That Girl! 12

“Ibaba mo ako!” protesta ni Maya habang buhat siya ni Richard.

“Huwag kang malikot!” sigaw ni Richard sa kanya. Kumukulo pa din ang dugo niya sa nangyari kaya di maiwasang masigawan si Maya.

“Richard ibaba mo ako sabi eh! Pinagtitinginan na tayo ng mga kasama ko ano ba!”

“Nahiya ka ngayon? Kanina ang lakas ng loob mong makipaglandian kay Simon sa harap ng mga kasama mo!”

“Sumusobra ka na! ” Maya was on the verge of crying. She was punching him on his chest making him more furious. “Bakit ka ba nakikialam sa buhay ko di naman kita pinakikialaman sa buhay mo?Ibaba mo ako at uuwi na ako !”

“You are not going home Maya, you are going with me. This time ako ang masusunod, sa ayaw at sa gusto mo!” huminto si Richard sa tapat ng sasakyan niya at binaba si Maya. One hand holding her hands while the other  reached for his car keys on his pocket. Several minutes passed he ushered her inside his car. “Kung ayaw mong gumawa ng eksena dito huwag na huwag mong tangkaing bumaba at hahabulin kita. Naintindihan mo?!” he warned her. Mangiyak-ngiyak na si Maya sa takot at galit kaya di na nito nagawa pang sumagot sa kanya.

Nang walang nakitang protesta galing kay Maya, mabilis na sumakay si Richard sa kotse niya at nag-drive palayo ng hotel. Naisip niyang dalhin si Maya sa bahay nila pero dahil andun ang parents niya ay agad siyang nag-isip ng ibang lugar.

Hotel?  Nah! It would give her the opportunity to get away from me, baka magkalakas ng loob pa itong lumaban at ipahuli ako sa guard .. condo….. no, masyadong malapit… hmm I think doon na lang.

Nakapagdesisyon si Richard na dalhin si Maya sa isang bahay nila sa Tarlac.

Mas malayo..mas mabuti..

Malayo  na ang inilakbay nila at lumalalim na ang gabi.Kinakabahan si Maya at di na siya pamilyar sa dinadaanan nilang lugar.

“Saan mo ako dadalhin?” she turned to look at him pero di man lang tumingin si Richard sa kanya. Nang maramdaman niyang di siya sasagutin nito naisip niyang magtalak pero naisip din naman niyang di parin ito uubra kay Richard kaya tumahimik na lang siya at tinalikuran ang lalaki. Pero ngayong naging relax na si Maya saka naman siya nakaramdam ng pagod at antok.

Ilang baso ba nainom ko kanina?

Maya tried to remember the details pero di niya maalala. Naghalo na ang kanyang inaalala, mula sa nangyari kanina hanggang sa maaaring mangyari mamaya kaya di niya magawang mag-isip ng maayos. Gustuhin man niyang sagutin lahat ng tanong na nasa isip niya ng mga sandaling yon, mas nanaig ang antok. Gusto niyang manatiling gising, pero unti-unti ng bumibigat ang talukap ng kanyang mata kaya kahit gising ang diwa sa kalaunan ay bumigay na.

5 minutes… iidlip lang ako ng limang minuto..five minutes..five minutes..

She said to herself. Pero dumaan na ang limang minuto tulog pa din si Maya. Five…ten..fifteen..napansin ni Richard ang pananahimik ni Maya and he instantly knew na nakatulog na ito.

“Iinum-inom tapos di kaya, tsk!”

 

 

Five minutes..five minutes..five minutes na!

Unti-unting binuka ni Maya ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang puting kisame. Nagulat si Maya sa kanyang nakita kaya bigla itong napabangon. Kung hindi lang nahulog ang kumot mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang beywang ay  saka lang niya napansin wala na pala siyang suot kundi ang kanyang panty.

“Ayy! ”

Shit! Saan .bakit..

Richarddd!!!!” sigaw ni Maya ng maalalang ito ang huling kasama niya kagabi, hinila ang kumot pataas para takpan ang kanyang dibdib.

“Good morning!” bati ni Richard. Nakaupo ito sa sofa, nakahalukipkip at mataimtim na nakatitig sa kanya. Seryoso ito at hindi man lang ngumiti sa kanya sa kabila ng pagbati na magandang umaga.

“Anong ginawa mo? Kahit kailan talaga Richard Lim!”

“At talagang nagtanong ka kung ano ang ginawa ko? Nagpapatawa ka ba? Get dressed at mag-uusap tayo.” sumandal si Richard sa kanyang inuupuan na parang walang planong umalis. Nakahalukipkip parin ito at nakatingin sa kanya.

“Get dressed pero andiyan ka pa!Paano ako magbibihis kung may taong nanonood sa akin?”

“After kagabi may itatago ka pa ba? ” Richard chuckled. ” And besides, sa tingin mo hahayaan kitang mawala sa paningin ko kahit isang segundo? Kahit alam kong wala kang kawala dito. Di ko na gagawin yung pagkakamali ko two years ago Maya so huwag ka ng umasang iiwan kita para lang makapagbihis ka.”

At dahil determinado si Richard na di iiwan si Maya, wala na siyang magawa kundi magbihis na lang habang nakatingin si Richard sa kanya. Sa inis ni Maya dinampot niya ang isang unan at binato kay Richard. It landed on the floor, a few inches away from his feet.

Nang masigurong secure na ang kumot na nakabalot sa hubad niyang katawan, saka na siya dahan-dahang tumayo. Pagkatayo ay agad niyang hinanap ang kanyang panloob at ang kanyang damit na nakakalat lang sa sahig. Habang pinupulot ang mga gamit niya ay nanonood naman si Richard kay Maya. She was mentally cursing him sa sobrang hiya niya sa nangyayari sa kanya. Kahit nahirapan sa pagbibihis ay nagawa ni Maya na matapos ito sa loob ng maikling oras.

“Talent mo ba yan?”

“Ang alin?”

“Yung bilis ng pag-alis at pagsuot ng damit.” panunuya ni  Richard  sa kanya. Maya blushed upon hearing it.

“Tapos ka ng pagtawanan ako? Baka pwede na akong maka-uwi?” umupo si Maya sa gilid ng kama paharap sa kanya.

“Di ka uuwi hanggang di tayo tapos mag-usap. Come on Maya. For Pete’s sake di ka pa ba pagod kakaiwas sa akin?” tumayo si Richard at lumapit sa kanya. Tumabi si Richard at kinuha ang kanyang kamay and brought it to his lips. “Maya tama na please. Bakit ba di mo ako bibigyan ng chance na mapalapit sa’yo. After ng nangyari kagabi di ka na mapagkakaila pa. Gusto mo din ako di ba?”

Anong nangyari kagabi?

“Anong pinagsasabi mong nangyari kagabi?” she asked, completely bewildered with his words.

Don’t tell me may nangyari na naman?!

“Ganito na lang ba palagi Maya, pagkagising mo the next day after ka malalasing wala ka ng matatandaan? Kailangan ko pa bang ipapaalala sa’yo? Seriously Maya di ka na pwedeng uminom unless ako ang kasama mo, naintindihan mo ba? Kung nagkataong hinayaan kita kay Simon kagabi ibig sabihin ba just like 2 years ago ..”

“Teka, teka..andiyan na naman tayo sa 2 years ago. Richard awat na..huwag na nating pag-usapan pa. ” pagsusumamo ni Maya sa kanya.

“Maya pagkatapos mong sabihin kagabi na mahal mo ako at ayaw mong may iba akong nililigawan  ganito na naman?”

“Anong..sinabi ko yon?” nagulat si Maya sa narinig, di talaga niya maalala na may  sinabi siya kay Richard kahit anong gawin niyang pag-alala.

“Yes, you even kissed me..and started taking off your dre-..”

“Stop! Tama na..okay..Oo..sige sinabi ko na..masaya ka na inamin ko na? So, ano ngayon? Alam nating imposibleng maging tayo. ”

“At bakit imposible? Sinong maysabi na di pwede? Maya after 2 years ..ngayon ko lang narinig ang kumpirmasyon ,  paano magiging imposible? Two years ago alam mong gusto na kita, ngayong umamin kana sa tingin mo palalagpasin ko lang ang pagkakataong makapiling ka?” Umiiwas ng tingin si Maya kay Richard kaya hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito para tingnan siya sa mata. “Maya please..stop fighting yourself..let it go.”

Di na nagawang magsalita pa ni Maya, she look at him intently in the eyes. It touched her heart to realize na seryoso si Richard sa kanya. that after all these years, gusto parin siya nitong makasama. Sa sobrang saya ni Maya ng mga sandaling yon, gusto niyang halikan si Richard pero pinipigilan ang sarili at nahihiya pa din siya. Pero kung takot si Maya, si Richard ay hindi. Dahan-dahang inilapat ni Richard ang kanyang labi kay Maya. Nang hindi siya nagprotesta ay napangiti si Richard at niyakap siya.

“Di mo lang alam kung gaano ko kagustong mangyari ito Maya..”

Di na nakuhang umangal pa ni Maya. Bilang tanda ng kanyang pagsuko, niyakap niya si Richard ng mahigpit, di maiwasang mapaluha sa sobrang saya.

“Ako din..I didn’t realized how much I wanted this to happen until now. Sorry inabot tayo ng dalawang taon..and thank you at di ka sumuko.”

38 Comments (+add yours?)

  1. ghie2013
    Dec 05, 2013 @ 11:32:01

    walang pang update? hehehe excited lang po sa mga susunod na kaganapan🙂

    Reply

  2. paupau14
    Dec 05, 2013 @ 09:53:11

    Ms Con!! FLASHBACK PLEEEEEEASE!!!!! and finally ngsing din c Maya sa katotohanan!! thanks sa update🙂

    Reply

  3. DASANIVIETNAM14
    Dec 05, 2013 @ 09:17:55

    Si Simon na ang bahalang mag explain kay Raffi… Malay natin… sila na din kinabukasan… char!

    Reply

  4. Terri Romero
    Dec 05, 2013 @ 08:54:46

    I don’t think na may nangyari kasi yung pante nya rin ang naiwan sa katawan nya 2yrs ago at saka I don’t think na Richard took advantage of her kasi she was drunk tapos sya rin naman ang naghubad sa sarili nya that’s why he said na di na sya pwedeng uminum kung hindi sya ang kasama nya. I don’t know nga lang that’s only my opinion.

    Reply

  5. gianni..
    Dec 05, 2013 @ 08:27:30

    ano yan??? kawawa naman si raffi..iniwan ng basta ganon lang…tsk..tsk..tsk.
    at last! nauntog din si mayabels hahaha!!!

    Reply

  6. aleczBCWMHaddict (@zandra_alec)
    Dec 05, 2013 @ 08:00:37

    para nmn pong di nililigawan ni richard c raffi…ung prang…feeling lng ni raffi na nililigawan sya ni richard pero bff lnga ang tingin sa knya ni richard…pero I think raffi will get hurt..

    Reply

  7. SweetLemon
    Dec 05, 2013 @ 07:39:22

    What?! What happened last night? “I was not informed!” Hehehe

    Don’t tell me BAG na naman ang witness sa nangyari kagabi? :-))

    Reply

  8. Lala
    Dec 05, 2013 @ 07:36:39

    I just hope a Raffi won’t get too hurt.

    Reply

  9. jangmi
    Dec 05, 2013 @ 05:33:33

    ngaung nagkaaminan na..paano c rafi e di ba nililigawan cya ni richard at unti unti na rin nahuhulog loob ni rafi kay richard.paano kaya mag xplain c chard kay rafi na maya ung naikwento nya na girl ba nagpalungkot ng sobra dto at muntik na paksalan kung d lang umiwas c maya..pero curious pa din me sa ngyari 2yrs ago.me ngyari nga ba sa kanila dhilan para matakot at lumayo c maya ng araw na un dhil nabilisan sa mga ngyari..sana e flashback!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: