That Girl! 11

“Maya? Narinig mo  ba tanong ko?” tanong ni Sabel sa kanya nang di siya kumibo. Nakatuon lang ang tingin nito sa kanyang mga daliring kanina pa di mapakali.

“Confirm na Sabel. Di ba nga silence means yes?! ” Doris with a knowing smile looked at Sabel who kept shaking her head.

“Ayan kasi .. kung bakit naman kasi padalus-dalos ka noon sa pagtanggi tsk tsk tsk” Sabel added chuckling.

“Uy, huwag naman kayong ganyan.. Oo na, pero di ‘nyo naman ako masisisi kung bakit ginawa ko yon di ba? Sa bilis ng nangyari sa amin ni Richard noon tapos di ko pa siya kilala syempre natakot lang ako. ”

“So ano nga, inaamin mo na ngayon na medyo nanghinayang ka din?”

“Ewan .. basta! At saka malay ba natin baka inis lang talaga ako ngayon kasi nakita ko ulit siya tapos parang naaalala ko lang yung nakaraan namin dahil sa mga kwento ni Rafi. Baka dapat masanay lang ako na andiyan siya tapos dadating din yung time na deadma na.”

“Pero what if ang mangyayari is habang tumatagal mas masasaktan ka kasi makikita mo kung ano yung pinakawalan mo noon dahil sa kaduwagan mo?”

Tumahimik ulit si Maya. Bakas sa mukha niya ang pagkalito sa maaaring kakaharaping sitwasyon. Di alam kung paano nga ba niya ito tatanggapin kung sa ngayon pa lang ay di na siya mapalagay, paano na lang kung dadating ang oras na yon na huli na ang lahat.

“Eh di nganga na lang siya Doris, pinakawalan niya eh.”

“Kung bakit naman kasi nagpanggap na modern woman at hanggang fling lang kaya niyang ioffer kay Richard eh alam naman nating gusto na niya ang tao. Hay naku Maya ewan ko sa’yo.”

” Oo na.. alam ko naman na hindi maganda yung ginawa ko noon, pero wala na akong magagawa at nangyari na yon. Sige na matutulog na ako , bukas na ang christmas party sa hotel kaya kailangan ko ng magpahinga ng maaga. Sigurado kayong ayaw ninyong sumama sa party?” tumayo na si Maya at naglakad na patungo sa kwarto niya, di man lang inantayo ang sagot nila.

“Tingnan mo tong babaeng to, iiwan na naman tayo. Ang hilig-hilig umiwas kaya nagkakaproblema ka kasi ayaw mo pag-usapan ng maayos eh, tinatakasan mo na lang kami lagi pag si Richard na ang pinag-uusapan.” reklamo ni Sabel kay Doris.

“Hayaan mo na. Nahihiya pa yan, at least ngayon unti-unti ng nag-oopen ng nararamdaman niya. Huwag mo kasing pagagalitan kaagad Sabel. ”

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Busy si Maya sa pag-aasikaso ng pagkaing ihahanda sa guest ng gabing yon. Pagpasok pa lang sa hotel that day ito na kaagad ang inasikaso niya. Karaniwan na sa kanya ang ginagawa since siya naman ang Kitchen Manager kaya kapag may ganoong event na dinadaos sa hotel sinisiguro niyang maayos ang pagkaing lumalabas sa kitchen hanggang sa pagse-serve nito sa mga guests. This time, siya pa ang naging event manager kasi kasalukuyang naka maternity leave ang kasama niya kaya sobrang busy si Maya sa pag-asikaso ng lahat mula kitchen hanggang sa venue . Christmas party ng company nila and ang venue na pinili ay sa may beach area ng hotel nila kaya di magka-ugaga si Maya sa kakatakbo mula kitchen hanggang beach at pabalik naman habang hinahanda ang lahat. Buti na lang at andun din si Simon kasama ang ilang staff niya para magset-up ng mini bar sa beach area kaya may tumutulong sa kanya para ayusin ang venue kung kinailangan niyang pumasok sa kitchen para mag-check.

Gabi ang Christmas party kaya matapos ilabas ng staff ang pagkain sa may venue ay nag-concentrate na si Maya doon sa labas. Alas sais ng gabi nagsimula ng dumagsa ang mga kasaman nila kaya si Maya naman ay todo ang pagbabantay to make sure lahat ng kailangan ng mga guests ay nabibigay nila ng staff niya. Habang abala si Maya pag-check sa buffet table, nagulat siya nang makita si Richard na nakatayo malapit sa mini bar na may dalang wine glass. Sa pag-aakalang hinahanap nito si Rafi ay nilapitan niya ito.

“Excuse me Mr. Lim. This is a private party hindi po kayo dapat andito, kung hinahanap ‘nyo po si Ma’am Rafi nasa office lang po siya. Kung pwede po umalis na po kayo bago magsimula ang party po.”

“Excuse me?” nagulat si Richard nang bigla lang siyang sumulpot sa may likuran niya.

“Sabi ko po private po itong party kaya di po allowed ang outsiders dito. Hindi po porke’t dini-date ‘nyo ang general manager namin pwede na kayong gumala-gala dito.”

“Maya alam mo ba sinasabi mo?” nagpipigil si Richard na di tumaas ang boses niya kay Maya at ayaw niyang mapahiya ito lalo pa at marami ng tao sa paligid.

“Maya..” narinig ni Richard ang boses ni Simon sa bandang likuran niya. Nakita niya itong nilapitan si Maya at bumulong. Ilang sandali pa ay nakita niyang biglang nag-iba ang expression sa mukha ni Maya, sa isip ni Richard baka napagsabihan na siya kaya nang tingnan siya nito ay ngumiti na lang si Richard.

“Good evening Maya..ang sweet naman ng greetings mo sa guests ‘nyo dito.” he snapped then turned around to leave .

Napahiya si Maya sa ginawa niya kay Richard. Gusto sana niyang humingi pa ng paumanhin pero di na siya binigyan nito ng pagkakataon.

“Seriously Maya, di mo ba talaga alam kung sino ang mga guest?” nag-aalalang tanong ni Simon sa kanya.

“Hindi! Sa sobrang busy ko di ko na na-check. Si Corrine kasi yung nag-asikaso ng ibang details bago pa siya ng maternity leave .”

“Just to inform you Maya si Richard Lim ng DRL General Services ang isa sa mga guests natin.”

DRL General Services ?

“Oh my.. meaning..yung company …”

“Yep, company ng taong pinapalayas mo kanina. ” Simon laugh softly.

“Nakakahiya!” bulalas ni Maya sabay takip sa mukha niya.

“Okay lang yan.” Simon put his arm around her shoulder and lead her to a hidden area behind the bar para makapagtaggo kay Richard. “Ikaw kasi ang init ng dugo mo tuwing nakikita mo si Richard. Ayan tuloy napapahamak mo sarili mo.” Simon chuckled.

After that embarrassing incident, pinakalma muna ni Maya ang sarili bago siya nagpaalam kay Simon para makapag-ayos at magpalit ng damit niya sandali bago magsimula ang party nila. Nang bumalik siya, nakita niya si Richard na kasama ni Rafi sa isang mesa. Pinipilit niyang di magpa-apekto sa mga titig ni Richard tuwing nakikita niya ito. Pakiramdam ni Maya pinagtatawanan siya ni Richard dahil sa nangyari kanina.

Ilang sandali ang makalipas ay nagsimula na ang party. Nasa iisang mesa lang si Maya at Simon, habang sina Rafi at Richard ay nasa kabilang mesa lang. Nagkaroon ng konting programa bago ang hapunan, sa sobrang kwela ng kasamahang naging host ng party  panandaliang nakalimutan ni Maya ang tungkol kay Richard. Maya-maya din ang check ni Maya sa buffet table para masigurong walang magiging problema kaya naging abala na ulit siya.

Pagkatapos ng programang inihanda ng staff ng company ay nagsimula na ang sayawan. Nagmamasid si Maya sa paligid nang mahagip ng mata niya sina Richard at Rafi na nasa gawing kanan niya, magkatabing naka-upo sa isa sa mga mesa sa may sulok malapit sa may bar ang dalawa. Panay ang bulong ni Richard sa tenga ni Rafi habang panay naman ang tawa ni Rafi. Maya-maya pa nakita ni Maya na hinahawakan ni Rafi ang mukha ni Richard. Panay ang tawa ni Richard habang nagsasalita habang si Rafi naman ay nakikinig at tumatawa din .

Ano kaya ang kinukwento ni Richard sa kanya at panay ang tawa ni Rafi? Kagaya din ba sa mga nakakatawang kwento niya sa akin before? Hayy, ito na naman ako inaalala ang nakaraan ..

“Hoy!” biglang sumulpot si Simon sa likod ni Maya  kaya bigla niya ito nahampas sa balikat dahil sa gulat.Tumawa lang si Simon kay Maya. “Ano ba yang tinitingnan mo diyan at humahaba ang leeg mo?” sumilip si Simon sa gawing kanan nila at nakita sina Richard at Rafi. “Ohhh di pala ano..sino. Hmmm seloska?”

“Ako? Hindi ah..” maang-maangan ni Maya kahit halata namang di niya nagugustuhan ang nakikita niya.

“Eh bakit nagkanda haba-haba na yang nguso mo habang tinitingnan sila? Weeh, ayaw pa umamin. Halata naman.”

“Hindi nga!”

“Bahala ka nga..Maya, alam mo bang 2 years ago may muntik ng pakasalan si Richard pero inayawan siya ng babae?” sinadyang sabihin ni Simon ang tungkol sa nalaman niya kay Rafi para mahuli si Maya. Tiningnan siya nito at nakita niya ang gulat sa kanyang mga mata.

“Sino ang maysabi sa’yo niyan?”

“Si Rafi. Ang sabi niya, sinundan niya ang babae pero nang magkita sila ng babae inayawan siya. That was two years ago Maya. Two years ago, nakaharap ko din si Richard sa labas ng pinagtrabahuan natin noon. Naalala ko pa, dalawang beses ka niyang sinundan at dalawang beses mo din siyang tinakbuhan. Ikaw at ang babaeng gusto niyang pakasalan noon ay iisa lang di ba?”

“Ak-o ?”

“Oo. . ikaw yon.”

Napalunok si Maya sa kanyang nalaman. Pakakasalan? .. Ako?

Lumigon ulit si Maya sa kinaroroonan nina Richard at Rafi at nadiskubreng nawala na sila sa kanilang kinauupuan. Nang hanapin ni Maya ang dalawa, nakita niyang sumasayaw na pala ito sa gitna. Nakapulupot sa leeg ni Richard si Rafi habang nakahawak naman sa beywang ng babae si Richard.

“Sa tingin mo papayag akong magpakasal sa lalaking yan? Kung makapulupot sa ibang babae parang mga ahas ni Zuma?” bulong ni Maya kay Simon. Halata sa boses nito ang inis sa nakikita.

“Bakit nagrereklamo ka? Eh bakit kasi pakipot ka pa?” natatawang sagot ni Simon kay Maya. Nang mahalata ni Maya na parang nanunukso lang si Simon sa kanya ay pinisil ng dalawang kamay niya ang pisngi ni Simon.

“Kanina ko pa nahahalata ha..di ko alam kung kumakampi ka sa akin o inaasar lang ako hmmmm”

“Arayyy! Maya awat na baka mabaklas mo na yang balat ko.” Tumawa na lang si Maya at binitiwan si Simon.

Pagkatapos magsayaw ni Richard at Rafi ay niyaya na ni Richard na uminom si Rafi sa may bar. Kanina pa siya nanggigigil na lapitan sina Simon at Maya. Panay ang sulyap niya sa dalawa habang magkausap sila at di niya nagugustuhan ang nakikita niya. Bukod sa paghaharutan ni Maya at Simon, napansin din niyang kanina pa umiinom si Maya. Di siya mapalagay at alam niya nag-iiba si Maya tuwing nakaka-inom na.

“Hi guys..pwedeng maki-join?”

“Hi Ma’am Rafi.” panay pa ang tawanan ng dalawa ng datnan nila, sabay din silang bumati kay Rafi.

“Hmmm mukhang enjoy na enjoy kayo dito ah. Ano bang pinagkukwentuhan ninyo at ang saya-saya ninyo?” umupo si Rafi sa tabi ni Maya habang nanatiling nakatayo si Richard sa likuran ni Rafi.

“Ito kasing si Simon kung anu-ano na lang ang kinukwento. ” tumawa ulit si Maya at Simon. Sa inaasal ni Maya parang gusto na lang siyang buhatin ni Richard at iuwi na.

“Nakailang baso na ba tong kasama mo?” tanong ni Richard kay Simon.

“Actually di ko na alam. Kanina pa kami dito, pati ako di ko na nga alam naka-ilang baso na din ako.”

“Uh oh…Maya I think lasing kana?” Rafi giggled. Natatawa kasi siya kay Maya at ngayon lang niya ito nakitang parang wala sa sarili. Panay pa ang sandal nito kay Simon. Sa tingin niya ay nahihilo na ito kaya di na alam ang ginagawa niya.

“Hindiii.. gusto ko pa nga makipagsayaw kay Simon eh. Let’s go, pakita natin sa kanila di pa ako lasing..” sinubukan ni Maya na tumayo pero di na nito kinaya kaya inalalayan na siya ni Simon habang panay parin ang tawa ng dalawa.

Di alam ni Richard kung bumulong lang ba si Maya o humalik ito sa pisngi sa lalaki kaya di na nakapagtimpi ito ng muli nitong inilapit ang mukha kay Simon hinatak na niya si Maya para umupo ulit bago niya ito binuhat palabas. Nagulat si Rafi sa nakita, si Simon naman parang biglang nahimasmasan mula sa pagkakalasing.

26 Comments (+add yours?)

  1. jackie0803
    Dec 04, 2013 @ 14:34:21

    -dahil d aq makaconnect kagabi, napanaginipan q 11 ,12 ,13 and 14 ng that girl ang na-missed q, hahaha excited much lang😛

    Reply

  2. rich
    Dec 04, 2013 @ 11:08:15

    Waaaaaaa! Bitin! Just when it’s starting to get exciting! I just love it when Richard gets jealous. Sana next chapter na please!

    Reply

  3. Jan
    Dec 04, 2013 @ 01:44:47

    Yan bistuhan na!.. Nxt chaptr pls

    Reply

  4. paupau14
    Dec 04, 2013 @ 00:49:45

    ayan na c singkit!! bumigay din dami pa ksing paligoy ligoy eh.. thanks sa update..🙂

    Reply

  5. Lala
    Dec 04, 2013 @ 00:18:36

    Ok. This is when Raffi will find out the truth. I hope she is not too hurt. I guess some major “make out” activities between Richard and Maya is due. This time I hope Maya doesn’t run.

    The girl has major “flight” issues. She assumes too much and runs away at the first sign of discomfort or trouble. I find this an irritating quality.
    At some point Maya has got to grow up.
    If you ask me, Raffi is probably more deserving of Richard.
    At least she has real affection for him. Unfortunately it’s obvious that Richard is not over Maya and vice versa. What Maya needs is a kick in the butt.

    Reply

  6. ghie2013
    Dec 03, 2013 @ 23:31:04

    omg! ang sakit ng bangs ko dun! bakit naman sobrang bitinnnnn!!!
    im happy na finally magpapakatotoo na si richard, mabuti ng malaman ni rafi hanggan’t maaga, tutal di pa naman sila ni richard….. hay next chapter na pleaseeeeeee thanks sa update!🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: