That Girl! 14

Makaraan ang ilang minuto ay lumabas na si Richard sa banyo. Nakabihis na din ito ng bagong shirt at pants kaya nakahinga ng maluwag si Maya. Kanina pa siya kinakabahan at baka sa sobrang kampante ni Richard ay lumabas lang itong nakatapis ng tuwalya sa beywang gaya ng karaniwang nakikita niya sa mga pelikula.  Panay ang kuskos ni Richard ng bimpo sa kanyang basang buhok habang papalapit sa kanya.

“I hope it’s okay, ginamit ko yung shampoo at sabon mo.” he stopped just right  behind Maya and look at her through the mirror. He smiled at her.

“Okay lang .” Maya smiled back then look down to focus in putting her stuffs in her bag. “Ready ka na?”

“Wait, suklay muna ako .” Maya handed her comb to Richard so he started fixing his hair right away then gave it back to her a few minutes later.

“Thanks.” ngumiti lang si Maya sa kanya bilang tugon  at nilagay na sa kanyang bag ang suklay, habang ginagawa ito ay bigla siyang niyakap ni Richard sa may beywang niya habang nakatayo ito sa kanyang likuran, bagay na lalong nagpakaba kay Maya. Pakiramdam niya sa sobrang kaba ng kanyang dibdib naririnig na ito ni Richard. “I’m so happy Maya. Thank you for coming back into my life.” Richard kissed the side of her neck while hugging her. They were both looking at each other’s reflection on the mirror.Maya just stare at him and smile. Di magawang magsalita sa takot na pumiyok dahil sa kinakabahan siya.

“I missed you Maya.” unti-unting hinarap ni Richard si Maya sa kanya saka dahan-dahang inilapat ang kanyang labi kay Maya. It was a gentle and quick kiss. “Kanina ka pa tahimik ah. Nag-aalala ka parin?” Richard  pulled her with him as he sat at the edge of her bed, letting her sit on his lap, parallel  to him. Wrapping his arm around her waist, Richard rest his chin on her shoulder.

“Wala . Siguro nanibago lang.” palusot ni Maya.

“Are you sure?” Maya nodded and smiled.

Una siyang tinitigan ni Richard sa mata hanggang sa napako ang tingin nito sa kanyang mga labi. Naramdaman ni Maya ang paghawak ni Richard sa kanyang mga batok. Richard slowly tilted his head and pull her unto him slowly for a light kiss. When Richard initiated the open mouth kiss, Maya can’t help but respond. Opening her mouth a little, giving Richard the opportunity to even deepen their kiss. Richard brought his hands up to cupped her face, as they mouth continue their mind blowing kiss. Maya’s hand however find its way to his neck.

Richard gently lay down on the bed, bringing Maya on top of him. Maya was surprised with what he did so she struggled to disentangled herself from his hold. She was about to remind him about the open door and Sabel when a startled Sabel suddenly showed up right at the door.

“Maya mauna .. Oppss sorry!” nakita ni Maya ang pag-urong ni Sabel, agad naman siyang pinakawalan ni Richard kaya tumayo na siya . Biglang uminit ang pakiramdam ni Maya mula ulo hanggang talampakan sa sobrang hiya sa nadatnan ni Sabel na eksensa sa kanila ni  Richard. “BFF ituloy ,este, tuloy na ako..Richard mauna na ako!”

Di na nagawang sumagot ni Maya. Nagtakip na lang siya ng mukha niya samantalang si Richard naman ay abot tenga ang ngiti. Umupo na ulit ito at namumula na rin. Maya-maya ay narinig na nila ang paglabas ni Doris sa front door at ang pag-sarado nito ng gate sa labas.

“Ikaw kasi eh. ”

“Sorry..di ko lang mapigilan sarili ko. Sobrang saya ko lang kasi. ” tumayo na si Richard at nilapitan siya para yakapin.

“Tara na nga.” dinampot ni Maya ang bag niya sa ibabaw ng kanyang mesa sabay hila nito kay Richard palabas ng kwarto niya.

 

“Sweetheart..anong oras ang labas mo mamaya?” Richard asked Maya as soon as his car pulled to a stop at the parking area of the hotel. Maya started unbuckling the seat belt, still quiet and didn’t respond to his question. “Sweetheart?” . Richard saw her opening the door so he touch her shoulder to stop her. “Sweetheart, nagmamadali ka?”

“Huh?” Maya stopped and turn her head to look at him, looking so clueless.

“Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo di ka nakikinig.”

“Ah  ganun ba, sorry..ano ba sinabi mo?”

“Sabi ko sweetheart anong oras ka lalabas mamaya.” Maya laugh upon hearing him.

“Kaya naman pala di kita marinig ..sume-sweetheart kana wala pa tayong 24 hours ah!” biro ni Maya pero di man lang nagpa-apekto si Richard but instead smiled and lean to kiss her lips.

“Masama bang tawagin kong sweetheart ang girlfriend ko?”

“Ewan ko sa’yo. Sa sobrang sweet mo natatakot at baka panaginip lang lahat ng to. Sige na pasok na ako at sobrang late ko na.” Palabas na si Maya ng bigla siyang pigilan ulit ni Richard.”

“Wait! Anong oras kita susunduin?”

“Huwag na muna.Kausapin mo muna na ang si Rafi, punta ka na lang sa bahay mamaya balitaan mo ako kung ano ang resulta ng pag-uusap ninyo.”

“No susunduin kita. Kakausapin ko si Rafi ngayon , ayoko na rin patagalin pa.”

“Late na ako makakauwi mamaya.”

“Oh eh di mas lalo kitang kailangan sunduin kasi late na.”

“Oh sige na..basta bahala na. Di ko pa alam schedule ko so tawagan mo na lang ako. Bye na!” hinalikan ni Maya si Richard at nagmadali ng lumabas ng kotse bago pa siya pigilan ulit nito.

Pagpasok pa lang ni Maya sa hotel si Rafi na kaagad ang itinanong ni Maya sa guard. Dahil nagkasundo si Maya at Richard na mauunang kakausapin ni Richard si Rafi, gusto munang umiwas ni Maya na magkasalubong sila, nag-aalangan pa din kasi si Maya sa kung ano kanyang sasabihin kay Rafi kung sakaling siya ang unang makita nito.

Buong umaga na di mapakali si Maya habang nasa loob ng kitchen at nagtra-trabaho. Di siya maka-concentrate at laging si Rafi at Simon lang ang nasa isip niya. Panay ang sulyap niya sa may pintuan, pakiramdam niya andun lang ang dalawa at nagmamasid sa kanya. Kung anu-ano na lang ang naiisip ni Maya kaya ng makahanap ng tyempo  at walang gaanong ginagawa, nagkusa na siyang magpunta sa opisina nito. Di pa niya alam kung nakausap na ni Richard si Rafi, isa lang ang gusto niyang mangyari. Ang tapusin ang hirap ng kalooban niya at pinapatay na siya ng konsensya.

Nasa tapat na si Maya ng pinto ni Rafi , bago pa ito kumatok ay huminga muna siya ng malalim. Nagpapalakas ng loob kahit ang totoo ay nanghihina na siya sa takot at pag-aalangan. Kumatok si Maya sa pinto at ng marinig ang boses ni Rafi na nagpapapasok sa kanya, pinihit na niya ang doorknob at sumilip muna.

“Ma’am.” nang makita siya ni Rafi, sandali itong napatigil at tinitigan siya. Di tuloy niya alam kung tama ba ang desisyon niyang magpakita na kay Rafi. “May oras ka po ba? Gusto ko sanang makipag-usap.”

“Pasok ka.” mahina lang ang boses ni Rafi, halatang wala itong ganang makipag-usap sa kanya. Pero kahit paman, pumasok na rin si Maya at umupo sa upuan na nasa harap ng mesa ni Rafi.

“Ma’am alam ko na ayaw mo akong makita..”

“I prefer you call me Rafi since ang pag-uusapan naman natin ay walang kinalaman sa trabaho nating dalawa, di ba? To tell you Maya I’m so disappointed. ” agad-agad na sabi ni Rafi kay Maya.

Nang marinig yon ni Maya maluha-luha na siya habang kaharap ni Rafi. Di maiwasang ma-guilty sa nangyayari kasi sa loob ng ilang buwan, walang ibang pinakita si Rafi sa kanya kundi kabutihan lang. Kahit superior niya ito, di siya nakaramdam ng gap o kahit ma-intimidate si Maya kay Rafi kasi sobrang bait ni Rafi hindi lang sa kanya kundi pati sa iba pang nilang kasama sa hotel.

“Don’t get me wrong Maya. Di ako galit kasi ikaw ang pinili ni Richard. I felt bad kasi bakit ka naglihim sa akin. Among all the people here in the hotel, ikaw yung pinaka-close ko, tinuring kitang parang kapatid ko,  tapos ikaw pa yung naglihim sa akin. ” Nakahalukipkip na si Rafi habang kinakausap siya. Namumula na rin ito at may mga luha na ring namumuo sa kanyang mga mata.

“Sorry talaga Rafi. Di ko talaga inasahan yung nangyari kagabi. Alam kong mali yung ginawa kong paglihim sa’yo pero kasi wala na akong magawa. Nang nagkunwari si Richard na di niya ako kilala ..”

“Richard explained it to me kanina. Honestly I don’t know how to take this, two of the most special people in my life right now pinaglihiman ako.”

“Rafi, alam ko masakit yung nangyari at di ko alam kung mapapatawad mo pa ako..kami..pero gusto ko lang humingi ng tawad sa’yo, kahit paulit-ulit mo pang ipagawa sa akin gagawin ko para lang malaman mo kung gaano ako ka-sorry sa nangyari.”

“Maya, as of now i’m still hurting. Yung pagpapatawad di yon mahirap gawin, pero yung ibalik natin kaagad yung dating samahan natin, I doubt..but it will come in the right time. Who knows, tomorrow? Next week ? But one thing I can assure you, whatever personal issues we have it won’t affect our work . For now, let me cope with my heartaches first. Okay? I would like to thank you and Chard for making the effort to talk to me right away, I truly appreciate it. By doing so, somehow napagaan kahit konti yung naramdaman ko at nagka-usap na tayo. Just give me time. Sabi nga nila, time heals all wounds.”

Tuluyan ng pinakawalan ni Maya ang kanina pa niya pinipigilang mga luha. Di narin siya nakapagpigil at tumayo na siya para yakapin si Rafi. “Thank you so much Rafi. ” Di naman pinagkait ni Rafi ang gusto ni Maya at niyakap din siya ng mahigpit.

“You’re like a sister to me Maya at tulad ng pangkaraniwang kapatid na may-away nagkakabati rin. So don’t worry..in time dadating din tayo dun.” kumalas na si Rafi sa pagkakayakap sa kanya at pinupunasan na ang kanyang mga luha sa pisngi. ” Maya I have one favor to ask. Please take care of Richard. Huwag mo na siyang saktan at huwag mo na siyang iwanan. One reason kung bakit di ko pa sinagot si Richard after all these months ay dahil para sa kanya, once pumasok na siya sa isang relasyon pangmatagalan na yon, so I took my time to get to know him. He is a wonderful man Maya. Now that you and Chard got back together, I hope ready ka na rin magpakasal sa kanya.”

Di alam ni Maya kung paano niya sasagutin si Rafi.

Kasal?

Naalala niya yung sinabi ni Simon. Akala niya biro lang yung tungkol sa plano ni Richard na pagpapakasal sa kanya noon. Ngayong na kumpirma na ito ni Rafi, bigla naman siyang nakaramdam ng pag-aalangan.

Pagkatapos ng pag-uusap ni Rafi at Maya ay bumalik na si Maya sa kanyang trabaho. Di maalis-alis sa kanyang isip ang tungkol sa sinabi ni Rafi sa kanya. Ngayong nagkausap na sila ni Rafi, nawala na ang bigat ng konsensyang dinadala niya kahit ba napalitan naman ito ng pag-alala.

Palabas na si Maya ng hotel alas nuwebe na ng gabi. Nagmamadali siyang maglakad at nasa isip niyang baka kanina pa naghihintay si Richard sa kanya sa apartment nila. Pababa na siya ng hagdanan sa labas ng hotel ng marinig niya si Simon na tumatawag sa kanya. Kinabahan si Maya, takot siyang makita itong galit sa kanya dahil pa din sa nangyari ng nakaraang gabi.

“Pauwi ka na?” kaswal na tanong ni Simon sa kanya habang papalapit.

“Oo, ikaw, tapos na din duty mo?” pinilit ni Maya na magpaka-kaswal din kay Simon kahit di parin niya alam kung ano ang nararamdaman nito sa mga panahong yon.

“Hinihintay kana ni Richard?”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maya bago ito tumango  kay Simon. “Simon, sorry ha. Alam ko kahit konti nagtatampo ka kasi nagsinungaling ako sa’yo.”

“Wala yon.. ramdam ko namang kakaiba din ang tingin mo kay Richard eh. Yon nga lang nanghihinayang ako.” magkasabay na silang maglakad ni Simon, dahan-dahang naglalakad papuntang sakayan. “To be honest Maya, nung niyaya mo akong makipag-date sa’yo kala ko makaka-abante na ako sa panliligaw ko pero pagkatapos nong gabing yon alam kong na-Friend zone mo na naman ako!” tumawa ng marahan si Simon. Pati si Maya di maiwasang tumawa na din.

“Loko ka talaga! May friend zone- friend zone ka pang nalalaman ngayon ah!”

“Eh totoo naman  kasi..noon, yung nasa food chain pa tayo nagtra-trabaho kahit ang bait mo sa akin at nahuhulog na ang loob ko sa’yo, ramdam kong hanggang kaibigan lang talaga tingin mo sa akin, tapos biglang dumating si Richard pagkatapos nun  bigla ka na lang nawala. Ngayong nagtagpo na naman tayo, akala ko sign na yon na para talaga tayo sa isa’t-isa at pinagtagpo tayo ulit. Balak ko na sana manligaw sa’yo pero waley. Nang magka-usap tayo kagabi at nahahalata ko ng nagseselos ka kay Rafi alam ko na. Noong binuhat ka ni Richard palabas kagabi, isang malaking babala  ang nakita ko sa likod niya,  na talagang nagkumpirma ng status ko sa buhay mo.”

“Huh? Anong babala?” pagtataka ni Maya

“Babala: Hanggang dito ka na lang. FRIEND ZONE.”

“Ano?! Siraulo!” bahagyang hinampas ni Maya si Simon sa braso at tumawa. Habang patuloy sila sa paglalakad papuntang sakayan ay biglang may huminto na sasakyan sa tapat nila at narinig ni Maya ang pagtawag ng pangalan niya.

“Maya! ..Halika na.” nakita ni Maya si Richard na sumilip sa kanya.

” Simon, sumabay ka na kaya?” she gently pulled her arm but he decline.

“No, huwag na..”

“Sure ka?”

“Oo, goodbye Friendship” Nagmadali ng umalis si Simon at kumaway pa sa kanya .

“Goodbye Friendship!” Maya smiled as she watch him walk away from her.

Habang pauwi, napag-usapan ni Maya at Richard ang tungkol sa nangyaring pag-uusap nila kay Rafi. Habang nagkukwento si Richard biglang bumalik sa alaala ni Maya ang tungkol sa sinabi ni Rafi sa kanya. Ngayong wala na silang problema kay Rafi bigla naman siyang nag-aalangan dahil sa usapang kasal. It makes her realize na this time, mas naging kumplikado ngayon ang lahat para sa relasyon nila ni Richard.

10 Comments (+add yours?)

  1. eden delacruz
    Dec 07, 2013 @ 04:19:11

    hay naku maya.. kausapin mo si rivhard at sabihin mo na di ka pa reAdy magpakasal…

    Reply

  2. Jan
    Dec 06, 2013 @ 23:10:10

    Happy for Maya and Rl to get back together.. Kasalan na?..

    Reply

  3. Alpha
    Dec 06, 2013 @ 21:04:35

    Enjoy your life Maya, enjoy your relationship w/ the man you love. Nagsisimula plng kayo. Be honest w/ him if you’re not ready magpakasal. Usap lng kailangan.Wala pa nmang sinasabi si Richard e. Relax! Take it slow..get to know each other & grow.

    Reply

  4. rocsan888
    Dec 06, 2013 @ 19:19:28

    me sakit ba si maya dito or althetic lang? hehehe takbo ng takbo ang ineng ko🙂

    Reply

  5. Crunch
    Dec 06, 2013 @ 18:37:05

    Wah!!! Kilig much! Kalma ka muna Maya… Hindi ka bibiglain ni Richard no! NExt na po please.😀

    Reply

  6. catez
    Dec 06, 2013 @ 18:15:18

    ayiiiiiieeee!!!!! kilig kilig na …… sayang naudlot ng dahil kay sabel ………. wait bakit may alinlangan kay maya pag kasal na ang pinaguusapan …… dahil di pa siya ready…..kami ready na ready na maya …… hahahahahaha!!!!! word for the day “Friend Zone” biglang may naalala ako ……. mama minion ito na ba yung sinasabi mo na fast forward ……thankie again ……..♥

    Reply

  7. felcarnelle2008
    Dec 06, 2013 @ 18:10:04

    parang may idea ako kung bakit nag wo worry c Maya, pro wag KO na munang pangunahan c Madam writer… hehehe

    Reply

  8. Lala
    Dec 06, 2013 @ 17:45:42

    I’m happy with how Raffi reacted.

    Reply

  9. Lala
    Dec 06, 2013 @ 17:45:01

    I think Maya has to calm down and realize she has nothing to be afraid of. Richard is a keeper and a gentleman. She can be what she wants, have a career and have love in her life. Who says you can’t have it all? She has to know that you can’t keep running, sometimes staying put is the key to happiness.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: