That Girl! 17

“Chard!” kasabay ng paghinto ng kotse ni Richard ay ang sigaw ni Maya dahil sa takot at gulat, napahawak ito ng mahigpit sa kanyang seatbelt at sandaling napapikit ng marinig ang pagpalahaw ng gulong na dulot ng biglaang pag-brake ng kotse .

“Sorry .” kaagad namang sambit ni Richard nang marinig ang sigaw na yon. Ibinaling ang tingin sa kanyang katabi na takot na takot parin sa ginawa niya. ” Ikaw naman kasi..di magandang biro yon ah!”

“Di ako nagbibiro! ” mahinang sagot ni Maya pagkaraan ng ilang minutong katahimikan, naiiyak na ito habang nakatingin kay Richard. Mahigpit parin ang pagkakahawak ni Maya sa kanyang seatbelt.

“What?! Bakit? May ginawa ba ako na di mo nagustuhan?! Tell me, bakit ka biglang makikipaghiwalay sa akin?” sunod-sunod na tanong ni Richard sa katabi. Naguguluhan parin siya kung bakit bigla na lang nagdesisyon si Maya na makipaghiwalay. Wala sana siyang planong paandarin ang sasakyan hanggat di nililinaw ni Maya ang tungkol sa sinabi niya pero nang maalala niyang nasa gitna sila ng kalsada ay muli niyang binuhay ang makina.

“Take me home Chard. Pagod na ako.” ipinikit ni Maya at sabay na isinandal ang kanyang ulo sa upuan. She turned her head to the other side to hide her tears but it was too late, Richard already saw them.

“Damn Maya! Huwag kang umiyak! Ano ba?! ” Richard was already frustrated. Di niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Maya. Di niya maintindihan ang nangyayari sa kanila. “Kung kailangan mo akong murahin para mailabas mo kung ano ang nararamdaman mo gawin mo! But please don’t let me see you cry!” Richard pulled over and stopped the car. He took off his seatbelt and shifted to face Maya. Pulling her gently to face him. “What’s wrong, huh? Bakit bigla ka na lang makikipaghiwalay?”Richard had to swallow the lump in his throat to stop himself from crying too.

“What’s wrong? Tell me what’s wrong Chard! Laro lang ba sa’yo lahat ng to?” Maya blurted out.

“Bakit ako? Ikaw yung nakikipaghiwalay, bakit ako ang kailangan mag explain?”

“Narinig kita kanina habang magkausap kayo ng mama mo… Yung tungkol sa kasal.”

“Oh, di ba sabi ko sa’yo totoo yung sinabi ko kay Mama? Inamin ko sa’yo yon di ba? Anong problema dun?”

“Yon nga!! Inamin mo sa  kanya at narinig ko din yon. Sinabi mo wala kang plano! So ano to, naglalaro lang tayo? Akala ko ba .. Kung kailan napag-isipan ko na..kung kailan inamin ko na sa sarili ko na gusto na pala kita makasama, malalaman ko na ikaw wala kang plano? Akala ko ba sabi mo kay Rafi gusto mo akong pakasalan? Bakit ngayon..Baka naman ang susunod kong malalaman Richard Lim front mo lang to para makaganti ka sa akin dahil sa ginawa ko sa’yo noon? ”

“What the hell are you talking about? Come on Maya, do you think I would do that?” di malaman ni Richard kung matatawa siya or magagalit dahil sa narinig niya kay Maya.

“Mabuti na tong habang maaga pa maghiwalay na tayo. Wala akong panahon makipaglaro sa’yo.”

“Maya ..”

“Take me home Chard.”

“Home? Di ba tayo mag-uusap muna?” muling ibinaling ni Maya ang tingin sa labas ng kotse na parang ayaw na makinig kay Richard. “Maya pwedeng makinig ka muna?”

” For what? Ayoko na paasahin sarili ko Chard. Sana di na lang ako nakinig sa iba .. Ayoko na makipag-usap sa’yo! Please..kung di pa tayo aalis dito bababa ako! Ano?!”

Dahil sa banta ni Maya uminit na rin ang ulo ni Richard. Muling ikinabit ni Richard ang seatbelt niya at  pinaandar ang kotse niya. Ilang sandali lang ay paalis na sila sa lugar na yon.  Habang binabaybay ng sasakyan nila ang kalsada ay napansin ni Maya na hindi ito ang daan patungong apartment nila.

“Richard sabi ko iuwi mo na ako. Hindi ito ang daan pauwi sa aparment, saan mo nanaman ako dadalhin this time! ” sigaw ni Maya kay Richard. “Richard Lim! Pangalawang beses na to. Kung di mo ibabalik tong sasakyan magdedemanda ako ng kidnapping!” , di parin natinag si Richard sa banta ni Maya kaya mas lalong nagalit si Maya . “Richard! ”

“Ang sabi ko mag-uusap pa tayo. Wala akong balak ibalik ka sa apartment mo ngayong gabi … ahh right..” kinuha ni Richard ang cellphone niya, slowing down a bit habang may hinahanap sa cellphone niya at nang makita ito ay tumawag na. “Hello, Doris.. yes, si Richard to..remember what you said last time?”

Doris? Ano nanaman kaya ang pinag-usapan nitong mga kumag na to. Maya wondered

“Yes, yung last time remember? Yung kahit isang buwan ko pang di iuuwi si Maya diyan?”

Isang buwan?!

“Paki empake yung gamit ni Maya at di ko na siya iuuwi. Yes yes..Please” Richard continued.

Anong?

“Doris huwag mong gawin yan! Binabalaan kita!” sigaw ni Maya habang kausap ni Richard si Doris. “Nababaliw ka na ba Richard Lim!”

“Huwag kang makining sa kanya Doris. Sige na, I have to go. Nasa byahe pa kami ni Maya. Bukas dadaanan namin ang gamit ni Maya. ”

Nababaliw na tong taong to!

“Syanga pala Doris. Paki-tawag sa hotel at sabihin mo magfi-file na vacation leave si Maya at may aasikasuhin. ”

“Malala ka na Richard Lim.Doris huwag mo yang gawin kundi mag-aaway tayo!” sigaw ulit ni Maya

“Bye Doris. Thank you sa tulong.” pinatay na ni Richard ang cellphone at hinagis ito sa likuran ng kanyang sasakyan. “Now, that I’m done with Doris. Tayo naman ang mag-uusap. Wala akong planong magmakaawa sa’yo na pakinggan ako. Punong-puno na ako sa’yo Maya. For two years mo na akong pinaghahabol sa’yo. This time ikaw naman ang sumunod sa gusto ko. For now gusto kong tumahimik ka kung ayaw mong madisgrasya tayo!” tumaas na ang boses ni Richard kaya di na nagawa ni Maya na magreklamo pa.

Napansin na din niyang mabilis na ang takbo ng kotse , halatang sa pagmamaneho inilabas ni Richard ang inis niya sa pangyayari. Takot din naman si Maya na mas lalo pa nitong bilisan ang takbo ng kotse at madesgrasya pa sila.

Makaraan ang ilang minuto ay papasok na ang kotse ni Richard sa isang pribadong subdivision. Namangha si Maya sa bawat bahay na nadadaanan niya. Sandaling nakalimutan ang dahilan kung bakit sa halip na sa apartment ang tungo niya ay nasa ibang lugar siya napunta. Makalipas ang halos limang minuto ay papasok na ang kotse ni Richard sa isang itim at modernong gate na bumukas matapos siyang bumusina.

“Kaninong bahay to?” agad na tanong ni Maya habang sumisilip sa labas ng kotse. Nang tuluyan ng makapasok ang kotse ni Richard sa loob, di maiwasang mapamangha si Maya sa ganda at laki ng bahay. Pagkatapos patayin ang makina ay naunang lumabas si Richard ng sasakyan, pinagbuksan siya ng pinto at inalalayan palabas. “Kaninong bahay to?” tanong niya ulit nang magkatabi na silang nakatayo sa labas ng sasakyan ni Richard.

“Sinabi ko bang pwede ka ng magsalita? Follow me!” mariin na sabi ni Richard sabay hila sa kanyang kamay. Pagpasok ni Maya at Richard ay sinalubong sila ng isang matandang babae na nakangiti sa kanila ng makita sila.

“Magandang gabi po Sir.”

“Manang, this is Maya. ” ngumiti ang matandang babae kay Maya at sinuklian naman niya ito ng isang ngiti. “Maya, this is Manang Fe. ”

“Magandang gabi po Manang Fe.”

“Magandang gabi din po Ma’am. Sir, maghahanda ba ako ng pagkain?”

“No, busog pa kami. Manang. Aakyat na kami at may pag-uusapan pa kaming importante.”

Hinila ulit ni Richard si Maya patungo sa hagdan at pumanhik na sila. Panay ang yugyog ni Maya kay Richard para magtanong pero di siya pinansin nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Nang nasa second floor na, pumasok sila sa isang kwarto. Sa kulay pa lang ng wall carpet, alam na ni Maya na kwarto na ito ni Richard.

“Sit!” singhal ni Richard kay Maya. Nagulat siya ng marinig ang malakas na boses ni Richard kaya napasunod si Maya at umupo sa may kama.

“Seriously Maya, you ruined everything! Mula noon hanggang ngayon yan lagi ang ginagawa mo sa plano ko. Two years ago tinakasan mo ako and ruin my plan. This time, I took everything damn slowly para di ka na matakot. Naging maingat ako sa lahat ng galaw ko para di kita mabigyan ng reason na takasan ulit ako pero heto ka nanaman..all of a sudden makikipag-break ka dahil lang sa maling narinig mo. Di mo man lang ako hahayaang mag-explain. How dare you accuse me na pinaglalaruan lang kita! Sa edad kong to Maya maglalaro pa ako? Dammit I’m already 46 years old Maya! Kahit natatakot na akong tumanda na lang sa kakahintay kung kailan ka maging ready na magpakasal sa akin, I took my time!”

Namumula na si Richard habang nagsasalita, pacing infront of her na parang ama na pinagsasabihan ang anak. Si Maya naman ay natulala na lang habang nakikinig sa galit na Richard Lim na nasa harapan niya.

“Di kita maintindihan Maya. Noon pag nararamdaman mong parang ang bilis ng takbo ng pangyayari ayaw mo. Now that we took everything slow ayaw mo din! Once and for all Maya, ano ba talaga?  Ready ka na ba talaga o hindi pa?” Richard stopped right infront of Maya and look down at her. “Sagot!”

“Nagmamadali ka? Sagot, agad-agad?!”

“YES OR NO MAYA!” Richard asked impatiently.

“Oo na! Yes na! Magpropose ka wala man lang kalambing-lambing. Wala man lang akong singsing!”

“Good!…well, at least nagulat kita. Ayaw mo naman na sundin ang plano ko then might as well do things this way sweetheart.” Richard smiled sweetly the kneeled down in front of her. ” Pagod na akong magpasensiya at humabol sa’yo. Now I want to claim my reward for all those times na pinahirapan mo ako.” Richard leaned at her and claim her lips for a  passionate kiss.

46 Comments (+add yours?)

  1. Anna Jasmin Salonga
    Feb 14, 2016 @ 20:06:51

    Hi! can I have the password for Chapter 18. My email address is yazzmhine@yahoo.com

    Reply

  2. Anna Jasmin Salonga
    Feb 14, 2016 @ 20:05:25

    Hi. I love reading your stories. Can I have the password for That Girl Chapter 18.

    Reply

  3. quel
    Mar 12, 2015 @ 15:28:58

    hi good afternoon.pls can i have the PW for chapter 18 .i love your story pls….

    Reply

  4. merly
    Feb 01, 2015 @ 03:01:07

    hi good evening your know i love to read all your story about maya & richard but when it comes to ending i really hate it because i cant find your password i really love them so pls. dont make it hard for me just give me the password thanks…

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: