That Girl! 10

Palipat-lipat ng tingin si Simon kay Maya at Richard. Nang wala talagang sumagot sa dalawa ay nabuo ang isang hinala pero di makuhang magtanong at alam naman niya ang sitwasyon ng dalawa.

“Ummm anyone?” Rafi asked again,  pero nang wala paring marinig na sagot galing sa kanilang tatlo siya na rin ang nagbigay ng kanyang saloobin. “Okay this is my POV..sa tingin ko, kung ang babae nakikipaghalikan sa guy may emotion involve. I know alot of my friends na medyo cool when it comes to flirting but when it comes to kissing it’s a different thing. I believe sa guys hindi big deal sa kanila yung kissing. May iba nga may pahabaan pa ng lists kung sino ang mas madaming nahalikan di ba? But for us girls, di kami basta-basta nakikipaghalikan kung di rin naman namin ito boyfriend o kung wala man lang kaming nararamdaman sa guy, gaya nung sa movie . That time kaibigan nga lang sila pero yung girl unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya sa kaibigan niya kaya naganap ang halikan betweent them kahit di pa sila.”

“Di rin Rafi..not all guys are like that..and definitely di din lahat ng girls ganyan. May kilala akong babae na hindi big deal sa kanya ang ganyang mga bagay.” sagot naman ni Richard kay Rafi.  Hindi inasahan ni Maya ang pagsagot niyang yon, knowing na nasa isang nakakailang silang sitwasyon . Di man sabihin ng diretso, sa tono ng pananalita ni Richard, alam ni Maya siya ang tinutukoy nito.

” Baka naman kasi yung girl na kilala mo na-sense niyang hindi nagseseryoso yung guy. Sa dami naman kasi ng manloloko ng mga lalaki ngayon kailangan na mag-ingat ng girls. Unahan na lang kung baga, too bad di nagpauto yung girl sa kanya at naunahan na siya. Nakipaghalikan man siya pero di niya hinayaang utuin siya ng guy.” ayaw naman padaig ni Maya. Nang marinig siya ay umiiling ito at bahagyang tumatawa.

” No. Hindi naman nagkulang yung guy para ipaalam na big deal sa kanya yung nangyari, he even looked for her and followed her pero sinabi talaga ng girl sa kanya na wala lang sa kanya yon. Na para sa kanya isa  lang siya sa mga lalaking napagtripan niya that night at hanggang doon lang yon.” seryoso si Richard habang sinasabi yon at tinitigan pa siya.

“Baka na touch lang yung pride ng lalaki dahil naunahan siyang iwanan. Nagkataong nakita niya ulit kaya pinagmukha niyang hinanap kunwari ang girl when in fact hindi naman. Tapos ng magkausap na sila ng girl eh di parin niya nakumbinsi kaya di siya nakaganti.”

“No! Hindi yon ang nangyari!” nagsimula ng tumaas ang boses nina Maya at Richard.  Di makontrol ang mga sarili parehong inis na inis sa isa’t-isa.

Habang nagpapataasan ng boses ang dalawa ay walang ibang ginawa sina Rafi at Simon kundi panoorin at makinig sa kanila.

“Woah! Wait, yung tonsil hockey ng movie parin yung pinag-uusapan natin right guys? Easy!” tanong ni Rafi, natatawa  habang salitang tingnan ang dalawa. Namumula na si Maya sa hiya at galit. Nagbabadyang tumulo ang kanyang luha buti na lang at tumunog ang cellphone ni Rafi at may tumatawag na staff sa hotel, nang nagpaalam na sasagutin sa labas ang tawag ay nakisabay siya sa pagtayo pero sa ladies room ang tinungo niya.

Bakit parang pinapalabas niyang may kasalanan ako sa kanya?! Bakit ba naman kasi nagsalita pa ako?! Kalma ka lang Maya. Isipin mo walang mabibisto kung di mo ibibisto sarili mo, chill! Tandaan mo, andiyan sina Rafi at Simon, kung sakaling magkalat ka problema na naman kaya kumalma ka.

Maya murmured to herself while looking at her reflection at the mirror . She took a deep breath calming herself before she goes out of the ladies room and rejoin them on their table. Habang naglalakad pabalik, nakita niyang sina Simon at Richard parin ang nasa mesa nila. Kinabahan si Maya at baka kung ano na ang sinabi ni Richard kay Simon matapos ang nangyari kanina kaya nagmadali na siyang maglakad patungo sa kanila.

“Wala pa si Rafi?” tanong ni Maya kay Simon pagka-upo niya.

“Wala pa eh, okay ka lang?” tanong naman nito  sa kanya ng makitang parang namumutla siya.

“Yeah, o-okay lang naman.” She tried to smile at him but still kapansin-pansin ang kanyang pagkabalisa.

“So, finally.. kayo na?” tanong ni Richard, looking at her as he drinks the remaining juice from his glass.

“Wala ka naman sigurong pakialam kung kami na ni Simon Mr.Lim, right?” she replied, sounding so cold.

“Richard..para namang di mo ako tinatawag na Richard noon Maya.” ngumiti si Richard na may halong pang-iinis sa kanya.

“Oh, sorry..tagal na kasi noon eh nakalimutan ko na yan pala tawag ko sa’yo.”

“Oh well, ano pa ba ang bago. Ganyan ka naman talaga mula pa noon. Madali kang nakakalimot especially pag wala lang sa’yo, right?”

“Buti naalala mo Mr. Lim”

“Hinding-hindi ko yan makakalimutan sa’yo Maya. Trademark mo ata yan” Richard smirked at her making her so furious.

“Umm excuse me lang sa inyong dalawa. Baka kasi nakalimutan ninyo kasama natin si Ma’am Rafi. Ang alam ko wala pa siyang alam na magkakilala kayo kaya hinay-hinay lang po. ” Simon turned to her and held her hand then squeezed it gently.He then whispered to her ear. “Maya relax, okay?Huwag masyadong padala sa init ng ulo mo. Gusto mo na ba mauna na lang tayo?”

“Pwede ba? Pagod na din ako .”

“Sige, magpaalam na muna ako kay Ma’am Rafi tapos maghihintay na rin ako ng taxi sa labas.”

“Sige ..thanks.”

Tumayo na si Simon at iniwan sila, sinadya talaga ni Simon ang pag-iwan sa dalawa para lang makapag-usap sila kahit sandali lang. Umaasa pa din siya na tama na ang bilin niya sa dalawa at mag-uusap sila ng maayos at umiwas na mag-away pa.

Nang makasiguro si Maya na malayo na si Simon ay kinausap niya si Richard. “Alam mong wala pang alam si Rafi sa nangyari sa atin noon kaya please lang tigil-tigilan mo ang pagbanat sa akin okay? ”

“Excuse me? Kung sa tingin mo nire-remind kita sa nakaraang matagal ko ng kalimutan  well then you’re wrong. Sinagot ko lang naman ang tanong ni Rafi kanina, at saka akala ko ba as soon as di na magkikita ang dalawang tao maliwanag na wala na silang ugnayan at wala na ring dapat pag-usapan pa so bakit naman kita babanatan pa? Sabihin mo nga Maya, di ka parin ba nakapag move-on?”

Pakiramdam ni Maya umakyat lahat ng dugo niya sa ulo niya. Nagsimula na rin niyang maramdaman ang pag-init ng leeg hanggang ulo niya. Malalalim na buntong hininga ang pinakawalan para lang huminahon siya.

Ah ganun, walang banatan pero lahat ng sinabi ko sa’yo  noon binabalik mo sa akin ngayon?

Tumayo na lang si Maya at mas piniling iwanan si Richard at baka magkasagutan na naman silang dalawa at gumawa ng eksena sa loob. Nilapitan niya sina Simon at Rafi sa labas ng restaurant para makapag-paalam na siya kay Rafi. Ayaw sana pumayag ni Rafi na mauna na silang umalis pero di na nagpapigil si Maya kaya lang dahil sa may kausap pa din ito sa cellphone niya at di pwedeng makipag-argue pa sa kanya, di kalaunan ay pumayag narin ito na umalis na sila.

Pagkatapos ni Rafi makipag-usap sa cellphone niya ay binalikan na si Richard sa loob at niyaya na din iton umalis na. Dahil pareho silang may dalang sasakyan ay naghiwalay na sila sa pag-uwi.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naiinis si Richard kung bakit naaapektuhan siya sa nakikita niya kina Maya at Simon gayung dapat wala siyang pakialam sa dalawa. Naiinis siya at bakit kailangan niyang makita na okay ang samahan nilang dalawa pero siya ni hindi makalapit sa kanya. At lalong-lalo na naiinis siya sa sagot ni Maya na wala siyang pakialam kung sila na nga ni Simon. Mga dahilan kung bakit di na niya nakontrol ang sarili at nasabi kay Maya ang di dapat sabihin kasi alam niyang mapapahiya lang ito.

Habang nakahiga si Richard sa sariling kama niya, muling nagbalik sa kanyang alala ang nangyari noong nakaraan. At gaya ng dati, bumabalik parin ang lungkot at paghihinayang niya sa naudlot nilang relasyon ni Maya. Sinisisi niya ang sarili kong bakit naisipan pa niyang umalis noon. Kung naghintay lang sana siyang magising si Maya at sabay na silang humanap ng pagkain at di siya basta-basta umalis noon, napigilan na sana niya si Maya noon na di na maka-alis. Kung sana di na lang siya umalis sana ngayon magkasama pa sila ni Maya. Sana ngayon asawa na niya si Maya.

Pero nangyari na ang nangyari. Matagal-tagal din ang panahong nagpaka-lungkot siya dahil nasira ang pangako niya sa sarili niya at sa mga magulang niya. Pero kung kailan unti-unti na siyang nakabangon, saka naman ulit sila nagkita ni Maya. Gaya ng dati, nakikita parin niya kay Maya ang takot na aminin kung ano ang tunay niyang nararamdaman. At gaya noon, mahilig parin siyang magpanggap para lang iwasan siya, gaya ng nangyari sa kanila ni Simon, kinailangan pa talaga niyang magpanggap na may something sa kanilang dalawa sa harap niya gayung inamin na ni Simon nang sumabay ito sa kanya na wala silang relasyon ni Maya. Kahit pinipilit ni Maya na ipakita sa kanya na di siya naapektuhan sa kanya napapansin parin niyang hindi ito kumportable pag nakikita silang dalawa ni Rafi.

Gustuhin man niyang lapitan ulit si Maya at subukang makipag-ayos ulit di narin pwede. At yon dahil kay Rafi. Sa loob ng ilang buwan nilang pagkakakilala alam niyang mabuting tao si Rafi. Kaya nga siya nanligaw dito kasi nakita niya sa kanya ang mga katangiang hinahanap niya sa babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Naipangako na kasi niya sa mga magulang at sa sarili na ang babaeng liligawan ang una at huling babae sa buhay niya. Pangakong naudlot dahil iniwan siya ni Maya.

Nang nagsimula siyang manligaw kay Rafi malinaw sa kanya ang plano niya,  na kung sakaling papalarin siya ay si Rafi na ang babaeng pakakasalan niya. Ito rin ang plano ni Richard noon nang magkakilala sila ni Maya pero nasira ang plano at pangakong yon nang malaman niyang walang plano si Maya na seryosohin siya.

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kagagaling lang ng employee’s area si Maya at Simon nang makita si Rafi na naka-upo sa may counter ng bar. Two days after silang magkasama sa double date ngayon lang ulit ito nakita ni Maya. Buti na lang at day-off ni Maya kinabukasan kaya di na siya nagawang kulitin pa ni Rafi.

Nakatalikod si Rafi sa dalawa kaya di sila agad napansin habang papalapit sila kay Rafi. Napansin nilang panay ang ngiti nito habang nagbabasa ng mensahe sa cellphone niya kaya napagkatuwaan nilang dalawa na gulatin.

“Good afternoon, Ma’am Rafi!! ” sabay na sigaw ni Maya at Simon sa kanya.

“Ayy!! Kayo talaga, ginugulat ninyo ako eh. Good afternoon din!” wagas ang ngiti ni Rafi habang binabati ang dalawa. Bagay na di nakalagpas sa mga mata ni Simon kaya tinukso siya nito.

“Hayy Simon, ewan ko ba sa taong to. Ang hilig magpakilig. Minsan tuloy pakiramdan ko binobola lang ako.”

“Uyy yon oh! Yang taong yan itatago ba natin sa pangalang Richard Lim?” di maalis-alis ang ngiti sa mukha ni Rafi habang si Maya naman ay parang naasiwa ng marinig ang pangalan ng lalaking minsang nagpakilig din sa kanya.

“Uyyy si Ma’am.. Ano ba kasi ang nasa text at parang kilig na kilig ka diyan? Date na naman ba ulit?” bumalik na si Simon sa lugar niya sa counter para magsimulang iayos ang mga gamit sa bar bago niya buksan ang bar. Tumabi naman si Maya kay Rafi.

“Walang date Simon at wala siya ngayon dito, inaasiko yung project nila sa San Nicholas at patapos na daw. Mukhang matatagalan pa yung makabalik kaya text at tawag na muna. Pero kahit hanggang doon na lang muna kami di nakakalimot mangumusta kaya kahit malayo eh kinikilig pa din ako. Alam mo Maya yung feeling na parang teenager ka ulit? Konting pangungumusta lang or  ‘take care always’ parang hayyy ang sweet na?”

Yung tipong,  ‘Good morning! I hope you slept well’? Oo naman, two years ago naranasan ko din yan..

Maya thought.

“This guy ewan ko lang. Ang sweet,  yung tipong bigla na lang magtetext just to tell you na naisip ka niya? When was the last time I met someone like him, high school days? Siguro you will find it cheesy pero gusto ko. And what I like about him is kahit ano pa yung topic ninyo di ka mabo-bore sa kanya. Bihira ka na lang makakatagpo ng ganoong lalaki ngayon, right Maya?”

Naalala ni Maya noong nasa San Nicholas sila. Habang magkausap sila parang sila lang yung dalawa sa mundo. Nakakalimutan nilang may mga kasama sila sa sobrang enjoy nila sa kwentuhan. At dahil palabiro kahit abutin pa sila ng madaling araw na magkwentuhan never siya na-bore sa pakikinig kay Richard.

“Mukhang nagkakambutihan na talaga kayo ni Sir Richard Ma’am Rafi ah.. so kayo na ba?” tanong ni Simon kay Rafi. Di talaga maiwasan ang di magtanong.

“No..di pa naman.. kakakilala lang namin ni Chard eh. I want to give it more time pa. Ayoko madaliin.”

“Ohh.. “

“Kala ko ba Ma’am Rafi matagal na kayo magkakilala?” naisipang magtanong ni Maya kasi gaya ni Simon, curious din siya kung paano sila nagsimula.

“Hindi, I met him mga four months ago. I met him in a bar kasama ang mga tauhan niya sa company niya. We were introduced by a common friend. He got my number then the next day he started texting and calling me na.”

Oh .. just like how we met.. text..tawag..

“After a few times na lumabas kami with friends, siguro mga 2 or 3 ata saka pa kami nagsimulang lumabas na kami na lang. After two months saka pa niya sinabi na gusto niya manligaw.”

Kung di pa nangyari yung di dapat mangyari, dumating din kaya tayo sa stage na ‘to Richard?

Rafi was grinning the whole time she was relaying the story, di maitago ang kilig habang inaalala kung paano sila nagkakilala ni Richard.

Wait! Bakit ba inaalala ko yung kahapon eh past is past na nga di ba! Hayy  Maya, move-on move-on din pag may time!

Maya reminded herself again. Pakiramdam ni Maya kung magtatagal pa siya sa kanyang pakikinig kay Rafi baka di niya din mamamalayan at masasabi niya kay Rafi na matagal na silang magkakilala ni Richard. Kaya naisipan niyang bumalik na sa area niya bago pa magkabistuhan.

“Ma’am balik na ako sa area ko. At baka hinahanap na ako.”

“Sure..see you later Maya.”

“Okay po..Simon mauna na ako ha.”

“Sige, sabay na tayo mamaya ha.”

Tumango lang si Maya pagkatapos ay nagmadali ng lumabas ng bar para bumalik sa kitchen.

“So .. how about you Simon? Kayo  na ni Maya?” nakangiti habang kumikindat-kindat pa si Rafi sa kanya habang nagtatanong. Ngumiti naman si Simon pero umiiling.

“Ohh I thought kayo na kasi yung nakaraang araw among all people ikaw pa talaga ang sinama niya.”

“Wish ko lang Ma’am Rafi.  Pero hindi eh, di na ako magkakaila pa, gusto ko si Maya pero di pa ako nanliligaw talaga formally. Pero may balak na akong ligawan siya, tumetyempo pa lang. Sana nga sagutin ako , kung sakali man siya yung magiging first and last girlfriend ko.”

“First and last? You mean kung sasagutin ka ni Maya siya yung first ever girlfriend mo at gusto mo din siya na yung pakakasalan mo?” di makapaniwala si Rafi sa narinig.

“Opo.” nakangiti at umiiwas ng tingin kay Rafi dahil nahihiya na nalaman ni Rafi na NGSB pala siya.

“Talaga! Pareho kayo ni Chard! Ganyan din yung gusto niya. Isang dahilan din kung bakit di ko pa siya sinasagot kahit ba gustong-gusto ko na siya kasi ayoko madisappoint siya after what happened to him two years ago.”

“Two years ago?”

“Oo. An unfortunate incident na nagpalungkot sa kanya ng sobra.”

Two years ago?  May kinalaman kaya si Maya sa nangyari kay Richard noon?

Inalala ni Richard kung kelan yung time na nakita niya si Richard noon . Kahit anong bilang niya, tumutugma parin sa panahong nakilala niya si Maya at biglang pagsulpot ni Richard noon sa fastfood chain kung saan sila parehong nagtra-trabaho si Maya.

Nasa sala sina Maya at mga kaibigan niya. Nagkukwento si Maya sa kanila tungkol sa hinanakit niya kung bakit kailangan pang magtagpo sila ulit ni Richard at maalala pa niya yung nakaraan. Kinwento rin niya ang tungkol sa nalaman niya kung paano nagkakilala si Rafi at Richard at kung gaano kasaya si Rafi tuwing nakikita niya.

“Yung totoo Maya, nanggagalaiti ka ba sa inis kasi masaya si Rafi at Richard o nanggagalaiti ka sa inis kasi nanghihinayang ka kay Richard?!”

Napaisip si Maya kung paano niya sasabihin sa dalawa na simula nung nagkita sila ulit ni Richard di niya mapigilan ang sarili na isipin si Richard at paminsan-minsan naiisip niya kung paano kaya kung siya yung nasa katayuan ni Rafi ngayon.

17 Comments (+add yours?)

  1. teamSIMON
    Dec 03, 2013 @ 11:30:45

    hohoho.. hayan tuloy!! totoo nga ba na nasa huli ang pagsisisi?! ;( bakit ganun? hurt ako… haayayayay!! ms. con may pagasa pa ba? parang it’s getting to be complicated.. meron bang magffriendzone lang? haist:(

    Reply

  2. pen1618
    Dec 03, 2013 @ 09:50:52

    Does that mean we’ll be happy soon? Next one please… 😉

    Reply

  3. nylcoen
    Dec 03, 2013 @ 05:44:55

    Hala! Bakit ang lungkot ninyo? Naloka ako hahahaha

    Kalma lang, nagsisimula pa lang tayo.

    Aabot din tayo sa yakapan at taguan sa ilalim ng kumot, charrot!

    Reply

  4. Jan
    Dec 03, 2013 @ 01:22:56

    I think ma-iinlove c Rafi kay Simon.. And mas may time c RL makipag usap kay Maya…ewan!..Basta damoves na kau RL&Maya.

    Reply

  5. abby
    Dec 02, 2013 @ 22:06:18

    Richard is in rebound, he is only after Rafi to get over his first love, Maya. Obviously Richard and Maya still have feelings for each other and they are hurting each other because of their foolish pride. Richard is the most guilty and he should make the first move to make amends. He is not being fair to Maya and neither to Rafi

    Reply

  6. jangmi
    Dec 02, 2013 @ 21:59:46

    nxt chapter na po please! sana in d end c maya at richard pa rin pareho nman pala clang me feelings sa isat isa eh.natakot lang tlga c maya sa ngyari kaya inunahan na nya c richard..pero me feelings nman c richard kay maya ang dapt lang nila gwin both ay umamin bago pa mahuli.

    Reply

  7. myrnavp
    Dec 02, 2013 @ 21:37:28

    both of them kahit pinipilit till now…they cant move on kasi parehong me feelings kaso un nga….mali ang iniisip ni Maya kay Richard….hayyy prang ang tagal pa bago sila maging ok…parang kailangang parehong matauhan….pero pano?? sia cge antay na nga lang….ng updates and updates and updates…sana lang d magtagal…hay!! God bless!

    Reply

  8. charmtaz24
    Dec 02, 2013 @ 20:51:21

    hay naku Maya! hangga’t di pa sila, aminin mo na sa sarili mo at kay Richard na natakot ka lang at nahiya kaya ganun ang ginawa mo! wag mong hintayin na maging si Rafi at Richard na bago ka pa magsalita! masakit yun!

    Reply

  9. misschuchy
    Dec 02, 2013 @ 20:24:26

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  10. Lala
    Dec 02, 2013 @ 20:18:05

    It’s payback time! Magsisi na si Maya. But I kinda don’t want Raffy to get hurt. I think Richard should tell her everything, and maybe sya pa ang mating bridge nila. Maybe Raffy and Simon is a better pair. Richard and Maya obviously are passionate for each other.

    Reply

  11. gianni96950
    Dec 02, 2013 @ 20:04:33

    ayan na nga ba..ang arte arte mo kasi maya..tapos manghihinayang ka!!! thanks a lot for the update🙂

    Reply

  12. felcarnelle2008
    Dec 02, 2013 @ 19:34:34

    ngayon lang uli ako nabuhay, pinilit kung mabuhay sa pag comment dahil ang puso ko ay lugmok sa sakit sa takbo ng kwento ngayon , hindi na nga yata tumitibok dahil sa sakit… wahhhhhhhh Con, ihahon mo naman ang lugmok kong puso, at d ko rin magawang magalit kay Rafi (extension ng maganda nyang character sa tunay sa teleserye kasi) pero sana naman mag appear c Charlie at ng bumalik na c Ricky kay May, pweeeeeeeeeeeeeese, nagmamakaawa ako bago ako matuluyang itapon sa mental😦

    Reply

  13. jackie0803
    Dec 02, 2013 @ 18:53:39

    -grabe! tagal qng inantay ‘to , finally lumabas na din ang chapter 10, ok lng kh8 bitin basta araw2x updated, hehe thank u po s new post.

    Reply

  14. Crunch
    Dec 02, 2013 @ 18:51:31

    Ouch! Parang ang sakit namn nun! Kung kailan nakaka move-on na saka sila magkikita ulit.. Apektadong apektado silang dalawa sa mga ginagawa nila sa isa’t isa.. Hay Richard.. Ikaw na mismo ang magsabi kay Rafi nang totoo.. Kaya ba nila yan panindigan hanggang sa huli? Parang di ko kakayanin kung pipigilan nila ang mga sarili nila sa mga dapat sila ang gumagawa.. NAiyak ako dito..😥😦 Double treat po please! Natupad na ang wish ko na mag-update ka po uli..😀

    Reply

  15. Alpha
    Dec 02, 2013 @ 18:50:43

    Hay, sabi nga nsa huli raw ang pagsisisi. Pero minsan nman ay nare-realize na natin ang mga bagay na kailangang ayusin bago pa tuluyang mahuli na ang lahat.😉

    Reply

  16. catez
    Dec 02, 2013 @ 18:24:21

    woooooohhhhh!!!! akala ko mabubuking na yung dalawa ……at si simon mukhang tama ang hinala …….hay naku affected pareho sina maya at richard mukhang di pa rin sila maka move on……..mama minion hanggang kailan sila ganito …… kailangan na bang magalay ng mga minions ng saging…..hehehehe……salamat sa nakakaloka at di makamove on na update…♥

    Reply

  17. catez
    Dec 02, 2013 @ 18:05:20

    hay basa basa muna bago ang comment….♥

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: