Just in Time 1

Quarter to 9 p.m na naghihintay parin si Richard kay Maya sa loob ng condo nito. Kanina pa mainit ang ulo niya dahil di na naman tumupad si Maya sa kasunduan nila na bawal itong umuwi ng lagpas alas-syete ng gabi. Kanina pa niya ito tinatawagan sa cellphone pero di siya sinasagot ni Maya.

Maya, Maya, Maya.. asan ka na ba! Nauubos na pasensya ko sa’yo. Pag di ka pa dumating sa bilang na sampu malalagot ka na talaga! 1..2..3..

Nagbilang na naman si Richard, gaya ng ginawa niya for the past hours na naghihintay siya kay Maya. Bukod sa inis siya at di na naman tinandaan ni Maya ang kasunduan nila, may pangko din siyang di natupad sa iba dahil andito siya ngayon sa condo at naghihintay pa sa pagdating ni Maya.

7..8..9.. 9 1/2 ..

“Sorrryyy ! Sorry talaga !” pambungad kaagad ni Maya kay Richard pagkabukas niya ng pinto. Hinihingal pa ito marahil sa kakatakbo.

“Sorry?!  Yan na lang ba lagi ang sasabihin mo Maya? Naririndi na akong marinig ang pagso-sorry mong yan. Wala ka bang ibang gagawin kundi magsorry sa akin? Paulit-ulit na lang eh!” panay ang pabalik-balik na paglalakad ni Richard sa maliit na sala ng condo  habang ang dalawang kamay ay nasa bewang nito. Parang tatay na pinapagalitan ang kanyang anak. Si Maya naman ay naupo sa isang silya na nasa malapit ng pinto, nag-aalis ng kanyang sapatos at medyas.

“Sorry na nga eh! Kasi ano! Nag group-study kami sandali at may exam kami bukas.” bitbit ang kanyang sapatos at mga gamit, dinala niya ito sa kanyang kwarto at basta na lang inihagis sa loob pagkatapos ay binalikan si Richard sa may sala.

“Ilang ulit ko na ba sinabi sa’yo na di ka pwedeng late na umuwi at malilintikan ako ng mga magulang mo? ”

“Sorry na  nga eh!”

“Paulit-ulit ka na lang Maya eh..”

“Eh kasi ang kulit mo!”

“Ako pa ngayon ang makulit eh ikaw yung di marunong tumupad sa usapan? ”

“Bakit ka ba kasi andito? Kala ko ba may lakad kayo nina Catherine?”

“Oo nga, may lakad kami. At dahil sa’yo..no, let me rephrase that.. At dahil NA NAMAN  sa’yo, mukhang di NA NAMAN ako matutuloy nito kasi baka pagpunta ko doon ay wala na ang mga kaibigan ko! Andito ako kasi tumawag si Nanay Tere kanina habang papaalis na ako para puntahan sina Hannah, nagtatanong kung bakit di ka raw sumasagot. Akala niya magkasama tayo kaya ako yung tinawagan, napa-oo na naman ako buti na lang di na nagpumilit na kausapin ka kundi pareho tayong malalagot. Tinawagan kita pero di mo rin ako sinasagot akala ko kung ano na nangyari sa’yo kaya pumunta na ako dito!”

“Eh nasa bag kasi yung phone ko, naka silent para walang disturbo sa pagre-review namin kaya di ko narinig tawag ninyo.Nakauwi na naman ako kaya pwede ka ng umalis at puntahan si Catherine. Sisimangutan na naman ako nun pagnagkita kami.” naalala ni Maya ang isang pagkakataon na tinarayan siya ni Catherine dahil di nakasama si Richard sa gimik nilang magbarkada . “Bakit ba ang init ng dugo ng kaibigan mong yon sa akin? Mas nakakausap ko pa sina kuya Simon at Kuya James kesa sa kanya.”

“Eh paano, panira ka ng plano palagi.”

“Di naman sinasadya eh!” Maya replied with pursed lips. “Siguro imbyerna lang talaga siya sa akin kasi mas maganda ako kesa sa kanya!” she added now with a wide grin on her face.

Richard chuckled and started walking towards the door. “Lock the door at  huwag na huwag ka ng umalis dito. Magbibilin ako sa guard sa baba na kapag umalis ka magrereport sa akin. ”  Maya stomped her foot and pouted even more to show protest.  “You know very well di yan uubra sa akin, Maya. Mas lalo lang ako naiinis sa’yo. Sana di mo ako susuwayin Maya or di mo magugustuhan ang gagawin ko dito sa unit mo sa oras na umalis ka pa tonight or kapag gagawin mo ulit yung ginawa mo kanina na hindi umuwi ng maaga .. ” with that, Richard closed the door and left.

As soon as Richard left, nagmamadaling pumasok si Maya sa loob ng kwarto niya para kunin ang cellphone niyang nasa bag. Nakita nga niya ang dami ng misscalls galing sa Nanay niya at kay Richard. Meron ding mga text messages na galing pa din sa dalawa, lahat nagtatanong kung asan siya at bakit di siya sumasagot.

Sorry talaga Nay, kasi naman kung sinagot kita kanina malalaman mo kung saan ako baka mapauwi ako ng di oras. At ikaw naman Ricardo, di mo talaga dapat malaman kung saan ako galing at malalagot na naman ako!

After reading the messages, inilapag na ni Maya ang kanyang cellphone sa bedside table niya binitbit ang bag at sapatos na nakakalat sa sahig ng kwarto niya para ilagay ito sa cabinet at shoe rack. Pumasok na din ito sa bathroom niya para maligo. Ilang minuto ang nakaraan pagkatapos makaligo ay humiga na ito sa kanyang kama para magpahinga.

Habang nakahiga ay inalala ni Maya ang naganap sa buong araw. Kanina lang ang saya niya kasi nakasama niya si Bart. Si Bart ang first crush niya mula ng lumipat siya ng P.U.S .  Pareho sila ng kurso na kinukuha, ang BS-Bilogy kaya nga lang, ahead si Bart ng isang taon sa kanya.   Nakikita niya kasi ito sa mga gatherings ng college nila parati. Nalaman din nitong member pala ng Basketball Team ng university nila si Bart kaya mas lalo pang humanga si Maya. Tuwing may laro ito ay nanonood talaga si Maya kasama ang mga kaklase niya para suportahan si Bart.

Kailan lang sila pormal na napakilala sa isa’t-isa. Isang taon ding naghintay si Maya na mangyari ang pagkakataong ito, kundi dahil kay Emman, ang bagong kaklase niya na pinsan pala ni Bart, di mangyayari ang pinaka-aasam na sandali ni Maya. Kanina ay inimbitahan ni Bart si Maya na manood ng laro nila. Kasama si Emman, pumunta si Maya at nanood ng laro kahit na alam niyang . Pagkatapos ng laro ay inimbitahan pa siya ni Bart na kumain sa labas, napasarap ang kwentuhan at di niya namalayan ang oras kaya siya ginabi sa pag-uwi. Masaya si Maya at napapansin niyang unti-unti na siyang napapalapit kay Bart. Di man siya umaasa na maging sila, lalo na at maraming girls ding umaaligid sa crush niya, ang maging malapit silang kaibigan ay sapat na sa kanya.

 

 

““““““““““““““““““

Pagkagaling ni Richard sa condo ni Maya ay dumiretso na siya sa paborito nilang resto bar, kung saan siya at ang mga matatalik niyang kaibigan mula college days pa ay usually nagpapalipas ng oras tuwing Friday night. Kanina pa siya hinihinay ng mga kaibigan niya doon. Pagpasok palang ay kita na kaagad ni Richard na halos lahat ng mesa ay may naka-upo na. Iginala niya ang kanyang mga mata sa loob upang hanapin ang mga kaibigan at pagkaraan ng ilang saglit ay nakita niya ang mga ito na nasa naka-upo sa may bandang kaliwang bahagi ng resto-bar malapit sa may bar counter. Agad naman siyang lumapit sa mga kaibigan.

“Finally! Tapos na ba nanny duty mo, bro?” bati ni James sa kanya.

“Siraulo ka talaga!” umiiling habang nakatawa si Richard ng marinig si James.

“Are you sure nakatulog na ng mahimbing yon bago ka umalis? Baka naman mamaya may tatawag na naman at di mahanap sa higaan niya yung binabantayan mo?” dagdag panunuya ni Catherine kay Richard.

“Kayo talaga, ako na naman ang nakita ninyo!” sinimulan ng inumin ni Richard ang wine na bigay ni Catherine sa kanya. Magkatabi silang dalawa sa pagkaka-upo habang nasa kabilang bahagi naman sina James at Simon.

“Ano na naman ba ang nangyari sa Maya na yan at na-late ka?” tanong ni Catherine, halata sa boses nito ang inis lalo na ng banggitin ang pangalan ni Maya.

“Di kasi ma-contact ng nanay kanina kaya hinanap sa akin. Di ko naman maatim na makipagsayahan dito tapos may masama na palagn nangyari kay Maya kaya hinintay ko sa condo niya hanggang sa naka-uwi na.”

“Saan daw siya galing?” tanong naman ni Simon kay Richard.

“Group study. Meron daw sila exam kaya sumamang makipag group study sa mga kaklase niya.”

“Totoo ba naman yang group study na yon?” Catherine asked na parang di naniniwala sa sinabi ni Maya.

“I think so. Di naman yon nagsisinungaling sa akin eh.”

“Okay..sabi mo eh.”

“Tama na nga, huwag na nating pag-usapan si Maya. Ano ng balita?” Richard asked excitedly. Nakatuon ang mga mata nito sa dalawang lalaking nasa harap niya. “Napanood na ninyo?”

“Hindi pa, wait, check muna kung may nag-upload na ng video ha.” kinuha ni Simon ang tablet niya at binuksan. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumiwanag ang mukha nito ng mag-angat ng mukha. “Great! Meron ng upload yung UAAP sa ytube account nila.”

“Yes!” sabay na sigaw ni James at Richard. Nagkukumahog na lumipat si Richard sa tabi ng kaibigan para makinood din. Napailing na lang si Catherine habang nakatingin sa kanila. Isa lang ang ibig sabihin nito. Di na naman siya mapapansin ng mga kasama niya hanggang sa matapos ang pinapanood na replay.

Enjoy na enjoy ang boys kaya naisipan ni Catherine na kesa sa nakatunganga ay aabalahin na lang niya ang sarili at maglalaro na lang sa tablet niya habang naghihintay sa mga kaibigan. Ilang minuto ang nakaraan ay narinig niya si Richard na nagsalita.

“Teka.. balik mo ng konti, Brod.”

“Bakit? Halata namang foul yon eh.”

“Hindi! Balik mo! May nakita ako!” inagaw ni Richard ang tablet na hawak ni Simon.

“Teka ano bang nakita mo?”

“That witch! Naisahan ako!” namumula na si Richard, galit na galit sa nakita niya. Dahil dito ay hinatak ulit ni Simon ang tablet para makita kung ano ang dahilan ang biglang nagalit ang kaibigan.

“Ohhhh..kaya pala!” tumawa na lang si Simon sa nakita, napasilip naman si James habang si Catherine naman ay tumayo at naki-usyuso na rin. Nakaturo ang daliri ni Simon sa bandang kanan ng screen. Nakita ng tatlo si Maya na may hawak na  banner na sumisigaw habang nakatayo, katabi nito si Emman na sumisigaw din. “Humanda siya sa akin! Ang lakas ng loob niyang magsinungaling sa akin ah!” .

“I told you!” Catherine said with a knowing smile in her face.

 

Kinabukasan, maagang pinuntahan ni Richard si Maya. Di parin siya nakaka-recover sa nalaman niyang kasinungalingan ni Maya kaya kinumpronta na niya ito. Dahil sa di na makakatanggi pa, inamin ni Maya na walang group study na nangyari kundi ay nanood siya ng basketball. Kasalukuyang naghahanda si Maya ng pagkain niya.

“Buti naman nahiya ka at umamin ka?”

“Grabe ka naman! Di naman ako ganun ka sama noh..” inilapag ni Maya ang plato ng kanin at ulam sa mesa niya. “Kumain ka na?” tanong  ni Maya kay Richard , umiling si Richard at umupo sa bakanteng silya kaharap ng kay Maya.

“Maya, baka akala mo dahil kakain ako dito palalagpasin ko yung ginawa mo. Isusumbong kita kina Nanay Tere, sasabihin kong di ka talaga nag-aaral dito at nagbubulakbol ka lang para pauwiin ka na nag San Nicholas!” kasalukuyan ng kumakain si Richard .

“Huwag! Naku para namang ang laki ng kasalanan ko, tsaka minsan lang naman yon. Pagbigyan mo na ako, please!” hinawakan ni Maya ang kamay ni Richard, nagsumamo na huwag siyang isumbong sa nanay nito.

“Di pwede! Kailangan niyang malaman yong nangyari noh. Mamaya maulit na naman tapos sila na yung makatuklas sa pinaggagawa mo ako pa yung mapasama!””

“Huwag na, please..” di na mapakali si Maya, sa oras kasi na malaman to ng Nanay niya ay sigurado siyang magsusumbong ito sa Tatay niya. Tiyak siyang di yon mapapalagpas ng ama nito at mapapauwi siya ng San Nicholas  ng di oras. Nangako kasi siya sa Tatay Arturo niya na mag-aaral siya ng mabuti at susundin si Richard palagi habang nasa Manila siya. Ito ang dahilan kung bakit pinayagan siyang mag-aral sa Manila.

“Maya alam mo  bang bumalandra mukha mo dun sa video na nakita ko? Paano kung pati si Tatay Art napanood din yon? Ako naman yung malalagot sa kanila at kay Mommy. Mamaya isipin nila kinukunsinte ko pinaggagawa mo dito noh!”

Worried na talaga si Maya. Di niya alam kung paano pa niya makumbinsi si Richard na di na magsumbong pa. Natatakot siyang isipin na di na niya maitutuloy ang pag-aaral niya sa Manila. Maliban dito, nanghihinayang din siya at di na niya makikita si Bart kung mangyayari nga ang kinakatakutan niya.

Kakainis naman to oh! Minsan lang ako hihingi ng favor di pa ako mapagbigyan! Bakit ba siya ganun sa akin, pero kong yung iba naman pinagbibigyan niya lagi.

Reklamo ni Maya sa loob-loob niya.  Nawawalan na siya ng pag-asa kung paano kumbinsihin si Richard ng maalala niya ang isang sekretong pinakatatago niya.

Ayoko gawin to sa’y Ricardo pero wala na akong choice! Ikaw naman kasi eh..Ito na lang ang nakikita kong paraan para di ka magsusumbong..yari ka ngayon!

“Alam ko na!” isang makahulugang ngiti ang pinakita ni Maya sa kanya.

“Anong alam mo?” pagtatakang tanong ni Richard sa kanya. Napahinto pa ito sa pagsubo ng pagkain ng makita ang kanyang reaksyon.

“Alam ko  na kung bakit di mo dapat isumbong ang tungkol sa nangyari kagabi!”

“Talaga lang ha! Okay,  sige nga bigyan mo ako ng isang reason kung bakit di ko dapat sabihin sa kanila yon.”

“Kasi kung gagawin mo yon, isusumbong ko kay Mommy Esme yung tungkol sa nakita ko sa condo mo!”now Maya is grinning widely. A confuse Richard was staring at her, with furrowed brows.

31 Comments (+add yours?)

  1. lirahc2014
    Dec 05, 2014 @ 13:47:48

    just discovered you place and found interesting stories for my favorite loves Richard and Maya…the first page of this story is interesting and i am so excited to read everything and more of your blogs..thanks!!!

    Reply

  2. irishpolymer
    Feb 10, 2014 @ 11:38:12

    SC!!! You’re back (haha late ako sa news). Can’t wait for Chapter 2 na.

    Reply

  3. Nanette
    Feb 10, 2014 @ 05:15:49

    At last the long wait is over!!!
    Just in time con…. :)))

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: