That Girl! 16

“Chard, wait!” hinila ulit ni Maya si Richard habang naglalakad na sila papasok ng ballroom ng hotel  kung saan kasalukuyang ginaganap ang birthday party ni Doña Esmeralda, ang ina ni Richard.

“Oh, bakit na naman?” natatawang tanong ni Richard. Pangatlong beses na kasi silang nauudlot sa pagpasok kasi lagi siyang pinapahinto ni Richard. “Kanina sabi mo pupunta ka ng ladies room, pangalawa yung sabi mo kinakabahan ka..what is it this time sweetheart?” Richard noticed Maya blushing. Alam ni Richard na hindi ito dahil sa sinabi niya kundi dahil sa di ito mapakali sa kung ano ang magiging first impression ng mga magulang nito sa kanya. Nasa sasakyan pa lang sila, kinakabahan na si Maya, gusto na nga sana nitong mag backout buti na lang at napigilan niya.

“Sigurado kang okay lang suot ko?” Maya is wearing a simple beige colored silky sheath dress that runs just above her knees. Paired with black stilletos and hair  tied back in a simple ponytail,  Maya looked beautiful.

“Sweetheart, kahit anong suot mo maganda ka. Stop being so conscious kasi kung may nakita akong hindi maganda sa suot mo, dapat kanina ko pa sinabi di ba.” Richard squeezed her hand. “Let’s go at kanina pa ako hinahanap nina Mama at Papa.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maya saka ito ngumiti kay Richard. Nang masigurong okay na siya ay muli na silang naglakad papasok sa malaking pinto ng ballroom. Marami na ring mga bisita ang naroon nang pumasok na sina Richard at Maya. Nang makita ito ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Maya sa kamay ni Richard na kaagad namang napansin ni Richard.

“Sweetheart, relax. ” Richard whispered. Kaagad hinanap ni Richard ang kanyang mga magulang. Nakita niya ang mga ito na kausap ang ilan sa mga kaibigan nila kaya hinila na ni Richard si Maya para lapitan ang mga magulang. Hindi pa man sila gaanong nakalapit sa kanila ay agad na siyang nakita ng kanyang ina.

“Oh! My son! Ricky, finally dumating ka na!” masaya silang sinalubong ni Doña Esmeralda at agad  niyakap si Richard. Humalik naman si Richard sa pisngi ng kanyang ina at bumati dito. Lumapit na rin si Don Roberto, ang ama ni Richard, sa kanila at binati naman ito ni Richard. Pagkatapos ng masayang batian ay si Maya naman ang pinagtuunan ng pansin ni Doña Esme. Kinakabahan man, ngumiti parin si Maya at bumati dito.

“Hi dear. Thank you for coming.” ngumiti naman ang matandang babae pagkatapos ng pagbati niya. “Ricky, siya na ba?” excited na tanong ni Doña Esme sa anak. Nang ngumiti si Richard at tumango masayang niyakap ng ina si Maya. “Oh, I’m so happy to finally meet you sweetheart. I’ve heard so much about you, hija! Rafaela right? But Ricky said, he calls you Rafi for short. Am I right son?”

Nang marinig ang pangalan ni Rafi parang biglang binuhusan ng malamig na tubig si Maya. Di sinasadyang mapawi ang mga ngiti sa labi niya. Nang lumingon siya kay Richard ay nakita niya itong gaya niya, nasorpresa din sa nangyari.

Rafi? So hanggang ngayon si Rafi pa din?

“Ma, her name is Maya. I don’t know if you still remember her pero na-mention ko na rin siya sa’yo before.” nakita ni Maya ang pamumula ng mukha ng boyfriend dahil sa ginawa ng ina. Pinisil ni Richard ng bahagya ang kanyang kamay sabay ang pagso-sorry nito.

“Oh! I’m so sorry.” kaagad namang sambit ng ina na nagulat din sa narinig. “Di mo naman kasi sinabi..I thought..ikaw naman kasi Ricky!” mahinang bulong nito kay Richard pero dahil sa magkaharap lang naman sila ay di sinasadyang marinig din ito ni Maya. Nagbaba na lang ng tingin si Maya. Di malaman kung ano ang gagawin dahil sa kahihiyan na inabot niya.

“Maya..Maya right?” paniniguro ng ina kay Richard. Tumango naman si Richard kay Doña Esmeralda. “I’m so sorry, hija. Please forgive me.” Doña Esme took Maya’s hand and was very apologetic about the incident.

“Okay lang po. Naiintindihan ko po. Happy birthday po ulit.” Maya smiled to the old woman.

“Salamat, hija.”

“By the way hija, I’m  Roberto, Richard’s father. Glad na nakilala ka na namin.” Don Roberto extended his hand  which Maya gladly took. Ngumiti rin si Maya dito.

“Hello po.” bati ni Maya sa matandang lalaki.

“Oh Richard, ikaw na muna ang bahala sa bisita mo at ipagpapatuloy muna namin ang pag-iikot. Di pa namin nababati lahat ng bisita dito. Excuse us muna hija. Si Richard na muna bahala sa’yo ha. ” alam ni Richard na sinusubukan ng ama niyang alisin ang tension sa kanila kaya tumango na din ito sa mga magulang niya. Ilang sandali lang ay tumalikod na ang mga magulang at lumapit sa kabilang grupo ng mga bisita.

As soon as umalis ang mga magulang ay agad hinarap ni Richard si Maya. ” Sorry. I’m so sorry, sweetheart. Ngayon ko lang naalala na di ko pala napaalam sa kanila ang tungkol sa atin. Medyo matagal-tagal na rin kasi kaming di nagkita kasi sa condo ko ngayon ako umuuwi. The last time na nagkausap kami ni Mama di pa tayo nun tapos umalis na sila papuntang China sila . I’m sorry nakalimutan kong banggitin sa kanila. Nawala naman sa isip ko.”

Tahimik lang si Maya habang pinapakinggan si Richard. Kahit ngumiti dito di niya magawa. Di niya kayang ipagkaila sa boyfriend ang tunay niyang damdamin. Kung di lang maraming tao sa paligid gusto niyang pakawalan ang mga luha sa kanyang mga mata na kanina pa niya pinipigilan.

“Maya..please forgive me.” Naiintindihan ni Richard kung ano ang kanyang nararamdaman sa mga panahong yon kaya niyakap niya ito, di alintana ang mga taong nasa paligid nila. “Sorry .”

“Chard pinatitinginan na tayo ng mga tao. Di ito ang tamang lugar para pag-usapan yan. Kalimutan na muna natin ang nangyari.” Kumalas si Maya sa pagkakayakap ni Richard sa kanya at bahagyang inilayo ang sarili.

Ilang sandali ang nakalipas ay nagsimula nang dumami ang taong lumapit sa kanila para bumati kay Richard. Ang ilang sa mga ito ay mga kamag-anak nila at ang ilan naman ay mga kaibigan at kasosyo ng negosyo ng mga magulang ni Richard. Pinakilala naman siya sa mga ito bilang girlfriend niya. Nagpapasalamat si Maya at kahit papaano ay naramdaman niyang ipinagmalaki siya ni Richard sa mga kakilala pero di parin maalis sa isip ni Maya ang nangyari sa kanila ni Doña Esmeralda.

Makaraan ang ilang oras na pakikihalobilo ni Maya at Richard sa party ay nagpaalam si Maya na pupuntang ladies room sandali. Di naman siya hinayaan ng boyfriend na mag-isang umalis kaya nagpresinta itong samahan siya. Alam ni Maya na bumabawi si Richard sa kanya dahil nakokonsensiya parin ito dahil sa nangyari kanina kaya hinayaan niya lang ito sa gusto niya.

Habang nasa loob ng ladies room si Maya ay naghintay naman sa labas si Richard. Ilang sandali ang lumipas ay may lumabas sa pintuan na inakala ni Richard na si Maya na pero nagulat ito ng makitang ang ina pala niya.

“Oh Ricky.. nasa loob ba si Maya?” nagulat ito ng makita siya sa labas nakatayo at halatang may hinihintay.

“Yes, Ma. Di mo ba siya nasalubong?”

“Hindi eh, siguro siya yung pumasok sa kabilang cubicle nung papalabas na ako. But anyway, kumusta na siya? Di ba siya nagalit?”  nag-aalalang tanong ni Doña Esme sa anak.

“Hindi naman siya galit. Pero I know nabigla siya ng marinig yon kanina. Ikaw naman kasi Ma, di mo man lang hinintay na ipakilala ko kayo.”

“I’m sorry . Kasi naman na-excite ako kasi for the first time may dinala ka at pinakilala sa amin. And yung huling kwento mo Rafi yung name na binabanggit mo. Di ko naman akalain na nagkabalikan kayo ni Maya. Di ba siya yung girl na hinabol-habol mo noon?”

“Ah yes Ma, siya nga yon.”

“So kayo na ulit? ”

“Yes Ma, actually ilang weeks narin.”

“So..kailan ang kasal?”

“Wala pa kaming napag-usapan Ma. I don’t  want to rush things kasi baka matakot naman siya at biglang mawala ulit. With Maya, I’m taking things slowly kasi may tendency siyang lumayo if di siya sigurado.”

“So walang pang kasalan?”

“Wala.” Richard replied, laughing softly when he saw the disappointment in his mother’s eyes. He was about to say something nang makita niya si Maya na nakatayo sa may pinto, he smiled at her as he extended his hand. “Andito ka na pala.  ”

Lumapit si Maya kina Richard at Doña Esmeralda. Richard notice her sad eyes and faint smile.

“Are you okay?” Maya just nodded. Richard guessed that she was just tired kaya nagdesisyong magpaalam na rin sa ina nito habang magkaharap pa sila.

“Ma, may pasok pa kasi si Maya bukas kaya kailangan narin naming mauna. Okay lang ba?”

“Sure. Maya, thank you for coming. Sana this would not be the last time na magkikita tayo. Let’s have dinner sa bahay para magkausap naman tayo ng mas matagal. I will inform Richard kung kailan. Sana pupunta ka.”

“Sure po. Walang problema. Sabihan ‘nyo lang po si Richard kung kailan.” Maya smiled warmly. Niyakap naman siya ng matanda at hinalikan sa kanyang pisngi.

Ilang sandali ang nakalipas ay palabas na sina Maya at Richard ng hotel. Magkahawak ang kamay na naglalakad patungong main door kung saan naghihintay ang sasakyan ni Richard. She was quiet the whole time making Richard feel anxious. Nakasakay na silang dalawa sa sasakyan at pinaandar na ni Richard ang kanyang kotse di parin umiimik si Maya.

“Sweetheart okay ka lang ba talaga?” Richard finally asked her. He heard her deep sigh. “Maya?”

“Chard..totoo ba yung narinig ko kanina sa labas ng ladies room?”

Richard tried to remember the details of the conversation he had with his mother and nodded. “So narinig mo?”

“Oo.”

“Yes, totoo yon.”sa pag-aakalang ang tinutukoy ni Maya ay ang tungkol sa usaping kasalan, kinumpirma niya ito.”

” Kung ganun pala, mabuti pa siguro habang maaga pa maghiwalay na tayo.”

Dahil sa di inaasahang marinig. Biglang naapakan ni Richard ang brake ng minamanehong sasakyan. Kung hindi dahil sa suot na seatbelt napasubsob na sana silang dalawa ni Richard dahil sa biglang paghinto ng sasakyan. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod sa kanila at naiwasan ang isang malaking disgrasya.

17 Comments (+add yours?)

  1. ghie2013
    Dec 11, 2013 @ 14:17:14

    huwattttt? ano ba narinig ni maya? whats wrong mayabels? akala ko pa naman mawawala na tampo nya dahil sa narinig nya??? huhuhuhu next chapter na pleaseeee!

    Reply

  2. Jan
    Dec 11, 2013 @ 05:05:45

    What’s wrong this time with Maya?. next chaptr pls.. Thanks

    Reply

  3. Sue
    Dec 11, 2013 @ 04:59:54

    Ouch! Para akong na whiplash sa biglang brake ni Richard when he heard the word break from Maya.

    Reply

  4. Gianni
    Dec 11, 2013 @ 03:49:04

    Ano ba naman yan??? Break agad ang peg? Ikaw talaga Maya masyadong assuming ka….dulo lang ang narinig mo girl!

    Reply

  5. Nanette
    Dec 11, 2013 @ 03:11:17

    Eii bakit ka ganyan M? Walang trust kay R at kulang ka sa bilib sa sarili mo. For sure di na naman sila nagkaintindihan sa kung ano ang usapan. Hala con bawal sila maghiwalay ulit🙂

    Reply

  6. paupau14
    Dec 10, 2013 @ 23:08:37

    MAYA?!! ano ba yan!! msydo kang nagaasume.. tanong tanong din pag may time.. magbebreak nnmn ba to? (gulo na ng story ah..)

    Reply

  7. SweetLemon
    Dec 10, 2013 @ 22:21:27

    Ay ganun? Wala pa nga, break na agad? Nasaan ang hustisya!!!!

    Reply

  8. merzi perez
    Dec 10, 2013 @ 22:10:13

    ano ba yan Maya…ano kalase character meron ka sa story na ito???? may pagkanega

    Reply

  9. Alpha
    Dec 10, 2013 @ 21:43:42

    I don’t think a break up will happen. Hay, si Maya lang naman nag-iisip nun. Ni wala nga siyang paliwanag bakit. Kung napanindigan nga ni Richard ang dalawang taong paghahabol kay Maya dahil mahal niya ito, itong kwentong hiwalay pa kaya? It’s good that through this issue ay mapapag-usapan na nila talaga ang tungkol talaga sa mga long term plans nila sa kanilang pagsasama. thanks so much ms.Con…i remembered you mentioned na malapit na itong magtapos?

    Reply

  10. Lala
    Dec 10, 2013 @ 21:18:39

    As usual, Maya assumes too much! Haay! When will she ever learn to ask complete questions. Nakakainis na ito. Buti pa si raffi na lang para kay Richard. Mukhang mas matinong kausap!

    Reply

  11. floe
    Dec 10, 2013 @ 20:37:38

    D nman mkipag break c maya eh. siappointed lang xa kc gusto na nyang magpakasal kaso ntakot c richard bka ganun nagbibiro lng xa haayy maya ewan ko sau.. hintay nlng tau mag chap 17 saka masagot tanong natin.

    Reply

  12. myrnavp
    Dec 10, 2013 @ 20:32:20

    as usual…pinapasakit mo na naman ms. con ang dibdib nmin….sketttttt!!! oo msakit yung mapagkamalan….at kong ako cguro andun….d ko na napigil luha ko….sus mahirap kaya sa dibdib ang magpigil ng iyak….prang d ka makahinga na prang sasabog dibdib mo na tagos tagusan ang sakit gang likod? so i cant blame her kong sabihin niang break muna sila…sakit din nmn un for richard….so no wonder bigla ang preno nia….Ms. Con pls update naman agad pls!! God bless!

    Reply

  13. aries
    Dec 10, 2013 @ 19:42:22

    Ano???????? Vague Pa ang issue tapos break agad?!!!

    Reply

  14. Arwen
    Dec 10, 2013 @ 19:28:22

    WTF???? Pwede bang magtanungan muna kayo kung ano ang mga narinig niyo muna?… Hiwalay agad-agad ????😦

    Reply

  15. felcarnelle2008
    Dec 10, 2013 @ 18:17:40

    kung ako ang nagmamaneho, siguradong sa bangin ang bagsak ko ng mabasa ko ang hiwalayan dialog ni Maya, wahhhhhhhhhhhhhh masakit naman talaga ung nangyari, pero mas masaklap naman ang narinig ng mamang singkit – bakit ba pinapahirapan ako ng kwentong ito? huhuhu

    Reply

  16. catez
    Dec 10, 2013 @ 18:15:35

    naman naman maya maghunos dili ka …… at ikaw richard magtanong mabuti hindi yung sagot ka kaagad ….. ayan tuloy mukhang magbrebreak up kayo ……. mama minion huwag mong ituloy na magkahiwalay sila pleaseeeeeeee …… kailangan na bang magalay ng saging ng mga minions …….♥

    Reply

  17. Crunch
    Dec 10, 2013 @ 18:07:53

    WhaT?!?! Naku namn!! Next na po please..😀 It so BITINNNN!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: