me maganda patunguhan ang lovestory ng mga bida ntin dto.

    Reply

  6. rocsan888
    Nov 27, 2013 @ 00:37:27

    tonsil hockey, french kiss or torrid kiss or laplapan in tagalog… hala!

    Reply

  7. Eden delacruz
    Nov 26, 2013 @ 23:42:11

    Awkward naman masyado ang usapan ng apat… Hay pwede ba erase na sa equation si rafi at simon.. Atat na sa maya richard chapter 2.0 story…

    Reply

  8. Crunch
    Nov 26, 2013 @ 21:44:41

    Mabilis malaman ni Simon ah!

    Reply

  9. catez
    Nov 26, 2013 @ 18:51:20

    pahamak word “tonsil hockey”…….ng dahil sa word na iyan mabubuking ni simon sina richard at maya…….kaya maya maghanda ka ng isasagot kung tanungin ka ni simon…..ano kaya ang isasagot nila richard at maya sa tanong ni rafi?……abangan sa next chapter……mama minion sana may maisulat ka na……..salamat sa update….♥

    Reply

  10. renzmharie
    Nov 26, 2013 @ 18:21:20

    Ang bilis makahalata ni Simon, hahaha.. paano kaya ito sasagutin nila Richard and Maya??😀😀

    Reply

  11. Lala
    Nov 26, 2013 @ 18:19:17

    Dapat Magkabukingan na!

    Reply

  12. chen
    Nov 26, 2013 @ 18:08:59

    word for the night ” tonsil hockey ” hahaha,.😉

    Reply

  13. Bong
    Nov 26, 2013 @ 17:23:49

    Naku naku Maya at Richard lagot kayo! ‘Tonsil Hockey’ talaga ha…..

    Reply

  14. myrnavp
    Nov 26, 2013 @ 17:10:32

    HULI KAU! Richard/Maya…dahil sa tonsil hockey na yan hahaha…obvious kayong dalawa na guilty kau dahil pareho kaung namula??? susme!! so ano kaya sasabihin ni Simon k Maya pag silang dalwa nalng? abangan ang susunod na kabanata….kelan kaya Ms. N? maya??? sana before i go to sleep hehe….Thnx and God bless!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: