Just in Time 5

Sabay ng kumain ng breakfast si Richard at Maya. Upang mawala ang tensyon na dulot ng nakaraang hidwaan sa kanilang dalawa, mas pinili ni Maya na magkwento na lang habang kumakain sila ng tungkol sa mga nanyari sa kanya nitong mga nakaraang araw kesa magtanong tungkol kay Richard. Alam naman niyang curious din ang lalaki sa kung ano ang pinagkakaabalahan niya nung mga panahong di siya nito sinilip sa kanyang lungga.

“Sabi pala ng adviser namin sa department baka may fieldtrip kami next month. Inaayos pa yung details. Ang sabi lang isang marine sanctuary ang pupuntahan namin. Sinabihan ko na sina Nanay tungkol dito, okay lang naman daw, pwede ako sumama.”

Nang marinig ang tungkol sa pagpapaalam ni Maya sa kanyang mga magulang, naalala ni Richard ang tungkol sa kaarawan ni Maya. Ngayong may pupuntahan itong fieldtrip additional na gastos na naman ito sa kanyang mga magulang kaya alam na ni Richard na ngayon mas kailangan niyang tumulong.

“Pinaalam na ba yung possible dates kung kailan yung field trip ninyo?” naisip ni Richard na magtanong na habang maaga para malaman din niya kung di ba ito matataun sa kaarawan ni Maya.

“First Saturday next month daw. ”

“Great! Kasi uuwi tayo Friday naman sa susunod na linggo , buti na lang.”

“Pinapauwi tayo?”

“Oo, may mahalaga daw kaming pag-uusapan ni Mama tapos sabi ni Nanay Teresita dalhin narin daw kita kasi nami-miss ka na nila.”

“Si Nanay talaga oh! Plano ko pa naman sana na di umuwi kasi birthday ko niyan di ba? Alam ko mag-aabala na naman yung mga yon. Gagastos na naman yon.”

“Ay oo nga pala , birthday mo na!” pinangatawanan na lang ni Richard ang pagkukunwari niya para lang di maghinala si Maya. “Siguro di na yon mag-aabala na ipaghanda ka kasi di ba may fieldtrip ka pa?” Richard was hoping na sana tama ang ginawa niya at tuluyan na niyang makumbinsi si Maya.

“Hmmm sana nga!”Maya replied with pursed lips.

Napangiti si Richard ng marinig ang sinabi ni Maya. Ilang sandali ang lumipas ay sabay din nilang natapos ni Maya ang kanilang pagkain. Bitbit ang kanilang pinagkainan papuntang hugasan ay muling napansin ni Richard ang bulaklak sa may counter.

“Galing ba yan sa manliligaw mo? Maganda..fresh na fresh..mamahalin pa.”

Napalingon naman si Maya sa kinalalagyan ng vase. Napansin niya ang pamumula ng pisngi ni Maya. Isang matipid na ngiti ang nasilayan ni Richard kay Maya kasabay ang pagtango nito sa kanya. “Pero promise Chard…manliligaw pa lang talaga. ”

“Ano bang sabi ko? Di ba sabi ko manliligaw mo ? Di ko naman sinabing boyfriend mo na di ba..napaka-defensive mo!” Richard acted as if it’s nothing pero sa loob nito di sumasang-ayon ang kanyang nararamdaman sa kanyang sinasabi. Pero dahil nga pinangako na niya sa sariling di na masyadong hihigpitan si Maya, sinusubukan nitong maging kalmado.

Si Maya naman ay parang di makapaniwala sa kanyang narinig. Sanay na kasi siyang lagi na lang siyang sinisermunan ni Richard kapag meron siyang nagawang labag sa kanilang napagkasunduan o kung may di nagustuhan. Sandali itong hindi umimik at pinagmasdan lang si Richard. Nang makita naman nitong di nga galit si Richard ay wala na siyang sinabi pa at baka sumpungin ulit at uminit ang ulo ni Richard sa kanya.

Pagkatapos nilang maglinis ng kusina ay naghanda na ang dalawa at sabay ng bumaba patungong parking area. Gaya ng nakaugalian, hinatid ni Richard si Maya sa university. Bago pa tuluyang bumaba si Maya ay kinausap ni Richard si Maya ng masinsinan.

“I know this past few days lagi na lang tayong nagkakabanggan Maya, alam ko din aware ka kung bakit. Napagisip-isip ko na siguro nga sobrang higpit ko lang talaga sa’yo kaya napipilitan kang maglihim. Sorry kung bakit napipilitan kang gawin yon, simula ngayon, pangako ko babawas-bawasan ko na ang pagiging diktador ko sa’yo. Sabi nga nila, With freedom, comes great responsibility , tandaan mo yon. Ayoko abusuhin mo ang freedom na binibigay ko sa’yo. Ayoko na dumating sa point na mapapahamak ka at masasaktan ka kaya hinay-hinay lang, okay?”

“Di naman ako nagrereklamo di ba? Kasunduan nating tatlo ni Tatay yon na hanggang nasa poder mo ako, susundin kita.”

“I know, but I also want you to enjoy while you are under my care. Ayoko yung kapag naaalala mo yung college life mo ang maalala mo yung pagta-tiger mode ko sa’yo palagi.” isang mahinang tawa ang ginawa ni Richard para pagaanin ang seryosong pag-uusap nilang dalawa. Ngumiti naman si Maya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig ang paliwanag niya.

“Thanks, Chard! Promise..di ko aabusuhin ang binigay mong kalayaan at pagtitiwala sa akin.” isang matamis na ngiti ang nasilayan ni Richard mula kay Maya.Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaalam na si Maya kay Richard at bumaba na ng sasakyan. Si Richard naman ay binuhay ulit ang makina at nagdrive na papunta sa trabaho niya.

 

Ikinuwento ni Maya sa kaibigan ang tungkol sa sinabi ni Richard sa kanya. Masaya siya hindi lang dahil sa ngayon malaya na siyang gawin ang gusto niya pero pinadaman ni Richard sa kanya na hindi lang pala dahil sa gusto niya lang pahirapan ang buhay ni Maya para makaganti sa lahat ng pinagdaanan niyang hirap noong nasa San Nicholas pa lang sila, kundi dahil nagmamalasakit din pala ito sa kanya kahit papaano.

“Ay bongga din pala yang kaibigan slash kapamilya slash guardian mo. Like ko na siya!” maligayang tili ni Emman. Nasa isang bench sa labas ng gym ang dalawa, nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang kasunod nilang subject.

“Sabi ko sa’yo eh, may puso din yon. ” nakangiting sabi ni Maya kay Emman.

“Soo, pwede mo ng sagutin ang pinsan ko?” excited na tanong ni Emman sa kanya. Inilapit pa nito ang mukha niya kay Maya para makita ang reaksyon ni Maya.

“Grabe ka naman! Wala pa ngang isang linggo na nanliligaw yung tao sasagutin na kaagad? Kahit pinsan mo yon at crush ko pag-iisipan ko pa noh! Sabi niya di siya nagmamadali bakit parang ikaw ata tong nagmamadali ?”

“Eii Maya, bakit papatagalin pa kung doon din naman ang kahihinantnan ng lahat ng to di ba?”

“Ahh basta! Yaan mo na, yon ang gusto ko eh!”

“Ay bahala ka..pero in fairness..mas nakakahaba nga ng hair yung ligawan stage kaya keribels lang muna kong hindi pa! Mag-enjoy muna sa kilig, daba?!” maarteng sagot naman ni Emman. Napahagikhik na lang si Maya sa sinabi ng kaibigan.

 

Ilang araw ang nagdaan mula ng masinsinang kausapin ni Richard si Maya, wala namang naging probleman ang dalawa. Tinupad ni Maya ang pangako niya kay Richard sa katunayan, gaya ng dati nagpapaalam naman ito sa lalaki tuwing may pupuntahan o kung may gagawin pa ito sa labas at di makakauwi ng maaga . Mas naging magaan pa sa dalawa ang takbo ng relasyon nila taliwas sa dati nilang relasyon noong di pa sila nag-usap ng masinsinan.

 

May ilang beses na ring naihahatid ni Bart si Maya sa kanyang condo tuwing umuuwi ito. Alam din ito ni Richard dahil isang beses ay natanong siya ng lalaki kung kanino siya nakisabay ng uwi gayong di ito tumawag na nagpapasundo at gagabihin sa pag-uwi sa condo. Wala namang negatibong reaksyon si Richard sa nangyari kaya nakampante na rin si Maya na okay lang talaga kay Richard na ihatid siya ni Bart.

“Maya, can I invite you to a date this weekend?” tanong ni Bart kay Maya ng ihatid siya nito pauwi sa condo niya isang hapon.

“This weekend? Umm kasi Bart di ko alam if papayagan ako eh. Try ko muna magpaalam ha. Di ko din kasi alam kung may biglang dadating na school activity or assignments na kailangang tapusin eh.” Maya tried her best not to sound that she was rejecting him para naman di suamma ang loob ni Bart.

“Ah okay. Please let me know kung okay lang ha. I really want to take you out sa isang date. Wala pa tayong date na tayo lang, it’s always with Emman. Gusto ko naman magkaroon tayo ng chance to spend a few hours na tayo lang, to get to know each other. Di ba?”

“I will let you know if pwede.” Maya replied sweetly.

“Thanks. Sana payagan ka ni Mr. Lim.”

“Sige pasok na ako. Salamat sa paghatid. Bye!”

“Bye, see you tomorrow.”

Bumaba na si Maya sa kotse ni Bart. Ilang sandali ay paalis na ang kotse nito kaya tumalikod na si Maya at pumasok na sa loob at sumakay na sa elevator. Maya-maya pagbukas ng elevator sa floor niya ay nakita naman nito si Richard na palabas ng unit niya, nakasuot ng shorts at white shirt, kaswal na suot nito tuwing nasa bahay lang kaya alam ni Maya na papunta ito ng unit niya kaya tinawag na niya ito.

“Chard!” nagmadali na siyang lumabas ng elevator at sinundan si Richard na sa mga sandaling yon ay lumingon na sa kanya. Nang makita na siya ay ngumiti ito kaagad.

“Kakauwi mo lang?” tanong ng lalaki sa kanya ng sumabay na siya dito sa paglalakad patungong unit niya.

“Oo, dumaan kasi ako sa library at nagsauli ng libro sandali.” si Maya na ang nagbukas ng pinto niya. Magkasunod naman silang dalawa sa pagpasok sa loob ng unit. Tumuloy si Maya sa kanyang kwarto at nagbihis bago binalikan si Richard na nanonood na ng palabas sa tv. “Chard, ano gusto mong hapunan?”

“Anong meron diyan sa ref mo?”

“hmmm may chicken ako diyan. Gusto mo tinola?” napangiwi si Richard kaya alam na niyang ayaw nito ang suggestion niya. “Eh ano? Fried chicken?” nangiwi ulit si Richard at umiling.

“Why don’t we order na lang. Pizza, gusto mo? Di naman ako masyadong gutom eh.”

“Pizza? Yung favorite mo? Eh kukulangin yung budget ko eh!”

“No, treat ko na!”

“Sige, go!” masayang sagot ni Maya sa kanya.

Kinuha ni Richard ang cellphone niya at tinawagan ang paboritong pizza parlor para mag-order. Si Maya naman ay nagpunta ng kusina para magprepare ng mango smoothie na paborito nilang dalawa. Habang ginagawa ang inumin ay naalala ni Maya ang imbitasyon ni Bart sa kanya.

“Chard, may sasabihin ako.”

“Ano yon?” tanong ni Richard sa kanya habang patuloy sa panonood ng basketball sa tv. Di man lang siya nilingon nito at nagconcentrate sa panonood.

“Si ano kasi..si Bart..inivite ako..sa weekend daw..date..ummm okay lang ba?”

Please..please…please…sana talaga okay lang..Lord huwag sana magreact ng masama si Richard!

Mahinang dasal ni Maya habang hinihintay ang sagot ni Richard.

7 Comments (+add yours?)

  1. Eden1214
    Feb 21, 2014 @ 08:40:26

    Naku singkit wag mong payagan si Maya…bawal makipag date sa iba..

    Reply

  2. ghie2013
    Feb 20, 2014 @ 23:10:10

    😦 wag sana pumayag si richard….

    Reply

  3. Jan
    Feb 20, 2014 @ 22:36:04

    Hindi, ang sagit ni RL.. Diba hindi pa pwede mag-bf si Maya, bakit may date pa… If RL says OK, ay naku for sure susundan nya sila..exciting! next CHapter na pls.. Thanks !

    Reply

  4. catez
    Feb 20, 2014 @ 18:20:16

    anong masamang hangin ang dumapo kay richard at naging maluwag siya kay maya? pumayag naman kaya siya sa pinagpapaalam ni maya na date niya kay bart? alamin sa susunod na chapter ….. mama minion medyo napapaisip ako …. pwede wag katulad ng TWC ….. di ko keri yun …. di talaga mawala wala sa isip ko ang TWC ……. good evening mama minion …. ♥

    Reply

  5. wanda mae
    Feb 20, 2014 @ 15:57:25

    Maya, don’t go out on a date with Bart. Please. Malapit na ang birthday no girl. Hahai

    Reply

  6. manilyn nanoz
    Feb 20, 2014 @ 15:41:11

    ang nice po ng start ng relationship nla..
    friends into lovers.. sweet!!
    kaya lng bitin ulet. anu kaya reaction ni Richard??
    chapter 6 labas n!!🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: