For Whatever It’s Worth

Pababa ng hagdan si Maya para hanapin si Richard. Kanina pa siya naghihintay na umakyat ito sa kwarto nila pero malapit na maghahating-gabi di parin ito pumasok sa kwarto nila kaya nagdesisyon na siyang puntahan ito sa opisina niya sa baba. Naiinis si Maya at mahigpit ang bilin niya kay Richard na huwag magtagal sa gagawin niya pero di na naman siya sinunod ng asawa niya.

Nakita niya si Richard na kasalukuyang nagtitipa sa harap ng laptop niya. Di man lang nito napansin na papalapit na siya sa sa kanya. Huminto pa si Maya sa may pinto para malaman niya kung mapapansin siya ng asawa niya pero di talaga ito nag-angat ng tingin at nasa screen ng laptop niya parin ito nakatutok. Di maiwasan ni Maya ang mas lalong mainis sa kanya.

“Ricky!” tawag ni Maya kay Richard. Ito ang bumasag sa katahimikan ng paligid dahilan para magulat si Richard ng makita ang nakasimangot na si Maya.

“Maya, di ka pa tulog? Anong oras na?” Richard checked his wrist watch and look up again. ” Maya dapat tulog ka na sa mga oras na ‘to.” he said further. Watching Maya as she walk towards his table. “What are you doing here?”

“Ricky, di ba dapat ako ang magtatanong niyan? Di ba sabi ko huwag kang magtagal dito?” Ricky turned his chair to accommodate Maya as she sat down on his lap.

“Sorry. Di ko napansin yung oras eh. May binabasa kasi akong report from Sonny. Di  ka ba makatulog?” one hand is is caressing her arm up and down while one hand is caressing her exposed thigh. Sa sobrang ikli kasi ng white nightgown ni Maya, pag umuupo siya ay di maiwasang tumaas ang manggas nito at ma-expose ang kanyang mga hita.

“Sexy naman ng asawa ko. ” Richard teased Maya then kiss her shoulder.

“Kaya nga, di ka ba nate-tempt niyan?” ganting biro ni Maya at kinindatan pa si Richard. Ngumiti lang si Richard. “Tulog na tayo.” paglalambing ni Maya sa asawa giving him a knowing smile.

“Sige na nga, bukas ko na lang to tatapusin.” Richard reached out for his laptop and close it.

“Yeyy!” tumayo na si Maya mula sa pagkaka-upo sa kandungan ni Richard and waited patiently for him at the door.

Ilang sandali lang ay palabas na silang dalawa ng office at umakyat na ng hagdan . Magka-akbay silang naglalakad hanggang sa pagpasok ng kwarto nila.

“Maya, next time huwag mo na akong antayi ha. Katulad ngayon, alam ko inaantok ka na pero ito tinitiis mo para lang magkasabay tayong matulog.” nasa kama na si Maya at hinihintay si Richard na samahan siya dito. Ilang sandali lang ay tumabi na ito sa kanya sa kama.

“Eh kasi nasanay na akong sabay tayong  matulog. Di rin naman ako nakakatulog pag alam kong nasa baba ka lang at nagtra-trabaho.”

“Ang sweet naman talaga ng mahal ko.” niyakap ni Richard si Maya at hinayaang gawing unan ni Maya ang kanyang braso.

“Actually kaya ako di makatulog kasi gusto kong ..” bumulong si Maya sa asawa niya. Tumawa si Richard ng malaman ang dahilan kung bakit kahit anong oras na ay hinintay pa siya nito.

“Paano kung sabihin kong wala ako sa mood pagbigyan ka at pagod ako?” nakangiting sabi ni Richard sa kanya.

“Ahhh Ricky, sige na!” pilit ni Maya sa kanya na may halong lambing para lang pumayag ito. Hinalikan pa ni Maya ang leeg ni Richard para lang pumayag na ito.

“Maya di mo ako madadaan sa ganyan, alam mo yan.”

“Rickyyyy pleasee???”

“No..” he replied, shaking his head.

“Sige na, ito naman oh. Paminsan-minsan lang ako maglambing eh.”

“Ayoko nga eh.”

“Akala ko ba sabi mo sa kasal natin  I will do everything to make you happy , asan na ang vow na yon?”

“Maya.. pagod nga ako, gusto ko na matulog.”

“Eh di huwag!” sa sobrang inis ni Maya ay kumalas ito sa pagkakayakap kay Richard at lumayo sa kanya. Tumalikod din ito sabay hila ng kumot at nagtalukbong.

“Hey galit ka ba?” Richard moved closer to Maya. Kinalabit niya ito para tingnan siya pero lalo lang nainis si Maya. He was laughng  at her, binibiro lang naman kasi talaga niya si Maya.

“Ewan ko sa’yo! Itanong mo sa pagong hmph!” Maya covered her head with her  pillow and refuse to look at Richard.

Nakakainis! Minsan na nga lang .. Nag-antay pa ako wala rin palang kwenta!

Himutok ni Maya. Pakiramdam ni Maya dini-deprive siya ni Richard . Si Richard naman ay alam nitong pag ganitong naiinis na si Maya kahit anong gawin niyang paglalambing para makabawi ay di pa rin siya magtatagumpay kaya hinayaan na muna niya si Maya.Ilang sandali ang makalipas ay di sinasadyang makatulog na si Richard, dala ng pagod nito sa trabaho kaya di  na niya naantay na kumalma si Maya.

Grabe hinayaan niya lang talaga ako?! Kainis ka talaga Ricky!

At dahil wala na naman siyang magawa ay pinilit ni Maya na makatulog na. Ilang minuto ang makalipas ay nakatulog na siya. Sa mukha ni Maya ay bakas ang inis at kahit mahimbing na sa pagkakatulog ay nakasimangot parin.

Nagising si Richard na mag-isa na lang sa kama. Agad niyang kinuha ang salamin sa side table niya at  bumangon. Kumatok si Richard sa bathroom at tinawag ang pangalan ni Maya pero walang sumagot. Pagpihit niya ng doorknob ay bukas ito  kaya naisipang sumilip sa loob, sa isip niya baka nasa loob lang si Maya at di siya narinig o baka galit pa din ito kaya ayaw siyang sagutin. Nang sumilip si Richard sa loob ng bathroom ay nadiskubre niyang wala si Maya sa loob.

“Maya? Asawa ko?” ito lagi ang tinatawag ni Richard kay Maya tuwing naglalambing siya.

Lumabas si Richard at tinungo ang veranda nagbabakasakaling makita niya doon si Maya nagkakape habang nagbabasa ng magazine gaya ng karaniwan nitong ginagawa tuwing umaga habang hinihintay siyang magising.

“Asawa ko?” tawag ulit niya pero wala paring sumasagot sa kanya. Nang tuluyan na siyang makalabas ay walang tao sa veranda.

Asan na ba ang asawa ko? .. Ahh baka nasa baba tinulungan sina Manang Fe sa breakfast.

Agad bumaba si Richard. He took the stairs of the veranda . Pagkababa niya ay agad naman siyang naglakad patungong kusina, nadaanan pa niya si Doris na nasa laundry area at nagsasalang ng labahin sa washing machine. Nang makita siya ay bumati naman ito kaagad.

“Good moring po Sir!”

“Good morning Doris. Si Manang Fe?”

“Nasa kusina po.”

“Thank you.”

Pagpasok ni Richard sa kusina ay agad niyang nakita si Manag Fe na nagluluto. Nagulat ito ng makita siyang sa likod bahay dumaan.

“Oh bakit diyan ka dumaan? ”

“Hinahanap ko kasi si Maya, wala siya sa veranda eh. Andito ba siya?” napansin ni Manang Fe na medyo balisa ang dating alaga halatang nag-alala sa asawang di nakikita.

“Wala eh. Bakit di mo pa nakikita simula kanina?”

“Hindi eh.”

“Di ba nagpaalam na aalis?’

“Hindi po.”

“Baka naglakad-lakad lang yon sa labas. Babalik din yon huwag ka na mag-alala.  Mag-ayos kana at malapit na maluto ang breakfast ninyo ng mga bata. Maya-maya andti na rin yon asawa mo.”

“Sige po.”

Umalis na si Richard at umakyat na sa kwarto nila para maghanda na. Napangiti na lang si Manang Fe habang umiiling. Hanggang ngayon di parin nagbabago ang kanyan alaga sa kanyang asawa. Tuwing nakikita niya ang mga ito, singlambing parin ang dalawa tulad nung magkasintahan pa ang dalawa.

Alas singko na ng hapon. Nakauwi na siya at lahat wala parin si Maya. Nagaalala na talaga si Richard.  Buong araw siyang naghihintay ng tawag o kahit text man lang galing kay Maya pero kahit  hi wala talaga siyang natanggap. Kahit na nga lang I hate you  matanggap niya okay lang sa kanya basta magparamdam lang ang asawa niya.

Naisipan ni Richard na tumawag sa San Nicholas, nagbabakasakaling andun si Maya. Naisip ni Richard na baka sa inis ni Maya ay umalis ito at umuwi ng San Nicholas.

“Richard? O napatawag ka?” nang marinig ni Richard si Nanay Teresita, alam na niyang wala si Maya doon sa nanay niya. Masyadong kalmado ang boses ni Nanay Teresita.

“Mangungumusta lang po Nay. Kumusta kayo diyan?” pagsisinungaling ni Richard para lang di magtaka at mag-alala si Nanay Teresita .

“Okay lang naman kami dito , ‘nak. Kayo? Si Maya, kumusta?”

“Okay naman po kami , nay. ”

“Mabuti naman, oh kailan naman kayo dadalaw dito?”

“Yaan mo Nay itatanong ko kay Maya kailan ang bakante niya para makabisita kami diyan.”

“Aasahan ko yan ha.”

“Of course Nay. Sige, send my regards to Cristina Rose and Cho  na lang po, pati kina Simon at Lino na rin po.”

“Sige makakarating nak..Ingat kayo ni Maya ha.”

“Opo Nay, kayo din..sige, bye.”

Where are you Maya? Don’t tell me di lang kita pinagbigyan kagabi naglayas ka na?

At dahil di na talaga mapakali ay tumawag na siya sa kilala niyang general para magpatulong sa paghahanap sa asawa niya.

8.. 9..10  pm na wala parin si Maya. Pati ang mga bata nag-alala na rin. Si Abby umiiyak na, si Nikki naman inaalo ang kapatid niya pero makikita sa mukha nitong konting-konti na lang di narin nito mapipigilan ang sarili at iiyak na rin. Si Luke panay ang lakad pabalik-balik, di mapakali  katulad niya. Sina Manang Fe, Doris, Sabel, at Joma ay nasa baba at nag-aalala na rin kay Maya.

“Dad are you sure walang pasok si Tita mommy?” tanong ni Nikki sa ama.

“Yes ..I’m sure, saka kung meron man ang tagal naman ng flight na yon at hanggang ngayon wala pa siya.”

“Sa San Nicholas, dad?”

“Wala rin Luke, I called Nanay Teresita kanina and mukhang wala doon.”

“How about kina Emie?”

“Emman is in Singapore visiting his sister.”

“Eh saan na si Tita Mommy?” umiyak na ulit si Abby. Nilapitan siya ni Richard at niyakap.

“I’m sorry baby. I didn’t mean to upset her. ”

“Dad! Inaway mo siya?! How could you!” Nikki blurted out as soon as she heard him.

“I was just teasing her, di ko naman inakala aabot sa ganito.” Richard said, trying to defend himself. Deep inside he was so guilty with what happened, kung di lang talaga niya niloko si Maya at kung di lang siya nakatulog alam niyang di mangyayari ito.

Sandali pang nanatili ang mga bata sa tabi ng daddy nila, naghintay ng update tungkol kay Maya.  Pagsapit ng alas-onse ay pinapasok na ni Richard ang mga bata sa kanilang kwarto para makapag-pahinga na . Pumasok na rin siya sa kwarto nila at doon n naghintay ng update galing sa kaibigan niya. Dala na rin siguro ng pagod at pag-alala kaya pagkahiga niya sa kama di na niya namalayan na unti-unti na siyang nakatulog.

“Maya!” nagising si Richard at nakita si Maya na nag-aayos ng maleta. “What are you doing? Bakit..may flight ka ba?”

“Flight?” Maya chuckled. Patuloy parin siya sa pagliligpit ng  gamit niya. Nakita ni Richard ang isa pang maleta na nasa tabi ng kama nila.

“What is the meaning of this? Saan ka pupunta?” bumangon na si Richard at nilapitan si Maya. Pinahinto ni Richard sa kanyang ginagawa si Maya at pilit siyang pinapaharap sa kanya.

“Bitawan mo ako. Kailangan kong magmadali at mahuhuli ako sa flight ko.”Maya is pushing him away from her.

“Flight? Bakit saan ka pupunta?”

“Uuwi na ako sa amin. Makikipaghiwalay na ako sa’yo!”

“What? This is crazy! Maya ano ba, dahil lang di kita pinagbigyan makikipaghiwalay ka na?”

“Bitawan mo ako! ”

“No!” niyakap ni Richard si Maya ng mahigpit. Naiiyak na ito, di makapaniwala na dahil lang sa nangyari ng nakaraang gabi ay hahantong sa hiwalayan ang lahat.

“No! Di ako papayag..di kita bibitawan..No!” Richard kept saying it . Narinig din ni Maya ang paghikbi nito kaya nagtaka na siya. She turned to face Richard.

“Ricky? Ricky..” yugyog ni Maya sa kanya. “Anong nangyari sa’yo?”

“Maya?! Maya!! Please don’t go” he wrapped his arms around her, holding her so tightly.

” Okay ka lang?Ano ba napanaginipan mo?” natatawa at nagtataka si Maya kay Richard.

“Thank God it’s just a dream! Ayoko mawala ka. Nanaginip akong iiwan mo raw ako kasi nagalit ka sa akin at di kita pinagbigyan sa gusto mo. Binibiro lang naman talaga kita eh.”

“Uh?”

“Oo..sorry na , huh?” Richard kiss Maya’s temple,  still holding her tightly.

“Ayan kasi..yan ang napapala ng mga pakipot pa. ” tumawa si Maya nang maliwanagan sa nangyayari

“Sorry na nga..if you want -”

“Huwag na, ayoko na..” Maya lay down again .

“Sige na..tutal may oras pa naman. Makakatulog ka pa ulit.”

“Sure ka?”

“Oo na nga. Para makabawi man lang ako sa’yo. Sa’yo na ang katawan ko.” ngumiti si Maya sabay hampas ng braso ni Richard. “Oh sige na, simulan mo na.” Itinaas ni Richard ang isang kamay and tucked it behind his head.

Humiga si Maya sakabilang braso ni Richard, giggling as she slowly lifted his shirt and let her hand slowly move under it. Richard could only bite his lower lip to control himself the moment she caressed his navel. Richard’s breath quickened and his muscles grew taut in every touch as Maya’s hand began to explore his torso.

“Maya, I don’t think I can  take it anymore!” he groaned.

“Ricky, relax..”

Maya move her hand and caressed his side. Up..down..slowly caressing and  teasing him.

“Maya..” Richard closed his eyes to control himself.

“Shhhh” Maya snuggle closer to him, nuzzling her nose unto his neck. “Hay, bakit ba gustong-gusto ko ang amoy mo Mr.Lim?”

“Maya huwag mo na pagaanin ang loob ko. Kung di ka lang naglilihi di ako papayag sa pinag-gagawa mo sa akin.” Reklamo ni Richard habang nagsimula ng gumapang ang kamay ni Maya papuntang kili-kili niya. “At sa lahat talaga ng paglilihian mo, ang kili-kili ko pa. Pero okay lang Mrs. Lim. Hahayaan kita sa ngayon. ”

Maya smiled. This is what she love about him, he would do anything just to make her happy. Kesihudang magtiis siya at nakikiliti siya kung ikasisiya ni Maya go lang ng go.  Isang ngiting tagumpay ang sumilay sa mga labi ni Maya habang pinipikit ang kanyang mga mata. Ini-enjoy ang pagkamot ng kili-kili ni Mr. Lim na buong pusong nagpa-ubaya para lang sa ikaliligaya ng mahal niya at para makatulog na din siya ng mahimbing. Halos tatlong buwan na ding tinitiis ni Richard ang kakaibang ginagawa ni Maya sa kanya, di man maintindihan kung bakit all of a sudden ang hilig ni Maya na pagkakamot sa sariling kili-kili ay biglang inilipat nito sa kanya. Kung ito ang ikaliligaya ng asawa niya, for whatever it’s worth gagawin niya.

1 Comment (+add yours?)

  1. myrnavp
    Sep 11, 2015 @ 09:50:36

    huwaaatttt??? ang pinaglilihian ni Mrs. Lim ay ang kili-kili ni Mr. Lim? bwahahahahaha…anobey!!! kaloka talaga si Mrs Lim….ibang klase hahahaha…dami ko tlaga tawa dto Con…weird but very entertaining…thank you so much…sana me kasunod pa mga FFs mo…God bless!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: