Just in Time 4

Dahil sa natuklasan ni Richard noong nakaraang gabi di na maalis-alis sa isip ni Richard si Maya. Kahit na ba siniguro ni Maya sa kanya na wala pang namamagitan sa kanila ng basketbolistang i Bart, pero nang umamin naman si Maya na crush nga niya si Bart ay mas lalong ikinabahala ito  ni Richard. Alam naman niyang kung sakaling di  tutuparin ni Maya ang pangako nito sa tatay niya at sa kanya, wala naman siyang karapatan na pigilan ang dalaga.

Nang umagang yon, pilit siyang sinusuyo ni Maya para lang huwag na itong mabahala. Gaya ng mga nakaraang araw, walang nabago sa pakikitungo ni Maya sa kanya. Tuwing napag-uusapan si Bart, kaswal lang siyang sinasagot ni Maya na parang wala lang sa kanya si Bart pero iba parin ang kutob ni Richard.

Sa opisina, buong araw mainit ang ulo ni Richard. Maliban kina James at Simon, nagtataka ang ibang mga kasamahan niya kung bakit di siya makausap ng maayos. Ang dalawang malalapit na kaibigan naman niya ay di na kailangan magtanong pa kung sino ang nagpapainit ng ulo niya, dahil bukod lang naman sa kanila na pasaway na kaibigan, si Maya lang ang at wala ng iba pa.

Later that afternoon, niyaya ng dalawa si Richard para kumain sa labas bago pa sila magkanya-kanyang umuwi.  Di na tumanggi si Richard at ayaw din naman niyang umuwi ng maaga at iniiwasan nitong makaharap si Maya. Para di na magdrive pa ng malayo ay napagkasunduan nilang sa may tapat ng building nila kung saan may isang ihawan na lang sila kakain. Pagdating doon ay agad na silang umorder ng paborito nilang  pork barbecue , liempo, at calamares. Dinagdagan din ng isang bucket na beer ni James ang order matapos sumang-ayon ni Richard na uminom sila ng konti.

“Ano na naman bang ginawa ni Maya, brod?” panimula ni James. Siniko pa siya ni Simon dahil di man lang ito naghunos-dili sa pagtatanong kay Richard. “Bakit ba, alam naman nating walang ibang dahilan sa pag-iinit ng ulo nitong lokong to kundi si Maya lang.” depensa kaagad ni James sa sarili.

“Siraulo ..” Richard chuckled. He was quiet for a moment before he eventually told them about what he learned the previous night. Pagkatapos nitong magkwento ay tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya which makes him more upset. “Anong nakakatawa dun?!”

“Richard Lim, ilang taon ka na ba at parang nagugulat ka pa na sa edad ni Maya ngayon may mangangahas ng manligaw dun?” James replied. ” Come on Chard! It’s not a big deal!”

“Oo nga! And besides wala pa naman di ba? Ang sabi mo nga gusto nga siya ni Maya pero she made it clear naman na hindi pa sila at wala pang panliligaw na naganap. Pinoproblema mo ang bagay na di pa nangyayari.”

“I don’t know. Ang dami na kasing instances na nahuhuli ko si Maya na naglilihim sa akin. Di na ako sigurado kung totoo ba talaga yung sinasabi niya this time. Ayoko naman magrelax lang tapos one day malalaman ko na lang na yung pinawalaan ko pala ay hindi yon ang totoo. ”

“Di ka naman nagkulang sa pagpapaalala sa kanya di ba?Akala ko ba naniniwala ka sa kanya at di ka pinaglilihiman ni Maya?Anong nangyari sa sinabi mo sa amin noon?” James asked him.  Natigil ang pag-uusap ng tatlo ng dumating na ang waiter dala ang mga orders nila. Pagkatapos nitong mailapag sa mesa nila ang dalang pagkain at inumin ay umalis naman ito kaagad.

“Yun na nga eh, kaya ako nagdadalawang-isip sa mga sinasabi niya.”

“Brod, alam ko naman concern ka kay Maya pero di naman magdudulot ng maganda kung hihigpitan mo siya. Kuha ko naman na ayaw mo siyang mapahamak  but masyado ka naman atang judgemental kay Bart, di mo pa nga siya nakilala.”

“Kung ano mang klaseng tao si Bart wala akong pakialam sa kanya Simon.. Ayoko lang na ginugulo niya si Maya!” Richard raised his voice , iritado sa naging kumento ni Simon sa kanya.

“Easy, brod! Chill! Okay ayaw mo na kung ayaw pero ang sa akin lang huwag kang masyadong paapekto sa isang bagay na wala pa, saka advide ko lang sa’yo ha, huwag  mo masyadong higpitan si Maya. You know what they say. ‘Habang pinipigil, lalong nanggigigil’ !”

“Tama! And may isa pa yan eh, yung kasabihang ‘Pag lalong pinipigilan, nagtatanan’! Hala!” dagdag pa ni James sa sinabi ni Simon, tumawa pa uli ang dalawang kaibigan niya kaya mas lalo nagsalubong nag kilay ni Richard sa narinig.

“Richard , ano ka ba. Kausapin mo lang si Maya malay mo baka talagang wala naman siyang planong makipag-relasyon sa Bart na yon.”

“Sana nga..she promised us…”

“Ows? Yung sa tatay niya naiintindihan ko, pero yung sa’yo di ko ma-gets.Paano ka nasali sa pangakong yon?” curious na tanong ni James sa kanya.

“Kasi..kasi ako yung guardian niya dito. Isa yon sa kundisyon ko sa kanya kaya pumayag akong mag-aral siya dito sa Manila. ”

“Ahhh..talaga…yon lang ba talaga yon?” Simon asked him na tila nagpaparamdam na di ito kumbinsido sa kanyang sagot.

“Ano pa nga ba?! Brod, alam ko na kung ano yang tumatakbo sa isip mo. Tigil mo na yan!”

“Paano naman kasi, grabe ka kung mag-alala diyan kay Maya. Imbes na si Maya yung pagtuunan mo ng pansin kasi wala ka namang magagawa diyan kung di ka susundin niyan. Why not yung relasyon ninyo ni Catherine ang bigyan mo ng pansin? ” Simon suggested.

“Wait, relasyon?..Si Catherine? As far as I know wala kaming relasyon !” nagulat si Richard ng biglang nabanggit ni Simon ang tungkol sa kanila ni Catherine. Di naman kaila sa mga ito na gusto ng kaibigan nilang babae si Richard pero alam din ng mga ito na walang gusto si Richard sa kanya kahit noon pa.

“Sa tinagal-tagal ng samahan ninyong dalawa, mula college hanggang ngayong nagtra-trabaho na tayo, di ka parin ba niya napilit?” James said. Napailing na lang si Richard, isang mahinang tawa ang pinakawalan nito.

“From the start klaro yung sinabi ko sa kanya na wala akong balak na makipag-relasyon sa kanya, alam ‘nyo din yon!”

“Yes..at alam din namin na may namamagitan sa inyong dalawa..you know what I mean, brod! What if –?”

“No..I assure you that. Lasing man ako o hindi, everytime we do it I make sure na di ko pagsisihan sa bandang huli. And for the record unang beses pa lang naming ginawa yon alam niyang di na ito tutuloy sa pakikipagrelasyon ko sa kanya. I know I shouldn’t be saying this but once and for all, para naman maintindihan ninyo yung setup namin. Di ko siya pinilit at aware siya na hanggang kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya.” nanahimik ang mga kaibigan niya sa narinig buhat sa kanya. Unang pagkakatan ito na napag-usapan ng tatlo ang tungkol kina Richard at Catherine kaya di mapigilan ni Richard ang sarili at nagsalita na. “Tama na nga, huwag na nating pag-usapan si Catherine, baka pagnalaman nun na pinag-uusapan natin siya dahil di natin siya kasama dito magalit pa yon.” wika ni Richard para matapos na ang usapan.

 

 

Habang kasama ni Richard ang mga kaibigan, si Maya naman ay kasama si Emman sa unit nito. Dapat sana ay may sa school na sila mag-aaral ng sabay pero dahil ayaw ni Maya na magalit na naman si Richard sa kanya kung sakaling late na naman siya makauwi ay dinala na lang niya ang kaibigan sa condo para doon na sila mag-aral. Kalagitnaan sa kanilang pag-rereview ay napag-usapan nina Maya at Emman ang tungkol sa nangyari kagabi.

“Girl, yung totoo. Ano mo ba si Richard?” di na mapigilan ni Emman ang sarili na magtanong. Alam naman nito na si Richard ang naging guardian ni Maya habang nag-aaral sa Manila pero ang di nito maintindihan ay kung bakit pati ang usapang lovelife ay nakiki-alam din ito.

“Guardian..kaibigan…kapamilya..” Maya narrated casually while she keeps on flipping the pages of her book., not paying attention to Emman who was studying her closely.

“Ummmm  Maya..paki-explain pa.” nag angat ng tingin si Maya , nakakunot ang noo nito habang tinititigan si Emman.

“Emman.. kung binibigyan mo ng malisya yung pagiging over protective ni Richard sa akin, oh pleaseeee! Tantanan na! Di yan mangyayari. Imposible!”

“At bakit imposible? Maliban na lang kung magkamag-anak kayo , oo imposibleng mangyari yon pero sa case ninyo hindi. ” Emman insisted. Dahil sa takbo ng usapan ay naging uncomfortable na si Maya. Tumayo si Maya at tinungo ang kusina para magsalin ng juice sa kanyang baso, sinundan naman siya ni Emman at nagsalin din ng juice sa sarili nitong baso. Panay parin ang dakdak nito ng mga obserbasyon niya tungkol kay Richard.

“Emman, utang na loob! Bata pa lang kami ni Richard para na kaming aso at pusa na laging nagbabanggaan tuwing magkikita kami, paano mo masasabing may gusto yung tao sa akin? Kahit ngayon nga na malaki na kami panay parin bangayan namin .. kaya tama na hmm?”

“Kasi naman yang Richard Lim na yan OA lang sa higpit. Bawal late umuwi, bawal kang maglakwatsa..bawal dito..bawal na lang palagi..nakakahinga ka pa ba, girl?”

“Oo naman! ..Emman, ganun talaga eh!”

“Whatever!” inirapan ni Emman si Maya habang iniinom ang kanyang juice. Maya just smirked at him. “So ano plano mo kay Bart?”

“Honestly? Di ko alam..Oo gusto ko siya, pero napagisip-isip kong di ko parin  alam kung gugustuhin ko ngang umabot kami sa puntong makikipag-relasyon ako sa kanya.”

“Teka lang ha..girl..kahapon lang kilig na kilig ka ng malaman mong gusto ka ng pinsan ko.Bakit ngayon parang ayaw mo na?”

“Emman inaamin ko naman kinikilig ako. Maiisip ko lang na may gusto din pala si Bart sa akin parang di na ako makahinga sa sobrang kilig…pero naisip ko, ayoko naman na basta-basta na lang akong papasok sa pakikipagrelasyon kasi crush ko yong tao kahit di pa ako ready. At saka, ang hirap kapag naiisip ko yung pangako ko kay tatay at saka kay Richard.”

“Ummm Richard na naman!” napa-ismid si Emman ng marinig na naman ang pangalan ni Richard. Para di na humaba pa ang usapin, pinili na lang ni Maya huwag ng ipagtanggol pa si  Richard at alam naman niyang di rin ito maiintindihan ni Emman.

Ilang sandali ang lumipas ay nasimula na naman sina Maya at Emman sa pagre-review. Ilang oras ding nanatili si Emman sa condo ni Maya bago ito nagpaalam. Mag-aalas nuwebe na ng gabi ng maalala ni Maya si Richard. Dahil di ito nagpakita sa kanya ng gabing yon, she wondered kung nakauwi na ba ito. Naisipan niya itong dalhan ng hapunan sa unit nito na nasa kabilang pinto lang. Bitbit ang tupperware na laman ng ulam at kanin ay tinungo nito ang unit ni Richard. Nag doorbell muna si Maya ngunit lumipas ang ilang sandali, nang wala paring nagbukas ng pinto ay nagdesisyon na siyang pumasok. She entered the code to open his door, seconds later she heard the click. Napansin niyang walang ilaw ang unit kaya alam niyang di pa nakauwi si Richard. Di na rin nagtagal si Maya sa loob, nang mailagay na nito sa ref ni Richard ang dalang  pagkain ay umalis na din si Maya at bumalik sa sarili nitong unit.

Nang gabing yon, habang nakahiga na si Maya sa kanyang kama ay nagbalik sa kanyang isip ang mga sinabi ni Emman. Di niya maiwasang maalala yung nangyari noon sa San Nicholas. Alaala na matagal din niyang kinalimutan dahil sa dulot nitong sakit at kalungkutan sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Maya upang mawala ang bigat ng nararamdan sa tuwing naaalala niya ang pait na dulot ng mga alaalang iyon. She swallowed the lump in her throat, trying to keep herself from crying again.

Tama na Maya..matagal na yon. Kinalimutan mo na yon.. Okay ka na…

Maya reminded herself again and again. She closed her eyes, pinipilit ang sariling matulog na para makalimutan ulit ang mga sandaling matagal ng lumipas sa buhay niya.

 

Ilang araw na ang nakalipas mula noong gabing huling nagkita sina Maya at Richard. Iniwasan ni Richard si Maya na huwag makaharap at baka kung ano ang masabi niya at mag-away na naman silang dalawa. Nang kumalma na si Richard, naisip niyang kamustahin si Maya. Pinuntahan niya ito ng walang pasabi, gaya ng lagi nitong ginagawa. Pagpasok sa unit ni Maya di niya  nakita si Maya sa sala kaya nagtuloy na siya sa kusina thinking that she might be eating her breakfast at naamoy niya ang ulam na niluluto nito. Tanging ang lutong tocino at itlog lang na nasa ibabaw ng kitchen counter ang nadatnan ni Richard kaya naisip na nitong tawagin na si Maya.

“Maya?!” Richard called out.

“Chard, ikaw ba yan?” narinig ni Richard ang boses ni Maya galing sa kwarto nito. “Wait!” habol na sigaw ni Maya. Naisip ni Richard na baka nagbibihis lang so he pulled a chair at the dining table and sat down then waited for Maya to come out.

Habang naka-upo at naghihintay kay Maya ay iginala ni Richard ang kanyang mga mata sa paligid. He can’t believe how much the place has changed. He used to own the unit pero noong lumuwas na si Maya sa Manila, he moved out, got another unit sa kabila and gave the place to Maya. Kung noon ang plain lang tingnan ng paligid, ngayong si Maya na ang nakatira dito, it looks more homey and cozy. May mga frames and figurines na siyang nakikita. Curtains and decorations… and ngayon may fresh flowers na sa vase.

Fresh flowers .. napatitig si Richard sa vase na puno ng long-stemmed red roses na nasa kitchen counter. Trying to recall when was the last time he saw flowers sa unit ni Maya pero wala talaga siyang natandaan.

Galing siguro sa kanya. Richard thought of Bart. After a few days na hinayaan niya si Maya baka nga natuloy na finally ang panliligaw ng binata. Habang nakatitig sa mga bulaklak, nagbalik ang dating pamilyar na damdamin noon. Damdaming ayaw na sana niyang balikan pa at sinimulang mabaon na sa limut.

Nahuli siya ni Maya na nakatitig parin sa mga bulaklak nang lumabas na ito sa kwarto niya ilang minuto ang nakalipas. “Well, well, well.. hello Mr. Lim! Long time no see!” Richard shifted his gaze to Maya. Seeing her again after avoiding her for days, di niya mapagkaila na na-miss niya ito ng sobra-sobra. “Na-miss mo na siguro ako noh? At nagpakita ka na finally!” Maya walked towards him,  grinning broadly. But he couldn’t find the energy to match her enthusiasm, he could only give her a faint smile and sad eyes to match what he truly feels deep inside his heart.

14 Comments (+add yours?)

  1. goldstreaks7
    Feb 20, 2014 @ 09:50:14

    parehong ticking bomb lang ang peg nila ah…kaboom! pra magkaalaman na!

    Reply

  2. Jan
    Feb 20, 2014 @ 02:45:56

    So may past pala sila.. Paki-flashback pls… Ayan, kinikilig na ako sa effect ng selos kay Richard.. Next chap pls.. Thanks!

    Reply

  3. ayeth
    Feb 20, 2014 @ 00:42:30

    hep..hep..hep…ano ito? mukhang may “nakaraan” itong 2 ito at pareho silang todo emote to forget…thanks for the update!

    Reply

  4. Nina
    Feb 19, 2014 @ 23:33:35

    Lihim na pagtingin na gustong limutin..

    Reply

  5. mzabel315
    Feb 19, 2014 @ 21:14:13

    Uy, may something sila in the past…na pilit bumabalik hehehe…exciting na next chapters…kaya d magka GF si richard, wait nya pala si Maya..:-)

    Reply

  6. catez
    Feb 19, 2014 @ 17:46:40

    Aha! anong meron sa nakaraan na pilit gustong kalimutan? nakakaintrigang isipin …. mama minion irereveal mo ba sa next chapter ….. ang nakaraan na gustong kalimutan ….. ano nga kaya yun?

    Reply

  7. Alpha
    Feb 19, 2014 @ 16:15:52

    Anong meron sa dalawa, motherCon? Isang mapait na nakaraan na gusto nang limutin, mga damdaming gusto nang ilibing? Ngunit para bang nagpupumiglas at pilit kumalas. Haha! Aba, ang tibay nila ha. Nakapagpigil nang mahabang panahon.🙂

    Reply

  8. wanda mae
    Feb 19, 2014 @ 16:13:48

    Hahai, d pa ni Richard admit kanya feeling to Maya. What kind of a guy he is. Hmm.

    Reply

  9. chuwie966
    Feb 19, 2014 @ 15:55:27

    Haay aminin na kasi para di na mahirapan ……next chapter na please !!!

    Reply

  10. Eden1214
    Feb 19, 2014 @ 15:50:19

    Aba mukhang may “something” ang dalawang ito ha… Hmmmm

    Reply

  11. princemackaroo
    Feb 19, 2014 @ 15:11:05

    Waaaaah!! Yun yon eh! Suppressed feelings for one another! Pero ano nga yung bitter memories na pilit nilang nililimot? Hmm…

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: