That Girl! 15

Dalawang linggo na ang matuling lumipas simula ng maging official na magkarelasyon sina Maya at Richard. Sa kabila ng tinatagong pag-aalinglangan ni Maya naging masaya naman ang takbo ng relasyon nila ni Richard. Maraming bagay ang nadiskubre ni Maya kay Richard at gayun din naman si Richard sa kanya.

Unti-unti na ring bumalik ang sigla ng pagkakaibigan nina Rafi at Maya. Pero bilang pagrespeto narin sa kaibigan, di hinahayaan ni Maya na basta-basta na lang sumulpot si Richard sa hotel. Nagkasundo ang dalawa na umiwas na muna silang makita ni Rafi na magkasama kaya tuwing susunduin ni Richard ang girlfriend niya, hanggang kotse lang ito naghihintay kay Maya.

Sa kabila ng pagkaudlot na kanyang panliligaw kay Maya, gaya ng dati, di nagbago ang pagtrato ni Simon kay Maya. Constant companion and coffee break buddy parin ang dalawa. Ang pinag-iba nga lang, halos usapang Richard Lim ang napag-uusapan sa tuwing magkasama sila.

Nakasanayan na ni Richard na pagkatapos ng trabaho ni Maya ay sinusundo niya ito sa hotel. Nakasanayan narin nilang dalawa na sabay maghapunan sa apartment nina Maya at pagkatapos naman ay ang mahabang oras na kwentuhan at kulitan habang nakatambay sila sa may sala.

Gaya ng mga nakaraang gabi, nasa apartment na naman si Richard.  Naka-upo ang dalawa sa may sofa, nakasandal sa dibdib ni Richard ang ulo ni Maya habang nakayakap naman sa kanya ang boyfriend. Nakatutok ang mga mata ng dalawa sa telebisyon kahit wala naman sa palabas ang isip kundi sa isa’t-isa.

Nagkukwento si Maya tungkol sa dadaluhang culinary and wine competition kung saan siya at si Simon ang napiling mag-represent ng hotel nila. Excited si Maya kasi ito ang kauna-unahang competition na sasalihan niya at the same time kinakabahan kasi dala niya ang pangalan ng hotel.

“Nakakainis naman!” bulalas ni Richard habang nakikinig sa balita ni Maya. May buntong  hininga pang kasama kaya nang marinig ito ay napalingon si Maya sa boyfriend niya.

“Anong nakakainis dun?” pagtatakang tanong ni Maya habang magkasalubong ang kilay na nakatingin kay Richard.

“Sa hotel, magkasama kayo..sa competition magkasama kayo ni Simon.” Richard pointed out then gave a pout.

“So ? ..Chard! Don’t tell me nagseselos ka kay Simon? ” Maya laugh at him kaya mas lalong sumimangot si Richard.

“Maya sagutin mo to, ano ang favorite color ni Simon?”

“Black.” she answered promptly.

“Favorite food ni Simon?”

” Lechon.”

“Likes sa babae..”

“Mabait, malambing, at simple..teka, bakit mo ba tinatanong at saka bakit ako ang tinatanong mo?” napakamot sa kanyang ulo si Maya, naguguluhan kung ano ang pinupunto ni Richard.

“Oh di ba, mas marami pa kayong oras na magkasama at mas kilala mo pa siya kesa sa akin. Di ba unfair yon?”

“Ang OA mo Richard Lim!” tinawanan lang ni Maya si Richard. “Bago pa naging tayo, magkasama na kami palagi ni Simon kaya natural lang na alam ko ang mga bagay na yon. Samantalang tayo..”

“Okay okay..” Richard heave a deep sigh. “I’m sad kasi kakasimula pa lang natin pero kailangan na naman kita iwanan sandali tapos iba ang kasama mo habang wala ako.”

“Iwanan? Anong ibig mong sabihin?” umayos sa pagkakaupo si Maya at tumingala kay Richard. Searching for his eyes, nang marinig ang salitang iwanan di  niya maiwasang kabahan .

“Sweetheart, bukas kailangan kong pumunta ng Iligan City . Di ba naikwento ko na yung  project na yon sa’yo before? May kailangan kasi akong ayusin na problema dun. Mga isang linggo din akong mawawala.”

“Ah, kala ko naman kung ano na. So di ka makakapunta sa competition na sasalihan ko, sayang naman. But I understand, kailangan ka ng mga tauhan mo dun kaya okay lang. Marami pa namang susunod di ba.”

“Oo pero mas gusto ko parin yung andun ako kasi yon yung first na sasalihan mo representing the hotel tapos first competition mo na tayo na. It will be a memorable day for you and I want to be part of that memory too.” malungkot ang mukha ni Richard habang nagpapaliwanag kay Maya.

“Okay lang yon, ano ka ba.” ngumiti si Maya kay Richard to reassure him na okay lang ito. Na-aappreciate niya na gusto nitong maging party ng event na yon sa buhay ni Maya pero alam naman niyang importante din ang pupuntahan niya.

“Bakit parang pakiramdam ko masaya ka at aalis ako?”

“Sira! Ngumiti ako para di ka na mag-worry. ”

“While I’m away expect my random calls ha . Mamimiss kita.”

“Aww..how sweet..na konsensiya tuloy ako. Kasi ako hindi kita mamimiss!” biro ni Maya kay Richard sabay ngiti. Nang marinig ito ay biglang nalungkot si Richard. Bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at halatang nagtampo. Di na ito tumingin ulit kay Maya at sa t.v na ipinako ang kanyang tingin. Ilang minuto na itong walang kibo pero hinayaan lang siya ni Maya. Sinusubukan kung hanggang kailan ang pasensya ni Richard sa kanya.Magkalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ito kay Maya at nagdahilang kailangan pa niyang mag-empake ng gamit kaya bumawi si Maya at nilambing-lambing si Richard. Buti na lang pagkatapos ng ilang kulit at halik ay umayos na ulit ang mood ni Richard.

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tatlong araw ang na ang nakaraan mula ng umalis si Richard saka pa naramdaman ni Maya ang pangungulila kay Richard. Dalawang araw din kasi naging abala si Maya sa competition na sinalihan kaya di niya gaanong napagtuunan ng pansin ang pansamantalang pagkakawalay kay Richard. Pero ngayong di na siya busy saka pa niya hinahanap-hanap ito. Wala namang paltos sa pagtawag si Richard sa kanya gaya ng pinangako pero ramdam ni Maya na iba parin yung andun ito at makikita niya pagdating ng gabi para sunduin siya.

Kung hindi dahil sa nangyaring pansamantalang pagkawalay sa piling ng isa’t-isa, hindi mare-realize ni Maya na kahit sa loob ng konting panahon ay tuluyan na ngang nahuhulog ang loob niya sa boyfriend niya. Hinahanap-hanap niya ang mga sandaling naglalambing ito sa kanya tuwing magkasama sila. Na-miss niya yung mga hirit at biro nito pag nasa apartment sila at nagpapalipas ng oras na nagkukwentuhan lang sa may sala. Ika nga nila, absence makes the heart grow fonder at napatunayan na ni Maya na totoo nga ang kasabihang yon dahil ngayon pa lang na ilang araw lang silang magkalayo, nami-miss na niya ito ng sobra-sobra at kung di pa ito lumayo, saka pa lang niya maamin na mahal na talaga niya ito.

At ngayong wala si Richard saka lang napag isipan ni Maya ang tungkol sa kasalan na maaaring kahahantungan nila ni Richard. Kung noong mga nakaraang araw ay panay ang dasal ni Maya at pinagpapasalamat na hindi pa nila ito napag-usapan, ngayon naman ay napapa-isip siya kung bakit ni minsan ay di ito nabanggit ni Richard sa kanya. Ngayong inaamin na niya sa sarili niya na mahal na nga niya si Richard, buo na ang loob niya na kung sakaling yayain na siya ng boyfriend niya ay papayag na siyang magpakasal nito.

Ika-limang gabi nang tumawag si Richard kay Maya, agad  dinampot ni Maya ang cellphone niya na nakalapag sa dining table para sagutin ito. Kahit di pa tapos sa kanyang hapunan ay tumayo na ito at pumasok sa kwarto niya. Napailing na lang sina Doris at Sabel kay Maya. Naninibago man sa kaibigan nila, masaya na din ang dalawa at sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon ng taguan at habulan, maayos na ang relasyon ni Maya at Richard.

Halos mag dadalawang oras ng magkausap sina Maya at Richard. Kung anu-ano na lang ang napag-usapan ng dalawa. Kung wala lang pasok kinabukasan si Maya ay di pa nila tatapusin ang pag-uusap. Nagpapa-alam na si Richard sa kanya at handa na sanang putulin ang tawag ng maisipang mag antay muna ng ilang sandali at hayaang si Maya ang maunang magbaba. Pagkaraan ng ilang sandali, nabigla si Richard sa kanyang narinig sa kabilang linya.

“Goodnight mahal ko. Miss na miss kita. I love you.” kung si Richard ay nabigla sa narinig, si Maya naman ay walang kaalam-alam na nakikinig pa pala si Richard sa kabilang linya.

“I heard that…finally! Ang tagal ko ding hinintay yan Maya. ”

Napalunok si Maya nang marinig ang boses ni Richard. Di niya inaasahan na nasa kabilang linya pa pala ang boyfriend niya. At dahil wala na siyang lusot di na niya binawi ang sinabi niya at nag-antay na lang sa sasabihin ni Richard sa kanya.

“I love you.”

“I love you too.” sagot ni Maya. At kahit di sila magkaharap ay namumula parin sa hiya si Maya. Masaya si Maya at sa wakas naamin na rin niya kay Richard ang tunay niyang nararamdaman.

 

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Chard!” isang mainit na yakap at halik ang ginawad ni Maya kay Richard ng sunduin siya nito Byernes ng gabi. Kakauwi lang ni Richard at kahit sinabihan na niyang magpahinga muna at huwag na muna siyang sunduin, di nagpapigil ang boyfriend niya at sinundo parin siya. “Kumusta ang byahe?” tanong ulit ni Maya ng kumalas na siya dito.

“Ang sarap naman . Dapat ba magbyahe na lang ako nito palagi ?” nakangiting sabi ni Richard habang nakatitig kay Maya at hinalikan ulit ang mga labi ni Maya.

“Ikaw kasi lagi kang nakabuntot sa akin noon kaya nang umalis ka parang nanibago akong mag-isa palagi. Nasanay na kasi akong lagi kang nakikita. Pero..kung sakaling dadalas-dalasan mo ang ganito, huwag kang mag-expect na di ako masasanay ha, walang sisihan!” malambing na sagot ni Maya sabay pisil sa pisngi ni Richard. Tumawa lang si Richard ng marinig siya.

Ilang sandali ang nakaraan ay pinaandar na ni Richard ang kanyang sasakyan para umalis na.. Habang nasa byahe ay masayang nagkukwento si Richard ng tungkol sa naging resulta ng byahe niya.  Binalita rin ni Richard kay Maya ang tungkol sa gaganaping birthday party na dadaluhan nilang dalawa sa Linggo kaya nagmamadali din siyang umuwi.

“I want you to come with me para mapakilala na kita kina Mama at Papa.”

“Di ba nakakahiya Chard?” pag-aalangang tanong ni Maya sa kanya.

“Bakit ka naman mahihiya? Wala namang ibang bisitang pupunta except yung mga relatives and few close family friends namin. Kung nag-aalala ka na ma out of place ka kasi wala kang kilala, don’t worry at di naman kita iiwan dun.”

Dahil sa sinabi ni Richard na ipapakilala na siya nito sa kanyang mga magulang, pumasok sa isip ni Maya ang tungkol sa usaping kasalan. Ngayong ipapakilala na siya sa kanyang mga magulang, di rin nalalayo na baka naghahanda na rin ang boyfriend niyang magpropose sa kanya. Gaya nga ng sabi nina Simon at Rafi sa kanya na gusto siya nitong pakasalan noon pa. Napangiti na lang si Maya sa kanyang naiisip.

Maya Dela Rosa..magiging Mrs. Maya Dela Rosa-Lim .

“And why are you smiling?” nakangiting tanong ni Richard sa kanya ng mahuli siya nitong nakangiti.

“Wala..excited lang.”

“Good, kasi ako excited na din ako.” Richard reached for her hand and held it. He brought it to his lips and lovingly kiss the back of her hand.

7 Comments (+add yours?)

  1. misschuchy
    Dec 10, 2013 @ 09:23:24

    Reblogged this on redroses22.

    Reply

  2. catez
    Dec 10, 2013 @ 07:07:27

    ayiiiiiiiieeeeeee!!!!!! nakakakilig …… mama minion meet the parents na ang kasunod sana maganda ang kalabasan nun …… at wala sanang kumontra dahil ang kumontra may paglalagyan …….. always ready ang sako …….. thanks sa update ….. ♥

    Reply

  3. Eden delacruz
    Dec 09, 2013 @ 23:49:17

    Yehey… Sa wakas si maya umamin na…. Sana lang di tututol ang magulang ni Ricky!!

    Reply

  4. Crunch
    Dec 09, 2013 @ 18:23:23

    Excited saan?!?! Wahh! Kilig much! Double Treat po please ms. Con!!😀 Thank You po for this! Next na po please..😀

    Reply

  5. felcarnelle2008
    Dec 09, 2013 @ 18:15:51

    lalabas kaya mamaya ang next chapter? hehehe nakaka bitinnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn dami pa kasing milagro ang hindi na e explain, pwede jump tayo sa epilogue? bwa-ha-ha

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: