That Girl! 13

Pagkatapos nilang mag-usap, nagdesisyon na sina Maya at Richard na bumalik na ng Manila. Nag-aalala si Maya kung ano ang naghihintay sa kanya pagbalik niya ng trabaho ngayon. She can’t afford to lose her dream job, after what happened last night di na niya alam kung meron pa ba siyang babalikan.

“Come on Maya wala ka namang ginawang mali last night. To think ako yung humila sa’yo palabas di ba, kaya huwag ka na mag-alala. ” Richard was trying to appease Maya . He felt guilty about her situation pero pagkatapos ng magandang nangyari sa kanila di siya nagsisisi sa ginawa niya.

“Correction please..di mo ako hinila, binuhat mo ako Chard, BINUHAT! Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga kasama ko. Si Ma’am Rafi, I’m sure galit yon sa akin. Paano akong di mag-aalala. ”

“Don’t worry about Rafi, ako ang magpapaliwanag sa kanya. Now kung yung tungkol sa ibang kasama mo ang inaalala mo, huwag mo na lang pansinin. Eventually magsasawa din sila kaka-chismis.”

“Si Simon, di ko pa alam ano sasabihin ko sa kanya.”

“Bakit pa? Di mo naman kailangang magpaliwanag sa kanya kasi di mo naman siya boyfriend, you don’t owe him an explanation. As what I’ve told you, huwag mo na pansinin ang ibang mga kasama mo. When I say ibang kasama that includes Simon.”

“Aba parang siguradong-sigurado  ka na di ko boyfriend si Simon ah?”

“Maya, kahit ilang ulit mo siyang iparada sa harap ko para magpanggap na boyfriend mo alam ko na ang totoo. Madami akong alam sa’yo for the past 2 years Maya.” he smirked at her. Maya frowned, displeased with what she learned. “Gaya nito.” Richard fetched his phone, dialed a number then handed his phone to her.

“Ano to?” sumenyas lang si Richard na kausapin ni Maya ang tinawagan niya. “Hello?!”

“Hello? Maya? Maya ikaw ba yan?” sagot ng babaeng nasa kabilang linya. Isang pamilyar na boses ang narinig ni Maya kaya tiningnan ‘nya ang numero sa cellphone ni Richard.

222-493..

“Paano mo alam ang number namin sa apartment?” he grinned at her but didn’t respond to her question kaya binalik ni Maya sa tenga niya ang cellphone ni Richard. “Sabel! Oo ako to. Sorry di ako nakatawag kagabi na di ako makaka-uwi pero pauwi na ako ngayon. ”

“Pauwi ka na ngayon? Si Richard talaga oh, sabi namin kahit isang buwan ka pang hindi iuwi okay lang.” narinig ni Maya ng pagtawa ni Sabel sa kabilang linya. “Oh siya sige..baka di ko na kayo maantay dito at may duty pa ako. Si Doris naman nauna na.”

“Oi teka lang, wala akong susi at naiwan ko sa locker sa hotel kaya di ka pa pwedeng umalis diyan. Papasok ako, kailangan ko magpalit.”

“Pero may pasok ako ng alas otso Maya. Malapit na ba kayo?”

“Malapit na. Huwag ka mag-alala, siguro in 30 minutes andiyan na kami di ka pa mahuhuli .”

“Oh sige..antayan na lang kita dito. Sige na, ingat kayo.”

Pagkatapos ng tawag ay agad binalingan ni Maya si Richard. “Alam na nila na magkasama tayo? At saka paano mo alam ang number namin sa bahay?”

“Nagtanong ako”

“Kanino?”

“Sino pa ba ang isang taong pwede kong pagtanungan kung saan kita mahahanap at paano kita makaka-usap kundi si Bugoy!”

“Matagal na?”

“Two years ko ng alam ang number sa apartment ninyo pero never ko pa yang natawagan, di ko rin magawang burahin di ko alam kung bakit, ngayon ko lang naintindihan. Kagabi tinawagan ko mga kasama mo para di na mag-alala at di ka makauwi.” Richard turn his head to look at her and smiled before he look at the road again. ” After tayong magkausap noon, I admit nagalit ako sa’yo. Remember nung sinabi mo before na natural lang sa’yo ang makipag-fling sa iba at isa na ako dun? I even told you na di ako naniniwala na ganoong klase kang babae but later on naisip kong baka nga totoo kasi may andiyan na si Simon. After tao nag-usap determinado akong kalimutan ka at huwag ng makipagkita sa’yo , till I met you again sa hotel. I was totally surprised to see you once again. Just when I thought ready na ako magmove-on andiyan ka na naman kaya naisipan kong magkunwaring di kita kilala. But when I found out nung sumabay si Simon sa akin na di pala naging kayo kahit noon pa, nagduda ako sa sinabi mo sa akin noon, lalo pa ng magsinungaling ka na naman sa restaurant. Kahit lagi kong sinasabi sa sarili ko na dapat di ko na balikan ang nangyari noon di ko magawa at lagi akong nadi-distract tuwing nakikita ko kayo ni Simon. Ang di ko maintindihan kung bakit kailangan mo akong iwasan at itaboy Maya. Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin.”

“Kasi takot akong magkamali. Ilang araw lang tayong magkakilala at ang dami ng nangyari sa atin, kasama na dun yung nangyari sa ..sa ..alam mo na yon. Isang buwan din akong natakot na baka nagbunga yon kaya nung na-confirm kong hindi . Sinabi ko sa sarili kalimutan ko na ang nangyari sa San Nicholas and magmove-on kasi binigyan ako ulit ng pagkakataon na ituloy ang mga plano ko sa buhay .Nung nagpakita ka sa akin pagkalipas ng anim na buwan, natakot ako kasi alam ko kung magpapadala ako sa’yo lagi akong nawawala sa sarili ko at baka gaya ng dati may magawa na naman akong ikasisira ko. Natakot ako na baka kung pumayag ako sa gusto mo may mangyari ulit tapos di ko na malulusutan yon. At that point, marami pa akong gustong gawin sa buhay, Chard. Habang pinapakinggan kita noon, naisip kong di lang basta pakikipag-relasyon ang gusto mo kundi higit pa. Bagay na di ko pa kayang ibigay sa’yo.”

Ilang sandaling natahimik si Richard at Maya. Kapwa nag-iisip. Nagpapasalamat si Richard at sa wakas ay nalaman na niya ang dahilan ni Maya kung bakit iniwasan at tinanggihan siya noon. Lalong-lalo na, nagpapasalamat siya at tama pala ang naisip niya noon kay Maya, na di ito pakawalang babae tulad ng pinaniwala nito sa kanya noon. Isang buntong -hininga ang pinakawalan ni Richard bago binasag ang katahimikan nilang dalawa.

“We’ve wasted two years already. Kung ano man ang nangyari noon tapos na yon. I’m just glad that finally okay na tayo ngayon.” Richard reached out for her hand and squeezed it gently then smile. Ngumiti rin si Maya kay Richard pero makaraan ang ilang sandali ay binawi rin. “Oh .. what’s the matter?”

“Paano si Rafi? Chard, paano ko ipapaliwanag sa kanya yung nangyari?”

“Ako na ang bahala kay Rafi. Sasama ako sa hotel ngayon para magka-usap kami.”

“Thank you. Di ko kasi talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Mas mabuti nga siguro kung ikaw na muna ang kumausap bago ako humarap sa kanya.”

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Maya!” isang nakangiting Sabel ang nagbukas ng pinto ng apartment . Ngiti palang nito alam na alam na ni Maya kung ano ang dahilan. “Hi Sir Richard! Long time no see! Halika pasok ka.”

“Richard lang Sabel” he corrected her. Pagkapasok ay pinaupo siya ni Maya sa sofa.

“Chard bihis lang ako sandali.” tumango si Richard kay Maya. Agad namang pumasok si Maya sa loob ng kwarto . Pagkakuha ng tuwalya at bathrobe niya ay pumasok na siya sa banyo para makaligo. Nagmadali sa pagligo si Maya sa takot na mahuli sa pagpasok sa hotel. Kasalukuyan siyang naghahanap ng kanyang damit ng kumatok si Richard sa pinto ng kwarto niya.

“Oh , bakit?”

“Maya, nakakahiya man pero pwede makigamit ng banyo?” nakita ni Maya ang dalang paper bag ni Richard.

“Maliligo ka? Saan galing yan?”

“I alwayd bring with me extra clothes sa car kasi minsan di ko na alam kung ipapatawag ako ni Papa sa main office.”

“Ahh okay..sige..”

Pumasok na si Richard sa banyo niya para maligo. Si Maya naman ay agad ng nagbihis habang di pa lumalabas si Richard ng banyo.

Bakit ba ako kinabahan bigla? Takot makita na walang saplot, eh dalawang beses na niya akong nakitang walang damit!  Ano ba Maya! … Lord, kung ano man ang magaganap..bahala ka na po. Matagal ko ng sinuko si Bataan, kayo na po bahala sa lahat.

Maya silently prayed.

17 Comments (+add yours?)

  1. Arwen
    Dec 06, 2013 @ 04:14:43

    Finally! One less wrinkle para sa kanilang dalawa🙂 !

    Reply

  2. Alpha
    Dec 06, 2013 @ 01:48:36

    After lumabas ang mga nakatagong feelings, the next big question is kung naisuko nga ba ang Bataan? Pero ang Bataan lng makakaalm kung naisuko na nya ang lakas at kasarinlan nito.haha!

    Reply

  3. pen1618
    Dec 06, 2013 @ 00:51:03

    Finally, wala ng “taguuan ng feelings”… they must have been tired playing it…

    Reply

  4. Jan
    Dec 05, 2013 @ 23:24:54

    Happy that they finally settle their issue now.. Can’t wait to know how Rafi will take it as Richard explains it to her.

    Reply

  5. Eden delacruz
    Dec 05, 2013 @ 23:11:57

    Nku bitin ako… Sa tingin ko di pa naisusuko ang Bataan…. Next chapter na..,, double treat hehe!!!

    Reply

  6. ghie2013
    Dec 05, 2013 @ 23:03:27

    hehehe…exciting! hehehe teka ano nga ba? naisuko na ba ang bataan o di pa?😀

    Reply

  7. felcarnelle2008
    Dec 05, 2013 @ 21:30:28

    ang alam ko, sa japan pa lang naisuko ang Bataan lol dahil ung red sa flag ng Japan mas maliit compare sa flag ng China, mas mahirap sumuko sa China ng ganun ganun na lang

    teka … bakit napunta sa usapang flag ito? bahala na nga, hintay na lang tayo ng susunod na chapter LOL

    Reply

  8. nylcoen
    Dec 05, 2013 @ 21:06:59

    Gusto nyo talaga ng fastforward ha😀

    Reply

  9. catez
    Dec 05, 2013 @ 20:53:04

    mama minion iisa lang ang nasa isip naming mga adik…….. naisuko na nga ba ni maya ang bataan? noong isang araw ang word for that day “tonsil hockey” na di nagawang magsalita nina richard at maya……ngayon naman “sinuko ang bataan” ……..maisuko na nga kaya niya ngayon …….nakakaloka talaga ….salamat sa update mama minion….♥

    Reply

  10. misschuchy
    Dec 05, 2013 @ 20:46:43

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  11. katie
    Dec 05, 2013 @ 20:23:50

    Pare-pareho ang tanong natin…naisuko na ba talaga ang bataan?

    Thanks.for the.update!

    Reply

  12. ladyflor
    Dec 05, 2013 @ 19:39:07

    naisuko nga ba talaga? baka naman assuming lang si Maya….

    Reply

  13. xeedys
    Dec 05, 2013 @ 17:50:20

    word for the day – “sinuko si Bataan”

    Reply

  14. Crunch
    Dec 05, 2013 @ 17:40:31

    Oo nga, naisuko na ba talga ang Bataan sa Tsina? hahaha! Thank you for this po Ms. Con! Next na po please..😀 Double Treat! Double Treat! Double Treat! hehehe

    Reply

  15. paupau14
    Dec 05, 2013 @ 17:31:15

    hahahaha agree ako kay Jenny nasuko na nga ba ung bataan? hahaha

    thanks for the update..🙂

    Reply

  16. Bong
    Dec 05, 2013 @ 16:54:10

    Salamat sa update! sana may double treat ngayon🙂

    Reply

  17. jennylovesyou
    Dec 05, 2013 @ 16:21:53

    Ang tanong, naisuko na ba talaga ang Bataan?🙂

    Thank you Miss Con sa maagang update!🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: