Just in Time 7

Ilang araw na ang nagdaan mula ng binisita ni Bart si Maya sa kanyang condo, di na nakita ni Maya si Richard. Tumatawag lang ito sa kanya para alamin kung naka-alis na ba papuntang school o nakauwi na ito tuwing hapon. Nagtanong na si Maya kung ano ang pinagkakaabalahan ng lalaki at ang laging sinasabi nito sa kanya ay busy sa trabaho. Inakala pa noong una ni Maya na nagtatampo ito sa kanya pero siniguro naman ni Richard na hindi.

Isang gabi sisilipin na sana ni Maya si Richard sa kanyang unit nang paglabas niya sa pinto ay nahagip naman ng kanyang mata ang saktong pagpasok ni Catherine at  Richard. Narinig niyang nagtatawanan pa ang maga ito kaya di na siya tumuloy sa kabila at sinarado na lang ulit ang kanyang pinto.

Busy daw siya sa trabaho , iba pala ang tinatrabaho .. Ito ang naglalaro sa isipan ni Maya habang nakahiga na siya sa kanyang kama at hanggang sa mga oras na yon ay parang naririnig pa niya ang tawanan ng dalawa . Sa loob-loob ni Maya, inaamin naman niyang nami-miss na niya si Richard. Kahit pa mula noon ay lagi na lang silang nag-aaway di rin naman niya matitiis na di makita si Richard lalo pa’t ito lang ang kasama niya dito sa Manila. Nitong mga nakaraang mga araw pa ay napapansin din naman niya ang konting pagbabago ng lalaki. Di na ito gaanong mainitin ang ulo at naging maayos na ang pakikitungo sa kanya.

Linggo ng umaga, mahigit isang linggo ang nakakaraan  mula ng nag-dinner si Maya at Bart sa kanyang condo ay  sinorpresa si Maya ng binata. Nagulat si Maya ng biglang tumawag ang receptionist sa baba para ipaalam na nasa baba si Bart kaya pina-akyat na niya ito.  Buti na lang talaga at maaga siyang nagising at plano niyang magsimba kaya nakaligo na siya ng dumating ito.

“Hi!” bati kaagad ng lalaki sa kanya pagbukas ng pinto. Isang matamis na ngiti din ang sumalubong kay Maya na kanya naman sinuklian ng isa ring ngiti pagkatapos niyang bumati rin sa lalaki.

“Ang aga mo ata Bart? Halika pasok ka.”

“Huwag na Maya, aalis din ako kaagad ibibigay ko lang sana tong breakfast na pinabibigay ni Mom para sa’yo. Here, sabi niya sana magustuhan mo daw yan and she was hoping na sana soon daw makikilala ka niya at makasalo sa pagkain sa bahay.” inabot ni Bart ang isang paper bag na  may lamang tupperware kay Maya.

“What? Hala, nakakahiya naman Bart. . . pakisabi sa mommy mo thank you. Nakakahiya talaga!” namumuala na si Maya sa hiya. Di niya inakala na kilala na pala siya ng mommy ni Bart. Ang alam ni Maya close si Bart sa kanyang ina kesa sa ama nito pero di niya talaga inaasahan na dadating ang pagkakataong tulad ng ganito.

“Huwag mong isipin yang hiya-hiya na yan. O paano, aalis na ako ha. Dinaan ko lang talaga yan.”

“Salamat talaga ha..naabala ka tuloy sa pagdaan nito dito. Ang layo kaya ng sa inyo..”

“Not a big deal Maya, actually pupunta akong gym which is malapit lang dito.” nang marinig ito ni Maya saka lang niya napansin ang suot na tight fitting white shirt, track pants, and gym shoes. Di maiwasang humanga sa kakisigan ni Bart sa suot nitong t-shirt at pants. Kitang-kita talaga ang pagiging maalaga ni Bart sa katawan niya.

“Are you sure di ka na papasok?” naisipang itanong ni Maya ng wala na siyang ibang maisip pang sabihin matapos ma-distract sandali ng kakisigan ni Bart.

” I would love to stay longer pa sana pero mukhang aalis ka din eh so maybe next time na lang?May extension pa naman yang invitation mo diba?”

“Ikaw talaga..Oo naman ..wait hatid na lang kita sa baba para naman makabawi ako sa’yo sa pagdala nitong breakfast. Wait..” pumasok sandali si Maya para ilagay sa kusina ang paper bag at binalikan si Bart.

“Let’s go?”

Sabay ng naglakad papuntang elevator sina  Maya at Bart nang lumabas sa unit ni Richard si Catherine at kasunod nito si Richard. Napahinto sa paglalakad si Maya at lumingon sandali sa dalawang taong kakalabas lang ng pinto. Parehong nagulat si Richard at Maya ng makita ang isa’t-isa. Nagsalubong ang mga kilay ni Richard ng makita si Bart katabi ni Maya .

“Si Bart..” sambit ni Maya kay Richard ng tingnan siya nito. ” Bart, si Richard pala siya yung sinasabi ko sa’yo ..” hinawakan ni Maya ang braso ni Bart para pigilan itong maglakad kaya napahinto ito at nilingon si Richard.

“Hello po, good morning!” inilahad nito ang kanyang kamay para makipagkamay kay Richard. It took awhile before Richard took it. Di parin ito nagsasalita at tiningnan ng maigi si Bart bago muling ibinaling ang tingin kay Maya na sa mga sandaling iyon ay salubong din ang kilay habang nakikipagtagisan ng titig kay Catherine pagkatapos nitong mapansin na iniirapan siya nito.

“Chard let’s go sobrang late na tayo. Ikaw kasi ang tagal mo magising..” Catherine hook her arm around Richard’s.

“Ang aga mo ata..?” tanong ni Richard kay Maya. Di man lang nito pinakinggan ang si Catherine.

“Sorry po..maaga din kasi ang schedule ko sa gym kaya medyo –” si Bart na ang nagkusang magpaliwanag matapos mapansin na medyo di nagustuhan ni Richard ang maagang paglabas ni Maya.

“Can we talk Maya?” Richard was looking at her intently almost glaring at her.

“Sige, pagbalik ko mamaya usap tayo.” she replied.

“Now!” he answered her impatiently.

Napalakas pa ang boses ni Richard, bagay na kinagulat ng tatlong taong kaharap niya. Dahil sa inasal ni Richard napahiya si Maya kina Bart at Catherine. Sanay na siyang makipagtalo kay Richard pero hindi sa harap ng ibang tao kaya labis niyang ikinainis ang ginawa ni Richard.

“Richard aalis ba tayo o hindi?!” pangungulit naman ni Catherine sa kanya na hanggang sa mga sandaling yon ay nakapulupot parin sa braso ni Richard.

“Maya, huwag mo na lang akong ihatid sa baba kaya ko naman. ” naramdaman ni Bart ang tensyon na namumuo sa pagitan nina Maya at Richard kaya naisipan na nitong huwag ng magpahatid pa kay Maya para di na ito pagalitan pa ni Richard.

“Okay, pasensya ka na ha. Please tell your mom thank you sa pinadala niya. And about the invitation, pag-iisipan ko pa.”

“Yeah sure. Sige mauuna na ako. Bye, ingat ka mamaya ha. See you sa P.U.S tomorrow.” Bart smiled down at her as he slightly rubbed her back bago ito umalis.

“Thanks.Bye!” hinatid ng tingin ni Maya si Bart hanggang sa nakasakay na ito ng elevator, pagkatapos ay tumalikod na at naglakad pabalik. She was glaring at the equally upset Richard when she walk right past him on her way back to her unit.

“Mauna ka na doon Cath. Susunod na lang ako.”

“But Chard!..”

“Sige na..promise susunod ako.” tinanggal ni Richard ang pagkakahawak ng kamay ni Catherine sa braso niya at hinarap ang babae. ” Kakausapin ko lang sandali si Maya.”

“Siguraduhin mong susunod ka ha.”

“Oo nga..sige na.”

Dahil wala na naman siyang magagawa ay umalis na din si Catherine. Di na naman nito maitago ang inis kay Maya na sinisisi na naman niya sa biglaang pagbabago ng plano nila ni Richard. Dahil sa nangyari ay di na siya umaasa na makakasunod pa si Richard sa kanya kaya naisip niyang di na lang siya tutuloy at baka gaya noon ay mas lalo pa siyang ma-frustrate. Uuwi na lang siya sa bahay niya.

Pagpasok ni Richard sa unit ni Maya ay nadatnan niya itong nakaupo sa couch, arms crossed over her chest with a sullen face.

“Ano yon?”  he asked as he seated himself across Maya.

“Anong ano yon Chard? Di ba dapat ako ang magtanong sa’yo niyan? ”

“I thought I made myself clear Maya? I thought you knew your limitations?”

“Oo alam ko! At alam ko din wala akong ginawang masama sa’yo para pahiyain mo ako sa harap ni Bart at girlfriend mo ng ganun?!” she barked back.

“Wala nga ba? ”

“Lord knows wala akong ginawang masama Chard! Dumating yung tao, dinalhan ako ng pagkain, naisipan ko lang siyang ihatid sa baba kasi aalis na siya then bigla kayong sumulpot ng girlfriend mo and ruined my sweet and beautiful morning! Chard magsigawan tayong dalawa kung yan ang gusto mo tutal sanay naman ako sa’yo pero huwag mo naman akong ipahiya sa harap ng ibang tao!”

“I..umm..kala ko–” Richard actually thought na sa condo ni Maya natulog si Bart. Di kasi siya sanay na makitang may bisita ang dalaga ng ganun kaaga kaya kung anu-ano na lang bigla ang kanyang naisip.Paglabas pa niya ng unit kanina ang matatamis na ngitian ng dalawa  kaagad ang  nakita niya tapos nakita pa niyang hinawakan ni Maya ang braso ni Bart kaya di napigil ang sarili na magselos sa closeness ng dalawa lalo pa at ilang araw na niyang di nakikita si Maya. It didn’t help na himingi pa ng paumanhin si Bart at napaaga silang dalawa sa paglabas kaya di na siya nakapag-isip pa.

“Ano bang akala mo?” di parin napapawi ang pagkainis ni Maya kay Richard sa mga sandaling yon.

“Kala ko kasi..dito siya natulog kagabi kaya..sorry Maya. I know how stupid I am for actually thinking na magagawa mo yon..Sorry , sorry talaga!”

Di maipinta ang mukha ni Maya ng marinig ang paliwanag ni Richard. Di niya akalain na maiisp yon ng lalaki sa kanya. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Magkahalong inis at pagka-insulto ang nararamdaman ni Maya.

“How could you,Chard! Di mo man lang ba naisip na di nga kita pinapayagan matulog dito sa unit ko out of delikadesa kasi kahit malapit tayo ay lalaki ka parin pero pinag-isipan mo talaga ako ng ganyan?! Akala ko nagbago ka na Chard! Hanggang ngayon ganun ka parin, mapaghusga! Dalawang beses mo na tong ginawa sa akin Chard, noon inakusahan mo akong user at social climber ngayon naman inisip mo talagang magagawa kong ..” muling bumabalik sa alaala ni Maya ang mapait na alaalang yon.

“Look, I said I’m sorry. Di ko sinasadya. Ikaw naman kasi ilang araw–” sinubukan ni Richard ayusin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag pero mukhang huli na ang lahat. Nasaktan na naman niya si Maya.

“Umalis ka na Chard, tapos na naman tayong nag-usap  di ba? Please, gusto kong mapag-isa. Please..” di na napigilan ni Maya ang kanyang mga luha na nag-uunahan sa pagdaloy sa kanyang mga pisngi. Tumayo na si Maya at tumakbo papasok sa kanyang kwarto.

Richard remained sitted on the couch feeling guilty and speechless. Gusto niyang puntahan si Maya at humingi ng tawad sa ginawa niya, lumuhod kung kinakailangan. He was blaming himself for repeating the mistakes he did long time ago. Ngayong nagsisimula na sana siyang humakbang papalapit sa babaeng mahal niya, tinutulak na naman niya ito palayo sa kanya ng di sinasadya.

 

 

 

 

A/N : Minsan talaga di mabuti magdala ng food sa condo😛😀

21 Comments (+add yours?)

  1. myrnavp
    Mar 02, 2014 @ 09:09:02

    ayun naman pala…dapat intindihin si Richard…matagal na palang na fall in love eh…kaso…mali ang ways nia pra mapalapit sia sa love nia…ang pagiging seloso nia nasasaktan nia si Maya…thanks miss Con and God bless…more pls?

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: