Just in Time 2

Maya started giggling. Di niya mapigilan ang sarili, maalala lang niya yung nakita parang di na siya makapagsalita. Richard on the other hand was contemplating on Maya. Di  niya parin maisip kung ano kaya ang posibleng nakita ng babaeng nasa harap niya. Nang wala ng itong maisip na dahilan, he simply smirked at her.

“Maya if this is your way para pigilan ako, let me tell you this. Nagsasayang ka lang ng oras mo. ”

“Really?” Maya is still grinning. Holding back herself from spilling the beans.

“Yes of course, kung sa tingin mo maba-blackmail mo ako .. Hah! NO WAY! I’ve learned my lesson! Di mo na ako matatakot ngayon. As far as I’m concern wala akong ginawang masama na maisusumbong mo kay Mama.” Richard said proudly, he started eating his food once again.

“Talagang-talaga?!” pang-aalaska pa ulit ni Maya. May pakindat-kindat pa ito kay Richard.

Dahil sa ayaw talaga tigilan ni Maya si Richard, he’s having second thoughts on whether Maya really knew something that she could use against him. Ayaw naman niyang magtanong pa kay Maya, thinking that if ever it’s just her plan to keep him from telling her parents about the incident last night, ayaw niyang magpadala. He knew that if Maya really knew something di rin ito makakatiis at malalaman din niya ito ngayon, sa kadaldalan nito , kusa naman niya itong sasabihin sa kanya para lang pigilan siya. He knew her too well. Di rin mapipigilan ni Maya ang sarili lalo na pagnakikita niyang di siya naniniwala sa kanya. All he need to do is to wait and pretend.

Richard was almost done with his food while Maya barely touched hers. He knew she was studying his reaction so he continued to act as if her threat doesn’t bothered him at all,  though deep inside he was really eager to learn the details . “Hurry up, kain ka na. Ayoko ma-late sa office, ihahatid pa kita, makabawi man lang ako sa pagpapakain mo sa akin ng breakfast ngayon.”.

“Ayaw mo ba talagang malaman kung ano yung sekretong yon?” Maya asked, Richard could see a glint of desperation in her eyes. Deep inside, nagbubunyi na si Richard at nahuhulog na si Maya sa kanyang patibong.

“Hmmm not interested..alam mo kung di ka kakain, tara na at baka ma-traffic tayo!”

“Okay fine! I will tell you ..tingnan natin kung kakayanin pa ng konsensya mong isumbong ako kina Nanay at Tatay. ”

“Ang kulit mo talaga Maya ayaw mo talaga magpatalo ha!” Richard laugh softly.

“Nakita lang naman kitang may kasamang babae sa condo mo last month!” Maya blurted out. Richard raised an eyebrow upon hearing her revelation.

“So? Is that it? Look Maya, it’s just normal na may makita kang babae sa unit ko. Some of my friends are women na laging bumibisita sa bahay ko. Hay naku, yan na nga ba ang sinasabi ko.. you really thought matatakot mo ako with that? Come on Maya, pagtatawanan ka pa ni Mama if yan lang sasabihin mo sa kanya !” Richard was laughing at her pero di man lang naapektuhan si Maya sa kanyang pang-aasar.

“Oh yeah? Bakit akala mo yon lang talaga nakita ko? What if sabihin ko sa mama mo na nakita ko kayo ni Catherine, BOTH NAKED habang NAKAPATONG SIYA SA’YO? Sa tingin mo palalagpasin niya yan ?” now it’s Maya’s turn to laugh at him while Richard look at her dumbfounded. “What?! Nagulat ba kita Ricardo?” she mocked at him.

Richard was blushing all over. Pati ata singit niya namumula sa sobrang hiya sa narinig. Paano ba nangyaring nakita sila ni Maya without him even knowing that. “Paanong–”

“I went to your unit kasi magpapaalam sana ako sa’yo. Remember those time na nagtext ako at sinabing  nasa Tagaytay na ako kasama mga friends ko for the weekend kasi may dadaluhan kaming birthday party ? Nagalit ka pa nga at bakit sa text lang ako nagpaalam at di sa personal? Sabi ko when I went to your condo di ka pa nakauwi so di ko na nasabi. I lied, pumunta talaga ako around midnight kasi alam ko naman yon yung oras na uwi mo knowing na galing na naman kayo sa inuman ng mga barkada mo. And then pagpasok ko may narinig akong ingay dito sa kwarto mo, I thought baka binabangugnot ka kaya nagmadali naman akong pumunta pero nakita kong –”

“Stop it! Tama na..alam ko na, huwag mo na i-elaborate  pa.” pinigilan ni Richard si Maya na huwag na magsalita pa. Idiniin ang isang daliri sa labi niya  para sabihing tumahimik na ito pero ayaw paring magpapigil si Maya sa kanyang komento.

“Grabe naman kayo, di ba kayo marunong mag-lock ng pinto? What if di ako yung nakapasok? At tsaka, grabe.. si Catherine, di ako makapaniwala siya pa talaga yung –” tuloy-tuloy pa din ang pag-iingay ni Maya, di alintana ang ilang na nararamdaman ng lalaking kaharap niya. Richard sensed na walang makakapigil kay Maya kundi ang pagtakip sa bunganga nito kaya gamit ang kamay ay tinakpan na niya agad ang bibig ni Maya.

“Maya, tama na, okay! Narinig ko na, naalala ko na. Huwag mo ng sabihin.” Maya could only nod in agreement. Nang makita ito ni Richard ay pinakawalan na nito si Maya. “Please huwag mong ipagsasabi to kahit kanino. Babae ka din, alam mo kung ano ang magiging epekto nito pag nalaman pa ng iba. ”

“Alam ko, kaya nga di ako nagsalita sa’yo kung ano yung nakita ko until now. Ikaw naman kasi di madaan sa pakiusapan..”

“Wala ka bang pinagsabihan na iba?” Maya shook her head, kaya nakahinga ng maluwag si Richard. “Good..thank you.”

“Alam ko good ako, pero yung thank you mo di ko matatanggap ..” Richard just stared at her, naghihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin kahit na alam na nito kung ano yung magiging kapalit ng sekreto niya sa sekreto ni Maya. ” Kung di ka magsusumbong kina nanay at tatay, di rin malalaman ni Tita Esme. Kahit sabihin mong matanda ka na, alam nating dalawa na di talaga pwedeng malaman ni Tita yung nakita ko, right?” Richard heave a sigh. Tama si Maya. Which means, wala na din siyang magagawa kundi sumang-ayon dito .

“Okay.. deal! But make sure, huli na yung ginawa mong panloloko sa akin last night!”

Maya’s face lit up. Smiling from ear to ear. Finally she’s relieved.Parang batang nakawala sa kulungan sa sobrang galak the moment Richard finally agreed. “Yes! ” she blurted out.

 

Kung bakit naman kasi Richard nagpapahuli ka lagi kay Maya! Di ka na talaga nadala! Richard kept on blaming himself. He was on his way to his office after dropping Maya off to school. Nagngingit-ngit ang kalooban niya sa inis. Paano naman kasi, mula noon it was always like this. Di lang ito ang unang beses na nahuli siya ni Maya.

He could still remember when he was 15 years old, si Maya naman ay anim na taong gulang pa lang nung panahon na yon. JS prom and that night, date niya yung kapitbahay at kaklase niyang si Michelle. Matagal na niya din itong  nililigawan. Nung gabing yon sinagot siya ni Michelle. Nang ihatid na niya ito sa bahay nila, di niya napigilan ang sarili sa sobrang saya dahil sa wakas ay sinagot na siya. Isang smack kiss ang ginawad niya sa mga labi ni  Michelle. Unknown to them, nakita ito ni Maya  na sa mga panahong yon ay nasa may gate lang pala nina Richard.  Nakakubli sa may halamanan at nagmamatyag sa dalawa. Kitang-kita ni Maya ang eksenang yon dahil halos magkatapat lang ang gate nina Michelle sa gate nila. Kinabukasan nagulat na lang si Richard na alam na ng mga kanyang mga magulang ang ginawang paghalik niya kay Michelle. Sermon ang inabot niya kung bakit ang bata-bata pa raw niya ay nakikipaghalikan na sa kalye. Mas lalo pa siya nainis ng sabihin ng mommy niyang di raw niya gusto si Michelle dahil bata pa nakikipaghalikan na. Dahil dito, nagalit si Richard kay Maya.

Di man lang magawang gumanti noon ni Richard kay Maya kasi mahal na mahal ito ng mga magulang niya. Naaaliw kasi sila dito at bibong-bibo, madaldal at pala-kwento, kaya lagi itong pinapatawag ng kanyang mommy sa mansyon nila para may makausap siya tuwing naiiwan itong mag-isa sa bahay. Katiwala sa farm nila ni Richard ang mga parents ni Maya. Di na rin iba ang turing ng mag-asawa sa pamilya ni Maya, katunayan ay tinutulungan nila ang mag-asawa sa pagpapa-aral ng kanilang kaisa-isang anak na si Maya. Halos siyam na taon din ang tanda ni Richard kay Maya kaya kung tutuusin, nasubaybayan ni Richard ang paglaki ni Maya.

Noong bata pa sila di sila nagkakasundo kasi si Maya ang naging tagasumbong tuwing may kalokohang ginagwa si Richard. Pakiramdam ni Richard sa mga panahong yon, pinanganak si Maya para lang may magbantay sa kanya. Para silang aso at pusa na nagkakainitan palagi, pero dahil nga si Maya ang babae, si Richard ang palaging napapagalitan ng parents niya tuwing nag-aaway sila. Di naman iyakin si Maya, palaban ito at di nagpapadaig sa kanya, bagay na mas lalo niya kinaiinisan kay Maya.

Pero kahit ganun pa man,  tuwing may umaway kay Maya, di niya magawang hayaan lang ito na lumalaban mag-isa. Siya din naman ang naging number one defender ni Maya, marahil na rin nasanay siyang kasama at nakikita sa bahay nila kaya kung ituring niya ay parang kapatid na rin. At gaya ng magkapatid, nag-aaway man ay nagiging kasangga din tuwing may kalaban.

Natigil lang sina Richard at Maya sa pagbabangayan araw-araw nung lumipat na si Richard sa Manila para mag-aral ng college. Wala na kasing maisusumbong pa si Maya kaya pansamantalang tumahimik na din ang mundo ni Richard . Madalang na lang din kasi silang nagkikita, tuwing may okasyon o tuwing bakasyon lang umuuwi si Richard sa San Nicholas.Marahil dahil na rin sa lumalaki na sila at nagpagisip-isip na di na dapat sinasayang ang oras na magkakasama sila sa pagbabangayan lang .

Buong akala ni Richard di na ulit mangyayaring magbabangayan sila pero simula ng mag-aral na si Maya sa Manila at ibinilin ito ng mga matatanda sa kanyang pangngalaga, muling gumulo ang mundo ni Richard. At ngayon nga, sa pag-aakalang makakaisa na siya kay Maya at sa pag-aakalang mapapabalik na niya ito sa wakas sa San Nicholas at magiging malaya na siya sa obligasyon niyang bantayan si Maya, nagkamali na naman siya.

 

 

 

 

 

14 Comments (+add yours?)

  1. jochardmagic
    Feb 08, 2016 @ 10:08:17

    Nice one Ms.Conelyn . Umpisa pa lang ng story, ang ganda na.

    Reply

  2. jochardmagic
    Feb 08, 2016 @ 10:07:32

    Nice one Ms.Conelyn . Umpisa oa lang ng story, ang ganda na.

    Reply

  3. Virgie
    Feb 16, 2014 @ 03:14:16

    Hmm I wonder how these two will show their feelings, as if they feel like as siblings. Wonder how our story teller will twist their fate…😳

    Reply

  4. Batiboj
    Feb 15, 2014 @ 12:08:21

    Happy birthday👏👏👏

    Reply

  5. malou
    Feb 15, 2014 @ 11:51:40

    next chapter po pls……

    Reply

  6. Nanette
    Feb 15, 2014 @ 05:39:27

    Eiii con!! Walang vday treat eh….
    Busy ba masyado? Isingit mo naman ang 3, super pls…. 🙏

    Reply

  7. grace71jeg
    Feb 14, 2014 @ 16:16:48

    wow…exciting to girl,sana myt kasunod na ulit……………………

    Reply

  8. Jan
    Feb 12, 2014 @ 09:52:25

    This is a nice funny story, next chap na pls.. Exciting na kulitan ito ni Maya.. Thanks sa update..

    Reply

  9. Eden1214
    Feb 11, 2014 @ 15:06:49

    Hay Richard next time I lock ang pinto..,

    Reply

  10. chuwie966
    Feb 11, 2014 @ 01:10:04

    Ano ba yan bago pa ma experience ni Maya ay nakita na niya everybody is right medyo BITIN Ms Con next chapter na please!!!! Can’t wait ……

    Reply

  11. myrnavp
    Feb 10, 2014 @ 22:30:05

    Ms. Con….pare pareho kami…bitin na bitin…prang kulang na kulang….more pls? Thnx and God bless!

    Reply

  12. flevents
    Feb 10, 2014 @ 18:40:51

    Medyo bitin…

    Reply

  13. catez
    Feb 10, 2014 @ 17:16:15

    naman kasi richard di ka na nadala ….. nahuli ka na pala ni maya noon ….. tsk tsk tsk ….. wala kang kawala ……. hangga’t nandyan sa tabi tabi ang mayabels ….. sabi ni sis mackie kawawang richard ….. ♡

    Reply

  14. princemackaroo
    Feb 10, 2014 @ 16:38:24

    Nyahahahahaha! Nahuli na naman ni Maya si Richard for the nth time! Nawala tuloy ang kainosentehan ni Maya ng di oras. Haha! Kawawang Richard.😀

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: