Just in Time 6

What the heck!

Ito ang pumasok sa utak ni Richard ng marinig ang tanong ni Maya. Mabuti na lang talaga at nakatalikod siya kaya di nakikita ni Maya ang reaksyon niya. Sa gulat niya ay napapindot siya sa remote control kaya lumipat sa ibang channel ang palabas.Di makapaniwala si Richard at naisipan pa talaga ni Maya magpaalam sa kanya.

Hell, NO!

Iyon ang gusto niyang sabihin kay Maya sa mga sandaling yon pero dahil sa nagkasundo na naman silang dalawa, wala na siyang magagawa kundi ibigay kay Maya ang desisyon kung sasama ba siya o hindi. Ang tanging magagawa na lang niya ay magdasal na di ito gagawin ng dalaga. Maisip palang  ni Richard na magkasama sila sa school di siya napapalagay, yon pa kayang alam niyang magde-date ang dalawa. Nitong mga nakaraang araw halos gusto na niyang hilahin ang oras para lang makauwi na at icheck si Maya kung nasa condo na ba o wala pa tapos ngayon malalaman niyang magde-date ang dalawa?

“Ikaw ang bahala. Na sa’yo kung sasama ka o hindi. You know your limitations, right?” sagot niya kay Maya. Di man lang niya magawang lumingon sa kanya upang di makita ni Maya ang pamumula ng mukha niya.

He tried so hard to concentrate with what he is watching pero walang pumapasok sa utak niya. Di niya maintindihan ang pinapanood. Kinakain ng inis ang buong pagkatao niya.

“Okay..” narinig ni Richard na sagot ni Maya.

“Chard, paborito mo pala yan?” Maya asked him, pertainining to what he is currently watching.

“Huh?! Oo naman!” kaagad naman niyang sagot kay Maya.

“Bibihira lang ang lalaking nagkakagusto sa Powerpuff Girls. Sino gusto mo sa kanilang tatlo si Blossom, Buttercup , o si Bubbles?” inosenteng tanong ni Maya sa kanya habang naghihiwa ng mangga para sa smoothie nila.

Shit! Kaya pala wala akong naiintindihan..LECHEEE!!!

Saka pa napansin ni Richard ang mga cartoon characters na lumilipad sa t.v. Inilipat niya kaagad ang channel at ibinalik sa basketball game na pinapanood kani-kanina lang.

“Hindi ah. Mali lang yung napindot ko. Wala akong gusto sa tatlo. Siguro si Mojo Jojo okay pa!” tapos gagawa ako ng evil plan paano mawala si Bart sa planeta! Richard smirked with his thought.

“Ay gusto mo siya? Bakit siya eh laging talunan si Mojo Jojo, lahat ng evil plans niya di natutupad.” Maya laughed, mocking him of his choice kaya di naka-imik si Richard.

Di na magawang ipaglaban ni Richard ang gusto niya at kagaya ng kanyang piniling karakter, alam niyang talo lang siya. Mas minabuti na lang niyang tumahimik na lang at ibaling ang konsentrasyon sa kanyang pinapanood kesa umabot na naman sa bangayan nilang dalawa kung di siya magpapatalo. Ayaw niyang masira pa lalo ang mood niya , knowing Maya, aasarin lang siya ng aasarin nito at siya naman mapipikon kaya mas mabuti pa ngang tumahimik na lang.

Nagpatuloy sa kanyang ginagawa si Maya at ng matapos nito ang smoothie ay nilagay muna ito sa ref habang naghihintay sila sa pizza . Tumabi na siya kay Richard at nakinuod narin sa basketball.

“Gusto mong palitan?” Richard offered pero umiling lang si Maya.

“It’s okay. ”

They watched the game in silence. Parehong nasa t.v nakatutok ang kanilang mata pero pareho ding ang isip nila ay kasalukuyang wala sa pinapanood. Richard was thinking about Maya and Bart while Maya is weighing things between sasama ba siya kay Bart o hindi. Madaming naglalaro sa isipan ni Maya, including her promises, both to Richard and to her Tatay Arturo. Her desire to get to know Bart at madami pang iba.

Ilang minuto ang nakakaraan ay tumawag sa unit niya ang receptionist, informing her na dumating na nag pizza delivery boy kaya bumaba na si Richard upang kunin na ang pizza. Pagbalik nito ay dala na ang family size 4 cheese pizza na lagi nitong inoorder sa paborito nilang pizza parlor. Inilabas na rin ni Maya ng ginawang smoothie at pagkatapos ay nagsimula na silang kumain.

“Maya, bakit mo nagustuhan yong mokong yon?” Richard asked Maya habang magkaharap silang dalawa sa maliit na mesa sa kusina at kumakain ng pizza.

“Hmmm gwapo, matalino, friendly, family-oriented, gentleman, thoughtful, maalaga sa katawan, magaling pumorma, and lastly sports-minded!” nakangiting lahad ni Maya.

“hmmm ang hilig mo sa lalaking magaling sa sports noh? Tulad ni Gab, di ba mahilig din yon sa –..” Richard saw her blushed. Biglang napawi ang ngiti sa mga labi ni Maya. “Ooppss ..sorry. I didn’t mean to bring –”

“Ang tagal na nun kaya huwag na nating pag-usapan pa.” she cut him off.

They continue eating in awkward silence. Nang tingnan ni Richard si Maya, salubong ng ang mga kilay nito. Marahil bumabalik sa kanyang alala ang nangyari noon. Richard feels bad na siya pa ang dahilan kung bakit naaalala pa ni Maya si Gab.

“Hey may balita na ba sa field trip ninyo?” Richard decided to distract her thoughts by diverting the topic to something na malayo sa sinimulan niyang usapan. Slowly Maya’s face lighten up kaya gumaan na rin pakiramdam ni Richard.

Maya told her that they are going Anilao Batangas. Nagkwento pa si Maya na gusto din sana ng mga kaklase nila na matuloy yung sa Palawan pero tumutol ang school administrators. Unti-unti bumabalik ang magandang mood ni Maya habang nagkukwento ito kaya hinayaan siya ni Richard. He patiently listened to her, pambawi man lang niya sa dalaga dahil sa ginawa niya kanina.

 

 

***************************************

“Brod, may tanong ako.. gusto ko sagutin ninyo ako ng matino at yung totoo ha!” kasama ni Richard ang kanyang mga kaibigan sa isang bar Byernes ng gabi. Habang nagsasaya ang mga kaibigan niya siya naman kinakabahan at kinabukasan na ang date ni Maya at Bart.

“Ano bang tanong yan? Seryoso ba?” tanong naman ni Simon sa kanya.

“Okay naman yung choice ko sa damit di ba?” panimula ni Richard.

“Oo naman.” sagot ni Simon, ipinagkibit-balikat ang tanong niyang yon.

“Maayos din naman pakikitungo ko sa ibang tao..di naman ako bastos. At saka close din naman ako sa parents ko, di ba?”

“In fairness sa’yo totoo naman yon, brod.” sagot ulit ni Simon sa kanya. Si James ay biglang kumunot ang noo habang nakikinig sa kanila.

“Saka di naman ako pangit di ba? Minsan nga ang girls na ang lumalapit sa akin. Aminin ninyo yan!”

Nang marinig ito ay napatingin sa isa’t-isa sina James at Simon. Napatawa sa narinig buhat sa kanya.

“Seriously Richard, ano bang nasa isip mo ngayon at tinatanong mo yan sa amin?”

“Sagutin ‘nyo na lang ako ng maayos..” Richard ignored his friend’s smirks.

“Tumingin ka sa kanan mo. I guess that would answer your answer.” sagot ni James

Tumingin si Richard sa gawing kanan  niya at nakita ang isang sexy na babaeng nakatingin sa kanya. By the looks of it, she’s attracted to Richard. Ngumiti pa nga ang babae ng makitang nakatingin si Richard sa kanya. Napasipol pa si Simon ng makita ang babae pero tinaasan lang ng kilay ni Richard ang babae.

“Brod, ano kaya ang magandang sport?” Richard asked , leaning forward para marinig ang sagot ng mga kaibigan niya.

“Oh men! Okay ka lang ba? Ang arte mo kaya pagpinagpapawisan ka tapos ngayon nagtatanong ka niyan?! What’s wrong with you?!” di na mapigilan ng dalawa at humagikhik na talaga ng tuluyan.

“Sagutin ‘ny na lang kasi yung tanong ko!”

“Basketball? Marunong ka naman nun di ba?” sabay na sagot ng kanyang mga kaibigan.

Napaisip si Richard kung kaya kakayanin pa kaya niya ang maglaro ulit. The last time he played high school days pa lang. He loves the sport even now pero ang maglaro parang ayaw na niya.

“I don’t think okay pa sa akin ang basketball. Parang di na ata kakayanin ng mga buto ko sa tagal ko ng di naglalaro ng basketball.” Pinagtawanan ni Simon at James si Richard.

“Grabe ka naman Chard, di  naman tayo ganun ka tanda di ba? Oh sige, kung ayaw mo ng sports na masyadong magalaw at parang takot ka ma-dislocate ang mga buto mo which I think palusot mo lang kasi ayaw mong pagpawisan ka..let’s think of something else.”

“Di  naman sa ganun kaya lang–”

“Asus palusot ka pa! Palibhasa sanay kang nasa aircon palagi, mabango..maayos ang damit at buhok, takot kang magulo ang naka-gel mong buhok.” Simon teased him again.

“Alam mo bro, kung gusto mo yung medyo sosyal at class..try golf. Like  Cath –wait! Kaya ka ba nagkakaganyan dahil kay Catherine? ” namilog ang mga mata ni James. Buong akala nito ang kaibigan nilang babae ang dahilan why suddenly Richard wants to engage himself into sports. “Absence makes the heart grow fonder ika nga.. dahil ba sa hindi na natin masyadong nakikita si Cath kaya naisip mo mag-engage din sa sports para makarelate sa kanya? So finally ba nahuhulog  na ang loob mo sa kanya?”

“NO!” napataas ang boses ni Richard ng itanggi niya ang haka-haka ni James. “For Pete’s sake James hindi siya ang dahilan!”

“Eh kung hindi si Cath ang dahilan, sino ?!”

“Wala! Gusto ko lang …” bakit nga ba -shit bakit ba kasi naisip ko pang magtanong sa inyo!  Buong pagsisisi ni Richard “Huwag na nga lang… wala kayong kwentang kausap!” tumayo na si Richard at iniwanan ang dalawang mga kaibigan na nagtataka parin sa ikinikilos ni Richard.

“Hoy… saan ka pupunta?!”

“Uuwi! ” Richard shouted without even looking back at them.

 

 

 

***********************************

Narinig ni Maya ang pagtunog ng doorbell niya kaya nadmadali na siyang lumapit sa pinto. Siniguro muna niyang maayos ang suot niyang damit bago pinihit ang pinto upang buksan ang kanyang bisita.

“Hi! ” bati ni Bart sa kanya pagbukas niya ng pinto. “Good evening!”

“Hello! Pasok ka.” Maya opened the door wider to let him in.

“Oh, by the way, for you.” Bart said as soon as he stepped inside her unit. He handed her a bouquet of red roses then smiled sweetly at her.

“Thank you. Upo ka.” sabay ng umupo si Maya at Bart sa sofa. “Sorry talaga ha kung di kita mapagbigyan na lumabas. “

“No it’s okay. Mas maganda na rin to kasi mas formal tapos di maingay. By the way, here’s the CDs na nahiram ko kay pinsan. Sana may magustuhan ka.” binigay ni Bart ang paper bag na may lamang mga CDs .

“Mabuti pa siguro before tayo mag-start manood nito, let’s have dinner first. “

“Wow, nagluto ka? As in ?” gulat na gulat si Bart ng malaman nitong nagluto talaga si Maya. Buong akala niya talaga nagbibiro lang ang dalaga. “Plano ko pa sanang mag take-out but di ko naman alam ano ang gusto mo so I though of tatanungin na muna kita bago ako tumawag sa restaurant para umorder.”

“Huwag na noh, gagastos ka pa. Saka pambawi ko to sa’yo kasi inabala kitang pumunta dito. Sana nga lang magustuhan mo.”

“Kahit ano pa yan, magugustuhan ko, kasi ikaw ang nagluto. Special yan for sure!”

“Naku ha, na-pressure ako bigla! Sana nga magustuhan mo, baka mapahiya ako!”

“Hindi yan.”

Maya lead him to the kitchen. Maya prepared the table already kaya agad na silang naupo sa mesa. Fortunately nagustuhan naman ni Bart ang lutong Afritadang manok at Kare-kare ni Maya. Gumawa din siya ng leche flan for dessert as suggested by Emman kasi yon daw ang paborito ni Bart. Impress na impress ang binata sa kanya kaya masaya si Maya.

Pagkatapos nilang kumain ay tinulungan pa siya ni Bart na magligpit ng mesa. Panay ang tanggi ni Maya kay Bart pero mapilit ang lalaki kaya kinalaunan ay pinagbigyan niya ito. Dahil sa dalawa na silang naglilinis ay madali nilang natapos ito kaya agad na silang naghanda para manood na ng CD pero ng kanilang tingnan ang dala ni Bart ay wala silang napiling magandang panoorin. It’s either isa sa kanila ang nakapanood na or ayaw nila yung genre ng pelikula. Dahil dito ay nagdesisyon na lang silang dalawa na magkwentuhan na lang, afterall ito naman talaga ang purpose kung bakit niyaya ni Bart na magdate sana sila sa labas, that is to get to know each other. And the best thing  para mas makilala pa nila ang isa’t-isa ay sa pamamagitan ng pagkukwento tungkol sa buhay nila.

She discovered alot of things about Bart. Bukod sa pagiging mama’s boy, she also learned about his previous relationships that started while he was still in high school. Masaya kakwentuhan si Bart, mahilig magpatawa ang knowing Maya na kahit ang pinaka-corny na joke ay natatawa na, enjoy na enjoy si Maya makinig kay Bart.

Maya also shared bits and pieces of information about herself. Kinwento niya ang tungkol sa pamilya niya na nasa San Nicholas at kung ano yung tunay na estado ng pamilya niya. Di siya naglihim kay Bart tungkol sa pagiging anak mahirap niya and how thankful she is kasi tinutulungan siya ni Richard at ng pamilya nito para makatapos siya sa pag-aaral. Ginawa niya ito para maintindihan ng lalaki kung bakit mahalaga sa kanya na sundin si Richard.

Dahil napasarap ang kwentuhan ng dalawa, di nila namalayan ang oras na mag aalas-dyes na pala ng gabi kaya nagpaalam na si Bart na uuwi na. Out of courtesy, naisip ni Maya na ihatid si Bart sa baba. Paglabas nila ng pinto, di inaasahan na makasalubong si Catherine. Palabas ito ng elevator, nang makita silang dalawa ni Bart ay tinitigan lang silang dalawa nito at di man lang bumati. Paglampas sa kanila ay nagtuloy-tuloy na ito sa unit ni Richard habang si Maya at Bart naman ay sumakay na sa elevator.

Pagkatapos ihatid ni Maya si Bart sa baba ay agad na itong bumalik sa unit niya. Habang binubuksan ang kanyang pinto, di maiwasang mapako ang kanyang tingin sa kabilang unit.

Ke babaeng tao siya pa tong pumupunta dito sa unit ng dis-oras ng gabi hmmp!

Di tuloy maiwasan ni Maya na maalala yung nakita niya noon. Napabuntong-hininga na lang si Maya at pilit iwinawaglit sa isipan ang masasamang imahe na dulot ng mga makasalanang mata at malikot na isipan.

A/N : This marks my 200th post in Liplockinlove. Can you believe that?!

Wala lang just wanted to share this, di lang ako makapaniwala na nagawa ko to..all for the love of BCWMH! 

20 Comments (+add yours?)

  1. frances
    Feb 25, 2014 @ 17:01:20

    Hi minions!!! Musta na? Miss ko na kyo…. Mother, update na pls!🙂

    Reply

  2. frances
    Feb 23, 2014 @ 02:06:26

    Congrats ms con!!! Excited na ko sa next chapter… Looking forward to 200 more posts! Cheers!🙂

    Reply

  3. kc
    Feb 22, 2014 @ 22:16:49

    congrats ms.con on you 200th fan fic.jst keep on writing,we’re here to support you.nakaka-kilig nman tlaga,nxt chapter pls.God bless and more power!🙂

    Reply

  4. DDraper
    Feb 22, 2014 @ 11:53:40

    Congrats on your 200th post and thanks for sharing stories.🙂

    Reply

  5. RMR61
    Feb 22, 2014 @ 10:30:16

    aw ika 200th post na pla itech! congrats sis con! more kilig fanfics to come!

    Reply

  6. princemackaroo
    Feb 22, 2014 @ 08:08:42

    Happy 200th post Ms. Con!Ü Natawa ako dun sa Power Puff Girls! Sagot kasi ng sagot agad. Ayun tuloy! But in fairness to him, kilala si Mojo Jojo! Haha! Dito kahit papano it’s clear na nagseselos na talaga si Richard and that he wanted to be the man that Maya wants. On the other hand, si Maya eh mukhang papunta palang sa enlightening ng totoong feelings niya towards Richard.Ü

    Reply

  7. myrnavp
    Feb 22, 2014 @ 07:21:24

    congrats on ur 200th post…oo nga if u love something u can do anything for it…so…like me d man makapagsulat gaya mo…makikipag away at sukdulang magka WW3 ang sampaloc manila makapag basa lang ako ng mga BCWMH…at khit paringgan ng asawa ko na wla na ako naiisip kundi si serchef wla ako paki hahahahha…so ayan falling in love na silang dalawa??? hahahaha

    Reply

    • myrnavp
      Feb 22, 2014 @ 07:44:35

      …at kaya ka nakapagpost ng 200 dhil mahal mo din kami…for the love of the adiks of BCWMH hehe….thank u Ms. Con…kaya nga ur one of my fave writers of Maya & Richard fanfics eh…kc mahal mo din kami at ayaw mo kami mabitin….thank u…and God bless…

      Sana sa next update magkaron na ng liwanag sa feelings nila Richard and Maya bago pa man mahuli c Chard k Bart hehe….they are both having feelings…d lang nila acknowledge eh….hmmm!! sana me double treat…thnx in advance hehe!

      Reply

  8. uenice_go
    Feb 22, 2014 @ 06:42:58

    Congrats po sa 200th post and thank you na rin.. With those post you made me entertained and happy. More stories to go..
    Back in the story, bakit feeling ko si Richard yong dini- describe ni Maya. He plays basketball naman he stop ngalang.. Hmmm childhood crush nya si Richard? At cguro iniisip nya di pwding maging sila so yong gaya nalang ni Richard hinahanap nya..

    Reply

  9. virgie
    Feb 22, 2014 @ 05:36:05

    200th posting, you’re doing great and keep up the good work and more power to you. keep the story more intriguing and more kilig and updates daily so adiks more excited…

    Reply

  10. catez
    Feb 22, 2014 @ 04:46:35

    mama minion congrats! sana dumami pa ang story na magawa mo …… back to the story …. kay richard ang hirap ng sitwasyon niya dahil di niya magawang sabihin kay maya ang totoong nararamdaman niya …..dahil ba may pangako siya dito ….. at para kay maya di kaya may gusto rin siya kay richard …. hayayayayay!!!! hintayin ko na lang ang kasunod ….. naloloka na akong magisip….. ♥

    Reply

  11. Eden1214
    Feb 22, 2014 @ 03:05:55

    Congrats Ms. Con!! More stories to come.. Hay hay ang RL sumisimple pa ng tanong.. I hope pag nag debut si maya at nakita cya ni Richard dun nila malaman ang nararamdaman nila sa isat isa

    Reply

  12. Alpha
    Feb 22, 2014 @ 01:15:49

    Great accomplishment Ms.Con! Keep writing & continue to make many people happy.

    Reply

  13. aries
    Feb 22, 2014 @ 00:57:28

    This is a milestone Ms Con! Congrats…

    Reply

  14. chuwie966
    Feb 22, 2014 @ 00:43:08

    First of all congrats sa 200h post mo I hope di ka magsawa sumulat !! About your new story ang ganda sana naman di mahuli si Richard kay Maya ang bagal kasi I can’t wait for the next episode !!!!!!!

    Reply

  15. ayeth
    Feb 22, 2014 @ 00:33:57

    wow 200th post & counting……Maya is feeling something different na towards Richard at vice versa! kainis yang catherine na yan ha…nasaan ang sako at maisilid dun!…gumaganda na ang story eh umeepal na kagad sya

    Reply

  16. Sue
    Feb 22, 2014 @ 00:32:42

    Hep hep hurray!!! Happy 200th and many more to come!!! You should celebrate!

    Reply

  17. Jan
    Feb 22, 2014 @ 00:01:38

    Nabitin ako dun ah, where is Richard? Thought he’ll go home.. Jelly na si Maya…next chapter pls..
    Congrats for the 200th posts, galing!

    Reply

  18. Nina
    Feb 21, 2014 @ 23:58:56

    Congrats Ms. Con! Another 200 post to go hehe

    Reply

  19. Nina
    Feb 21, 2014 @ 23:38:19

    Onting onti na bumibigay si Richard. Assumero din ito si Simon at James lol. Sana may mag trigger na meron hinahanap si Maya na wala ke Bart at ma realize nya na kay Richard hihi

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: