Just in Time 3

Ilang araw dumaan pagkatapos ng pangba-blackmail ni Maya kay Richard ay kapansin-pansin na bumabawi ang dalaga sa kanya. Marahil naging panatag na ito dahil sa pangako ni Richard sa kanya na di na ito magsusumbong sa mga magulang. Tuwing umaga ay lagi na lang may kakambal na ngiti ang bawat bati ng dalaga kay Richard. Kung noon ay wala siyang maasahang pagkain tuwing nangangapit-bahay siya ng walang pasabi kay Maya, ngayong naman ay nagugulat siya at ipinagtatabi na siya nito. Kung minsan pa ay idinadaan ni Maya ang breakfast kapag kinailangan nitong umalis ng maaga at di makakasabay pa sa kanya.

“Alam mo parang konting-konti na lang maniniwala na ako sa himala.” Richard teased her one morning. Naghatid ng breakfast si Maya sa kanya at kasalukuyan nitong inililipat ng lalagyan ang dalang pagkain habang si Richard naman ay naka-upo na sa mesa niya, naghihintay na ihain sa kanya ang dalang pagkain ni Maya.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Maya sa kanya habang abala sa paghahanda sa may kitchen counter ni Richard.

“Himala..miracle..”

“Oo nga, alam ko naman yon pero ang ibig kong sabihin bakit mo nasabi yon, ito naman parang ewan!” bitbit na ni Maya ang serving plate at kubyertos ni Richard sa mesa nito.

“Eh kasi bigla kang naging mabait. Sigurado naman akong di ako nananaginip nito at ilang araw ka ng consistent sa pagiging mabait sa akin. Sigurado ka bang okay ka lang? Wala ka bang sakit o ano mang nararamdaman sa katawan mo ngayon?”

“Loko-loko! Bumabawi lang ako noh! Samantalahin mo na at may expiration date din to!” pagkatapos nitong mailagay ang lahat ng kailangan ni Richard sa mesa ay naupo na rin ito sa upuan na nasa harap ng lalaki.

“Ay wala ngang himala!” he quipped. Napatawa na lang si Maya sa narinig. ” Maya, sana lang  bago ang expiration date may advisory ka muna para naman mapaghandaan ko ha.”

“Oo naman  Ricardo. Isang araw bago ang expiration date, lalasunin muna kita para malaman mong next day na ang deadline.”

“Baliw ka ba? Eh di ako yung maunang ma-expire nun?” isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Maya na sinabayan naman ni Richard. “Sa totoo lang Maya, kinakabahan ako sa’yo. Sana lang walang singilang mangyayari pagkaraan ng ilang araw ah. Baka magising na lang ako isang araw lubog na pala ako sa utang sa’yo at ginawa mo palang negosyo ang pagpapakain mo sa akin.”

“Grabe ka naman Ricardo! Bumabawi lang talaga ako sa’yo ..promise!” Maya said, pouting her lips like a little girl which amused Richard. Unknown to her, he finds it cute pag ganitong umiismid siya. It brings back memories noong nasa San Nicholas pa sila. Whenever he’d scold her for being so madaldal  she would always do that melting his heart everytime. Ang siste, wala na siyang magawa kundi mag forgive and forget na lang sa nangyari.

“Chard..” tawag ni Maya kay Richard na sadyang naglalambing ang boses.

“Ummm parang alam ko na..pag tinatawag mo akong ganyan alam ko ng may favor kang hihingin. ”

“Eiii hindi naman..magpapaalam lang sana ako. Kung pwedeng-”

“Hayy naku Maya! Sabi ko na nga ba!” di alam ni Richard kung matatawa siya o maiinis kay Maya.

“Pwedeng manood ulit ako ng basketball mamaya? Kasama ko naman si Emman eh.”

“Basketball? P.U.S ba ang maglalaro mamaya?”

“Yes, so pwede ba?”

“Early naman ang game di ba? Around 4 ata tapos na ang game, di ka male-late sa pag-uwi. Pwede naman.”

“Eiii baka kasi sa labas narin kami magdinner ni Emman. Baka ma-late padin ang pag-uwi ko.” Maya tried her best not to sound na nagpupumilit siya para di magduda si Richard. It’s the last thing na dapat mangyari or else di siya makakasama sa dinner nila with Bart.

“Saan ba ang dinner ninyo ng kaibigan mo at dadaanan na lang kita doon?”

Ngumiti si Maya ng narinig ito, though she was happy to know na makakapunta siya, at the back of her mind she’s also worried that he might find out about Bart. Bahala na, magagawan naman ng paraan to mamaya para di niya malaman. Ang importante makakapunta ako. Maya thought. ” Around MOA lang, Chard. ”

“Okay. Text me if patapos na kayo sa dinner ninyo then puntahan kita. Is that okay?” Richard look up to her. Nakita naman ni Maya na parang walang bahid na pagdududa or anything sa mukha niya while saying this kaya tumango na ito at ngumiti. Sa loob niya, nagbunga din ang pagiging mabait niya kay Richard ng ilang araw.

“Chard, I have to go na. Thanks for allowing me. Text na lang kita later ha.” tumayo na si Maya at kinuha ang backpack na nasa kitchen counter.

“Wait! Di mo man lang ba huhugasan tong pinag-kainan ko?”

“What? Pinagluto na nga kita ako pa maghuhugas niyan? Kaya mo na yan noh! And besides male-late na ako. Sige na kaya mo na yan, malaki ka na!” Maya was walking towards the door as she was saying this. “Bye, Chard! See you later!” she paused by the door and look back at him, stuck her tongue out, made a face then walk out and closed the door behind her.

Richard could only laugh at her. Some things never change. Richard thought. After she left, tumayo na si Richard at sinimulang linisin ang kalat sa kusina. A few minutes passed, pumasok na siya sa sariling kwarto para maghanda sa kanyang pagpasok sa opisina.

 

******************************

Richard was already in his office when he got a call from Maya’s mother Nanay Teresita. She was asking about Maya and just like what he promised to Maya, di niya kinwento ang tungkol sa nangyari noong nakaraang araw.

“Di ka ba talaga  binibigyan ng sakit ng ulo ng anak ko diyan Richard?” may himig pag-aalala at pagdududa ang tanong na yon kaya di maiwasan ni Richard na mapatawa ng konti.

“Nay, surprisingly mabait ang anak mo nitong mga nakaraang araw.”

“Mabuti kung ganun.” Richard heard Nanay Teresita heave a sigh on the other line. ” Ay siyanga pala Richard, napatawag ako kasi gusto kong ipaalam yung tungkol sa birthday ni Maya sa susunod na buwan.”

“Yes, Nay.  Don’t worry uuwi kami diyan.”

“Naisip namin ni Tatay Arturo mo na maghanda kahit simple lang, sorpresa namin sa kanya kaya huwag mo munang sabihin sa kanya ha.”

“Not a problem, Nay. I will do my best para di magduda si Maya.”

“Salamat Richard. Sige baka naabala na kita masyado diyan. Paki-kumusta na lang ako sa anak ko. Di ko na yon tatawagan kahit nami-miss ko na kasi alam mo naman yon, nagagalit at iniisip nitong nag-aaksaya ako ng pera kaka-load sa cellphone para lang daw siya matawagan. Ewan ko ba sa batang yon, alam naman niyang nami-miss namin siya ng tatay niya, siya pa tong nagagalit. Pasensiya ka na talaga kung ikaw pa yong naaabala namin.”

“Ay huwag mo na pong isipin yan, okay lang po sa akin.”

“Salamat..ingat kayo diyan. Bye.”

“Bye, Nay..ingat din kayo. Kumusta na lang kay Tatay Arturo.”

Nararamdaman ni Richard ang excitement sa boses ni Nanay Teresita habang magka-usap silang dalawa ni Richard kanina kaya di rin nito maawat ni Richard ang sarili at nahawa na rin sa excitement ni Nanay Teresita. Sa Katunayan, bigla nitong naisip na makihati narin sa gastusin ng kaarawan ng dalaga bilang regalo na rin kay Maya. Alam niyang tatanggihan ng mga magulang ni Maya ang kanyang iaalok na tulong kaya naisip niyang tawagan ang Mama Esmeralda niya para ipaalam ang tungkol sa plano niya sa kaarawan ni Maya. Kung malalaman nito na magde-debut si Maya, tiyak siyang di ito papayag na wala silang gagawin para sa paborito nitong alaga.

****************************

“Emman, anong oras ba tayo uuwi?” tanong ni Maya kay Emman nang magpaalam si Bart na pupunta munang men’s room.

“Akala ko ba okay lang na ma-late ka sa pag-uwi at nagpaalam ka, bakit parang nag-aalala ka ngayon?” nameywang at umiirap-irap pa si Emman habang sinasabi ito kay Maya.

“Oo nga, nagpaalam nga ako pero alam mo naman di ba na susunduin ako ni Richard?”

“Huwag ka mag-alala di tayo magtatagal dito. Di mo ba pinaalam na kasama natin si Bart?”

“Hindi noh! Kung sinabi ko yon sigurado akong di papayagan ni Richard.”

“Bakit naman hindi? Don’t tell me isa rin sa mga rules ni Richard Lim ay bawal kang magpaligaw at ligawan?” Emman joked at Maya inasahan nitong kokontra kaagad ito sa sinabi niya kagaya ng pagdedepensa nito kay Richard everytime na may masasabi siya sa sobrang higpit nito sa kanyang kaibigan. But unlike the last time they argued, di kumontra si Maya kaya nabigla ang beking kaibigan nito. “Oh my pink gosh! Really??!! Vakeett? ” di makapaniwalang tanong ni Emman kay Maya.

“Eh ganun talaga! Alam mo naman di ba na nasa San Nicholas parents ko at siya yung inatasan ng parents ko at ni Tita Esmeralda na magbantay sa akin dito . Nag-iingat lang yong tao. Tsaka kasunduan din namin ni Tatay yon na di ako pwede ligawan hangga’t di pa ako 18.”

“Hello Maya??!! That was like yesteryears pa noh..Ngayon nga grade school pa lang may mga kaharutan na. Sa ganda mong yan di imposibleng ligawan ka no!”

“Eii sa yon yung gusto ng mga magulang ko eh. Kaya nga kuntento na ako sa ganito noh. Yung pumupuslit-puslit pag may time!”

“Uhumm girl, paano na yan kung magiging kayo na ni Bart?” isang makahulugang ismid at pagtaas ng kilay ang ginawad ni Emman sa kaibigan. Bagay na di napalagpas ni Maya kaya isang pigil na tili ang ginawa habang nakatakip ang mga kamay sa bibig sa  sobrang kilig. Pati si Emman ay kinikilig at umiirap-irap din na tumili kasabay niya

“Teka lang..bakit..papaanong-” excited ng tanong ng dalaga sa kaibigan niya.

“Paano kasi, itong pinsan ko ..lately nagtatanong tungkol sa’yo. Alam mo naman ako, magandang chismosang bakla kaya nagtanong ako kung type ka niya. Ang sabi niya oo daw!!” tilian na naman sina Maya at Emman.”Sabi niya kung liligawan ka niya sa tingin ko raw ba sasagutin mo siya..syempre sabi ko di ko alam, kahit ba alam kong oo naman noh! Sabi ko lang ligawan ka na at boto akong maging girlfriend ka niya!” namumula na si Maya sa sobrang saya at kilig.

“Shh andito na siya..sheyt parang nahihiya na akong makaharap siya..” biglang tinamaan ng hiya si Maya na makaharap ulit si Bart ngayong alam na nitong gusto rin pala siya ng lalaki.

“Kumalma ka..sabi pa naman niya gusto ka raw niya at mahinhin ka..Pangatawanan mo na yan, bruha ka!” Emman said in a low voice.

“Sheyt ikaw ang dahilan kaya di ako makalma, bruha ka din!” Maya quipped.

The whole time na magkasama silang tatlo aligaga si Maya sa sobrang kaba. Di na maalis-alis sa isip niya ang tungkol sa sinabi ng kaibigan na posibleng panliligaw ni Bart sa kanya. Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya dahil sa pagbu-blush tuwing tinitingnan siya ni Bart habang nagkukwento siya. Dagdag pa ang nanlalamig na kamay at paa niya.

Si Emman naman ay pansin nito na di mapakali si Maya kaya palihim siya niton sinesenyasan na umayos at baka mahalata pa siya ni Bart. Di naman niya alam kung ano ang gagawin para makalma talaga at para siyang natutunaw sa bawat titig ni Bart sa kanya. Buti na lang at makaraan ang ilang sandali ay tumunog ang cellphone niya kaya nakahanap siya ng paraan para pansamantalang makalayo kay Bart.

Thank you, Chard! You save my life! , ito kaagad ang pumasok sa isip ni Maya ng makitang si Richard ang tumatawag. She excused herself and went to the ladies room para sagutin ang tawag ni Richard. “Chard!”

“Maya anong oras na, di pa kayo uuwi?” Maya checked her wrist watch and discovered that it’s already past 8 pm .

“Ay sorry, di namin namalayan ang oras. Nasa office ka pa ba?”

“No, nasa starbucks na ako waiting for your call. Kanina pa ako dito. Asan kayo?” Maya got panicked. If sasabihin niyang kung nasaan siya makikita ni Richard na bukod kay Emman ay may kasama siyang iba.

“Starbucks? Huwag kang aalis diyan at pupuntahan kita ha.”

“Okay, bilisan mo na ha.” pagbaba ni Maya tawag ay nagmadali na itong bumalik sa mesa nila.

Kasalukuyang nagku-kwentuhan ang magpipinsan pagbalik niya. ” Guys, I’m sorry. I need to go.”

“What? Ihahatid ka na namin.” offer ni Bart sa kanya.

“No, andiyan na siguro ang sundo niya insan kaya hayaan na natin. Next time mo na lang siya ihatid.” salo naman kaagad ni Emman, napansin nito ang mukha ni Maya na halatang nag-aalala na kaya tinulungan na nito ang kaibigan.

“Are you sure? May dala ba kayong sasakyan? If wala pwede ko naman kayong ihatid.”

“Thank you Bart but yeah, may sasakyan naman. Thank you sa treat by the way and congrats again at nanalo kayo.” she showed him a genuine smile na tinugunan naman nito ng isang ngiti ni Bart.

“I had a great time too Maya. Next time ulit okay?”

“Yeah sure..sige mauna na ako!..Goodbye sis!” nakipag beso na si Maya kay Emman saka ito tuluyang naglakad palabas ng restaurant. Di pa man ito nakakalakad ng malayo ng bigla na namang nakatanggap ng tawag galing kay Richard.

“Asan ka na?Bakit ang tagal?”

“Oo nga andiyan na..Nakikita ko na nga ang Starbucks oh! “

“Good. Lalabas na din ako.”

Nang medyo malapit na si Maya sa Starbucks ay nakita nitong lumabas na si Richard doon. Bitbit ang kanyang bag at isang Starbucks cup kaya nagmadali na si Maya. Nang makalapit na si Maya kay Richard ay agad siyang ngumiti dito, isang paraan na alam niya para di siya agad sermunan ni Richard.

“Oh akala ko ba kasama mo si Emman?Asan na ang kaibigan mo?” tanong ni Richard sa kanya, iniabot nito sa kanya ang dalang cup kaya mas lalong napangiti si Maya. “Cinnamon Dulce Latte , di ba?” panigurado ni Richard sa kanya.

“Yes! Salamat! Si Emman? Nauna na..di na raw sasabay.”

“Okay..tara na!”

Naglakad na sina Maya at Richard patungong parking area. Gaya ng lagi nitong ginagawa, si Richard ang may bitbit ng bag ni Maya habang ini-enjoy nito ang kanyang iniinom. Habang tintitigan siya ni Richard ay naalala nito ang papalapit na kaarawan ni Maya. Di namalayan ni Richard na nakangiti na pala siya habang  nakatitig dito.

“Bakit?!” tanong kaagad ni Maya ng mapansin siyang nakangiti sa kanya.

Tinaasan lang niya ito ng kilay at di na nagsalita pa. Nahiya bigla si Richard at nahuli siya ni Maya.

“Bakit ka nakangiti diyan?” nagduda bigla si Maya kaya tinantanan ang pagimon ng kape niya. “Teka..huwag mong sabihing..Ricardo malinis to o hindi?!”

“Hoy! Huwag mo akong igaya sa’yo ha. Malinis yan! “

“Bakit ka nga nakangiti diyan!”

“Wala! Kailangan ba may reason kung bakit nakangiti ako?”

“Oo naman, unless sabihin mong baliw ka kaya nakangiti ka kahit walang reason!”

“Ewan ko sa’yo Maya..halika na nga!” binilisan ni Richard ang kanyang paglalakad at sinadyang iwanan si Maya. Ilang minuto ang makalipas ay narating na nila ang kotse ni Richard. Nag-start na si Richard ng kotse niya ng mapansin nito ang dalawang taong naglalakad sa gawing kaliwa nila. Sumilip pa siya ng maayos sa kanyang bintana para makita ng maayos ang mga ito. “Di ba si Emman yon?”

“Huh?” kinabahan si Maya ng marinig ang pangalan ng kaibigan. Pagsilip niya sa may bintana ni Richard ay nakumpirma nga niyang sina Emman at Bart ang nakita ni Richard.

“Yun oh! May kasamang lalaki na naka white shirt…wait, is that Bart Ramirez? Yung basketball player ng P.U.S?” napalunok si Maya, di nito magawang sumagot kay Richard. Alam nitong konting sandali na lang matatagpi-tagpi na ni Richard ang pangyayari ngayong gabi. “Wait..kasama ninyo ni Emman yang lalaking yan? Is he the reason kung bakit nanonood ka ng laro ng P.U.S?” magkasalubong na ang kilay ni Richard at nakasimangot na ito ng lumingon sa kanya. Nangyari na nga ang kinatatakutang mangyari ni Maya.

Sheyttt! Kung bakit naman kasi sa laki ng parking area talagang dito ‘nyo pa parehong naisipan mag-park ng kotse ninyo!!!

“Maya, don’t tell me boyfriend mo na yung basketbolistang yon?!”

“Hindi ah! ” tanggi kaagad ni Maya.

“Good! May usapan tayo Maya! Sana naalala mo pa yon!”

Richard remained quiet for the rest of the ride home. Di naman alam ni Maya kung paano nito pagaanin ang mood lalo pa at alam niyang siya na naman ang may kasalanan sa nangyari kaya katulad ni Richard, tahimik na din si Maya. Nakarating na sila sa building nila di parin sila nagkikibuan. Nang papasok na siya ng pinto ng pigilan siya ni Richard at hinawakan ang kanyang braso. Nang mag-angat si Maya ng tingin kay Richard ay nakita nitong seryoso ito habang nakatingin sa kanya. Di naman ito galit pero halatang di nagustuhan ang natuklasan kanina.

“Di ko nga siya boyfriend, Chard. Oo, magkasama kaming kumain kanina..maging noong nakaraang araw pero di ko siya boyfriend.” pinakawalan din ni Richard si Maya pagkatapos nitong sabihin  yon. Napansin ni Maya ang pagtiim ng bagang nito bago ito tuluyang tumalikod at pumasok sa kanyang unit. Sinarado ni Maya ang kanyang pintuan at sumadal dito sandali at isang malalim ng buntong hininga ang pinakawalan ni Maya.

15 Comments (+add yours?)

  1. lirahc2014
    Dec 05, 2014 @ 15:17:06

    nagsimula ng mag-jeling-jeling

    Reply

  2. lirahc2014
    Dec 05, 2014 @ 15:10:00

    may pagseselos ba na naramdaman??? juice ko!!!! simula pa lang ito…

    Reply

  3. myrnavp
    Feb 18, 2014 @ 06:00:22

    start na ba na ngkakaron ng ibang feeling c chard k maya? mukhang selos na yan eh….sana nga! at sana lang before maka first base c bart eh….ma intercept agad ni chard hehe! thnx and God bless!

    Reply

  4. Eden1214
    Feb 17, 2014 @ 23:45:55

    Selos lng chard?feeling ko sa 18th bday ni maya may lalaking matutulala dian..

    Reply

  5. ayeth
    Feb 17, 2014 @ 23:26:58

    hmmm….aminin Richard ….may selosang nagaganap na ba?…i’m anticipating na may magandang revelation ng feelings when Maya turns 18….next chapter na pls! sana naman wag po matagalan…

    Reply

  6. Jan
    Feb 17, 2014 @ 22:09:07

    Galit si Richard sa ginawa ni Maya, but he will get jealous later when he will realize that somebody is serious with Maya..thanks!

    Reply

  7. wanda mae
    Feb 17, 2014 @ 21:10:44

    Could it be Richard hide his true feeling to Maya? It seem to me Richard as a older brother to her. Hahai

    Reply

  8. enfumiao30
    Feb 17, 2014 @ 20:23:57

    ano kaya usapan nila?😀

    Reply

  9. flevents
    Feb 17, 2014 @ 19:32:01

    The character here of Maya seems too immature for Richard. She doesn’t seem to know which way is up. I don’t think Richard is jealous. He just hates being lied to, and he has the responsibility of seeing Maya not get into trouble.

    I don’t think Maya even appreciates fully all the “looking out” that Richard does for her. She fails to give Richard enough credit. I don’t Richard will fall for her yet, not while she is acting that way.

    Reply

  10. srepotente
    Feb 17, 2014 @ 17:58:08

    Btw nice kissing pic collage dito sa blog site mo nakakakilig tingnan

    Reply

  11. srepotente
    Feb 17, 2014 @ 17:52:49

    Parang matagal-tagal pa bago maging sila? At sana di magkatuluyan ni Maya si Bart.

    Reply

  12. catez
    Feb 17, 2014 @ 17:05:12

    ano to may selos? di kaya pag nag18 na si maya ligawan na siya ni richard …… weeeeeeeee!!!!! lalo tuloy ako naexcite sa birthday ni maya ……. mama minion thank you sa update ….. ♡

    Reply

  13. chuwie966
    Feb 17, 2014 @ 16:43:05

    Aaayyyy!!!! Jelling ang Richard !!! Lagot ang Maya excited na ako sa next na mangyayari esp sa 18th birthday niya Ms Con next chapter na pleaseeeee!!!!

    Reply

  14. floe
    Feb 17, 2014 @ 16:25:55

    Hmmm jelly si singkit d pa nga lang xur…

    Reply

  15. princemackaroo
    Feb 17, 2014 @ 16:18:09

    And I smell jealousy.Ü

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: